Kabanata 25
Kabanata 25
Pader
Help me.
That was Yuan's facial expression while off-shoot. Inirapan ko nalang dahil nagda-drama na naman. Ni-re-retouch lang naman ang makeup ngayong break pero nagagawa pang mag-inarte.
Zake goofed around with the stylist who was fixing his hair; the others were busy on their own. Si Ana Collins naman ay ni-re-reapplyan ng makeup. May binabasa ring script para sa susunod na segment ng interview ng kan'yang show.
A few moments more and the show aired again. Tapos na ang casual interview kaya may segment tungkol sa pagpapakita ng baby pictures.
The first picture to flash was Cloud's while the last was Yuan's.
Napuno ng 'awww' ang studio dahil nacutean sila sa picture ni Yuan. May yakap-yakap siyang carrot-shaped bolster habang umiiyak. Siguro ay naiinitan sa suot na rabbit onesie.
Sunod na picture ay iyong napipilitan siyang ngumiti.
"Yuan! Why are you crying in the picture? Hawak-hawak mo naman 'yung carrot, oh. Ang cute-cute mo r'yan."
Medyo mangha ang itsura ni Yuan habang nakatingin sa screen bago bahagyang natawa. May tumili na audience dahil do'n.
"Costume party yata. Di ko ga'nong tanda pero ayoko sa suot ko. Ang init."
"Ikaw ba ang namili sa suot mo?"
He nodded. "I had a pet rabbit when I was little. Pinangalanan kong—" He stopped and recovered in an instant, but his expression remained in my mind. "Hindi ko na tanda, but my pet rabbit died after a few weeks."
Nanatili ang tingin ko kay Yuan kahit na tapos na siya magsalita. Nakatanaw naman siya kay Zake dahil nagsasalita ito.
There was an unsettling emotion at the pit of my heart. Ang dahilan—alam ko ang ekspresyon na nasa mukha ni Yuan, iyong may naalalang masakit na memorya.
Or maybe I was thinking too much about it, I shouldn't care. Hindi por que hinayaan ko silang makaalam tungkol sa 'kin ay makiaalam na rin ako sa kanila.
Because it's invasive until they treat it as not.
The interview aired for another hour before it come to an end. Nang matapos, nagpalakpakan ang mga tao. Nakipag-picture pa sa banda pati na rin kay Ana Collins.
Dumiretso na ako sa backstage pagkatapos ng lahat ng 'yon. Iniligpit ko ang gamit at ni-replyan ang mga messages mula sa katrabaho at sa mga heads. Nag-note rin ako na mag-re-research ako ng ipi-pitch na news kinabukasan.
I stopped what I was doing when my name was called. "Yes?"
It was one of the band's staff.
"Pinatatawag po kayo sa dressing room ng STATION."
"Ngayon na?"
"Opo."
I sighed and fixed my things. "Okay, susunod nalang ako."
Pagkatapos magligpit ng gamit ay dumiretso ako sa dressing room ng banda. Napatigil nga lang pagkabukas ng pinto dahil sobrang lamig sa kwarto.
Yuan was sitting on his chair while facing my direction. Zake faced Yuan; his back turned to me. Hindi pa sila nakapagpapalit ng damit mula sa interview kanina.
"...at tsaka, hindi pwede 'yon, Yuan. Ang creepy ng nanay m—"
"Tana."
Napalingon si Zake nang tawagin ako ni Yuan. Nanigas naman ako sa pwesto.
I interrupted something important; I hated how it made me feel.
Mabilis man magbago ng emosyon si Zake—prustrasyon na siyang nakita ko sa repleksyon sa salamin—pero nakita ko pa rin sa unang tingin. Umakto nalang akong walang narinig.
"Zake, pinatatawag ka ni sir," singit ng isang staff.
Zake gave one last look to his friend, then gave me a smile, before he followed the staff. Naamoy ko ang pabango niya nang napadaan sa tabi ko—matapang ngunit hindi masakit sa ilong.
I was still holding the doorknob when Yuan stood up. He was wearing a straight face when he gestured for me to get inside.
Napunta ang tingin ko sa ceiling aircon dahil doon nanggagaling ang malamig na hangin. Napansin ni Yuan kaya sinundan niya ang tingin ko.
"Giniginaw ka?"
"Hindi ba obvious?"
He rose his brow. "Wala ka nang magagawa."
I rolled my eyes and went inside the dressing room. Wala naman sigurong problema kung maiiwan kaming dalawa rito.
"Where are your bandmates?" I asked, my effort to remove the silence in the air. Masyado akong naririndi, naaaligaga kung pakikinggan ko rin ang paghinga naming dalawa.
"Basta."
"Ikaw ang nagpatawag sa 'kin?" Niyakap ko ang sarili ko dahil nalalamigan.
He gave me a look that said duh.
But I was in no mood to banter with him, so I let it pass. Nakasanayan ko namang reaksyon ang pag-irap at pag-ikot ng mata kaya wala na akong magagawa ro'n.
"Bakit?"
Dahan-dahan niyang inilabas ang wallet bago tumingin sa 'kin... nahihiya?
Napakunot ang noo ko. Baka namalikmata lang ako.
"May ipakikita ako sa 'yo," he said and urged me to come closer.
I took a few steps forward but maintained a certain distance.
Napunta ang tingin ko sa wallet na hawak-hawak niya. "Bibigyan mo ba 'ko ng pera?"
"No."
"Tseke?"
"Hindi."
"So, ano ang ibibigay mo sa 'kin?"
I studied his face for a moment.
Right, he wasn't shy. As if the weird glint in his eyes and a movement in his face said that he was shy. Alam ko namang mas pipiliin pa niyang kumain ng ayaw niya kaysa amining nahihiya siya.
"Yuan?" I called him but he just stared at me.
Kulang ba sa tulog ang taong 'to?
"Lumapit ka muna," pag-uutos niya.
Nagtataka akong lumapit, ilang hakbang mula sa kan'ya. Hindi siya nakuntento at hinila ako sa gilid, pinaaamoy sa 'kin ang pabangong bumalot sa katawan.
Yuan's warmth was too much; this was too close.
Bahagya akong lumayo ngunit sinamaan niya ako ng tingin. Napilitan tuloy akong lumapit pabalik.
I bit the inside of my cheek when suddenly reminded of the time we spent at my unit.
Ano namang problema? Magkaibigan lang naman kami. Nagyayakapan ang magkaibigan.
But do they kiss?
Stop.
"Ayaw mo bang ipakita sa 'kin?" bwisit kong tanong sa kan'ya dahil sa paraan ng pagkabubukas ng wallet.
His slim and slender fingers guarded his black wallet. His hand was also veiny. Hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang bracelet na suot niya.
It was a compass charm, and the arrow was pointing to the north.
Nasisilip ko na may baby picture at ilang credit card sa loob. Ngunit sa anggulong ipinakikita, parang ayaw ipasilip sa 'kin ang laman.
Nakaramdam ako ng pagkabwisit.
"Ayaw mo talagang ipakita sa 'kin," pagrereklamo ko habang inilapit nang bahagya ang ulo.
He groaned that's why I peeked at him. Hindi ko alam kung nakasimangot siya o karaniwang ekspresyon lang ng mukha. Basta nakatingin siya sa 'kin bago mag-iwas ng tingin, ibinabalik sa wallet na hawak.
I looked away and stared at the baby picture. I'm not good in estimating the age of babies. Siguro, mga mag-iisang taong gulang? May buhok na, mahaba ang pilikmata, bilugan ang mukha, at ang taba-taba ng pisngi.
Ibang-iba sa litrato ni Yuan na finlash kanina sa screen.
Baka naman ibang litrato 'to?
"Sino 'yan?" pagtatanong ko, sinusubukang ituon ang atensyon sa litrato.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Mas gusto ko pa yata iyong lumalayo-layo siya sa 'kin para hindi ako mahirapan nang ganito.
"Was this you when you were young?" pagtatanong ko nang hindi siya umimik.
He stiffened. "Oo."
Ipinalipat-lipat ko ang tingin sa kan'ya pabalik sa picture. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ang nasa isip.
My curiosity fought through it.
"Really? Ikaw 'yan?" He nodded. "You looked different."
"Pinagsasabi mo r'yan? Anong kakaiba?" kunot-noo niyang tanong.
The baby's eyes in this picture weren't even his. Hindi ba niya nakikita 'yon?
"Sa mata."
He raised his brow and then clenched his jaw. "Pwedeng magbago ang eye shape, Tana."
"But they don't drastically change. There's still a resemblance, but this..."
"Whatever. Matakaw lang ako r'yan." He rolled his eyes, offended by what I said.
But it was the truth.
Hindi bilugan ang mata ng finlash na baby picture kanina—medyo singkit iyon. Sa unang tingin pa lang ay halatang siya iyon. That's why I doubt that the picture that he's showing right now was him.
Ibang bata 'to.
"I think you got the wrong baby picture."
"Do you think I'm lying?"
My tone wasn't even invasive, but his tone felt like it.
Na-offend ko si Yuan.
May natamaan akong bagay.
Bumigat ang dibdib ko nang magtama kami ng tingin
Then I realized—I can't do this.
Masyadong mabigat ang titig niya, ang presensiya niya, at ang lahat-lahat ng bagay na dala niya. Dumating sa punto na pati ang pag-analisa kung katotohanan ba ang sinasabi niya o hindi ay napakahirap.
Kaya kong makipagtitigan nang medyo malayo, pero hindi ganito kalapit. Iyong isang tulak ay masusubsob ako sa mukha niya.
But why search for the truth when I wasn't the best person for it?
Such a hypocrite, Tana. Ni wala ka nang experience tungkol sa bagay na 'yon.
"Ako 'yung bata, Tana."
Sinubukan kong labanan ang tingin niya.
Baka nagkamali lang ako ng tantiya sa kakayahan niya kanina.
Baka kaya ko naman talagang tapatan ang mabibigat niyang mata.
Pero mali pa rin ako.
At may nagbago na naman sa dibdib ko.
Nag-iwas ako ng tingin at pinaningkitan ang litrato, sunod ay itinagilid ang ulo, iniisip kung saan nakita ang mukha ng babae.
Mariin kong inisip, napalalapit sa inaalala.
Nawala nga lang dahil napunta ang tingin ko kay Yuan na siyang nakatitig sa 'kin.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Why was he staring?
I sighed. "Kamata mo 'yung... bata," I lied.
"Kamukha siya ni Ma—" He stopped talking.
Siya?
Bahagyang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa paligid bago mariing itinikom ang bibig.
Mama?
No, Tana. Stop.
Huwag mong busisiin. Wala kang karapatan para gawin 'yon.
Boundaries, Tana. Boundaries.
Palihim akong humugot ng hininga. I could feel confusion all over my body, but until it was the right time to talk about it, I wouldn't speak of it.
"Why did you show this to me?"
Gustohin ko mang tagpuin ang mata niya—subuking hanapin ang katotohanan sa loob ng 'yon—hindi ko magawa-gawa.
Bakit?
Kasi wala akong katotohanan para sa sarili.
"What do you think, Thomasina?" His tone was suggestive, but I don't know what he was implying.
Pasimple akong umatras. Hindi naman siya gumawa ng paraan para ibalik ako sa pwesto pero pinalitan niya ng mabibigat ng tingin.
What was wrong with him? Bakit gan'yan siya makatingin? Sobra akong naaapektuhan! Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa dibdib.
He was silent. I was, too. But I knew that there was a turmoil inside my heart. Kung kailan namuo—hindi ko pa alam, ngunit alam kong si Yuan ang dahilan no'n.
I hid my hand and clenched it to regain a bit of comfort. But his stares were too much; it unnerved me to the point of awareness that a part of me was slowly crumbling.
I don't like that. I don't want that. Ako lang dapat ang nasa loob ng mga bagay na 'to. Hindi ako papayag na may makapasok.
"Yuan, can you stop?" medyo kabado kong tanong. Mabuti nalang at hindi niya nahalata ang bahagyang panginginig ng boses ko.
"Stop what?" He took a step forward, his face a little dark, and his voice a bit deeper.
I sucked a deep breath to calm myself, but I inhaled his vanilla perfume. Halos matapisod na ako sa isang upuan kung hindi lang ako napahawak sa lamesa.
Mariin niyang sinuyod ng tingin ang mukha ko, nanunuya at nangangalkula. Nagdala ng kaba at katahimikan sa paligid bago pumirmi sa mata ko, ipinararating na ito ang bigat na dala niya.
"Your walls are too high," pangongompronta niya sa 'kin.
Ang pagtingin—ipinamumukha na alam niya ako, na mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko. Ipinaaalam na Tana, masyado ka nang maraming ipinaaalam sa 'kin. Alam mo ba 'yon?
I hate it. I hate how he made me feel. I hate how he addressed it, and I had never felt so naked.
I couldn't move. I knew I had to speak even if he was too much, because if I didn't, then it meant that he was correct. That he found out the truth about me, and I haven't yet that's why I was shocked.
Mas nauna pa silang makahanap ng katotohanan ko kaysa sa 'kin?
"What do you mean walls?" I asked, but I knew exactly what he meant.
His jaw ticked. "Ayaw mo sa katotohanan, ano?"
I couldn't speak.
I want to get out, but I shouldn't expose my panic.
Itatago ko nang itago hanggang sa walang makapansin, pero hindi dapat 'to pinansin ni Yuan. Hindi niya dapat ipaalam sa 'kin na napapansin niya!
What did I do wrong? When did I expose myself like this?
But if I was being true to myself, which was a rare occurrence, he was right. I won't admit it in front of him, not when I'm risking too much, and I have nothing to gain.
Ayoko sa katotohanan. Natatakot ako na iyon ang makapagdidikta sa mga sunod kong galaw. Kasi kapag mayroon nang kumpirmasyon, mahihirapang tanggapin, mas lalong masasaktan.
Katulad ng nangyari sa sitwasyon ni Mama.
Or, sure, my fear in searching for the personal truth was from that.
I don't like dead ends, especially if there is no other path but to stay there.
And I knew that my lack of an answer was a reply to his hunch.
"Aren't we friends?" pahabol niya, umiismid sa padulo. Narinig ko pa ang panunuya.
Speak, Tana. Reply! You got this under control.
"Business partners," I stated.
Bakas sa mukha niya ang kaalamang hindi ko siya pinapasok. Nakatatakot lang na alam niya kung paano 'yon.
Malalim na kunot ang noo at labi na nakapirmi sa isang linya. Matalim din ang tingin, punong-puno ng hinanakit bago itago sa likod ng nakasanayang bitbit—cold and neutral.
I won't let you in, Yuan.
Unti-unti nang kumakalma ang paghinga ko. Lumalamig na rin ang ulo ko, hindi katulad kanina na halos hindi na makapag-isip nang matino.
I won't put myself in that same situation again.
Masyadong nanghuhubad. Masyadong nakapaninira. Masyadong nangingilala. Iyon din ang dahilang kung bakit hinding-hindi ako manghihimasok kahit na gustong-gusto kong magtanong.
There was silence again.
It was fine for me, I'm not sure if it was for him.
So, I made a noise.
"Yuan," I called—an effort to distract myself from the brewing emotion in my heart.
But all it ever did was intensify the weird feeling.
Lumalakas din ang tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan kung bakit.
I thought I was calming down.
But just the mere mention of his name...
"Ano?" He was still standing in front of me that's why he went back to his seat. Nagkunwari nalang siyang may kinakalikot sa makeup table.
Good.
Pero nagsusungit na naman siya.
Hinigpitan ko ang kapit sa upuan.
"I'm going to start researching a documentary project," I started.
Bakit ko kay Yuan sinasabi? Hindi ko alam, pero baka dahil parte siya ng nakaraan ko no'n.
Why do you have to involve him in this, Tana?
Itinagilid ko ang ulo bago humugot ng malalim na hininga. Inihahanda ko ang sarili dahil kapag binanggit ko sa kan'ya ang bagay na 'to, ibig sabihin, iyon na ang sisimulan ko.
It would be a burden to me since I will invest a lot of emotions in this, but this will redeem me. It should redeem me. Hindi pwedeng hindi.
"The missing person suggestion that you said... It's interesting. Nabigyan din ako ng go-signal do'n."
He stopped. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakatalikod siya sa 'kin. Hindi rin kita ang repleksyon niya sa salamin.
"Yuan?"
Napalingon siya sa 'kin, may kakaibang emosyon ang mata. "What is it, again?"
He was clenching his jaw real hard.
"The missing person one... for my documentary. Do you know any cold cases? Mga sikat na personalidad, mga simpleng tao, o mga taong pinagkaitan ng hustisya... I need their consent first before I could start with something."
"Nakapagsimula ka na."
Kumunot ang noo ko. "I don't get what you're talking about."
He rolled his eyes at me. "Just search it, Thomasina. The internet is wide."
"I know, that's why I'm asking you. Wala ka ba talagang ideya kung saan—"
"She's around eighteen, I don't know. 'Di ko na tanda. Nadaanan ko lang sa internet."
For him to know the age...
"Do you have a name?"
Nagtagal ang tingin niya sa 'kin, hindi makaimik. Sa bawat segundong dumadaan, unti-unting nakukumpirma ang nasa isip ko.
Napalunok siya bago mariing umiling. "No. Just go, Tana. Maghanap ka nalang sa internet."
I almost scoffed, but I knew better.
That's why I left without saying anything.
He has a name in mind.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro