Kabanata 18
Kabanata 18
Interview
Nakasimangot ako nang maupo sa isang puting garden chair. Ipinatong ko naman ang baso sa katabing lamesa. Parehong metal ang mga gamit ngunit wala pang kalawang. Siguro ay bagong bili o di kaya'y hindi gaanong babad sa araw.
Binuklat ko ang pinaglalagyan ng interview questions bago ngumiwi nang mabasa ulit ang laman.
Ayokong magtunong nanghihimasok. Kung tutuusin, ayokong manghimasok lalo na kung napaka-personal na bagay. Pero trabaho ko 'to kaya wala akong magagawa.
Nakabubwisit nga lang na si Yuan ang iinterviewhin ko.
Tumambay ako sa pwesto nang isang oras. Nakatanggap na rin ako ng mensahe na kailangan ko nang maghanda dahil malapit na raw matapos sina Yuan.
With a little groan, I stood up and fixed my things. Inilagay ko sa katsa bag ang mga gamit bago bitbitin sa kamay ang tumbler at pinag-inuman.
Bumalik ako sa pantry upang magtapon ng inumin at kumuha ng tubig. Naghintay pa ako ng ilang sandali dahil may nakapwesto rin sa water jug.
Hahakbang na sana ako pero narinig ko ang boses ni Yuan.
"Tapos ka na?"
Umirap ako at umabante nang umalis ang tao sa tubigan. Hindi ko pinansin ang nasa likod ko, umaakto na walang narinig. Abala lang sa pag-re-refill ng tubig.
"Tapos ka na uminom ng lumot?"
Inilapag ko ang tumbler sa lamesa, takot na maibato sa kan'ya ang hawak ko. It's metal, it's heavy, and it's expensive. Hindi ko sasayangin ang gamit ko sa kan'ya kahit na gustong-gusto kong gawin.
Pumihit ako paharap upang irapan siya.
Bumungad sa 'kin ang bahagyang nakatagilid niyang ulo pati na rin ang nakakunot na noo. Nagtataka yata na harap-harapan ko siyang inirapan.
"Lumot?" I asked—confused and annoyed. He was wearing the same attire.
When he realized that I responded, he smirked.
"'Yung iniinom mo kanina. Kulang sa iron."
I rose my brow. "It's matcha latte. At paanong kulang sa iron?"
He shrugged. "Ewan. Maputla."
Sinimangutan ko siya. Dinaanan lang niya ako ng tingin bago magkibitbalikat. Bahagya pa akong minata nang makitang "hinaharangan" ko ang lalagyan ng paper cup na medyo katabi ng tubigan.
Nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kan'ya, minata niya ako—bakit nakatayo ka pa sa harap ng water jug kung tapos ka nang kumuha?
Ano ba ang problema nito sa 'kin?
"Gilid ka."
I wasn't covering the whole space left for the paper cups. In fact, I occupied an eighth of it! Pero sa liit na 'yon, maaari pa rin siyang makakuha, ibanat lang niya ang braso niya. Tapos ngayon, umaakto siyang hinaharangan ko ang lahat ng pwesto para sa paper cup?!
"Hindi mo ba kayang banatin ang kamay mo?" naiinis kong tanong. Gusto kong gumilid para tapusin na ang pagtatalo, pero ayokong umatras.
My pride wants to win this.
Kaasar.
"Iabot mo nalang sa 'kin 'yung baso," demanda niya.
"Nambubwisit ka ba?"
"Mukha ba 'kong nagpapa-cute sa 'yo?" tanong niya, nakataas ang kilay.
Hinigpitan ko ang hawak sa tumbler na nakapatong sa lamesa. Ayokong bitbitin dahil baka tuluyan ko nang maihampas sa kan'ya.
Bwisit na bwisit, gumilid ako habang iginagalaw din ang tumbler. Tahimik naman siyang kumuha sa tubigan. Nang umiinom, minata ang tumbler ko na nasa gilid, bago ibinalik ang tingin sa 'kin. Inulit niya nang dalawang beses bago ako irapan.
When he was done, he crumpled the paper cup and threw it in a nearby trash bin. "Tara na. Interviewhin mo na 'ko."
Humigpit ang hawak ko sa tumbler, tinititigan lang siya. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko matantiya ang inis ko.
Bakit ba irap siya nang irap sa 'kin? Wala naman akong atraso sa kan'ya. Wala akong inagaw sa kan'ya. Ni wala nga akong ginawang masama sa kan'ya!
Humakbang siya. Sinulyapan ulit ako nang makitang hindi ako gumagalaw mula sa pwesto.
He crossed his arms. "Iinterviewhin mo ba ako o hindi?"
"Tapos ka na ba sa photoshoot?" Napunta ang tingin ko sa staff na kukuha yata ng tubig pero nahiya dahil nakita kami.
He rolled his eyes and extended his arms outward, a gesture to show that he was there. "Di ba obvious?"
I refrained myself to roll my eyes. May staff kasi sa gilid, baka sabihing nagmamaladita ako.
Binitbit ko ang tumbler at iniwan si Yuan. Dumiretso ako sa lugar na sinasabi ni Kuya John para masimulan na ang pag-interview. Nang makarating ako ro'n, napansin kong nakasunod pala sa 'kin si Yuan.
I sighed. Of course! Iinterviewhin ko siya, s'yempre, kailangan ko siyang dalhin sa lugar kung saan isasagawa ang shoot.
Yuan, acting like the "professional" person that he was, extended his hand for a handshake. Nagpakilala siya sa team at nakipag-usap saglit. Dinismiss din kaagad dahil mag-se-setup na raw.
"Nakausap ko na si Sir Franz, may area daw sa loob kaya ro'n kami mag-se-setup. Medyo mahangin kasi rito kaya baka di maging klaro 'yung audio," paalam ni Kuya John bago umalis.
Susunod na sana ako sa kanila pero pinigilan ako ni Yuan, hinahawakan ako sa pulsuhan.
"Ano?" I snapped.
He stared at me for a while. Napakurap nang hipan ng malakas na hangin ang ilang hibla ng buhok niya, natutusok ang mata niya. "Ano susuotin ko?"
Ngumiwi ako. "I'm not your stylist."
"O tapos?"
Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. He kept his passive face as if it wasn't a worthless question at all.
Hindi naman ako assigned sa styling niya kaya bakit niya ako tinatanong dito?
"I'm not your manager."
"Alam ko."
"I'm not your stylist, either."
He nodded with a hum.
"Kaya bakit ka sa 'kin nagtatanong?" Kunot na kunot na ang noo ko pero siya, kalma pa rin ang ekspresyon ng mukha!
"Baka magalit ka sa susuotin ko."
Napaawang ang bibig ko. I really couldn't take listening to his antics anymore. Sumasakit ang ulo ko!
I scoffed. "Bakit ako magagalit? I'm not your mother nor your girlfriend to tell you what you should or should not wear."
His eyes darkened, then his jaw clenched.
Mabilis niyang binitiwan ang hawak sa 'kin at nag-iwas ng tingin bago nagpakawala ng malalim na hininga. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa 'kin, nagdidilim pa rin ang mata.
"I'll just ask them instead."
Then, he stormed off in anger.
Hindi na ako nagtaka pa sa pagbabago ng mood niya. He can change it all through out and I won't care, but he shouldn't bother me with it. Pati ako naaapektuhan!
Naiiling akong dumiretso sa direksyon na pinuntahan nina Kuya John. Medyo malayo sa garden area dahil papunta sa loob ng kastilyo.
Nang makarating sa loob, bumungad sa 'kin ang mga tuklap na pintura at wallpaper. Hindi siya pangit tingnan dahil sakto lang sa kabuoang itsura ng lote. Bahagya nga lang akong nag-aalala sa kahoy na sahig.
They were creaking. I don't know if it was normal. Hindi naman siguro ito bibigay agad?
There was not much extravagant furniture inside. Some basic ones—couches, tables, chairs, some decorations, and a few lighting fixtures. It was bearable, but not recommended to live in. Enough as a photoshoot venue.
"Buti may nakita kayong maayos na lugar, kuya," saad ko, ang boses ay bahagyang umalingawngaw. Medyo malaki ang kastilyo, magandang lugar para sa interview dahil sobrang tahimik, minsan nga lang ay nakabibingi.
"Ah, oo. Tinuro sa 'min ng caretaker."
I nodded and let them be with their thing. I re-checked the interview questions and my phone to see if there were any new e-mails or follow-ups.
Tinanong ko na rin si Ma'am Ana kanina kung may ipadadagdag o requests siya. Nakasagot naman agad at sinabing wala na.
"'Di ka mag-a-appear sa camera, 'no? Si Sir Yuan lang ang makikita natin?" pangungumpirma ni Kuya John habang tinutulungan ang isang crew sa pag-aayos ng ilaw.
"As per Ma'am Ana's order, gano'n nga po, kuya."
Naka-setup na rin ang upuan sa gitna. Si Yuan na lang ang hinihintay. Sa likod naman ako ng camera uupo, magandang lugar para sa pag-iinterview.
When I heard footsteps, I thought it was Yuan. Iyong assistant pala nila na nagsasabi ng balitang: "Pinapupunta po kayo ro'n ni Sir Yuan. May itatanong po yata."
Magrereklamo pa sana ako, pero ayoko nang patagalin pa kaya sumunod nalang ako. Nagpaalam ako kina Kuya John bago sundan ang assistant patungo sa tent.
Humampas agad sa 'kin ang hangin mula sa puting standing airconditioner pagkapasok ko sa loob.
Yuan sat in front of his vanity mirror, face devoid of any emotion as he stared at his reflection. Napunta lang ang tingin sa 'kin nang makita ako sa likod niya.
I waited for the assistant to leave before I spoke. "What?" pabalang kong tanong.
"Where are the interview questions?"
I took a step forward, my hand clenched on the clipboard. "I forwarded it to your management after the meeting yesterday."
"Nawala ko 'yung printed copy."
Nagtitimpi kong tiningnan ang oras sa relo sa pulsuhan.
I sighed. "I don't get your point."
"Hindi naman 'to Cartesian plane para maghanap ka ng point."
Naningkit ang mata ko, iritable. Hindi ko na mabilang ang beses na nakaramdam ako ng inis, bwisit, at irita sa araw na 'to.
"Nauubos ang oras ko sa pag-iinterview sa 'yo," I said, annoyed. Aside from the fact that he's acting like a spoiled brat, he was unprofessional and not punctual.
He shrugged. "Binebenta ka na ng station niyo."
Napairap ako.
"Asan interview questions mo?"
I secretly gnawed the bottom of my lip. Pansin na niya ang bwisit kong reaksyon base sa repleksyon ko sa salamin. Sa mga bagay na 'yon, kalmado pa rin siya!
Iritable kong iniabot sa kan'ya ang listahan ng tanong. Napunta agad ang tingin niya ro'n, pagkatapos ay napataas ang kilay. Nag-iwas ng tingin, may hinahanap sa lamesa. Nang makita, binuksan ang pulang ballpen at minarkahan ang lahat ng tanong.
Sinulyapan ako sa salamin at nilingon na ako, iniaabot ang clipboard. "Wala ka bang ibang tanong bukod d'yan? 'Yoko ng scripted."
This spawn of...
"These are my only set of questions given by the host. She should be the one interviewing you, pero dahil sa kaartehan mo—"
"Wala ka bang tanong sa 'kin?"
Kinunotan ko siya ng noo. "Ano naman ang itatanong ko sa 'yo?"
"Na kung bakit hindi na kita kinausap noong Grade 9 tayo tapos ini-snob na kita noong Grade 10."
Oh. Wow.
What was he spewing now?
Napairap ako. "What are you? Elementary?"
He looked away and tsk-ed.
"Kung ikaw, pinoproblema mo pa. Ako, hindi. I understand your decision on not speaking with me, even if I want to ask why. Pero hindi kita kinulit do'n noon at hindi rin kita kukulitin ngayon. It's been years, Yuan. Wala na sa 'kin 'yon."
I could see a sliver of emotion in his eyes. It was brief, but I knew that he was offended.
"Sa 'yo, wala. Sa 'kin, meron." Umigting ang panga niya. "Tana, ayaw mo bang marinig kung ano ang nangyari?"
What in the...
Hindi madadaan sa drama ang inis ko ngayon. Ano ba ang pumasok sa isip nito?
I gave him a sarcastic smile. "Mukha bang may oras ako para rito ngayon? Really?" I sucked a deep breath. "Can you, for once, stop being personal and act professional? Gan'to ba ang ugali mo tuwing may photoshoots—very unpunctual and unprofessional? Ang pangit mong katrabaho."
Tumalim ang tingin niya sa 'kin. Binalewala ko 'yon at umalis mula sa tent.
Bumalik ako sa set, hindi pinoproblema kung ano ang ekspresyon ng mukha ko dahil wala namang bago—palagi namang galit, katulad ng sinasabi nila. Pero sina Kuya John, napansin yata na iba ang bwisit ko dahil kunot na kunot ang noo ko.
"O, Miss Tamara?"
"Wait lang po, kuya," saad ko, sinusubukang pakalmahin ang boses dahil nagtitimpi na ako sa galit.
Nagpunta ako sa gilid, ipinikit ang mata, at huminga nang malalalim.
I composed myself and tried not to let the emotions get the worst out of me. I should always be calm, cool, collected, composed, and professional.
Mayamaya pa ay kumalma na ang emosyon ko.
I blinked to dissolve the attempt of tears to escape. Lipas na ang prustrasyon ko, tama na muna.
A few minutes more and Yuan arrived. I didn't smile nor greeted him to acknowledge his presence.
Dumiretso nalang ako sa pwesto ko—kaharap niya, pero nasa likod ako ng camera. Iyon ang napag-usapang setup ng interview. Magkaroroon nalang ng separate shoot si Ma'am Ana na binabanggit ang tanong ko para magmukhang siya ang kausap ni Yuan.
I flipped through my clipboard as we waited for Yuan to settle on his seat. Inaasikaso siya ng stylists at ng ilang staff.
Lumapit sa kan'ya si Sir Franz at bumulong, siguro ay sinesermonan. Si Yuan naman ay may sinabi yatang mahalaga kaya tumango ang manager niya.
Yuan wore a white shirt, a black coat, black slacks, and a pair of black loafers with a gold buckle on top. His hairstyle was brushed off—it was a little messy but retained some of its structure. On his wrist is a watch and a bracelet that I saw before. Hindi ko pa rin mamukhaan kung ano ang charm na nakalawit.
"Mic test," panimula ni Yuan habang nakatanaw sa gilid ko. Nag-thumbs up ang staff na nakaatas sa sounds. Nang makumpirma niya ay ibinalik niya ang tingin sa 'kin.
I rose my brow to question his weird stare. Hindi iyon tingin na parang nanghihingi ng go signal, kun'di tingin na may pinahihiwatig.
"Settled na ang lahat?" tanong ni Kuya John. Nang um-oo ang lahat, ni-roll na niya ang camera.
Yuan stared at the camera and introduced himself first. "Hello, I'm Yuan Montillano, STATION's vocalist."
There was dead silence before I could start.
"So, Yuan, kumusta ka ngayon?"
"I'm fine."
I took a quick glance from the sheet. "Ano ang pinagkakaabalahan mo bukod sa pagbabanda? Do you have any new hobbies lately? Likes and dislikes..."
He crossed his legs and clasped his hands. "My hobbies are related to the band—I can't get that out. Songwriting, random lyrics in my head, poetry... I draw to poetry-making lately."
"Oh, poetry-making. That sounds great! Can you give us an example of any line or stanza sa poetry na ginagawa mo? Would that be possible?"
He smiled a little. Hindi ko alam kung kumintab din ang mata. Baka dala lang siguro ng studio lights.
"Honestly, I can't. Wala akong kabisadong linya. Besides, it comes like an inspiration; I can't force it. It's hard to focus especially if it's in front of you."
I tilted my head. "In front of you?"
"The last word," he casually said, his voice clean and soothing to the ears.
I smiled a little and tried to converse in a friendly manner. Na-"training" na ako ni Eli rito.
Change the topic.
"So, you say, inspiration... ano 'yung mga usual na bagay na nag-iinspire sa 'yo?"
He rose both of his brows. Bahagya tuloy nagliwanag ang mukha niya. "Hm... nature? Love... peacefulness and silence. Yeah, silence. Mas maraming inspiration kung tahimik ang paligid."
"Where do you usually get them? Sa band studio niyo or your personal space?"
"Mostly, in my personal space. It's chill and comfortable. Walang mang-iistorbo. I'm on my own. Hawak ko oras ko. Kontrolado ko rin ang paligid."
I nodded. "So, you hate it when people disturb you especially when you're brainstorming?"
"But if it's you, it's fine." He shrugged with a boastful look on his face.
Ayokong "pumatol", pero kailangan kong ipagpatuloy ang daloy ng tanong.
"I'm disturbing you right now."
"As what I've said—if it's you, I'm fine. I'm comfortable."
Kunot-noo ko siyang tiningnan. I think this was still a part of the interview.
"Comfortable? How? Do you easily find comfort in other people?"
"No, mahirap mag-open up."
"But... why are you..."
"Easy, it's you."
Umismid ako habang umiiling-iling. Itinuon ko nalang ang tingin sa clipboard para tingnan ang mga tanong.
"Anyway, it says here that every people have their own type of happiness. 'Yung iba, happiness sa gamit—material things. 'Yung iba naman, 'yung memories ang nakapagpapasaya sa kanila. Meron din 'yung mga tao na kuntento na kapag na-overcome nila 'yung hurdle sa hobby nila. S'yempre marami pang ibang uri, pero tingin mo, saan ka kabilang? Is it about your passion or..."
"Passion is a given, palagi naman akong napasasaya no'n. Pero may iba pa."
"Oh, then what is it? Memories? Material things?"
"Memories. Summer before Grade Seven."
Summer...
"Can you give us an overview of this memory?"
His eyes lit up a little. "Archery."
"Ar— oh..." Hindi ko naitago ang emosyon ko. He wasn't referring to the archery encounter that we had, right? "Naging champion ka ba, nakasama ka ba sa archery-related event, nakita mo ba ang crush mo?"
I cringed at my previous statements. Naiiba na nga ang tono ko pati na rin ang paraan ng pagtatanong, masyado pa akong nanghihimasok.
Miss Ana lives like this? Hindi ko kaya 'to.
"Secret," he grinned.
I let out a shaky chuckle and tried to continue. "So, kung meron tayong happiest moments, meron tayong most devastating moment. Can you share what part of your life was it?"
"Grade Nine."
I blinked, but he continued to stare at me. If it was my hallucination that he was pleading, then it's none of my concern. Hindi ko na dapat problemahin pa. Hindi ko na rin dapat tanungin pa.
Hindi na rin nito kailangan ng follow-up question. Personal na masyado. Kailangan ko nang palagpasin dahil may kumakalkal sa dibdib ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at sinubukang alisin sa isip ang sinabi niya.
It's nothing, Tana. It's nothing.
"Oh, so, G-Grade Nine. I won't expound on it." Muntik na akong pumiyok.
I knew it triggered something in me, but I had to put up a strong façade. It's not the right time to breakdown.
I asked a few more questions before we wrapped up the interview. Marami nang makukuhang content si Ma'am Ana kaya madali nang makahanap ng anggulo. Kung ano-ano na rin ang naitanong ko kaya sapat na 'to.
But, of course, I didn't dive into the personal and invasive questions. Kahit na may mga ipinahihiwatig si Yuan sa mga sagot niya, hindi ko pa rin tinatanong. Wala rin naman 'yon sa list of questions.
We exchanged thanks before we bid goodbye to each other. Nakipagkamay rin ako sa mga staffs bago nagpasalamat kay Sir Franz sa pagpayag sa interview. Nagpasalamat din siya sa 'min dahil "natiis ang kaartehan" ni Yuan.
In the end, we were "in debt" with each other's graces.
Parehong panalo, parehong pinaunlakan ang isa't isa.
Nagtama ang tingin namin ni Yuan—aksidente ko siyang tiningnan pero kanina pa yata siya nakatingin sa 'kin. Hawak-hawak niya ang lapel at naglalakad papalapit sa 'kin habang kausap ko pa ang manager niya.
"O, Yuan?" takang tanong ni Sir Franz.
"Lapel," he said.
"O, e 'di tanggalin mo. Madalas naman kayong naka-lapel, ah?"
"Baka masira." He faced me and gave me a look. "Pakitanggal."
Give me a break.
I almost raised my brow at him, but I refrained myself. Ilang beses ko na 'yon ginawa ngayong araw, hindi ko na mabilang-bilang. Ibig sabihin, ilang beses na rin ang mga "hindi maipaliwanag" na gawain niya.
Sighing, I went behind and helped him remove the lapel. Naka-clip pa sa pantalon sa likod na siyang kinakapa niya. Pasimple kong tinampal ang kamay niya dahil sa inis.
Akala ko ba ayaw niyang makasira? Bakit kalikot nang kalikot sa device?
I successfully removed the lapel from his back and turned around to get the mic. Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng kilay ko.
Do I really have to remove it from his chest? Ano ba ang pakana nito?
"Mic, please," saad ko, nakalahad ang kamay.
He gave me a stare before he unwillingly placed the lavalier on my palms. I stepped sideward to let him move and go to wherever he wanted. Hindi yata nakuha ang ipinahihiwatig ko dahil hinabol lang niya ako ng tingin.
Tsaka lang siya gumalaw nang magsalita si Sir Franz. "Yuan, pack up na."
Umalis na ako sa pwesto at tinulungang mag-pack up ang staff. Nang matapos ay bumaba sa S&T Records dahil nando'n ang sasakyan ko.
Pagkatapos kong kuhanin ang mga gamit ay nagpaalam na ako para pumunta sa sasakyan. Binuksan ko ang sasakyan at naglapag ng gamit sa loob. Pagkasara, napatalon sa gulat dahil may nakatayo sa gilid ko.
That vanilla scent...
I rolled my eyes at him and crossed my arms. "What?"
He rose both of his hands that carried a plastic bag. Ang tatak sa lalagyan ay pamilyar na pamilyar sa 'kin. Palagi akong bumibili ro'n.
A paper bag from my favorite matcha café.
"Ano 'yan?" tanong ko kahit alam ko kung ano ang sagot.
"Peace offering."
Hindi ko pala alam ang sagot. Akala ko ay mamimilosopo na naman.
Tinitigan ko ang hawak niya, hindi alam ang gagawin. Nairita ko yata.
"Ayaw mo, e 'di kakainin k—"
"Ayaw mo n'yan."
"Sinabi ko bang gusto ko?"
Umirap ulit ako bago ibinalik ang tingin sa kan'ya. Isang beses lang pala siya hindi mamimilosopo.
"Sa 'yo 'yan."
I frowned. "I don't believe you." Nag-ikot ako ng tingin para makita kung may taong nakakalat.
Kapag na-picture-an 'tong si Yuan na may ginagawang kung ano-ano, ewan ko na lang. At ano ba ang ginagawa niya rito? Ipinamumukha sa 'kin na marunong siyang bumili sa binibilhan kong matcha café?
"Why are you here?"
"Bingi ka ba?" He rolled his eyes at me. I rose my brow at him. "Peace offering nga. Iyo 'to."
Muntik na niyang isupalpal sa 'kin ang hawak niya kung hindi ko lang hinawakan agad. For all I care, if there was a cake, then the icing would get around the packaging! Ayoko no'n, nakaiirita.
"Makikilala ka pa rin nila kahit naka-sumbrero ka."
"Sinabi ko bang hindi nila ako makikilala?"
God. I really can't stand this man. Ang pilosopo masyado! Nakabubuwisit kausapin.
"Hindi ka ba natatakot 'pag may nakakita sa 'yong nag-aabot sa 'kin nito?"
"Matatakot ako kung wala akong makita."
"Don't you have anything to do but to annoy me?" bwisit ko nang tanong. Hindi ko na talaga siya makayanan kaya tinaasan ko na ang boses ko!
"Kinda." He shrugged as he stared at me. Humampas na naman sa 'kin ang amoy vanilla na pabango niya. Mabuti nalang at hindi matapang sa ilong kun'di mapalalayas ko siya.
"You're a public figure."
"Ikaw rin," he answered in a matter-of-factly.
I rolled my eyes. "Wala ka bang schedule?"
"Meron."
"Then, go."
"Andito na 'ko."
Kinunotan ko siya ng noo. "Wala akong interview sa 'yo."
"Sa susunod, hindi lang interview."
"Hindi nalang ako papayag," sagot ko bago ipinasok sa sasakyan ang ibinigay niya sa 'kin.
It's matcha. Hindi ko tinatanggihan ang mga matcha-flavored drinks and food lalo na kung galing sa favorite kong café.
Pagkasara ng pinto ay umikot ako patungo sa driver's seat. Bubuksan ko na ang pinto pero nakita ko siyang nagkibit-balikat.
"Then, I'll get you fired and force you to work with me?"
I looked at him from the other side of the car. He stood there with his hands tucked inside his jeans. Suot na niya ulit ang damit bago ang shoot kanina. Kampanteng-kampante pa habang nakatanaw sa 'kin, hinahamon ako sa bagay na hindi ko alam.
Finding his words crazy, I shook my head and got inside my car. Ni-lock ko agad, takot na pumasok siya sa sasakyan at hindi bumaba. Hindi ko pa naman alam ang tumatakbo sa isipan nito.
I started the car. After a few seconds, I stepped on the gas pedal and put it on the reverse gear. Inaatras ko na ang sasakyan, nakatayo pa rin siya sa pwesto kanina. Nang ibinalik ko sa drive gear, tsaka lang siya nagtaas ng kamay, kunyari ay nagpapaalam.
Hindi ko na siya nakita nang makaalis na ako sa parking.
Hindi ko talaga siya maintindihan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro