Kabanata 14
Kabanata 14
Alala
When my alarm clock beeped, I didn't want to get up. Napatitig nalang ako sa kisame habang iniisip kung tama ba 'tong gagawin ko.
I had already prepared a set of questions that I would ask during the press conference. Kung may makapaparehong tanong mula sa reporter, lalagyan ko nalang ng linya para iba ang maitanong. Kung naitanong na ang lahat, hindi na ako magtatanong pa. Unless a follow-up question would pop up in my mind then I might go for it.
I sighed when I finished dressing up. I wore a simple white collared shirt with an embroidered logo of MLM News. Naka-tucked in iyon sa denim high waist pants habang rubber shoes naman ang sapatos. I chose Nike because it's easy to run around. Nabibigatan ako kung Adidas ang sapatos na gagamitin, hindi pa sanay ang paa ko.
Pagkakuha ng jacket sa damitan ay nag-drive na ako papunta sa station upang tagpuin si Mike. Binanggit pa niya ang paghaba ng buhok ko na siyang nagpaalala sa 'kin na magpagupit sa isang araw.
"Keeping the bob cut?" tanong niya bago buhayin ang makina ng news van.
"This is not bob cut. Ibang hairstyle 'yon."
"E ano tawag d'yan?"
I shrugged. "Basta pinagugupitan ko nalang."
Natawa siya at pinatakbo na ang sasakyan. Nang makarating sa venue ay napabuntonghininga ulit ako.
"Para kang courtside reporter sa getup mo," komento niya habang nagbababa ng gamit.
Inismiran ko nalang siya habang kinukuha rin ang gamit. Pagkatapos ay nagpunta sa conference room ng hotel na siyang lugar para sa press conference.
Pagkapasok pa lang ng malaking kwarto, bubungad na agad sa gitna ang pulang red carpet na patungo sa makeshift stage. May lamesa na nakapwesto roon na nakapatong ang mga pangalan ng banda, mikropono, at tubig. Sa likod naman ay ang logo nila na inulit nang ilang beses para mapuno ang background.
Hile-hilera naman ng upuan ang nakapwesto sa harapan. May nakaistasyon na ring mga camera mula sa iba't ibang news station. Pinapwesto ko kaagad si Mike para maganda ang makuhang anggulo mamaya.
While he was setting up the camera, he asked me for the briefing which was usual whenever we take shoots. I gave him the rundown of the event along with the list of my questions. Kukuha na rin daw siya ng videos para maging laman ng balita mamaya.
I shivered when I passed by a standing air conditioner. I realized that I forgot my jacket that's why I went back to my cameraman to get the van's key. Mabilis akong pumunta ro'n bago bumalik sa conference room. Nang makabalik, tahimik pa rin ang loob.
Kinondisyon ko ang sarili habang naghihintay. Binasa ko ang ibang tanong na itinama't binago pa ni Eli. Nakapag-cover na siya ng balita tungkol sa mga artista dati. She told me that some of my questions were too "political" considering that I was used to covering news that were not related in entertainment. I thanked her for the knowledge she gave me.
Huwag lang sanang maulit pa 'to. I don't think I could get used to this entertainment-type news.
A few minutes after, I heard a small commotion at the back. Nagsitayuan ang ibang reporters, nakisisilip kung padating na ba ang banda. Nang bumukas na ang pinto, nagsimula nang mag-flash ang camera hanggang sa dumaan sila sa gitna patungo sa stage.
My eyes trailed their built which I usually saw virtually. Inisa-isa ko sila ng tingin habang nagpakikilala sa gitna. Nang nilingon ko si Mike ay nakita kong kinuhanan naman niya ang mga galaw ng banda. Nang mag-thumbs up ako ay ibinalik niya rin.
I sat down when the greetings ended. The six men already took their respective seats and waited for the press conference to officially start.
The noisiness died down a little. May humaliling organizer na nagsabing pwede na raw magtanong. In-on ko na rin ang recorder habang nakahanda ang lapis at notebook. Mas gusto kong magsulat kaysa sa magtipa. Madali ring bitbitin kung sakaling may hahabulin ako mamaya—Eli's words.
May kakaiba nga lang siyang ipinaratating sa tono nang sinabi 'yon. Nanloloko rin ang ngiti.
I hope it doesn't mean something bad.
When a news reporter raised her hand, the speaker took note of her participation. Tsaka lang siya nagsalita.
"Caler News. Jamaica Cruz," she introduced. "Sebastian, ano ang reaksyon mo nang malamang isa ka na sa mga in-demand music producer ng bansa?"
Sebastian, their green-eyed vocalist, smiled before he answered. "Overwhelming." Halata sa boses niya ang tuwa, sumilip pa ang ilang dimples sa gilid ng bibig. "Hindi ko inaakala 'to. I just want to produce songs for the band and..." He licked his lower lips. "Thank you... thank you to everyone who recognized our talent."
Another reporter raised his hand and asked a question. "Do any of you have plans for a solo debut?"
It was Elgene, their keyboardist, who answered. "Meron... joke lang." Bahagyang natawa ang iba. "May pakulo kami sa magiging album. Secret nalang kung ano."
A few more questions kept on coming. "Paano kayo nakapag-re-release ng single kada buwan? Ano ang technique niyo ro'n?"
"Patience and a lot of creative juices," Sebastian answered.
"As the main lyricist, what kept you inspired, Sebastian?"
The band shared a knowing look. Si Zake, ang drummer nila, ang unang humalakhak. Mapang-aasar pang tiningnan ang kabanda niya.
"Zake, may sasabihin ka ba?" tanong ni Cloud, ang bassist nila. He's the one with the gray eyes.
"Wala, wala."
"'Di, eh! May sasabihin ka. Ano ba 'yon, p're?"
"Issue 'to!" natatawang sabi ni Zake.
I waited for them to finish talking before I rose my hand. Tinanguan ako ng organizer.
"MLM News. Tamara Ortegon." Tinapik ko ang papel na naglalaman ng tanong. Ilan sa mga 'yon ang nasagutan na base sa mga reporters na nagtanong kanina. "Ano ang naging reaksyon niyo sa biglang pagtaas ng album sales?"
Si Sebastian dapat ang sasagot ngunit naunahan siya ng isang kabanda.
Maputi, masungit, suplado. Yuan Thaddeus Montillano.
"It's nice," komento niya, ang malamig na boses na tumama sa mikropono ay pumailanlang sa speakers.
Lalo akong nanlamig.
I tilted my head to prompt him to speak more, but he only stared at me, eyes dead set on asking me to continue with my question.
Pero iyon na ang tanong ko, ano ba ang problema niya?
"It's nice to see you again."
Napakunot ang noo ko bago palihim na humugot ng hininga.
Lies.
"Woah," manghang saad ni Zake, nanlalaki ang mata bago ipalipat-lipat ang tingin sa 'ming dalawa. "You know each other, Yuan?"
I felt the eyes of the other reporters, but I could care less. In the hierarchy of importance, in events such as this, it was wiser to disengage myself in a conversation I wasn't interested in.
Pero trabaho mo 'yan, Tana.
"Natutunan mo ba 'yan kay Elg?" pangsalo ni Cloud.
"Yuan, ano ba namang sagot 'yan?" natatawang tanong ni Sebastian bago bumaling sa 'kin. "Sorry, but to answer your question, it's indeed nice and surprising because we didn't expect the sales to increase ten-fold. Naka-o-overwhelm, but we're thankful to the people who supported us, especially to our... fans."
"O, ba't ka nakangiwi r'yan, Seb?" si Zake ulit ang nagtanong.
Sebastian rose his brow in panic and shook his head. "As what I've said before, ayoko silang tawaging 'fans'. Kasi, tayong banda, nakikita natin sila bilang pamilya. The term 'fans' sounds so distant, and that's not the goal of our music. We want to bring people together."
"Sebastian for President!" singit ni Elgene.
"Sabi ko sa inyo 'STATIONatics' nalang, e," natatawang suhestiyon ni Cloud.
"Any follow-up question?" tanong ng organizer.
The expression in Yuan's eyes looked like he wanted me to ask for more. Titig na titig sa 'kin na parang mawawala ako bigla.
Ayoko na sanang 'pumatol' pa, pero nang makita ang papel at nalamang hindi pa buo ang ideya, napataas ulit ako ng kamay.
"Yes, meron pa po." I cleared my throat. "Do you have any plans for a tour?"
"It's underway," tipid na sagot ni Yuan, mariin na ang tingin sa 'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit.
I promptly nodded to signal the end of my question and looked down. Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag.
I browsed my notebook to recall the notes I took down. Ang mga sumunod na nagtanong ay nakadagdag ng impormasyon sa magiging balita ko kaya unti-unting nababawasan ang problema ko.
When the press conference took a break because of some important call, I left the room to get some signal. Mahina kasi ang nasasagap sa loob, hirap makapag-data kaya kailangang lumabas pa. Napapunta tuloy ako sa mini garden kung saan malakas-lakas ang signal. Nagdagsaan ang mga mensahe sa 'kin pagkatapos.
I let out a sigh and scanned through the messages to find for the urgent and important ones. May e-mail sa 'kin ang executive producer na nagsasabing may iinterviewhin ako bukas. Bibigyan daw niya ako ng briefing pagbalik ko sa station. Nag-follow up na rin na may iko-cover akong opening ng NSPC sa isang araw.
Nahigit ko ang hininga dahil do'n.
There was a sense of trauma and distaste at the tip of my tongue. A few waves of guilt and shamefulness reminded me of the pain that I buried.
Napabalik ako sa wisyo nang makatanggap ng tawag mula kay Mike. Pinababalik na niya ako sa loob dahil malapit nang matapos ang break.
Pumihit ako patalikod, ang damo ay bahagyang nadikdik dahil sa swelas ng sapatos. Natigilan nga lang nang may nakaabang sa likod ko kasabay ng pagtawag niya.
"Thomasina Razikeen."
Yuan.
I ran my eyes through his features—a pair of snobbish, brown eyes was the key feature of his stoic face. The rest was something I couldn't get a hold of. It was too intense.
Hindi ko kilala ang nasa harapan ko.
"I meant it."
I made the slightest of expression—a small squint of the eye—but he was able to see it. He flinched.
"That it was nice to see you again."
At the drop of his soothing, cold voice, the memories that I long-buried arrived like an uninvited guest. It was sudden, but had a hint of acceptance, a few drops of familiarity, and—as much as I hated to admit it—comfort.
I stared at him—my eyes battling his cold ones.
I was curious as to why he thought that this was the right time to approach me. Mukha ba akong nang-iimbitang makipag-usap dahil lang tinanong ko siya kanina?
It wasn't a personal question; it was a professional interview—trabaho lang. Kaya hindi ko mahanap ang punto niya sa paglapit sa 'kin ngayon.
"Someone could see you," was my reply.
The familiar gesture of a raised brow gave me a few glimpses from the past. Mabilis ko 'yong iwinaksi sa isipan, hindi na hahanap ang punto na alalahanin pa 'yon.
I was nervous whether I'd walk past him—hahablutin ba niya ang kamay ko o hindi?
But knowing Yuan's nature, it was out of his character to do that. Malakas tuloy ang loob ko nang lagpasan siya.
Hindi ko nga lang alam kung bakit ako nakaramdam ng kabiguan nang hindi niya ako pinigilan.
When I got back to the room, Yuan was a few steps away from me. Nalaman ko dahil inasar ako ni Mike dahil kabuntot ko raw si Yuan. Saan daw ba ako nanggaling—nagtanong ba ako ng iba pa sa kan'ya?
"You're delusional. We're not even close," saad ko bago bumalik sa pwesto. Tinawanan nalang niya ako.
A few more reporters asked questions whose answers that I took note of. Nag-isip pa ako kung may ifa-follow up pero wala na talaga.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ang press conference. Nilapitan ko si Mike para kumustahin ang recording. Nagulat nalang ako nang inalis niya ang camera mula sa stand at sinesenyasan akong lumabas.
"May iinterviewhin ba tayo sa labas?"
"'De."
"Then, what?"
"Makikipag-barda tayo."
"Barda?" naguguluhan kong tanong habang sinusundan siya palabas.
"Bardagulan."
"At bakit?"
"Tradition."
"What?" I almost shrieked.
Tradition! Pasasalihin ako sa kuyog? Naka-e-experience naman ako ng 'pangunguyog' sa ibang iniinterview pero ayon sa sinabi ni Eli, mas malala ang sa mga artista!
"Tradition 'to noon pa man. Sina Ms. Karla at Ma'am Jangco may pakana. Lahat ng magko-cover ng ganito, sumama raw sa mob. Lalong-lalo na 'yung unang salang. Hindi ba na-e-mail sa 'yo?"
Natigilan ako sa pagsunod sa kan'ya. "Walang e-mail sa 'kin."
"May masasagap ka na rito. Dito na tayo sa labas, o."
"Sa garden pa ako nakasagap!" reklamo ko. Hindi ba ako niloloko lang ni Mike?
"Weakshit kasi Smart. Dapat Globe." Humalakhak siya. "Dalian mo sa pagsagap ng signal, ah! Ewan ko kung kailan lalabas mga 'to."
I rolled my eyes at him and went back to the garden. Doon lang talaga malakas ang signal kaya madali kong tiningnan kung may bagong e-mail. Wala na akong oras para problemahin kung nando'n din ba si Yuan o hindi. Ang pinoproblema ko ay kung pasasalihin ba talaga ako sa kuyog o hindi!
Muntik ko nang maihulog ang cellphone nang mabasa ang e-mail.
I couldn't believe what I read, but I knew I had to do it. They said that it was a curse not to do that tradition, though I don't believe in such things. Gagawin ko nalang para tapos na. Baka makalusot at hindi na ako ang mag-cover nito.
I groaned.
This is not my forte.
"O? Ano?"
"Kailangan ko pang hawakan ang mic!" reklamo ko.
Masama ko siyang tiningnan. I was skeptical on what I should do. Nag-aalangan pa akong iwanan ang jacket at ilang gamit ko sa conference room ngunit mas mahihirapan ako kung hindi. Nag-iwan din naman daw ng gamit do'n si Mike kaya itinuloy ko na.
Mike and I waited outside the main entrance along with the other reporters. Ang mga nasa labas raw ay ang mga hindi naimbitahan o napayagang mag-cover ng press conference kaya nanatili sa labas. Hindi ko pa rin makuha ang punto sa pagsali ro'n.
"Videohan nalang kita as proof na sumali ka sa kuyog," pang-aasar niya sa 'kin.
A few moments more and the band's guards went out. Nakisiksik na ako sa mga reporters na nag-uunahang makapunta sa harap.
Itinaas ko ang mikropono, takot na masira 'yon kung kalebel lang ng dibdib ko. Nagkakamali ako dahil nahulog 'yon mula sa pagkahahawak ko!
I desperately tried to search for it, annoyed at the mob for their excitement. Hindi pa naman lumalabas ang STATION, bakit madaling-madali sila?
How about you, Tana? Hindi pa nga lumalabas, nakikukuyog ka na.
I rolled my eyes as I tried to search for my mic. Nakapunta na ako sa harapan ng pila dahil nakikita ko na ang red carpet. Panandaliang nawala sa paningin ko ang mikropono hanggang sa makitang nasipa-sipa 'yon sa gitna.
May nakasasagi ng ulo't balikat ko. Iniinda ko na lang dahil baka abonohan ko kung masisira o mawawala ang mic!
"Miss, bawal po rito."
I felt the few restraints from the guard. "Kuya, wait lang."
"Miss, maiipit po kayo. Nand'yan na po sina sir."
"Wait, kuya. 'Yung mic—"
Natulak na naman ako paalis, pagkatapos ay palapit ulit sa red carpet. Hindi ko na maintindihan ang mga taong 'to!
Aabutin ko na sana ang mic ngunit may nag-flash ulit ng camera. Bahagya akong naduling at natulig. Napabalik lang sa isipan nang may inilagay at isinipit sa kamay ko.
"Mic mo!"
"Yuan, dalian mo!"
The mob followed the band towards the van. Unti-unting nawala ang taong nakapaligid sa 'kin kaya napaupo nalang ako sa sahig.
Hingal na hingal ay ibinanat ko ang hita, ang isang siko ay nakapatong sa tuhod. Tinanaw ko ang kuyog ng mga tao pati na rin ang pag-alis ng van, pagkatapos ay napabuntonghininga.
Ayoko na nito. Hindi na ulit ako sasama rito!
Nang mahimasmasan ay tinanaw ko ang mikroponong naiwala kanina. Bahagyang lukot at madumi na ang logo sa gitna na mas mabuti kaysa sa pagkawala.
Napakunot ang noo ko nang may naramdamang nakaipit sa kamay ko, bahagyang nakatutusok dahil hindi yata maayos ang pagkalalagay.
STATION's calling card.
Anong gagawin ko rito?
"Tamara!" dinig kong sigaw ni Mike.
I snorted when I flipped the card to its back.
A contact number and, Yuan.
I let out an annoyed sigh.
"Kaya mong tumayo?" bungad sa 'kin ni Mike habang bitbit-bitbit niya ang camera.
"Help me stand up, please."
Tinawanan niya muna ako bago tulungan. Sinamaan ko nalang siya ng tingin habang naglalakad patungo sa parking.
"Hindi ko na kayang bumalik sa loob. Pakikuha nalang ng gamit ko, please? Babalik na ako sa van."
Nakangisi niya akong tinanguan. "Paubaya ko na sa 'yo. In-entertain mo ako kanina."
Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan habang naglalakad pabalik sa van.
Hindi na talaga ako uulit dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro