Kabanata 11
Kabanata 11
Boses
That night, I asked permission from my father to attend a gig. Hindi ako nagsinungaling tungkol sa bagay na 'yon, pinapayagan naman ako ni Papa na pumunta sa kung saan-saan.
Besides, it's not a matter worth lying about, especially if it's about their worry and my safety.
I went at the restobar he told me to be at. BRB: Bar, Restaurant, Busk was the name of the establishment. Nang tinanong ko kung bakit may 'Busk' e mukhang sa loob naman nag-gi-gig ang mga kumakanta, sinabi niyang pa-minsan-minsan daw ay meron sila sa labas. Do'n sa mga lugar kung saan maraming tao para raw may exposure.
"Bakit?" tanong ko dahil kakaiba ang tingin niya sa 'kin.
"Akala ko 'di ka darating, e!" he exclaimed.
I rolled my eyes at him. Akala ko ay kukwestiyonin niya ang suot ko—t-shirt, shorts, at white sneakers—pero wala siyang komento. Tumitig lang sa 'kin, hindi pa rin yata makapaniwala.
"Ano oras gig niyo?" I asked because I was interested to listen.
Hindi naman por que sinabi niyang ibibigay niya sa 'kin ang lyrics kung pupunta ako ay pupunta lang ako at hindi makikinig. Marunong akong makiramdam sa mga gan'yang bagay, partikular sa mga kasiyahan ng mga tao.
Besides, it takes a lot of courage for a person to ask them to visit and see what they could offer. It was not in my nature to turn them down.
"Ah... ano kasi..." Nang nilingon ko siya ay nahihiya siyang nakatingin sa 'kin. "Nagkaproblema kasi at... hindi tuloy first gig namin ngayon. Pero ibibigay ko pa rin sa 'yo 'yung lyrics, promise! Teka, ito—"
Hinarangan ko ang kamay niyang iniaabot sa 'kin ang papel. Naguguluhan niya akong tiningnan.
"Sa iba nalang tayo," sagot ko.
Kinunotan niya ako ng noo. "Ha?"
Inirapan ko siya. "May lugar ba kung saan ka pwedeng kumanta? Kahit ikaw lang?"
He blinked, fast. Hindi ko alam kung namumula ba ang mukha niya o na-ma-malikmata lang ako.
"B-Bakit? Ah... sabi ko, gig namin, ah? Ba't bigla akong kakanta?"
"You're the vocalist of your band, Malik. Makikinig muna ako sa gig niyo—sa gig mo—bago ko kuhanin 'yang lyrics."
Napakurap siya. "Weh... seryoso ka?"
"Gusto mo bang bawiin ko ang sinabi ko?"
His frown turned into a smile. "Joke lang! May alam ako. Sa Beats. Punta nalang tayo ro'n kaso 'di ko sigurado kung may bakante sila."
I nodded and followed him to where he was heading. Nag-jeep lang kami papunta ro'n pero nilibre na niya ang pamasahe.
Nang makarating sa loob ay hirap kaming maghanap ng pwesto. Kung hindi may umo-okupa ay naka-reserba sa imbitadong tao ng mag-gi-gig. Mabuti nalang at may nahanap kami kaagad.
The bar and grill were rustic and modern. There were also wood elements around. Masarap tumambay rito kung hindi nga lang bwisit ang kasama ko.
Hinanap ng tingin ko si Malik na nawala nang makahanap ako ng lamesa. He informed me that he was going to speak to the owner and ask about a vacant gig spot. Though, I was not sure if he'd get any. Mukhang may kilalang taong mag-gi-gig ngayon dala ng dami ng tao at hagikhikan habang may binabanggit na pangalan... o banda.
"What?" I asked when Malik returned. Parang pinagsakluban ng langit ang lupa ang mukha niya dahil lumong-lumo siya nang makabalik.
"Wala raw, e. Kinuha ng STATION."
Nangunot ang noo ko. "STATION?"
He drew circles on the wooden table. Nakalapag na ro'n ang numero para sa inorder niya. "Banda rin. Taga-Trinity, pero mas kilala sila kaysa sa 'min."
"Why?"
"Mas nauna silang mabuo."
"May kaibahan ba 'yon?"
Mula sa lamesa ay napunta ang tingin niya sa 'kin. Nagbaba rin pagkatapos. "At... mas established sila."
I didn't press for more.
No, I won't press for more. I didn't want to come out as invasive nor be influenced by their emotions that would blind my judgment.
Detached, I would like to say. Mas mabuti na 'yon para mas patas kong tingnan ang dalawang bagay.
The lesser I'd be involved, the lesser emotions that I'd spend.
When the crowd went noisy because of someone's arrival, I didn't bother to look at it. Nakatuon ang atensyon ko kay Malik na mukhang malalim ang iniisip.
May sinabi siya—nakita ko ang paggalaw ng bibig niya—ngunit kaonti lang ang narinig ko dala ng biglang ingay ng mga tao.
"'Di ka ba nagtataka kung bakit hindi na agad natuloy 'yung gig namin?"
A faint image of Malik's worried face crossed my mind. Iyon ang nakita ko nang makababa sa tricycle. Panigurado akong hindi siya partikular na nag-aalala sa 'kin dahil nakatingin siya sa kabanda niyang nagtatalo sa isang gilid.
Baka may hindi pagka-i-intindihan kaya hindi na natuloy ang gig.
But it's not my problem to worry about.
"Should I be worried about it?"
He pursed his lips. "Right..."
Iba ba ang naging tono ko? I remembered how people describe my tone as "someone who was uninterested in anything".
I couldn't blame them—that's how I talk. Besides, I don't think people need to hear other people's opinions all the time.
Kaya madalas, kung may problema sila, hindi ako nagtatanong dahil nirerespeto ko ang desisyon nilang huwag pag-usapan ang bagay na 'yon. Pero kung sila na ang magbibigay ng senyales na pwedeng pag-usapan, tsaka ako magsasalita tungkol do'n.
This was Malik's sign.
That's why I'd speak about it.
"It's not your obligation to give an immediate answer to an invasive question. Whether it be direct or not, if you felt that it's a burdening task to fulfill, then don't. Huwag kang magka-pake sa kung ano ang iisipin ng iba."
"Pero kung gusto kong sagutin?"
I met his stare. "Then, the damage is yours to be taken."
He let out a small smile. "Thanks, Tana." Napalunok siya. "Nag-away kami ng banda..."
Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin nilingon ang bandang tumutugtog kahit na tapos na sila magpakilala at tapos na sa instrumental.
Magsasalita dapat si Malik pero dumating na ang in-order niya. Babayaran ko nalang siya mamaya.
Napakamot siya sa pisngi habang nakatuon pa rin ang tingin sa sizzling plate. "Alam mo 'yung pakiramdam na parang wala na? 'Yong ikaw lang gusto magpatuloy rito kasi pangarap mo 'to, e."
I kept silent. Hindi ko pa naririnig ang gusto kong marinig.
"Pero, nag-e-effort naman kaming lahat. Kumbaga, 'yung iba lang talaga wala sa isip na magbabanda hanggang dulo. Parang pastime lang, gano'n. Pero 'di ako gano'n. Pangarap ko 'to, e."
Pinanood ko lang siya habang umuusok ang sisig sa gitna.
"Uy, nakikinig ka ba?"
"Oo."
"Ba't 'di ka naimik?"
Napaismid ako nang may maalala. "I was listening..."
Ngumuso siya at sinimulan nang haluin ang pagkain.
"Siguro ikaw 'yung tao na..." Nagbuntonghininga siya at humalakhak. "'Yaan mo na nga. Kita mo 'yan, STATION? Naiinggit ako sa kanila kasi kita mo 'yang fans nila? Gusto ko rin n'yan."
I could hear the bitterness and envy in his tone. Hindi naman 'yon bago sa pandinig ko dahil kahit sino, pwedeng magkaroon no'n. Kahit na ang pinaka-tanyag na tao, may gano'n.
"Do you want to hear my opinion?" I asked, a little impatient because I didn't hear it from him. Madalang lang ako magtanong ng ganito dahil ayokong magmukhang nanghihimasok at nagmamagaling.
"Ikaw nga 'yung taong gano'n," natatawa niyang sagot. "S'yempre naman!"
"There's a phase and time for everything, Malik. Everything is always different," was what I said—plain and simple because that's what he needs to hear right now. Katulad sa pagbabalita, may tamang oras para sa tamang konstruksyon ng salita at ng paggamit ng termino.
"Sa bagay..."
"And—"
Hindi mapakali, hanggang tingin na lang
Bumubulong sa'yong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko
Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang malamig na tono.
It was dreadfully familiar, and it was too painful to hear. Hinuhugot ang puso ko mula sa pinagdaanan, ang mga memoryang isinuksok ay pinakawawalan. Masyadong mabigat sa pandinig kaya dumating sa punto na hindi ako makagalaw mula sa kinauupuan.
"Ang..." I was breathless.
Hindi ko alam kung bakit nadadala ako sa mabigat na emosyong nasa boses niya. Masyadong namiminsala.
"Lamig ng boses 'no? Yuan 'yan, e."
"Yuan?" Tinagpo ko ang tingin niya.
He nodded. "Oo, vocalist din siya ng STATION. Pareho sila ni Seb."
Hindi ko alam kung lilingon ba ako sa direksyon ni Yuan o hindi na.
It's been a few years since I heard his voice, and the moment that I did, I was surprised by what I felt. I don't know what I should do with it. I was completely off-guard. It's like I stood on my feet, then suddenly, I was crippled.
I don't like how it felt.
Kung pwede lang—kung bibigyan ng sunod na pagkakataon—baka pwede nila akong balaan kung gaano nakasisira ang boses ni Yuan. Na kahit anong baon ko sa mga masasakit na nararamdaman, sa ilang segundong pagkanta niya, naungkat niya ang mga 'yon.
"Ang lamig-lamig talaga pero ang ganda sa pandinig, 'no?" tanong ni Malik... na siyang hindi ko nasagot.
Dahil sa sobrang bigat na emosyon na nando'n, nakahihiyang magsinungaling.
Hindi malamig ang boses niya.
"Narinig mo na ba 'yung STATION?"
"No," mabilis kong sagot—na siyang katotohanan.
Ngayn ko lang narinig ang 'STATION' pero ngayon ko lang ulit narinig si Yuan.
I desperately fought with the lingering emotions at the pit of my heart. It was useless to have that—why was it there? Wala naman akong nararamdamang emosyon kay Yuan bukod sa pagkagulat.
I didn't expect to see him here. Akala ko ay umalis na siya sa Pampanga at nagpunta na sa kung saan.
Not that I cared but...
"Tana?"
I blinked and looked at him promptly. "Bakit?"
He was silent for a while as he stared at my eyes. Hinamon pa ako ng tingin bago ngumiti at umiling.
"Wala. Sige, kain ka na ulit."
I gave the stage one last look before I looked away.
Hindi na ulit ako titingin do'n. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro