Kabanata 6
Ganyan lang ba?
Katryna's
Katryna was crying silently as Midas drove off. Hindi niya ito gusto kaya lang sa pagod niya ay wala naman siyang magawa kundi ang sumama na lang rito. She doesn't like this. She wants to go back, but he knew him too well, ito ang tipong hindi basta magpapatalo. She was just looking outside the window, trying her best not to cry. Ayaw na ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa binata. Hindi iyon ang pagkakakilala nito sa kanya at hindi rin iyon ang pagkakakilala niya sa kanyang sarili.
"Kat, what's wrong?" They were stuck in the middle of traffic. Wala siyang kibo. Iniisip niya si ang nanay ni Salvador. Ang kapal ng mukha nito. Hanggang ngayon ay nanunuot sa kanyang buto ang galit sa pamilyang iyon.
"I wanna go back."
"Well you can't. I told you, I am the only one who has a say in this relationship."
"Bullshit." Hindi napigilan ni Kat ang kanyang sarili. Tumingin siya kay Midas, puno ng galit ang kanyang mga mata. "What relationship? Wala tayong relasyon, Midas. Putang ina, hindi mo tatawaging relasyon ang mayroon tayo dahil libog lang iyon! That's not enough basis of a relationship—"
"At relasyon mong matatawag ang sa inyo ni Salvador?! Ganyan ka ba talaga, pakantot ka lang tapos kung kanino ka mas nasasarapan doon ka?!" Nagtiim ang mga bagang ko. Sa galit ko ay sinampal ko si Midas ng dalawang beses.
"Galit ka kasi totoo! Ganyan ka ba talaga kababa?!"
"Open the car door." She hissed at him.
"No, you're staying here. We're leaving."
"OPEN THE FUCKING DOOR, MIDAS!" Sa inis niya ay pinaghahampas niya ang balikat nito. Mukhang nainis na rin sa kanya ito kaya padaskol siyang tinulak nito palayo tapos ay binuksan nga nito ang pinto ng sasakyan.
Inalis niya ang kanyang seatbelt at saka bumaba na. Hindi niya ito nilingon. Hindi naman rin ito sumunod sa kanya. She just wanted to be alone. Bakit ba lahat ng tao sa paligid niya tingin sa kanya ay mababa? Wala naman siyang ginawa, ang tanging nais niya lang ay ang tahimik at masayang buhay pero kung iisipin, kasalanan niya rin kung bakit nandito sa sa sitwasyong ito.
Hinayaan niya ang sarili niyang mahulog sa charms ni Midas noon. She used to see Midas as her a part of her job. Kaya lang naman siya nasa university ay dahil kay Midas. Saul Torrero pulled strings for her to be able to teach in such a prestigious school. Ang totoo noon, bago siya matanggap sa university na iyon ay nagtatrabaho na siya sa PUP. She stayed there for six months, masaya siya roon, ang buong akala niya ay makakamit na niya ang buhay na nais niya para sa kanyang ina ngunit nang dahil sa utang na loob na hindi niya malaman kung hanggang kailan niya babayaran ay isinuko niya iyon, ipinangako niya sa kanyang sarili na ito na ang huli, pagkatpos noon, ay tutubusin na niya ang kaluluwa niya kay Saul Torrero.
Hindi niya alam kung sinong lesser evil sa dalawa. Alam niya ang sitwasyong kinalalagyan niya pero hindi niya talaga ito gusto. She found herself walking in the side streets. Tahimik siyang umiiyak, ang tagal – tagal nang mabigat ang kanyang kalooban, ang sakit – sakit ng buong pagkatao niya. She found herself in a park, naupo siya sa swing set saka siya umiyak nang umiyak. Hindi na nga niya alam kung ano pang iniiyak niya, pakiramdam niya pasan niya ang buong mundo, pakiramdam niya ay ikamamatay niya ang lahat ng ito.
Ang tagal – tagal na pala niyang nasasaktan at gusto na niyang sumabog dahil hindi niya alam kung hanggang kailan niya pa kakayanin ito. Siya iyong tipo ng taong ipinagpapaliban pati ang pabe-break down dahil iniisip niya palaging wala siyang karapatan. Kailangan niyang maging malakas sa lahat ng oras, kasi kung magiging mahina siya paano na lang ang kanyang ina? Pareho lang silang nasaktan noon, pero kapag nakita nitong pati siya ay nanghihina baka bumalik na naman ang depresyon nito. Ayaw niyang maulit ang nangyari noon na talagang huminto ang buhay nito dahil ang iniisip nito ay siya at ang kinabukasan niya.
Ang gago lang kasi ng mundo sa kanya. Bakit sa dami ng masamang tao, sa kanya pa nangyayari ang lahat ng ito? Ang tagal – tagal niyang umiiyak sa swing na iyon. Hindi niya alam kung kailan titigil ang pagluha niya pero hirap na hirap na siyang dalhin ang lahat ng iyon. Paulit – ulit niyang sinasabing ayaw na niya, ayaw na talaga niya, gusto na niyang kumawala sa lahat ng ito, gusto niya ng tahimik na buhay, ang akala ng lahat madali ang ginagawa niya, it's easy for others to hate her and call her names, wala namang nakakaalam kung anong nasa loob niya.
Walang ideya si Kat kung anong oras na siya nakauwi sa dorm, kahit sa kama niya ay wala siyang ginawa kundi ang umiyak. She needs to let it all out tonight para bukas pagharap niya sa lahat ay muli na siyang ngingiti. Determinado siyang maayos ang lahat para kay Midas. Ilang linggo na lang ay finals na, she will make sure he makes it to top, after that, she will resign. Isasaayos niya lang ang lahat, tatapusin na niya ito at haharap siya kay Saul Torrero para sabihin na ayaw na niya. Hindi niya alam kung madali iyon, pero higit sa kung anupaman, alam niyang iyon lang ang makapagbibigay sa kanya ng peace of mind.
The next morning, Kat did all her daily routine. She woke up early, nagtimpla siya ng kape at inilagay sa paborito niyang mug, kinuha niya ang kanyang mga gamit at lumabas ng dorm. Siniguro niyang maayos ang suot niya. She wore her navy blue terno, paired with her favorite stilletos, kinulot niya pa ang dulo ng kanyang buhok at naglagay siya ng lught make – up. She looked expensive, pero sa totoo lang, pakiramdam niya ay napakawalang kwenta niya.
Sumakay siya sa school service. In ten minutes, bumababa na siya ng bus at tahimik siyang naglakad papasok sa university papunta sa faculty room. The students greeted her. Ngumingiti naman siya pabalik sa mga ito. She saw a group of Delta's in one of the benches in the Zen Garden. Nakita niya si Alvaro Monen. Nagkatinginan silang dalawa, balak niyang bilisan ang kanyang lakad dahil ayaw niyang makausap ito, pero naabutan pa rin siya nito.
"Ate—I mean, Miss Magracia, nagpunta ka ba kay Salvador sa ospital? He was asking for you." Ngumiti siya rito. "I was there last night, if you wanna see him, I can help you sneak in." Tanging ngiti ang naging sagot niya kay Alvaro. "Miss, puntahan mo si Salvador... He misses you. Palagi ka niyang hinahanap pati na rin—"
"What the fuck is your business with Miss Magracia, Monen? Hindi mo naman siya prof." Suddenly, Midas appeared. Kasama nito si Lara. Nakahawak ang babae sa kamay nito pero binitiwan iyon ni Midas. "Why the hell are you talking to her?"
"Midas, don't be rude." Wika ni Lara. "They're just talking. Let's go, I'm hungry—"
"Kumain ka mag-isa mo. Ano dala ko ba iyong plato?" Talagang ikinagulat ng lahat ng naging reaksyon ni Midas. Katryna looked him. Hindi niya maintindihan kung anong ikinaiinit ng ulo nito. She managed to smile.
"Miss Sanggalang is right, Mr. Torrero, don't be rude." Binalingan niya si Alvaro. "See me after class, Mr. Monen."
"Yes, Miss." Mabilis siyang naglakad. Ni ayaw niyang lingunin ito. Hangga't maaari ay ayaw niya munang makita si Midas but she suddenly felt being grabbed by someone. When she looked back, sumalubong sa kanya ang galit na si Midas. Halos mabitiwan niya ang kape niya.
"Midas ano ba?!" Pilit siyang kumakawala rito. Hinatak siya nito papasok sa storage room. Nasa hallway na silang dalawa ng main building, mabuti at walang nakapansin. He looked the door and he trapped him between the wall and his body.
"Are you fucking Monen too?! Putang ina, Katryna! Lahat na lang ba?!"
"Sobra ka na." Wika niyang nanginginig ang tinig. "Ganyan lang ba kababa ang tingin mo sa akin?" Kahit ayaw niya ay naging panunumbat ang labas niyon sa kanyang bibig. Tiningnan niya si Midas na parang natitigilan. "Kung tapos ka na, marami pa akong gagawin, excuse me." Tinulak siya nito, hinayaan naman siya nitong makaalis. Iniwanan niya itong walang kibo sa loob ng silid na iyon. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago siya naglakad muli, pagpasok niya ng faculty room ay si Lara Sanggalang naman ang sumalubong sa kanya nang masama ang tingin, siguro kung nakakamatay ang titig kanina pa siya nakabulagta.
Alam niyang napakaraming sasabihin sa kanya nito, pero wala siyang panahon, isa pa, may tao pa sa faculty, Lara doesn't want to show her true colors sa ibang tao. Wala naman siyang pakialam. Lalong lumakas ang determinasyon niyang matapos ang trabahon ito.
"Bitch." Nagulat siya nang batuhin siya ni Lara ang libro. Hindi niya napansing wala na palang tao sa faculty. Hindi naman tumama sa kanya iyon, lumapag iyon sa mesa niya na naging dahilan ng pagtapon ng kape niya. "BITCH! Bakit ba ang kati – kati mo! Bakit hindi mo lubayan si Midas! He's fucking me already! What the fuck do you want from him?!" Mangiyak – ngiyak ito. She calmly looked at her.
"I don't need anything from him, Lara. Bakit hindi siya ang tanungin mo. Kung tutuusin, you should be kind to me. If you know about me and Midas, siguro naman alam mo kung anong papel ko sa script na ito, o baka hindi nasabi sa'yo ni Saul Torrero?" Mukhang ikinabigla iyon ng dalaga. She grinned at him. Hindi alam ni Lara ang tungkol sa kanya?
"What... what do you mean?"
"Girl, I am actually your guardian angel. Midas dated you because he thinks he's doing it for his academic stand, do you know who suggested that plan? Ako. Do you know who told me to suggest that? Si Saul. I know it's all apart of your plan, ang tanong, Lara, mapapansin ka kaya ni Midas kung hindi ko sinabi sa kanya? He listens to me, girl. I am like a fairy god mother. Isang sabi ko lang kay Saul Torrero ng kahit ano tungkol sa'yo, magdadalawang isip iyon. They both listen to me, girl, so hide your fucking claws or I'll make your life hell." Kat gracefully stood to face Lara. Hawak niya ang librong binato nito sa kanya kanina. Ibinalik niya iyon sa dalaga.
"Midas likes women with grace and maturity, what if I tell him about you, Lara my dear?"
"Do it and you'll regret it, bitch." She just smiled. Tinapik niya ang pisngi nito.
"I have more power than you in this situation. Gusto mong mabaliw siya sa'yo, Lara?" She paused and then she laughed. "Why would I even tell you? Bahala ka sa buhay mo."
xxxx
"Hello, Miss Magracia."
True to his words, Alvaro waited for her at the faculty at three pm. Naroon si Lara at ginagawa ang utos niya kanina. Masunurin naman ito kapag may ibang tao at kapag may ibang tao, bait – baitan ang peg nito sa lahat. She has a reputation to take care of, hindi naman niya halos pinapansin ang dalaga. Ngumiti siya kay Alvaro.
"Hi, Mr. Monen."
"Pwede bang dito tayo mag-usap or shall we go to the JGOSM Sec?" Napatingin siya kay Lara. Nginisihan niya lang ito sabay tango kay Alvaro. She took her bag and she left the faculty with him. Hindi sila masyadong nagkikibuan habang naglalakad, pero kinakamusta siya nito.
"I was really surprised upon seeing you here. Noong una hindi ko alam na ikaw iyon, I told Salva about you and he's the one who confirmed it to me. It so nice seeing you after all these years."
"I'm actually glad to see you too, Alvaro. Ang tagal na nga." We entered the hall. Maraming food stalls sa paligid. It is the business center of the University. Lahat ng stalls sa lugar na ito ay approved by the school, so most of the business owners are students. We picked the table near the street food stall. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na makausap si Alvaro.
"How is he?"
"He's getting better. Hindi lang siya masyadong kumakain, hindi yata niya gusto ang dal ani Tita Dulce. He asked me last night to give you this." Alvaro gave her a box. Nakatingin lang siya roon. "I don't know what's inside. He said that you're the only one that should open this. Sana madalaw mo siya sa ospital."
"His family will be there. Ayokong masampal na naman."
"Hindi naman tama iyong ginawa ni Tita Dulce. You're the only da---"
"Thank you, Alvaro." Putol niya sa dapat sasabihin nito. She smiled at him. She decided to leave. Inilagay niya sa loob ng kanyang bag ang bigay nitong box saka tinahak niya ang daan patungo sa dorm. Gusto niya lang magpahinga dahil sa pagod, it's so hard dealing with Midas. Kilala niya ang binate, hangga't hindi nito nakukuha ang gusto ay hindi mawawala ang init ng ulo nito. Habang naglalakad siya ay nag-ring ang phone niya, it was Saul Torrero, he asked if they can meet and she said yes, she was just thinking about him, kailangan talaga nilang mag – usap.
A car was waiting for her outside the school. Agad siyang sumakay rito. Naroon ang tatay ni Midas, naghihintay.
"Good afternoon, Sir."
"How's everything? Are you keeping and eye on Midas and Lara?"
"Yes. Everything is going well." Tumingin lang ito sa kanya. Tila ba may nais itong sabihin sa kanya at parang may ideya siya ukol rito.
"Katryna, Lara told me about your relationship with Midas." Tama ang hinala niya. Malumanay at kalmado magsalita si Saul pero may diin iyon.
"Did that surprise you, Sir?"
"No. I have a hunch about it, Katryna. Hindi naman ako makikialam. Midas is a man with needs. I don't care where he gets it as long as he stays on top, but I just want to commend you, you fucking my son and I am giving you money, is like having your cake and you get to eat it too. Such an intelligent woman. Hindi talaga ako nagkamali sa'yo." Mula sa inner pocket ay naglabas na naman ito ng envelope. She took it from him, diretso iyon sa bag niya. Buntong – hininga lang ang naisagot niya rito.
"What are your thoughts about Lara? Tuso rin siya. Inalam niya ang tungkol sa inyo kasi nagtataka raw siya at iba raw ang tingin sa'yo ni Midas. Hindi ko inasahan iyon, she seemed like a nice girl."
"Are you having second thoughts?" She asked him.
"I'm just worried if she'll be good enough for my son. The way she dissed you that night in front of her parents, hindi ko inasahan talaga. What do you think? I trust your words enough, Kat. Kahit kailan ay hindi moa ko binigo, except that one time with Mavi. How's that son of mine?"
"I don't know, Sir."
"Why do I feel like you're lying to me?" He grinned at her. "Anyway, keep an eye on Lara. Ayoko ng isa na namang kahihiyan sa pamilya ko. And be discreet with my son. Uulitin ko, ayoko ng kahihiyan. You know what I can do just to protect my family, Katryna."
"Yes, Sir."
"Dismissed." Hindi siya bumaba agad. Tumingin ito sa kanya. "Anything else, Miss Magracia?"
"I want this to be our last, Sir." Wika niya. "I will do everything to make Midas the best of all, but after that, I want out." Nagbuntong – hininga ito.
"Kulang pa ba ang binabayad ko sa'yo? You're one of my trusted people, Kat. Why would you even want out?"
"It's not for me, Sir. It's for my mom."
"Ahh... si Lourdes." Tumango ito. Hindi siya nagsalita. "Just make sure Midas tops on everyhthing. Make sure that Lara is good enough for him, make sure that he'll see the good in marrying Lara and then you can leave. I'll give you enough compensation, sapat para hindi ka na mag-isip kung paano kayo mabubuhay, mag-ina."
She doesn't need that, pero hindi niya iyon sinabi. Tinanguan niya ito at saka siya umalis ng sasakyan. Hindi siya lumingon rito. Tinahak niyang muli ang daan patungo sa dorm niya pero bago siya makapasok ay may kamay na tumakip sa mukha niya. Nagpupumiglas si Kat pero may pinaamoy ang taong iyon sa kanya na naging dahilan upang manghina siya at mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro