Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

Jackpot

Midas'

HINDI alam ni Midas kung gaano na siya katagal sa labas ng silid ng kanyang ama sa ospital na iyon. He knew that he suffered from heart attack, ilang araw na iyon, at ilang araw na rin siyang tinatawagan ng kanyang ina para papuntahin sa ospital, ang sabi nito, naroon raw ang kuya niya, alam niya iyon, tinatawagan siya ni Maverick at halos palagi silang nagkakausap nito. Iyon nga lang, wala siyang balak na makipag – usap sa mga magulang niya, pero hindi naman suya habambuhay na makakaiwas sa mga ito.

He took a deep breath and opened the door. Una niyang nakita ang kanyang kuya. Naglalakad si Mavi, napatingin ito sa kanya at tinanguan siya, ang kanyang Papa ay nasa kama. Hindi niya alam kung tulog ito o nakapikit lang. Nang tuluyan siyang makapasok ay niyakap siya ni Maverick.

"Musta?" Tanong nito. "I texted Kat, magkasama raw kayo."

"Yes. I'll tell you the details later. She with her grandmother." Binalingan niya ang kanyang ama. Napansin niyang nakadilat na ito at nakatingin sa kanya. Nakalagay sa dibdib ni ang kanyang kamay at nakatitig sa kanya.

"Can he talk?" He asked his brother.

"Yup. Hindi naapektuhan ang pananalita niya and he's getting better. Rowena and the kids said hi. Punta ka raw minsan ng Cebu. Ipagluluto ka ng hipag mo." Tumawa lang si Mavi, siya naman ay lumakad papunta sa kanyang ama. He sat on the chair. Nakatitig lang siya rito. Wala siyang balak magsalita.

"Midas, what happened to the company? Why did you let that happen to our company?" Mahinag wika nito. Napailing si Midas.

"Why did you take away my son from his real mom?" Walang abog na wika niya. Napansin niyang napatitig si Mavi sa kanila.

"What?!" Mavi hissed. "What did you do?!"

"Lara is not Milo's mom, Mavi, ang nanay ni Milo ay si Katryna. Kinuha ni Papa at Mama si Milo kay Kat noon and then they presented as Lara's son. Ilang taon ang ninakaw mo sa ina ng anak ko, and now you expect me to give you back your company? Wala akong pakialam kung maghirap ka, o kung malugi ang kompanya, galit ako sa inyo ng Mama at susuportahan ko si Kat sa gusto niyang mangyari."

"Kami ang pamilya mo, Midas!"

"Pamilya pero pitong taon ninyo akong niloko? Ano bang ginawa kong mali? All I wanted is to make you proud! I did everything you asked me to do thinking that it would make you happy, pero anong ginawa ninyo? You're selfish! Sana hindi na lang ako ang naging anak ninyo!"

"Did you think that you are better than me, Midas? Anak kita, anak ko kayo, kahit saan kayo makarating, dala ninyo ang apelyido at dugo ko!"

"Yes." Mavi spoke. "Anak mo nga kami, but every day, I make sure that I will never turn out like you. I don't want to be manipulative and selfish. I have two boys, isang taon lang ang layo ng edad, tapos buntis pa si Wena ngayon, I will never be like you. Kahit dala ko ang apelyido mo, hinding – hindi ako magiging tulad mo."

He couldn't help but agree with his brother. Hinding – hindi talaga siya magiging tulad ng kanyang ama. He will never try to curate the life of his children. Alam niya kung gaano kahirap iyon, he will give his children the freedom to choose, isang bagay na pinagkait sa kanya ng kanyang ama.

"Pinaghirapan ko ang kompanya!" Sigaw nito. "Hindi ninyo pwedeng kuhanin sa akin iyon!"

"Pwede. Kinuha mo nga ang anak ko."

"Sige, if you wanna be with Kat, be with her, but I will never accept her as a part of our family." Tumayo na si Midas.

"What family? We have no family. It's only you and your wife. Wala na kayong anak." Iyon lamang at lumabas na si Midas sa silid na iyon. Narinig niya ang paghagulgol ng kanyang ama pero wala pa rin siyang pakialam. Hindi niya kayang basta na lang kalimutan ang ginawa nito sa kanya at kay Kat. Nagkausap naman sila ng dalaga habang nagbabyahe patungo rito sa Maynila. Nilinaw nito nan ais niyang makulong ang kanyang ama at ina, pati na rin si Lara at ang mga magulang nito.

Inaamin niyang may kirot sa dibdib niya ang maisip na makukulong ang kanyang ina, ngunit alam niya rin sa sarili niyang dapat magbayad ang mga ito sa nangyari noon kay Milo at Kat. Tama ito, hindi na maibabalik ang mga taong lumipas sa mag-ina niya, kaisa na roon ang verbal na pang-aabuso ng ina ni Lara kay Milo. Nasabi na sa kanya ni Kat ang lahat habang nagbabyahe sila at talaga namang nakadama siya nang matinding galit. Milo is too young for that kind of shit pero wala talagang patawad ang ina ni Lara.

Wala na siyang balak makipag-usap rito. Uuwi siya ngayon sa bahay niya, sinabihan na niya ang mga tao roon na iempake ang mga damit ni Lara. Ayaw na niyang makasama ito sa bahay, hindi niya alam kung anong magagawa niya sa babae sa oras na makita niyang muli ito.

He got home. Naabutan niya ang mga maids na inilalagay na ang mga luggage ni Lara sa living area. Ang ilan sa mga ito ay hindi maipinta ang mukha at ang iilang iyon ay ang mga kasama sa bahay na si Lara mismo ang nanguha, pati kasi iyon ay pinaalis niya, pinababalik niya ang mga ito sa bahay ng mga Sanggalang. Hindi niya kailangan ng pangahas sa pamamahay niya. Aayusin niya lang ang lahat pagkatapos ay ibebenta niya ang bahay na ito. Hindi niya kailangan ng alaalang si Lara ang kasama, anuman ang respetong mayroon siya para rito ay nawala nang tuluyan dahil sa nalaman niya. Lara doesn't deserve to be treated good, she is nothing but a pretentious bitch.

"Nakuha ninyo lahat?"

"Opo, Sir."

"Good. Pagdating niya, pakitulungan tapos i-lock ninyo agad ang pinto." Malumanay na wika niya sa mga kasambahay. Umakyat siya sa private office niya, may mga papeles siyang kukunin, nakatanggap kasi siya ng tawag mula sa EA niya at nagsasabi itong bukas ay sisimulan na ang imbestigasyon sa kompanya, isusuko niya lahat ng papeles na may anomalya, iyon ang patunay ng kagaguhan ng kanyang ama. Alam niyang maraming investors ang nagtitiwala sa kanyang ama, pero dahil sa kaguluhan ay isa – isa na itong nag-pull – out ng investments, araw na lang ang bibilangin bago tuluyang bumagsak ang kompanyang iyon, walang makukuha ang kanyang ama, at may posibilidad pa itong makulong dahil sa mga transaksyong illegal na ginawa nito, sigurado si Midas na hindi palalagpasin ng board members ang bagay na ito.

He went down the living room, paalis na siya ngunit nakita niya si Lara na papasok ng bahay kasabay ang ina nito at ang kanyang Mama.

"Ano iyan?" Narinig niyang tanong nito sa mga maids. "Bakit nakalabas ang mga maleta ko?"

"Ah, utos po ni Sir na iempake ang gamit ninyo, Ma'am." Nakita niyang nakatingin sa kanya ang kanyang ina. Nagsalita ito.

"Midas, ano ito?"

"Aalis si Lara sa bahay." Walang emosyong wika niya.

"Hindi ako aalis. Bahay natin ito, nasaan si Milo? Apat na araw mo nang hindi inuuwi sa akin ang anak ko—"

"Cut the crap, Lara! Alam nating lahat na hindi mo anak si Milo. Akin si Milo pero si Kat ang nanay niya. Shut up!" Nakaramdam siya ng galit. Napapadyak si Lara.

"Anak ko si Milo! Mas gugustuhin mo pa bang maging ina ng anak mo ang putang iyon kaysa sa akin?! Mas angat ako kay Kat! Tapos ako ng pag-aaral! I am rich! I am an heir! Katryna is just a cum slut! Pinatuyan ko iyan sa buong university noon when I released her video!"

Nakuyom ni Midas ang mga kamao niya. Wala na siyang pakialam. Sinampal niya si Lara, alam niyang nagulat ang mga maids. Sinampal rin naman siya ng ina ni Lara.

"Wala kang karapatang saktan ang anak ko!" Sigaw nito sa kanya.

"Wala ka ring karapatang saktan si Milo, Mrs. Sanggalang. Gusto mo bang batuhin kita ng vase ngayon?" Gigil na gigil siya habang nakatingin sa mga ito. "You told Milo that he's not Lara's son, he's only six years old, tapos ganyan kayo?!"

"You did that?!" Sigaw ng kanyang ina. "Apo ko si Milo at usapan nating hindi ninyo siya sasaktan!"

"You're no better, Mom." Wika niya sa kanyang ina. Hindi ito nakapagsalita. "You always said that you are and will always be an advocate of women's right, pero anong ginawa mo kay Kat? She will sue you, and she'll make sure you'll rot in jail." Napasinghap ang kanyang ina. Humawak ito sa braso niya.

"Hindi mo naman siya hahayaang gawin iyon, hindi ba?" Tanong ng kanyang ina. "Midas, Mama mo ako."

"Ma, anak mo ako, sana kahit minsan, tumayo ka sa tabi ko. Pinakain ninyo ako ng kasinungalingan sa loob ng pitong taon, tapos ang gusto ninyong gawin ko? Pinagmukha ninyo akong tanga. Sisiguruhin kong magtatagumpay si Kat sa lahat. Good day."

"Midas!" Hinabol siya ni Lara sa labas. He turned around to see her cry. Mugtong – mugto ang mga mata nito. "The Cartier necklace, you gave it to her. I told you that I want that and I thought you got that for me. Pero..."

"Bago mo pa sabihing gusto mo iyon, binili ko na iyon with Kat in my mind. Hindi na kita pahihirapan, Lara. Sa loob ng pitong taong magkasama tayong dalawa, hindi nawala si Kat sa isipan ko. I tried to open my heart to you, but I cannot love you the way you want to, kasi sa puso at isipan ko, si Kat pa rin. Kat is my home; she will always be my home. Uuwi at uuwi ako sa kanya.

He left. Nasasakal na naman siya.

xxxx

Katryna's

ISANG linggo ang lumipas matapos ang pasabog niya sa breakfast party ng kanyang Lola. Isang linggo na ring hindi nakikita ni Kat ang kanyang mga anak. Araw – araw naman ay tinatawagan niya ang mga ito para makausap at makita maski man lang sa video call. Si Alvaro ang palaging kalaro ng mga ito, enjoy na enjoy si Sana sa pag-stay sa farm ng kanyang ama, si Milo naman ay nag-eenjoy sa alagang Yoya.

Iniisip niya kung paano nila ipapaliwanag ni Midas sa mga bata ang sitwasyon nila. Na siya ang tunay na ina at si Lara ay saling pusa lang. She sighed. Bukas ang huling araw niya, bukas ay passing of torch ceremony ng LUMOS, kailangan naroon siya dahil magsasalita siya bilang bagong presidente ng organization. Hindi nga niya alam kung anong sasabihin, malabo pa ang lahat.

She is staying at Chava's condo. Si Midas ay umuuwi sa unit nito sa kabilang tower lang. Inaaya nga siya nitong doon na lang matulog para raw magkasama silang dalawa pero tumatanggi siya. Sa pagkakaalam niya, hindi pa sila ayos na dalawa, oo nga't may nangyari sa kanila, pero hanggang doon lang muna. She wanted to focus on her goal now, she wanted revenge.

"Ate." Nagulat siya nang magsalita si Chava. Nakaupo lang siya sa sofa sa living area habang nakatingin sa tv, hindi naman niya naiintindihan ang pinanood niya, iniisip niya si Milo at Midas, siyempre pati si Sana, gusto na niyang makasama ang mga ito.

"Yes, Chava baby?" She smiled at him. Naupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Alam mo namang nagpa-imbestiga ako tungkol sa nangyari sa ospital na iyon nang manganak ka diba?"

"Oo. Anong nangyari?" Humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

"Nagtagal lang ako, pero nahanap ko na iyong doctor na nagpaanak sa'yo. Ayon kasi sa tao ko, isang linggo pagkapanganak mo, nag-resign iyong doctor sa ospital at lumipat ng lugar. Mayaman na siya, ate, hindi na niya kailangan magtrabaho. Hindi naman malabo kasi sigurado akong bayad siya ng mga Torrero, pero napag-alaman kong hindi lang ang Mama ni Midas ang kasabwat rito, pati si Dulce." Napatiim ang kanyang mga panga. "Inihahanda ng lawyer ko lahat ng necessary evidences para makapagsampa ka ng kaso ate. Child trafficking ang nangyari dahil may batang involved at pera, kidnapping na rin, lahat iyon isasampa natin para mabulok sila sa kulungan. Hindi ako papayag na inaapi ka."

Her tears fell. She cupped Chava's face.

"Thank you, Chava." Iyon lang ang nawika niya. Yumakap siya sa kapatid. Laking pasasalamat niyang hindi siya iniiwanan nito na palagi itong nasa tabi niya sa lahat ng oras.

Ang kompanya nila Midas ay palaging laman ng balita. Ayon sa mga ito, hindi ito tuluyang magsasara pero bibilhin ito ng mas malaki pang kompanya at mawawala sa pamilya ng mga Torrero ito. Hindi nila iyon napag-uusapan ni Midas, mas open pa nga si Mavi sa bagay na iyon, alam niyang hindi na kinakausap ni Midas ang mga magulang nito, nakakalungkot, nais niyang pagsabihan ito ukol roon pero tuwing susubukan niya ay iniiba ni Midas ang usapan.

"Dito ka muna, kakausapin ko si Midas." Chava made a face.

"Hindi ko talaga siya gusto."

"Mag-thank you ka sa kanya kasi dahil sa kany may cute kang mga pamangkin." Sabi niya rito. He cupped his face. "Chava Chava baby, kiss kiss Ate!"

"Ihh! Ate nga! Ang laki – laki ko na!"

"Chava ha!" Hinampas niya ito sa dibdib. "Mula noong nagkapanty sa sasakyan mo, ayaw mo nang kiss kiss ate! Ano kiss kiss pekpek na ba iyan?!" Kinurot niya ito sa tagiliran. Pinanlakihan niya ito ng mata saka siya lumabas ng condo nito. Nilakad niya lang ang patungo sa kabilang tower. Nasa sixteenth floor si Midas, alam naman niya ang papunta rito.

Mabilis lang siyang nakarating. She rang the doorbell five times bago ito nagbukas. Nakita niya si Midas na naghihikab pa. Naka-boxer shorts lang ito, he gave her that infamous lazy smile. Kat had to remind herself that in this situation, siya ang mas matanda kaya dapat hindi siya marupok.

"Good morning, Binibini." Nang-aakit na naman ito. Ngumiti lang siya.

"Morning ka diyan, 12 pm na. Kababangon mo lang." Niluwagan nito ang pinto upang makapasok siya.

"Kanina gising ako, tumawag ako sa Aurora, I talked to Milo, Sana and your mom, they're all okay there." Kasunod niya si Midas sa paglalakad. Napasigaw siya nang hawakan siya nito sa magkabilang baywang, ang bilis ng kamay nito, naipasok na sa t-shirt niya kaya ngayon damang – dama niya ang init ng palad nito.

"Midas! Ano ba?!" Lumayo siya rito. She sighed. Naupo siya sa couch. Tumawa lang ito. "Mag-t-shirt ka. May sasabihin ako."

"Fine." Mukhang nainis ang ulol pero nang bumalik ay may damit na ito at amoy na amoy niya ang after shave nito. "What is it now?"

"Kasabwat ni Dulce ang Mommy mo sa pagkuha kay Milo. Chava's lawyers are doing their part, kung maaayos ngayon, bukas raw ay may subpoena na para sa kanila." Hindi nagsalita si Midas. Alam niyang nasasaktan ito. Agad siyang lumapit rito para hawakan ito sa kamay.

"Are you okay?" She asked. "Stupid of me to ask, siyempre hindi ka okay, that's your mom. I'm so sorry, Midas,"

"Hindi ka dapat mag-sorry." He said to her. "May kasalanan sila. May batas, dapat mag-comply sila, pero matatagalan bago sila lumabas." He sighed. "Isa pa, mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung palalagpasin lang natin ang ginawa nila sa atin. Even Mavi agrees with me. He's behind us all the way. Ganoon talaga, minsan sa buhay, may struggles and I want to think that mine is over because you're now here and we're together..."

"Hindi madali ito, Midas. Alam mo naman ang stand ni Mama at ni Chava sa'yo."

"Paghihirapan ko. Hindi ko nagawa noon, Binibini, pero alam mo sana na ikaw iyong tipo ng babaeng pinaghihirapan. With you everything is worth it."

"You're just saying that to get into my pants." She teased him. Masyado nang seryoso si Midas. Midas grinned.

"Will you let me?"

"In my pants? Grabe Midas dalawa na ang anak natin!"

"No!" He laughed like a little boy. Parang nakikita niya ang reaksyon ng mukha ni Sana. Mana talaga sa ama. "In your life. Will you let me in your life again? Will you let me be the one to stand beside you in the coming storms, will you let me be the father of your future children..."

"Bakit, ilan pa ba ang gusto mo? Okay na ako sa kambal..." Midas just smiled.

"Will you let me marry you?"

"Wala ka namang singsing." Ngumuso pa siya.

"I will buy you one, and then I'll propose again." He enclosed her in his arms. Hinagkan siya ni Midas sa tungki ng ilong saka tinitigan sa mata. "Mahal kita, Binibini."

She smiled. Hindi pa muna. Sapat na munang mahal siya nito at sinasabi nito iyon sa kanya. Mahal niya rin naman si Midas, pero hindi muna...

xxxx

THE day came. Kat dolled up like what her Lola told her. She wore another designer red dress. Naniniwala siya na pula talaga ang kulay niya. Naniniwala siyang tulad ng simbolo nito, siya ay naglalagablab at handang sunugin lahat ng haharang sa daan niya.

Planado ang lahat, she will be announced as the new President of the Organization, pagkatapos, habang nagsasalita siya sa podium ay dadakpin si Lara, ang ina nito at ang ina ni Midas. Muli niyang kinausap si Midas tungkol rito pero pinaubaya nito lahat sa kanya He will be there in the ceremony later, makikita nitong dadakipin ang ina nito and she wanted to be beside him if that happens. Kasama si Dulce sa aarestuhin mamaya. Hindi niya binanggit sa kanyang Lola ang parteng iyon ng plano, siniguro niya rin na hindi ito malalaman ng matanda dahil sinabi niya kay Chava na h'wag sabihin.

Lahat ng gumawa sa kanya ng hindi maganda ay dudurugin niya. Ganoon kagalit si Kat.

Everything in the program went well. Proud na proud ang Lola niya sa lahat. In the middle of the program, nagpunta siya sa rest room to do her business, doon natagpuan niya si Lara. Nakangisi ito sa kanya. Ngumisi rin siya.

"H'wag kang masyadong magpakasaya." Wika nito. "Remember seven years ago? Baka maulit iyon ngayon."

Hinding – hindi niya makakalimutan ang tinutukoy nito. Alam niya ring hindi imposibleng maulit ang nangyaring iyon, pero wala siyang pakialam, she is here to witness Lara being arrested. Nginitian niya lang si Lara.

"Sana masarap ang ulam mo in the coming days." Pumasok siya sa cubicle. Ilang beses siyang huminga nang malalim pagkatapos ay lumabas siya. Wala na si Lara doon. Naghugas siya ng kamay at sa paglabas niya ay naroon pala ang kanyang ama. Hindi ito makatingin sa kanya. Balak niya itong lagpasan pero hinawakan nito ang braso niya.

"Yna, anak, gusto ko sanang humingi ng tawad." Tumingin siya rito.

"Kay Mama muna, kapag napatawad ka niya, we can start from there, pero hangga't hindi, wala po muna." Malumanay na wika niya. Hindi naman niya kailangan makinig sa mga paliwanag nito. Inaamin niyang nasaktan siya at nasira ang buhay nilang mag – inas dahil rito. Nagalit siya noon pero ipapaubaya na niya sa kanyang ina ang nararapat para sa kanyang ama.

Bumalik na siya sa function hall. She could hear her heels striking the floor, she felt so powerful, sa pagpasok niya ay si Lara Sanggalang ang nagsasalita, ito kasi ang naatasang magpakilala sa kanyang Lola, para sa farewell speech nito tapos noon ay siya na ang tatayo sa harapan.

"Anyway..." Hindi niya nasimulan ang speech ni Lara. Wala rin naman siyang pakialam. She sat beside Chava.

"Nasa likod si Midas panget. Kararating lang niya. On the way na iyong mga pulis."


"Chava baby!" Natawa siya dahil tinawag na naman nitong panget si Midas.

"This organization will burn because unfortunately, Donya Lucia picked her bitch of a granddaughter to lead. My god, how can you be so low, a woman of essence vs a cum slut?!" Napaawang ang kanyang labi dahil sa tinuran ni Lara. "And if you don't want to believe me, I have proof!"

Bigla ay napalitan ang background sa monitor, her mouth parted when she saw a familiar setting, it was a bedroom, with her and Midas in it.

She was on top, her breasts are exposed at kitang – kita sa mukha niyang enjoy na enjoy siya sa sensasyong nararamdaman niya. Dinig ang ungol ni Midas sa buong function hall.

"Why would you want a cum slut to lead this wholesome org? Hindi lang siya cum slut! Inagaw niya rin ang asawa ko! Kabit siya ni Midas! Torrero! Ang kapal ng mukha mo! Ngayon ano pang mukhang ihaharap mo sa kanila?!"

Biglang nawala ang video. Tahimik na tahimik ang lahat. Dinig na dinig niya ang kabog ng kanyang dibdib. She looked at her Lola, wala itong reaksyon, nakatitig lang ito sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin niya, bakit napakadali para kay Lara na gibain ang dignidad niya?

"May part one iyan, inilabas ko seven years ago. Kung nasira ko ang buhay mo noon, sisirain ko ngayon kasi mang-aagaw ka! Bitch!"

Her tears will fall, nararamdaman niya iyon but suddenly, she saw Midas going up the podium. Kinuha nito ang mic kay Lara saka tumingin sa lahat.

"Good afternoon." Nagsalita ang binata. "I'm Midas Torrero. Did you see the video? Ako iyong lalaki. My God, Lara, napaka-unflattering ng angulo noon." He even laughed. "Anyway, I just want to clarify everything that Miss Sanggalang said, first, we're never married, so, hindi kabit si Kat. Kat is the love of my life. I had my fair share of women but when I met Kat, I was only nineteen years old then, she's a bit older than me, she was my prof in college, but I knew, with that one look, I knew it already that she will have a big space in my heart."

"Akin na iyan!" Kinukuha ni Lara ang mic.

"Shut up, Lara." Pabiro pero mariing wika ni Midas. "You had your time, it's mine now. As I said, Kat occupied a big space in my heart. But because I was young, dumb and insensitive, I did things that I regret now, isa iyong video na iyan. I realized that whatever is happening between us, it should be in kept in private. Don't worry, there are only two videos. This is the last and this will be taken down." He sighed. Titig na titig siya kay Midas. "Whatever I am today, it is all because of her. She loved me unconditionally, she loved me at my best and worse. She protected me from all the storms that came in my life, she protected me even though she knew she will suffer from it all, she didn't care, it's because she loved me."

Tuluyan nang napaluha si Kat, hindi dahil sa video kundi dahil kay Midas.

"With or without the video, Kat is qualified to be the President of this org because she embodies the traits of the women that's been in this sorority. Strong willed, open minded, kind-hearted, and beautiful. She is perfect, she is honest, she loves unconditionally. If you're going to dismiss her because of that video? Then all of you are hypocrites. This org is about women and for the women, kung may hindi bagay rito, hindi ba't si Lara iyon? Wala siyang kahit isang katangian na dapat taglayin ng isang demolay. Demolays are strong and kind, Lara is just a pretentious bitch and I am a witness to that."

Midas looked at me.

"And to the love of my life, the mother of my two children, I love you, I really do. I will build a life with you and I will protect you with my whole life."

She found herself nodding. Ibinalik ni Midas kay Lara ang mic and as if one cue, habang pababa si Midas upang lapitan siya ay bumukas ang pinto ng function hall. She stood up to meet him in the middle, yumakap siya rito. Kasabay ng yakao na iyon ay narinig niya ang boses ng pulis na umaaresto kay Lara, Dulce, sa Mama ni Midas at sa Mama ni Lara.

She was crying, not because of the video, she was crying because finally, it is over. Wala na siyang iisipin pa. Wala nang mananakit sa kanya.

The ceremony proceeded but even before this, kinausap niya ang kanyang Lola, hindi niya tatanggapin ang pagiging Presidente, all she ever wanted is a peaceful life with her family, mukhang hindi suma-sang-ayon ito sa kanya pero nang magsalita ang kanyang ama ay napapayag rin ito.

That day, her grandmother proclaimed Tanya Ricafort as the new President of the Lumos org. In the end, everything is well.

She went home to Aurora with Midas. Pababa pa lamang siya ng sasakyan ay naririnig na niya si Sana. Takbo ito nang takbo hanggang sa mapakayakap ito sa kanya.

"Mama! Saan na kapatid ko?!" Napatitig siya kay Sana. "Sabi ni Tito Al pagbalik ninyo raw po may kapatid na ako!"

"At napakasira ulo talaga ng Tito Al mo. Kiss kiss Mama na lang." Lumuhod siya para mapantayan niya si Sana. Sumunod na lumabas ay si Milo, yumakap agad ito kay Midas. Kinarga ito ni Midas, napansin naman niyang nakatitig si Sana sa dalawa.

"Dad, I missed you! Yoya Lourdes made some bilo – bilo with Langka. It's good!"

"Tito Midas, pwedeng karga mo rin ako."

Midas only smiled. "Sure, baby girl."

"Anak h'wag na baka mabalian ng likod si---" Pero kinarga nga ni Midas ang mga bulinggit. Napapangiting sinundan niya ang ito ng tingin. Isa na lang ang problema, ang pagsasabi ng totoo sa mga bata...

They ate together. Isa lang ang tanong sa kanya ng kanyang ina.

"Kumusta ka, anak?"

And she answered it with. "Masaya po ako, Mama."

Iyon naman talaga ang nararamdaman niya.

Her day ended with Midas and her in the balcony of the mansion. They were standing side by side together, she finally faced him and she smiled. She cupped Midas' face. Takang – taka naman ito.

"What?" He was giggling.

"Midas, Midas, love love, Katkat. Kiss kiss na."

"Love mo na ako ulit?" Tila naiiyak pa ito. She smiled.

"Hindi naman kahit kailan nawala, mahal kita noon hanggang ngayon, Midas I am happy because I gambled on you and today, I really hit the jackpot. I love you, Midas. I really do."

He cupped her face too.

"Kiss kiss Midas kay Binibini!"

And then, he kissed her, finally, Katryna is home.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro