Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

Nagwala

 Katryna's

ALAS onse nang umaga nakabalik ng farm si Katryna, sa pagkakataong iyon ay kasama na nila si Alvaro. Panandalian lang ang naging usap nila ng kanyang abuela, ang bilin nito ay bumalik siya sa Miyerkules, siguro, muli silang mag- uusap sa gagawin. Ang tanging nasa isipan niya lang ngayon ay kung paano niya itatago ang kanyang mga anak sa mga Torrero, dahil sa oras na gumawa siya ng hakbang ay alam niyang maaaring mapahamak ang mga ito. May pakiramdam siyang alam ng mga Torrero ang tungkol kay Sana, malaki ang posibilidad na kunin ng mga ito si Sana at hinding – hindi siya papayag.

"Ang lala ng ugali ng mga Torrero." Wika ni Alvaro. "You know my father doesn't like them, Ate Yna." Wika nito sa kanya. Magkakasabay silang naglalakad papunta sa main house. Gusto na niyang makita ang kanyang mga anak. "Sabi ng Papa, ahead si Saul Torrero sa kanya ng three years, but he's really an asshole, kung palakarin nito noon ang frat mansion, akala mo siya ang may-ari. His rules, his way, buti na lang at hindi ka-batch ni Papa iyong Papa ni Midas, siguro ang bully talaga noon."

"Hanggang ngayon naman bully siya." She said to Alvaro. "Wala siyang puso, he's doing everything to gain power. Hindi naman nagiging masaya ang tao sa paligid niya dahil sa power na iyon." Totoo iyon. She was the witness to all his manipulations on both of his sons. Hindi naging maganda ang kinalaban noon, kay Maverick man o kay Midas, lahat iyon ay nauwi sa pananakit nito sa sariling mga anak.

Maverick almost gave up. Midas lived a life of lies. Sa kanilang dalawa ni Midas, ito ang mas nahirapan, kung naghirap man siya noon, panandalian lang iyon, pero iyong kay Midas, pitong taon itong nabubuhay sa mga panloloko, napakasakit isipin na wala ni isang taong makapitan ito noon kundi ang anim na taong gulang nilang anak.

"Ma, nandito na kami." Si Chava ang unang nagsalita. Nakita niyang palapit agad ang Mama niya, she hugged her tightly, sumama rin si Chava sa yakapan nila. Nasabi na niya sa kapatid ang tungkol kay Milo, galit na galit ito. Ang sabi nito sa kanya ay tutuntunin nito ang kasabwat ng mga Torrero sa ospital kung saan siya nanganak noon. Galit si Chava, parurusahan raw nito ang umapi sa kanya. Tawang – tawa naman si Alvaro siguro dahil pareho sila ng iniisip, hanggang ngayon sa isipan niya, baby pa rin talaga si Chava kahit na may nakita siyang panty sa dashboard nito.

"Kumusta?" Iyon agad ang tanong ng Mama niya.

"Babalik ko sa Miyerkules, Ma, kailangan ko munang umisip ng paraan para maitago ang mga bata, baka mamaya masaktan sila. They need to be safe first." Tumango ang kanyang ina. "Nasaan ang mga bata?"

"Niyaya noong babae si Midas sa kabayo niya."

"HAH! Dito pala natulog iyong gago na iyon, Ate!" Parang batang wika ni Midas.

"Oo. Pinasuot ko sa kanya ang pajama mo."

"Bakit naman iyong akin?!" Sigaw nito sa kanya.

"Isipin mo, kung iyong akin ang sinuot ni Midas, anong hitsura niya noon?" Angik niya rito. Lumabas siya ng bahay para tuntunin ang kanyang mga anak. Malayo pa lamang siya ay naririnig na niya ang boses ni Sana, siguro kinukwentuhan na naman nito si Midas, makwento si Sana lalo na kapag komportable ito sa kausap. Sinundan iyon ng tawanan, ngayon ay sigurado siyang pati si Milo ay tumatawa na. Nakit niya si Midas na nakaluhod sa tapat ni Saina habang tila takang – taka ang reaksyon ng mukha.

"Sana!" She called her daughter. Lumingon ang tatlo sa kanya, ngayon at tatlong pares ng mga mata ang titig na titig sa kanya pero ramdam na ramdam niya ang tension mula sa mga tingin ni Midas. Nagtaka ako nang bigla itong tumayo at humakbang siya papunta sa kanya, tila ba nagmamadali ito, nang magkatapat na sila ay bigla na lang siya nitong hinatak palapit rito at bigla na lang hinalikan sa labi. Her eyes widened.

Kasalukuyang kinakain ni Midas ang labi niya. Oh, fuck! She never realized how much she missed him until this. Parang nahihipnotismo siyang napapikit at hinayaan ang mga halik nito.

"Grabe naman!" Hindi na alam ni Kat kung sino ang sumigaw nang grabe naman, basta siya ay ninanamnam niya ang mga halik ni Midas, muntik na siyang mapaungol dahil bigla na lang itong lumayo sa kanya, ang sumunod na nakita niya ay nasadlak si Midas sa lupa. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin kay Salvador.

"Chava!" Napasigaw siya.

"Tang ina ka! Suot mo pa iyang damit ko! Ano, kiss kiss ka kay Ate tapos ano?! Ano?!"

"Chava, ano ba?! Alvaro, tulong naman!"

"Ay, okay." Parang noon lang nito naisip na kailangan nitong awatin si Chava. Nilayo nito ang kaibigan, siya naman ay tinayo si Midas. Hinawakan niya ang labi nitong may dugo. Napalingon siya sa mga bata, buti na lang at mas abala ang mga ito sa pagtingin sa mga kabayo ni Sana at hindi sila napansin ng mga ito. Nagulat siya nang alisin ni Midas ang mga kamay niyang nakapalupot rito, pinanood niya itong lumapit kay Chava pagkatapos ay nanlaki ang mga mata niya nang yakapin ito ni Midas.

"Whoa!" Sigaw ni Alvaro. "Wow!"

"Hoy, bitiw aba! Bitiw! Alvaro, tulungan mo ako!" Gumagalaw si Chav para makalayo kay Midas, mabuti na lang at binitiwan na ito ni Midas, he cupped Chava's face and looked at his eyes for a long time.

"Salvador, I want to thank you for everything that you've done for Kat and Sana. I owe you big time, brod." Napaawang ang kanyang mga labi. Lalo siyang nagulat nang hagkan ni Midas si Chava sa noo tapos ay niyakap muli. Matapos iyon ay bumaling ito sa kanya, siya naman ang hinagkan nito, tapos ay pinuntahan nito ang mga bata. Walang kaide-ideya si Kat kung anong nangyayari. Napatingin rin siya kina Chava na takang – taka sa nagaganap.

xxxx

"MIDAS can we talk?"

Pagkakain ng tanghalian ay nilapitan niya si Midas. Naglalaro ang mga bata sa may living area kasama si Alvaro. Ang kanyang ina ay abala sa mga ligpitin, si Chava naman ay nagpaalam na matutulog muna, mpagod raw kasi siya mula sa pagmamaneho kanina. Agad naman siyang binalingan ni Midas. Lumabas silang dalawa ng kabahayan. Basta naglakad – lakad sila. Hindi nakaligtas sa kanya ang kakaibang ngiti ni Midas habang nakatingin ito sa kanya ng ganoon. She finally faced him, nasa tapat sila noong puno ng Satelmo. Humalukipkip siya at hinarap si Midas.

"What are you smiling for, Mr. Torrero?" Maawtoridad na wika niya.

"Nothing, Binibini. I'm just really happy." What he said melted his heart. "Also, I know it's late but I owe you and Chava an aplogy."

"Don't call him that, maiinis iyon sa'yo." Napangitin na rin siya.

"I now know that he's your baby brother." Nakatingin lang siya rito. "Now, I understood why you made him the fall guy for that video, years ago, and I'm so sorry Kat kung nasabi ko iyon noon, sorry kung pinag-isipan kita ng masama. If you haven't notice it, I am a very jealous person. I'm so sorry, Kat."

"You were jealous?" Takang – takang tanong niya. "Why? You were the only man in my life at that moment. In my heart you're my unofficial boyfriend." Wala naman nang use kung itatanggi niya pa. Midas sighed.

"In my head I was nothing but a boy. I don't have anything to offer you at that moment so I became very jealous Kat, kahit si Mr. Alburo pinagseselosan ko. Lahat ng lalaking alam kong higit sa akin at alam kong mas maraming ibibigay sa'yo, pinagseselosan ko kasi ano lang ba ako? Kaya sorry, sorry kung anong pinag-iisip ko sa inyo ni Salvador, galit ako sa kanya noon, ngayon naman ay inggit na inggit ako kasi siya ang kasama mo, iyon pala..." Lumapit si Midas sa kanya. "I am stupid."

"Yes, you are." Natatawang wika niya. Humawak si Midas sa kanyang baywang. Napaawang ang kanyang labi, napakalapit nila sa isa't isa ngayon na parang hindi na naman siya makahinga.

"If you're his sister, then you're an Encinas." Wika nito. "Bakit iba ang apelyido mo?"

"Naghiwalay ang nanay at tatay ko dahil nambabae si Papa at sumama kay Dulce, my Lola favored her because well, she is a demolay and my father is a legacy – a legacy always ends up with a demolay, they are in for power and the perks that comes around with it. I had a hard life because my father was blinded of power. Nalayo sa amin si Chava nang matagal na panahon dahil roon... I hated the frat, Midas, but little did I know, doon rin ako babagsak, thanks to your father."

"Your father is a legacy, Chava is one too, technically, Kat, that makes you a demolay. I am still a legacy and we should end up together."

Tumaas ang kanyang kilay. Wow. Speed lang. Tumawa siya.

"We need to get serious now, Midas. I have plans of getting back on the people that took Milo away from me. Hindi ako papayag na basta na lang sila maging malaya, I want them to feel the pan that I felt for the last seven years."

Midas cupped her face. "I am with you. What do you need?"

"A safe place for the kids and Mama. Ayoko silang masaktan, alam mo ang kayang gawin ng pamilya mo." Marubdob na wika ko. Midas nodded.

"I have a farm in Aurora." Wika nito sa kanya. "My father had no idea about that. Hindi niya alam na may lupa ako roon kasi hindi iyon sa akin nakapangalan. We can take you mom and the kids in there, doon muna sila habang hindi pa tapos ang lahat."

"Okay..." She held his hand. "I will trust you again, Midas. Tataya ako sa'yo."

"Thank you. I will make sure, ngayon, mananalo ka na sa akin." She knew that Midas would kiss her again and she is waiting for that, but then suddenly Sana appeared with Milo. Sigaw ito nang sigaw.

"Mama! Mama! Nakatapak si Milo ng tae! Hahahaha! Laptrip si Milo, Mama, sabi niya ewww!" Sana even made a face. Lalapitan sana ni Midas si Milo pero pinisil niya ang kamay nito.

"Let me." Dinala niya si Milo sa may gripo para hugasan ang suot nitong crocs. Napansin niyang nakatitig si Milo sa kanya. "What's wrong, Milo?"

"You're so pretty, Tita Kat."

"Aww, thank you, Milo, you're so handsome too, you look so much like your Daddy."

"Yes, Mamita said that too."

"Here, you can wear it na, tapos pagpasok natin sa main house, tutuyuin ko, wala kasing-"

Natigil si Kat nang bigla siyang yakapin ni Milo. Hindi niya napigilan ang kanyang mga luha. Agad namang bumitaw sa kanya ang bata.

"Sorry." He said.

"No, that's fine. You can always hug me if you need it."

"Sana said that Mommy's hugs are warm and delicious – like popcorn. I think it's so much better." Napangiti siya at pinindot ang ilong nito. "You're so pretty po."

xxxx

"NAGKABALIKAN na ba kayo, Katryna?"

Iyon ang unang tanong ng Mama niya habang inaayos niya ang mga gamit ng mga bata. Alas siyete ng gabi nang marating nila ang farm ni Midas sa Aurora, ang buong akala niya ay basta na lang farm iyon, hindi pala, papasan ang hacienda ang lupain ni Midas. Nasa gitna ang mansyon nito tapos ay napakalaki ng lupaing nasasakupan nito. He overheard him telling Alvaro that he has fourteen horses here, may pataniman rin ito ng mangga, palay, palaisdaan at maliit na kapihan.

Kasalukuyang natutulog si Sana sa kama. Sa silid na iyon ay may dalawang kama. Ang mama niya sa isa, sila naman ni Sana ang sa may bintana. She looked at her mother. Inilalabas rin nito ang ibang mga gamit nito.

"Hindi, Ma."

"O bakit naghahalikan raw kayo sabi ni Chava?"

"Napakasumbungero talaga noong anak mo na iyon." Natawa siya.

"Anak, nag-aalala kami sa'yo. Ayaw lang naming maulit ang nangyari noon."

"Hindi ko naman nakakalimutan iyon, Ma. Nag-uusap pa kami ni Midas. Kung anuman ang maging desisyon naming dalawa, iyon na iyon... pero sana h'wag kang magagalit sa akin." Lumapit ang ina sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Wala akong karapatang magalit, ang gusto ko lang, malaman mong kahit ano pa iyan. Nandito ako para sa'yo, mahal kita at lahat ng mahal mo ay mamahalin ko rin." Hinagkan siya ng kanyang Mama sa pisngi. "Ang baby girl ko, hindi na talaga baby. Love love ni Mama iyan." Tawa siya nang tawa nang gayahin nito ang pagsasalita niya sa tuwing naglalambing siya kay Chava o kay Sana.

"Mama talaga." Pinugpog siya nito nang halik. Nagkuwentuhan pa silang dalawa habang nag-aayos ng mga gamit. Hindi niya alam kung hanggang kailan ang mga ito rito, ngunit nagbilin siya sa kanyang ina na h'wag na h'wag aalis hangga't hindi sila bumabalik. Ang pinakamaganda roon ay nandito rin si Alvaro habang naghihintay sa pagbabalik nila, may kasama ang kanyang ina, silang dalawa ni Chava ay luluwas bukas ng umaga para makabalik sa bahay ng mga Encinas, at si Midas, uuwi ito sa mga Torrero, -panahon na raw upang muling makaharap nito ang ama.

Bandang alas nueve ay iniwanan niya ang kanyang ina dahil magno-novena na raw ito. She busied herself walking around the second floor, iba ang taste ni Midas sa bahay na ito, kitang – kitang napakayaman nito. May anim na silid sa itaas, naroon rin ang silid ni Midas, sa first floor naman ng bahay ay may tatlong kwarto ulit. Napansin niyang may maid's quarter rin sa bandang gilid ng bahay.

She guessed that Midas have established himself, nakita rin niya ang koleksyon ng mga sasakyan nito sa garahe kanina. Tuwang – tuwa nga si Alvaro dahil ang ilan roon ay mga vintage pa. Habang naglalakad ay nakarinig siya ng musika na galing sa kung saang silid, sa bandang kaliwa niya iyon kaya pumunta siya, nakita niya si Midas at Milo na nakaupo sa may grand piano. Tinuturuan yata ni Midas si Milo. She watched them, she witnessed how attentive he is when it comes to Milo. Halata rito na mahal na mahal nito ang anak.

"Dad, I'm sleepy, can we do this tomorrow?"

"Sure, Kiddo. Come on." Kinuha nito ang kamay ni Milo at inalalayan makababa sa upuan, napangiti si Midas nang makita siya. "There's Tita Kat."

"Goodnight, Tita Kat, I'm really sleepy. Can you tell Yoya Lourdes that I really liked her sinigang nab angus? It's so delicious."

"I will, Milo." Lumuhod siya sa harap nito. "Goodnight. Can I kiss you?"

"Sure, you're so pretty you can kiss me all the time." Natawa nang malakas si Kat saka hinagkan ang anak.

"Akala ko mukha lang ang namana, pati pala pambobola." Inirapan niya si Midas na napapakamot ng ulo. Sabay nilang inihatid si Milo sa silid nito. Tuwang – tuwa siya nang makita kung gaano karami ang libro nito sa shelf. Kwento pa ni Milo na hindi pa iyon kumpleto kasi mayroon pa raw sa bahay ng mga ito sa Forbes. Nang makatulog si Milo ay lumabsas na sila ni Midas ng silid. Nakatayo lang sila sa hallway, tila hindi alam ang gagawin.

"Uhm, matutulog na ako." Wika niya.

"Kat, may ipapakita sana ako sa'yo..." Tumaas ang kilay niya. Nagtitigan sila ni Midas tapos napaawang ang labi niya.

"Midas ha! Hindi dahil hinalikan moa ko mag-se-sex na tayo!" Eskandalong – eskadalo siya.

"What?! No! I'm really going to show you something!" Namula ang mukha nito. Parang lalong naging ilag sila sa isa't isa. Sumunod naman siya kay Midas, nakarating sila sa dulo ng pasilyo, ang tanging silid na may double doors. Pumasok silang dalawa roon.

The room screams Midas Torrero. Dominante, lalaking – lalaki. White, black at gray ang nangingibabaw na kulay sa silid nito. Midas went to his bedside table, may kinuha yata ito sa drawer tapos ay humarap ito sa kanya. Napansin niyang may inaabot ito.

"What's that?"

"It's yours. Take it." Kunot na kunot ang noo niya pero kinuha niya iyon. When she touched the notebook he was giving her, she realized that it indeed belongs to her. This was her planner back in the days. Napaawang ang mga labi niya. "I went back to your dormitory kahit may ibang nakatira na roon, I told him that I know you and he said you forgot some of your things, and as I was going through those, I found that... Sorry, binasa ko."

Nandito sa notebook na iyon ang kanyang ten – year plan. Nakalagay roon ang pagtatapos niya ng Doctorate, lahat pati na rin ang pangarap niyang bumili ng lupa sa Aurora... Napatitig siya kay Midas.

"I bought this land because of you."

"Midas..." Her heart is so full right now.

"Marami akong hindi naibigay sa'yo noon, Kat, kaya kahit paano, noong nagkaroon na ako ng pagkakataon ay unti – unti kong tinupad ang pangarap mo. The doctorate, this house, the land, the business, all of these is because of you. Ikaw ang nagmamay-ari ng lupang ito, tulad ng pagmamay-ari mo sa puso ko..."

Wala na... tunaw na naman siya.

Binitiwan niya ang notebook at siya na mismo ang humalik kay Midas. Naging mapaghanap at malalim ang halik na iyon, naging mapusok, mainit at marubdob at sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon, ibinigay muli ni Katryna ang kanyang sarili kay Midas...

"Mahal na mahal kita..." Wika ni Midas sa kanya.

She considered that as her calm before the storm because the morning after is her war.

Maaga silang umalis ng Aurora dahil kailangan makaabot siya sa breakfast party ng Sorority. Ang sabi ni Donya Lucia ay kailangan niyang magbihis ng maganda, she needed to look powerful and she needed to look like she can kick ass so she wore her red Vera Wang empire waist dress and she paired it with her favorite Maison Margiela stilettos. Sabi nga ni Sana sa kanya nang makita siya nito ay mukha raw siyang princess.

Midas dropped her off the restaurant where the breakfast will take over. Kasunod nila si Chava. Her brother parked just beside of them.

"Good luck." Sabi ni Midas sa kanya. She smiled. "Oh wait, may... wait..." Mula sa bulsa nito ay naglabas ito ng isang kwintas. Napaawang ang labi niya. Si Midas pa ang nagsuot noon sa kanya. It's just a simple necklace with a tear drop diamond as it's pendant. "Now, you look perfect. I love you." He gave her a peck in her lips and he just left like that. Noong mahimasmasan siya ay napatingin siya kay Chava.

"Lika na." He held his hand and then they walked side by side. Dinig na dinig ang tunog ng takong niya. They went inside a private room where there are at least twenty people, iyong iba sing edad niya, ang iba ay sing edad ng kanyang mama but her grandmother Donya Lucia Encinas stands out the most. Hindi niya alam kung bakit pero pagpasok niya ay nakita niya ang kanyang lola.

Hindi lang iyon, naroon ang Mama ni Midas, katabi nito si Lara at ang ina nito. Lara's eyes widened after seeing her, napaawang ang labi nito. Ang nanay naman ni Midas ay kunot na kunot ang noo. Lahat ay nakatingin sa kanya. She walked in the middle of the room with Chava beside her, he was holding her hand, nanginginig siya.

Nang makalapit siya sa kanyang Lola ay hinagkan siya nito ng dalawang beses sa pisngi tapos sabay nilang hinarap ang lahat. All eyes were on her.

"We all know that we're all here today because I am stepping down as the President of LUMOS the first baby of the Delta Kappa Phi sorority. I am dying and my days are numbered." Nagsalita ang kanyang Lola. Chava was smiling so wide habang pabalik – balik ang tingin sa kanya at sa lolo nila. "And I wouldn't want my legacy to just go to waste, that is why, I am passing my torch to a person that I know will embody my spirit as a demolay and as an Encinas. I would like you all to meet the next president of this organization, Katryna Encinas."

Her mouth parted hearing that surname beside her name. Napatingin siya kay Chava. Hinagkan siya nito sa pisngi. Nagpalakpakan ang mga tao but then, Lara's mom stood up.

"Donya Lucia we all know we cannot have a non demolay to manage this org. Kung ayaw mo sa akin bilang kapalit mo, my daughter Lara is available. I've been grooming her and she is the MOST qualified candidate."

"I second the motion." Wika ng nanay ni Midas. Nangigigil si Kat. Lara stood up.

"A cum slut will always be a cum slu---" Natigilan ito hindi niya alam kung bakit. Lara spoke with her teeth gritted. "Where did you get the necklace?" She asked her. Ngumiti lang si Kat at hinawakan ang kwintas niya. "WHERE THE FUCK DID YOU GET THE NECKLACE BITCH!"

"Lara, calm down!" Pagbabawal ng Mama ni Midas. Tumingin si Lara rito.

"MA! SHE'S WITH HIM! INAGAW MO ANG ASAWA KO! NASAAN SI MIDAS!" Lara lost her chill. Sigaw nang sigaw si Lara. Kinakalma ito ng nanay ni Midas at ng nanay nito. Napatingin siya sa paligid, pinagbubulingan nila si Lara. Donya Lucia was smiling. Kat smiled too, pagkatapos ay umabot siya ng isang champagne glass at saka isinaboy iyon sa mukha ni Lara, nahimasmasan ang babae. Natigil ito. Akmang sasampalin naman siya ng Mama ni Lara pero inunahan na niya.

"That's for hitting Milo." Mariing wika niya. Sinamapl niyang muli ang ina ni Lara. "That's for hurting him with your filthy words!"

"H'wag mong sakta---" Again, sinabuyan niya si Lara ng champagne saka niya sinampal ito nang apat na beses. Pigil na pigil pa siya. "Ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba?! You're just a cum slut!"

"I am Donya Lucia's only granddaughter, Lara. That makes me a demolay, remember what you told me? A demolay will always end up with a legacy." She grinned and the she looked at Midas' mom.

"You took my son away from me. I promise you, Mrs. Torrero, dudurugin kita – kayong lahat."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro