Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17


Katryna's

KATRYNA cannot sleep. Hindi niya mawaglit sa isipan niya ang katotohanang buhay pala ang anak na pinagluksa niya sa loob ng pitong taon. Hindi maampat ang kanyang luha dahil hindi niya matanggap ang katotohanang ninakaw sa kanya ang pitong taong dapat kasama niya ang anak niya, pitong taon ng buhay ni Milo at Sana ang hindi na niya maibabalik. She is burning with rage.

Hindi siya makatulog talaga. Sana is beside her, tulog na tulog ang bata. Bahagya pa itong nakanganga habang yakap ang pony stuffed toy nito. Si Midas at Milo ay nasa guest room sa itaas, hindi na pinauwi ng kanyang ina si Midas dahil masyado nang gabi, narinig yata nito na sa Aurora pa uuwi ang mag – ama at masyado nang gabi kaya pinatuloy muna nila ang mga ito. She kissed Sana, paulit – ulit niyang hinahaplos ang pisngi nito, tahimik siyang umiiyak habang pilit na tinatago ang nadarama.

Masakit para sa kanyang marinig at isipin na ang itinuturing na ina ng kanyang anak ay ibang tao pa. Masakit ang lahat nng ito para sa kanya, pero kasabay noon at ang kasiyahan sa kanyang puso, buhay si Molo at marami siyang pagkakataon na makabawi rito. Pero bago ang lahat ng iyon gusto muna niyang makabawi sa mga taong gumawa nito sa kanya. If only she had the power, it would be so easy to do that.

Kat stood up. She needed to breathe. Lumabas siya ng kanilang silid para kumuha ng tubig, matapos niyang uminom ay lumabas siya ng patio para lumanghap ng hangin. Pakiramdam ni Kat ay nasasakal siya. She sat on her favorite spot on the patio and crossed her arms. Idinantay niya ang kanyang ulo sa baluster tapos ay nagbuntong – hininga siya. Bakit ba kasi napakahirap maging masaya? Ang buong akala niya ay masaya na siya, ang buong akala niya ay kuntento na siya pero ngayong nalaman niya ang totoo, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang bawiin ang sa kanya, gusto niyang bawiin ang anak niya.

"Kat..." Narinig niya ang boses ni Midas. She looked back and he saw him approaching. Suot nito ang damit ni Chava, wala pala kasi itong dala, but inga at napagbaon ng pamali si Milo. Hindi siya nagsalita, bumalik siya sa dati niyang pwesto pagkatapos ay muling nagbuntong hininga. He sat beside her pero may pagitan pa rin silang dalawa. Sabay pa silang napabuntong – hininga. Wala siyang balak magsalita dahil hanggang ngayon ay napakasakit ng nararamdaman niya.

"I looked for you." Biglang wika ni Midas. "Dalawang taon kitang pinahahanap. Pero hindi kita makita. I lost a lot of money trying to look for you but I failed. Siguro kung hindi ako tumigil, nakita agad kita at si Sana. Napakarami kong pinagsisisihan."

She wiped her tears. "Did... did Lara treat him right?" Nanginginig ang boses ko. Midas looked at her.

"She takes care of him 24/7." Napailing si Kat. Ibibigay niya kay Lara na inalagaan nito si Milo pero hinding – hindi niya mapapalagpas na kinuha sa kanya ang kanyang anak.

"Hindi ko na maibabalik ang pitong taong nawala sa amin ni Minos, Midas. I hate your family. I've never hated anyone like this before. I hate them."

"I hate them too, Kat. Napakaraming nawala sa akin dahil lang sa pinanindigan ko sila." Sa pagkakataong iyon ay natigilan si Katryna. Napatingin siya kay Midas. "Dapat noon pa lang, ikaw na ang pinanindigan ko. I'm so sorry, nasilaw ako sa kapangyarihan. Sa isipan ko, kailangan ko iyon, now I realized that I only needed my son, Sana..." He paused. "Kung mabibigyan lang sana ako ng pagkakataon na makasama si Sana..."

Hindi naman niya ipagkakait kay Midas ang karapatang iyon. Lumalaki na si Sana, alam niyang oras na lang ang hinihintay niya bago maisipang magtanong nito kung nasaan ba ang totoong Daddy nito. Mahal ng lahat si Sana, siniguro niyang hinding hindi mararamdaman ni Sana na kulang ito sa pagmamahal dahil lahat ng tao sa paligid nito ay inaalagaan at minamahal siya.

Laking pasasalamat niya kay Chava noon na talagang nag-insist ito na ipagamit ang apelyido nito sa anak niya, ang daming paper works noon, kasi legally, hindi na siya Encinas, siniguro ni Dulce iyon noon, but Chava made it possible. Natuwa rin siya na may natatawag na Daddy si Sana, alam niyang mahal na mahal ni Chava ang pamangkin nito, but she knew, one day, Sana will be so curious, kapag dumating ang pagkakataong iyon, sasabihin niya sa bata ang totoo.

"Hindi ko kukunin iyon sa'yo, Midas." Malumanay na wika niya. "Salamat." Naluluha pa siya noon. "Salamat kasi sinabi mo sa akin. Salamat kasi dinala mo siya rito. Salamat, Midas, pero pasensya ka na, galit ako ngayon, walang ibang laman ang isip ko kundi ang gusto kong saktan sila dahil kinuha nila sa akin ang anak ko. Tanggap ko lahat ng pang-aalipusta nila sa akin, tanggap kong dinuraan ako noon ni Lara, pero hindi ko matanggap ito. Sorry, Midas..."

Napansin niyang titig na titig ito sa kanya. Ilang beses siyang kumurap, nang magsalita si Midas ay mataas ang boses nito.

"Dinuraan ka ni Lara? Kailan?!"

"That was a long time ago, Midas. It doesn't matter. Mas ito ang dapat kong bigyan ng pansin." Huminga siya nang napakalalim. "Alam mo iyong nasasakal ako?" Hindi alam ni Kat kung tatawa ba siya o iiyak. "Iyong di ako makahinga, pero masaya ako, kaya lang galit ako. He's there, asleep, he's so near and yet I cannot have him. Ang sakit – sakit." Hindi na napigilan ni Kat ang mapahagulgol, hindi naman nagtagal ay naramdaman niyang nakalapit na sa kanya si Midas at inaalo na siya. Dumantay siya sa dibdib nito at hinayaan siyang umiyak nang umiyak.

"It's gonna be okay. We're gonna get through this." Paulit – ulit na wika nito. Hindi niya alam kung paano pero gusto niyang maniwala kay Midas. Naisip niya ito bigla. He told her he just found out about the truth two days ago, tapos sinabi naman nito sa kanya iyon ngayon, kamusta kaya ito? He dropped a bomb that he, himself doesn't know how to absorb.

"Midas, ikaw, kumusta ka?" Lumayo siya sa binata.

"Galit ako." Mabilis nitong sagot. "All my life, I wanted to be the best so my father can be proud of me. I wanted to be the son he is always proud of. Lumaki akong selos na selos kay Mavi dahil siya ang palaging kasama ng Papa noon, akala ko kapag kasama ni Papa, pwede nang gawing posible ang lahat ng bagay, hindi pala. Nakakasakal pala..." Tumingin ito sa kanya. Nagulat siya nang pahirin nito ang kanyang luha. "Lahat ng ito walang kwenta. I should've known when I let you leave like that. Everything else in my life became meaningless. I thought I was choosing the world that time, but when you left, my world came crushing down. You are the best thing that happened to me, Katryna."

Hindi alam ni Katryna kung paano tutugunan ang mga binitiwang salita ni Midas. Nanatili siyang nakatitig sa binata.

"Kaya ako nandito dahil sa'yo. Sabi mo sinabayan mo akong mangarap, ang totoo, nangarap ako dahil sa'yo, dahil gusto kong ipakita sa'yo na kaya ko. That I'm just not a boy, I can be a man – huli na siguro, kasi hindi naman ako naging MAN enough to fight for you. I was blinded buy everything, I didn't realize that you're all I needed that what I am dreaming is you, us – together. I'm so sorry. I don't deserve you, tanggap ko na iyon, hindi naman talaga kita guguluhin, I just wanted to see you that's why I came, but seeing you brought back so many feelings... I love you, I never had the chance to say that you, I want to say it even though it's too late. I love you, I love you, I love you... I love you. You are and will always be my dream, Binibini..."

Napakalakas ng kabog ng dibdib ni Kat. Natagpuan niyang nakatitig siya sa mga mat ani Midas, ganoon rin ito sa kanya. Parang alam na niya kung anong magaganap, hinihintayin niya ito, parang nahihipnotismong kusang pumipikit ang mga mata niya dahil lang sa nakita niyang palapit ang mukha ni Midas sa kanya, napaawang pa ang kanyang mga labi...

"Maaa!" Bigla niyang naitulak si Midas nang marinig ang sigaw ni Sana. Mabilis pa sa alas kwatrong napatayo siya at hinarap ang anak. Umiiyak ito habang palapit sa kanya. "Mama, sabi sa panaginip ko nalaglag po ako sa puno. Mama masakit! Mama!" Nang makalapit sa kanya si Sana ay kinarga niya ito. Iyak nang iyak ang bata. Umuubo pa ito at sumisigok- sigok. "Mama 'wag ka aalis, natutulog ako, Mama naman eh! Masakit po, nalaglag ako!"

"Panaginip lang iyon, baby. H'wag ka nang umiyak. Love love ni Mama iyang si Sana baby na sobrang ganda talaga." Sinilip niya si Midas na nakatingin sa anak. He looked at her, napakamot ito ng ulo. Pumasok na siya sa loob ng bahay diretso sa silid niya. Narinig niya ang pagsara ng pinto. Si Sana ay umiiyak – iyak pa rin. Napakahigpit ng yakap nito sa kanya. Pag-upo niya sa kama ay nakita niyang naroon si Midas sa may pinto. Dinig na dinig ang hagulgol ni Sana sa buong silid.

"Mama, naglaglag ako, masakit po." Paulit – ulit iyon. Naramdaman niyang lumundo ang kama, sumunod roon ang kamay ni Midas sa likod ni Sana. Naramdaman niya ring gumalaw ang ulo ni Sana para tingnan si Midas sa gilid, nagulat siya nang lumipat si Sana kay Midas at yumakap tulad ng yakap nito sa kanya kanina. 

Nakita niyang napangiti ito habang haplos nang haplos sa likod ng anak. Her heart melted seeing them like that. Hindi niya napigilan ang pagluha, inabot naman ni Midas ang kanyang pisngi para pahirin ang luhang nasa kanyang pisngi. Her heart is happy, pero may lungkot pa rin dahil wala si Milo at hindi niya alam kung maiintindihan ba nito ang mga bagay – bagay nang ganoon na lang kadali. She sighed, whatever happens, she will always be strong. Mababawi niya si Milo, totoo iyon.

xxxx


ALAS sais nang umaga ay gising na si Kat. Bihis na rin siya at hinihintay na lamang si Chava. Nabasa niya ang text message nito kaninang alas kwatro nang madaling araw, pauwi na raw ito ngayon at sigurado siyang malapit na ito ngayon. Buo na ang kanyang desisyon, she needs to get even. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago niya hinagkan si Sana sa noo. Hindi niya alam kung gaano katagal yakap – yakap ni Midas ang anak nilang dalawa, basta nakatulog na lang si Sana sa mga bisig nito. She wondered what was going on her little head at that moment, bakit kaya bigla na lang itong nagpayakap kay Midas?

"Babalik si Mama, baby, wait mo ako ha?" Hinaplos niya pa ang mukha nito. Matapos bulungan ang anak ay lumabas na siya ng silid. Ibibilin niya ito sa kanyang Mama pero habang naglalakad siya papunta sa kwarto nito ay may narinig siyang tunog sa kusina. Nilabas niya iyon. She found Milo in the kitchen, standing with a glass of water in his hand. Mukhang hindi nito maabot ang pitsel sa ref kaya pinipilit nitong abutin ang gripo sa sink. Mabilis naman siya naglakad para makalapit sa anak.

"Hello..." She smiled at him. Lumingon ito sa kanya. Natuwa siya dahil taas – taas ang buhok nito, parang si Midas noon tuwing pagkagising sa umaga.

"Good morning, Tita Kat." Medyo sumakit ang loob ni Kat sa kanyang narinig. Dapat Mama ang tawag nito sa kanya pero naniniwala siyang darating rin sila sa oras na iyon. She smiled again. "I was just trying to get some water. I'm really thirsty. Dad is still asleep. I don't want to wake him 'cause the other night, he stayed up all night thinking and drinking."

Habang nagkukwento ito ay ikinukuha niya ito ng tubig. Pinaupo niya ito sa dining chair kasi naisipan niyang gawan ng sandwich ito, baka kasi nagugutom na si Milo. She gave him water.

"Do you like peanut butter?" Nagbabakasakali lang siya. Baka kasi allergic ito sa peanuts. Si Midas kasi mahilig kumain ng mani, mahilig rin ito sa peanut butter. Baka namana ng anak nila.

"Yes. I love peanut butter banana sandwich." She smiled. Ginulo niya ang buhok ni Milo. Mana sa ama. She made him one, inilagay niya iyon sa platito pagkatapos ay ibinigay niya iyon rito. He started eating.

"I think my mom and dad have a problem." Natigilan siya nang marinig ang sinabing iyon ni Milo. "Dad said you're his friend, did we come here so he can ask for advice?"

"You can say that..." Mahinahong wika niya. Kumagat muna ng sandwich si Milo saka muling nagsalita.

"I remember that I did the same with my friend. I asked him for advice because I don't know what to do."

"What's your friend's name?" Nakikipaglaro lamang siya rito.

"Kuya Berto. Dad's driver. I asked him kasi hindi ko alam ang gagawin ko, Tita Kat." Natutwa siya kay Milo. Kahit bata pa ito ay malinaw itong magsalita at naipapahayag agad ang nararamdaman at naiisip, parang si Sana, kahit sa childish way nito ay nasasabi nito ang nararamdaman nito.

"Tungkol saan naman ang problema mo, Milo? Candies ba?"

"Uhm... I don't know if I should tell you, but since your Daddy's friend, maybe I can trust you too." Napaka-mature namang mag-isip ng batang ito. Anim na taon pero alam ang salitang trust. Parang nakaramdam siya ng pagkabagabag. Ano kayang sinasabi nito? "But Gammy – Mommy's Mom, told me that I'm not my Mom's son."

Napatuwid si Katryna.

"What?" Muling kumagat ng sandwich si Milo. Nakatingin ito sa kanya.

"We were in their home that time and I kind of broke an expensive vase. Gammy saw me. She was so mad. Napalo niya ako, tapos sabi niya, bakit pakialamero ako, hindi naman ako anak ng Mommy ko."

Kat's tears fell.

"I didn't know what to do, so I asked Kuya Berto, he said that I should pray to God. I didn't ask Mommy, but then, maybe that's the reason why she never hugs me when Dad is not around. But that's okay, I saw in a movie that some Mommy's don't love their child, like the step mother in Cinderella..."

Katryna's heart broke – dahil rito mas lalong nabup ang desisyon niya. Hindi na siya nahiya kay Milo. Niyakap niya ito nang mahigpit. Galit na galit siya. Kinuha nila sa kanya ang anak niya tapos tatratuhin nila nang ganoon? Hindi na maibabalik ang mga panahong ninakaw sa kanya pero wala silang karapatang saktan ang bata. Napakawalang – hiya nila. He's only a child! Paano nila nagawang sabihin iyon?! She could just imagine how he's feeling at that moment.

"Bakit hindi mo sinabi sa Daddy mo?"

"Should I tell him?" Inosenteng tanong nito. Iyak siya nang iyak. "Don't cry, you're too pretty to cry. Did I make you cry?"

"No, Milo, you make my heart happy." She kissed his forehead. Ang tagal niyang hinangad na mayakap ang kanyang anak at ngayong nandito na parang ayaw niyang bumitaw. Pero kailanga, kailangan niyang umalis. Nang tapos nang kumain si Milo ay bumalik na ito kay Midas, siya naman ay nagpunta sa kanyang Mama. Pagpasok niya pa lang sa silid ay niyakap na agad siya nito.

"Narinig ko, anak at nagagalit ako. Gawin mo ang dapat. Nandito lang ako sa likuran mo."

"Thanks, Ma. Pakibantayan si Sana, kapag nagising mag-isa iyon, baka umiyak na naman." Hinagkan niya ang kanyang ina pagkatapos ay lumabas siya ng bahay, sakto namang nag-park ang kotse ni Chava, bumaba ito at agad na yumakap at humalik sa kanya.

"Miss you, Ate." Bulong nito habang nakayakap sa kanya. "Pupunta ka na ba sa shop? Mamaya na, marami akong kukwento sa'yo."

"Sa byahe na lang. Aalis tayo. Dalhin mo ako kay Donya Lucia." Mariing wika niya. Hindi nakapagsalita si Chava pero naramdaman marahil nito na seryoso siya kaya binuksan nito ang pinto ng kotse at saka pinasibad nang mabilis kabang – kaba siya. Hindi niya gawain ang maghiganti o ang manlamang ng kapwa – gusto lang niya ng tahimik na buhay pero ang mga ito ang lapit nang lapit sa kanya para guluhin siya.

Sa gitna ng kanyang pag-iisip ay may nakita siyang kung anong may ribbon sa dashboard ng kotse ni Chava.

"Salvador! Bakit may panty rito?!" Muntik na silang mabangga dahil sa pagsigaw niya. Agad namang inabot ni Chava iyon at itinapon sa bintana. Nanlalaki ang mga mata niya lalo nang ma-realize niya kung saan siya nakaupo. "Chava! Ewww!!! Sa kotse talaga!"

"Hindi naman diyan Ate!" Nanlalaki ang mga mata nito. Sa unang pagkakataon nang umagang iyon ay tumawa siya nang makalas, tawang nauwi sa paghagulgol. Hindi na niya alam kung anong gagawin talaga.

"Ate..."

Hindi siya nagsasalita hanggang sa makarating sila sa mansyon ng mga Encinas. Ang bahay kung saan siya lumaki at nagkaisip. Sabay silang bumaba ni Chava ng sasakyan ngunit anuna siyang pumasok. She still know her way around, hindi pa nabubura sa isipan niya ang mga alaalang nabuo rito, pangit man iyon o maganda. Nagpunta siya sa dining area kung nasaan ang Donya Lucia, ang kanyang ama at si Dulce. Nang makita siya ni Dulce ay napatayo ito. May dalawang tao pa sa hapag pero wala siyang pakialam. Donyan Lucia grinned when she saw her.

"Anong ginagawa mo—"

"Fuck, Dulce, lagi bang ganyan ang dialogue mo kapag makikita mo ako? Halos dalawang dekada ka na rito pero hanggang ngayon hindi mo alam ang lugar mo. Pinalayas man ang nanay ko, siya pa rin ang legal. Doesn't mean you sleep in the same bed as my father, or leave in the same house with them, or even if it's your picture all over this house, legal ka na. The only legal wife is my mom, Lourde Magracia – Encinas so shut the fuck up!"

"Bobby, ipagtanggol mo naman ako!" Kinalabit nito ang kanyang ama. He looked at Dulce.

"How, Yna is right."

"Anong sadya mo rito, Yna?" Nagsalita ang Donya. She looked at her eye to eye.

"They took my son away from me. I want them to pay..."

"Now we're talking, Yna." Ngiting – ngiti si Donya Lucia.


xxxx


Midas'

HINDI alam ni Midas kung paano pakikitunguhan ang ina ni Kat. Mas madali sana ito kung naroon ang dalaga, pero umalis ito kanina, sinundo ni Salvador Encinas, hindi niya alam kung saan pupunta ang mga ito pero sana bumalik agad si Kat dahil kung nakakamatay ang masamang titig ay kanina pa siya nakabulagta rito.

Alas ocho nang umaga at nag-aalmusal na sila kasama ang mga bata, ayaw pa sana niyang kumain kasi nahihiya siya sa ginang pero niyakag siya ni Sana, hindi niya matatanggihan ang anak, natutuwa siya dahil magkatabi si Milo at Sana sa hapag, tinuturuan kumain ni Sana ng kasoy si Milo. He is smiling so wide.

"May balak ka ba kay Yna?" Biglang nagsalita ito. Nakatingin ito sa kanya at tila naghihintay. Arroz caldo at pan de sal ang kanilang kinakain. Masarap talaga magluto ang Mama ni Kat.

"Ang gusto ko lang naman po ay makita si Sana kahit sana isang beses lang sa isang linggo. Sasabihin ko na rin po kay Milo ang totoo. Nag-iisip lang ako ng paraan kung paano."

"Kilala ko si Yna, hindi niya ipagkakait ang karapatang iyon sa'yo. Wala namang ibang inisip si Yna kundi ang kapakanan mo. Mahal na mahal ka niya NOON." Alam niya iyon at nanghihinayang siya dahil nawala na ang pagmamahal na iyon ni Yna sa kanya, sinayang niya, hinayaan niya itong mapunta sa iba.

Nangangamba siyang masaktan si Yna sa nalalapit na kasal ni Salvador. Gustuhin man niyang magalit rito ay hindi niya magawa dahil noong mga oras na naghihirap si Yna at nag-iisa ay si Salvador ang kasama nito, kaya siguro hindi naiwasan ni Yna ang mahulog sa lalaking iyon. Sabi pa siya nang sabi noon na Salvador isn't man enough, pero noong kailangan ni Yna ng lalaking tatayo sa tabi nito ay si Salvador ang gumawa noon at hindi siya.

Mukhang napamahal nang husto si Kat kay Salvador, patunay noon ang mga larawan at video nito sa phone ni Salvador, love love Chava baby nga raw.

"Hahayaan ko si Yna sa gagawin niya, pero sana, Midas, sa panahong ito, hindi na siya masaktan, hindi na siya umiyak dahil sa'yo. Sa nakalipas na taon, wala ka man sa tabi niya ay palagi pa rin siyang nakikinig kapag ikaw ang usapan, I see her smiling whenever you're on tv... Sana alam mo ang ibig sabihin noon."

Gulong – gulo siya. Alam nga niya ang ibig sabihin noon pero bakit? Alam kaya ito ni Salavador? Ano kayang nasasabi nito tungkol sa kanya?

After breakfast ay naglaro ang magkapatid nang manawa ito, ay nanood sila ng tv, bandang mga alas onse ng umaga ay niyaya siya ni Sana na magpunta sa mga kabayo nito. Sa likod bahay, medyo may kalayuan sa main house ay may maliit na stable. Hawak niya sa mga kamay niya si Milo at Sana. Nagkukwentuhan ang dalawa. Napupuno ang puso niya. He will do everything to protect his children, hinding – hindi siya magiging katulad ng kanyang ama at ina. Hinding – hindi niya imamanupula ang mga buhay nito, he wanted them to be happy that's why he's going to do everything even if that means sacrificing his own happiness.

"Ayan po ang horse ko. Dalawa iyan, hindi ko alam kung anong tawag pero ang name nila ay Lycan at Lantis. Sabi ni Mama kambal sila, kasi alam mo ba Tito Midas, may kambal ako pero namatay siya, sabi ni Mommy kasi need raw ni Lord ng angel kaya nikuha niya agad si Minos sa amin, bale sabi ni Yoya si Minos ang guardian angel ko!"

"That's sad." Sabi naman ni Milo. "I had always wanted a sister though."

"Ay! Ako girl ako! Alam ko na tayo na lang ang magkapatid! Kunwari kambal kita!" Lumapit si Sana kay Milo. She cupped his face. "Kambal, kambal, kiss kiss Sana! Love love!" Milo giggled and kissed his sister. His heart melted. Tumingin si Sana sa kanya, pinaupo siya nito para raw pantay sila. "Kiss kiss rin kita, Tito!"

He knew how to do that. Napanood niya sa video sa phone si Salvador. Sana cupped his face and said: "Tito Midas, kiss kiss, Sana!" He kissed her cheeks tapos ay niyakap niya ito nang napakahigpit. She wanted to say how much she missed her and love her pero pinigilan niya muna ang kanyang sarili.

"Nigagawa rin ni Mama iyan kay Daddy Chava kasi love ni Mama iyon kahit may toyo palagi!" Tumawa siya sa salitang toyo. Hindi niya alam, nakasama niya si Chava sa frat house sa loob ng apat na taon pero hindi sila naging magkaibigan.

"Mabait ba si Daddy Chava kay Mama?" Hindi niya natiis na itanong.

"Opo! Palagi silang happy tapos palagi inaasar ni Mama si Daddy minsan nipa-prank namin si Daddy kunwari broken iyong tv o kaya man nipapatakan ni Mama ng lemon sa mouth si Daddy tapos pipicture namin! Nakikita ko iyon sa youtube. Tapos sabi ni Daddy pag malaki na ako magpeplay kami ng Polo sabi kasi ni Mommy mana ako sa Daddy ko na polo player."

"Yes. Mana ka sa daddy mo."

"Ako po, Dad, kanino ako mana?" Tanong ni Milo.

"Sa akin rin." He smiled. Sasabihin niya sanang kay Kat pero hindi pa pwede.

"I like that." Sabi ni Milo sa kanya.

"Inaalagaan ka ba ng Daddy Chava mo?"

"Opo! Nisusundo niya ako sa school saka kumakain kami sa 7/11! Sana nga magka-girlfriend na si Daddy Chava kasi sabi ni Tito Alvaro kapag nagka-girlfriend na si Daddy Chava dalawa na iyong magbibigay sa akin ng pasalubong! Isa galing kay Daddy, isa galing sa girlfriend niya!"

Nakaramdam siya ng pag-aalala. Bakit sinasabi ni Sana ang mga ito?

"Sana, hindi ba may girlfriend na si Daddy Chava?" Nanlaki pa ang mga mata nito.

"Talaga po?! Nasaan?! Bakit hindi niya ako nigi-give ng pasalubong?!" Ginulo niya ang buhok ni Sana.

"You Mom and Daddy Chava, diba sila ang magboyfriend?" Malumanay na wika niya. Tumawa nang malakas si Sana. Napahawak pa ito sa tyan nito.

"Hindi kaya, Tito! Paano iyon?! Eh kapatid ni Mama si Daddy Chava?! Sisters and brothers sila! HAHAHAHAH! Ikaw naman tito nagjo-joke ka!" Pati si Milo ay nakitawa na rin. Siya naman ay nakatitig kay Sana.

"Magkapatid?" Nagtatakang tanong niya.

"Opo! Baby brother ni Mama si Daddy eh! Anak ni Yoya si Daddy! Iisa sila ni Mama ng Daddy at Mommy! Hahahaha! Joke time iyong daddy mo Milo! Mali naman siya!"

"I can't understand you but you're laughing so I'm laughing too! HAHAHAHA!"

"Sana baby!" Napatayo siya nang marinig ang boses ni Kat. Nakita niyang naglalakad ito papunta sa kanila, sa likod nito ay si Salvador at si Alvaro.

Magkapatid si Kat at Salvador... Paulit – ulit iyon sa isipan niya. Inilang hakbang niya si Kat, nagtaka ito nang makita siyang papunta, ang lalaki ng hakbang niya at noong nasa harapan na siya nito ay inabot niya ang kamay ni Kat upang hatakin palapit sa kanya.

And then, he kissed her.

Suddenly, Midas felt that he has come home. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro