Kabanata 16
The calm before the storm
Katryna's
"GUGULO na naman ang buhay mo, nandito na naman si Midas."
Nasa kusina si Kat kasama ang kanyang ina habang si Midas ay nasa hapag kasama si Milo at Sana. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatingin kay Sana na katabi ang ama nito. Midas is very attentive to his daughter. Natutuwa siyang nakikitang may interaksyon ang dalawa. Kahit kailan ay hindi niya naisip na mangyayari iyon dahil hindi naman niya inaasahan na magbabalik sa buhay niya ang binate pagkatapos ng ilang taon. Napatingin siya sa kanyang ina. Alam naman niyang tanging ang kasiyahan lang niya ang hangad nito, hindi naman niya ikakaila na naging napakagulo ng buhay niya noon dahil kay Midas.
Sa totoo lang ay nakaramdam siya ng galit rito lalo nang malaman niyang nagsama ito at si Lara matapos ang nangyaring kaguluhan sa pagitan nilang dalawa, kay tagal niyang dinala ang galit na iyon pero nang makita niya ang ngiti ni Sana sa unang pagkakataon and it reminded her of Midas, all her anger faded away. Galit siya kay Midas ngunit dahil dito may maliit siyang anghel na tumapos sa lahat ng kalungkutan niya sa buhay. Sana changed her life for the better. Dahil kay Sana nagkaroon ng panibagong liwanag ang kanyang buhay. She never thought she can love like that, iyong pagmamahal na nag-uumapaw, ganoon kasi ang naramdaman niya kay Sana.
Mas masaya sana kung nabuhay si Minos, but she can never complain. Naniniwala si Kat na lahat ng bagay ay may dahilan. Maybe that happened because she needed to become stronger and it did make her that.
"Ma, ang daming nangyayari kay Midas ngayon. Maybe he needed to breathe."
"Bakit hawak mo ba ang ilong niya?" Tumaas ang kilay nito. Nanlaki ang mga mata ni Kat. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o maiinis. Nagbuntong – hininga ito. "Pasensya ka na, anak. Hindi ko alam kung bakit pero mula nang dumating rito ang kumag mong ama, parang palaging mataas ang adrenaline ko. Kanina nga pigil na pigil na itanim ko si Donya Lucia sa mga taniman ng mirasol. Nangigigil ako sa Lola mo, gusto kong isakal ang mga perlas niya sa leeg niya."
"Ma..." Tuluyan na siyang natawa sa tinuran nito. Natigil lang siya nang haplusin nito ang pisngi niya.
"All I ever wanted is for you to be happy and I'd kill if someone takes away that smile on your face again, anak."
"Ma, h'wag mo akong paiyakin." She bit her lower lip. "Panandalian lang ito. Midas will go back to his world, doon sa mundong hindi naman ako kasama." Malumanay na wika ko. "Plus, hindi ka ba natutuwa, Ma? Tingnan mo." She looked at the dining table again. Nagulat siya noong nakakandong na si Sana sa ama nito, si Milo ay nakikipag-usap pa rin sa anak niya. "Sana doesn't know it yet, but I guess she can feel it."
"Don't give yourself false hope, anak. Ayokong masaktan ka."
"Hindi, Ma. I'll be fine." She kissed her mom. Sakto naman na pagkatapos ng usap nila ay naluto na ang sinigang na baboy na ulam nila nang gabing iyon. Tinulungan niya ang kanyang Mama sa paghahain.
"Sana, baby ko, kuha ka ng spoon saka fork." Malambing na utos niya.
"Ay, ilan po, Mama? Hindi po ba uuwi si Daddy ko ngayon?" She looked at Midas, abala ito sa pag-aasikaso kay Milo.
"Hindi, baka bukas pa uuwi si Daddy Chava, baby ko. Sige na, get ka ng spoon and fork. Five pairs, dahan – dahan ha."
"Mama, saka po ba glass para sa water? Ay, huy Milo, gusto mo ba ng Milo marami akong Milo nibili ako ni Mama kahapon sa malaking tindahan!"
"You mean the grocery store?" Tanong ni Milo. Hindi maipagkakailang anak nga ni Midas ito, napakagaling magsalita at napakatalino.
"Mama grocery ba iyon?" Tumingin si Sana sa kanya.
"Opo, Ale. Sige, mamaya give mo ng milo si Milo, okay?"
"Opo! Ay wait lang, ako po magpe-pray ha!" Bumaba si Sana at nagpunta na sa kusina. Bumalik itong may dalang spoon and fork, ito pa mismo ang nagbigay kay Milo at Midas. Midas was just looking at his daughter with si much amusement in his eyes. Ang Yoya naman nito ay ganoon rin. Naupo na si Kat para tabihan si Sana.
"Dad, can we call mom, later? You said we're gonna call her." Narinig niya ang wika ni Milo.
"Sure thing, Kiddo. Eat up."
"Wait! Magpe-pray ako kasi! Sabi ko magpe-pray ako! Hindi ka ba nagpe-pray bago mag-eat Milo?"
"No. We just eat and then we ask each other about our days, but there's always a first time for everything." She found herself smiling.
"Mukhang mabait iyang anak mo, Midas." Wika ng kanyang ina. "Mukhang hindi nagmana sa tatay mo."
"Ma..." Sinaway niya ito. Hindi naman na kumibo ang Mama niya. Sana started praying. Pinagsiklop pa nito ang mga kamay at pumikit.
"Dear Lord thank you po sa pagkain. Sana po i-bless ninyo pa ang kamay ni Yoya para mas masarap po ang ulam namin sa susunod na araw. Sana po bukas maisip ni Yoya na magluto ng bilo-bilo na maraming langka po saka gabi kasi gusto ko po iyon, saka po avocado shake kasi nakita ko po iyong puno ng avocado may bunga na! Saka po sana po bukas may pasalubong na pony si Daddy sa akin saka po cake galing kay Tito Al, tapos po thank you po kasi may bago akong friend si Milo po saka Lord, mapogi po iyong Daddy niya, pwede po silang friends ng Mama ko kasi maganda po ang Mama ko saka po sana magka-boyfriend po si Yoya! Thank you po! Kakain na po kami, Lord, ikaw rin!"
Matapos ng mahabang dasal ni Sana ay tumingin ito sa kanya.
"Mama, tapos na po ako, mag-pray."
"Very good, Sana. Kain na tayo." Ngumiti siya kay Midas. Tumango naman ito. Inasikaso niya si Sana, si Midas ay kay Milo. Hindi niya alam kung bakit palagi siyang napapatingin sa batang lalaki. Siguro dahil natutuwa siyang makitang mabuti si Midas rito. He looks at him like that because for Midas, Milo is the most important person in his life, parang siya kay Sana.
"Huy, Milo lagyan mo ng patis itong pork, mas masarap yan!"
"Anak, baka hindi siya kumakain ng ganoon."
"What's patis?"
"Patis, kapatid ng toyo." Sagot naman ni Sana. "Saka pinsan nila si suka." Suddenly, Midas laughed loudly, pati ang mama niya ay natawa. Si Milo ay nakatingin lang sa tatay niya. Siya naman ay hindi maiwasang mapangiti.
"What's toyo?"
"Toyo, si Daddy Chava ko minsan may toyo." Lalong natawa si Midas, pati na rin siya ay hindi na mapigilan iyon.
"Totoo naman iyon, Mama, sabi ni Yoya ganoon si Daddy kasi kulang sa kiss, kaya dapat mama lagi mo ki-kiss si Daddy ko." Sa pagkakataong iyon ay natahimik na si Midas. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakaramdam ng awkwardness pero ipinagkibit – balikat niya iyon. Natapos ang hapunan nang si Sana ang bangka nang bangka. Minsan talaga nagtataka siya kung bakit ganito kadaldal ang anak niya pero naalala niyang madaldal nga rin pala si Midas, lalo na kapag sobrang saya nito.
"I'll wash the dishes." Bigla itong nagsalita noong nagliligpit na siya. "Let me, Kat. It's the least thing I can do."
"Sige na, paghugasin mo ng plato." Sabi ng Mama niya. "Magrorosarayo lang ako sa kwarto."
"Sige, Ma." Pinanood niyang maglakad palayo ang mama niya.
"Mama, pwede ko bang ipakita kay Milo iyong horses ko sa likod?"
"You have horses too? Dad has fourteen horses in his farm in Aurora." Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Milo. Napatitig siya sa bata. Midas has a farm in Aurora...
"May farm ka rin? Kami rin itong flower farm ni Mama na ang name rin Sana di ko nga alam kung bakit same kami ng name ng flower farm. Milo rin ba ang pangalan ng farm mo?"
"No. It's a Tagalog word."
"Anong name?" She looked at Midas who was in the kitchen already washing the dishes. Mukhang hindi nito nariring ang sinasabi ng anak.
"Uh... something like Binibini." Kat's mouth parted. "Yes that word. Binibini."
"Ano naman iyon, Teacher ba iyong Daddy mo? Hmp, lika na doon tayo sa toys ko! Ayaw naman magsalita ni Mama baka nakagat niya dila niya."
"Are you okay?" Milo asked her. Hinawakan nito ang kanyang kamay. "You're too pretty to be sad." She found herself smiling. Hinaplos niya ang mga pisngi ni Milo.
"Ay! Ay! Mama ako rin!" Sabi ni Sana. Nilipat niya ang mga kamay sa pisngi nito.
"Sana, Sana baby, kiss kiss, Mama?" Sana gladly kissed her cheeks two times. Napansin niyang titig na titig si Milo.
"That's warm, can I try?"
"Sure." Hinaplos niya ang mga pisngi ni Milo. "Milo, Milo, baby kiss kiss..." Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin big;a ay napaluha siya. Naisip niya ang kanyang anak, si Minos, siguro kung hindi ito namatay, kasing gwapo at kasing talino ito ni Milo ngayon. Mana siguro si Minos sa kanyang ama.
"Kiss mo na si Mama." Milo kissed her. Mabuti at hindi napansin ng mga ito ang kanyang luha. Nagpunta ang dalawa sa silid nila. "Ma, bubukas ko aircon ha!"
"Okay..." Naiwanan silang dalawa ni Midas. Tumayo siya para iligpit na ang mesa at mapunasan. Inilagay niya ang ilang pang hugasin sa gilid ng sink. Midas seemed to be serious at washing the plates. Hindi niya mapigilan ang sariling tumingin rito. Napansin nitong nakatitig siya kaya tumingin rin ito sa kanya.
"Galit ka pa ba sa akin?" Hindi niya inaasahan na itatanong iyon ni Midas sa kanya. She sighed. Kinuha niya ang basahan at saka tumabi rito para banlawan iyon, matapos niyang palipitin ang basahan ay tumingin siya kay Midas.
"Nagalit ako sa'yo, Midas." Hindi ito kumibo. "I didn't expect anything from you at that moment, Midas, pero sa kaloob-looban ko, umaasa akong sana maisip mo na totoong mahal kita, na sana ipaglaban mo ako, kasi mahal kita at pinapangarap ko iyon. Unconsciously, I waited for you, kahit noong lumipat na kami ng bahay, hinihinitay pa rin kita... pero nabalitaan kong buntis si Lara, and I know she's good for you and all so I gave up. Hinayaan ko ang sarili kong magalit ako sa'yo. Iyon lang naman ang magagawa ko, ang magalit. I hated you..."
"I'm so sorry..."
"I hated you so much, I wanted to curse you. Halos maghanap pa ako ng mangkukulam eh, pero lahat ng galit na iyon natunaw nang unang beses akong ngitian ni Sana. It reminded me of you, it reminded me that because of you, I have another reason to fight life and that is my precious daughter."
Binitiwan ni Midas ang dishwashing foam at tumingin sa akin.
"Why didn't you tell me you were pregnant?"
"I tried." Tumitig ako kay Midas. "Kahit na alam kong ipagtatabuyan ako ng Mama mo at ni Saul, nagpunta ako sa mansyon, ang Mama mo ang nakausap ko, I told her I am pregnant, pinaalis niya ako."
"Did she hurt you?" Hindi niya alam kung bakit puno ng galit ang boses ni Midas.
"Hindi naman..."
"What?" Natigilan kasi siya kaya nagtanong pa ito. "What? What happened?" Hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin rito pero siguro, kailangan na rin, narito na silang dalawa. Kailangan na rin siguro niyang magpakatotoo, ayaw naman niyang maulit ang nangyari noon na puro kasinungalingan lang ang sinasabi niya rito o hindi siya nagsasabi talaga dahil ayaw niyang magsinungaling pa.
"Five months later, your mom came to our former home in Cavite. She offered me a million pesos, kapalit noon ay ibibigay ko sa kanila ang bata. Siyempre hindi naman ako pumayag. Sinabi niya sa akin na kahit kailan hindi mo raw malalaman na buntis ako at may anak tayo, and that's fine with me. Noong mga panahong iyon nabalitaan kong nasa Amerika ka para sa internship mo, also Lara is pregnant at that time too, halos sabay yata kami. Galit na galit ang Mama mo sa akin noon."
Napansin niyang tiim na tiim ang mga panga ni Midas. Hinawakan niya ito sa braso.
"Why are you here, Midas, dapat nasa Manila ka, naroon na si Mavi, your father had a stroke."
"I don't care." Wika ni Midas. Ikinagulat niya iyon.
"Iyong company—"
"I don't care, Katryna. I really don't!" He was hissing. Hindi nagtagal ay umiiyak na naman ito. Nabitiwan ni Kat ang basahan, automatically she put her hands on his face. "I know you pushed me so hard and you sacrificed a lot of things just to get me here, Kat, but I don't care anymore. Walang totoo sa mundo ko, lahat kasinungalingan. I don't care anymore if Midas' Gold falls or burn. I'm so sorry for letting all your efforts go to waste, but I just don't care anymore..."
Palakas nang palakas ang hagulgol ni Midas.
"Ayoko na! Walang totoo sa kanilang lahat!" Niyakap niya ito. Damang – dama niya ang pagyanig ng buong katawan ni Midas. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari.
"Midas, calm down." Lumayo ito sa kanya. "What happened? Tell me, I will listen." Mukhang hirap na hirap na ito.
"Lara was never pregnant, Kat. I didn't know about it until two nights ago, she was too drunk, it slipped. She was never pregnant. Iyon ang dahilan kung bakit nila ako pinapunta ng Amerika noon at pinauwi lang matapos manganak kunwari ni Lara. She was never pregnant."
Her heart broke hearing that. Poor Midas... Niyakap niyang muli ito.
"Pitong taon, niloko nila ako. Lahat sila, mula kay Mama hanggang sa Mama ni Lara, lahat sila, Kat, niloko nila ako, binuhay nila ako sa isang kasinungalingan. Pitong taon ng buhay natin ang ninakaw nila. Napakasakit."
Natin? Lumayo siya kay Midas. "Anong ibig mong sabihin?" Midas took both her hands and look at her eyes.
"Lara was never pregnant." Ulit nito. Noon niya lang naintindihan iyon.
"Then, they adopted, Milo?" Midas shook his head.
"They took Milo, Kat. They took him away from you..."
Nakatitig lamang siya kay Midas. Pilit niyang iniintindi ang sinabi nito. Parang tumigil ang mundo niya.
"Milo is Minos, Kat. I'm so sorry, I didn't know. I didn't have any clue. I'm so sorry."
Sa pagkakataong iyon, buong pagkatao naman niya ang nayanig. Bumitaw siya kay Midas pagkatapos ay natutuliro siyang naglakad patungo sa silid kung nasaan ang mga bata. She found Milo reading, sitting beside the bed, in front of Sana who was busy playing with her ponies. Nakatayo lang siya sa may pinto hanggang sa tumingin sa kanya si Milo.
"Hi, I hope you don't mind if I read this tale of the woods, I have the same book but I left it in our house."
"Mama, boring siya, parang ikaw lagi nagre-read."
Naitakip ni Kat ang kanyang kamay sa bibig at hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Walang tunog ang iyak niya, napakasakit ng buong pagkatao niya.
Milo is Minos...
Milo is Minos...
"Ma, bakit ka iyak?" Naiyak na rin si Sana. Pumasok siya at lumuhod sa dalawa. Hinatak niya si Milo palapit sa kanya tapos ay hinawakan ito sa mukha. She looked at Sana who was crying too, pinagtabi niya ang dalawa, she wiped Sana's tears...
Pigil na pigil ang hagulgol niya.
"Milo..." She said. Nanginginig ang tinig niya. "Milo... oh my god..." She hugged him tapos ay niyakap niya rin si Sana. "Milo... Milo..."
"Mama gusto mo ba ng Milo? Ikukuha kita para di ka na umiyak." Humahagulgol na wika ni Sana. Yumakap lang siya sa mga ito.
Hindi siya mapaniwala. Masakit, pero masaya siya, masaya siya, pero galit siya.
Galit na galit siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro