Kabanata 15
I'm sorry
Midas'
"MIDAS, where is Milo?"
Midas could not even look at Lara. He cannot even digest the fact that she's still here in this house with him and his son.
"Sorry, Midas. Ano, uhm for last night. Sobrang lasing lang ako. I didn't know what I was doing, kung may nasabi man ako, sana pagpasensyahan mo na. Hindi na mauulit ito. I'm really sorry."
Lara was just standing near the table. He busied himself while eating his breakfast. Kailangan niyang umalis nang maaga para sa isang board meeting ngayon sa kanilang kompanya. Wala siyang panahon kay Lara. He will deal with her, later.
"Babe, nasaan si Milo? I checked on his room, wala siya roon."
"He went to school." Matabang na wika niya. Ibinaba niya ang dyaryong binabasa. Naupo naman si Lara sa pwesto nito sa tabi niya, noon siya tumayo. Napatitig ito sa kanya, but he doesn't really care. Umalis siya nang hindi nagpapaalam rito. Waa siyang pakialam kung anong isipin nito basta kailangan niyang makaalis rito. He got to his car. Nakita niyang sumunod pala sa kanya si Lara, punong – puno ng pagtataka ang mukha nito. Galit na galit naman siya rito.
Now, he realizes that everything in his life for the past seven years are nothing but lies. He built a world with these people who did nothing but fucking lie to him. He hates them all but he hates his father the most. Alam niyang masamang tao ito, pero hindi niya inaasahan na wala na palang kaluluwa ang kanyang ama. He needed answers at isang tao lang ang alam niyang makakasagot nito.
"Sir, sa office ba tayo?"
"Yes, Berto." Tahimik na siya sa mga sumunod na oras. Maghapon ay punong – puno ng tanong ang isipan niya. He made sure that everything is in place. Ayaw niyang may makahalatang wala siya sa sarili o may problema siya ngayon. Kailangan isipin ng lahat na maayos siya at walang nagbabago, hindi kasi niya alam kung sino ang mata ng kanyang ama sa opisinang iyon.
At three pm, dumating si Lara sa office kasama ang Mama nito. She looked worried, hindi siya nag-react. Lumapit ito sa kanya para hagkan siya sa labi pero bigla siyang nagkunwaring may sinasagot na tawag. Napaawang ang labi nito, lumayo siya. Pati ang Mama ni Lara ay napakunot ang noo.
"Anong kailangan mo?" He asked her.
"Midas kasi nagpunta ako sa school ni Milo to pick him up pero ang sabi ni Teacher Gladys ay nasundo na raw ito kanina pa. I called the house, wala pa roon si Milo. Where is he?"
"At my mom's." Pakli niya. Napatango si Lara. "Why are you even looking for him?" He spat. Ikinagulat iyon ni Lara. Natawa naman ang Mama nito.
"Midas, ikaw talaga, alam mo namang hindi napapakali si Lara kung hindi nakikita ang apo ko. Anyway, dumaan na lang rin kami para kay Milo, kasi hindi mapakali iyan. We're going to the hospital to visit Donya Lucia Encinas, mukhang mamamatay na ang matanda. If that happens, I will be the President of LUMOS, napakaganda ng org na iyon. It's been in Lucia's care for the last twenty years, ngayon, ako naman or si Lara. Magpakasal na kasi kayo."
"I'm busy, can you just leave?" Walang abog na wika niya. Napaawang ang labi ng mag-ina. Bumalik naman siya sa trabaho.
"Midas, anong oras ka uuwi? Are you going to pick up Milo later? Magluluto ako ng buffalo wings—"
"Just leave!" He yelled.
"H'wag mong sigawan si Lara, Midas, wala kang karapatan!" Sigaw ng Mama nito.
"Aalis ba kayo o ipakakaladkad ko kayong dalawa sa mga security?! I am busy! I have a lot of work, wala akong time sa kung anuman ang dahilan ng pagpunta niya rito so just leave!"
"Aba't—"
"Ma, tama na. Mainit lang siguro ang ulo niya ngayon. Let's talk later, Midas." Wika ni Lara sa kanya. Napilitang lumabas ang matandang Sanggalang. Napaupo siya sa kanyang swivel chair pagkatapos ay minasahe ang kanyang sentindo. His phone rang. Mabilis niyang sinagot iyon.
"Did you get there safely?" Iyon ang unang lumabas sa kanyang bibig.
"Yes, Sir. Nagtatanong po siya kung pwede kayong makausap."
"Sure, give him the phone." Hindi nagtagal ay narinig na niya ang boses ng kanyang anak. His heart melted. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag kay Milo ang lahat – na hindi si Lara ang mama nito, na ang tunay nitong ina ay wala pang ideya na buhay ito, that for the past seven years Katryna had been mourning for the death of a child that's not even hers. Bata pa si Milo, hindi pa ito gaanong nakakaintindi, gustuhin man niyang paniwalaan na malawak ang pang-unawa ng isang bata ay hindi niya mapanghawakan iyon. Kung siya ngang nasa tamang edad ay hindi maintindihan ang sitwasyong ito ngayon, paano pa kaya si Milo?
"Dad, why am I here? Where's mom? Are you going to pick me up?"
"Yes, Milo. I'll be there later. I just need to talk to someone, alright? Be good and listen to your Ate Cielo." Cielo Madriaga is his former EA. Nag-asawa ito kaya nag-resign ito sa trabaho. He trusts her. Sigurado siya sa katapatan nito sa kanya kaya ito ang una niyang tinawagan para samahan muna si Milo panandalian. Si Cielo ang sumundo kay Milo sa school, si Cielo ang kumausap sa teacher ng kanyang anak na h'wag na h'wag babanggitin kay Lara ang bagay na ito.
Lara will never see Milo again. Hinding – hindi niya bibigyan si Lara ng pagkakataon na mahawak ang kanyang anak, lalo na at ilang beses nitong sinabi kagabi na gustong – gusto nitong saktan si Milo. He will never let that happen.
At five pm, he left the office. Nagpunta siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Alam na niyang wala roon ang kanyang ama. Kasama nito ang kanyang mga kumpadre, nasa golf course ang mga ito. Tamang – tama ang pagkakataon na ang kanyang ina lamang ang naroon. He found her inside her walk in closet. Mukhang nag-aayos na ito ng gamit para sa paglipad ng mga ito sa LA next week. Nang makita siya nito ay ganoon na lang ang pagkakangiti nito sa kanya.
"Midas! You're here! Nasaan ang apo ko?" Hinagkan siya nito sa pisngi pero hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Anak, is there something wrong?"
"Mama kita, pero bakit hinayaan mong lokohin nila akong lahat?" Mariing tanong niya. Napakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Napaatras ito. Siya naman ay humakbang palapit rito. "Pitong taon, Ma, hinayaan mong pagmukhain nila akong tanga?"
"Son, what are you talking about?"
"Sige, Ma, magsinungaling ka pa. Susunod ako kay Mavi. Hinding – hindi mo na ako makikita lalong – lalo na si Milo." Nakakuyom ang kanyang mga palad, bigla ay humagulgol ito nang malakas. Napaupo ito sa couch sa likuran nito pagkatapos ay nagtakip ng mukha. Gumagalaw ang mga balikat nito at hindi ito matigil sa pag-iyak.
"Ano, Ma? Ang gagaling ninyo rin ano?" Hindi na niya mapigil ang panunumbat. She looked at him with tears on her eyes.
"I tried to reason out with your father, anak. But he made his decision."
"Putang ina!" He said out of frustration. "Kaya pala pinadala ako ng Papa sa Amerika sa kalagitnaan ng pag-aaral ko noon! Kasi hindi buntis si Lara! Kaya pala noong sinasabi kong uuwi na ako kasi napakalungkot roon para maalagaan ko si Lara na buntis noong mga panahong iyon, ayaw ninyo akong pagbigyan, kesyo mahalagang matapos ko ang internship, putang ina! Putang ina!" Galit na galit ako! "Pinauwi ninyo ako isang linggo pagkatapos manganak ni Lara! Putang ina! Kinuha ninyo si Milo sa tunay niyang ina! Ano bang maling ginawa ni Katryna at puro na lang siya?!"
"Anak, I'm so sorry..." She tried to hold me. "But Katryna won't be able to give Milo the life he deserves. She... hindi siya pwedeng maging ina ni Milo—"
"And who are you to judge that?!" Nasigawan niya ito. "Diyos ka ba para sabihin na hindi pwedeng maging ina si Katryna ng anak ko?!"
"Bago siya napunta sa foundation, nagnanakaw si Katryna sa Quiapo! Hindi siya pwedeng mapabilang sa pamilya natin because of that, Midas, ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko? Na may manugang akong palaboy?"
"Shut up!" He hissed. "Ano kung naging palaboy si Kat? She turned her life around!" Tumutulo ang mga luha ko habang sinasabi iyon. "Kat burned and rose from the ashes like a Phoenix, Ma! I am proud of what she has become. Saka anong parte ng pamilya?" Tanong niya habang napapailing. "You think that after all of these, I would want to be in this family?"
"Midas... anak..."
"Ten years ago, you lost Maverick. Today, you lost me, and my son."
"Midas... anak, no..." Sinubukan siyang hawakan nito pero tumalikod siya. Tumataas ang dibdib niya sa galit. Sigaw ng sigaw ang Mama niya pero hindi siya lumilingon. Paglabas niya ng bahay ay nasalubong niya ang kanyang ama. Ngiting – ngiti ito pero napalitan ng pagkunot ng noo ang ekspresyon ng mukha nito nang marinig na tinatawag siya ng kanyang ina habang humahagulgol ito.
"Midas, what happened?"
"What happened is that I am resigning from your fucking company and today, you don't have a son, Saul Torrero." Malamig niyang wika. Hinawakan siya nito sa braso.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Ikaw, anong pinagagawa mo?" Wala na siyang pakialam kung makasakit siya ng damdamin. Pitong taon siya nitong ginagago. "Wala ka nang anak, at wala na akong ama, ni wala ka nang apo. Ubusin mo man ang pera mo, hinding – hindi mo mahahanap si Milo. Game over, Saul, I know everything and I will make sure you will suffer all the consequences of your actions. Delta Kappa Phi has it's law regarding karma, and I will make sure you will feel every fucking pain I am feeling now."
Tinulak niya ito. Nang lingunin niya ang ama ay nakahawak ito sa dibdib nito. Wala siyang pakialam. Tumingin siya kay Berto.
"Sir?"
"Susunduin natin si Milo. Tapos, uuwi tayo ng Aurora." Walang emosyong wika niya. Napaghandaan na niya lahat kagabi. May nabili siyang property sa Aurora, Quezon, walang nakakaalam noon. May farm siya roon, may palaisadaan, it's a simple life – a life that Katryna had always wanted.
"Daddy!" Tumakbo si Milo papunta sa kanya nang makababa siya ng kotse. Nakita niyang nakatayo si Cielo sa likod ng kanyang anak, karga ni Cielo ang two-year-old baby girl nito.
"Sir, napakabait nitong si Milo. Maghapon naglalaro lang sila ni Maya." Tukoy nito sa anak na hawak. He smiled at her.
"Maraming salamat, Cielo."
"Naku, Sir, wala iyon. Kung may kailangan po kayo ulit, tawagan ninyo lang ako." Napatango siya. Isinakay niya si Milo sa kotse, susunod na rin sana siya nang bigla siyang may maalala.
"Remember three years ago, when you noticed an anomaly in the company's fund and I told you that my father told me to just let it go?"
"Yes, Sir."
"Well, Cielo, I don't want to let it go now. If you still have the evidences with you, your husband is a tv reporter, right?"
"Pero, Sir, baka po magsara ang Midas' Gold kapag ginawa namin iyon."
"Wala akong pakialam, Cielo. Do the right thing."
Sumakay na siya sa kotse. Milo was waiting for him.
"Dad, nasaan si Mommy?" Napatitig siya kay Milo. Hinawakan niya ang kamay nito.
"Anak, we won't be seeing Mommy for a while. Magbabakasyon muna tayong dalawa, okay?"
"Can we call her? Ma-mi-miss ko po siya." He only smiled. He kissed his forehead and hugged him. All he could think about right now is Katryna. How will he tell her?
xxxx
Katryna's
"KUNG nagpunta kayo rito para apihin ako, hindi ako magpapaapi, Donya Lucia. Iuwi ninyo na iyang anak ninyo bago ko ibalik iyan sa matres ninyo."
Pigil na pigil ang tawa ni Kat habang naririnig niya ang sinasabi ng kanyang ina. Nasa living room sila ng kanyang bahay. Magkatabi sila ng nanay niya habang si Chava naman ay nakaupo sa kabila sa tabi ng kanyang ama at ni Donya Lucia.
"Lourdes, nagpunta ako rito para humingi ng tawad."
"Ang paghingi ng tawad ay bukal sa loob hindi iyong dahil may kailangan lang kayo kay Katryna kaya kayo nandito. Itinapon ninyo si Yna noon, kasi babae at mahina, ngayon, hinihingi ninyo sa akin, anong mapanghahawakan kong hindi niya nga sasaktan ang anak ko? Kung wala kayong masasabi sa akin, umalis na lang kayo, marami pa akong gagawin, magpapatanim pa ako ng binhi, umalis na kayo kasi baka kayo ang maitanim ko roon."
Tumayo ang kanyang ina pagkatapos ay umalis na. Sinundan niya lamang ito ng tingin. Pigil na pigil ang tawa niya. Nang sabihin niya rito ang pakay ni Donya Lucia ay nagalit talaga ito. Tama naman ang kanyang ina, sa tagal ng panahon ay ngayon lang nito naisipang magpakita. Hindi nga naman tama iyon. Wala naman siyang interes sa sinabi nito sa kanya. She just wanted to satisfy her curiosity.
"Kahit noon pa ay mahirap kausap ang Mama ninyo, Yna." Wika ng kanyang ama.
"Mahirap ka rin namang pakisamahan, Pa." Walang abog na wika niya. "Sorry, pero totoo naman. Anyway, unless my mother forgives you, wala pong usapang magaganap." Nakangiting wika ko. Napailing si Chava. Hindi naman nagtagal ay umalis na ang mga ito. Sumama si Chava sa kanila at habang pinanoonod niyang umalis ang sasakyang dala nito ay naramdaman niyang yumakap sa kanya si Sana.
"Mama, sino po iyon?" Yakap nito ang kulay pink na stuffed pony nito.
"Ah, friends sila ni Daddy Chava." She touched her face. "Nagtanim ka na ng flowers?"
"Hindi po. Ayaw kasi ni Yoya na humawak ako ng dirt. Mama, hungry---ay si Ninong Mavi!!!"
Gulat na gulat si Kat nang makita si Mavi na naglalakad patungo sa pinto ng kanilang bahay. Dapat nasa Cebu ito! He looked at her direction, nakangiti ito sa kanya, si Sana ay agad na tumakbo pagtungo sa ninong nito.
"Mav! Anong ginagawa mo rito?" Jusko! Pakiramdam ni Kat ay bumabalik na naman siya sa pagiging Torrero magnet. Hindi pa naglilipat ang linggo ay nagpunta na rito sa kanya ang magkapatid. Mavi kissed her cheek tapos ay si Sana naman. Kinarga pa nito ang kanyang anak saka humarap sa kanya.
"Mama called me. Papa had a stroke. Midas resigned from the company and all. Father was too angry that he had an attack. Kahapon pa raw nila tinatawagan si Midas pero pinatayan sila ng phone nito. Nagkakagulo ngayon sa kompanya dahil bigla na lang lumabas ang balitang pinagnakawan ni Papa ng ilang milyon ang sarili niyang kompanya. Midas is nowhere to be found."
Napaawang lang ang labi ni Katryna. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Paano kung may nangyaring masama kay Midas? Paano kung palabas lang lahat ito ni Saul Torrero tulad noong ginawa nito sa kanya noong dinner party na iyon. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi okay si Midas. Alam niyang hindi ito masaya, she should've checked on him, dapat nagtanong siya pero ang buong akala niya kasi ay kakayanin nito ang lahat, but now, he's nowhere to be found. Ni hindi pa niya nasasabi kay Sana ang tungkol sa kanyang ama.
"Bakit dito ka dumaan?" Tanong niya kay Mavi. Nagkibit – balikat ito.
"Kat, I was hoping he'd be here. Nakausap ko si Lara, hindi umuuwi si Midas mula kagabi, pati si Milo ay wala. Malamang kasama niya ang bata, is he here?"
"No." Alalang – alala siya habang nakikipag-usap kay Mavi. "Bakit mo naman naisip na narito siya? The other day he went here pero hindi na siya bumalik."
"Akala ko kasi nagkausap na kayo. Nakausap ko si Chava." He sighed. "Anyway, babalik rin ako sa ospital ngayon. Akala ko lang nandito talaga siya."
Pinapasok niya si Mavi upang makapagpahinga ito sandali, hindi naman ito nagtagal, kumain lang ito, nakipag-kwentuhan saglit pagkatapos ay umalis na rin ito. Alalang – alala siya, buong maghapon siyang patingin – tingin sa phone niya na tila ba naniniwala siyang tatawagan siya nito, hindi naman alam ni Midas ang number niya.
"Ate, okay ka lang?"
"Hindi." Mabilis niyang sagot kay Cheche – ang isa sa mga tauhan nila sa flower shop. Tinawagan niya si Chava upang makibalita pero wala rin itong balita. Balisa si Katryna buong maghapon at nagdagdagan pa iyon noong mapanood niya sa balita ang nangyayari sa kompanya nito.
Sumasakit ang ulo niya.
Maggagabi na ay wala pa rin siyang balita. Siguro ay napagod na si Chava sa kanya dahil hindi na nito sinasagot ang tawag niya. She put her phone on her table and sighed. Natigil siya sa pag-iisip nang marinig niyang nagsasalita si Sana. Ang lakas ng tawa ng kanyang anak. Hindi niya mapigilang mapangiti. Si Sana talaga ang gamot sa lahat ng kanyang dinarama.
Tumayo si Kat para puntahan ito. Sigurado siyang nasa harap ito, siguro nangugulo kina Cheche. Tinunton niya ang tawa ni Sana at natagpuan niya itong nakaupo sa bench sa gilid ng front desk habang kumakain ng tsokolate, pero hindi ito nag-iisa, may katabi itong batang lalaki na halos kasintangkad nito, sa kanyang palagay ay magkasing – edad rin ang dalawa.
"Masarap ito. Anong flavor nito?" Tanong ni Sana. Tumingin sa kanya ang batang lalaki.
"That's toffee caramel. Here, try this, min chocolate."
"Bakit English speaking ka? Mayaman ba kayo?" Biglang tanong ni Sana. Napangiti naman si Kat.
"I don't know. But my daddy and lolo always buy me book. I have a lot of books."
"Ay, si daddy ko saka si yoya palagi akong pinapakain ng masarap. Ikaw, palagi bang masarap ang ulam mo? Siguro no, kasi English speaking ka."
"Sana." Tinawag niya ito. Lumingon ito sa kanya. Sana was wearing her favorite house dress, raibow ang print noon. Naka-pigtails ang buhok nito tapos ay yakap nito ang pink stuffed pony nito.
"Ay, siya ang Mama ko. Mama friend ko."
"Hello." She waved at the boy. The boy smiled at her. Natawa siya kasi may chocolate ito sa ngipin.
"Hi, nice to meet you." Nagulat siya dahil napaka-pormal ng bata. Inabot nito ang kanyang kamay para makipag-handshake sa kanya. She stared at the kid, sa pagkakatingin niyang iyon ay hinding- hindi siya pwedeng magkamali.
This is Midas' son.
"My name is Milo Torrero." Pakilala nito.
"Ako si Minea Alessana!" Hinaplos niya ang buhok ni Sana.
"Where's your dad? Kanina ka pa ba rito?"
"No. I just got here. My dad is at the car. I don't know why he doesn't want to come in, he said he'd be there."
"Okay... you two play, ha, kakausapin ko lang ang Daddy mo."
"Oh sure. You're so pretty, by the way." Sabi ni Milo sa kanya. Natawa si Kat at saka napatango.
"Anak ka ng ng tatay mo." Pabiro niyang ginulo ang buhok nito. Lumakad siya palabas ng gate ng Sana's flower garden at tama nga si Milo, naroon si Midas, nakatayo sa gilid ng kotse nito, nakahalukipkip ngunit nang makita siya nito ay bigla na lang tumuwid ito ng tayo. Nilapitan niya si Midas.
"Midas, anong ginagawa mo rito?"
Walang namutawing salita sa bibig ni Midas, bigla na lang itong lumapit sa kanya tapos ay niyakap siya nang mahigpit.
"I'm so sorry, Kat. I'm so sorry..." Hindi basta iyak ang ginawa ni Midas, humagulgol ito and that broke her heart.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro