Kabanata 10
Midas' touch
Katryna's
HINDI alam ni Katryna kung saan siya kumukuha ng lakas na harapan nang ganito ang lahat ng mapanghusgang tingin sa kanya ng lahat. Marami siyang nakakasalubong na students, they were looking at her like she is the dirtiest of all, pero wala siyang pakialam. Hindi nila alam ang tunay na nangyari.
She held her head high and walked like she still has her dignity intact. Nakita niya ang makahulugang tingin ng maraming tao pero wala siyang pakialam. She even smiled at them, nakangiti siya pero habang naglalakay si Kat ay unti – unting nababasag ang natitirang pagkatao niya. Wala na ang lahat. She is so sure the school will do everything to revoke her license, she is anticipating that it will happen, wala na. Lahat ng pangarap niya mawawala na lang bigla. Pangarap niyang magkaroon ng Ph. D sa dulo ng kanyang pangalan, but as of this moment, that is impossible. She worked so hard for it, gusto sana niyang ialay iyon sa kanyang Mama, but just because of this, nawala ang lahat sa kanya.
She considered telling the truth about him and her, pero sa huli, nanaig ang kagustuhan niyang maabot ni Midas ang kanyang mga pangarap. Kailangan nito iyon. Sa edad ng binata, alam niyang ito lang ang focus nito, baka hindi nito kayanin kapag nawala ang lahat rito. She promised herself that this will be the last time she will ever do something for him again, dahil simula sa raw na ito, pinuputol na niya ang kaugnayan sa binata at sa pamilya nito – wll except for Mavi because he's just the exception to the rule.
"Miss Magracia!" She stopped walking after hearing her name. She looked back and saw Hezekiah running to her. Hinarap niya ang dalaga. Humihingal pa ito nang tumapat sa kanya.
"Yes, Hezekiah?" She managed to keep her composure. Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin – saglit lang iyon pero niyanig nito ang pagkatao niya. She looked at her after that.
"You are a strong woman. The video will never calculate your worth. Keep fighting." Matapos iyon ay iniwanan siya nito. Siguro ay may klase na ang dalaga. Natitigilang sinundan niya ito ng tingin. She needed that. Alam niyang tama ito kaya nga pilit pa rin siyang nagpapakatatag.
Sa kanyang paglalakad ay nakita niyang naghihintay sa kanya si Salvador. Nang mapansin nitong palapit na siya ay pinuntahan siya nito saka siya hinagkan sa pisngi.
"How did it go?"
"You're now my ex-lover." Sinubukan niyang pagaanin ang tinig. Salvador touched her face.
"I got a call from the Dean. Kakausapin niya rin ako pero bukas na. Kapag nalaman ito ni Ma- I mean ni Dulce, she'll do everything to keep it hidden. Ayaw noon na masisira ako dahil ibig noon sabihin kay Lola ay hindi siya mabuting ina sa akin." He spat the word Ina. Napuno ng galit ang mga mata ni Salvador. Hinawakan naman niya ang kamay nito.
"Well do you wanna see yours?" Natigilan ito at napatitig sa kanya. "I guess it's time. She really missed you. Tahimik lang iyon, laging nagdadasal pero she misses you." Bigla ay naluha si Salvador. Napangiti naman siya. She cupped his face, tapos ay pinisil – pisil niya iyon tulad nang palagi niyang ginawa rito noong mga bata pa sila.
"Oh, Chava you're so cute, lika na kiss kiss Ate..." Kahit napakabigat ng loob niya ay nagawa niyang ngumiti at maglambing sa nag-iisa niyang kapatid. Salvador is her brother, ito ang naiwang kapatid niya noong umalis sila ng kanyang ina. Ang totoo noon ay talagang hindi ito pinasama ng kanyang Lola.
Hindi na raw kasi magkakaanak si Dulce, hindi pwedeng kulang ang pamilyang sisimulan muli ng mga ito. Ayaw sa kanya ng kanyang Lola dahil mana raw siya sa kanyang ina, mahina at hindi matalino. Iyak siya nang iyak sa araw – araw na malayo siya sa nakababatang kapatid. Her grandmother brainwashed Chava, making him believe that they left him behind.
Noong nagka-edad na siya ay pinuntahan niya ito sa eskwelahan nito. Sinabi niya ang toto rito kaya lang, hindi naniniwala ito sa kanya kaya mas pinili nitong bumalik sa mansyon at sa buhay na kinalakihan nito. Noon siya sumuko, inisip niyang hindi na babalik si Chava sa kanila, but after hanging the white towel, Chava suddenly had a change of heart, after all those years, lumapit ito sa kanyang umiiyak at nangihingi ng tawad, siya naman ang hindi komportableng tanggapin ito basta.
"Ate, no..." Ginulo pa niya ang buhok nito at saka ito lumayo. "People might hear, please itapon mo na iyang Chava mo."
"You're always going to be my Chava!" She giggled again. Napapailing ito. Kinuha nito ang kanyang kamay at iginiya na siya sa kanyang kotse. Habang papasok siya roon ay namataan niya si Midas, nakatanaw ito sa kanila ni Salvador, pero hindi niya maintindihan ang reaksyon ng mukha nito, wala na rin naman siyang pakialam because they're done. It ends here.
Habang nagmamaneho si Chava ay nakatingin siya rito. Noong una niya itong makita noong isang taon ay talagang nagulat siya, hindi siya makapaniwala na ga-gwapo ng ganoon ang bunso niyang kapatid. Kamukhang – kamukha ito ng kanilang ama, ang isang taong ayaw na ayaw niya nang makita kahit kailan.
"What are your plans, after this?" Salvador asked suddenly. She didn't answer. Hanggang ngayon ay iniisip niya iyon. Ano ng aba? Paano nga ba siya magsisimula? Nawala ang lahat sa kanya. Saan siya babangon?
"What was the money for?" She asked him.
"I turned twenty – one three months ago, kasabay noon, ibinigay na ni Papa ang trustfund ko. Wala naman akong paggagamitan, saka..." He paused. "I saw your house, it's not really in a good condition. Noong tag-ulan, nakita ko si Mama, nagpupunas siya ng sahig kasi..." Chava stopped talking. Naiiyak naman siya. "Sorry, Ate, dapat talaga nakikinig sa mga ate."
"It's fine. We have all the time in the world. Ibabalik ko sa'yo ang pera mo. May ipon ako. I can manage, kung kailangan ko ng tulong, magsasabi ako, don't worry."
Nakarating sila sa tapat mismo ng kanyang bahay. Nauna siyang bumaba kaysa kay Salvador. Mukhang nag-aatubuli naman ang kapatid. Noong nagpunta ito rito noong nakaraan ay nakita ito ng kanilang Mama. Alam niyang nagulat ito sa nangyari pero hindi ito nagtanong ni minsan sa kanya. Her mother always prays for their happiness, alam niya ring ipinagdadasal nito na isang araw ay makasama nilang dalawa si Salvador, pero hindi nito iyon sinasabi dahil alam ng kanyang ina ang damdamin niya pagdating sa kanyang kapatid at ama.
"Let's go." Hinatak niya ang kamay ni Salvador. Parang kay bigat ng mga hakbang nito. Pagpasok nilang dalawa sa loob ng maliit nilang tahanan ay sumalubong ang amoy ng mabangong sinigang.
"Ma, ano iyan salmon head?" Tanong niya habang hinatak si Chava papasok sa kusina. Nakatalikod ang Mama nila.
"Oo, nak, nandito ka na kasi may ipagluluto na ako araw – araw." Humarap na ito at tila ba tumigil ang mundo nang makita nito kung sino ang kanyang kasama.
"Nandito na si Chava, Mama." Kasabay noon ay ang pagluha ng kanyang Mama. Chava slowly walked towards their mom to give her a hug. Noong una ay umiiyak lang ito pero biglang nagkatunog ang mga iyak nito, naging hagulgol iyon ay paulit - ulit binabanggit nito ang salitang patawad, anak ko. But Chava stopped her.
"I'm supposed to be the one to apologize, Mama. Hindi ako dapat naniwala sa kanila. I'm so sorry, Ate, sorry, sorry po."
"It's okay, ang mahalaga, nandito ka na." Sumama siya sa yakapan noong dalwa. Amid of it all, kahit sobrang hirap para sa kanya ang harapin ang lahat ng ito, napapagaan nito ang kanyang kalooban.
Kat know she can still be happy. She can stand up and stand tall. She will rise.
xxxx
Midas'
"FUCK YOU!"
Isang malakas na suntok ang binitiwan ni Midas kay John matapos niyang makita ang litrato ni Kat kung saan hubad ito at nakaluhod habang hawak ang kanya – no one knew that but the fact that he was showing everyone the picture he printed and telling everyone what a wonderful rack Kat has irritated him. Sinuntok niya ito dahil wala itong hiya. Agad namang nagtayuan ang mga kasama nilang nakaupo. Everyone in Gonzaga hall was looking at them.
"FUCK YOU, JOHN! Walang hiya ka!"
"What the fuck is wrong with you!" John hissed back. "Wala si Katryna dito, at nagsasabi lang ako ng totoo! Masarap siya! I've masturbated while looking at this picture, Midas. Bakit ikaw ba hindi? If I know, ikaw naman talaga it---" Muli niya itong sinuntok.
"Midas, tama na ano ba kasi?!" Dinuro niya si John.
"You father owns a textile company, right? Say goodbye to your investors!" Kinuha niya ang litratong hawak nito, nilikot iyon sabay tapon kung saan. He took his bag and left the Gonzaga hall to breathe some fresh air. Kailangan niyang huminga dahil nasasakal na siya.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang huli niyang makita si Katryna. He tried going to the dorm, but someone else is now leaving in her dorm. Wala na siya sa university, ni bakas ay wala itong iniwan. Parang naglaho na lang ito basta. It's like she doesn't exist anymore.
He went to the Zen garden and sat on one of the benches there. He was trying to calm his nerves, his mind, all he can think about is her, hindi maalis sa kanyang isipan iyong sakit na nakita niya sa mga mata nito habang sinasabi kay Dean Olubia ang lahat ng iyon. She took the fall for him, alam kasi nito ang mangyayari sa kanya sa oras na lumabas ang totoo.
He cannot forget what she said before that she was the only one that loved her unconditionally, hindi niya maintindihan kung bakit nahihirapan siyang paniwalaan iyon noon, maybe Kat did love him, pero may karapatan pa ba siyang puntahan ito? Sa nangyaring iyon, parang wala na siyang karapatan kahit na ang tinginan si Kat. She was too hurt; she was in so much pain, and it is all because of him.
Walang ideya si Midas kung anong oras na. Hindi niya rin sinasagot ang tawag ni Lara. Kanina pa siguro siya nito hinahanap. He promised her that he will take her out today, but he's just not in the mood. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari sa kanyang sarili. He thought that he'd be okay but he's clearly not.
Sa huli, naisipan niyang umuwi, hindi sa frat mansion, kundi sa mismong bahay ng mga Torrero. He wanted to see his mom, baka sakaling gumaan ang kalooban niya, pero habang naglalakad si Midas papasok sa kanilang mansyon ay narinig niya ang boses ni Maverick. He's here, and he's talking to their father. Tumayo siya sa may entrance ng living area.
"I'm just saying, tigilan ninyo si Kat. She wants out, let her be."
"Wala akong ginawa."
"Wala pa. You kidnapped her when you found out she helped me escape this hell, kinulong ninyo siya sa bodega ng dalawang araw, walang ligo, pagkain, liwanag, ni tubig, Papa. Now, she wants out, let her be. She deserves a better life."
"You did that?" Napalingon ang mga ito sa kanyang direksyon. Hindi kaagad nakasagot ang kanyang ama kaya inulit niya ang tanong. "You did that?!"
"Paano malalaman ni Kat na kailangan niya akong sundin at irespeto kung pabayaan ko siyang gaguhin ako?"
"See, Midas? Your father is an asshole." Wika ni Maverick sa kanya. "Sige, Pa, saktan mo ulit si Kat, sa pagkakataong ito, sigurado akong mawawalan ka na naman ng anak."
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Maverick. Muli siyang umalis ng bahay na iyon. Hindi siya makapaniwala. He knew his father can do bad things, pero naniniwala siyang may kabutihan itong naitatago sa buhay. Kaya nga gusto niya ang approval nito, kaya masaya siya sa praises nito because he idolizes his father but after hearing what Mavi said, parang... parang mali.
Muli ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa tapat ng bahay Kat. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya, he just wanted to make sure she's okay. Maybe he can ask forgiveness, maybe they can talk, he'd listen now.
He rang the doorbell, pero hindi si Kat ang lumabas kundi ang ina nito. Tulad noong naunang pagkikita nila ay nakangiti ito sa kanya. Lumabas ang ginang mula sa bahay ay pinuntahan siya upang buksan ang gate.
"Good afternoon po."
"Hijo, nandito ka na naman." Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. "Nasa loob si Kat, pero hindi ko alam kung nanaisin ka niyang kausapin, kung ako kasi ang tatanungin mo, hindi naman rin kita papasukin."
Maybe Kat told her everything.
"Kahit saglit lang po sana."
"Hijo, unica hija ko si Yna, pero hindi ko siya naipagtatanggol. Sa murang edad napilitan siyang iwanan ang childhood niya because she needed to help me so we can have food on the table. I took away so much from my only daughter. Lagi akong mahina, kaya lagi niyang ipinagpapaliban ang pagiging mahina dahil sa akin. This is the only way I can stand up for her."
Hindi siya makatingin sa ginang.
"Midas let her be. I was not born yesterday; I hear her cries and I see her pain no matter how much she hides it. Alam ko rin ang video na iyon, alam kong hindi siya basta nag-resign. Alam ko ang lahat pero hindi nagsusumbong sa akin si Yna kasi kinakaya niya lahat ng ito nang nag-iisa. Napapagod na siya, nanghihina na siya at wala akong ibang magawa kundi ito, ang protektahan rin siya, kaya sana, pabayaan mo ang anak ko. You're a rich man with a lot of potential, hijo, enjoy your life and let Katryna be happy with hers."
Hindi siya nakasagot. Natagpuan niya ang kanyang sariling tumatango sa ginang. Naluluha siya. Tama, siya ang dahilan ng lahat ng ito. He remembered when Kat confesses her love to him, she asked him if he can fight for her, and he didn't answer then, but now he fucking knows how to answer that question.
Hindi. Hindi niya kayang lumaban para sa kay Katryna. Hindi niya ito kayang bigyan ng assurance, hindi niya inaasahan na ganito na pala kalalim ang larong sinimulan nilang dalawa.
He went back to the frat house. Tuliro siya, nakita niya si Lara sa living area. Mukhang naghihintay ito sa kanya.
"Midas." She smiled at him. "I was waiting—"
"Lara, I can't do this." He said. "Hindi ko kayang ipagpatuloy ang relasyong ito. I'm sorry..." Tinalikuran niya ang dalawa. He was about to step away when she spoke.
"Midas, I'm pregnant."
Nilingon niya ito.
xxxx
Katryna's
PINAGMAMASDAN ni Katryna ang kanyang ina at si Chava na naglalagay ng mga gamit sa isang malaking kahon. Sa wakas, isa – isa nang natutupad ang pangarap niyang buhay para sa kanilang mag-ina. Siyempre, kasama si Chava roon, pero maiwan muna ito dahil tatapusin nito ang huling taon sa kolehiyo. He's in his fourth year, parang si Midas, sa isang taon ay matatapos na rin ito. Sigurado siyang walang problema sa bagay na iyon, she engraved his name on the university map. Hindi basta matitibag si Midas ngayon.
Ang tanging hiling lang niya ay maging matagumpay ito sa buhay. Oo nga at galit siya rito dahil sa pananakit nito sa kanya, but that anger isn't enough to vanish her love for him. Ika nga niya, baby steps, alam niyang makakalimutan niya si Midas, isa sa mga araw na ito, malilimutan niya ito at muli siyang makakangiti nang abot sa kanyang mga mata wala nang Midas sa kanyang puso.
"Ate, ang tamad mo kamo." Pang-aasar sa kanya ni Chava. She just made a face.
"Tse, magtrabaho ka diyan o wala kang meryenda, masarap pa naman ang bilo – bilo ni Mama."
"Paborito ko iyon."
"Naku, anak, h'wag kang masyadong magkakain rito, baka mapagalitan ka kasi hindi ka na sumasabay sa mansyon." Wika ng kanilang Mama. She just listened to them.
"Alam naman nila kung saan ako nagpupunta, hindi naman nagtatanong si Lola. Si Papa rin, pero noong isang araw, nahuli ko siyang tinitingnan iyong litrato ni Ate sa may bedside table ko, akala ko kakamustahin ka."
"Hayaan mo siya." She laughed. "Maghahanda na ako ng meryenda, Mama. Kain na muna tayo, mamaya nandito na si Mavi. Gutom na rin iyon."
Humkbang siya papasok sa kusina pero bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa pader at pilit niyang itinatama ang kanyang balanse. Nabigla siguro siya dahil sa biglaang hakbang, nang maitama niya ang kanyang pagtayo ay muli siyang humakbang ngunit parang tila lalong sumama ang kanyang pakiramdam. Pinagpapawisan siya nang malamig at tila umiikot ang kanyang sikmura.
Napapansin niya noong mga nakaraang linggo na panay humahapdi ang kanyang sikmura, parang nangangasim tapos maduduwal siya.
"Anak, okay ka lang?"
"Wala ma, baka nag-aacid ako, ang sakit ng sikmura ko." Lumapit ito sa kanya.
"Ay, anak, pinagpapawisan ka ng malamig. Chava, anak, tulungan natin ang ate mong makapasok sa sili--- ay!"
Hindi na niya kinaya, nabuwal siya, mabuti na lang at naroon si Chava, nasalo siya nito at agad na dinala sa ospital. Ayaw niya nang ganito dahil sigurado siyang mag-aalala ang kanyang ina. Nasa ER siya, natatanaw niya ang Mama niya sa labas na nakayakap kay Chava. Nahili lang naman siya, hindi naman big deal iyon.
They did some tests in her. Ni-check ang kanyang ihi, sumailalim pa siya sa isang abdominal ultrasound to check kung malinis raw ang loob ng tyan niya. Basta maraming ginawa sa kanya, request raw iyon ng kapatid niya. Kulang na lang MRI saka CT-scan. Nilagyan pa siya ng IV kasi ayon sa nurse ay dehydrated raw siya, isang dahilan kung bakit siya nahihilo.
Pinapasok ang Mama niya at si Chava, siya lang naman kasi ang tao sa ER. Maliit na ospital lang ang pinagdalhan sa kanya.
"Ikaw kasi, anak, ayaw mong magkakakain nitong nakaraan. Napapano ka ba?"
"Wala kasi akong panlasa, Ma. Pero promise, kakain na ako. Thank you, Chava. Kiss kiss, Ate?" He only made a face. Inirapan siya ng kapatid, tumawa naman siya. Napansin niyang may palapit na doctor sa kanya. Ngumiti siya nang malaki.
"Uuwi na po baa ko, Doc?"
"Hindi siya uuwi, Doc, kung may sakit siya."
"Wala naman siyang sakit maliban sa dehydrated si Ma'am ay walang ibang findings sa kanya kundi sa seven weeks niyang ipinagbubuntis."
Suddenly, everything became slow motion. Napatitig siya sa doctor.
"Reresetahan ko na lang siya ng vitamins para sa kanyang condition, bawal magpuyat, Ma'am, bawal ma-stress, bawal mapagod. Seven weeks pa lang ang tyan mo, sa point na ito, may possibility pang mawala ang baby so you need to be careful."
Iniwanan sila ng doctor. Napatingin siya sa kanyang Mama. She held her hand. Naluluha naman siya. Si Chava ay hinaplos – haplos ang kanyang likod.
"Nandito kami, Ate. Everything is gonna be fine..."
Napahawak siya sa parteng iyon ng kanyang katawan, isa lang ang naisip niya at talagang wala namang iba.
Si Midas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro