Wakas
Maki Says: Salamat sa pagbabasa. Sa paghihintay, higit sa lahat. It was really a hard hit when I was not able to finish my works based on the timeline I set.
Narinig niyo na noon, somewhere along the road, two to three years ago, I was depressed and sad. I tried to hold on to writing but it failed me. It was a horrible experience to long to write and have the time to do it but no imagination came with my willingness to do so.
I admit, I forgot the storyline. It may be a bit shaky and 'huh?' moment for some but I appreciate your love and appreciation that you did not give up on me.
You can't imagine how your comments (the good ones!) encourages me to write more. I see more views than votes, and more votes than comments but it is alright! Ipinanalangin ko ang lahat ng iyan noon. Iyong view lang masaya na ako noon, ngayon pang nakakausap ko na rin kayo ulit.
Orion is not yet to be published by a publisher. Ito ay isang collaboration with Akane and Race Darwin. We have to decide how we will publish it as soon as Race Darwin finished his part, but no pressure! Yakapin niyo muna ang Wattpad version at baka sipagin ako na mag-dagdag ng ilang mga special chapters. Baka ha! Hindi nangangako. Epilogue, is a 90% chance pero pilitin niyo muna ako. Charot lang! Syempre pag hindi na busy.
Ang haba ng author's note, hahah isang kabanata rin yern. Lol! Basta salamat and enjoy!
-------
The tension filled the air, si Hezekiah lang ang humarap kay Fausto dahil hindi nakatuntong si Orion sa pamamahay ng mga Ricafort, he stayed outside the house in his car. Naiintindihan ni Hezekiah at Orion ang pinanggagalingan ni Fausto kaya nakakaunawang naghihintay sa labas ito.
Kinakabahan si Hezeikiah at natutuwa dahil nakita niyang maayos ang lagay ng ama. She imagined the worst when they were apart!
"Sir, kumusta po ang pakiramdam niyo?" Iyon ang panuna niyang tanong, she's been dying to hear from him directly that he's okay!
Inalis ni Fausto ang salamin at pinunasan ng luha ang mata bago umupo sa couch. He's been breathing heavily which made her worried, okay lang kaya ang ama?
"I am sorry, anak."
Parang kinurot ang puso niya sa pagkakataong iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang tamang sabihin, 'Huwag niyo po akong tawaging anak?' but that will sound very negative and angry.
"Sir.. Hindi niyo po dapat nalaman ang organ donor niyo pero dahil alam niyo na rin, sana po malaman niyo na hindi ko ginusto na dalhin niyo ang guilt dahil diyan. Naiintindihan ko ang mga naging pagdududa niyo sa akin." She smiled bitterly, "Hindi niyo ako nakitang lumaki at pati iyon, hindi niyo rin dapat ikakonsensya. I am who I am now partly because of your choices and my mother's choices, and the other half are my own choices."
"Isang bagay na itinuro sa akin ng Nanay, ang tumanaw ng utang na loob. Kaya nga kahit siguro matanda na siya ay nagsisilbi pa rin siya doon sa club na itinuring kaming pamilya. Kaya tumatanaw po ako ng utang na loob sa inyo, sa pagpulot niyo sa akin, kahit sa bandang huli hindi naging maganda ang pagtutunguhan natin, hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Okay na po iyon."
Pinanlakihan naman siya ng mata nang biglang lumuhod si Fausto sa harap niya nang hindi niya inaasahan.
"Sir!" Napatili siya at agad na dinaluhan ang ama sa sahig, "Kaya pa ba ng tuhod niyo yan?" She asked concern but that sounded rude. Hindi niya alam kung paano makikibagay. Simula nakilala niya si Fausto ay trinato niya itong boss and now that he's calling her 'anak' at lumuluhod pa sa harapan niya, nahihirapan siyang huminga. Gusto niya rin itong makausap pero hindi na kailangan ang mga ganito.
"Sir, tumayo kayo riyan at hindi ko alam ang sasabihin ko! Ayoko po ng ganyan!" Hindi napigilan ni Ia ang luha na tumakas sa mata. She sniffed and felt her heart constrict, she doesn't like seeing old people kneeling in front of anyone. "Huwag niyo naman ako ilagay sa nakakailang na sitwasyon."
"Ah, no, no, Hija. Huwag kang umiyak." Napakamot ng ulo si Fausto at nagmamadaling umupo muli sa couch sa tulong ng tungkod. Kinalma niya rin ang sarili at umupo ng maayos sa harap ng ama.
"I just want to say... I am very sorry, Hija for having a wrong judgement. If you did not give me this second chance in life, I could have regretted in hell."
"Huwag po kayong magsalita ng ganyan."
"Masaya ako na nakuha ko ang pagkakataon na humingi ng tawad at maipakilala ka bilang anak ko.." Nasamid si Fausto dahil sa sariling luha. "I am proud of you. Of how selfless you turned out to be and only a fool will miss a chance to have a daughter like you..."
"Salamat po.. Pero tungkol po roon kay Orion, hindi po ako nakipagsabwatan sa kanya para nakawan kayo. I was trying to keep him away from Tanya." Ayun nga lang ay sa kanya bumagsak at naging mag-asawa pa tuloy sila.
"You don't even have to explain that part." Fausto dismissed, "I also know that their company is doing fine now because of him. Still, I don't welcome him in this family. I don't trust that man."
Napalunok siya. This should all be settled. Orion deserves her apology too. In the first place, ginamit niya rin ito sa pag-aakalang ginagamit din siya. And that's really a mess to begin with.
"You worked so hard to follow my orders, and I value that. So much. Can you give me that honor to call me Daddy? I don't want you calling me Sir and I will continue calling you Miss Cruz because we find Daddy awkward at makamatayan ko na iyon." Kapagkwa'y sambit nito sa kanya.
She stood up and walked towards Fausto. Bumagsak siya sa bisig ng ama.
"Daddy.. Daddy." Bigkas niya na parang bata na nag-uumpisa pa lang magsalita. Hindi niya ito naitawag kahit kanino. This is the first time.
"I'm so sorry, Hija." Fausto repeated.
Somehow, she has forgiven Fausto even before he asks for her forgiveness. Ganoon naman magalit ang mga magulang lalo na iyong may mga malalalim din na pinagdaanan. Ang mahalaga ay natuto rin itong humingi ng tawad, na hindi nito ginamit ang posisyon ng pagiging magulang para maging laging tama.
Ipinatawag si Orion pagkatapos siyang kausapin ni Fausto at naubos na ang kanilang luha. She chose to stay with Orion at silang dalawa ang humarap sa ama para magkaliwanagan mabuti.
"D-dad.." She muttered, starting the difficult conversation.
"No, Hezekiah. Ang lalaking iyan ang dapat magpaliwanag." Hinampas pa ng tungkod ang tuhod ni Orion. Napaangat ang tuhod ng kaniyang asawa sa gulat.
Magkatabi silang nakaupo sa couch at tahimik na tahimik sa buong library. Pinagpawisan tuloy siya.
"Ka Ato, Sir.. I want to apologize. Alam ko, I've done a lot of things in the past. Even when I was engaged to Tanya- y-your daughter, I was cheating on her with your a—another daughter. I am really sorry, Sir." Mariing napapikit si Orion dahil hindi talaga magandang pakinggan ang sinabi nito! Even Fausto scowled at his statement. Wala rin siyang maitulong kung paano pa mapapaganda ang katotohanan but that's the truth!
"Minahal ko si Hezekiah kahit noon pa. Hanggang ngayon kaya pinikot ko talaga 'to kasi kung hindi baka hindi siya magpakasal. I am sorry, Sir." Pahina ng pahina ang boses ni Orion sa kahihiyan sa pagkakamali.
Ia sighed. It is her turn now.
"Orion, maybe you deserve to know the truth too. Sinadya ko ring kunin ang atensyon mo para mawala ka sa landas ni Tanya at ng FRINC. I am sorry."
Napalunok si Orion at napakurap-kurap. Hindi siguro inaasahan ang kanyang sinabi.
"I know. I am wrong pero mali ka rin naman ng intensyon kaya mo ako pinakasalan..." Dagdag niya pa.
"What?" Gulat na gulat si Orion. "I married you because I love you."
"You love me? Ano iyong narinig kong usapan niyo ng Daddy mo? Ilusyon ko lang ba iyon?" Medyo tumaas na rin ang kanyang boses.
"It is true that he's interested with the shares of FRINC that's why he wanted me to marry Tanya and all the while, not even knowing that you are Tanya's sister, I married you instead. Kasi ikaw ang mahal ko!"
"Pinakasalan mo ako kasi ang iniisip mo ay ibibigay ko sa iyo ang kumpanya pagkatapos. Hindi mo ako mahal!"
"No, I married you because I don't want anyone to control you because of their money. Meron din ako 'non. And now you are telling me that you led me on? You are hurting my feelings, Ia."
Bumakas ang sakit sa mukha ni Orion.
"Sandali! Kayo bang mag-asawa ay magpapaliwanag o mag-aaway talaga kayo sa harap ko? Gusto niyo pa ng dagdag audience? Ipatawag ko pa ang mga kasambahay at security?" Tanong ni Fausto sa kanilang dalawa. Uminit ang kanyang pisngi, umirap din siya kay Orion.
"Hayaan mo akong magpaliwanag, Hezekiah." Huminahon si Orion.
Umayos siya ng upo at pinakinggan na lang ito dahil baka nga magtalo silang muli. They still have their own unresolved issues too.
"Sir.. I know that my intentions are questionable but my love for Hezekiah isn't. Mahal ko ang anak niyo at si Tanya—"
"Hey!" Sa ulo naman humampas ang tungkod ni Fausto. Kusang umangat ang kamay niya para hilutin ang ulo ni Orion pero nang marealize niya ang ginagawa ay binawi niyang muli ang kamay.
"Si Tanya ay matalik kong kaibigan. We've been keeping a secret—"
"Dad, Orion is not Gunner's father." Bumukas ang pinto ng library at pumasok din doon si Tanya para sa back-up, mukhang kanina pa nakikinig sa usapan doon sa labas. "I know this sounds silly, alam kong magagalit ka but I want you to appreciate how good of a person Orion is for standing up for me, for us. When I chose not to ran after the real baby daddy si Orion ang nanindigan para hindi ako tawaging disgrasyada at hindi ka mapahiya."
Napahilamos si Fausto sa mga naririnig. "Tanya, please call Nurse Eden to check my BP."
Hindi na naipagpatuloy ang usapan na iyon dahil tumaas ang presyon ni Fausto. Alalang-alala naman si Hezekiah at sinisisi ang sarili sa pagbabalik niya. Parang nakasama pa iyon sa ama. There's too much of a discussion tonight that even her couldn't handle.
"He will rest. Gusto ka niyang makausap bukas, Ate. Ipinapaayos niya ang guest room para doon muna—"
"Kami?" Orion inquired.
"Si Ate lang, Orion. Bad shot ka pa kay Dad. Sorry."
"Tanya, kailangan muna naming mag-usap ni Orion kaya pupunta na lang ako dito bukas."
Nagngising-aso si Tanya, "Mag-uusap, o mag-aaway?"
"Tanya!"
"O gagawa ng pinsan ni Gunner?"
"Tanya!" Hindi niya na mapigil ang bibig ng kapatid niya. She wants to settle with him once and for all. Mali si Orion pero malaki rin ang kamalian niya. Now that everything is falling into places, maybe Orion and herself should have a one good talk.
Umuwi sila sa kanilang tahanan. Hindi na sila nag-abalang magbihis pa. Orion was sitting on the arm rest of their sofa while she was standing. Mas matangkad siya rito ngayon ng kaunti because Orion is really tall!
"Noong umuwi ka ng isang araw, amoy babae ka!" She fired her shot first at him.
Ngumisi si Orion at nawala ang pagkaseryoso, "Yung selos mo yung uunahin nating resolbahin, Ia? Sabagay, mas importante yon."
Nag-init ang kanyang pisngi at gusto na lang niyang lamunin ng lupa! Pinanindigan niya na lang dahil kailangan niya naman talagang malaman ang lahat and tonight is the night!
"Hindi ako nagbibiro! I am sorry for letting you sleep on the floor but I am pissed. You have no message whatsoever and then you will come home drunk, smells like a woman's perfume, what do you expect?!"
"Ah, so we will really resolve this jealousy issue first... Okay, kung iyan ang gusto mo, Ma'am." Ngumuso si Orion at kinuha ang cellphone na kakaiba ang itsura. Inilahad sa kanya ang kuha doon. It was her photo when she was dancing at Penpen years ago!
"Akala ko binura mo na iyan."
"This isn't my copy, Ia. Kelly has these photos when she learned that I married you. Matagal na iyong nanggugulo sa akin and she wanted to get in our way by publicly humiliating you if I will not annul you." Panimula ni Orion.
"I had to get drunk with her to steal this phone, I needed a day to have the photos inspected where it did come from and hack all the gadgets that has the copy."
"Noong isang araw, nakahiga siya sa lamesa mo!" Giit niya.
"Don't worry, Ia. Kung saan-saan talaga humihiga iyon, madalas doon sa kung saan ako dadaan. Minsan ay humiga na rin naman iyon sa bawal na tawiran ay magpapasagasa kung hindi ko siya pupuntahan. I wonder too why she's still alive."
Hezekiah bit her lip to stop herself from smiling. Galit pa rin siya at naiinis. Pupwede namang sabihin na lang sa kanya ni Orion na ganoon kung bakit pinag-isip pa siya. Then whoever took her photos in the club must be one of her previous neighbors! Wala ka talagang aasahan sa mga iyon.
"Kapatid ka pala ni Tanya." Sumeryoso ito at hinawi ang takas na buhok sa kanyang mukha, "Lagi kong napapansin ang pagkakahawig niyo noon pa pero hindi ako nagtanong. What are the odds that the one I was set to marry then was the sister of my greatest love..."
Marahan siyang tumango.
"I am sorry too, hindi ko sinabi sa iyo noon. Wala akong balak ilantad ang sarili ko bilang anak ni Fausto Ricafort. I don't want to disappoint Tanya and I don't want to ruin their standing in your fraternity."
"Ang tagal kong inisip kung paano kita mapapakasalan kung hindi ka Demolay and you are a real Demolay."
"Orion.."
Itinaas ni Orion ang palad niya para patigilin siya sa pagsasalita.
"I understand too, the uncertainties that you have for me. I have too. Not because of I am not sure of what I feel but... I am so sure that I don't want you to tie here when all you want was to get rid of me in your father's company."
Bumunot siya ng malakas na paghinga.
"I know, Orion. Iyon talaga ang plano. I had to seduce you.."
Malungkot itong ngumiti.
"Hindi na kailangan, Hezekiah. Kahit wala kang gawin ay mahuhulog lang ako sa iyo paulit-ulit. Even if you feed me unhealthy meals everyday and cannot wake up early to have me prepared for work, I—I will still adore you. Kahit ako ang magsilbi sa iyo.."
Kahit parang kinukurot ang puso niya ay hindi niya pa rin magawang magsinungaling kay Orion, ngayong gabi ay gusto niyang sabihin ang nararamdaman niyang takot.
"I am very sure there's like for you but I am not sure if it is love, Orion." Pagsasabi niya ng totoo. "Napakarami nang nangyari sa akin at sa mga taon na lumipas wala akong naisip kundi ang huli nating paghihiwalay. It was ugly. Nasaktan mo ako. You don't trust me enough and I don't trust you too. At kada nadaragdagan ang mga pangyayari, it is scarier to trust you more. Sure you had good times but the bad.. It scarred me and I am still scared."
Naalala niya ang mga pagkakataong kinailangan niyang mag-isa. She hoped for a rescue but it didn't come. And although she felt that Orion is attracted to her, she still fears that when life gets bad, she will be alone again.
Malungkot na tumango si Orion. "Naiintindihan kita, Ia. Naiintindihan ko ang mga takot mo. They are all valid. Alam mo, masakit sa akin ito pero..." Malungkot na huminga si Orion. "Ibabalik kita sa Tatay mo ngayong gabi."
"Orion.." Hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin! Hindi niya rin alam kung paano sila magkakaayos ni Orion pero nakapagdesisyon na nga ito.
That night, ibinalik nga siya ni Orion. Malungkot itong pinanood siya na pumapasok sa gate ng mga Ricafort. Tinulungan naman siya ng mga kasambahay na ilagay ang gamit doon sa guest room. Doon lang siya nakapagshower at nakapagbihis. Tinutuyo niya ang buhok niya nang pumasok si Tanya sa kuwarto.
"Isinoli ka ni Orion?" Nanlalaki pa ang mga mata nito, "Ganon lang? Sukuan na?"
Pinilit niyang maging matatag at tumango. She maybe unsure but she knows Orion maybe right, that they need a time apart. She cannot just jump into a marriage just because she thought she will die but she did not. Dahil buhay pa siya, pupwede niya pang itama ang lahat.
Hindi siya nakatulog nang gabing iyon. Iniisip ang kung ano-anong possibilities na pupwedeng mangyari pero wala siyang maisip. Ang sinabi lang sa kanya ni Tanya ay kailangan niya nang bumalik sa FRINC dahil hindi nito talaga kaya lalo't pumapasok sa daycare si Gunner.
She understood the need. As usual, she needs to step up for my family as the eldest. Maaga palang ay naghanda na siyang pumasok. Naabutan niya si Tanya at si Fausto na sabay na nagbebreakfast sa lamesa. Bigla itong tumahimik nang dumating siya. Natigil pa sa pagsubo ng oatmeal si Tanya at tinapunan ng tingin ang kung ano doon sa may salas.
"Good morning, Hija. May manliligaw ka riyan sa sofa." Malamig na wika ni Fausto habang nagbabasa ng diyaryo. Nahigit ang paghinga niya sa sobrang gulat.
Nakita niya si Orion, nakabihis na ng pang-opisina at may dala pang cup ng coffee. Tinaasan niya ito ng kilay pero nagkibit-balikat lang ito.
"Nagpaalam nga rin na ihahatid ka sa office. Okay na rin at mahal ang gas ngayon saka makakatipid sa driver. Basta panindigan niya ha.." Lumabi si Fausto at patuloy sa pagbabasa ng diyaryo.
"Gusto mong mag-breakf—"
"Naku, pangtatlong tao lang ang naihandang pagkain, ubos na yata." Napangiwi si Fausto nang aayain niya sana ng almusal si Orion. It was really an awkward morning. Nanonood lang si Tanya at pinipigilang matawa.
"Good Morning, Hezekiah. Ayos lang, sa opisina na lang ako kakain, Sir Fausto."
Hindi iyon pinansin ni Fausto at naghanap pa ng mauutusan.
"Loring, pakipatay nga ang aircon sa salas at sayang ang kuryente."
"Dad!" Hindi niya na napigilan ang pagsuway sa ama. Masyado naman itong malupit kay Orion. Nagkibit-balikat ang kanyang ama. Humagalpak naman sa tawa si Tanya.
"Sa office na rin lang po ako kakain, Daddy." Nakalabi niyang tugon.
"Okay, anak. Ingat ka. Basta ang curfew dito sa pamamahay na ito ay alas-otso, kung hindi tutupad, hindi na makakapasok ang manliligaw mo sa entrance ng village. I mean it."
"Yes, Sir. Ihahatid ko po sa oras. Mauna na po ako, Sir, Tanya. Good morning po ulit." Magalang na wika ni Orion at sinundan akong lumabas sa may pinto.
Nang makarating kami sa labas ay inis kong sinita si Orion, "Ano ito? Bakit mo pa ako binalik kung ikaw din lang naman makikita ko sa umagang-umaga!"
"Gusto ko lang makita ng tatay mo at ikaw na rin na malinis ang intensyon ko. Manliligaw ako ng mabuti, Ia. Magtityaga ako at maghihintay ako. Bago tayo magfile ng annulment, gagawin ko muna ang lahat para makumbinse kita na hindi nasayang ang pagpapakasal mo sa akin."
"Hindi ko alam kung magandang ideya ito, umiinit ang ulo sa iyo ng Daddy!"
"Ayaw mo bang manligaw ako, Ia?" Seryoso niyang tanong bago buksan ang pinto ng sasakyan para sa akin. How can she say no with those puppy eyes?
"Ayos lang! Kung kaya mong mag-tiyaga." Sumakay siya sa BMW ni Orion. It was spacious enough with room leg. Naiunat niya ang paa kahit papaano dahil ramdam niya pa rin ang pagod simula kagabi. Pumikit siya sa gitna ng traffic sa EDSA at naramdaman niya na lang ang pag-gagap ni Orion sa kanyang kamay.
"Hoy! Akala ko nanliligaw ka? Ba't humahawak ka ng kamay!"
Parang na-offend naman si Orion at umiwas ng tingin. "Namiss ko lang hawakan ang kamay mo. Sorry." Bumilis ang tibok ng puso niya sa pagsigaw niya kay Orion, feeling niya ay napasobra naman siya. Ganito ba ang may manliligaw? Hindi pwedeng magulat?
She can hear Domini's voice at the back of her head, 'Hindi mo kasi naranasang maligawan, Ia!' Which reminds her, she didn't allow anyone to court her after her relationship with Orion. Walang pumantay sa atraksyon na naibuhos niya dito noon.
Nang makarating sila sa FRINC ay iniabot ni Orion ang susi sa valet na siya namang ipinagtaka niya. Kumuha rin ito ng gamit mula sa likod ng sasakyan at sumunod sa kanya.
"Where are you going?" Tumigil siya sa gitna ng lobby at hinarap ito.
"I'll be working." Lumunok si Orion.
"Here? Why?"
"WWL"
"WWL?" Ang alam niya lang ay WFH o work-from-home na madalas na ginagamit ng mga nagtatrabaho ngayon sa bahay.
"Work with Love." He smiled at his own corny joke that made her cringe. Hinayaan niya na rin itong sumunod sa kanya dahil ayaw niya na gumawa ng eksena. Panay ang bati sa kanya ng mga staff nang makita siya. Karamihan ay nangumusta kung bakit matagal siyang hindi nakita.
May mga kinilig din sa presensya ni Orion. Ni hindi man lang iyon binati ni Orion.
"Sir Orion! Namiss ka namin!" May mga babae mula roon sa design team ang lumapit kay Orion. They are all young bloods from their interior designer roster. Pinakatitigan niya si Orion kung anong gagawin pero polite lang itong tumango at nilagpasan ang mga bumati.
"Ang suplado ni Sir!" Narinig niyang bulong. Natigilan silang dalawa ni Orion dahil doon sa komento.
"Good morning, sorry, baka magselos yung nililigawan ko 'e." Nagkibit-balikat si Orion at sumunod sa kanya.
"Orion!" Gigil niyang asik nang makasakay sila sa elevator.
"Yes, Ma'am?" Inosenteng tanong nito.
Her office was the same when she left. Siguro ay laging pinupunasan ng mga janitorial staff at hindi na rin ipinaalis ni Fausto sa pag-asang bumalik muli siya. Nilingon niya si Orion na nakasunod pa rin sa kanya at nabasa agad nito ang ekspresyon niya.
"I won't be a bother, I promise!" Depensa agad ni Orion at umupo sa single-seater couch niya sa gilid ng kanyang table.
"Wala kang lamesa riyan. Magpapakuha ako sa maintenance—"
"No, baka magalit si Sir Fausto. I'll sit here, Ia. I'll be fine." Ngumiti pa ito para mapanatag siya.
Masyadong matangkad si Orion para doon sa couch niya kaya panay ang sulyap niya rito. He's busy with his laptop checking emails and reviewing scanned documents. Kahit anong pagtataboy niya ay hindi talaga umalis. Noong lunchbreak ay sabay din sila kumain, wala siyang magiging excuse dahil nakikita naman nito kung busy siya o hindi. Nag-adjust din ng 5PM ang early dinner time niya para magkasabay silang dalawa at maihatid siya sa tamang oras ni Orion.
Hindi niya akalaing magiging buong linggo na iyong ginagawa ni Orion. He gets better everyday. Kagaya ngayon ay mayroon nang fresh flowers para sa kanya sa umaga at may dala namang prutas para kay Fausto.
"Mukhang maasim ang mga kiwi." Puna ni Fausto nang ibaba ni Orion sa lamesa ang dalang prutas.
"Ipinabili ko lang kasi iyan sa—"
"Ipinabili? Hindi ikaw mismo? Sabagay ganyan talaga kapag mga tamad."
"Bukas ako po mismo ang pipitas." Agap ni Orion.
Pinanlakihan ni Hezekiah ng mata si Orion, saan naman ito pipitas ng Kiwi?! Tumango-tango lang sa kanya si Orion at nag-okay sign.
"Hezekiah, I heard from Tanya that Domini is your bestfriend."
Nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang pangalan ng kaibigan sa kanyang ama. "I am not really sure kung anong magnet ang nakakabit sa inyong magkapatid that you attract the wrong boys all the time! Wala na bang ibang nonobyohin at kakaibiganin bukod kay De Salcedo at Croix? Silang dalawa lang talaga ang option niyo?" Dismayadong tanong nito.
"Sir Fausto, baka tumaas na naman ang presyon niyo." Natatawang banta ng nurse nito. Napailing na lang at isinenyas sa kanilang lumabas ng pinto.
"Call the Mayor to declare persona non-grata to Croix!" Narinig niya pang utos nito sa personal assistant nito.
"Bakit ka naman nangako ng ganong prutas?" Dismayadong tanong niya kay Orion. "Mainit ang ulo ni Dad dahil nagsabi na rin ng totoo si Tanya kaya hindi makauwi."
"Pipitas ako ng Kiwi. May Kiwi Farm sa Aurora si Midas."
"Ang layo 'non!"
"Magcha-chopper. Doon muna ako pupunta, Ia."
"Huwag mo ngang pinakikinggan iyon si Daddy. Alam mo namang nananadya lang iyon."
"No Ia, I only have this chance to prove. Alam kong pagkatapos nito ay wala na rin akong magagawa kung babastedin mo ako." Malungkot nitong sabi. Napabuga na lamang siya ng hangin nang ibaba lang siya nito sa FRINC at nagpatawag nga ng chopper patungong Aurora.
Nagsisi siya at hindi siya sumama dahil kapag nakikita niya ang walang lamang couch kung saan nauupo si Orion ay namimiss niya rin ang imahe nito. Napakagat siya ng labi sa naiisip. Why would she think that! Ang bilis pala niyang mapapasagot kung ganon.
Bago mag-alas singko ay may kumatok sa kanyang opisina. Nagulat siya nang makitang ang nakaraang kliyente nila iyon sa BGC na siya mismo ang naghandle ng construction.
"Ia! It is true that you're here!" Pinagdikit ni Ransom ang kanilang pisngi. Fiancee nito si Adela na siyang naghire ng services niya.
"Where's Adela?"
Nagkibit-balikat ito, "We've broken up. Cancelled the wedding and now we have split our property so I might need your expertise. I heard ikaw din ang kukunin ni Adela but last time I heard nasa Europe daw so nauna na ako."
Malungkot niyang tiningnan si Ransom, "I am sorry to hear, Ran. Please have a seat. Hihingi ako ng coffee."
Ransom sat in front of her table while sipping his coffee. Mapait itong ngumiti.
"She said that she found someone new. Hindi na ako nakipagtalo. It's been 9 years, siguro nagsawa na rin sa amin."
Hezekiah was listening, wondering if love does fades. Her answer is very easy. It does.
"Hindi ko na hinabol, desisyon niya yun." Patuloy ni Ransom.
Bumukas ang pinto at iniluwa 'non si Orion na may bitbit na maraming Kiwi sa magkabilang kamay. May kagat pa itong roses sa bibig na kinuha at itinago nang makitang may kliyente siyang kausap.
She was smiling like a fool at Orion when she saw her. Of course, love does fades, kahit ano naman kung hindi aalagaan. Kung hindi paglalaban ay mawawala talaga.
Looking at her man who tries to do his best to keep their relationship together kahit maraming sablay, she couldn't help but to feel the fullness of her heart. Pinikot pa siya nito at blinackmail para lang magkasama silang muli. Ano ba namang style iyon!
"Sorry, Ia. Akala ko ay uwian mo na. Maghihintay na lang ako sa labas." Sinarhan ni Orion ang pinto at binigyan sila ng oras ni Ransom. After venting out, nagbigay naman ng detalye si Ransom sa gusto nitong mangyari. Nag-sorry pa ito dahil napahaba ang kanilang kwentuhan. It was 6PM already and it is way past her dinner time with Orion.
Nilabas niya si Orion nang may ngiti pero seryoso lamang ito na nakaupo sa couch na naroon.
"Ihahatid na kita, Ia." Pormal na sabi nito,
"Gusto kong umuwi sa townhouse para dalawin ang mga halaman."
"Dinidiligan ko naman iyon, Ia. Okay sila."
"Kakain pa tayo ng dinner, ipagluto mo ako."
"Sige bukas, pag marami pang oras."
"Gusto ko ngayon." Giit niya nang nangingiti.
"Ia, kahit lumipad ang sasakyan ko ngayon, hindi ako makakarating sa Quezon City mula sa Makati ng isang oras. Alam kong tutuparin ni Ka Ato na ipaharang ako sa bahay niyo kapag na-late tayo sa curfew. Hindi na ako makakapanligaw kung ganon."
Pinanliitan niya ng mata si Orion, "Kanino ka mas takot, sa tatay ko o sa akin?"
"Ia, magkaiba iyon. Halika na." Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Orion dahil opposite sides ang Quezon City at ang Paranaque. Huminto ito sa intersection pero bumuga ng malakas na hangin at lumiko patungo sa Paranaque. Napangiti siya. Siya rin naman pala ang susundin.
Nang makarating sila sa townhouse ay inuna niya ngang silipin ang kanyang mga halaman. They are all well and healthy! Nakita niya pang may bagong bili na mga fertilizer sa tabi na tiyak na si Orion ang nag-asikaso. She couldn't help but it makes her hearrt flutter. Orion is really good with the details, her details. Pumasok siya sa loob nang bahay at nakita niyang abala si Orion sa kusina pero hinahaplos din nito ang braso na tiyak niyang nanakit na kakaupo sa couch ng mahigit sampung araw para magtrabaho kasama niya.
Naamoy niya palang ang inihahanda ni Orion ay ginugutom na siya. Tiyak na masarap! Lahat naman ng iniluluto para sa kanya ay masarap.
"Orion, halika nga rito." Aya niya sa asawa. Nakasuot na lang ito ng polosleeves na kulay light blue at slacks. Tiyak na napagod sa pamimitas ang itsura nito. He sat at the sofa beside her.
Kinuha niya ang kamay nito at pinagdaop ang kanilang mga palad. As always, her hand looks very small in his. Nakita niya ang maliliit na galos doon.
"Oh.. B-bakit may sugat?"
"I was pruning the kiwis wrong at first. Nakuha ko na rin ng maayos sa mga sumunod." He gently tells her how his day went. "Ang cute ng kambal ni Midas at Binibini Magracia."
Pinanlakihan siya ng mata, "Sila? Sila ang nagkatuluyan?"
"It is weird, it is a very weird love story, but ours is weird too. I am not sure if it comes with the fraternity. Sumpa yata." He chuckled. He snaked his arms to her back and pushed her closer. Naamoy niya ang panlalaking pabango nito.
"I missed you today." He whispered to her ear. "Nagselos ako nang may kausap kang lalaki, for the first time, I felt insecure, Ia."
"Kay Ransom? Kliyente lang iyon. Maghapon akong naghintay sa manliligaw ko kung hindi mo naitatanong."
Dinampian siya ng masuyong halik ni Orion sa kanyang batok. "Ganoon ba, Ma'am? Pero mukhang huli na yata nating araw sa ligawan ito dahil tiyak na magagalit si Ka Ato."
"Wala ka bang back-up plan diyan?" She asked.
Orion planted her a soft kiss on the lips. "Mukhang masasagot na ako ng misis ko ngayon ha."
Umirap siya rito. Although she knows how obvious she is! Ayaw na rin niyang patagalin. The confirmation she had was way more powerful than her inner thoughts.
"Kapag sinagot mo ako ngayon, itatanan kita, at titiyakin kong next month, magkaka-apo na si Ka Ato sa iyo, hindi na siya magiging choosy sa mapapangasawa mo." Orion caressed my belly and I felt the warmth there.
"Mahal kita, Hezekiah Ricafort De Salcedo. If you will say yes now, I promise to court you and your family daily. Magso-sorry na lang ako bukas."
She cupped his face and looked at him intently. "Mahal din kita, Mr. De Salcedo. It will be my pleasure to spend the rest of my life with you and feed you hotdogs and tocino daily."
Of course that is not true. She will learn. She will strive to be a good wife and build her own family starting here. A family of her own with her plants and probably they should get a dog too?
Tiningnan niya ang urn ni Natoy at Daisy na nakadisplay sa maliit na altar sa bahagi ng kanilang salas. She smiled at it, teary eyed.
'Nay, Natoy, okay na si Ate. Magiging masaya na ako mula ngayon.'
The..
--Maki Say's: i- the End na ba natin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro