Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

(A/N: Hala, almost 1 month ako hindi nagsulat! OMG. Miss you guyth! Mahaba naman itong pambawi.)

Nagbubulungan ang halos lahat nang madaanan na estudyante ni Hezekiah at Orion. Nakaakbay sa kanya si Orion at bitbit ang kanyang mga gamit kahit na tumanggi na siya. Kapansin-pansin na mas naging intimate sila simula nang araw na iyon, isang linggo na ang nakakaraan.

"Sa frat house mamaya?" Bulong ni Orion sa kanya sa tonong may halong kapilyuhan.

"Mamaya ulit?" Reklamo naman ni Hezekiah. Doon nga siya nagpupunta agad imbes na pumasok sa school. Kilala na nga siya ng mga miyembro. In fairness, the frat boys are not rawdy as she thought. Simpatiko at gentleman pa rin ang mga ito kahit alam mong may itinatagong kalokohan, kagaya ni Orion.

Orion became her routine. Lahat ng bagay, sabay nilang ginagawa. Mula sa pagkain, pag-aaral at sa pagkain ulit, they have the same taste in food aside from too much love for books. It was a fun, calm and young connection, she thought. Orion is waiting for her class to finish, at ganoon din naman siya. Suddenly, Orion became a part of her daily routine.

He kept her sane. Not alive, because she's the one keeping her alive, not anyone else. Pero masaya siya, everything felt like it was the best day. She get to enjoy more books and new places.

Napatingin siya sa kanyang mga kaibigan na kilig na kilig sa loob ng classroom. Buti nga ay hindi nagtatampo sa kanya dahil mas madalas si Orion ang kanyang kasama.

"Magre-review ako sa library mamaya. Meron kaming quiz sa business law bukas. Mahina ako roon." Tanggi niya sa paanyaya ni Orion. "Mauna ka nang umuwi, alas tres ang tapos ng klase mo, tapos ako 4:30, masyadong matagal kung maghihintay ka ---"

"Hi Ia." May dumaang kaklase si Hezekiah doon sa pinto, si Mark. Lagi siya nitong binabati dahil iyon talaga ang personalidad 'non. The thing with her classmates, medyo aloof din sa kanya ang karamihan dahil siguro sa personality niyang tahimik at isa sa pinakamatalino. Well, it is not as if gusto niya, she just wanted to be quiet and aloof para hindi na niya kailangang maglihim sa napakaraming tao. Hindi rin marami ang magtatanong sa kanya sa totoong buhay niya.

Mabilis namang umakbay si Orion sa kanya at inilapit ang katawan niya rito. Alanganing napangiti si Mark sa ginawang iyon ni Orion. "Pasok na ako, Ia."

"Sige."

Nang makapasok na si Mark ay hinampas niya sa dibdib si Orion. Nakasimangot pa rin ito at masama ang tingin sa kanyang kaklase. Mas lalong dumiin ang pagkakahapit sa kanya ng binata na para bang ayaw siyang pakawalan.

"Tumigil ka nga. Pumasok ka na sa klase mo. Malayo-layo pa yon dito." Pagtataboy niya. Tumingin sa kanya ang binata at lumambot ang itsura nito. Like she was able to tame him. Bumaba ang kamay nito sa kanyang siko pagkatapos sa kanyang kamay.

"Sige." May kinuha ito sa clutch bag at iniabot sa kanya.

Napangiti siya, three-pieces na ferrero chocolate. Dumaan kasi sila sa convenience store para bumili ng energy drink ni Orion. Naiwan lang siya sa sasakyan kaya hindi niya alam na ibinili siya ni Orion ng chocolate.

"Para hindi ka antukin." Sabi pa nito.

"Sweet ka pala."

Mabilis na namula ang pisngi ng binata.

"That was for me. N-naisip ko lang na hindi ako mahilig sa chocolates kaya ibinigay ko na lang sa iyo."

Natanaw na niya ang kanilang professor na papalapit sa kanilang classroom. Mabilis siyang tumingkayad at hinalikan si Orion sa pisngi.

"Salamat pa rin. Sige na."

Nakaupo na siya at natanawan pa rin niya si Orion sa tapat ng pinto ng classroom. He was just there, staring at her, lips parted. She had to shoo him away para lang tumalikod na ito at iwanan siya.

Hezekiah cannot define that feeling, magaan, masaya, peaceful kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Pilit siyang inilalayo sa kasalukuyan tuwing kasama niya si Orion, hindi niya alam kung maganda ba iyon o hindi.

"Ikaw Ia, ha. Hindi ka na sumasama sa amin." Kunwaring nagtatampong sita ni Em. Tipid siyang ngumiti habang pinapanood ang kaibigan na hirap na hirap ayusin ang mahabang buhok na inililipad ng hangin. Tapos na ang kanilang klase at magkakaniya-kaniya sila sa malapit sa school exit. Sa Rizal library siya pupunta kahit na uwian na nang lahat, wala siyang access sa internet kaya kailangan niya ang mano-manong pag-research. Of course, that's just an excuse. She really loves the smell of the actual book.

"Alam ko, pero pagkatapos niyo akong itulak tulak kay Orion noong isang araw, ngayon ay magrereklamo kayo." Balik niya nang natatawa.

Malakas na napabuntong-hininga si Becca, sinipa nito ang batong nadaraanan.

"Hindi ko nga alam if that's right na." May pagsisisi sa boses nito. "You know that he's arranged to get married to—"

"Becca." Suway ni Kendall.

"Kay Tanya?" Pagpapatuloy niya sa sasabihin ni Becca. Tumango siya. Valid naman ang pag-aalala ng kanyang kaibigan. "Hindi ko naman inaagaw si Orion. Hindi pa rin siya kasal kaya wala akong nilalabag na batas. Isa pa, we just share the same.." Tumingala siya, "interest." If that's what it is called.

"Oo nga! Who are we to judge. Basta ba masaya si Ia. Isa pa, Becca, sino na lang ba ang hindi nasasaktan ngayon? Kahit nga nasa exclusive relationship sobrang heavy drama. Ay, stess! Ayoko niyan!" Umarte si Em na nagpupunas ng pawis.

Si Em ang pinakasupportive sa kanyang mga kaibigan, lagi siyang tinatanong kung kumusta ang loob ng frat house, kung marami raw bang gwapo at kung merong mairereto sa kanya si Orion. Pero iwawaksi na lang nito ang pantasya kapag naalalang hindi naman pala ito Demolay.

Naglakad si Hezekiah patungo sa library taliwas sa mga estudyanteng nagmamadali ring umuwi. That's her favorite part, ang mawala na ang lahat ng tao sa school, nagiging mas tahimik at mas presko kasi ang paligid.

Binuksan niya ang pinto ng library, ang librarian na si Miss Carmi ang bumungad sa kanya. Tipid na tumango siya rito. The librarian also gave her 'the look', of course, sino pa nga ba ang nagpupunta sa library sa panahon ngayon?

"Isara mo na lang ang pinto kapag uuwi ka na at saka mo ipaalala mo sa maintenance kung wala nang tao, okay?" Habilin ng librarian na tantya niya ay nasa forty na ang edad. Kilala na siya ng librarian at napagod na rin itong maghintay sa kanya hanggang sa matapos siya sa pagre-research. Nang minsan ay nahiya siya kaya siya na rin ang nag-offer na bigyan ito nang hapunan mula sa fastfood, siyempre hindi pa rin siya umuwi pagkatapos ng dalawang oras, sayang ang ipinanuhol niya na pagkain kung uuwi rin siya.

She went to the shelves to gather the books that she needs when she felt a body covered her, nalaglag ang mga librong hinahawakan niya dahil sa kaba. All of her muscles tensed and instantly sweat released from her skin.

A hand cupped her breast and massaged it. Awtomatiko siyang napasigaw pero may tumakip sa kanyang bibig. Her knees weaken and she felt she couldn't breathe.

"T-tulong—" She muffled, tears instantly rolled her eyes as her body trembles.

"Shhh, Ia, it's me." Narinig niya ang pamilyar na boses, hindi siya nito agad napakalma pero dahan dahan din napatigil ang pag-agos ng luha niya, "Baby, it's me." Ulit nito sa mas matatag na boses.

"O-orion?" Hinarap niya ang katawang bumalot sa kanya at nakita niya ang binata na punong-puno ng pagtataka sa mukha. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at 'di niya napigilan ang isa pang paghikbi.

"Yes.." Hinawakan siya sa magkabilang pisngi ni Orion.

"Akala ko.. Akala ko.." Pinigil niya ang sarili kaya lumabas ang impit na paghikbi.

"Hindi. Huwag kang mag-isip ng kung ano. I will not hurt you. I will not do anything to hurt you." Hinalikan siya ni Orion sa noo nang paulit-ulit. His eyes calms her. "Sorry for being so stupid. I thought it is funny."

Humilig siya sa malapad na dibdib ng binata. It was so serene hearing his heart that beats so loud. Tila isa iyong sandigan.

His broad chest made her feel safe. His tight embrace felt nothing can come near her. Marahang hinaplos ni Orion ang kanyang likod hanggang sa humupa ang kanyang paghikbi. She never felt so fragile until that moment. Siguro nga ay ganon, kung alam mong may magtatanggol na sa iyo ay madali kang maglalabas ng takot at lungkot. Maybe because you feel someone will ease away the fears and tears for you. Mas madaling ibigay sa iba ang sakit kapag sobra sobra na.

Pinunasan ni Orion ang kanyang mga luha at saka siya hinalikan sa labi.

"You may not want to talk about it but know that it is impossible to harm you now, Ia. Hindi ko hahayaan."

Mapait siyang ngumiti. Orion's eyes look so brave but what does he know about her world? Wala pa naman itong nakasalamuha na halang ang kaluluwa. Walang alam sa isang mundo na puno ng mga demonyo, mga walang pakialam at sinasanto.

"Salamat.. H-hindi na rin naman ako magtatagal. Kukunin ko lang ang mga libro pagkatapos ay uuwi na ako."

Inilipat niya ang tingin sa mga libro pero hinuli ni Orion ang kanyang mga mata. "You want to stay here, 'di ba? Then let's stay here."

"Bakit ba hindi ka pa umuuwi? Kanina pa natapos ang klase mo." Inalis niya ang pagkakapalupot sa kanya ni Orion at naghanap ng mapupwestuhan na lamesa.

"I was waiting for you."

Nagtaas baba ang kanyang kilay kay Orion, "Bakit naman?"

"Bakit hindi?"

"Kung alam ko kasing naghihintay ka, mas lalo kong binilisan makarating dito."

"Kaya hindi ko sinabing maghihintay ako para hindi ka magmadali." Pagpupunto ni Orion, "Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong magbantay sa labas ng classroom mo maghapon para tingnan kung sino ang tumitingin sa iyo. Your guy classmates got hots on you."

Kumunot ang noo niya at bumalik sa shelves para kumuha ng mas marami pang libro, parang anino pa rin niya si Orion. "Ano? Masyado ka namang mag-akusa." Umirap siya, "maniwala naman ako sa iyo. Kung gusto mong magbantay 'e di sana ay ginawa mo."

"Ayaw kitang sakalin. Kapag sinasakal daw ay mas lalong lalayo. Ayaw kong layuan mo ako, Ia." Natigilan si Hezekiah sa pagkuha ng libro at pinanatili lang ang mga mata kay Orion.

Mahina siyang natawa, "ano ba 'yang sinasabi mo. Nandito pa ako."

"Yun na nga. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko madali lang akong iwanan." Lumungkot ang mga mata ni Orion. Hindi alam ni Hezekiah kung bakit gusto niya ang lungkot na iyon. It just felt real, parang sinasalamin ang pagkatao niya.

"My mom left me without asking where I wanted to be. Sinabi niyang mas maraming pera si Dad kaya iniwanan niya ako. What about me? Paano naman ang gusto ko?"

"Ang gusto mo?" Tanong ni Hezekiah. "Who said we can get everything we want? Napakaswerte mo naman kung tatanungin ka palagi kung ano ang gusto mo at mapapasaiyo ang mapipili mo. Don't worry, you may not get everything you want but know that you can still fight for it. Or at least know that you get what you deserve."

Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Orion. It was a child-like hug. It was finding comfort. It was—

"Orion!" Sita niya sa binata nang maramdaman niya ang kamay nito sa loob ng suot niyang blouse.

"Wala namang tao. Wala ring CCTV dito."

"Orion, nababaliw ka na ba? Nasa library tayo."

"I know, kaya nga 'keep your silence'. Shhhh..." Orion made her turn. Inilagay nito ang parehas niyang kamay sa shelves habang naririnig niya ang nagmamadaling pagbubukas nito ng zipper. His other hand was teasing her slit while on her panties. Napakagat-labi siya. The thought of possibility of getting caught made her more excited and wet.

"Bilisan mo.." Bulong niya sa binata.

"I will, later."

Her knees were bent down while her hands was on the shelf above her head. Her skirt was crumpled on her lower back and her panties were on one side. She felt the hardness of Orion's maleness rubbing her soft bud and the electricity jolted to every tip of her body.

At first, it was a slow in and out, making her body adjust until it went strong and rough, naglaglagan ang ilang libro at halos hindi na niya alam kung paano pa papahintuin si Orion. Hindi na niya inisip iyon. She just wanted to release her lust. She was moaning, the softest that she could mutter.

Orion reached for both of her shoulder for a steady impact. Wala yata itong pakialam kung may makakarinig. After a few minutes, Orion pulled out of her and she felt his juices on her back.

Orion cleaned themselves up. Inuna muna siya nito at tiniyak na maayos ang pagkakasuot ng kanyang damit. Pati ang kanyang buhok na nagulo ay sinuklay nito gamit ang mga daliri. Matagal siyang tinitigan ng binata, sinalubong niya iyon, napangiti si Orion at pinisil ang kanyang ilong.

"You get prettier everytime." Diretsang sabi nito sa kanya. Umirap siya.

"Hindi mo na ako kailangang bolahin, nakaraos ka na."

Kumunot ang noo nito, "Ganoon ba ang tingin mo sa akin?"

"Hindi ba ganoon naman kayo lahat? Alam mo naman kung para kanino ka pero nandito ka, kasama ko."

"Why, does everyone needs a ring to have sex?"

"No. Back to my first statement, nakaraos ka na."

Padabog na ibinalik ni Orion ang libro na nahulog sa sahig patungo sa shelves. "You are also using my body." Bigla nitong sambit na nagpapihit sa kanya mula sa paglalakad sana papalapit sa lamesa.

"Consensual ang sex natin, Orion. Why are so mad with my words?"

"Because you sound so unsympathetic when I just said that you are beautiful."

Nagalit nga yata sa kanya ang binata. Umupo ito sa katapat niyang lamesa at nagbabasa rin ng libro. Bakit hindi pa kaya siya iwanan kung galit naman? Hindi tuloy siya masyadong nakapagfocus magsulat ng notes. Minabuti niyang sarhan ang libro at isinilid sa kanyang bag. Isasaoli na lamang niya kinabukasan.

"Mauuna na ako. Sasabay ka ba papalabas?"

Tahimik na tumayo si Orion. Hindi ito sumabay sa kanyang paglalakad pero nakasunod lang sa kanya hanggang sa makarating na sila ng school exit. May mga nakaparadang taxi dahil hindi na rin traffic ang dinaraanan.

"I'll drop you home, gabi na." Nagsalita si Orion.

"Hindi pupwede. Kukuha na lang ako ng taxi."

"Anong kaibahan ng taxi at sa akin?"

"Yung taxi driver walang issue sa akin, ikaw meron."

"Oh, come on, Hezekiah. Are we really fighting? Isang linggo pa lang tayo."

Tumaas ang kanyang kilay at humalukipkip. "Isang linggong ano?"

Natahimik si Orion, halatang napaatras ang dila. Huminga ito ng malalim at tiningnan siya sa mata.

"If you want me to put a label on us, Hezekiah, you know that I can't."

Itinaas niya ang kamay, "Then why are we fighting? Ang labo mo."

Padabog siyang pumasok sa taxi na nauuna sa pila kahit wala iyon sa plano. Naiinis niyang nilingon si Orion na nakatulala rin sa taxi na sinakyan niya. Gigil niyang hinanap ang wallet sa bag at tumingin sa metrong nadagdagan na ng limang piso.

"Para ho sa tabi." Parang hindi pa siya narinig ng driver dahil dumiretso pa ito. Kailangan niya pang ulitin bago ito prumeno ng malakas.

"Dito ka lang, Ma'am?"

"Oho." Inabot niya ang singkwenta pesos. Napakamot ng ulo ang driver.

"Ke haba-haba ng ipinila ko, mauuwi rin pala sa singkwenta."

"Kaysa naman ibaba niyo ho ako sa malayo-layo pero singkwenta pa rin ang ibayad ko. Yan na lang ang pera ko 'e."

Gaya ng nakasanayan ay naglakad si Hezekiah. Sinalubong siya ng nagrorondang tanod na si Raul at Anna. Idinagdag na rin ng kanilang kapitan ang babaeng tanod para umasiste sa kanya tuwing maglalakad siya sa kanilang lugar. Napabuntong hininga siya habang binabaybay ang daan patungo sa Penpen kung saan sasabay siya sa ina na maghapunan. Naroon din daw kasi si Natoy dahil mainit daw masyado sa kanilang bahay at hindi ito makapag-aral ng leksyon.

"O, Hezekiah!" Nakasuot ng maigsing shorts at spaghetti strap si Daisy, itinapon nito ang sigarilyo nang makita siya. "Nakatulog na si Natoy kakahintay sayo pero pinakain ko na. Nagawa na rin ang assignments niya. Gutom ka na ba, anak?"

"Bakit nagtatalo sina Rose?" Natanawan niya ang mga kasamahan sa club sa gilid ng stage. Itinulak

Napakamot ng ulo si Daisy, "E kasi itong si Jenny, nakahanap na ng sponsor, alam mo na, aalis na sa lugar na ito. Nagrereklamo si Rose dahil siya na naman sa susunod na set, alam mo namang nakakapagod ang—"

"Ako na lang sa second set."

"Hezekiah!" Bakas ang pagtutol sa ina. "Hindi ka dapat nagsasayaw, alam mo naman ang mga lalaki diyan, puro malilib*g!"

Tiningnan ni Hezekiah ang nasa paligid, halos kilala niya ang mga naroon, kailangan niya ng extra income kahit papaano dahil papadami na naman ang projects kapag papatapos na ang sem. Noong isang araw niya pa pinag-iisipan kung babalik siya sa club.

"Hindi ka pa ba natrauma sa mga nangyari sa iyo? Hindi naman kailangan."

"Nay, uso ba ang trauma sa mga mahihirap? Mas nakakatrauma kaya ang walang makain."

Although she feels that she's dying with the thought that she have to be teasing the same kinds of men who molested her, and it is contradicting, she knows that her needs are urgent. Sayaw lang naman, hindi naman siya mahahawakan ng mga ito.

Pagkalipas ng isang oras ay nasa gitna si Hezekiah. Sumasayaw sa saliw ng mapang-akit na musika. Taliwas sa sigawan noon ng mga kalalakihan ay nakatulala lang ang mga ito. Tahimik na pinagmamasdan siya. Hindi siya magaling sumayaw pero ang pag-indayog ng bewang niya ay nakakaakit.

Nang matapos ang musika ay may pumalakpak doon sa likuran. Isa, hanggang sa naging dalawa at sabay-sabay na. Nakatayo si Hezekiah sa gitna, suot ang skimpy costume niya na maraming beads at umiinit ang mukha niya, nanlalabo ang mata.

"Hindi kami mamimilit!" May sumigaw na lalaki na namukhaan niyang si Mang Caloy.

"Ang hindi ay hindi."

"Kahit ano pang suot mo, rerespetuhin ka namin, Hezekiah at ang mga babae dito. May mga nanay at kapatid din kami."

Sa maliit na club, ramdam ni Hezekiah ang emosyon ng mga naroon na kalalakihan. Sana nga ay totoo ang mga ito sa kanilang sinasabi. Sana nga ay hindi na sila mamimilit. Sana nga ay iba sila sa grupo ni Gardo.

--

Puyat si Hezekiah kinabukasan. Panay ang pagalit sa kanya ni Daisy habang nakaharap ito sa kalan at naghahanda ng almusal.

"Ikaw naman kasi bakit sumayaw ka pa. Akala ko magbi-vigil na roon sa putahan." Malakas ang pagsalok ni Daisy sa sinangag at maririnig ang kalansing ng sandok na tumatama sa kawali.

"Sinabi ko na, Nay. Kailangan ko nga ng pera. Isang taon na lang naman."

Huminto si Daisy at hinarap siya habang nagpupunas ito ng kamay sa bestida. Titig na titig sa kanya ang ina.

"Mangako ka sa akin, Hezekiah, aahon ka sa lugar na ito. Aalis ka sa lugar na ito. Hindi ka nababagay dito."

Tumigil si Hezekiah sa pag-inom ng mainit na tsokolate sa paborito niyang blue na tasa. "Ako lang? Siyempre kasama kayo ni Natoy."

Bumuga ng hangin si Daisy at malalim na nag-isip, "Ako naman e okay na sigurong dito mamatay. Maginhawa naman siguro sa langit. Kung tatanggapin pa ako roon ha. Saka sa impyerno, okay lang din, patay na naman ako. Hindi na ako matatakot ni satanas na patayin, ano yun, double dead?"

"Bakit ang seryoso?" Natatawang tanong ni Hezekiah sa ina. "Basta, aalis tayo ditong tatlo ni Natoy, Nay. Hintayin mo lang akong makapagtapos."

Hindi sumagot si Daisy. Tipid na ngiti lang ang isinagot sa kanya.

Nakayuko si Hezekiah habang naglalakad sa loob ng campus, antok na antok pa rin. Napaangat ang noo niya nang marinig ang grupo ng kalalakihan na nagtatawanan at papalapit sa direksyon niya. Agad na nakita ng mga mata niya si Orion, kasama ang frat boys. They are wearing the infamous blue jacket with a fatigue arm badge, a logo of Delta Kappa. Dahil doon ay stand-out ang mga ito dahil sila lang ang mayroon noon.

Tipid na tumingin sa kanya si Orion at iniiwas ang mga mata. Malungkot siyang napangiti nang lumampas sa kanya ang grupo ng binata. Isa rin kasi sa hindi nagpatulog sa kanya ang isiping mukhang naghahanap siya ng label. Malinaw naman sa kanya na hindi maibibigay iyon ni Orion dahil si Tanya ang papakasalan nito.

Ipinagpatuloy na lang niya ang paglalakad, ilang sandali pa lang ay nabangga siya sa isang bulto ng katawan. Hindi na niya kailangan tingnan iyon para makilala. Nagtama ang mga mata nila ni Orion, nakakunot ang noo nito.

"That was the part where you're supposed to chase me." Seryosong sabi nito.

"And this is the part where you're supposed to run away from me." Dagdag niya.

"But you didn't chase."

"And you are not running away."

"Fck Hezekiah." Napahilamos ng mukha si Orion gamit ang palad. "Nagtatampo ako and you did not even text me. Hindi ka ba marunong maglambing?"

Umiling siya. Iyon naman ang totoo. Pinalaki siya ni Daisy na palaban. Napasinghap siya nang bigla siyang yakapin ni Orion sa gitna ng campus. Mahigpit. Iyong nakakabilis ng tibok ng puso.

"Ganito yun." Bulong nito sa kanyang tainga at saka masuyong dinampian ng halik sa leeg. "I like you very much, Hezekiah. I am sorry for acting up last night."

Hindi alam ni Hezekiah kung bakit kahit nakakasakal ang higpit, pakiramdam niya ay punong puno ang puso niya. Pakiramdam niya ay isinasayaw siya sa ritmong siya lang ang nakakarinig at masyadong malakas iyon. Sa sobrang lakas ay hindi na niya alintana kahit parang mawawasak na ang dibdib niya sobrang lakas ng tibok.

Pilit siyang kumakawala kay Orion dahil natakot siya sa epekto 'non.

"Okay, gets ko na. A-alam ko na kung paano maglambing." Humigpit muli ang yakap ni Orion.

"Dati kapag tinanong ako kung ano ang future ko, alam ko ang sagot ko, ngayon, hindi na. Why did you come so fast and didn't even bother to knock? Sana nakaiwas ako, Hezekiah."

"S-sorry. Aalis na lang ako. Okay lang, Orion. Just be yourself, wala akong ipinipilit sa iyo na kahit ano."

"Let's go steady."

"Orion.."

"We don't know what will happen in the future anyway. Neither one of us know. Hindi ba mas okay iyon?"

Pumasok sa isip ni Hezekiah si Tanya. Pilit niyang itinulak si Orion kahit labag sa kanyang loob.

"Para ka sa iba."

"Binabasted mo ba ako?"

Tumango siya. Napaatras si Orion ng isa. May bakas ng mapaklang ngiti sa labi.

"Wow." Napahawak ito sa batok na parang may hindi kapani-paniwalang balita ang narinig. "Sa lahat ng sinabi ko, sasagutin mo lang ako ng apat na salita. 'Para ka sa iba'. Ano yung mga pinagsamahan natin? Wala lang iyon?"

"Are we fighting again? Dito rin tayo natapos kagabi ha."

Tumingala si Orion, parang may nakita siyang kislap sa mga mata nito pero agad din naman yumuko ang binata at saka siya iniwanan. Hindi na siya nag-abala pang habulin ito. To her, she's doing the right thing. Para naman talaga ito kay Tanya.

---

"Isang linggo na kayong hindi nagkakasama ni Orion simula nang bastedin mo sa public ha." Itinulak siya ni Becca kaya namali ang pagsulat niya sa journal entry niya sa arm chair. Kakaalis lang ng professor nila sa Accounting pero inatupag niya agad ang pagsagot sa assignments para wala na siyang iisipin sa gabi at magsasayaw na lang siya sa club.

"Baka tampuhan na naman yan. Sa lahat ng almost couples na nakilala ko, kayo ang madalas mag-away kahit wala naman talagang kayo." Maarteng naglagay ng face powder si Em.

"Hm! I hate him. May kasa-kasama na naman siya ilang araw pa lang simula bastedin ni Ia. Napadaan ako sa fencing practice niya, andon na naman si Alex." Umirap sa hangin si Kendall. Napahinto naman siya sa pagsusulat. Nakita na rin niya si Orion kasama si Alexandra, ang pinakamaganda sa cheerleading squad. May bali-balita ngang ito naman daw ang flavor of the month ng binata. Swerte ng babae, kasi siya ay hindi man lang yata inabot ng isang buwan kay Orion.

Mukha namang gustong gusto ni Alex ang atensyon ni Orion. Hindi tuloy alam ni Hezekiah kung tama ba ang ginawa niyang pagtataboy sa binata. Paano kung samantalahin ito ng ibang babae? Paano na ang kapatid niya?

Isinarado niya ang notebook at tumayo. Hindi pupwedeng sa ibang babae mapunta si Orion.

"Saan ka girl?" Tanong ni Becca na hindi na niya sinagot. Nagmartsa sa patungo sa gym. Kung tama ang sinasabi ni Em ay naroon pa rin si Orion.

Nakita niya agad ang hinahanap, kakatanggal lang ng fencing mask na suot at hinihingal sa practice match, hawak nito ang fencing sword na may kumuha rin mula rito. Sa bench naman kung nasaan ang maraming nanonood ay naroon si Alexandra kasama ang mga kaibigan nito sa cheerleading. Nakasuot pa ang mga ito ng tanktop at mukhang mula pa sa practice.

Nilakasan niya ang loob niya at naglakad patungo kay Orion.

"Orion." She called in her crystal crisp voice. Nakatingin sa kanyang direksyon ang cheerleading members, tumayo si Alexandra at naglakad papalapit kay Orion. Ang binata naman ay nagtataka siyang tiningnan.

"Pumapayag na akong maging girlfriend mo." Walang kagatol-gatol niyang sabi.

"Really, girl?" Natatawang wika ni Alexandra na kumapit agad sa braso ni Orion. Tumalim ang tingin niya roon.

"Anong ginagawa mo rito, Hezekiah?" Seryosong tanong ni Orion.

"P-pumapayag na a-ako.."

"My invitation is off. Go back to your class."

Napakagat labi siya, may matinding kirot siyang naramdaman sa dibdib. Hindi niya nga lang alam kung ano ang tawag doon kung nasa harapan lang naman siya ni Orion para sa kapatid.

"M-mas gusto mo na ba siya—"

"My God, girl! Nag-stutter ka pa! Go away!"

Nag-init ang sulok ng mata ni Hezekiah, bawat segundong nakikita niyang magkadikit ang katawan ni Orion at ni Alexandra ay bumibigat lalo ang kanyang dibdib.

Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang gustong kumawalang hikbi, sumusobra naman yata ang reaksyon niya. Nagmamadali siyang tumalikod, nakarinig pa siya ng tawanan sa paligid nang biglang huminto iyon kasunod ang nakakabinging katahimikan.

May bumalot na yakap sa kanya.

"Naglalambing ka ba?" Bulong ni Orion sa kanyang tainga na nakayakap sa kanya mula sa likod. Marahan siyang tumango, humigpit muli ang yakap ni Orion, sa paraang pinakapaborito niya.

"Tngina, I am so whipped." Mabilis na iniikot ni Orion ang katawan niya para yakapin paharap. "You are my girlfriend now, okay, Baby?" Sambit nito sa kanyang tainga.

She nodded gently, tears rolling down her cheeks. She thought she lost him.

♁☆♁☆♁☆♁☆

How to thank me for writing free stories:

1 VOTE AND COMMENT

2.Please follow the following accounts:

WATTPAD: @Makiwander

Facebook Page: Makiwander

Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang

Facebook Group: WANDERLANDIA

Youtube: Maki de Luna

New vlog is up! —> https://youtu.be/aIecSAtn7M8

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

3. Don't hate, spread love! Silently leave the story if it is not for you. Your opinion matters but this is free stuff, huwag mag-amok :)

4. Buy my published book if you can afford it :)

Frat boys series 2 & 3 are in xxakanexx and Race Darwin's wattpad account, respectively.

Thanks for supporting!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro