Kabanata 6
A/N: Walang kinalaman ang link sa story. In case you want to watch my first vlog, please feel free! Subscribe na rin and like. Hehe Thank you!
---
"I am sorry. Don't take Lara's words by heart." Apologetic ang mukha ni Orion kay Hezekiah. She shrugged then continued in scanning the books in the shelves. Lara is really petty which made her wonder what is she worrying all about. Kung ganoon pala ka-insecure ang isang Demolay then there's no reason for anyone to kill for that spot.
Isa pa, ano ba naman ang masasakit na salita sa ilang taong paghihirap niya? Words cut deep but bad experiences cripples you, when you let it, of course.
Pinili niya ang 'To Kill a Mockingbird' ni Harper Lee nang mapadpad ang mga palad niya doon sa spine ng libro. Napasipol si Orion, bakas ang pagkamangha sa mata.
"You always surprise me with your literary choices." Nakangiti ito.
"Really? Ibig sabihin ay alam mo na ang nakasulat sa librong ito. I didn't know that frat boys love to read. It seems like you are always ahead of me. when it comes to books."
Napahawak sa batok si Orion, "Is that a turn off?"
Napakunot ang noo niya. Turn off? Ang lalaking mahilig sa libro?
Ngumisi siya, "mahilig ka rin naman sa babae bukod sa libro, so, pantay lang."
"Things are never as bad as they seem." Sambit ni Orion, napataas siya ng kilay. "It is a quote from the book." Pagpupunto ni Orion. "Tuwing may hindi magandang nangyayari, I always remember that quote. May mas mahirap pa ang pinagdadaanan kaysa sa akin. O 'di kaya naman, darating ang araw na isa na lang nakaraan ang parteng iyon."
Tumango-tango siya.
"Ang totoo ay nabasa ko na ang ilang pahina nang librong ito, matagal na.. 'I wanted you to see what real courage is, instead of getting the idea that courage is a man with a gun in his hand. It's when you know you're licked before you begin, but you begin anyway and see it through no matter what.' Ang ganda, hindi ba. Kahit alam mo nang hindi patas ang laban, susugod ka pa rin at hindi ka basta-bastang magpapatalo."
Orion looked at her deeply. Pakiramdam niya ay may umalon sa kanyang sikmura. She was never looked by a man that way before. Dumako ang mga mata ni Orion sa kanyang mga sugat, parang hindi mapakali.
"Sino ang nanakit sa iyo? May maitutulong ba ako?" Tanong muli nito.
Gusto niyang magsumbong kay Orion pero nanatiling pipi siya. He wouldn't care if he knew she was buried deep in poverty, molested by the demons in her neighborhood. Gaano nga ba makapangyarihan ang Delta Kappa? Would they help someone like her or would they also shrug their shoulders and say poor people are so fcked up that's why it happened?
"Wala. Kaya ko ang sarili ko, Orion. Ito ang una at huling beses na makikita mo akong ganito. Isa pa, ang sabi ko sa iyo ay huwag kang maging masyadong invested sa isang kagaya ko, I am just here for the books."
Hindi na kumibo si Orion at hinayaan siyang magbasa ng libro. Sa tabi niya ay nagbabasa rin ito ng textbook na para sa exam week. Alam niyang hindi bulakbol ang kahit sinong miyembro ng Delta Kappa, seryoso sila sa academics at sports. Hindi sila ang mga lalaking puro pagpapaguwapo lang ang alam. What she didn't realize is how serious they are in studying, o si Orion lang ang ganoon.
Papalubog na ang araw nang sarhan ni Hezekiah ang librong binabasa. Nilingon siya ni Orion.
"Uuwi ka na?" May panghihinayang ang guwapo nitong mukha. Tumingin siya sa labas, may kabang nararamdaman tuwing nagdidilim na. Kahit hindi niya sabihin sa ina ay nagkaroon siya ng trauma sa pangyayari, takot siya sa dilim at kasali na roon ang pagpikit ng mga mata.
Naalala niya ang pag-suot sa kanya ng blindfold, ang kagustuhan niyang makakita pero ipinagkait sa kanya. Tandang-tanda niya ang pagsuntok sa kanyang mukha hanggang sa mawalan siya ng malay. Binalot siya ng kadiliman at ayaw na niyang maranasan muli iyon.
Orion hasn't seen everything. Her facial bruises were hidden in make-up. Tinulungan siya ni Sylvia na kasamahan sa club para itago iyon bago siya pumasok sa school. Ang kanyang binti at tiyan ay puro rin pasa. Hirap din siyang makalakad, masakit ang pagitan ng kanyang mga hita.
"Dating gawi? Isasaoli ko na lang ang librong ito sa makalawa." Tukoy ni Hezekiah sa librong hiniram.
"Ihahatid na kita."
"Hindi na. Strict ang parents ko. Pagsasabihan ako kung may maghahatid na lalaki."
"Eh di magtatago ako."
"Persistent much, Orion?" Tinaasan niya ng kilay ang binata. "Magte-text na lang ako kapag nakauwi na ako. Fifteen minutes lang nakauwi na ako."
Napatango na lang si Orion na kahit parang hindi ito kumbinsido. Dinala lamang siya nito sa labas ng frat house, mula roon ay naglakad lang siya ng kaunti papalayo sa kanilang school at sa frat house pagkatapos ay pumara ng jeep.
Saglit lang ang kaniyang naging biyahe. Naabutan niya sa waiting shed si Rick, ang tanod na inatasan ng kanilang kapitan para ihatid siya sa bahay nila. Dumistansya siya kay Rick habang naglalakad, may kakaibang pagkailang na siyang nararamdaman sa mga lalaki pero taas-noo pa rin siyang humakbang sa kanilang kalsada kahit na ang lahat ay nakatingin sa kanya. Iyong iba ay naaawa, iyong iba ay nagbubulungan at pinagti-tsismisan siya. Tinitingnan niya ang mga iyon ng masama kaya umiiwas naman ang mga ito sa tingin niya.
Bakit naman siya ang mahihiya? Hindi naman siya ang nanamantala. Bakit siya ang pag-uusapan? Siya naman ang biktima.
Napakunot ang noo niya nang makita niya sa labas ng kanilang bahay si Mang Estong, ang Tiyuhin ni Gardo na kilalang pusher sa kanilang lugar. Nakapamaywang naman sa may pintuan ang kanyang ina at galit na galit na nagmumura. Hawak nito ang damit niyang puro dugo.
"Tingnan mo nga ito, Estong! Tingnan mo ang kababuyang ginawa ng pamangkin mo! Tingnan mo at saka mo sabihing hindi nagahasa si Ia!"
"P*tangina naman Daisy! Kilala mo naman ako 'e! Ilang taon na tayong magkapitbahay! Siga ako pero hindi ako sinungaling! Bakit ba ninyo pinagbabayad si Gardo sa kasalanang hindi naman niya ginawa? Kitang-kita ko si Hezekiah na walang malay sa kama na iyon at ang pagtigil nila Gardo sa ginagawa. Tapos nagtakbuhan sila kasama ng grupo ko. Kung sino man ang gumalaw—"
"Kung sino man ang gumalaw sa akin, nasa kulangan na ngayon. Isa pa, wala naman ako sa lugar na iyon kung hindi ako 'don binitbit ng pamangkin mo."
"Eh bakit hindi na lang natin ipa-DNA si Hezekiah." Hindi siya pinansin ni Estong at patuloy pa rin sa pakikipagusap sa kanyang ina.
"Anong DNA?" Kontra ni Daisy. "Hindi pa ba sapat na binaboy ang anak ko at isasailalim niyo pa sa isa pang medico legal?"
"Natural, Daisy. Para malaman nating hindi nga si Gardo ang gumalaw. Hindi naman nakita ni Hezekiah, 'e." Parang balewalang pamimilit ni Estong. Nag-init ang mata niya sa galit. Kinuyom niya ang kamao niya para hindi niya mahampas si Estong.
"Naramdaman ko ang mga kamay na humaplos sa pagkababae ko habang sinasabayan nila ako ng suntok, hindi pa ba panggagahasa iyon? Anong kaso kung ganoon? Sexual harrassment lang? Sexual assault lang? Physical Injury lang? Makukulong lang sila nang pitong taon tapos kapag nakalaya, mananamantala ulit sila ng iba pang mga babae. Mabulok sila sa kulungan, Mang Estong."
Dire-diretso siyang pumasok sa maliit nilang tahanan ng padabog.
"Tandaan mo, Daisy, kapag tuluyang masisira ang kinabukasan ni Gardo, mas mabuti pang lisanin niyo na ang lugar na ito." Malakas na pagbabanta ni Estong. Natigilan si Hezekiah, napatitig siya sa malaking kutsilyo na naroon sa kanilang sink. Kinuha niya iyon at hinawakan ng mahigpit. Bumalik siya roon sa kanilang pintuan at itinutok ang kutsilyo kay Estong
"Binabantaan mo ba kami, Mang Estong? Wala kang ipinagkaiba sa pamangkin mong walang alam gawin kundi tingnan ng mababa ang mga babae! Tinatakot niyo kami at ginagamitan ng lakas! Subukan mong umapak muli sa harap ng pinto namin, makakatikim ka!"
Natatarantang binawi sa kanya ni Daisy ang kutsilyo, "Hezekiah, huwag kang humawak niyan."
Umirap siya sa hangin. Tiningnan siya ng masama ni Mang Estong at saka umalis.
Hindi na siya magpapaaping muli. Hindi na siya papayag na samantalahin ang kanyang kahinaan. Babangon siya nang mas matindi pa kaysa sa dati.
--
Pinaglalaruan ni Orion ang kanyang kubyertos sa hapunan. Malalim ang kanyang iniisip. Sino nga kaya ang nanakit kay Hezekiah?
"Orion.." Untag sa kanya ng amang si Henry De Salcedo. Napaangat siya ng tingin.
"I am sorry, Pa." He immediately said. Hindi naman mahigpit si Henry kumpara sa ama ng mga ka-brod niya sa Delta Kappa pero naiilang siya rito. He really look up to the man in the house, before, now, he hardly talked to him.
"Hey, Orion, loosen up." Mayuming tumawa ang kanyang stepmother na si Patrice. Orion just looked at her. He, for some reason is not very accepting with Patrice, kalahati kasi ito ng edad ng ama. Matanda lang sa kanya ng limang taon pero kung umasta ay trying-hard mother figure.
Natawa ang kanyang kapatid sa ama na si Sin, a six-year old girl. Tiningnan niya lang ito nang walang pagkakaiba sa kanyang stepmother- cold, indifferent. She was a product of the cheating Henry and Patrice seven years ago to which his mother, Louella, did not stomach and did not forgive. Dalawang bahay tuloy ang kanyang inuuwian.
Louella, his mother, is a Demolay. Ipinagkasundo ito sa kanyang ama, walang tumutol sa dalawa sa kasal na iyon but he could say that they were not a very happy couple and to add injury to the insult, Henry cheated on Louella.
Although his mother always say that 'love should be convenient', he also remember her saying 'woman shouldn't be disrespected'. Louella hated the cheating not because she's inlove with Henry but because he disrespected her right as a woman, as a legal wife and as a mother of Henry's only son. Same as his mother, Orion hates betrayal and lies. Louella would always remind him to be honest to Tanya, and to always consider Tanya's choices as a respect which he always do.
"How's Tanya?" Pangungumusta ni Henry. "I talked to his father, they are really pushing the marriage right after graduation. Tanya said she's excited especially these past few days, lagi raw binabanggit ang pagpapakasal niyo. Of course Ato is very happy."
Orion shook his head. Alam naman niyang ang dahilan ni Tanya kung bakit bukambibig nito ang kasal nila. She was just trying to console herself for being dumped by Domini. Hindi niya masabi iyon sa ama. Silang dalawa lang ni Tanya ang nakakapag-usap tungkol sa pakikipagrelasyon nila (sa kanya ay pakikipaglandian) sa iba.
"Ka Ato said she's okay, Pa. Why are you asking me further?" Ano pa kaya ang tinatanong sa kanya ng ama.
"Come on, Orion.. You don't sound happy. Aren't you excited to marry a beautiful woman?" Singit ni Patrice na ngiting-ngiti sa kanya.
"Ask Papa. He should know how it feels when he married my mom."
"Orion." Medyo tumaas ang boses ni Henry. Inayos niya ang kanyang plato at saka tumayo.
"I am sorry, Pa. Please excuse me. I have exams next week"
Hindi na pinansin ni Orion si Patrice at si Sin. Hindi rin naman siya dire-diretsong masita ni Henry. He saw everything how his parents' marriage fell apart. Gabi-gabing sigawan at iyakan. He started questioning if he wasn't enough to keep his parents together. He started blaming himself that he's not a sweet boy that's why he was not able to keep the family together but Louella said he shouldn't think that way.
Nagkaroon tuloy siya ng sariling pananaw sa pakikipagrelasyon. Isa itong bullshit.
His phone rang. Iisa lang naman ang tumatawag sa landline sa kanyang silid tuwing nasa bahay siya ni Henry.
"Are you still stalking me, mother? Who's maid spilled the beans this time?" Imbes na 'Hello' ay iyon ang kanyang sinabi. Natawa ang ina.
"Well, sabi ni Baby, umuwi ka raw. Bakit hindi sa akin?" May paglalambing sa tono nito.
"You know I only go home if Papa said so."
Narinig niya ang pag-ingos ng ina sa kabilang linya, "Why is Henry still alive? Ilang beses ko na iyang pinakulam."
Mahina siyang natawa, "that's why his balls are itching the other day."
"It is?" Naiimagine niya ang panlalaki ng mata ni Louella.
"Maybe he got infection in fcking Patrice."
"Orion! Your mouth! I am still your mother." Suway ng ina pero halata namang pinipigil nito ang tawa. "Oh, my boy, I really miss you."
"I miss you, Ma. Papa said he's missing you." Biro niya. Nakikita niya kasing laging nakatingin ang ama sa maliit na frame ng kanilang family picture nung moving up niya. He always catch Henry like that, all with sad eyes.
"Tell him to go to hell." Louella stressed.
---
'Reading?' Napakunot ang noo ni Hezekiah nang tumunog ang kanyang cellphone sa isang mensahe ni Orion. Ibinaba niya ang cellphone dahil ayaw magpaabala, naghahanda siya para sa finals.
'You are really good in hurting my self-esteem, Ia.'
Hindi niya alam kung bakit natawa siya sa ipinadalang mensahe ni Orion pagkalipas ng limang minuto.
"Ia. Nickname basis. Close tayo?" Pagsusungit niya.
'Aren't we?'
"Bakit hindi ka nag-aaral?" Pag-iiba niya ng usapan.
'Naisip kita. Are you really okay?'
"Oo nga, kulit."
'Okay. Good to hear. If you need anything, you can tell me.'
"Isn't that too much effort for trying to get into my skirt?" Biro niya.
Lumipas ang limang minuto nang walang reply si Orion. Hala siya, naoffend pa yata niya. Nagpadala siya ng isa pang mensahe para kumustahin ang binata, at sinundan niya pa ng isa pang text, pero wala na itong naging sagot.
Ibinuhos niya na lang ang panahon sa pagbabasa, bukas na lang niya iisipin si Orion. Napahampas siya sa noo nang maalalang hindi nagreply ang binata sa kanya. That's why she also hates texting! Nag-iiba talaga ang dating kapag sa text lang.
---
Maagang pumasok kinabukasan si Hezekiah kahit pa review day iyon sa kanilang department, optional kung papasok o hindi. Normally ay mas gusto niyang mag-aral mag-isa pero may tumulak sa kanya para pumasok nang araw na iyon. Nagtext siya kay Orion na magkita sila sa Zen Garden nang alas-diyez, kahit wala siyang natanggap na reply ay naghintay pa rin siya. Hawak hawak niya ang librong ipinahiram sa kanya ng binata. Natapos na niya dahil hindi naman siya nakatulog.
Labing-limang minuto ang lumipas at wala pa ring Orion. She then decided to walk to Leong Hall, where the Department of Economics is located. Naglakad siya papalapit sa mga classrooms, at palinga-linga sa catwalk, nagbabakasakali.
Hindi naman siya nahirapang makita si Orion dahil sa tangkad nito at stand-out na itsura, definitely a head turner. Kasalamuha nito ang grupo ng mga kaklase na parang may ipinapaliwanag. He pointed somewhere to which his classmates nodded and walked towards the direction he was pointing. Unti-unting nawala ang harang kay Orion nang umalis ang mga kaklase, lalapit na sana siya nang matigilan.
Sa tabi kasi ni Orion ay isang babaeng pamilyar sa kanya. The woman was about her height and age, matapang ang puti nito pero hindi maikakaila ang pagkakahawig ng kanilang mukha. Palangiti ang babae nakasuot ng orange sun dress, yumakap ito sa beywang ni Orion habang tumatawa at mukhang masayang-masaya.
She felt a tight knot in her stomach as she stopped walking. Or she should say there's a negative emotion she felt the pulled her foot to the ground. How could this woman live so happily? Marahil ay dahil ibinigay ang lahat sa kanya. Hindi nito naranasang magutom o mapagsamantalahan because she's so sheltered, protected and safe.
Kung sana siya iyong babae, baka naging madali ang lahat para sa kanya.
Mabilis siyang nakaramdam ng inggit sa kapatid sa ama..
♁☆♁☆♁☆♁☆
How to thank me for writing free stories:
1 VOTE AND COMMENT
2.Please follow the following accounts:
WATTPAD: @Makiwander
Facebook Page: Makiwander
Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang
Facebook Group: WANDERLANDIA
Youtube: Maki de Luna
New vlog is up! —> https://youtu.be/aIecSAtn7M8
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
3. Don't hate, spread love! Silently leave the story if it is not for you. Your opinion matters but this is free stuff, huwag mag-amok :)
4. Buy my published book if you can afford it :)
Frat boys series 2 & 3 are in xxakane and RaceDarwin's wattpad account, respectively.
Thanks for supporting!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro