Kabanata 3
Hindi mapakali si Hezekiah. Lunes iyon. Nabasa na niya ang libro kahit parang bawat pahina non ay naiimagine niya si Orion pero kinailangan niyang mag-focus dahil baka may pa-question and answer si Orion over lunch. After all, what's there to talk about aside from the book that they both read?
Pero siyempre, handa siya, nagdala pa rin siya ng baon na pagkain. Ano bang malay niya kung iaabot lang pala niya ang libro sa Gonzaga hall kasi iyon ang common area sa kanilang school? Right, imposible namang papuntahin pa siya sa building ng department nito para lang sa libro. Maybe he's having lunch with friends at dadaan siya para magsauli.
Nagdalawang tingin siya sa salamin sa ladies room ng kanilang school.
"Eh bakit ka naka-make up?" Bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang repleksyon niya. Her make-up is still light. Binigyang kulay lang niya ang kanyang labi at pisngi. Sinuklay lang niya ang kilay at kinulot ang mahabng pilik-mata.
Nag-spray din siya ng paboritong pabango, ang Dolce & Gabbana-light blue. Truly, she's not rich, but she has a good taste. Simple but classy ang kanyang pormahan tuwing pumapasok sa school.
11:45 nang magsimula siyang magmartsa patungo sa Gonzaga, siguro ay lunchtime siya darating doon. Hinahangin ang mahaba niyang buhok na kinulot niya sa dulo. Ninamnam niya ang preskong hangin mula sa napakaraming puno sa kaniyang unibersidad. Hay, sana naman sa pagtatapos niya ay nakasakay siya sa magarang sasakyan dahil may boyfriend na siyang rich kid.
Hindi siya nakikinig sa nanay niya na ang mayayaman ay para lang sa mayayaman. She believes in... well, trade-off. Hindi ka nga mayaman, maganda at sexy ka naman, may value ka pa rin. Ganoon din ang matatalino o ang mga magagaling sa sports, we will all excel in life, hindi nga lang pare-parehas. Isa pa, madiskarte siya, kaya naniniwala siyang maachieve niya ang kanyang #SocialClimberGoals.
Nasalubong niya ang napakaraming estudyanteng labas-pasok sa Gonzaga, ang ilan ay tapos nang kumain at ang ilan ay umiikot sa mga stalls ng gustong kainan. Nakasukbit sa kanyang balikat ang kanyang shoulder bag canvas bag na bumagay sa kanyang simpleng blue scoop skirt at skinny jeans. Napatingin siya sa tinitindang set meal doon sa isang stall, one hundred pesos. Napasimangot siya, singkwenta nga lang ang baon niya, pamasahe lang iyon, wala na siyang budget para sa lunch kaya siya nagbabaon ng pagkain.
Hindi pa nagtatagal umikot ang mga mata niya nang makita ang hinahanap. The huge guy in his blue jacket waved at her. He was alone and even though he's enticing to be with, he's intimidating enough that people chose to share tables with the other students than this demigod.
The fact that a good-looking man such as Orion waited for her in the school canteen made her smile internally. Ganda mo, ghorl.
Mabilis niyang kinuha sa kanyang bag ang librong hiniram niya sa Frat House ng Delta Kappa habang naglalakad patungo sa direksyon ni Orion, she know her play. She slid down the book smoothly on the table and smiled confidently.
"Nice book, thanks!" She casually said.
Orion took the book and shrugged. Tumalikod na si Hezekiah, umaasang habulin ni Orion pero nakalabas na siya ng Gonzaga ay wala pa ring Orion ang sumunod sa kanya.
'Huwag kang lilingon, huwag kang lilingon...' Napapikit siya habang nakakuyom ang kamo na lumingon para lang madismaya. Wala talaga si Orion. Hindi siya sinundan. Umirap siya sa hangin.
Fine! Next..
--
Dahil sobrang aga niya para sa 3PM class niya, nagpunta na lang siya sa Zen garden para maghanap ng bench na pupwedeng maupuan. Naiinis siyang pumayag siya sa 'lunch time sa Gonzaga' eh hapon pa naman talaga ang pasok niya. Sana sinabi niyang, 'I am sorry, my class is in the afternoon pa, would it be okay if we meet after my class?' pero hindi, namanhid ang dila niya nakaharap lang ng sobrang pogi na mayaman.
Tama nga yata ang Nanay niya, hindi siya pansinin ng mga mayayaman. Pang squammy ang beauty niya at ang mahirap, bihisan mo man ng maganda, aalingasaw pa rin ang pagiging hampaslupa. Oh well, papel, back to plan A. Huwag tamad, Hezekiah, mag-aral mabuti at magtapos nang may flying colors. Isang taon na lang ang 'fake it til you make it' mo. Pupwede ka nang mag-disappear at magpakatotoo right after college, gumawa ng libro na nakakainspire kung paanong ang gaya niya ay nakapagtapos sa isa sa Big 4 University ng Pilipinas.
Kinuha niya ang lunchbox niya, mabuti na lang at nagbaon siya. Hindi na niya nagalaw ang allowance niya sa buong linggo para saluhan sa pagkain si Orion. Ipinatong niya ang bag sa bench at nag-cross legs. Inamoy niya ang paborito niyang Adobo ni Mang Caloy at napangiti siyang muli. Ang dami ng kanin! Nakanganga na siya nang biglang sumulpot sa harapan niya si Orion. Mabilis niyang itinikom ang bibig.
"I am not sure if this is intentional or not but you forgot your bookmark." Iwinagyway ni Orion ang kanyang steel wire bookmark na nakahugis ang kanyang pangalan. Ibinaba niya ang pagkain sa bench.
"Thanks." Kinuha niya ang bookmark at binitbit muli ang pagkain. Hindi umaalis si Orion sa kanyang harapan kaya hindi siya makakain ng maayos, "would you mind?" Cool niyang tanong as if hindi siya affected sa presensiya nito. Imbes na umalis ay umupo si Orion sa tabi niya, itinulak pa nito ang kanyang bag para magkasya ito.
"That's your food? Pang kargador, ha." Nangingiting sambit nito. Pinigilan niya ang pagtaas ng kilay. Ino-offend ba siya nito? Ang awkward kasi mag-joke 'e.
"If you are trying to offend me so I'll offer you my food, you don't have to. Masarap talaga ang mabangong pagkain na ito. Here, try it."
Hindi niya naman naisip na kukunin nga ni Orion ang kanyang kutsara at kumuha ng pagkain niya. Aba, talaga nga naman! Nauna pa sa kanyang kumain. Gamit ang tinidor ay tumusok din siya ng pagkain, nakikipag-unahan siya, gayon din si Orion, hanggang sa maubos na ang laman ng lunchbox niya.
She pulled from her bag two bottles of yakult. Sa kanya lang dapat iyon pero ibinigay niya kay Orion ang isa.
"You are welcome." In sarcasm she said before drinking her yakult.
"I deserve this." Sagot naman nito. "I was waiting for you since ten in the morning."
Pinanliitan niya ito ng mata, "ten? May naglalunch ba ng alas-dyez ng umaga?"
"I don't know why I am expecting that you'd be there around that time."
"Kakagising ko pa lang ng 10." Madaling araw na kasi siya nakakatulog mula sa club. Tumayo siya, "siguro ay bayad na naman ako sa pagiging 'late' ko?"
Bago pa siya makahakbang ay may iniharang na libro si Orion sa daraanan niya, it was a book she was dying to read! Agad niya iyong sinunggaban, hindi mapiglan ang excitement.
"Awaken the Giant Within!" Tony Robbins is one of her favorite author. She doesn't know why Orion is able to figure out her taste in books.
"Finish that in a day, I'll see you at JGOSM around this time." Tumayo na rin si Orion at naglakad papalayo sa kanya. JGOSM is the management building, her building. Alam din ba nito kung anong course niya? They barely talk.
It all dwell on her when she saw Orion walking away, bukas ulit? Magkikita silang muli?
---
Madilim na nang makarating si Hezekiah sa Penpen mula sa school. Sinalubong siya ni Gardo sa back door entrance na may bitbit na bulaklak.
"Hezekiah.." Ngiting-ngiti ito nang makita siya. Halatang bagong ligo ang binata at naka-puting polo pa.
"Oh? Bakit ganyan suot mo? San lamay?"
"Hezekiah naman.."
"Gardo, alam mo namang pakikipagkaibigan lang ang kaya kong ibigay. Gusto kong umalis dito, kapag ikaw ang pipiliin ko, sa tingin mo ay makakaahon pa ako sa hirap? Buong angkan mo ang nandito, Gardo. Ikaw, aalis ka ba dito?"
Bumakas ang sakit kay Gardo pero wala na siyang magagawa. Kailangan talagang sampalin ito ng katotohanan para magising.
"Bakit ba kasi napakataas ng pangarap mo, Hezekiah? Dito ka rin naman galing." May hinanakit sa tono nito.
"Bakit? Kuntento ka na sa ganito? Kung kuntento ka na, hindi nga tayo nababagay."
"Hindi naman taong mataas ang pangarap ang hanap mo, Hezekiah, mayaman ang gusto mo hindi ba? Kaya ka lang naman nag-aral doon kasi gusto mong makabulag ng mayaman. Kaya ka hindi nakikipagkaibigan sa amin kasi mas may pakinabang ang mayayaman mong kaibigan."
"Anong sabi mo?"
"Ang sinasabi ko, pokpok ka pa rin naman kahit dumikit ka sa mayayaman na yon."
Sa parteng iyon ay sinampal na niya si Gardo. "Ano bang ginawa ko sayo at ganyan ang tabas ng dila mo? Alam mo kung bakit hindi kita gusto, Gardo? Bukod sa kuntento ka na sa mabahong mundo na ito, inggitero ka pa. Walang gamot sa inggit kundi maging kagaya rin ng kinaiinggitan mo."
Mainit ang ulo ni Hezekiah na pumasok sa club. Hindi naman siguro bulag si Gardo at ang Nanay niya para hindi makita ang dahilan kung bakit gusto niyang yumaman. Isang kahig, isang tuka sila. Kailangan pa nilang kabahan bago malagyan ng laman ang tiyan. Habang sumusubo sila ng pagkain, iniisip nila kung may kakainin pa sila sa mga susunod na araw.
Galit siya sa mga humuhusga sa mga pangarap niya. Hindi ba valid na mangarap na lumuwag-luwag ang buhay? Kasi pucha, kape nga lang daw ang ipinagatas sa kanya.
Kumalma lang siya nang mahawakan ang librong ipinahiram ni Orion. Imbes na mag-ayos siya para sa set niya sa club ay binasa niya ang libro. It was a self-help book that advices you to dream big. She loves it.
Nakalimutan na nga niyang lumabas sa stage dahil isang beses lang siyang tinanong ng nanay niya kung sasayaw ba siya, nang makita nitong nagbabasa siya ng libro ay hindi na siya nito inabala.
Until she's half asleep she was smiling because she was motivated by the book that Orion lend her.
She's a girl who dreams big and she knows someday, she'll get what she's been working hard for.
Kinabukasan ay maaga siyang pumasok, hapon pa rin ang unang klase niya pero magkikita sila ni Orion. She's not sure if it is excitement she's feeling, maybe because it is something new, Orion is someone new. Tanging ang mga kaibigan niya lang ang nakikita niya noong dahilan para pumasok siya ng maaga.
"Hi.." Kagaya kahapon ay nauna pa rin si Orion. Nakaupo na ito sa isa sa mga benches na malapit sa bulletin board. She couldn't consider he's flirting with her, dahil kung oo ay bakit sa pinakamaraming tao sila nagkikita? Sabagay, wala naman silang ginagawang masama, nagsasauli lang naman siya ng libro.
"I liked the book. Thanks again."
Silence.
She got it. Pinagsasauli lang siya ng libro. Not because lunchtime ang meeting time ay sabay silang kakain.
"Sige, una na ako."
"Hey, lunch?"
Sabay silang nagsalita ni Orion. Sabay din silang napakagat-labi.
"Sige lunch tayo."
"Sige una ka na."
Sabay sila muling nagsalita.
"Ano ba talaga?" They said in duet. Maya-maya pa ay natawa na silang dalawa. Orion stood up and walked side by side with her. They went to JGOSM Sec, ito ang mga food stalls na inilaan sa mga business students na merong business ideas. Pinapayagan silang mag-operate sa loob ng school. Puro food business ang naitayo roon.
Sinamahan niyang bumili ng pagkain si Orion, as usual, meron siyang baon. They sat on one of the tables, it is still a little bit early for lunch kaya pailan-ilan pa lang ang tao.
Orion looked at her. Just like the first time, he's staring as if he was eye fcking her. Hindi nahihiya. Tumaas tuloy ang pamantayan niya sa salitang 'titig'. Orion looks so passionate, she felt something inside her was burning. May kumibot sa kanyang kaibuturan at nanuyo ang kanyang lalamunan.
"What else do you like to read?" Tanong sa kanya ni Orion, hindi pa rin nito ginagalaw ang pagkain.
"Wala pa akong masyadong nababasa. I only read excerpts from the internet. Busy sa school." Pagdadahilan niya, ang totoo ay wala naman siyang pambiling libro. "I read classic literary, self-help and romance. I like erotic romance novels." Dire-diretsong sabi niya.
"And that is because?"
"The passionate way of writing? You can feel the scenes well-written. Literally, the lust that comes with every story is very admirable. From books to your soul."
"Amuse me." Titig na titig sa kanya si Orion.
"Is that an innuendo?" Natatawa niyang tanong. Pinaglaruan niya sa tinidor ang baon niyang pesto pasta.
"What?"
"Innuendo, a wrong idea. You think I am flirting on you because I said I like erotic novels?" Malamyos pa rin ang boses niya pero may diin.
"Aren't you?"
"So you invited me to lunch because you are reciprocating on my advances?"
"Am I wrong?"
"Mr. De Salcedo, not because you saw me in swimwear, I am asking for it. Not because I said that I read erotic novels, I am asking for it. If I want it, you will know it because I will put it in words. I don't play between the lines." At least that's the truth about her personality. She may lie about her social status but never on what she wants or disklikes.
Tatayo na sana siya nang sabayan siya ni Orion, hinila siya nito sa braso.
Nagtitigan sila ng ilang segundo pero si Orion ang bumitiw nang natatawa.
"Tngina, paano ko ba sasabihin?" Tumingala ito na parang nag-iisip ng sasabihin.
"Ang alin?" Masungit niyang tanong.
"I know you are not a slut, Hezekiah, but I've been dealing with sluts for a while now and I don't know how to treat a bookworm." Hinila siya ni Orion papalapit, tanging ang lamesa ang nasa pagitan nila. "God you are blunt, feisty, and super hot. Won't you really try to be like them?" Pinanliitan siya ng mata ni Orion.
"Like?"
"Won't you invite me to fck, Hezekiah? They all are."
Orion's words felt like a canon ball, she felt the strength, and how it hit her to the core. Her flesh felt cold and warm at the same time. She felt what he wants too but this is not her idea of getting a rich guy's attention.
She wants love, a serious one. Iyong hindi na siya papakawalan. Iyong hindi makakahinga ito tuwing wala siya sa paligid. Iyong pagmamahal na paulit-ulit siyang pipiliin kapag pinapili ito kung ang mundo o siya. Siya, dahil siya ang mundo para rito.
Ghorl, luman na yan, a way to a man's heart is through his pants. Bulong ng kanyang isip.
♁☆♁☆♁☆♁☆
How to thank me for writing free stories:
1 VOTE AND COMMENT
2.Please follow the following accounts:
WATTPAD: @Makiwander
Facebook Page: Makiwander
Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
3. Don't hate, spread love! Silently leave the story if it is not for you. Your opinion matters but this is free stuff, huwag mag-amok :)
4. Buy my published book if you can afford it :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro