Kabanata 29
Hezekiah wore her favorite Gucci oversized shirt and her Louis Vuitton leather pants. Tumunog ang suot niyang red Louboutin sa hallway ng Agila Petroleum. Time flies, hindi niya akalaing tutuntong siyang muli rito na tila ba kahapon lang.
"I am looking for your CEO." Iniangat niya ang sunglasses at bumulong sa receptionist.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa dahil sa pormahan niyang pang-Kpop. Hindi naman siya nailang sa paninitig nito. Ipinatong niya ang Hermes Mini Kelly niya na kulay pink at saka nagtaas ng kilay.
"Tell him that his wife is here."
"W-wife?"
Kinuha nito ang receiver at nagdial doon, "Suzette, andyan ba si Boss? Ano, andito daw yung wife niya 'e. Ha? Walang asawa si Mr. De Salcedo?" Kinakabahan siyang tiningnan ng receptionist nang ibaba ang telepono. "Ma'am, wala naman daw asawa si Mr. De Salcedo."
Nagkibit-balikat siya, "Okay." Tumalikod na siya at aalis na sana nang bigla siyang tawagin ng receptionist.
"Ma'am, sorry po! Nandyan po pala si Mr. De Salcedo, umakyat daw po kayo. Sorry po, Ma'am."
Hindi siya kumibo at sumakay na siya sa elevator. She knows her way, ito ang ikalawang beses niyang nakapasok sa Agila Petroleum. Nakita niya agad ang isang babaeng nakaupo doon sa secretary's table at inirapan ito. Dumiretso siya sa opisina ni Orion nang hindi kumakatok. Nakaupo ito at nakaharap sa computer, hindi man lang nag-angat ng tingin na para bang inaasahan na siya.
"What do you want?" Siya na mismo ang nagtanong sa kanyang 'asawa'.
"Oh, my lovely wife is here." Relaxed itong sumandal sa swivel chair. " Finally, someone who can serve me at home." Kalmadong wika ni Orion. Tumaas ang kanyang kilay at hinampas niya ang lamesa nito, hindi man lamang ito nasindak sa kanya. Galit na nagsalubong ang kanyang kilay at awtomatikong lumiit ang mga mata.
"If you need money, you should have just told me. Wala akong shares na nakuha sa FRINC, the resort that I bought is my only property now. Kung gusto mo pala ng kalahati ay sana sinabi mo na lang hindi iyong magpapadala ka pa ng demand letter sa buyer ko on a Christmas day!" Galit talaga siya! Akala niya ay sa UK siya makakapagbagong taon pero nagkamali siya. Seems like dito siya mapuputukan! Ng ugat of course.
"Effective, hindi ba? You're back." Ngumisi ito. His eyes flickered with so much glee, kabaliktaran ng sa kanya. Mas lalo lamang nag-init ang kanyang ulo.
"Not so long. After our annulment, I'll be gone."
Lumabi ito at tinutok ang mga mata sa kanya, "Not a chance."
"Ano bang gusto mo?!"
"Kahit ano except ang annulment. After coming up with a bright idea how to send you back, makikipag-annul ka? No way, Mrs. De Salcedo."
Lalong kumulo ang dugo niya, "Wala akong property. Wala kang mapapakinabangan sa akin. I am poor as a rat! I, I am just an employee back in UK and even if I'll stay here, I'll still be an employee. I have no birth rights, I have nothing! All I have is myself, Orion. If you think I can save your failing company—"
Inihagis ni Orion sa lamesa nito ang isang makapal na pulumpon ng papel. Ang title nito ay audited financial statement ng Agila Petroleum. She scanned through the document. Ang nasa pinakauna ay ang Statement of Profit and Losses. Halos mapasipol siya sa laki ng income nito, higit pa roon sa kinikita ng FRINC noong umalis siya.
"That's just Interim Financial Statements when I started to take over. I was able to pull our company up from a slump."
"E di congrats." Umirap siya. Napakayabang naman ng lalaki! Pinauwi pa siya para pagmalakihan.
"The half of this company is yours so you better move your ass and start working here. Do your part." Kaswal na wika nito na para bang napakadali non. No one even know they're married! Kahit nga iyong receptionist sa baba ay hindi kilala kung sino siya kahit magbihis pa siya ng maganda. Isa siyang nobody eversince, wala siyang mukha at pagkatao. Hindi niya maintindihan kung bakit kinukumbinse siya ni Orion na maging parte ng kahit anong may kinalaman dito. Will she be working again that no one knows they are married? Kagaya noong pamana ni Fausto na wala dapat makaalam. She doesn't want that kind of life. She knows she can't be happy with that.
"Look.." Sumeryoso siya, "I am sorry if I offended you, if you want to make a revenge this way, hindi ako makakapayag. Let's cut this game, I want to start my life anew, Orion."
"Of course, you should start living as my wife. That's something new." Suhestyon nito.
"I am not a Demolay!"
"As if I fcking care." Tumaas din ang tono nito at napasipa pa sa ilalim ng lamesa.
"Ayoko nang magtago at magsinungaling sa mga tao." She relaxed her tensed shoulders. "I want them to know me, I want me to know me."
"We won't lie. The first thing I did when we got married was to fcking inform my Mom that I am married. Second to know was my Dad. Sa tingin mo ba ay balak kitang itago?"
"Pinakasalan mo lang ako kasi gusto mo ang kalahati ng FRINC." Napatakip siya ng mukha, she doesn't want to whine but she's hurting!
"If you are waiting for me to deny that, I won't. I don't even want to hear about it. What I want is for you to work here and fulfill your duties as a wife or else, I will not release your property and the buyer will run after you plus damages."
"Ang sama mo!" Protesta niya.
"Oh yes, I really am, Mrs. De Salcedo. I get what I want, more so, I will get what I love."
Wala siyang nagawa nang iuwi siya ni Orion sa bahay nito, pansamantala iyon habang nag-iisip ng magandang tactic kung paano tatakas. Kung mangutang kaya siya kay Domini pambayad kay Mrs. Reyes? Napasimangot siya nang isiping malamang habambuhay siyang magiging sunud-sunuran sa kaibigan at baka pag naghihingalo na siya ay utusan pa rin siyang mabuhay.
Orion's house was a huge townhouse located near the airport. Simple lang iyon, two-storey na merong tatlong kuwarto. Walang kahit sinong taga-silbi si Orion, oh she bet he expects her to serve him. Tarantado talaga!
Hindi pa siya nakakabihis ay dumiretso na siya sa refrigerator para maghanap ng lulutuin. Wala siyang idea kung anong klaseng karne, wala siyang kilalang karne bukod sa hugis ng steak o ang obvious na legs ng manok.
Binuksan niya ang pantry at nakita niya ang iba't ibang processed foods doon. Sinilip niya sa itaas si Orion na mukhang naliligo na. She chose to prepare korean noodles and eggs. That's the only food she knows how to cook! Sabay silang magsuffer sa sakit sa bato kung hindi siya nito papaalisin sa buhay nito.
Inilagay niya ang kaldero na merong noodles sa gitna ng lamesa nang maluto iyon at naghanda siya ng dalawang bowl. Narinig niyang bumaba si Orion kaya nagmamadali siyang humarap sa kalan para itago ang mukha. Hinihintay niya ang reklamo nito pero hindi ito nagsalita. Binuksan lang ang ref at naglabas ng karne doon.
"Go change. Let's add some protein to your-- specialty. I'll wait here." Utos nito habang nagdedefrost ng steak. Umirap siya at padabog na naglakad paakyat sa second floor.
The house was all in all cozy. Maganda ang pagkakainterior design, may mga paintings at bookshelves na punong-puno ng libro sa stairway paakyat sa itaas. Natigilan siya nang makita ang magagandang titles doon ng mga paborito niyang authors. Hinawakan niya iyon at napangiti. Napapanatag siya tuwing nakakakita ng libro. It feels there's endless universe out there that she can jump to kapag sobrang suffocating ng realidad niya. Kagaya ngayon.
"You'll have time to scan through those books, Babe. Go change so we can eat." Narinig niya si Orion mula roon sa kusina. Kahit gusto niyang suwayin ay naisip niyang sumunod na. She's famished and tired. Nabiktima siya ng jetlag.
Binuksan niya ang bawat pinto ng kwarto but she entered the master's bedroom dahil iyon ang may ilaw. A california king-sized bed sats in the middle, a sidetable, a painting and another book shelves serves as a wall design sa tabi ng door access patungo sa veranda. May reading nook din sa tabi na mayroong sariling lazy boy chair at floor lamp. Sa kabila ng bookshelves ay ang 72-inch TV.
Dumiretso siya sa walk-closet ni Orion para maghanap sana ng tshirt na pupwede sa kanya. But she's surprised to see a complete set of women's clothes. Nakaayos iyon kada kulay. Sa isang glass locker naman ay nakadisplay ang iba't ibang branded bags and shoes na may mga tag pa.
Nakita niya agad ang set ng lingerie at robe. Iyon ang kinuha niya. She took a quick shower. Naamoy niya na rin ang steak na inihahanda ni Orion sa ibaba dahil iniwan niyang bukas ang pinto sa silid, the house can only accommodate four people but she likes it, she likes it that it is not a mansion but a warm cozy house with a lot of books to read! Ganito rin halos ang naging tahanan niya sa UK kasama sila Domini. Simpleng tahanan pero puno ng tawanan. Goodness, what is she thinking? She shouldn't like this house, it is a trap for her. Pinain sa kanya ang napakaraming libro para hindi na siya makaalis.
Her mouth waters on the whiff of the charred meat. Nang makabihis ay bumaba na siya para kumain. Nadatnan niya si Orion na nakaupo sa lamesa at hinihiwa ang steak bago ilagay sa kanyang puwesto. Naglabas din ito ng lettuce at nilagyan siya sa plato.
"Do you like your closet? May kulang pa ba?" Hindi ito tumitingin sa kanya.
Sinamaan niya ito ng tingin, "You planned this."
"You can say that. Being my wife will not be easy, Hezekiah. You have to deal with this."
"With what?" Angil niya.
"With my sweetness." He grinned. Umirap lamang siya rito.
Si Orion ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Kahit masama sa kanyang loob ay siya naman ang nagpunas ng mga plato bago pa man ito magreklamo na tamad siya. Nakabukas ang TV sa salas kaya naririnig nila ang evening news habang nagsasalansan ng mga kitchen utensils sa dish rack.
"Siguro ay dapat matulog ka muna, Baby. Huwag ka munang magbasa ng libro. You'll have time tomorrow."
"Saan ako matutulog?"
"Good question. You'll stay in the masters, and I, will stay in the masters too."
"Teka, sumusobra ka na. I don't like this idea—"
"This is not an idea, Babe, this is a reality, our reality. The husband and wife eat together, they clean up together, sleeps together, and make babies toge—"
Hinampas niya ang bibig ni Orion at nagmartsa papaakyat ng silid nang tahip ang kaba sa dibdib. She can't have a baby! Hindi siya magsisilang ng isang bata na hindi rin alam ang lugar niya sa mundo. She doesn't want a baby born with a Legacy father! Baka maging katulad din niya, hindi baka, that's definite. Then somebody else's will be the professed son, that is Gunner. And her kid will be hurt by the truth forever.
Relax, Hezekiah. She told herself.
Nothing that she does not allow will happen, alright. May tiwala siya sa kanyang sarili.
Ang ending ay sa isang silid lang sila matutulog ni Orion dahil wala namang kama sa ibang silid. Nakadilat lang tuloy siya at binabantayan ang sarili. She's not on pills the past few months because she's not sexually active. Orion was sleeping peacefully beside her. Nakatalikod pa at himbing na himbing. Pinanggigilan niya ang likod nito sa sobrang inis at hinampas ng malakas. Bahagya itong kumilos pero hindi siya nilingon.
"Sleep, Babe. You have to prepare my breakfast tomorrow." Anito na inaantok.
Damn it! She's doomed. Hindi niya nga ata makukuha dito ang gusto niya basta-basta.
Nagpaalarm siya ng maaga. Hindi niya balak tumiklop sa panggigipit ni Orion sa kanya. Oh he could wait til she's pissed off but she won't be. He wants her home, she'll stay home. Susubukan niya ang pang-uuto rito para madaan niya sa pakiusap. She will book a ticket right after Mrs. Reyes is settled.
Nanonood siya ng tiktok videos para makakuha ng recipe. She saw the folded egg sandwich with ham and cheese. Inis siyang napatili nang ikatlong subok na ay hindi niya pa rin magawa.
Narinig niya na ang yabag ni Orion kaya napaharap muli siya sa kalan sa sobrang pagkapahiya. Matalino pero bano sa kusina? That's her everyone. Doon sa lamesa ay nakalagay ang mga palpak na ginawa niya.
"Let's eat." Anyaya nito sa kanya na parang normal lang ang lasog-lasog na sandwich niya. Umupo siya at nagtimpla na lang ng iced coffee at pinanood si Orion na maganang kumain. Halos maubos ni Orion ang lahat ng inihanda niya. It is bland. Naglagay lang ito ng karagdagan pang condiments, ito na mismo ang nag-adjust.
Damn it, she'll perfect cooking! She aced school, how can she not master cooking. Kailangan niyang mabusog si Orion para bumigay at pakawalan siya.
Nang makaalis na si Orion ay sinubukan niya naman magluto ng adobo. Adobo lang ito, kakayanin niya. Ka-videocall niya pa si Mama Len na panay ang coach sa kanya ng gagawin. She knows her situation, wala naman silang hindi naikukwento ni Domini rito. Except for the truth about her father.
"Naku, nasalisihan pala ang anak ko, ano? Di bale, alam kong uuwian na rin ako ni Domini ng apo rito." Nangangarap na wika ni Mama Len.
"Talaga ba, Mama? May sinasabi ba yung hinayupak niyong anak? Ibinaba lang ako dito sa Pilipinas tapos pinabayaan na ako e."
Natawa si Mama Len. "Kayo talagang mag-bestfriend! Huwag ka nang magtampo at siguro naghahanap lang iyon ng happiness niya. Oh, i-check mo na ang adobo mo baka masunog!"
Medyo confident siya nang umuwi si Orion. Maaga itong nakauwi at tiniyak niyang nakapaglinis na siya ng buong kabahayan. Sinalubong niya pa ito sa may pintuan. He handed her a box of donuts and milktea, pinigilan niyang mapangisi. It is her favorite!
"How are you?" "How's your day?" Sabay pa nilang tanong sa isa't isa.
"Nagluto ako." Pagyayabang niya, "It tastes decent."
"Nice, I am excited, thanks, Baby."
Nagshower lang si Orion, nakahanda na ang damit nito sa may kama at magbibihis na lamang. Hindi niya kasi nagustuhan na gulo-gulo ang damitan nito kapag kumukuha roon. Hindi pa naisu-shoot sa tama ang maruming damit kaya siya na ang naghahanda.
Nang bumaba ito ay nagulat na meron pang pa-garnish ang kanyang ulam. Si Mama Len kasi ang nagsabi sa kanya kung paano ang gagawin. Mabuti na lang ay mayroong grocery sa labas ng village kaya nakakapamili siya ng sangkap.
"I am impressed."
Mayabang siyang nagtaas noo sa komento ni Orion, marami nga itong nakain in the end. Iba talaga kapag may napagtatanungan. She doesn't feel alone. She feels lighter and at peace that Mama Len supports her even at a distance. Naadik tuloy siyang tawagan ito tuwing umaga pagkaalis ni Orion para magpaturo ng bagong recipe habang nagchichismisan.
Tuwing nasa opisina si Orion ay abala siya sa gawaing bahay. Nagkaroon din siya ng time para manood ng mga panghapong drama sa TV at kapag hapon naman ay nagbabasa siya ng libro.
Naglalaan din siya ng oras para sa projects doon sa townhouse. Ngayon nga ay nila-landscape niya ang garden. Nagpapabili siya kay Orion ng iba't ibang plans at wala namang palya itong umuuwi na dala ang mga bilin niya. Pagod din tuloy siya kapag gabi sa dami ng gawaing bahay.
"Are you enjoying here?" Masuyong tanong ni Orion sa kanya nang nakahiga na sila sa kama. Iniangkla pa nito ang kamay sa kanyang puson hindi na siya tumutol dahil antok na antok na siya.
"Ha! Akala mo siguro mapapahirapan mo ako rito? I have friends now! The other day sinamahan ko pa nga si Jamie na ipasyal ang anak niya roon sa playground. I met many people that day and we were invited to one of the birthday parties." Pagmamalaki niya kahit grggy na.
"We? Kailan iyan?"
"Hmm, busy ka sa work." She dismissed, "Ako na lang ang pupunta."
"Let's buy a gift tomorrow after work. May nakita din akong greenhouse sa malapit. Maybe you'll like to check out their plants."
Pinanlakihan siya ng mata at nilingon si Orion, nawala ang antok, "Really? I love plants! All of them."
"Sige, punuin mo ang garden as you please." Dinampian siya ni Orion ng halik sa noo. Sabay silang napakurap-kurap at tinalikuran ang isa't isa sa sobrang awkward. They are so married! Bakit ganito ang nangyayari?!
--
Abala si Hezekiah nang araw na iyon. She was smiling ear to ear looking at her plants preparing to flower. In fairness ay may iba rin pala siyang talent. May green thumb din pala siya!
"It is true that you're back." Napalingon siya sa harap ng kanilang tahanan ni Orion.
"Tanya." Nakatayo ang kanyang kapatid sa harapan ng kanilang tahanan.
"Long time no see."
"Please come in."
She prepared a coffee for her. Sinuportahan ni Orion ang kanyang kyuryosidad sa kape kaya binilhan siya ng espresso machine. She was able to perform latte art now at bilib na bilib naman ang kanyang asawa. Minsan nga ay pakiramdam niya na inuuto lamang siya nito.
Napangiti si Tanya sa tasa nang makita ang latte art sa kape, it was a bear.
"No wonder, Orion is so happy these days. You make a good housewife."
"Siya rin ba ang nagbigay ng address sa iyo ng bahay?"
"Oo, I was the one who shop and built your closet. Bayad ko sa utang ko." Tipid na ngumiti si Tanya.
"Utang?" Nagtataka niyang tanong.
"For spilling the beans between you and Orion to my father. And today I am here to apologize for that. I messed up your timeline. Sana ay mas maaga kayong naging masaya ng asawa mo." Ngumiti ito sa kanya at huminga ng malalim.
"I am sorry. Ate.."
Pinanlakihan siya ng mata at hindi nakapagsalita.
"Sinabi sa akin ni Daddy nang makauwi na siya sa bahay after the successful operation. He was looking for you, ikaw ang bukambibig. He said he needs to apologize for hurting your feelings. I know I've caused those doubts kaya napagbintangan ka ni Daddy, Ate. I am really sorry, hindi ko rin naman alam. Akala ko ay--"
"How is he?" Hindi na siya interesado pa sa kahit anong paliwanag, she wants to know that he's okay.
"He's stable. Healthy. Hindi niya alam na nandito ka sa Pilipinas, hinahayaan ko lang isipin niya na wala ka dahil iyon ang motivation niya para lumakas. Ang sabi niya ay dadalawin ka daw niya sa UK. He started excercising now because of you."
Tumango siya, "Masaya ako."
"I told him that you donated your liver to him. All the more na gusto ka niyang makita." Mapait na ngumiti si Tanya, "I never had that longing from him."
"He loves you. I came back because he's worried about you."
Pinunasan ni Tanya ang luha sa mata, "I wish that I am as intelligent as you, Ate."
"You don't have to, Tanya. You have your own strengths. I have too. Ganoon naman talaga di ba? Walang taong lubos na pinagkaitan, depends on how they see it."
Tumango si Tanya, "Hindi pa rin alam ni Orion na magkapatid tayo, Ate. Hindi rin alam ni Domini."
"Domini. Paano siya nasali sa usapan? He's not even relevant to this family." Nabuhay na naman ang inis niya sa kaibigan niya, hindi na kasi nagparamdam.
"He is now. He used to be. He's Gunner's real father."
Mas lalo namang sumakit ang ulo ni Hezekiah, hindi niya mahandle ang information ng magkakasunod. "W-what? Ang supot na iyon? Gunner is not Orion's?"
"Hindi siya supot, Ate.." Giit sa kanya ni Tanya. "But he still cannot forgive me for hiding the truth."
"Umaarte lang iyon." Nanliit ang kanyang mata, kaya pala nagmamadali umuwi ng Pilipinas ang loko.
Tanya stayed for a while. Pinanood siya nito kung paano gumawa ng gawaing bahay at nagturo din ng recipe nito. Their conversation became light after.
"Career woman ka kasi kaya hindi mo alam ang pagluluto, Ate."
"Yes! I wouldn't survive without Domini's family. Sila lang ang nagpakain sa akin." Sambit niya habang hinahalo ang sinigang.
"Mabait ba sila?"
"Of course, you should meet his Mom. Napakabait na pamilya."
"Baka hindi na Ate. Sabi ni Domini kukunin niya si Gunner at dadalhin sa UK tapos hindi ako pwedeng sumama."
Pinandilatan niya si Tanya. "Huwag kang nagpapaniwala sa Supot, Tanya."
"Hindi nga siya supot, Ate."
"Kapatid ng Supot ang sinungaling!"
"Hindi ba magnanakaw ang kapatid ng sinungaling?"
"Same thing." Nagkibit-balikat siya.
Gabi na nang nagpaalam sa kanya si Tanya. Nagtataka naman siya kung bakit hindi pa dumarating si Orion. Pinipigilan niya ang sarili na itext ito. She doesn't want him to think that she's worried. She shouldn't be worried! Ang kapal ng mukha naman niya kung mag-aalala pa siya.
Nakatingin siya sa sinigang na nakahain sa lamesa. Hindi niya rin ito ginagalaw. Tumingin siya sa wallclock sa may kusina, it says 11:30 in the evening. Nakarinig siya ng sasakyan. Napatayo siya nang makitang si Orion iyon.
Binuksan nito ang pinto. He was groaning. Wala sa ayos itong naglakad patungo sa kanya. He's drunk.
"Hi-iiii B-b-babe!" Nakangising wika nito. Sumimangot siya nang pumasok ito at bumagsak sa salas. "Oops, I am so drunk." Humagikgik pa ito.
She tried to help him get up but he couldn't. Napasilip siya sa polo nito nang may nakitang kung anong nakalagay doon. Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat.
'Kelly Fray.' Sa ibaba ng pangalan ay nakalimbag ang salitang 'Demolay'.
Inamoy niya si Orion sa leeg, bukod sa alak ay may naamoy pa siyang kung ano roon. He smelled flowers.
"Babe, let's sleep, helppppp me get up..." Pakiusap nito.Nakasandal ito sa paanan ng sofa set. Tumaas ang kanyang kilay. Nakipag-inuman pala sa babae ha. Sinampal niya ang pisngi nito na hindi man lang naalimpungatan. Tumayo siya at iniwanan niya na si Orion kung saan ito naabutan, katabi ng main doors at doon sa malamig na sahig.
'Bahala ka riyan.' She thought.
--
Maki Says: 3.5/5
Goodnight!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro