Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 28


Nagmamadaling tinungo ni Hezekiah ang ospital kung nasaan si Fausto. Binabaan siya nito nang tawag matapos ang kanilang pag-uusap kung pag-uusap ang ang tawag don. Nahihimigan niya ang galit mula sa ama. Nanlalamig ang kanyang mga kamay sa kaba. When she opened the hospital door, Fausto's arms were on his chest, his lips into thin line, and eyebrows furrowed. May mga nakakalat na papel at litrato sa may kama nito.

Napasinghap siya nang makita iyon. Those were the pictures on their symbolic wedding.

"Alam kong hindi ako naging mabuting ama." Panimula ni Fausto. "Pero hindi rin ako naging masamang tao sa iyo. Binihisan kita higit pa sa nararapat." Mapaklang dugtong nito.

"S-sir..."

"Why, Hezekiah? Why?" Dismayadong tanong nito.

"Sir, magpapaliwanag ako." Natatarantang sabi niya, "Sinubukan ko lang naman na kunin ang loob ni Mr. De Salcedo." Natataranta niyang paliwanag, "And, and, the symbolic wedding. It was just a symbolic wedding. It was not—" Inihagis ni Fausto sa kanyang direksyon ang marriage contract. Orion and her are legally married now! Hindi nila iyon napag-usapan ni Orion at all!

"Isa sa dalawang bagay, Miss Cruz. Mr. de Salcedo figured out na nakalaan sa iyo ang lahat ng shares ko o pinagplanuhan niyong dalawa ito!"

"That's not true. He has no idea—"

"Mabuti na lang at sinabi sa akin agad ni Tanya. I can cancel the transfer of shares at ipapangalan ko kay Tanya lahat. Go ahead and live happy with your husband. Wala na akong pakialam. After all, no one knows who you are, no one has to know, no one will ever know. You do not deserve any recognition, you traitor!" His words felt a stab straight to her heart.

Hindi na siya tinapunan ng tingin ni Fausto. Na para bang ang mahal ng tingin nito at wala siyang kwenta para pagbalingan non. Tears pooled down her cheeks. She felt a painful thump on her chest.

"Ang sakit mo pong magsalita." She spat. "Hindi—hindi ko naman gustong ipanganak ako sa mundong ito tapos ganitong buhay ang madaratnan ko." Pinunasan niya ang malaking butil ng luha na bumagsak sa mata.

"Gusto ko lang makatapos ako ng pag-aaral pero binigyan mo pa ako ng mas mataas na pangarap." Pagpapatuloy niya.

"That's where I was wrong! Tuso ka! Tuso ka kagaya ka rin ng---"

"Nanay?" She hiccupped. Mas lalo lamang siyang nasaktan. "Hahayaan kitang insultuhin ako pero hindi ang Nanay. She raised me. Pinalaki niya ako sa pagbebenta ng katawan. Oo binihisan mo ako, pero binuhay ako ng tuso na sinasabi mo. Pinanindigan niya ako at proud siya na anak niya ako. Hindi kagaya mo. And you know what, if she's alive, I will never come to you again! Our paths will never cross paths again. Pero ulila na ako kaya ako tumakbo sa iyo."

Sa bintana lamang nakatingin si Fausto, lukot lukot ang mukha nito.

"If you think I am such a waste, ganoon din ang nararamdaman ko ngayon. I shouldn't have came rushing when I heard you were dying. Sinayang mo ang pag-aalala ko, Sir."

"You came because you wanted my company!" Mas mariin na paratang ni Fausto sa kanya.

"No. I came because you are my only family. Kahit na hindi mo na ako planong kilalanin kahit kailan. Ang sama mo po!"

"Ano?!" Nilingon siyang muli ni Fausto. Para siyang bata na suminghot sa harapan nito pagkatapos ay tumakbo na siya papalayo.

Iniwanan niya ang ama. Hindi niya namalayang hawak niya ang marriage contract nang lumabas ng ospital. 

Nagmaneho siya patungo sa Agila Petroleum. Agad naman siyang pinapasok nang sabihin niyang taga FRINC siya. Natagpuan niya ang opisina ni Henry De Salcedo pero hindi siya agad humakbang. Tumayo siya sa receiving area ng opisina, naghihintay ng sekretarya kahit naiinip na siya. 

Nakita niya ang imahe ni Orion na nakatayo sa loob ng mas pribadong pinto. She was about to step forward when she heard him speak.

"I married her."

"Damn it, Orion! Anong kalokohan iyan! She's not a Demolay. Mapapahamak ka riyan."

"She's not, but she has all FRINC shares not Tanya. Hindi ba iyon ang gusto mo? We don't have prenuptial agreement, ang sa kanya ay akin din. I will convince her to work with us, you just need to accept her in the family and let me take over."

Napatakip siya ng bibig sa kaalamang ginamit rin lamang siya ni Orion! Kaya pala ipinarehistro nito ang kanilang kasal. Hindi na niya hinintay ang sasabihin pa ng ama ni Orion, sinugod niya na ang 'asawa' at sinampal.

"Sorry for intruding, Mr. De Salcedo. I need to talk to my husband." Gulat na gulat si Henry de Salcedo sa kanyang pagdating. He ended up leaving them both at his office.

Hinihilot ni Orion ang kanyang panga nang hindi siya tinitingnan.

"So, this is the plan? Your plan?" Nang-uusig ang tingin niya sa asawa. Parehas lang silang nakatayo at maliit ang distansya.

"Ikaw, Hezekiah, what was your plan? To kick me out of FRINC to have all the shares by yourself?" Pinanliitan siya nito ng mata. "You used your body to make it to the top, hindi ka ba nahihiya?" Dumapo muli ang kanyang palad sa pisngi ni Orion.

"Wala kang alam!"

"Oh, I know a lot! I heard you, I heard that you were Fausto's bitch, aren't you? Narinig kita nang araw na iyon kung paano mo siya kausapin." Napaatras siya sa sinabi ni Orion, "Hindi ba tama ako? You're his bitch!"

Imbes na padapuan muli si Orion ng sampal ay huminga siya ng malalim. Pinunasan niya ang luha at mapait na ngumiti.

"This is how my life will ever be. Hindi ako pinagtitiwalaan ng kahit sino dahil galing ako sa basura. But you know what, ang basurang ito, ay gamit na gamit niyong lahat. Mas mahiya kayo sa mga balat niyo." Pagkasabi 'non ay nilisan niya na si Orion at wala sa sariling nagdrive. She let her emotions pour out. Ang tanging natawagan niya para irescue siya ay si Domini.

Naghihintay na si Domini sa tapat ng FRINC. Iniwanan niya ang susi ng sasakyan sa Valet. Wala siyang dadalhin na kahit ano mula sa ama. Umiiyak siyang yumakap kay Domini.

"Take me out of here, Dom, please." Nakakaunawa itong tumango at hinawakan siya sa kamay. Sabay silang sumakay sa sasakyan nito. They went to the same condo building where she currently stays. Kapitbahay niya kasi si Dominic dahil doon din kumuha ng tirahan ito para malapit sa kanya.

Hindi siya tinanong ni Domini kung ano ang kanyang problema. Pinagsisilbihan lamang siya nito ng pagkain at hindi rin umaalis sa condo unit nito kung hindi maggo-grocery. Panay lamang ang pagluha niya pero kumakain siya ng tama sa tamang oras.

"You are weird. Ikaw lang ang nag-eemote na ang lakas kumain. Did De Salcedo get you pregnant? Tngina non ha!"

"Hindi." Pinunasan niya ang luha at kumain ng carrots. "I will donate my liver."

"H-ha? Sinong may sabi? Nagpaalam ka ba sa akin? Hindi pwede!"

Tumawag kasi sa kanya ang ospital at sinabing match sila ni Fausto. Nangangailangan na rin ito ng transplant dahil hindi na nito kakayanin ang radiation therapy at dialysis na isa pang round. Hindi naman nagbago ang isip niya, she wanted to do this.

"I will give a part of my liver to the man who financed my dreams. Pagkatapos 'non ay bayad na ako sa pagkakautang. I can go back to UK."

"Uuwi na tayo?!" Parang gulat na gulat pa si Domini.

"Ako lang." Malungkot siyang ngumiti. "I have my own life, you have yours. Tawagan mo na lang ako kung may anak ka na para mag-aapply akong nanny." Malungkot siyang ngumiti.

"I'll go with you. Hindi kita iiwanan nang ganyan ka. Tangina 'nong De Salcedo na yun, sapakin ko na yon sa ilong e."

"Ano ka ba." Ngumiti siya, "Salamat, Domini, for being with me." Totoo ang sinabi niyang iyon. Kung wala si Domini, malamang ay baliw na siya. 

Nagtungo siya sa ospital nang araw ng operasyon ni Fausto. Kahit masama ang loob niya, she couldn't help it but worry. After all, this might be the last time she'll see her father. Masurvive man nito ang transplant ay hindi na rin siya babalik sa Pilipinas. Building her own dreams in the UK isn't a bad idea after all. Mas tahimik, nakapag-adjust na rin naman siya doon, may mga kaibigan na rin. Hindi nga siguro para sa kanya ang Pilipinas.

Sumilip siya sa silid ni Fausto, mapayapa itong natutulog bago ang operasyon. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang luha, malungkot siya na sa hindi magandang pagkakaunawaan ang ending nilang mag-ama. Nang bahagyang kumilos ito ay nagmamadali siyang tumalikod nang bumangga siya sa isang katawan.

"You showed up." Tila inaasahan ni Tanya ang kanilang pagkikita. Pagod itong bumuntong-hininga. "Ikaw daw ang magiging donor ng Daddy?"

Mabilis siyang umiling. As far as she knows, confidential iyon.

"Huwag ka nang magdeny. I know that you are. Pinilit ko ang doktor na sabihin sa akin kung sino para personal akong magpasalamat. I would have done the same kung matched kami." Her tone was cold.

"Alam niya ba?" Bulong niya. Umiling si Tanya, nakahinga siya. "Hindi mo kailangang magpasalamat, basta huwag mo na lang ipapaalam sa kanya. Please excuse me."

"Ia.." Natigilan siya nang tawagin siya nito. "I know I have to hate you but I can't. How can I hate you? Kahit wala kang gawin magaan ang loob ko sa iyo." Narinig niya ang paghikbi ni Tanya. "And now you are doing this for Dad.." 

Hinarap niyang muli si Tanya, mabagal siyang naglakad papalapit at pinunasan ang luha nito. "Don't cry. Your father will live. Just pray for a successful operation. After this you will never see me again, I promise. Just be happy, Tanya." Sa huling pagkakataon ay hinaplos niya ang pisngi ng kapatid at nilisan na ito.

Nagtungo siya sa kanyang silid at naabutan niya roon si Domini. Nakahiga sa patient's bed at pinaglalaruan ang automatic na pagtaas at baba ng kama. "Cool..." Bulalas nito.

"Oh, umiiyak ka na naman?" Nagtatakang tanong nito. "Ang dami mo ring tubig sa katawan 'no? Mas cool ka pa sa kamang ito. Pwede bang ganito yung higaan ng bantay?" He asked too many questions, hindi niya mapigilan ang mapangiti kasabay ng pagluha.

"Gusto ko nang bumalik sa UK."

"Your family there is waiting for you, Ia. Look forward to that." Niyakap siya ng mahigpit ni Domini. Doon niya naramdaman ang totoong pamilya. It was with her all along! Hindi niya iyon kailangang hanapin sa kung sinong kadugo dahil kahit ang hindi niya kaano-ano ay kaya ibigay sa kanya ang pagmamahal na kinauuhawan niya. Hindi pa siya ulila.

The surgery lasted for three hours. Inilipat kasi agad kay Fausto ang parte ng kanyang liver. Gising lamang siya buong operasyon at pinagmamasdan ang ama na tulog na tulog. She will remember this moment forever. Maybe she was born for this exact reason, she has to be grateful for her life and she'll forever be. Kung ano mang parte ng katawan niya ang kakailanganin ni Fausto, Tanya, o Gunner ay maluwag sa loob niyang ibibigay iyon. She failed to extend the life of Daisy and Natoy after all. She doesn't understand her purpose too until this day. She needs to be healthy for this reason, if in case, her only family will need her. She will willingly give it if she's able.

Nang matapos ang operasyon ay sinaksakan na rin siya ng pampatulog. Ipinaliwanag naman ng anesthesiologist na magigising siya after three-hours. Kailangan lang magrecover ng kanyang katawan. Nagising siya sa tabi ni Domini. Ang walanghiya, nakihiga talaga sa kanyang kama na kanina pa nito pinagdidiskitahan! Sisigawan niya sana ito nang maramdaman ang kirot mula sa operasyon.

Madilim pa nang magising siya. Naalimpungatan din si Domini.

"Huwag kang hihingi ng pagkain o tubig, bawal." Ito ang una niyang sinabi. Tumawag pa ito ng doktor para tingnan kung okay lang siya.

"I am glad you are awake now. Sinadya kong tumabi sa iyo para makita kong gumagalaw pa ang tiyan mo." Sincere naman ang pagkasabi ni Domini pero natatawa siya.

"Naisip ko kanina habang nasa operating table ako, siguro ito ang purpose ko sa mundo. I am willing to donate parts of my body to those who helped me, your family included."

"Yuck, I don't want any part of your body inside me. For sure my organs will fight yours." Umasim pa ang mukha ng kaibigan nang pumasok ang doktor para icheck siya.

"I am okay, Doc. Medyo nahihilo but I feel that I am okay. How's Mr. Ricafort?" Itinanong niya agad ang kalagayan ng ama.

"He's also okay. His body is responding well on the transplant as if his liver was rejuvenated. Parang kanya rin ang parte ng liver mo."

Napangiti siya at nakahinga ng maluwag.

"When can I leave, Doc?"

"In two days, I guess."

"The country.." She whispered.

"Magpagaling ka muna, Miss Cruz. I'll carry out orders on your pain killers. Rest well and sleep more." Huling habilin ng doktor bago siya iwan.

---

The sound of Christmas was one of those that Ia looks forward in the UK. Paano naman kasi at White Christmas talaga roon pero ang mga pagkain simula pagpasok ng December, puro pagkaing Pinoy. Mama Len really cooks the best Filipino food!

"Ah! Sobrang sarap ng bibingka!" The fluffy puto was her favorite. Isusubo niya palang iyon ay bigla na lamang kinain ni Domini mula sa kanyang kamay.

"Ang bastos mo!" Reklamo niya.

"Ang bastos, nakahubad!" Giit ni Domini. The sound of festive Christmas songs filled the air. Ganoon pa rin kagaya noong mga nakaraang taon, ang mga pinsan ni Domini at kapatid ay nagkalat sa buong bahay. Nagkukwentuhan ang mga matanda, nag-iinuman ang mga genZ at millenials, nagtitiktok and GenX, at nagtatakbuhan naman ang maliliit na bata.

Yumakap sa kanya si Sonja, ang kapatid na babae ni Domini, amoy alak na ito nang halikan siya sa pisngi saka nabutan siya ng regalo. "Maligayang Pasko!" With an english accent, Sonja greeted.

"Thanks, sis! My gift for you is under the tree"

"I saw it! Hope you'll like my gift though! I really thought about it!" Chika pa sa kanyan ni Sonja.

"Tapos ako, wala?" Protesta ni Domini sa kapatid.

"Wala because you are naughty!" She wrinkled her nose at him.

She's really contented with her life now. It is more peaceful. Tuluyan niya nang iniwanan ang buhay sa Pilipinas anim na buwan na ang nakakaraan. Wala na rin siyang narinig na balita tungkol kay Fausto o kay Orion.

Not that she doesn't care, mas mabuti na rin sigurong mabawi niya ang katahimikan. She plans by the start of the new year, she will start hunting for a job again. O di kaya ay balikan ang pag-aaral. Domini oath to finance her, mabuti pang samantalahin niya na lang ang kaisa-isang buwisit sa buhay niya para makapagbayad man lang ito sa kanya.

"Nakakainis, bakit ako pa ang pinaalis ni Mama sa kuwarto ko. Unfair! Mamimiss din niya ako for sure."

"Bakit? Aalis ka ba?" Nagtatakang tanong niya. Iniaayos niya ang kanyang kama para sa kanilang dalawa ni Domini. Naglagay din siya ng extra matress sa sahig para sa mga pinsan ni Domini na makikisleep over sa kanyang kuwarto. Hindi kasi ganoon kalaki ang bahay ni Mama Len, and there's 30 people that will sleep in. Masaya naman sa totoo lang kahit siksikan. 

Isinenyas ni Domini ang kamay niya ang 'wait' pagkatapos ay nagtungo sa cabinet niya. Hinila nito doon ang dalawang maleta na naroon. Isang pink at blue, ang pink ay sa kanya, kay Domini naman ang blue.

"Aalis tayo!" He chirped.

"And where are we going?"

"May aasikasuhin kasi ako sa Pili—"

"Ayokong bumalik doon. Ikaw, you can go but I'll stay here. I have plans next year. I will get a job pagkatapos ay—"

"No! You mess with my life all the time, before,  I have to go there for you and now, you shall too. Ano? Kapag ikaw ang umaalis ako lang ang laging susunod? Mamamatay tayong magkasama kahit ayaw pa ng mga asawa natin—"

"Gago! I won't Domini. I'll stay here in UK. You go if you want to, bahala ka. But I'll stay."

"No Ia! Hindi kita iiwan dito. I bought our tickets!"

Tumunog ang cellphone niya. Bubulong-bulong si Domini, malamang ay minumura siya.

"Hello?"

"Merry Christmas, Hezekiah? This is Mrs. Reyes." Isang malamyos na boses ng ginang ang nasa kabilang linya.

Napangiti siya, "Oh, Mrs. Reyes. Merry Christmas!"

"Naku oo, pasensya na at napatawag ako. But I am panicking kasi I received an order from the court saying na voidable daw ang sale ng beach property na binili ko sa iyo." She sold all her assets before leaving the Philippines. Kakabili lang niya ng mga iyon dahil akala niya ay for good na siya sa Pilipinas.

"Ha? Bakit daw?" Gulat na tanong niya.

"Ewan ko ba, ang sabi ay tumututol daw ang husband mo. Hindi daw siya nainform kaya nagfile ng kaso."

"H-husband?!"

"Yes. Conjugal property pala itong naibenta mo sa amin at dapat ay may pirma ng asawa mo. Ngayon ay naghahabol siya sa korte. Sana naman Miss Cruz maayos mo ito at nakapagpatayo na kami rito ng property. Sa summer nga ay magbubukas na kami for reservations. Malaki na rin ang nagastos namin sa property."

Napatingin siya kay Domini na ipinapagulong ang dalawang maleta sa kamay. Kumikindat-kindat pa sa kanya ang loko!

"Pinapauwi ka na ni Mister." He giggled like a kid.


---

Maki Says: 3/5

Kumusta kayo diyan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro