Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27


"Miss Cruz?" Nakasuot ng hospital gown si Hezekiah. Buong maghapon siya sa ospital. She wanted to know kung pupwede ba siyang maging liver donor ni Fausto. Kapag malamang match sila ay pupwede nang makapagtransplant si Fausto. Maaring madugtungan pa nito ang buhay ng ilang taon.

Isa itong lihim na gusto niyang ibigay sa ama. Alam niyang marami ang nakapila sa organ bank at hindi mapa-prioritize si Fausto unless isang kaanak ang magdo-donate. Ito ang pangunahin niyang dahilan kung bakit siya bumalik.

"You know the consequences of liver transplant, right? Isang beses mo lang itong maaaring gawin." Paalala ng doktor. "However, Mr. Ricafort's only chance is this."

"Huwag mo lang sasabihin sa kanya na mayroong nagpalista na donor niya. If ever I matched, just call me when you need it and tell him that he's up for a transplant dahil siya na ang nakasunod sa pila. "

Nang matapos ang tests ay dumiretso siyang muli sa opisina. Napapatulala siya kapag napapatingin siya sa opisina ni Orion, hindi na nga ito pumapasok. She couldn't believe it. He did actually file his resignation effective 30 days. LUMOS ang huling proyekto nito sa kompanya. His resignation was accepted by Fausto Ricafort and now, she's the acting CEO. Bakante ang posisyon na iniwanan niya bilang COO, hindi naman iyon mahalaga dahil she's still hands on in operations, natutulungan din siya ni Domini. 

Pumasok sa kanyang opisina si Tanya. Seryoso ito at may bitbit na folder. Iyon ang progress report ng LUMOS project. Araw-araw niya rin itong nakikita sa kompanya at hindi sila masyadong nagpapansinan maliban na lang kung importanteng detalye ito tungkol sa proyekto.

"Thanks, Tanya." Binasa niya ang report pero hindi pa rin umaalis si Tanya sa kanyang harapan.

"How are you and Orion?" Tanong nito.

The sex is great, gusto niyang isagot sa kapatid pero pinili niyang hindi. 

Tanya did not violently act on Orion's resignation. That's the first half of the plan. Ang isusunod niya ay ang itulak si Orion na hiwalayan si Tanya.

"Tanya, hindi iyan magandang pag-usapan." She dismissed.

"You have Orion's heart since day 1, Ia. Hindi ko panghihimasukan iyon." Panimula nito, "Hindi rin ako nagalit sa iyo pero iba ngayon, Ia. You are choosing to destroy Orion and his standing. Delta Kappa Phi has been his life, bata pa tayo ay siya na ang leader ng Collegiate. If our marriage will not happen—"

"Tanya, bakit mo ipinipilit ang kasal na walang pagmamahal? Do you really think that would be a perfect home for Gunner?" Lumatay ang sakit sa magandang mukha ng kapatid. "Look, you are blinded by the fraternity. You were brainwashed. Kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, their rules don't apply to everyone. Doesn't even apply to Orion, doesn't apply to you and you shouldn't raise your son with the same mindset. Hindi na baleng lumaking mag-isa—"

"Mag-isa kagaya mo? Kaya ka naninira ng pamilya?" Pumiyok ang boses ni Tanya, her fierceness vanished. Tinablan siya sa nasasaktang paninitig ng kapatid. It is as if she's looking herself in the mirror. Umiwas siya ng tingin at tumagilid.

"You don't know what you are talking about. More than anyone else, I am the one who cares about you and Gunner's welfare!" Totoo iyon. She's siding with Fausto, she believes that's the best for Tanya and Gunner too! Hindi ito kailanman mamahalin ni Orion. The kind of love that Tanya and Gunner deserves! 

"Hindi mo mabibilog ang ulo ko kagaya ng pagbilog mo kay Orion at kay Daddy, Ia. You are greedy and a selfish Bitch who wants a piece of everything for herself even when she doesn't deserve it! Walang sa iyo, Ia!" Her hand landed on Tanya's face but she did not falter, sinagot din siya nito ng sampal na ikinabigla niya.

"Orion is my bestfriend!" Tanya's tears rolled down her cheeks. "He's been protecting me and Gunner eversince and I owe it to him. I won't let you ruin him. I don't know what is your role in our life but I know you are bad news! I won't let you hurt our family, Ia. I won't let you!" Tanya stormed out of her office.

Nanginginig ang kanyang tuhod na napaupo sa kanyang swivel chair. Sinabunutan niya ang sarili. Why does she have to go through this? Kailan ba magiging madali para sa kanya ang buhay? Wala sa plano niyang awayin si Tanya but she's being difficult! What's wrong with kicking Orion out of her life, obviously, wala rin pagtingin si Tanya kay Orion.

Her phone rang. Ilang ulit siyang huminga ng malalim bago iyon sagutin. She changed her tone to a happy one.

"Hi Baby!" Orion greeted. "It is Friday, I know you don't have plans but I do." Masaya ang tinig nito. He always plans their dates especially on weekend.

"Saan?" She asked.

"You'll know once we get there."

Eksaktong alas-kuwatro ay naghihintay na sa kanya si Orion sa harapan ng FRINC. He's wearing a casual attire, a white camisa de chino and a khaki short. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Sana ay sinabi mo ang dapat isuot." Reklamo niya. Ininguso naman ni Orion ang maliit na Louis Vuitton Keepall bag sa likod.

"I already packed for you, your Highness, at marami pa roon sa pupuntahan natin."

Hindi siya masyadong nainip sa byahe dahil maigsi lamang iyon. They went to Manila Yacht Club where a white boat was docked, hindi ito maliit kundi kayang magsakay ng palagay niya ay bente katao. Sinalubong sila ng kapitan at dalawang crew mate na sumaludo kay Orion.

"Sir Orion! Sa wakas ay may maisasakay naman kaming iba bukod sa iyo." Natatawang wika ng Kapitan. Nanatili siyang namamangha sa yate, ito ang unang beses na nakakita siya noon at ngayon nga ay makakasakay pa!

"This is yours." Hindi tanong iyon. MV Orion is the boat's name. Napangiti siya nang salubungin sila ng puti at kahoy na muebles. Everything was made in style, very Orion.

"Magbihis ka muna then let's go up on the deck view the sunset. Manila Sunset is the best." Pagmamalaki pa nito. She would like to believe so. Hindi niya alam kung bakit iba ang araw sa Pilipinas kumpara sa UK. Ours takes it time before it goes down, very dramatic blast of hues, and slowly taking away the warmth of a sunny day before leaving us.

Sinamahan siya ni Orion sa maliit na cabin room na may malapad na kama, nasa ikalawang palapag iyon ng yate at nakaharap sa dagat. Nakikita niyang umuusad na sila patungo sa kung saan sa 180-degree window view non. Hinahati ng yate ang dagat sa mayuming paraan. The water glistens when the ray of sunshine touches it. Nakakaaliw pagmasdan ang mga ibon na sama-samang lumilipad patungo sa iisang direksyon. 

A white flowy dress was prepared for her. Hanggang tuhod lamang niya iyon. Nagretouch siya ng make-up pagkatapos ay hinanap niya na si Orion sa yate. Natagpuan niya ito sa view deck kung nasaan ang jacuzzi. May hawak itong baso ng wine at ibinigay sa kanya ang isa.

"Do you like it?" He asked. Marahan siyang tumango. Niyakap siya ni Orion mula sa likod at hinalikan ang kanyang pisngi. "This is the life I imagine with you."

Tinambol ng husto ang kanyang puso, hindi niya ito naimagine. All her life she only imagined and dreamed of success, not being happy. How does it feel to be happy? How does it feel not to worry at all? How does it feel to be yourself and develop a hobby? Sunod-sunod niyang itinanong iyon sa sarili. She only wished to excel, and the rest are temporary laughter, temporary happiness. It is normal for her to anticipate the worst because that always happens.

 Itinuon niya ang atensyon sa tila walang katapusang dagat. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. At least she knows how it feels to be happy with a man of your thoughts for so many years even she anticipates his wrath in the future.

Hinawakan ni Orion ang kanyang kamay. Pinanlakihan siya ng mata nang makitang may nakatutok na singsing sa kanyang kaliwang pala-singsingan. It is a pink diamond ring. The diamond is big and flashy! Kumikislap ito sa kakaunting liwanag na hinihigop non.

"Papakasalan mo ba ako?" Mababa ang tonong iyon ni Orion. Not like the one that she saw in the movies. The question is very casual, and direct to the point. Yet, it came out of Orion's mouth like a prayer.

"Orion.."

"I am willing to sacrifice my Legacy, Hezekiah. Sana ay ganoon ka rin. Choose me and let's leave everything and everyone behind. I already took a step forward, sana ay ikaw naman." Bahagyang pumikit si Orion habang hinihintay ang kanyang sagot.

Huminga siya ng malalim. Itinutok niya ang daliri sa singsing at tumango. She hates herself for so many things. She's confused. Para bang itinutulak siya ng tadhana sa kabiguan ano man ang piliin niya. And whatever she chooses, destiny will find its way to ruin her. So whatever. 

The sun is ready to set. Walang kasing-ganda iyon. Hindi lang siya mapalagay kung tama pa ba ang kanyang ginagawa. Walang humihila sa kanya papalayo. What she has now is Orion, in front of her. 

"Let's enjoy this for now, Ia."

A camera flashed in front of them. Ang nakangiting crew ang masayang kumuha ng kanilang eksena. "Congratulations, Sir and Ma'am!"

"Salamat, Anthony." Orion smiled.

Paulit-ulit niyang dina-dama ang singsing na ibinigay ni Orion habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. The captain and his crewmate greeted them too. They joined them in the view deck. Ang sabi ay naka anchorage lamang sila kaya para silang dinuduyan ng maliliit na alone.

"Naku! Maari pa naman akong magkasal!" Humagalpak ang kapitan na si Captain Max. Matanda na ito at palabiro. "Ihahanda ko na ba ang marriage contract, Sir?"

"Pwede." Sumakay naman si Orion sa biro. "Nagawa mo na ba iyon dati?"

"Oo, siguro ay limang beses na sa limampung taon kong kapitan." Kwento pa nito habang tumutulong kay Anthony sa pag-iihaw ng karne. Nag-set up ng mini barbecue ang chef na si Anthony samantalang ang secondmate naman ang naghahanda ng lamesa.

"Siguro ay kailangan mo nang ihanda ang para sa amin, Kap." 

Kinurot ni Hezekiah si Orion sa tagiliran. "Ang bilis mo rin, no?"

Yumakap si Orion sa kanya at bumulong sa tainga. "Bakit? Ayaw mo ba?"

Hindi siya sumagot.

"Ouch. Sakit naman." Bulong ni Orion pabalik.

"Marami pa tayong kailangang gusot na plantsahin bago ang kasal." Natatawang wika niya.

"Kailangan lang natin yun ayusin para may bisita tayo 'pag kinasal na." Pagtatama ni Orion, "I don't care about the guests though. Basta't naroon ka."

They were able to eat dinner when the rain started to pour. Umaandar na sila at patungo raw sila sa Palawan. Ang binabaybay na kasi nila ay open sea, walang masyadong bundok ang humaharang kaya mas lumalaki ang mga alon. 

Nakasilip sila sa kanilang cabin room at itim na itim sa labas. Tanging ang ilaw mula sa yate ang ilaw na nagbibigay sa kanila ng ideya kung ano ang nasa labas. Sumisipol ng husto ang hangin. 

Naririnig ni Ia ang mabibilis na yabag ng tatlong crew ng barko. Alam ni Ia na nagpapanic ang mga iyon dahil hindi humihina ang ulan kundi ay mas lumalakas pa. Buti at matibay siya sa hilo kaya kahit parang isang oras na silang niyayanig ay hindi pa rin siya nagsusuka. Nakita niya ang ilang mga gamit na tumataob. The boat is vibrating in an odd way.

"Sir, umakyat po kayo sa deck, may sasabihin si Kapitan." Namumutla si Anthony nang katukin sila sa kanilang silid.

Hinawakan ni Orion ang kaniyang kamay at sabay silang umakyat.

"Sir, prepare to abandon ship." Halos pasigaw si Captain Max dahil inaagaw ang kanyang boses ng malakas na hangin at hampas ng hangin sa kanila. The water in the jacuzzi was wiped out, napapalitan naman ito ng tubig mula sa dagat. Inaabot na iyon, ganoon kataas ang alon.

"Biglaan ang bagyong dumating sa Palawan. Nabuo lang siya kanina pagpasok ng Davao. Isang oras pa at hindi na kakayanin ng yate ang hampas ng alon." 

Napatakip ng bibig si Hezekiah. Napakapit siya kay Orion na kinakalma naman siya.

"We'll be fine." Bulong nito na bahagyang malakas.

"Mabuti pang magsama-sama tayong lahat dito sa deck. Nakahanda na si Second mate na ilaglag ang life boat kung sakali. Huwag naman sana." Paliwanag ni Captain Max.

"Safe ba sa labas?" Paniniyak ni Orion.

"Hindi ko rin masabi, Sir." Malungkot na wika ng Capitan. "I am sorry, Sir."

Umiling si Orion at tiningnan siya. "Marry us, then."

"Orion!" Tutol niya. Iyon pa ba ang maiisip ng lalaki sa ganoong kondisyon?

"Ia, if we will die tonight, at least naikasal man lamang tayong dalawa. That will just be a symbolic wedding anyway." Ngumuso ito, "Marrying you is the only thing I would ask before I die."

Malungkot na ngumiti si Captain Max, "Hindi masamang ideya ang magkasal sa maaring huling byahe ko. Pumapayag ka ba, Ma'am?"

Nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa tatlong crew ng barko na naroon, pagkatapos ay kay Orion. He's really hopeful that the marriage will happen!

"Fine. After this kailangan na nating ihanda ang paglikas." Desisyon niya.

"Do you, Mr. Orion de Salcedo, accepts Hezekiah Cruz to be your lawfully wedded wife? "

"I do."

"How about you Miss Hezekiah Cruz, do you accept Mr. Orion de Salcedo as your lawfully wedded husband?"

"I do." Pinisil ni Orion ang kanyang kamay. Si Anthony naman ay panay kuha ng litrato sa kanila sa harap ng bridge deck kung saan naroon ang mga makinarya sa pagpapatakbo ng yate. Si Joe ang kumukuha ng video sa cellphone.

"By the power vested in me by the International Maritime Authority, you have declared your consent to be married, I now pronounce you Husband and Wife."

Nang matapos ang seremonyas ay pumirma sila sa Marriage Contract na sulat kamay lang ni Captain Max. Although they both know it is a symbolic wedding, sineryoso pa rin nila ang pagpirma. Ang hindi maayos ay ang kanilang mga sulat. Pakiramdam niya ay umiikot sila sa loob ng yate.

Orion kissed her dearly. She returned the kiss with a long passionate kisses. That will be their last kiss if ever. Ibinahagi na sa kanila ang lifevest at sinuot na nila iyon. They stood at the deck where the two lifeboats are located. Isa lang ang kanilang gagamitin at aasang may mas malaking barko ang makakarescue sa kanila. Otherwise malalaglag din sila sa lifeboat at lulutang na lang with the swim ring and life vest. 

Magkahawak kamay sila ni Orion, namanhid ang kanyang pakiramdam at parang panaginip lang ang lahat. Nag-aabang ng tamang pagkakataon para lumikas. She keeps on praying that they'll be safe and no shark will eat them. 

Unti-unti ay humina ang hangin bago pa man sila magdesisyon itapon ang lifeboat sa dagat, kaya naman umakyat ang kapitan sa deck. He tried to maneuver the boat and it worked. They sailed for another nautical mile when they noticed an island nearby.

Binilisan ni Captain Max ang pagpapatakbo ng yate kahit na malakas pa rin ang alon at ulan.

"Kailangan nating makalapit sa isla!" He screamed from the bridge. "Mas malaki ang tsansa natin doon!"

Nabuhayan siya at nagkaroon ng pag-asa. It is three in the morning. May mga mangingisdang sinenyasan sila kung saan sila maaring mag-dock, may mga dala iyong lampara at sinesenyasan sila. May sumalo ng lubid ng yate mula roon sa pampang.

"Wala bang nasaktan?" May sumigaw mula roon sa pampang. "Bantay Dagat ito!"

Finally, Hezekiah felt safe.

---

"Good morning! Good afternoon pala, Misis ko!" Napabangon si Hezekiah. Hindi niya alam kung anong oras sila nakatulog. Ang sabi ay nasa Palawan sila. Kahit ang mga mangingisda ay naging usap-usapan ang dumating na buhawi nang biglaan. Mabuti at tinanggap sila roon ng mga taga-roon at inasikaso ng Coastguards. Akala niya talaga ay katapusan niya na kagabi!

Orion's low waist khaki pants was on hanging really low. Hindi talaga mahilig magpang-itaas ang lalaki dahil wala itong t-shirt na lumapit sa kanya na may dalang tray pagkain. 

"First, I am really sorry. Hindi ko inaasahan ang pinagdaanan natin kagabi. I just wanted to impress you pero nadala pa kita sa kapahamakan."

Napahilamos siya ng palad, "Tama, huwag mo nang uulitin iyon. I appreciate everything that you do, Orion. Kahit na ang pagluluto mo para sa akin. Kaya hindi na natin kailangan maging adventurous."

Orion furrowed his eyebrows, "But I love doing adventures with you."

"Yes, pero hindi iyong buwis-buhay, okay? I am so worried about you." Hindi niya napigilang sabihin. Ikinulong niya ito sa magkabilang palad niya at saka hinalikan sa labi. Kung ganito kagwapo ang madaratnan niya tuwing umaga ay hindi na siya tatamaring gumising.

"I am happy like this." Masuyong wika ni Orion habang nakatutok ang mga mata sa kanya.

"Ako rin."

The days passed by like a bliss. Pagkatapos ng makapigil-hiningang pangyayaring iyon sa Palawan ay muling naging abala si Hezekiah sa FRINC. May mga pumasok na bagong proyekto na pinagkakaabalahan nila ng husto. Orion and her are being discreet though. Ganoon pa rin ang kanilang galawan. They go out, date, and do everything like a couple! Iyon nga ang nilu-look forward niya sa buong maghapon. Namimiss niya ang paglalambing ni Orion sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Domini sa kanya nang inaayos na niya ang kanyang laptop matapos ang huling presentasyon niya nang hapong iyon.

"Still not telling me what that ring means?"

"This is an ornament." Kaswal niyang sagot.

"Kilala kita, hindi ka mahilig sa alahas. Ia." Tamad siya nitong tiningnan. "Spill it."

"I have nothing to say. Bagay ang singsing sa suot ko."

"Damn it you are wearing green! Hindi iyan bagay sa pink na singsing! Sabihin mo na!" Pataas ng pataas na boses ng kaibigan.

"I won't. Wala ka rin namang ibinabalita sa akin na kung ano kaya mananahimik na rin lamang muna ako."

"Damn it, Ia! Nagagalit na ako sa iyo!" Domini threw his tantrums once again. Natawa na lamang siya.

"Kahit magalit ka pa, wala akong paki." She dismissed. Exactly when her phone rang.

"Hello, Sir? Kumusta?" Magiliw niyang bati sa kanyang ama. Malakas na buntong hininga ang isinagot nito sa kanya.

"Miss Cruz, I am so disappointed."


---

Maki Says: 2/5

Lapit na talaga matapos! Haha Thanks for reading and riding on my craziness! Pawang imahinasyon ang lahat. Chill and smile! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro