Kabanata 23
A/N: Im back! Yes finally.
Nagising si Ia sa isang mabangong simoy ng hamog mula sa ulan, sumikat na ang araw. Nakahingi sila ng tulong sa hostel upang ipahila ang kanyang sasakyan sa talyer, that's one less worry right now. Ramdam ni Ia ang puyat ngunit si Orion ay masiglang masigla naman at panay ang haplos sa kanya tuwing mayroong pagkakataon. Close agad?! She thought. They just shared a book until they fell asleep pero mukhang dahil doon ay umasa si Orion na level up na ang kanilang relasyon.
Magkaharap silang dalawa, Orion was looking at her intently, pinilit niyang hindi pamulahan ng pisngi kahit alam niyang nag-iinit na iyon.
"You didn't age." Puna ni Orion. "It feels like having lunch with you at Gonzaga Hall. You still eat like a construction worker." He chuckled. His handsome face lit up, the sun emphasized his poreless skin and his brown eyes. Gustong magprotesta ni Ia sa pagiging perpekto ng mukha ni Orion. His eyes should be banned, nakakatunaw kasi ang paninitig 'non.
"Napakahirap ng buhay ko dati kaya tuwing may pagkain ay sinusulit ko. Nakikain ka rin naman sa mga baon ko, ha?" Umirap siya. Hindi napawi ang paninitig sa kanya ni Orion
"Naalala ko lang, hindi mo naman kailangan mainis o mahiya. Those were my favorite memories, ikaw?" Nakangiting tanong niya.
"Favorite?" Sarkastiko siyang ngumisi, "Iyong nahuli mo akong nagsasayaw sa club at binayaran mo ako ng gabing iyon para angkinin."
Kumunot ang noo ni Orion, "I didn't mean that, Ia. I was shocked. I was lied to." Sumeryoso ito.
Kumagat siya ng longganisa mula sa kanyang plato at galit na tinuro ng tinidor si Orion, "Of course, you were. Pero hindi sapat na dahilan iyon para mangmaliit ka ng babae lalo pa't sinabi mong minamahal mo." May hugot ang mga salita niyang iyon.
"Teka." Nagpamulsa si Orion at tumuwid ng upo sa upuang kahoy kung saan sila nakapwesto. "In the first place, you shouldn't lie to me. You confessed your love to me too. Kapag mahal mo, hindi ka maglilihim." Pagpupunto pa nito. Medyo tumaas ang boses ni Orion, pero bumuntong-hininga ito pagkatapos, "But you are right. I shouldn't have acted that way. I should have judged you better, Ia."
Umirap si Ia nang maigiit niya na tama siya. Ngumuso siya nang mapansing natahimik si Orion. "Apology accepted. But I apologize too for lying. May parte naman na tama ka sa panghuhusga. I really wanted to meet a rich guy para hilahin ako palayo sa kahirapan." Mapait siyang ngumiti, "How could you blame me, Orion? Nakita mo ba ang lugar namin? Ang tanging batas doon ay ang sa mga siga. Ang mga babae roon ay parausan o 'di kaya ay taga-silbi. Mabibilang mo sa daliri ang mayroong pangarap. Kaya nagpursige ako. Ayokong bumalik sa ganoong buhay. Ayokong masayang ang lahat ng paghihirap ko."
"Malayong-malayo ka na roon, Ia. You can have a life of your own. You don't need a man."
"Thanks for the flattery but I will still marry a rich guy someday para makapagpahinga naman ako sa buhay. Pangarap ko talaga ang maging housewife." Ngumisi siya, nang-aasar.
"Ibabahay kita." Diretsang sagot ni Orion.
"Housewife hindi kabit. Hindi ka maaaring magpakasal bukod kay Tanya. At ako, ayokong mabuhay nang masaya sa kama pero hindi makalabas ng lungga dahil baka mahuli ako ng asawa."
"That's why you settle for a dirty old man? I can be dirty too, Ia, but I am not old."
"Hardselling." Ia chuckled. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Orion. I know what I want and I will have it they way I want it."
Napahilamos ng palad si Orion, "You don't have to work for FRINC, Ia. You don't need to receive favors from them. You can get a job better than this. I can recommend you to our company, kung ayaw mo ay pupwede kay Evandro. There are a lot of options for you. Why are you choosing this path?"
Ngumisi siya, "Para malapit sa iyo. Saka exciting."
Pinamulahan ng tainga si Orion pero agad na sumimangot ito. "I am serious."
"I am serious too. You can't dictate me, Orion. Wala naman tayong relasyon. Pakialaman mo ang girlfriend mo dahil hinding hindi tayo magkakaroon ng koneksyon bukod sa kung ano ang meron tayo ngayon. I am not your property, Orion. Sure we get intimate here and there, pero hindi ibig sabihin ay maaangkin mo ako nang higit pa sa hahayaan ko."
"If that's the case, I can make you mine in no time, Hezekiah. I will swoon you in ways you can't imagine. I will not give you a chance to say no. You will fall fast and hard, Ia, and you will start planning your life with me in it." Napipikon na sambit nito.
Tumayo si Ia at humalukipkip, "I would love that, Orion. Should we plan on how you will let go of Tanya and choose me instead? Ako na walang kinalaman sa Delta Kappa Phi." Panunubok niya.
Kumuyom ang kamao ni Orion, "Dati naman ay—"
"Dati iyon. Hinayaan kita na isabay ako kay Tanya dahil alam kong maaari pang magbago ang lahat. I am not getting any younger, Orion. Kailangan ko nang lumandi. I know what I deserve. I deserve exclusivity at iyon ang igigiit ko hanggang huli. If you want to keep me, you have to choose me." She scoffed.
Tumalikod na siya rito at bumalik sa silid. Pinunasan niya ang sarili ng pawis. That was an unexpected turnaround. Hindi niya gustong maging hayagan ang gusto niyang mangyari sa kanilang dalawa but she has to decide fast.
Kailangan niyang paghiwalayin si Orion at Tanya gaya ng bilin ni Don Fausto, sa gayon ay maililipat sa kanya ang pagiging CEO. Tanya will live her life away from Orion and she will get the properties of Fausto. While Orion, he will step out of their household without Tanya. Kapag mapaghiwalay na niya sila ni Tanya ay kailangan niya ring lumayo kay Orion. It wouldn't be hard to do. She can just tell him that she just did that for money, tiyak na mawawalang gana sa kanya ang lalaki dahil mabilis siya nitong husgahan.
And what about the sex? Bulong ng kanyang isip. And what about it? Sex is just sex. Nasa tamang edad na siya. Hindi na siya bata para bigyang kahulugan pa iyon. When she was in UK, sex is a part of a meet-up of two people. They don't even talk about it, it just happens. Liberated siya, she read and heard a lot of that kind of set-up, iyon nga lang ay hindi niya pa nararansan. Kailangan niyang mapapaniwala si Orion na nahuhulog na rin siya rito para lumambot ito at mapaikot niya. Maybe he can still change his mind and break up with Tanya.
Naalala niya ang sinabi ni Becca, if you want to have a man, show disinterest. Ang dagdag pa nito, paminsan-minsan ay bigyan mo rin ng false hope para kumapit pa rin siya at abangan ang susunod na kabanata.
Well, that can be confusing. Maybe she could use a friend to help her?
Sinilip niya ang kanyang cellphone at wala iyong mensahe ni Domini, how he could not look for her por que alam na nito ang lock code ng kanyang condo! Sinabi nitong siya ang bahala sa pagpapabago ng isip ni Tanya, sana nga ay magawa ni Domini. If Tanya gives up, for sure Orion will surrender too. Hindi pa siya mahihirapan na pakisamahan si Orion.
Tumulak na sila ni Orion patungo sa site sa Nueva Ecija bago magtanghali. A company driver drove her car back to Manila and she shared a ride with Orion. Mabilis ang kanyang naging inspeksyon at agad niyang nakausap ang mayari ng property ng kanyang plano para itama ang pagkakamali ng FRINC.
"Pasensya na talaga, Mr. Hernaez. I will make sure that adjustments will be done ASAP." Mayuming pangako niya sa kliyente. Isa sa natutunan niya sa UK ay customer is always right.
"This shouldn't have happened, Miss Cruz." Inayos ng matandang owner na si Mr. Hernaez ang kanyang salamin at sinipat siya. Kanina pa panay ang sulyap sa kanya ng matanda na may malisyosong ngiti sa labi. "Maybe we could talk about it over dinner sa Manila kapag naroon ako." Halos pabulong iyon na para bang siya lang ang karapat-dapat na makarinig pero malakas ang pandinig ng kanyang katabi na sumabat agad-aga.
"I don't think that is necessary, Mr. Hernaez." Agap na tugon ni Orion. "But if you will insist, you can have drinks with me instead since ako naman ang CEO."
Bakas ang pagngiwi ni Mr. Hernaez. Hindi nagustuhan ang suhestyon ni Orion. They ended the visit briefly nang may importanteng meeting na dadaluhan si Mr. Hernaez. Nang makabalik na sila sa sasakyan ay sinita niya si Orion.
"Bakit mo naman sinupalpal ang kliyente? Napahiya tuloy. Baka mas lalo tayong gipitin sa deadlines."
"And why are you being extra nice to the old guy?" Pakli sa kanya ni Orion. "You don't need to please him. Not unless you are really into old guys." Frustrated na sambit nito. "You talk about your ideals, feminism, and female ego but you use it at your advantage too."
Tatalakan niya sana si Orion nang maisip niyang mabuti pang i-take advantage niya na lang ang sitwasyon. Wala naman siyang pakialam kay Mr. Hernaez at mas lalong wala siyang pakialam sa inis ni Orion sa kanya.
"Fine! Im sorry." Kunyari ay medyo galit din siya. "I am trying to please the client. Ang sinasabi ko lang naman.." Ipinatong niya ang kanyang palad sa hita ni Orion, "Huwag kang masyadong mainis sa mga kliyente. That's part of the job. Isa sa maraming pinagdadaanan naming mga babae ang ganyang trato. We're treated as a prey, Orion. Nakasanayan ko lang kung paano iyon pakikitunguhan."
Tahimik si Orion habang nagmamaneho. Nasa kalagitnaan na sila nang expressway nang magsalita muli ito.
"You don't have to do it anymore, Ia. Poprotektahan kita sa mga ganoon. Sabihin mo sa akin kung mayroong umaabuso sa iyo. Huwag kang magtatago at magsisinungaling sa akin kagaya ng dati. Kung may kailangan ka ay sa akin mo hingiin." May lungkot sa mga mata ni Orion.
"Salamat." Tipid niyang sagot.
Hapon na nang dumating silang dalawa sa kanilang condo. Pagbukas niya ng pinto ay naroon si Domini, kakasara pa lang ng pinto ng ref at kinukutsara ang Nutella niya mula roon sa jar. She was screaming in her mind pero hindi niya magawa dahil kasama niya si Orion.
"Hey, you are back." Ngumisi ito nang makahulugan at tiningnan silang dalawa mula ulo hanggang paa.
"Why is he still here?" Takang-tanong ni Orion na kababakasan ng inis.
"Sorry Bud, I'll be here as long as I want to because Ia here stayed at my place and ate my food for many years" Humikab si Domini at dumiretso sa silid nito. "I'll just take a nap." Sigaw pa nito mula sa silid.
"How long are you going to pay for favors, Ia?" Sinundan siya ni Orion nang pumasok siya sa kanyang condo. "You deserve what they gave you. Just take what they give and don't return it."
"Ang sama ng ugali mo." Umirap si Ia at dumiretso sa kusina. "Hindi ako ganoon, hindi ako abusado. Iyon ang pagkakaiba ng mga lumaki sa yaman at sa mga lumaki sa hirap, Orion. Marunong kaming tumanaw ng utang na loob."
"Really?" Nanliliit ang mata ni Orion sa kanya.
"Yes, Really."
"May I know kung sino pa ang pinagkakautangan mo ng loob?"
"And why?"
"I'll pay them, then repay me instead of you paying them."
Umiling siya, "That won't work, Orion. Or maybe it would, kapag nakapangasawa na ako ng mayaman at sa akin na rin ang kalahati ng pag-aari niya. Umuwi ka na muna. Magkita na lang tayo sa opisina bukas."
--
Inis na sumakay si Orion sa kanyang sasakyan. Hindi niya alam kung saan panghihimasukan si Hezekiah. He knows he can't have her, but the least that he could do is to protect her from Fausto Ricafort. She's being controlled by Fausto and made Hezekiah in-debt for her studies and opportunities. Naiipit si Hezekiah.
If she could just let him take care of her. The only problem is that Hezekiah is asking for more. More than he's able to give. Imposible iyon. Kung susuway siya sa kasunduan ng Delta Kappa, itatakwil siya nito at madadamay si Hezekiah sa magiging kamalasan niya. And also Tanya and Gunner. Ayaw niya ng ganon. Hindi niya lang maimagine si Ia na may nilalambing na iba. First time mangyari na umusok ang tainga niya nang makita niya si Hezekiah na nagsasayaw sa club na halos walang saplot at pinagmamasdan ng iba. He hates the feeling! Literal na uminit ang tainga at ilong niya sa tagpong iyon at ngayon ay lumalapit pa rin si Hezekiah sa iba para lang kumita siya.
He went back to present when his phone rang, it was a call from Tanya. "Orion, hinahanap ka ni Gunner."
Napabuntong-hininga siya. He's concerned with the kid too pero hindi niya magawang maging close rito ng husto. He just cannot connect. Hindi siya lumalapit dahil ayaw niyang mahalata nito na hindi siya ang tunay na ama nito. Poor kid.
"I'll be on my way."
Habang nagmamaneho ay napasinghap siya. He's tired of his life. Naramdaman niya iyon noon pa. Pero noong dumating si Hezekiah ay pinawi nito ang pagod niya. She made him dream that he could escape his reality. Kaya lang nang mawala ito ay bumalik siya sa dating routine.
But now that she's back, nagkaroon muli ng panibagong kulay ang buhay niya. This time, colors exploded evenmore. Mas lalo siyang nangarap na mapasakamay si Hezekiah. Hindi niya gusto ang ideya na maraming humahawak sa leeg ng babaeng pinakamamahal.
He spent his day over Tanya's house. Hindi naman siya roon umuuwi, at kung doon siya matutulog ay may sarili siyang kuwarto. Tanya doesn't mind. Ang mahalaga rito ay mayroong kagisnang ama si Gunner. Buhat niya si Gunner habang binabaril nito ang target na laruan gamit ang nerf gun.
Tanya looked pale and disoriented when she served them their snacks. Panay ang silip nito sa kanyang cellphone.
"Are you okay?" He asked.
Tumango naman ito. "Y-yes. Ipapakiusap ko sana sa iyo kung pupwedeng dito ka muna hanggang makatulog si Gunner. I—I'll be having dinner with friends tonight."
"Sure." Maagap niyang sagot. Mayroon namang Yaya na pupwedeng mag-asikaso, he will just make sure na alam ni Gunner na may kasama siyang magulang bago ito matulog.
"At kung hindi ako makakauwi..."
Kumunot ang noo niya, "May overnight kayo?"
"B-baka." Umiwas ito ng tingin.
"Fine. I'll stay here until Gunner's asleep. Enjoy." He sincerely said. Matagal na rin kasing hindi nakakalabas si Tanya simula nagkaroon ng anak. At least now, she's starting to regain her confidence of showing her face to her friends.
--
"And where are you going? I told you to clean your things! Ilang araw na riyan sa sahig ang maleta mo." Sita ni Ia kay Domini na mukhang handang-handa na magliwaliw.
"I'll fix that later." Masungit na sabi nito. Lumabi siya at humarap muli sa kanyang laptop. Hindi na siya sumagot sa paalam ni Domini, namalayan na lamang niya ang pagsara nito ng pinto. She just hopes na hindi ito puro bakasyon at tulungan din naman siya. Panay ang pa-order nito sa food delivery app at talaga namang inubos ang stocks niya sa ref.
Nagulat pa siya nang tumunog ang kanyang Slack application hudyat ng isang video call. Iyon ang communication means nila sa opisina. Sinagot niya ito nang makitang si Orion iyon.
"Bakit?" Masungit niyang bungad
"Hi." Masuyong wika naman nito. Tumaas ang kilay niya.
"I saw you online at this hour. Anong ginagawa mo? Did you eat? Nandyan ba yung kaibigan mo?" Magkakasunod siyang tinanong ni Orion.
"I am just reading emails. No, I did not eat yet. My friend isn't here." Nakita niyang tumayo agad si Orion hawak ang cellphone nito.
"I'll be there." Anunsyo nito.
"T-teka, bakit?"
"Babe time." Natawa pa ito sa sariling joke.
"Ang corny mo!"
"I told you I'll swoon you and now is an opportunity to bring you food, and to have privacy with you. I want to show you something, pack some extra clothes."
Umayos siya ng upo at tiningnan ang kanyang floor to ceiling window sa kanyang condo.
"Gabi na."
"That's why you need to bring clothes for work tomorrow. I'll see you in an hour."
In less than an hour, naroon na nga si Orion. Sinalubong niya ito sa harap ng condo building niya. When she opened the door, mayroong packed sandwich roon at juice bottle.
"Thanks."
Pamilyar ang daan na binabaybay ni Orion, nagtataka man ay hinayaan niya ito sa plano. They entered the Fraternity house that she hasn't seen in ages. Bumuhos sa kanya ang mga alaala ng nakaraan. Kung paano siya ignoranteng nagmasid sa mundong malayong-malayo sa nakagisnan niya. They parked at the designated parking space after being screened by the security. Hiningi nito ang kanyang biometrics bago kami tuluyang inanyayahang pumasok. Hinila ni Orion ang kanyang kamay papasok ng fraternity house. Walang nag-iba, makintab pa rin ang sahig at ang mga muebles. It still screams wealth and unconventional riches of the few priveledged.
Walang halos tao sa frat house dahil ngayon ay semestral break. Wala rin silang nasalubong kundi katahimikan. Natulala siya nang huminto sila sa tapat ng silid ni Orion noon. He remembers it so much, doon sila naglalagi tuwing magkasama sila. That memory was so brief, pero pakiramdam niya ay buong kolehiyo silang magkasama.
"I still own this room." Panimula ni Orion, "After our batch, nagpagawa ng additonal floor ang mga Alumni para sa mga bagong pasok. The rooms here were reserved for the graduates, I pulled some strings to keep this room to myself." Salaysay nito.
"Bakit?"
Nagkibit-balikat si Orion. Kinuha ni Orion ang kanyang kamay at itinapat sa biometrics. It opened to her surprise.
"This is our place, right?" Nakangiti si Orion habang pinipindot ang switch ng ilaw.
Nagulat si Hezekiah nang buksan ang pinto. It seems like a blast from the past with an added detail. Her photos during college were there at the table. Hindi niya alam kung kailan iyon kinunan pero halo-halo na ang mga iyon. Sabik niyang tiningnan isa-isa nang may ngiti. Hindi niya na maalala ang itsura niya noon, all she knows whas she was trying hard to fit in kahit pangit siyang manamit.
Nang makarating na siya sa ilang piraso ng litrato ay napakunot ang noo niya. It was her photo when she was still dancing at Penpen.
"That.." Bulong ni Orion na awtomatikong nagpaliwanag, "Sa galit ko sa iyo ay gusto kong iexpose ka. I did not do it, just for the record."
Malungkot niyang tiningnan ang mga litrato, iba't ibang anggulo. She was reminded how poor her life was. Gayunpaman, it was part of her, hindi na iyon mabubura. Nagpatuloy siya sa pagtingin sa mga litrato hanggang sa may isang larawan siyang nahagip na hindi na niya matandaan.
Napatakip siya ng bibig. She was at their old house, smiling goofily. Sa tabi niya ay si Daisy at si Natoy. She looks drunk but happy. Daisy was smiling heartily habang nakaakbay sa kanya, naka-peace sign pa si Natoy.
Titig na titig siya roon. Nakalimutan niya na ang itsura ng kanyang ina at kapatid, unti-unti itong kusang binubura ng panahon. And seeing the photos reminded her of her family- It was their only family photo together. Wala siyang naitabi dahil wala silang pambili ng camera. Her phone then has a very low capacity. Hindi siya kumuha ng litrato dahil doon.
"Tumable ka sa akin at uminom ka but you can't handle your alcohol. May malay ka pa nang iuwi kita sa inyo. S-sabi ni Aling Daisy, kuhaan ko daw kayo ng litrato at ipakita ko raw sa iyo pagbalik ko sa club para daw may remembrance yung pagkalasing mo. Tawa siya ng tawa dahil hindi mo na alam ang iyong ginagawa."
Her tears freely flowed down to her cheeks. Very typical. Her mother would actually do that. Mahilig itong pagtripan siya kapag tatanga tanga siya.
"I was decided to spill the beans the day after that night, Ia. I want to hurt you so bad. I—want to be mean but your Nanay told me that you wanted to finish your studies that's why you work hard. She teared up a little habang itinuturo niya ang mga medalya mo at trophies na makintab na makintab pa." Napapangiting kwento ni Orion sa kanya.
"Pinagmalaki niyang araw araw niyang inaalisan iyon ng alikabok para kapag asensado ka na, dadalhin mo iyon sa mansyon mo at ididisplay mo. Naaawa raw siya sa iyo dahil ipinanganak ka niyang mahirap at nakiusap siyang huwag kitang bastusin dahil ganoon ang trabaho mo. I changed my mind because of that small talk with her. Pakiramdam ko ay naunawaan kita."
"That day too, I thought that I should let you go because your life will be more complicated with me in it. But I was a fool because I ended up missing you so bad, Ia. I printed those pictures because I don't want to forget you. I didn't know what happened to Aling Daisy that time but thank God I was able to keep your family photo, you should keep those Ia."
"Kasalanan ko kung bakit sila namatay." She felt the strong thud on her chest as she cried. "Pero mas malaking kasalanan kung mababalewala ang pagkamatay nila." Ia knows she have to reach her dreams to celebrate Daisy and Natoy's life. "Salamat dito, Orion. Salamat din at nakinig ka kay Nanay. Iyon ang huli niyang pagprotekta sa akin bago niya ako iwan." Impit siyang napaiyak. Her rib hurts because of her emotions. Ganoon kasakit. Her sadness manifested on her body because her heart alone cannot bear it anymore.
Orion covered her with his warm embrace. She felt a weird feeling of Daisy's hugging her too. Nakatingin siya sa litrato nang huling gabi at alaala ni Daisy at Natoy. She'll do well, she promised herself.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro