Kabanata 22
A/N: I made it! nakapag-update today. Pa-like ulit ng IG and Facebook posts ko na latest about sa cellphone :) That'll help alot! Naging influencer na rin ang lola niyo ngayong pandemic. but still wrting!
also if you are my new reader and dig (do not cringe with erotic stories, go over my books and may paid story ako na Temptation Island: Cruel intention, buy niyo na mga mumsh at may bonus chapters :)
enjoy reading!
Pare-parehas silang nagpalitan ng matatalim na tingin. Tanya giving her the worst of all!
Bakit parang kasalanan ko? Bulong ni Hezekiah sa sarili.
Sure, she wanted Domini to come, she also asked his help to swoon someone. Hindi naman niya sinabing si Tanya iyon pero hindi na agad ito pumayag noong huli silang nag-usap. Naisip lang naman niya noong oras na iyon, if Orion gave Tanya his word that he will not leave Tanya, maybe Tanya is the one who should change her mind. Hindi nito deserve ang ginagawa ni Orion sa kanya na pambabae, why will she tie herself with that kind of relationship when she can have better.
Maybe her best friend can give Tanya a better life..
Or not...
Masama ang tingin ni Domini kay Tanya, at pinanlilisikan naman ni Orion si Domini, si Tanya naman ay parang sasaksakin siya sa talim ng tingin.
"Hello Auntie Ia. I missed you.." Yumakap sa beywang niya si Gunner, wala siyang nagawa kundi ang lumuhod para abutin ang pamangkin. Mabuti at naiwasan niya rin ang awkward na sitwasyon.
"I missed you too, Handsome. Are you having a date night with Mommy and Daddy?"
Tumango si Gunner, "I want to visit the Ocean Park again with you, Auntie Ia."
Kunwari ay nag-isip siya, "Auntie Ia is a little bit busy but I would love to." Ginulo niya ang buhok ng pamangkin, "I'll see you around."
Tumayo siya at hinila na si Domini patungo sa parking lot.
Nakasimangot pa rin ito hanggang sa makapasok sila sa kanyang sasakyan. Huminga muna siya ng malalim at saka hinampas ito sa balikat.
"Anong ginawa mo, ha?" Pinunasan niya ang labi gamit ang manggas niya, "Yuck! Why did you do that? May gusto ka na sakin, ha? After 7 years? Kadiri!"
Hinampas ni Domini ang salamin, "Anong kadiri don? Lasang ulam ba yung labi ko?" Reklamo din nito sa kanya. "Sorry, na-carried away. Malay ko bang makikita ko siya rito sa opisina mo?"
"Eh ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Hala! Hindi ba ikaw ang may kailangan sa akin? Gusto mong gamitin yung kagwapuhan ko!"
"Hello, that was weeks ago! Marami nang nangyari." naiinis siya. Nagbago naman na talaga ang isip niya at bigla itong sumulpot tapos hahalikan siya, sa harap pa ni Orion!
"Miss Cruz, I know I am a good friend, but you already left me with your project a month ago, anong iniexpect mo, andito ako agad, pronto? Alipin mo ba ako?!"
"Yeah, right. O sige na, okay na ako, ihahatid na kita sa airport." Akmang magdadrive na siya nang pigilan siya nito.
"Explain to me what you need." Seryosong sambit nito.
Kinuha muna nila ang gamit ni Domini sa hotel na tinuluyan nito. She couldn't believe that he arrived a week before pa at talagang hinintay nito ang weekend dahil busy naman daw siya sa trabaho. Her condo has a spare room in the corner, ang problema lang roon ay walang closet. She can share her closet space with him though. Magpapaalam din siya kay Fausto sa susunod na araw para hindi naman ito mag-isip na nagpapatuloy siya ng lalaki sa bahay na ito ang bumili.
Nag-take out sila ng pagkain dahil parehas silang hindi marunong magluto. They are the unhealthiest pair, kung hindi nga nila kasama si Mama Len ay mapupuno sila ng take-out box sa tahanan.
"Hay, I am so excited to eat processed food. Abot kamay ko na yung sakit sa kidney. Goals." Ngiting-ngiti si Domini habang yakap-yakap ang Jollibee chicken joy bucket, inamoy amoy niya pa iyon. Sinilip pa sa likod ang iba't ibang korean noodles at soju.
"Mukbang tayo, Ia." Anyaya nito.
Sinamaan niya ito ng tingin. When can he ever be serious!
Pinagtulungan nila ang napakaraming gamit para iakyat sa unit niya. Alam na alam na agad ni Domini kung saan ilalagay ang mga damit at hindi na nagpaalam pa sa kanya.
"Makikigamit din ako ng banyo, you have a tub." Anito. Umirap na lang siya pero wala naman siyang pakialam. Common naman ang bathroom nila noong nasa UK. There's one comfort room outside her room pero simple lang iyon, pang-guest or kapag nasa living/ dining area ka lang.
They had a sumptuous and greasy dinner from different fast food that night. Pagkatapos ay inihanda na nila ang soju at korean snacks nila habang namimili si Domini ng movie sa Netflix. They settled on her carpeted floor.
"Drop it." Utos ni Domini sa kanya, hudyat para simulan na niya ang kanyang kwento.
Sumimsim muna siya ng soju at saka nagsimula, "I had an evil plan weeks ago." Pag-amin niya.
"Gusto sa akin ipamana ang FRINC but there's a catch, kailangang maghiwalay ang anak ng mayari at ang fiance niya. Me, wanting badly to have my own company, I thought, you can help me with the lady and I will handle the guy."
"Ang dumi-dumi mo, Ia. Is the lady, bald? A forty-year old virigin? Yellow teeth?"
"Well.." Napangiwi siya, "She's... your ex. Tanya Ricafort."
Napaawang ang bibig ni Domini. "That's worse."
"Of course not, pero abort mission. I am on a better path now."
"And if we do that, kailan tayo hihinto."
Nagkibit-balikat siya, "Di ba that's an evil plan? Kaya cancelled. Naisip ko, I deserve that company and I can prove it."
"Will breaking their engagement be easier for you?" Seryosong tanong nito, not changing the topic.
Inabot ni Ia ang buhok ng kaibigan at sinabunutan ito, "It will but I don't want to play dirty."
Uminom si Domini ng soju, "I can play dirty for you."
"Stop that, Domini. Serioiusly." Sumeryoso rin siya. "Wala ka bang tiwala sa akin? Actually, I still need your help. Kailangan kong i-train ang team ko for ideas. Mas magaling kang magmotivate kaysa sa akin."
Tinaasan siya ng kilay ni Domini, "Umamin din."
Ngumiti lang siya at humilig sa balikat ng kaibigan, "Thanks for coming.."
Hindi nila namalayan nakatulog sila sa living room dahil sa dami nilang nainom, dahil medyo aligned pa rin naman siya sa UK time, hindi mahirap sa kanya ang magpuyat. Nagising lang si Ia sa sunod sunod na doorbell sa unit niya, gumagapang niya pang tinungo iyon para lang makita si Orion na may bitbit na paperbag sa labas ng pintuan.
Hinawakan siya sa magkabilang balikat nang makita siya at bigla pa siyang niyakap.
"Goodness, akala ko ay kung ano na ang nangyari sa iyo? Hindi ba't sinabi ko sa iyo na merong serial killers ang pagala-gala? Wait? What is he doing here?"
Nagulat na lang siya nang inilagay ni Orion ang kamay nito sa ilalim ng t-shirt niya at kinapa ang bra strap niya. Parang nakahinga pa ito nang maluwag nang maramdaman nito ito roon.
"Ano bang ginagawa mo rito? Umagang-umaga."
"No, what is He doing here?"
"Aba kung makapagreklamo ka parang bahay mo rin ito."
"Ia, ang ingay!" Sabay pa nilang nilingon si Domini na ang sarap pa ng pagkakahiga sa sahig at nakapikit pa rin.
"Lower your voice, baka magising siya." Awat niya kay Orion.
"I don't care!" Mas lalo pang nilakasan ni Orion ang boses niya. Hindi niya tuloy alam kung bakit siya pinaparusahan ng langit ng dalawang makulit.
Nagpamewang siya, "Alam mo Orion, hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag-explain. Hindi gawain ng pamilyadong tao itong ginagawa mo."
"Alam mo, Ia hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong mag-explain na naiinis ako when I saw that man kissed you yesterday and now he's sleeping here. Thank God I don't need to explain because I cannot explain it too. Something pinched my heart!" Pasigaw pang wika nito, "No, it is a punch. Like, 700 times. Hindi lang ako bumagsak kasi may abs ako e."
"Yabang." Nakaupo na pala si Domini at nakapangalumbabang nakikinig sa kanila. Tumayo ito, "We don't need to explain to you. We have something special." Suminghot ito at napatingin sa bitbit ni Orion.
"Goto ba yan?" Kinuha nito ang paperbag na bitbit ni Orion at dinala sa lamesa, "goodness, I missed this. May pandesal pa, carbs on carbs, pero okay, may abs din naman ako, hindi ako tabain just so you know."
Nasa gitna siya ni Orion at Domini habang nag-aalmusal. Bakas ang galit sa mukha ni Orion pero si Domini naman ay walang paki. Nang matapos ay dumiretso si Domini sa kanyang kuwarto para matulog. Hindi pa kasi nila nalalagyan ng bedsheet ang spare room.
The sun is out but it is a calming kind of sunshine, hindi iyong masakit sa balat. Sumisilip ang liwanag mula sa maliit na bintana sa sink area. She looks at Orion, his hair and his eyes are brown when the ray of sunshine kisses him. His pinkish lips and cheeks look arrogant, but in a handsome way.
"He's annoying." Tinutuyo nila ang mga bowl na kanilang hinugasan, talagang hindi maaasahan si Domini sa gawaing bahay.
"Walang ipinagkaiba sa iyo. Orion, hindi ko naman kailangang i-explain pa sa iyo na hindi tamang nandito ka. Hindi ako assuming but I could sense that you are caring so much that is way beyond what I need. Is it letter a, guilt, naaawa ka sa mga pinagdaraanan ko, or letter b, a*shole ka lang talaga at napakababaero. May pamilya ka na, huwag mo na akong ilagay sa hindi kumportableng sitwasyon."
Niyakap niya ang sarili kahit na hindi naman masyadong malamig ang paligid. It feels warm, and cozy. It has always been when Orion is around. Bumuntong hininga ito at sumeryoso.
"Mahal kita." He blurted out. "Mahal kita at hindi iyon matapos simula noong unang minahal kita. It is so much that it hurts." He was looking at her intently. Para bang walang ibang tao sa unit niya at silang dalawa lang iyon. May suyo ang haplos nito sa kanyang siko.
"Pamilyado ka, alam mong ipinanganak ka para kay Tanya."
"Alam mo naman kung anong meron sa amin ni Tanya. We were bonded by an agreement we both don't want to break. We are co-parenting Gunner."
"Alam ko pero bakit mo ako inilalagay sa gitna? Do I deserve this, Orion? Do I deserve half-love? O yung pagmamahal na hindi pupwedeng ipakilala sa buong mundo dahil hindi tayo magkatulad? I learned a lot from before, Orion. You don't expect me to make the same wrong choice twice."
"Ikaw ang mahal ko."
"Pero hindi sapat para ipaglaban mo." Malungkot siyang ngumiti at tumalikod sa binata.
Naramadaman niya ang mainit na yakap ni Orion mula sa kanyang likuran, "Kapag pinili kita, hindi magiging normal ang buhay mo. You've been through hell, Hezekiah. Walang legacy ang hindi naparusahan sa pagtakwil ng napagkasunduan, I can endure that pero ikaw, kaya mo ba?"
"Hindi pa siguro ngayon, Orion. I have dreams. I want to achieve it badly. I want to be remembered. I want to make a name of my own." Hinarap niya si Orion.
Malungkot na tiningnan siya nito at saka tumango.
"Hindi napapahinto ang pagmamahal na parang tubig sa gripo. To me, it is like a shore with never ending waves, was may pull back a million times but it will always come back again to the shore where it belongs." She said.
"Trust me, I know." He whispered.
Bumigat ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya ay may kinukuha sa kanya sa bawat hakbang ni Orion papalayo pero alam niyang tamang piliin niya ang pangarap. She may not be able to afford losing everything at this point, she really want to win badly.
"You are still inlove with that guy, huh?" Tanong ni Domini habang nagsasalo sila sa Chowking take out sa isang late lunch. Napapapikit pa ito sa contentment. Fastfood is life.
Hindi siya kumibo at kumagat ng siopao.
"The guy who made you stop reading fiction titles except Paulo Coelho's Eleven Minutes." Domini continues. "You are so sentimental, ang baduy." Naiiling ito. Inis niyang inubos ang sabaw ng molo soup, agad na nagreklamo si Domini pero hindi niya ito pinansin.
Aminado siya roon, kahit afford na niyang bumili ng libro, wala na siyang ibang binuksan pa dahil ayaw niyang makalimutan ang magbasa ng librong mula kay Orion. It is more comforting to know that he shares her books he already read.
"He confesses to you, just go for it. I'll take care of the girl."
"Bakit ba atat na atat ka? Mahal mo pa si Tanya, 'no? Siguro kaya hindi ka totoong nainlove sa akin kasi hindi mo siya makalimutan."
"That's not true!" Lumipad ang chopsticks sa ere, "I loathe her! She gave me the biggest insecurity that I know!"
"Ang OA mo naman, loathe talaga. Mabait naman yun, supot ka lang talaga, bakit ikaw pa nagagalit? Titi niya ba yan?"
Hindi na umimik si Domini, napikon yata niya talaga. Okay lang, at least hindi lang siya ang badtrip.
--
There were days na hindi alam ni Ia kung talagang inaasar siya ng langit. That Monday, it was raining cats and dogs and she had to visit a site in Nueva Ecija. Nalaman niya lang na merong reklamo ang existing client before she took over to one of their on-going project.
"Ia, just delay it." Ayaw siyang tigilan ni Em hanggang sa makarating siya sa parking lot, "Parang may delubyo!"
"That's exagerration, Em. Tiyak na pagdating ko sa NLEX ay wala nang ulan." Kalmado pa rin siya habang isa isang kinukuha ang folder na bitbit ni Em para tiyaking wala na siya nakalimutang kontrata at plano.
"Hala, Ia." Yun ang huli niyang narinig nang sarhan ang pinto ng kanyang sasakyan.
She was on fire as long as it is call of duty. She wanted to correct everything that FRINC has done than being bad mouthed about poor project execution. Naging mas metikulosa siya lalo't kailangan niyang patunayan ang sarili.
Ang hindi niya inaasahan ay ang ulan na hindi talaga tumigil at mas lumukas pa. Naisip niyang umuulan ang buong Pilipinas sa sobrang katigasan ng ulo niya. Napangiwi siya nang mawalan ng koneksyon ang kanyang Waze nang pumasok na siya sa Tarlac.
"OMG." She was terrified, hapon pa lang pero ang dilim na ng langit. Binabaybay niya ang Tarlac, she saw houses but more rice fields after. Nakita niya ang susunod na daraanan ay puno ng tubig, she was speeding when she felt her wheels feel somewhere deep. Gumewang ang kanyang sasakyan at narinig niyang gumagasgas ang kung ano sa kung saan, she waited until the road was flat. Bumaba siya para silipin ang sasakyan kahit ang lakas ng ulan. Namutla siya nang makita na laslas ang kanyang gulong. A sharp stone could have peeled her wheels off.
Nagmamadali siyang bumalik ng kanyang sasakyan dahil basa na siya agad. Hindi niya alam ang tatawagan. She tried google pero walang sapat na internet connection ang mahagilap. Although she was able to text Domini noong nasa NLEX siya na hindi siya makakauwi dahil sa trabaho, hindi niya rin naman mahihingian ng tulong ito dahil napakalayo na niya at hindi niya rin alam kung nasaan siya.
"God!" Inis niyang sinipa ang flooring ng sasakyan niya.
Malabo ang visibility niya dahil sa lakas ng ulan, wala ring dumaraan. Naisip niyang maghintay hanggang sa tumila para makapaglakad siya. Inihiga niya muna ang upuan ng sasakyan at pumikit nang marealize niya na kailangan niya lamang maghintay. Nang magising siya ay malakas pa rin ang ulan pero hindi kagaya ng kanina, napasinghap siya nang makitang alas-sais na ng hapon. Tiningnan niya ang cellphone, may mga missed calls pero wala na siyang signal muli.
Nakita niya ring papaubos na ang gasolina ng kanyang sasakyan kaya kailangan na niyang patayin iyon. Inuntog untog niya ang ulo sa manibela hanggang sa makarinig siya ng katok mula sa bintana.
"Hezekiah." pakiramdam niya ay merong effects na nagpaliwanag ng buong paligid nang makita niya si Orion. Nakapayong ito at tinatawag siyang lumabas. Nagmamadali niyang binuksan ang pinto na parang bata.
"Are you okay? Bakit ka tumuloy mag-isa, may company driver tayo." Sunod-sunod na sambit nito habang isinasakay siya sa sasakyan.
"I am okay, napadaan ako sa malalim na lubak at naflat. Kundi nangyari iyon ay naroon na siguro ako sa site, ikaw, bakit nandito ka?"
"Obviously, I am worried. I just knew this would happen."
"Ah, baka mangkukulam ka."
"Manghuhula iyon."
They drove further. Naghahanap sila ng masisilungan. Madilim. Ang sabi ni Orion ay nasa parteng Tarlac sila pero wala sigurong kuryente dahil sa malakas na ulan. They found a hostel, or a motel. Wala iyong kuryente kaya di nila tiyak kung bukas pero nagbakasakali pa rin si Orion. Ilang saglit pa ay bumalik na ito.
"May bakanteng kwarto pero wala ngang kuryente. Sira ang generator at sila na rin ang huling motel. Better than none." Nagkibit-balikat si Orion at inalalayan siyang bumaba. May dala itong backpack. He always bring change clothes, iyon ang napansin niya rito.
Kubo-vibes ang hostel. Gawa sa kawayan ang pader at sahig, simple rin lang ang kama. Kung tatanawin ang bintana ay madilim na bukid na parang walang hangganan iyon. Isang dalawang oil lamp ang ibinigay sa kanila, isa sa banyo at isa sa silid. Hindi niya maramdaman ang init dahil presko talaga.
Orion gave her a pair of boxers and a dress shirt. Pinauna siya nitong magshower dahil nabasa na rin siya ng ulan kanina. Kahit walang heater ay naging matapang siya sa lamig. Hanggang tuhod ang puting dress shirt ni Orion nang isuot niya iyon however it gave her comfy warmth na kanina niya pa hinahanap.
Kakatapos pa lang magshower ni Orion (wearing a boxers and sando) nang may kumatok sa kanilang kubo, may nagdeliver ng kanilang makakain. It was a simple dinner of porkchop, longganisa, salted egg with tomatoes and rice but she was impressed. Excited siyang kumain at ganoon din si Orion.
Ang weird na nakakarinig siya ng iba't ibang tunog ng insekto sa paligid. Tumira man siya sa squatter pero iba pa rin ang tunog sa probinsya, parang napakalapit sa nature, and she wants that kind of silence kahit pa sabihing walang kuryente. Naramdaman niyang lumapit sa kanya si Orion, nang lingunin niya ay may inaabot sa kanya itong libro.
High Fidelity by Nick Hornby
"Do you like to read together?" Tanong nito sa kanya. Inilapit nila ang oil lamp sa bed side table at sumiksik sila sa isa't isa para mabasa ang bawat pahina, it was an effort but a good one.
Madalas ay natatawa sila pero napapaisip sa bawat linya na binitiwan ng author. The novel is a dark humor, Orion started to read loudly, minsan ay siya. She likes the peace and calm that books give her.
'Why is failure the first thing I think of when I find myself in this sort of situation? Why can't I just enjoy myself? But if you have to ask the question, then you know you're lost: self-consciousness is a man's worst enemy.' She reads.
"Why can't you?" Seryosong tanong ni Orion. "why can't you just enjoy yourself?"
"Why can't you?" Tanong niya rin pabalik. Hinilot niya ang kanyang batok sa pananakit.
"Come here, continue reading." Iginiya siya ni Orion sa pagitan ng mga hita nito para i-masahe ang kanyang batok na nangangalay na. She's still reading while the soothing massage was on-going.
Ilang sandali pa ay hinalikan ni Orion ang kanyang batok, "I missed you this close." He mumbled. "I wish we could stay like this forever."
Natahimik siya, she silently wishes that too, hindi niya lang maamin.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Social media accounts, hope you'll like my posts to help me with my campaigns: Like my ig and fb posts! Yung latest lang :)
Instagram & Twitter: Wandermaki
Facebook Page: Makiwander
Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro