Mapang-akit na gumigiling si Hezekiah sa maliit na stage ng Penpen. Naglalaway ang mga kalalakihan na namumula na sa kalasingan. Sabik ang mga ito sa maputi at mabibilog niyang binti. Kumapit siya sa pole at naglambitin doon. May pumalakpak na isa.
"Hezekiah, ite-table kita ha!"
Nagkagat-labi siya kay Mang Ronald na asawa ni Aling Gigi. Suki ito ng Penpen, maliban na lang kapag sinusundo ng asawa. Wala tuloy gustong tumable na babae rito dahil nadadamay sa flying kick ni Aling Gigi. Mas lalong nanabik si Mang Ronald at halos abutin siya sa stage kundi lang mabilis ang mga bouncer.
Hindi rin naman pinapayagan ni Daisy na tumable si Hezekiah. 'Por your eyes onli.' Sabi nga nito. Hindi rin naman siya pinipilit ng mga kasamahan nila. Mas pabor nga ito sa kanila dahil hindi na siya makikihati sa potential kita ng mga ito. Swelduhan lang siya ni Chief Greg tuwing sumasayaw siya sa gabi, kapag sinuswerte ay nababahagian siya ng tip ng mga tume-table pero hindi naman kalakihan iyon dahil mga taga-squatters din lang ang mga parokyano nila.
Eksakto ala-una ay umuuwi na si Hezekiah, alas-tres naman umuuwi ang kanyang ina. Binuksan niya ang ilaw sa maliit na tahanan nilang mag-iina. Naabutan niya si Natoy na natutulog sa sofa at may yakap-yakap na libro. Umupo siya para tingnan ang kapatid. Kinuha niya ang libro na yakap nito at binasa ang mga assignment na ginawa. Itinama niya ang ilan bago naghandang matulog.
Inilabas niya sa paperbag ang hiniram niya kay Ashley na bathing suit, gagamitin niya iyon sa Frat party ng Delta Kappa Phi. Kulay puti iyon at tiyak niyang bagay na bagay sa kanyang makinis na kutis. Nanghiram pa siya ng gagamiting accessories. Wala siyang balak na sabihin sa mga kaibigan na nakapulot siya ng invitation para sa frat party. Gusto niyang kumilos ng tahimik. Saka na lamang siya magmamalaki kapag nagkaroon ng resulta ang pagpupursige niya.
Kinabukasan ay hindi mapakali si Hezekiah dahil sa anticipation sa frat party. Nagpaalam siya sa ina na aabsent muna sa club dahil mayroon siyang assignment. Hindi niya masabi ang plano dahil tiyak na pagbabawalan siya nito. Tuso raw kasi ang mga mayayaman. Mabuti pa raw ang mga mahihirap, may kaunting konsensya pero ang mga mayayaman ay wala.
Naglalakad siya kasama ang mga kaibigan sa kahabaan ng Xavier Hall nang matigilan si Becca.
"Hayyyy, Orion is really gwapo." Tila nananaginip na sambit ni Becca.
"He never noticed you girl kahit pa sa middle school. Hindi ba engaged na 'yan bata pa lang siya?" Pagpupunto ni Kendall.
"Yeah. But it is not like he's really faithful. He has harem of girls here while her girlfriend is so busy with her studies sa kabilang school."
"And you want to be part of that 'harem'? Yuck ha." Em shook her head.
"Well, they are all like that sa Delta Kappa. Feeling blessed pa nga ang mga naging babae nang mga iyan." Kendall added.
Clueless si Hezekiah sa pinag-uusapan hanggang sa marinig niya ang Delta Kappa, nagbigay siya ng atensyon. Nilingon niya ang lalaking pinag-uusapan, nakatayo ito sa bulletin board na parang may tinitingnan. Hindi naman mahirap makita dahil sa tangkad at laki ng katawan nito. His hair is neatly combed in place but his physique says he's no where near a good boy.
Tingin niya ay nagtatagal ito sa gym. His jaw is well defined, his nose is prominent while his lips, his naturally cherry lips looks so smooth and soft. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay nanlambot ang tuhod niya nang tingnan siya ng mga mata nitong malalim kung tumingin.
"He's looking at our direction!" Kinikilig na wika ni Em. "Gusto kong mag'hi' kaso baka he cannot remember us, ah! He's like a god. Siya na raw ang frat leader next year."
Sinalubong ni Hezekiah ang tingin ni Orion. He's not shy. Nakipagtitigan nga ito sa kanya. Ganoon din siya. Kung hindi ito mahiyain, mas lalo siya. Nagkagat labi si Orion, she simply played with her hair. Isang flirty gesture na laging gumagana kay Gardo.
"Oh my, ayun na si Tommy! Tommy!" Nagmamadali siyang hinila ni Becca patungo sa class treasurer nila, nagulat pa ang kaklase ng palibutan nila. "Hindi ba, Hezekiah paid the contribution na, Tommy? Ayusin mo ang list ha! She's sure she paid it already."
Napakamot ng ulo si Tommy. "B-becca kasi wala ang pangalan niya sa---"
"Hay nako, you must have mistaken na naman! Baka ibang pangalan ang nailista mo. Bahala ka! Paid na si Ia. She won't pay again."
Umiwas siya nang tingin nang mapatingin sa kanya si Tommy, ang nerd niyang kaklase na may gusto kay Becca kaya siguro hindi na lang nakipagtalo. Ang totoo ay hindi pa siya bayad. Magbabayad naman siya pero kapag nagkapera na siya.
Lumingon muli si Hezekiah sa direksyon ni Orion. Magnanakaw lamang sana siya ng tingin pero nakatitig pa rin sa kanya ang lalaki. Bahagyang kinagat nito ang pang-ibabang labi at hinilot ang batok nang magtama ang mga mata nila. She ran her fingers through her hair. Mukhang kilala na niya kung sino ang magiging target niya sa Delta Kappa, at sisimulan niya na iyon sa Frat party na pupuntahan niya.
---
It was Friday night. Kulay asul ang kadalasang puting-puting Frat House ng Delta Kappa dahil sa spotlight na naka-set up sa mansyon, sa harapan ay malawak na garden lamang, wala roon ang mga tao pero maririnig ang malakas na musika sa loob.
Tanaw niya ang isang flagpole na mayroong asul na watawat ng Delta Kappa na iwinawagayway ng malakas na hangin.
Nagdoorbell si Hezekiah sa mataas na gate. Walang kahit anong kaba na nadarama. Why should she? Ito naman ang pinakahihintay niya simula umapak siya sa college. Bumukas ang pinto. Bumungad ang may edad na security guard na mukhang bouncer dahil sa laki ng katawan, clean cut at puti ang kulay ng patilya.
Agad niyang ipinakita ang invitation card na napulot niya kahapon.
"Who invited you?" Tanong ng bouncer sa natural na ingles. Sosyal, she thought.
"Well, I have the invitation. Does it matter?" Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.
"Yes it does."
She was caught off guard. Sino ang sasabihin niya gayong napulot lang naman niya talaga ang kanyang imbitasyon?
"If you just copied that invitation from your friend, get lost." Akmang isasara na ng security guard ang pinto nang may maalalang pangalan.
"Ano, si—si Or—Or—" Ano nga ulit yun?
"Or—li—an. Si Orlian." Sa wakas ay nabanggit niya.
"Sino?"
She smiled confidently, "Si Orlian, Sir. Tama. Ibinigay niya sa akin itong invitation kahapon. Ewan ko ba. Nagkataon hindi naman ako busy, wala akong gagawin kaya dumaan na rin ako. Tapat lang ng school, diyan lang ako nag-aaral." Turo niya pa sa university na kaunting ilaw na lang ang nakabukas ngayon.
Kumunot ang noo ng kausap, may kinuha ito sa pantalon na walkie talkie, "Security Breach. Do you copy? Security Breach on the entrance."
Mabilis niyang pinigilan ang security guard, "No, no. Ano ka ba naman, Kuya. Napakajudgemental! Baka pwede naman nating pag-usapan, wait lang ha, tatawagan ko lang yung nag-imbita sa akin..."
Huli na ang lahat, tatalikod na siya nang hawakan siya ng braso ng kausap. Nakita niyang bumukas ang main door ng frat house. Mayroong tatlong lalaking tumatakbo patungo sa direksyon niya, pilit niyang hinihila ang braso niya pero wala siyang magawa.
"Aalis na lang ako, Sir. Boss. Aalis na lang talaga ako."
"What's the problem, Johnson?"
"She is the problem. She said that she was invited and making up names—"
"I invited her. Hi." Pormal ang boses ni Orion, malalim, malaki.
Lumuwag ang kamay ng security officer na may hawak sa kanya. "Are you sure, Orion?"
Nag-angat ng tingin si Hezekiah at nakita niya nga ang binatang tinutukoy niya. Orion. How could she forget the name? Nakasuot ito ng puting polo shirt at khaki shorts. Pormal at istrikto ang anyo ng binata pero hindi alam ni Hezekiah kung bakit nanunuyo ang kanyang lalamunan nang mapasulyap siya sa kamay nitong halatang nagbubuhat sa gym.
"H-hi?"
Inanyayahan siya na pumasok ni Orion, hindi man sila sabay maglakad ay naaamoy niya ang panlalaking pabango nito, fresh, minty and a bit sweet, nakakaliyo sa magandang paraan, parang ang sarap mapaloob doon.
Palinga-linga siya sa paligit. The frat house was everything lux and totally fancy. It looks powerful and sleek, very manly. Sa harapan ay may emblem ng initials ng Delta Kappa Phi. Sa malawak na garden naman ay ang well-trimmed bermuda grass. May tatlong na poste ang entrada ng Frat house. Hezekiah read about that, it meant the three pillars of Delta Kappa, Don Galo de Salcedo, Don Juan Limahong and Don Pedro Galvez. Hindi niya maiwasang mapakagat labi dahil natatandaan niya pa ang pangalan ng matandang tao kaysa sa pangalan ng lalaking kanina lang ay nakipagtitigan pa siya.
Isang malaking wooden narra two-door, na mayroong black varnish at accent na brass handle ang hinintuan nila.
"In the invitation it said, swimwear or nothing, right? So which one you decided to be on?" Kalmanteng tanong ni Orion na parang bang hindi personal ang tanong nito. Sabagay, nakasulat nga naman sa invitation.
Ibinaba niya ang bag sa sahig at inisa-isang tanggalin ang butones ng suot niyang dress. Orion was just staring at her. Para siyang napapaso sa tingin na iyon. It was not a gentleman stare, neither a pervert stare. He was just staring- that you are oblige to undress in front of him like he owns you, like he has every right of you.
Nang nasa huling bahagi na siya ng butones ay nakipaghamunan siya ng tingin kay Orion. When she finally release the final button, kitang-kita niya ang pagpipigil nito ng hininga. She's wearing an underboob white bikini that shows how proud she is with her tanned stain-free skin. It was a high-cut t-back na kitang kita ang kanyang singit.
Inalis niya ang suot niyang messy bun at lumantad ang buhok na isang oras niyang kinulot bago pumasok sa eskwela. Umabot pa rin iyon sa kanyang beywang. She removed her cream stilettos, her bangles chimed when she fixed her hair.
"Swimwear." She smiled.
Nagkibit-balikat si Orion at pumasok na sila sa loob ng frat house.
She couldn't believe her eyes on what is happening inside. Ang mga pamilyar na mukha ng kanilang unibersidad ay naroon, ang ilan ay walang damit habang naglalakad at may hawak na red plastic cup na palagay niya ay puno ng alak.
"Are we all eighteen—"
"And above, yes." Seryosong sambit ni Orion. "Okay, mingle and have fun. Find whoever it was that invited you."
Hindi na siya nakahabol ng sasabihin pa. Anak ng Tinapay.
Nakabawi agad siya sa pangiiwan sa kanya ni Orion. Every second counts, kailangan ay maimbitahan pa rin siya next month. Kung hindi si Orion, meron pa naman siguro siyang mabibingwit pa. Lumapit siya sa buffet table, wala halos bawas ang mga pagkain kaya kumuha siya ng marami, walang nakakapansin sa kanya.
Doon niya napagtanto na iba pa rin ang timplang pangmayaman, di kagaya ng sine-serve sa Penpen, 'sorry Mang Caloy at Aling Fely.'
Naparami siya ng buttered tiger prawn at pasta. Panay ang ngiti sa kanya ng food servers dahil siya lang ang tumatangkilik sa pagkain. Nang mabusog ay kumuha naman siya ng wine. Inamoy niya.
In fairness, malayong-malayo talaga sa gin tonic na kadalasang ladies drink ng kanyang ina sa Penpen. Nakadalawang shot glass siya ng champagne habang nagmamasid sa paligid. Men and women are literally having sex everywhere. Naglakad pa siyang muli at sa likod ng mansyon, doon tumambad ang malawak na swimming pool. Nagkakatuwaan doon ang frat boys, may nakakaengganyong ilaw sa swimming pool kung saan nagaganap ang pool fight, may mga nakapasan sa balikat ng frat boys at nagtutulakan ang dalawang babaeng nakasakay doon.
Panay ang tili ng mga naroon. Sa madilim na bahagi, may nagme-make out, sa bar area ay ganoon din. Literal na walang pumansin sa kanya dahil palagay niya ang lahat ay mayroon nang date.
Pumasok siyang muli sa mansyon. Magtu-tour na lang siya para hindi mainip.
Sa isang wooden staircase niya inihakbang ang mga paa. Pinagmasdan ang iba't ibang flag na may iisang simbolo ng Delta Kappa Phi. Nagpalit ng kulay at tela ang mga ito pero ang gintong logo ng mga ito ay ganoon pa rin. Sa ilalim ng punit na flag ay tiningnan ni Hezekiah ang nakasulat.
January 1945-1955. First Flag. Ordered by Don Galo de Salcedo. The brethren used this flag for a decade.
Hinawakan niya ang lumang tela na kupas na, halos malagas na nga ang ilang bahagi. Napangiti siya nang mahawakan ang lumang watawat na bahagi ng kasaysayan. Ang sumunod na mga watawat ay pinapalitan na rin tuwing isang dekada.
'Interesting', she thought.
Sinilip niya ang paakyat sa second floor ng frat house. There's a hallway with white doors opposing each other. Hindi mo iisiping lalaki ang nakatira dahil sa ayos nito. Nakita niya ang isa pang hagdan patungo sa third floor, the house is more than three-storey, she knows, sa taas ng frat house, imposibleng tatlong palapag lamang iyon.
Binuksan niya ang unang pinto na pinakamalapit sa hagdan. Nakita niyang billiard hall iyon na merong tatlong table. Merong display na soccer balls at soccer jersey din na nakasabit sa pader. Sinarhan niya ang pintong iyon. Binuksan niya ang pintong katapat non, taliwas sa billiard hall, palagay niya ay dalawang kwarto ang sinakop nito. Mayroong malaking projector screen sa harap at bean bags naman sa harapan. Merong brass plate na nakadikit sa pader kung saan nakalagay ang lahat ng pangalan ng miyembro ng Delta Kappa, hinanap niya ang pangalan ng ama. Fausto Ricafort. Hinawakan niya iyon at napangiti. Kahit papaano ay napasok din niya ang mundo nito.
Hindi naman siya nangungulila sa kalinga ng isang ama, ang alam niya lang ay hindi rin madali ang mabuhay na tanging ang Nanay niya lang ang bumubuhay sa kanya. She was not given much of a choice growing up, kung ano ang meron, pagtyagaan. Kaya nga siguro, kung pasensya lang ang pag-uusapan, marami siya non.
Sinarhan niya ang silid na tanto niya ay meeting room. Pumunta pa siya sa isa, madilim iyon na may mas malaking projector sa harapan. Hinanap niya ang switch ng ilaw pero dim light lang ang bumukas. There were about 25 recliner chairs and a wine cellar beside the white projector screen. A mini theatre. Wow, these boys are living 'the life'.
Ang sabi ay libre ang pagtira rito ng miyembro ng Delta Kappa Phi pati na rin ang pagkain, kuryente, internet at ang kanilang monthly frat boys party. It is being financed by the previous members as a continuous grace from the brotherhood. Sabagay, hindi naman ang lahat nang gustong sumali ay makakasali. Mamili ka sa tatlo, 1.25 na grado na pinakamababa kada semestre o miyembro ng kahit anong sports team o di kaya ay anak ka ng isa sa mga miyembro.
Lumabas sa mini theatre si Hezekiah at pinuntahan ang panghuling pinto sa second floor, ito ay nakapuwesto sa pinakadulo at sentrong bahagi ng palapag. She was astounded to see a floor to ceiling wide bookshelves. Dalawang long table na gawa sa hardwood ang nakapuwesto sa gitna, may nakahilerang MAC computers ang bawat silya. Imbes na kurtina, ang bagong bersyon ng Delta Kappa flag ang nakatakip sa bintana.
Naglakad si Hezekiah papalapit sa mga libro. Oh how long she have been dreaming of this! Nakaayos ang libro ayon sa genre. Mukhang lahat ng gusto niyang libro ay naroon. Are frat boys a voracious readersbriy ?
Kumuha siya ng isang libro mula sa genre ng 'Classic Literary'. Napangiti siya nang makita ang libro na matagal an niyang gustong mabasa, 'The Art of War by Sun Tzu'.
Umupo siya sa wooden ladder na nakapuwesto roon sa mga libro at nagsimulang magbasa hanggang sa mawala na siya sa kasalukuyan at parang dinala na siya sa ibang dimensyon. Nasa kalagitnaan na siya ng pagbabasa nang biglang bumukas ang pinto sa library, halos bumaliktad siya sa kinauupuan sa gulat.
Napahawak siya sa dibdib nang makita roon si Orion.
"What are you doing here? Who brought you here?" Masungit na tanong nito.
"Ah, nag-ikot ikot lang ako kasi—"
"And you are reading a book in our party. Aren't we a bunch of good host?"
"I—I---"
"Did you find who invited you?" Kinuha nito ang libro na hawak niya na para bang isa iyong distraksyon sa kanya dahil mahigpit ang yakap niya roon. Sinulyapan muna ito ni Orion bago ibinaba sa lamesa.
"N-no one invited me.." Napapikit siya, "fine. Aamin na ako. Napulot ko lang talaga ang invitation sa Manila Observatory kahapon. I got curious so I decided to go. I mean, yeah, pwede naman na akong umuwi. Ngayon din."
Tumalikod na siya at naglakad papalapit sa pinto nang magsalita si Orion.
"What's your name?"
Pinag-isipan niya pa kung sasabihin niya o hindi. Alin kaya ang hindi siya mapapahamak?
"Name." Ulit ni Orion.
"Hezekiah. My friends calls me Ia." Nilimitahan niya ang impormasyon.
"How was the book? What's your favorite part?"
Humarap siya nang maayos kay Orion, kesohodang nakaswimsuit lang siya. She smiled dreamily.
"Appear weak when you are strong, and strong when you are weak." She recites her favorite line in the book, smiling.
"I thought, 'Attack him where he is unprepared. Appear where you are not expected.'" Orion quoted from the book.
"H-ha? A-ah, nag-gate crash kasi ko. I get what you mean. Sorry."
Orion smirked, "Did you finish?"
Hindi alam ni Hezekiah kung bakit iba sa pandinig ang tanong na iyon ni Orion. Kakabasa niya siguro ng erotic novels kaya dumumi na rin ang utak niya.
Ngumiti siya at umiling.
"Here. You may borrow and take this home. Read it over the weekend and return that to me." Ani Orion. "I'll see you on Monday, Gonzaga, lunch time."
"A-ah.. Okay. Sige, isasauli ko ito at hindi sisirain, promise. Salamat."
"Welcome, Hezekiah." Mabagal na bigkas nito habang mataman siyang tinitingnan.
♁☆♁☆♁☆♁☆
How to thank me for writing free stories:
1 VOTE AND COMMENT
2.Please follow the following accounts:
WATTPAD: @Makiwander
Facebook Page: Makiwander
Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
3. Don't hate, spread love! Silently leave the story if it is not for you. Your opinion matters but this is free stuff, huwag mag-amok :)
4. Buy my published book if you can afford it :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro