Kabanata 13
A/N: Pasensya sa delay! Mahirap magresearch, ewan ko ba bakit ko pinapahirapan sarili ko! lol
--
"England is not only rich in economy and in beauty but also in history. Kaya nga siguro yung mga lumaki na rito, wala nang pakialam kung dito rin sila mamatay." Tiningala ni Hezekiah si Domini. He's tall and brusque. Taliwas kay Orion, he's carefree and very spontaneous. His aviators emphasized his prominent nose and well-defined jawbone, kapag pinagdikit naman nito ang labi ay lumalabas ang mahabang dimples nito sa pisngi. They said it is a facial deformation pero bumagay iyon kay Domini.
Iniabot sa kanya ng binata ang vanilla ice cream na binili nito sa ice cream truck. Malamig ang hangin kahit na mataas ang sikat ng araw. She has to wear two shirts underneath her trenchcoat at niyayakap niya pa ang sarili.
"Ice cream sa lamig ng panahon ngayon?" Reklamo niya. Ikalawang araw pa lang niya sa UK pero hindi pa siya nakakaramdam ng homesick dahil panay ang tagalog niya sa kausap na si Domini.
"You know how to counteract cold? It is to take another coldness in, hanggang mag-adjust ang katawan mo. Survival instinct. It works with people, too. If it is beginning to get cold around them, they'll be colder inside. Kaya nga ang solusyon sa nanlalamig na karelasyon is manlamig ka rin. That way you won't feel the pain. Hindi ka tatablan. "
"Ang dami mong hugot sa love." Umupo silang dalawa sa bench, facing an old architectural structure. Sa harap non ay merong estatwa si Millicent Fawcett, she read her from the books. She was the president of National Union of Women Suffrage Societies in 1897 and the reason why women were allowed to vote in early 1920s. Siguro ang rason din ng Woman Power.
"I was fooled. Tsk. I mean, Millicent Fawcett," itinuro pa nito ang estatwa, "she gave women a voice, then why it is very usual that some people control women in their family to marry only those who are friends with their family. Minsan lang ako nag-propose for marriage, nabasted pa ako kasi ipinagkasundo pala siya sa iba." Reklamo nito at saka kinagat ang malamig na ice cream, siya na mismo ang nangilo para dito.
"Kung ano-ano pa ang idadahilan sakin kesyo masyado pa raw kaming bata, ayaw niya ng LDR, at alam mo ang pinakamalalang sinabi niya sakin?"
Matamang nag-abang si Hezekiah, "Ano?"
"Supot daw ako."
"Hindi nga?"
"Eh ano naman kung supot nga ako?" Malakas na tanong nito.
Pinigil ni Hezekiah matawa pero hindi niya napigilan. Domini Croix, a half-Filipino, half- Brit, hindi pa tuli? Sa unang pagkakataon ay natawa siya ng husto. It was as if her burden became lighter, and a splash of colors suddenly brightened the day.
"Hey, hey!"
"Sorry, hindi sa racist ako ha. Pero bakit ba hindi uso ang tuli dito sa England?"
"You are just like her. Una, what's wrong with being uncircumcised?"
Nagkibit-balikat si Hezekiah, "Ewan." Wala naman talaga siyang ideya. Hindi rin siya nagresearch ukol dito but she read somewhere that less than 1/5 in England were uncircumcised. "Hindi ko rin alam ang pagkakaiba."
"Then I better show you." Tumayo si Domini sa kanyang harapan. Seryosong itinapon ni Domini ang natitirang ice cream cone at bahagyang inindayog ang beywang. Nakahawak pa ito sa butones ng pantalon. Pinanlakihan siya ng mata nang bigla na lang nitong ibinaba ang zipper. Sa kanyang gulat ay napatili siya at napatakip ng mata.
"Ahhhhh!!!" Nagpanic siya, pervert ba si Domini? Alam nito ang kanyang bahay. Bakit ba hindi siya nag-ingat? Mapapahamak ba ulit siya?
"Hey! I am just kidding!" Nataranta rin si Domini sa reaksyon niya. Kasunod 'non ay malakas na pagpito at dalawang pulis ang tumatakbo sa kanilang direksyon.
Iba ang lenggwahe na ginamit ng isang pulis na mukhang galit sa kanilang dalawa ni Domini. Naghahanap na siya ng escape plan. Iiwanan niya si Domini kung sakaling makulong ito. Mabagal siyang tumayo habang abala si Domini sa pagpapaliwanag sa French na mukhang masaya pa.
Natatawa pa ito sa dalawang pulis na nakasimangot naman at mukhang hindi tinatanggap ang paliwanag niya. Maya-maya pa ay kinuha ni Domini ang kanyang kamay.
"T-teka, bakit ako kasama?" Atubili siya. Domini winked at her.
"Don't worry, it'll be fun.." at binitbit siya sa presinto.
Nakaposas nilang hinarap ang police officer. Nakangisi pa rin si Domini samantalang siya ay naiinis dito. Hindi siya makangiti. Paano niya ibabalita kay Fausto na kailangan niya ng pampyansa sa ikalawang araw niya sa UK? Pakiramdam niya ay nasa pelikula siya. Bakit siya hinuli e si Domini naman ang nag-iskandalo?
"I was just kidding, mate!" Nakatawang sambit nito. "I am about to get my trash after my dance, no problem."
Magkasalubong pa rin ang kilay ng officer. Ibinaling nito ang tingin sa kanya.
"And you? Why were you shouting in Parliament Square? It is bloody three o' clock in the afternoon and you make such scene."
"I am sorry, Sir. He was trying to show me his penis."
Napangaga ang mga pulis pagkatapos ay natawa. Nakatakip pa ang mga ito ng bibig na hindi makapaniwala. Siniko siya ni Domini dahil sa kanyang sinabi.
"Di ba ipapakita mo naman talaga sa akin sa gitna ng park! Bastos!" Umirap siya rito.
"Nagpapatawa lang ako."
"Malay ko ba kung seryoso ka?"
"Syempre hindi!" Pagtatalo pa nila.
"Is it big?" Tanong ng pulis sa strong British accent nang matigil na ito sa tawa.
"I don't know, Sir but apparently he wants to amuse me with his uncircumcised d-dick." Mas lalong lumakas ang tawanan sa presinto. Samantalang palalim na ng palalim ang kunot ng noo ni Domini.
Pinakawalan din naman sila pagkatapos ng ilang minuto. Sinabihan lang sila na bawal magkalat at mag-ingay lalo't ang karamihan sa kawani ng gobyerno ay naroon.
Hindi pa rin maalis ang paghagikgik ni Hezekiah habang naglalakad sila papabalik sa apartment niya. Bubulong-bulong si Domini, hindi itinatago ang pagkapikon sa kanya.
"Stop, I was just kidding there." Suway nito sa kanyang pagngisi.
"Okay lang naman, Domini. Kasi ano, t^ti mo naman yan."
Namula ang binata mula pisngi hanggang tainga. "I – I was circumcised when I was 18, in the Philippines. Kaya nga ako umuwi, alright?"
18? Nasa isip ni Hezekiah. Tsktsk, kawawang doktor kung totoo nga iyon.
"Sabi mo 'e." She entered the pin code in her apartment's main door. Naiwan si Domini sa ibaba ng baitang ng six-step stairs bago ang entrance ng apartment.
"Hindi ka naniniwala?"
Nagkibit-balikat siya bilang tugon.
"Tuli ako, Hezekiah. Tuli ako. Tuli ako!" Ulit nito ng mas malakas.
"Uy, congrats, Bro." May dumaan sa likod ni Domini at tinapik siya sa balikat. Mag-asawang mukhang Pilipino ang itsura, tumawa rin ito ng malakas pagkalagpas sa kanila. Mas lalong nainis si Domini at napahiya.
Sinugod tuloy siya nito. He pinned her on her front door with his arms. Unti-unting naglaho ang kanyang pagtawa at napatitig na lang kay Domini. His eyes were intense, although it is gray in the morning. Domini was studying her face. Kumibot ang labi nito at pumikit ng mariin, nang dumilat ay may bakas ng lungkot sa mga mata.
"God, you really look like her." He whispered.
---
"Nay, Natoy. Naisip niyo bang makakaexperience tayong tatlo ng snow?" Bulong niya sa urn ng dalawa. Inilagay niya ito sa may bintana kung saan matatanaw ang puting puti na snow sa paligid dahil simula na ng winter.
"Basta kapag lumabas tayo diyan sa labas, 'wag mong ilalabas ang dila mo para tikman ang snow, para kang tanga."
Sumimangot siya nang marinig si Domini sa kanyang likuran. Pakiramdam niya ay unti-unting bumabalik ang kanyang sigla, at lakas. Thanks to Domini na lagi siyang kinakausap.
"Argh! I hate that this is happening! Lord, why!!!??" Parang nahihirapan pang sambit nito. "Alam mo bang kung sino ang kasama mo sa first snow fall, ibig sabihin, yun na ang makakasama mo buong taon? Kasabihan yon sa Korea."
Binato niya ng unan ang binata. "Eh bakit ka kasi natulog diyan sa sofa ko, may bahay ka naman. Saka Koreano ka ba?"
"Malay ko bang mag-i-snow pagkagising natin. Saka ayokong umuwi sa bahay, pipilitin nila akong mag-aral."
"Bakit ba kasi ayaw mong mag-aral?" Sinamahan lang siya nito sa buong proseso ng application niya sa Cambridge pero ni minsan ay hindi ito nagbanggit na papasok sa susunod na term.
"Ayokong mag-isip masyado. I am done with being a nerd and stupid."
"Sino ba yang nanakit sa'yo at gusto mong sirain ang buhay mo?"
"As if nasisira ko." Balik nito sa kanya. "Paano ko sisirain ang buhay ko in such a way na hindi ka maliligaw dito sa London? That was the plan, sirain ko ang buhay ko kaso dumating ka, na-delay, so baka kapag nakapag-adjust ka na lang dito saka na ako matutulog sa kalsada."
"Sira ka talaga." Natatawa niyang sambit dito.
"Hindi naman, may puso lang. Pagkatapos mong ikwento sa akin lahat ng pinagdaanan mo, you really think that I can leave you on your own?" Sumeryoso ito at inakbayan siya. "Be happy, Hezekiah. You had a lot to bear growing up. Marami talagang p^tng^na sa mundo but there are also people who are worth living, so live."
Malaki ang iginaan ng pakiramdam niya nang ipakilala niya kay Domini ang totong siya. Finally, someone understood where she came from and why she was here. Filtered lang ng kaunti ang detalye dahil pinapangalagaan niya ang pagkatao ng kaisa-isang tumutulong sa kanya ngayon. Wala siyang karapatang sabihing si Fausto ang kanyang ama kung hindi naman siya nito itinuturing na anak.
Matapos nilang maglinis ng apartment niya, naglakad sila sa labas kahit parang bibigay na ang likod niya sa lamig. Wala nga ring halos nasa labas maliban na lang sa pangilan-ngilan na sasakyan. Hindi na siya makapaghintay na makapagheater.
Nang mapagtanto ni Domini kung saan sila papunta ay bigla na lang itong tumalikod pero hinila niya ito sa coat nito.
"Ayokong magcelebrate ng birthday!" Bulong nito sa kanya nang malapit na sila sa bahay nito. They were just a few blocks apart kaya hindi niya maintindihan kung bakit ang hilig makitira ni Domini, halos parehas lang naman ang kanilang environment.
It is his birthday today. Hindi nito sinabi sa kanya pero nalaman niya ito sa mga kapatid nito nang puntahan siya sa apartment nito.
"Happy birthday, dear Domini!" Lumabas ang pamilya nito sa gate at naglakad papalapit sa kanila. Natatawa si Hezekiah dahil inorganize pa ito ng Kuya at Ate ni Domini at kasabwat pa siya ng mga ito.
"Oh, Domini, my little boy." Isang may edad na babae ang yumakap kay Domini.
"Ma, I am twenty-three." Seryosong sagot ni Domini na nahihiya pa.
"Really?" Humiwalay ang ina ni Domini sa pagkakayakap at malakas na binatukan ito, "E why are you acting like a ten-year old? Get inside! Oh." Napansin siya ng babae kaya biglang nagbago ang ekspresyon nito, "You are Ia? It is nice to meet you. Call me Mama Len."
Pumasok sila sa loob ng bahay nina Domini. Halos lahat ng naroon ay nagta-Tagalog. The older generations are obviously pure Filipino while the younger ones were Fil-Brit kagaya ni Domini.
"We have a big family." Napahawak sa batok si Domini at inabutan siya ng juice. "Argh! I couldn't believe you'll trick me with these."
Different filipino food were served. Halos lahat ay namiss niya. "Mabilis namang mapa-oo si Ia, sabi ko magluluto kami ng kare-kare sa birthday mo, ipinagpalit ka na." Kantyaw ng Ate Sonja ni Domini. Hindi kagaya ni Domini ay baluktot ang tagalog nito but she's trying her best.
"You can always come here, Ia. We have an extra room. Tuwing weekend, nagdadrive ang mga kapatid ko papunta rito to spend time together. Parang nasa Pilipinas na rin. Since ikaw lang ang mag-isa rito, then this is also your home."
"Salamat po, Mama Len."
Everyone was cozying up in the living room after dinner, merong mga foldable mattress at comforters habang nakabukas ang Netflix at nanonood ng horror ang magkakapamilya. Nawala sa paligid si Domini kaya hinanap niya ito. Natagpuan niya ang binata na nasa backdoor, nakatingin sa outdoor fireplace habang naninigarilyo.
Tinapik niya ang kamay nito na may sigarilyo kaya tumilapon ang maliit na baga sa kamay nito. "Aray!" Reklamo nito na halatang nagulat.
"Masyado kang pa-cool. Naistress ang Nanay mo sayo." Pagalit niya rito. "Hindi naman nila kasalanan na nagkamali ka ng piniling babae bakit sila ang pinapahirapan mo?"
Uminom si Domini ng alak diresto sa bote, napailing na lang siya. Gusto talaga nitong magcelebrate ng birthday sa ganoong paraan.
"Obviously, I was a good boy kaya they missed that version of me. Wala e, akala ko madadaan ko sa talino. Pero hindi pala dahil matalino ka sa academics, hindi ka na matatanga sa love. Huwag ka munang tumawa." Pangunguna nito na halatang may tama na ng alak.
"Umuwi ako ng Pilipinas para.." Huminga muna ito ng malalim, "Magpatuli."
Nagsisimula na naman siyang matawa pero naisip niyang bastos iyon dahil seryoso ang kausap kahit lasing na at nagbabago na ang tono.
"I don't mind kung hindi ako tuli that time kasi normal naman 'yun dito. Nasa eroplano ako ako papunta ng Pilipinas when I saw her. Nagkwentuhan kami sa lounge ng eroplano. We clicked. She's pretty, street-smart, and sweet. Then the conversation got deeper. She asked kung bakit ako uuwi ng Pilipinas, I told her, 'magpapatuli'." Patuloy nito.
"She boisterously laughed. Kulang na lang gumulong siya sa sahig. I was so humiliated. Of course. I am 18, crush ko pa siya tapos pagtatawanan ako dahil hindi ako tuli? Hindi yun normal sa Pilipinas, alam ko, pero nakakahiya. Hindi na siya nawala sa isip ko simula 'non. Until I decided to extend my stay in the Philippines, I studied there. I was exceptionally good at school. Then I saw her again. She said she likes me because I am intelligent. I helped her in school so she'll like me more. She's my first kiss. I was so in love that I proposed to her kahit hindi ko pa rin alam ang future. She just laughed at me and said she's not marrying me."
"Basag na basag ako, that was the second time she humiliated me. In the end, sasabihin niyang supot kasi ako, natawa yung mga nagva-violin na nirentahan ko tapos tiningnan nila yung pantalon ko." Hindi ako doon nasaktan, "she told me that we can be in a relationship until college but she'll marry another guy. T^ngina, she's fun, but I hate her fun that night. Parang nantitrip. She's sweet, but behind that sweet pretty face is an emotionless b*tch. Kaya I will never fall for you ever, Ia."
"Ako? Bakit naman ako nadamay?"
Sumenyas si Domini ng 'sandali' at kinuha nito sa ang cellphone nito sa bulsa pagkatapos ay nagscroll doon.
"You fcking look like her." Itinapat nito sa kanyang mukha ang babaeng inirereklamo nito. Pinigilan niya ang panlalaki ng mata.
It's Tanya Ricafort. Ang kapatid niya.
"I will never ever fall for that face again. Ever!" Mariing wika nito.
♁☆♁☆♁☆♁☆
How to thank me for writing free stories:
1 VOTE AND COMMENT
2.Please follow the following accounts:
WATTPAD: @Makiwander
Facebook Page: Makiwander
Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang
Facebook Group: WANDERLANDIA
Instagram / Twitter: Wandermaki
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Youtube: Maki De Luna
3. Don't hate, spread love! Silently leave the story if it is not for you. Your opinion matters but this is free stuff, huwag mag-amok :)
4. Buy my published book if you can afford it :)
Frat boys series 2 & 3 are in xxakanexx and Race Darwin's wattpad account, respectively.
Thanks for supporting!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro