Episode 9 : The pattern of the universe
Episode 9 : The pattern of the universe
Astra
"Parang ang tagal kong hindi naka-akyat dito," sabi ko pagdating namin sa bubong.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni David. "Seriously?" tanong niya pero agad ko siyang hinatak, dahilan para mapa-upo rin siya sa tabi ko.
It's almost dinner, pero nandito kami sa taas ng bubong dahil bigla ko siyang hinatak papunta rito.
"Whenever I feel like crying, or diving into my thoughts, lagi akong nandito para magmuni-muni," sabi ko habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. "When our parents passed away, I needed to come up with a coping mechanism. Naisip ko, ano bang point ng pag-iyak ko? Hanggang sa isang gabi, namalayan ko na lang na nandito ako sa bubong ng bahay at tinatanaw ang malawak na space sa itaas."
Nanatiling tahimik si David. Mula sa peripheral vision ko, nakita ko na tumingin din si David sa langit.
"Nasabi ko na dati akong swimmer 'di ba?" aniya kaya napatingin ako.
"Mmm."
"When I was seven, my parents went missing. Hindi namin alam kung saan sila napunta, o kung anong nangyari sa kanila. We searched for months but we got no leads," sabi niya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya, habang nanatili naman ang mga mata niya sa langit. "Nasa swimming competition ako no'ng malaman ko 'yung balita na nawawala silang pareho. The after three months, bigla na lang silang lumitaw na parang walang nangyari."
Narinig ko ang mahinang pagbuga niya ng hangin bago tumingin sa akin.
"Simula no'n, hindi na ulit ako nag-training for swimming, and I never joined any swimming competition. Naisip ko no'ng bata ako na baka malas ang swimming competitions. Natakot ako na baka sa susunod akong lumaban, tuluyan nang mawala ang mga magulang ko sa akin," sabi niya bago umiwas ng tingin.
Ngayon alam ko na. We both have parents issues.
Napangiti ako bago mahinang natawa kaya napatingin ulit sa akin si David.
"What's funny?" he asked.
"I find it amusing. I'm living the life of those science geeks who can't prove the existence of parallel universe. While others are looking for evidences to find traces of parallel universe, nandito ako at kausap ang counterpart ko," sabi ko bago dinama ang malamig na hangin. "And he's no ordinary. He's a crown prince."
"Kailan mo nalaman?" tanong niya.
"I learned it from the public library," sagot ko. "Bakit pala hindi mo pinaalam sa akin? Pero sabagay, sino nga ba naman ako sa mundo mo para sabihin sa akin ang mga bagay na gano'n?"
"Just," aniya kaya napalingon ako sa kaniya.
"Just?"
"Ayoko lang ipaalam," sabi niya bago humiga. Ginawa niyang unan ang magkabila niyang braso habang nakatingin sa langit. "It's not that I wanted to be in the royal family though. I was just happened to be born as the son of my father, and nephew of the king."
Nakatitig lang ako sa mukha niya habang nagsasalita siya.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'tong pakiramdam na 'to. Siguro dahil iisa lang kami pero galing sa magkaibang universe? Nakakaramdam ako ng connection, na parang may kung anong hindi ako mapunto na pagkakapareho namin. I feel something strange, and I honestly don't know if it's something weird or special.
"Astra? Astra!"
Napalingon ako sa baba nang marinig ko ang boses ni Elle. "Oh bakit? Nandito ako sa taas," sabi ko kaya napalingon siya at napa-angat ang tingin.
"Nakita mo ba 'yung kaibigan ni David? Ano ulit pangalan no'n? Linn ba?" tanong niya.
"Hindi ba magkasama kayo sa kusina kanina?" tanong ko pabalik sa kaniya. Napatingin ako kay David. Marahil narinig na niya ang usapan namin kaya napa-upo na siya bago lumingon sa baba kung nasaan si Elle.
"Oy, anong ginagawa niyo diyan sa taas? Bakit kayong dalawa lang nanadiyan?" mapang-asar na tanong ni Elle bago tumataas-baba ang magkabilang kilay.
"Where's Linn?" tanong ni DAvid.
"Nge. Kayo nga tinatanong ko kasi baka nakita niyo kung saan siya nagpunta," sabi ni Elle kaya nagkatinginan kami ni David bago kami sabay na bumaba ng bubong.
"Kanina nagbabasa lang siya ng libro habang nagluluto kami ni tita Tessa. Tapos paglingon ko wala na siya sa upuan kung saan siya naka-upo. Bigla na lang nalaglag 'tong libro na binabasa niya," paliwanag ni Elle bago iangat ang isang libro.
"Hindi aalis si Linn hangga't hindi ako nagsasabi na may dapat siyang puntahan," sabi ni David bago pumasok sa loob ng bahay.
Napatingin lang ako kay Elle pagkatapos ay sa hawak niyang libro. Naningkit at kumunot ang noo ko nang mapansin na tila pamilyar 'yon kaya kinuha ko 'yung libro mula sa kamay niya. Napatingin sa akin si Elle.
"English 'yan. Nagbabasa ka ba ng English books?" tanong ni Elle pero hindi ko siya pinansin. Bagkus, tiningnan kong mabuti 'yung cover, title, pagkatapos ay ang author's name.
Nanlaki saglit ang mga mata ko nang maalala ko kung saan ko nakita 'tong libro kaya agad akong sumunod kay David sa loob. Nakasunod naman si Elle sa akin na nagtataka kung bakit tila nagmamadali akong pumasok sa loob. Bumungad sa akin si tita Tessa na halatang nagtataka rin kung bakit tila aligaga si David at kung bakit kakapasok ko lang sa loob ng bahay.
"David, tingnan mo 'to," sabi ko kay David na binubuksan ang bawat pintuan sa loob ng bahay. Tila hinahanap si Linn.
Huminto si David sa ginagawa niya. Agad siyang lumapit sa akin bago tiningnan ang hawak kong libro. "Fragments of the Universe," basa niya rito kaya napatingin siya sa akin. "Hindi ba 'yan 'yung binabasa nating pdf kagabi?" aniya kaya tumango ako.
"Ito mismo 'yung libro na hiniram ko sa public lbrary kung saan niyo ako iniwan ni Linn. Akala ko sa pdf lang siya nag-eexist, pero may hard copy rin pala nito," sabi ko bago ako lumingon kay Elle. "Saan 'to nakuha ni gumiho? I mean ni Linn?" tanong ko sa kaniya.
"Nakita ko 'yan sa national no'ng pumunta tayo sa mall. Nauwi ko nang hindi binabayaran kasi bigla nila tayong hinatak palabas ng mall," sabi niya. "Bakit? Anong meron sa libro na yan?' tanong niya.
Binuksan ko 'yung libro samantalang si David naman bumalik sa paghahanap kay Linn. Ilang beses na niyang naikot ang bahay pero hndi naman niya nahanap si gumiho.
"Nahihilo na ako sa kaniya," sabi ni Elle sa akin.
Napa-upo na lang ako sa sofa habang inii-scan ang libro.
Biglang lumapit si David kaya napa-angat ang tingin ko sa kaniya.
"Mukhang naunang bumalik si Linn sa mundo namin," aniya.
"Hindi ba sabay kayong napunta rito? Bakit hindi kayo sabay na bumalik?" tanong ko. Binalik ko ang tingin ko sa libro para tingnan kung may iba pa bang sinabi tungkol sa random na pagpunta at pagbalik sa paralle universe. Pero wala akong nabasa na kahit anong konektado sa mga tanong namin.
"This is a serious problem if this will keep on happening," sabi ko bago isarado ang libro.
"Anong will keep on happening?" tanong ni Elle sa tabi ko. "You mean paulit-ulit silang lilitaw at mawawala na parang bula?" aniya pa bago tumginin sa amin ni David. "Daig niyo pa ghoster sa lagay niyo ngayon."
Nanatili kaming tahimik. Pati si tita Tessa na naguguluhan sa mga nangyayari, pinili na lang na huwag magsalita.
"For how long you stayed in our world?" tanong ni David kaya bigla akong napa-isip.
"Halos isang buong araw?" hindi siguradong sagot ko.
"I mean for how long, in hours?" aniya.
Sandali akong napabilang sa isip ko. "Siguro 18 hours or more?"
"Linn stayed for about 21 hours," sabi ni David kaya napa-isip ako kung anong meron.
"Is there some kind of pattern? Hindi ba random lang?" tanong ko.
"How do you think the universe stayed the same even with major changes throughout the history of mankind without a pattern?" sabi niya kaya mas lalo akong napa-isip. Tanong ko rin sa sarili ko dati kung bakit tila perpekto ang lahat ng bagay sa paligid ko. Ngayon alam ko na kung anong sagot.
"If my suspicion is right, I'll be gone here by 9 p.m.," aniya bago tumigin sa amin. "If the pattern in my head turns out t be right, it's something that has never been proven before."
***
"Para saan 'yung studio mo?" out of nowhere na tanong ko para mawala ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
Naglalakad kami ngayon pabalik sa bahay. Lumabas ako para sana lumanghap ulit ng sariwang hangin pero sumama siya sa akin. Tuwing gabi lang kasi nagiging payapa ang mundo. Tuwing gabi lang din malamig ang hangin ditto sa Pilipinas. Madalang nga kung tutuusin kaya sinusulit ko ang malamig na simoy ng hangin. Dala siguro na malapit na magpasko kaya malamig na naman ang hangin.
"Hide out," maikling sagot ni David. "People need a place where they can hide from the world, from their life when they feel weak and tired, when they're scared and outcast."
Napalingon ako sa kaniya. "Anong paborito mong kulay?" random ulit na tanong ko kaya napatingin siya sa akin.
"Black?"
"Music?"
"That's hard. Pop, ballad?"
"Flavor?"
"I don't eat sweets," aniya.
"Never in your life?" tanong ko kaya saglit siyang ngumiti.
"Strawberry," sagot niya.
"One place you'd like to visit?"
Saglit siyang natahimik. Marahil nag-iisip ng isasagot.
"Palagi kong iniisip magpunta sa beach at least once before I take on the throne. For some reason, I want to stare the sea, enjoy a solemn night in peace, and feel the blessing of the world for the first time," aniya kaya na-imagine ko tuloy 'yung pakiramdam.
Naglakad-lakad lang kami hanggang sa maka-uwi na kami sa bahay.
Wala na si Elle, siguro umuwi na pagkatapos naming kumain ng hapunan. Si Elmond, siguro nasa kwarto na niya dahil nakita ko sa labas ng pintuan 'yung sapatos niya.
Sanay na ako na ganitong oras siya umuuwi. Siguro dahil may girlfriend, o may gala kasama ang mga kaibigan niya. Ayos lang naman sa akin. Buhay naman niya 'yan at nasa tamang edad naman na siya.
I want him to experience how to get the best in life. I don't want him to experience having breakdowns and dark parts of life---although that's something you can't avoid because that's part of life, ayoko pa ring maranasan niya lahat ng masasamang naranasan ko no'ng nasa edad niya ako.
"Sige, pasok na ako sa kwarto ko. Good night," paalam ko kay David. Tumango lang siya sa akin kaya pumasok na ako sa kwarto ko.
Hindi ko nakita si tita Tessa sa sala, kaya baka nasa kwarto na at nagbabasa. Siguro sa kaniya ko nakuha 'yung pagkahilig ko sa pagbabasa, o baka nasa lahi talaga namin ang mahilig magbasa dahil naaalala ko mahilig din si mama bumili ng mga libro noon.
Sinarado ko 'yung pintuan ng kwarto ko, pagkatapos ay umupo muna sa kama, bago dahan-dahang humiga.
Napapikit ako bago niyakap ang sarili ko.
I want to be of any help to David even though I don't want to get involved in his world's mess.
Kahit hindi niya sabihin sa akin, napansin ko sa itsura niya kung gaano kalalim ang iniisip niya kahit pa sinagot naman niya agad ang mga tanong ko sa kaniya kanina. Siguro magaling din siyang magpanggap na ayos lang siya.
Huminga ako nang malalim.
Ang tahimik.
Kinuha ko mula sa bulsa ng jacket na suot ko 'yung cellphone ko. I played a music. For some reason, I'm intimidated by the silence covering the corners of my room.
Is this the feeling he's feeling too?
When you feel like everything's about to end, silence brings chaotic mind rather than inner peace.
Pinilit kong alisin sa isip ko lahat ng tanong na pumapasok sa utak ko. Sinubukan kong alisin lahat ng random thoughts. I tried not to entertain any curiosity dahil hindi lang ako matatahimik.
I know myself. Kapag may isang topic o tanong lang na pumasok sa isip ko, at nakuha nito ang interes ko, hindi na ako titigil hangga't hindi ako na-sasatisfied sa sagot na ako rin mismo ang gumawa.
Instead of dwelling on my thoughts, I tried to sleep while listening to some random musics.
"Ate, ano kayang nasa dulo ng universe?"
Bigla kong narinig sa isip ko 'yung tanong ni Elmond sa akin no'ng mga bata pa kami.
"Hmm. Hindi ko alam. Ang alam ko lang, limited pa ang nakikita ng mga scientist kaya wala ring may alam sa kung anong nasa dulo ng universe," sagot ko noon.
Wala sa sarili akong napangiti kasi naalala ko kung anong itsura ni Elmond noon. Parang nag-iisip talaga siyang mabuti habang may kung anong dino-drawing sa sketch pad niya.
Gumagawa ako ng school works no'n, habang nagluluto naman ng hapunan si tita Tessa.
"Ate, what if nasa loob lang tayo ng isang jar, tapos 'yung may ari ng jar na 'yun ay si papa God?" tanong niya no'n kaya napatingin ako sa kaniya. Hawak-hawak niya 'yung sketchpad niya na nakaharap sa akin, kaya nakita ko agad 'yung drawing niya.
If I remember it right, para 'yong glass jar na hugis bilog. Parang maliit na bowl para sa mga gold fish.
Tapos maraming gano'n kaya kumunot ang noo ko, bago ko siya tanungin, "bakit ang daming jar?"
"Naisip ko lang, baka hindi lang jar natin ang pagmamay-ari ni papa God?"
Bigla akong napadilat.
Napalingon ako sa kaliwa at kanan ko bago ako muling tumingin sa kisame.
Hindi ko alam kung bakit parang pawis na pawis ako eh ang lamig naman.
Agad kong hinubad 'yung jacket na suot ko. Marahil dahil dito kaya ako pinagpapawisan. Hindi ko na pala ito nahubad kagabi nang umuwi kami ni David galing sa paglalakad-lakad sa labas.
Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. 8:30 pa lang ng gabi pero agad na akong nagising dahil sa panaginip na 'yon. Akala ko hindi na ako makakatulog kagabi dahil sa mga tanong na pumapasok sa isip ko.
Although kaunting oras lang ang tulog ko, ayos na rin sa akin 'yon. At least nakatulog pa rin ako kahit papaano nang hindi nag-eentertain ng kahit anong tanong sa isip ko.
Pero come to think of it, ngayon ko lang naalala na may napag-usapan kami ni Elmond na katulad no'ng sa panaginip ko. HIndi ko na masyadong maalala kung ano ang mga eksaktong nangyari sa panaginip ko, o kung anong mga salita ang binitawan namin ni Elmond sa isa't isa, pero bigla kong natandaan na isang beses yata sa buhay namin, nangyari talaga 'yon.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Inayos ko 'yung bed sheet ko bago ko patayin 'yung tugtog sa cellphone na hanggang ngayon naka-play pa rin.
Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto ko.
Bumungad sa akin ang madilim na sala. Patay ang ilaw lagi rito kapag natutulog kami.
Napansin ko na bukas 'yung ilaw sa kusina, kaya napadpad ako ro'n.
Nakita ko ang likod ni David. May kung ano na naman siyang tinititigan sa lamesa kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya para hindi ko siya maabala sa kung ano man ang ginagawa niya. Mabuti na lang din at hindi ko siya nagulat nang maramdaman niya ang paglapit ko sa kaniya.
"Hindi ka ba talaga natutulog? May lahi ka bang bampira?" tanong ko sa kaniya bago umupo sa katabing upuan.
"My body clock's a mess lately," aniya bago ibalik ang tingin niya sa kanina pa niya tinitingnan.
"Anemic ka na siguro kung halos gabi-gabi kang hindi natutulog," sabi ko bago tingnan 'yung bagay kung nasaan ang atensyon niya. Ito 'yung libro na binili ni Elle sa national. 'Yung libro na nag-eexist din sa mundo nila David, 'yung libro na hiniram ko mula sa public library. "May nahanap ka na bang patter mula sa libro na 'yan?" tanong ko sa kaniya.
Umiling naman siya. "May dalawang ideya na nabuo sa isip ko, pero hindi ko pa nasisiguro kung tama ang mga 'yon," sagot niya bago tumingin sa akin. "P'wede mo bang i-search 'yung author ng libro na 'to?" tanong niya.
Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero tumayo na lang din ako at bumalik sa kwarto ko para kuhain ang laptop. Pagbalik ko sa kusina, nakita ko na binabasa niya ang abwat pahina ng libro na akala mo'y may hinahanap siyang hidden codes or message sa mga pahina no'n.
Nang buksan ko 'yung laptop, dire-diretso kong tinype 'yung pangalan ng author.
Bangun-bangun.
"Bakit kaya ganito ang pinili niyang penname? Ang exotic pakinggan," bulong ko sa sarili ko bago ko in-enter sa search bar 'yung pangalan.
Walang lumabas na result. Sinubukan ko pang isearch 'yung Fragments of the Universe na libro, pagkatapos ay tiningnan ang all about the author part ng pdf, pero walang lumabas na kahit ano tungkol sa may-akda.
I find it weird pero naisip ko na trending sa panahon ngayon ang mga ganito. 'Yung tipong anonymous ang author ng libro, tapos walang may alam sa tunay niyang pangalan, sa itsura niya, kung ilang taon na siya o kung saan siya nakatira. Pero sana man lang kahit kaunting information about sa sumulat may laman dito. Pero wala.
"Bakit mo pala pinapahanap 'yung author? Anong nasa isip mo?" tanong ko kay David habang hindi lumilingon sa kaniya. Nanatiling nasa monitor ng laptop ang mga mata ko para mag-search kung sakaling may kahit kaunting impormasyon tungkol sa writer ng libro.
"Wala," aniya. "Baka coincidence lang," sagot pa niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hindi ka pa ba inaantok?" pag-iiba ko ng usapan nang makita ko na nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung na-aamaze siya na tila nananalamin siya sa tuwing nakikita niya ako, o trip lang talaga niya na pagmasdan ako.
"I'm waiting to prove my theory," sabi niya bago tumingin sa orasan na nakasabit sa pader ng kusina. "Few minutes to go, and if my theory is right, I'll be gone her at babalik na ako sa mundo ko," aniya kaya napa-isip ako nang ilang segundo bago ko maalala.
"Paano mo pala nasabi na 9 p.m. ka mawawala?" tanong ko sa kaniya.
"I don't want to reveal my theory yet. I'll tell you when I proved it," sagot niya kaya nagkibit-balikat na lang ako.
Namagitan ang katahimikan sa gitna naming dalawa. NAririnig ko ang bawat segundo na nagmumula sa kamay ng orasan. Naririnig ko rin 'yung hangin sa labas ng bahay, at mga sanga ng mga puno na tinatangay ng hangin.
For a moment, I thought everything stopped. And it's definitly strange to feel it in this scenario.
I shook my head and thought of something to talk about.
"What if tama nga 'yung hinala mo na bumalik ka sa mundo niyo 'pag patak ng 9 p.m.? Alam mo ba kung saan ka mapapadpad? I mean, naglalakad lang kasi ako sa kalsada kasama ang kapatid ko no'ng bigla akong mapadpad sa mundo niyo, sa kalsada rin," bigla kong sabi.
Saglit na nanatiling tahimik si David bago siya nagsalita. "I see. We live in the same space but in different realm," aniya.
Tumango na lang ako kahit saglit akong napa-isip sa sinabi niya. Naalala ko dati na iniisip ko rin na what if nasa iisang space lang ang mga parallel universe, pero dahil magkakaiba ng mundo hindi natin nakikita ang galing sa ibang mundo. Ngayon mukhang hindi na lang simpleng what if 'yon.
"That's fine," sabi niya bago tumayo. Napa-angat naman ang tingin ko sa kaniya. Inikot niya ang paningin niya sa bahay. "This is my studio," sabi niya kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
"H-ha?"
"Actually, this is just a part of my studio," sabi niya.
I suddenly remembered the first time we met. Nasa kusina ako ng bahay pagkatapos ay napadpad ako sa isang unfamiliar but at the same time familiar house dahil kahawig ito ng bahay namin. Ibig sabihin, sa mundo nila David, itong bahay na 'to 'yung studio niya. Now it makes sense.
"Bakit hindi ko napansin na kahawig ng bahay naming 'yung studio mo? Bakit parang hindi ko naman napansin na amgkapareho?" tanong ko.
"This part of the studio is exclusively for me," sabi niya. "Kaya nga nagtataka ako kung paano ka nakapasok sa part na 'yon ng studio ko dahil tago 'yon at si Linn lang ang nakaka-alam sa daan papasok sa lugar na 'yon," dagdag pa niya.
Sandali ulit kaming natahimik hanggang sa muli siyang magsalita.
"I don't know when or how we'll meet again, but let's assume this is not the last time," aniya kaya napatingin ako sa orasan sa pader ng kusina.
Pagbalik ko ng tingin sa kung saan siya nakatayo kanina, wala na siya ro'n kaya wala sa sarili akong napatayo. Kusang nilibot ng mga mata ko ang paningin ko, hanggang sa ma-realize ko na mukhang nakabalik na si David sa mundo niya.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Nakabalik na siya sa mundo niya, and that's a relief. He's back to where he belongs.
But why do I feel out of sorts.
Umiling na lang ako bago bumalik sa loob ng kwarto ko.
If fate wants us to meet again, we will.
Maybe that's the real pattern of the universe. Maybe the reason why everything seems to be perfect, is because of fate.
Maybe the pattern of the universe is not some sort of scientific calculation and frequency, or through philosophical reasons and sequences.
Maybe it's just fate all this time.
End of Episode 9.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro