Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 8 : The clock is ticking doom

Episode 8 : The clock is ticking doom

Astra






"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko bago lumapit kay David na nasa kusina.

Nagising lang ulit ako sa gitna ng gabi dahil nauuhaw na naman ako. Hindi ko alam kung bakit nauuhaw ako ng ganitong oras lately. Hindi naman ako ganito dati.

Dahil sa uhaw ko, napadpad ako sa kusina para kumuha ng tubig. Napansin kong nando'n si David, naka-upo sa upuan at may kung anong tinititigan nang maigi sa may lamesa.

Napalingon siya sa akin dahil sa tanong ko.

"I can't sleep," sabi niya bago muling ibalik ang paningin niya sa mga papel na nasa lamesa. Hindi ko alam kung ano ang mga 'yon, o kung saan niya nakuha, pero hindi ko muna ito inintindi.

Kumuha na ako ng tubig, pagkatapos ay agad na uminom bago ako umupo sa upuan katabi ni David.

Tsaka ko lang pinagmasdan ang tinititigan ni David.

"Lunar eclipse, the only way to cross the multiverse. Once you cross the multiverse, you can only cross back to where you came from once every year during another lunar eclipse," basa ko sa nasa papel. Napatingin naman ako kay David. "Ano 'tong mga 'to?" tanong ko dahil ang daming nakasulat sa mga papel na nasa lamesa.

"I'm trying to figure out how we managed to cross the multiverse without the lunar eclipse. I tried remembering if there's a certain law or theory that explains this, pero wala akong maalala. Nabasa ko na ang lahat ng books regarding sa parallel universe at early discoveries about the multiverse, and nothing explains anything about what happened in our case," paliwanag niya.

"Sure ka bang nabasa mo na lahat?" tanong ko sa kaniya. "Baka naman may na-miss kang ibang books or websites?"

Umiling lang siya bago napakamot sa kilay niya. "I can't see any pattern," aniya.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. "May kukunin lang ako sandali," sabi ko bago ako bumalik sa k'warto ko. Mabilis akong naglakad papasok at kinuha agad ang laptop ko, bago agad na bumalik sa kusina kung nasaan si David.

"What are you doing?" tanong ni David sa akin nang buksan ko ang laptop.

"I'm doing my own research," nakangiti kong saad nang saglit akong tumingin sa kaniya. "Nagbasa ako ng tungkol sa paralle universe nang nasa mundo niyo ako. Unfortunately wala akong naintindihan kahit maliit na concept sa mga libro na nabasa ko. Another unfortunate thing is, 'yung libro na hawak ko no'ng lumabas ako sa public library kung saan niyo ako iniwan noon, hindi ko nadala rito sa mundo na 'to. Maybe I left it in the car," ani ko.

Nag-type ako nang mabilis sa iba't ibang search engines.

"What are you searching?" tanong ni David sa akin. Napansin niya na kung anu-anong combination of words ang sinesearch ko sa search bars.

"I'm trying to search the titles of the books that I've read in your universe na tungkol sa parallel universe. Who knows? Baka nag-eexist din ang mga libro na 'yon sa mundo na 'to," sabi ko bago patuloy na nag-search. "Last title I remember..." sabi ko habang sinusulat ang title ng libro na hiniram ko sa library, pero hindi ko naman nadala sa mundo na 'to.

"Fragments of the Universe," basa ni David.

I click the enter button in the keyboard to search.

Nagkatinginan kami ni David nang may lumabas na result.

I immediately opened the first result. "It's the same cover, and same author!" sabi ko.

"P-paano nangyari 'yon?" mahinang tanong ni David sa sarili niya.

Buti na lang available ang pdf file ng libro kaya hindi na namin kailangan maghanap ng shop o website kung saan namin 'to p'wedeng bilhin.

Nang ma-download ko na 'yung pdf file, agad kong binuksan 'yon.

Sabay kaming nagbasa ni David sa monitor ng laptop. Bumungad sa amin ang table of contents, kaya binasa naming maigi 'yon hanggang sa ituro ni David 'yung page na may pamagat na 'The theory of crossing back and forth the realms'.

We scanned the whole page, until we find ourselves digging more to the content hanggang sa mapadpad kami sa bandang dulo ng topic.

"Here," sabi ni David bago tinuro 'yung isang phrase sa bandang dulo ng contexts.

"Those who exchanged belongings, shall exchange worlds repeatedly," basa ko kaya sandaling kumunot ang noo ko bago ako mapatingin kay David. "Naintindihan mo ba kung anong gusto nitng iparating? Sa haba ng laman ng topic na 'yon, parang nag-shuffle lahat ng words sa utak ko," sabi ko bago ako tumayo at sandaling lumayo sa laptop para ipahinga ang mga mata ko.

"The necklace," biglang sabi ni David kaya napalingon ako sa kaniya.

"Necklace? Anong necklace?" tanong ko.

"The necklace I took from you, is it really yours?" tanong niya sa akin bago niya rin ako lingunin.

"Boomerang? Oo nga. Akin 'yon. Bigay sa akin ng mama ko 'yon," sabi ko sa kaniya. "Kung ayaw mong maniwala, bibigyan kita ng proof," sabi ko pa bago  ako muling umupo sa upuan at tumapat sa laptop.

Hindi ko alam kung nandito pa 'yung file na 'yon, pero sure ako na hindi ko pa nabubura 'yon. It's one of the best memories that I don't want to forget.

I scrolled sa files of my laptop for a couple of seconds, hanggang sa mapadpad ako sa isang lumang folder.

"Ito," sabi ko bago ko i-play ang isang video na matagal na nasa laptop ko. Galing 'yon sa USB drive na naiwan nila mama at papa sa amin. I transferred all its files from the USB drive, to all possible devices para siguradong may back up kahit mabura man sa isang device.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you! Yehey! Oh blow the candles na anak."

Ang tagal na pala nang huli kong panoorin ang video na 'to. Hindi ko na maalala kung anong eksaktong sumunod na mga pangyayari after kong i-blow 'yung candles ko noong 8th birthday ko.

For some reason, I felt a slight ache on my heart. Hindi ko inaasahan na may bigla akong bubuksan na part ng nakaraan ko ngayong gabi. If it wasn't for the necklace that my mom gave me, hindi ko talaga ipapakita kay David 'tong video na 'to.

"Here's our present for our baby," sabi ni mama sa akin bago niya iabot sa akin 'yung isang box. If I remember it right, akala ko maliit na barbie keychain ang laman no'n dahil 'yun mismo ang regalo na gustung-gusto ko matanggap that time. Ang dami kasing may gano'ng keychain sa mga kaklase ko dati kaya naiinggit ako na ako lang ang wala ng gano'n.

But it wasn't a barbie doll keychain. It's more precious than that.

Binuksan ni mama 'yung box.

"It's our family's heirloom anak. Galing pa 'to sa lola ng lola mo, and now I'm passing it to you dahil you're old enough to possess it," sabi ni mama bago niya isuot sa akin 'yung kwintas na naalala kong lagi niyang suot. No'ng birthday ko na 'yon hindi ko tanggap na kwintas ang regalo sa akin imbis na barbie doll keychain.

Pero sinong mag-aakala na ilang buwan lang matapos iregalo sa akin ng mama ko 'yung wkintas na 'yon, matututunan kong mahalin kaysa sa sarili kong buhay ang kwintas na niregalo niya sa akin?

I paused the video nang makita nang maayos sa anggulo ng camera 'yung kwintas.

"Naniniwala ka na ab sa akin ngayon na akin 'yung kwintas na kinuha mo?" tanong ko kay David. "Ngayon, p'wede mo na bang ibalik sa akin 'yung kwintas ko?"

"I can't," sabi niya kaya agad na tumaas ang magkabila kong kilay. Tsaka siya tumingin sa akin. "You have my phone, bakit ko ibabalik 'yung kwintas mo sa'yo," sabi niya kaya napa-irap na lang ako.

"As if naman na ginusto kong madala sa mundo na 'to 'yung cellphone mo. Kung hindi mo sana ako pincturan, edi hindi ko sana kinuha mula sa'yo 'yung cellphone mo," sabi ko sa kaniya bago ko isarado 'yung laptop ko.

"Picturan?" kunot-noong tanong niya.

"As if hindi alam," sabi ko bago ako tumayo. Dinala ko 'yung laptop ko at nagsimula na akong maglakad pabalik sa kwarto ko.

"Hey, where are you going?" tanong ko sa kaniya.

"Tanong mo kay Dora the explorer," sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa kwarto ko. Sinarado ko agad ang pintuan bago ako tumalon sa higaan ko.

Kinuha ko mula sa cabinet na nasa tabi mismo ng higaan ko 'yung cellphone ni David. May password kaya hindi ko na ulit nabuksan nang kusa itong mag-off.

Na-curious tuloy ako kung ako ba 'yung pinicturan niya, o baka nag-assume lang ako?

Sobrang impulsive ko pa naman. Nag-sesecond thoughts lang ako kapag nagawa ko na 'yung isang bagay nang hindi muna pinag-iisipan.

I shook my head bago ko binalik sa cabinet 'yung cellphone ni David. 

Hindi ko ibabalik sa kaniya 'to hangga't hindi niya binabalik sa akin 'yung kwintas ko. Wala akong pakialam kung wala naman akong gagawin sa cellphone na 'to. For sure, bilang crown prince ng mundo niya, maraming importanteng bagay sa cellphone na 'to. Sapat na 'yon pang-blackmail sa kaniya kung hindi pa rin niya ibabalik sa akin ang kwintas ko.

Umayos na ako ng pwesto sa higaan, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Nagising ako nang may kumatok mula sa pintuan ng kwarto ko.

Hindi pa sana ako babangon pero ilang beses kumatok 'yung kung sino mang nasa labas ng kwarto ko.

Inis na inis akong tumayo mula sa higaan, hanggang sa tuluyan ko ng buksan 'yung pintuan. Hindi ko alam kung gulo-gulo pa ang buhok at damit ko, o kung hindi pa ako nagsisipilyo. Wala akong paki dahil wala rin naman yatang paki 'yung gumising sa akin kakakatok sa pintuan.

"Oh bakit?" wala sa mood na tanong k okay Elmond.

"Nasa baba si Elle," sabi niya bago tumalikod.

"Ha? Ang aga pa ah?" sabi ko bago ko tingnan 'yung oras sa cellphone ko. "Alas syete ng umaga nandito si Elle sa bahay? May topak ba siya? Never nga pumasok nang ganito kaaga sa klase 'yon," saad ko pero nagkibit-balikat na lang si Elmond hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Sinarado ko ulit ang pintuan ng kwarto ko bago ako muling humiga sa kama.

I want to sleep more. Kahit limang minuto lang.

Bigla akong napabalikwas sa higaan nang may marinig akong tumatawa. Sobrang lakas ng tawa kaya kahit anong talukbong ko ng kumot, at kahit anong tago ko sa ilalim ng unan ko, naririnig ko pa rin 'yung hagikgik ng kung sino mang demonyo 'yon.

Wala na akong nagawa kundi tumayo sa higaan at mag-ayos.

Dumiretso ako sa banyo habang hindi alintana 'yung kung sino mang nasa sala nang dumaan ako ro'n. Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo, napadaan ulit ako sa sala pero hindi ko muling pinansin ang mga tao na nando'n. Dumiretso ako sa kwarto ko bago ako nagsuklay sa harap ng salamin ko.

Another day, another 24 hours to spend.

Nang lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa sala, tsaka ko lang pinansin 'yung mga tao ro'n.

"Bakit ngayon ka lang bumangon? Anong oras na," sabi sa akin ni Elle kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong demonyo ang sumapi sa'yo at bakit ang aga mo rito? Parang may kung anong Diablo na dumapo sa'yo kung makatawa ka akala mo kinikiliti ka ni Satanas," saad ko bago ako umupo sa may sofa sa tapat niya.

Napatingin ako kay Linn at David. Pareho silang may hawak na milk tea.

"Nasaan si tita Tessa?" tanong ko nang dumaan si Elmond.

"Lumabas para mag-grocery. Wala na raw palang laman ang ref," aniya bago tingnan saglit si Linn at David. "Wala ba kayong klase ate?" tanong ni Elmond.

Napa-isip ako kung anong petsa ngayon. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Elle.

"Wala. Semestral break naming ngayon kaya may halos isang buwan ako para araw-araw magpunta rito sa inyo," sabi ni Elle habang nakapalumbaba at nakatingin kay Linn at David.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Gaga. Ginawa mong tourist spot ang bahay namin," sabi ko.

"Of course beh. Ang ganda ng view dito," aniya kaya mas lalong napakunot ang nook o.

Ayos lang ba talaga ang isang 'to?

Napatingin ako sa milk tea na iniinom nila David at Linn. "Ang aga para sa milk tea," sabi ko.

"Your friend took us for a walk. It's fun to see the differences of our world. Especially something like this that doesn't exist in our world," saad ni David. "This Okinawa flavor thing is something I'd like to try again."

"Mas masarap kaya matcha bossing," sabi ni Linn bago itapat sa mukha ni David 'yung hawak niyang milk tea.

"Boys, don't fight. Mas masarap ako."

Bigla kong nasipa si Elle dahil sa sinabi niya.

"Anong balak niyo gawin ngayon?" tanong ko kila David at Linn para maiba ang usapan.

"Hindi namin alam kung kailan kami makakabalik sa mundo namin. Although we left something very important in our world, hindi ko alam kung paano kami makakabalik. So I think it's better for now to let us stay here," ani David.

"Yes you can stay here," said Elle after gaining her pose again after my not-so-unintentional kick.

"Wow, desisyon. Bahay mo 'to?" mahina at madiin kong sabi sa kaniya pero hindi naman niya ako pinansin.

"P'wede naman siguro kayo mag-stay dito. Pero may kailangan kasi kaming puntahan ngayon kaya baka hindi naming kayo maasikaso habang wala kami," sabi ko bago pilit na ngumiti sa harapan nila.

"Then we'll come," ani David.

I slightly turned my head. "We have something to settle. Is there a particular place you want to go?" sabi ko kaya natahimik si David.

"You mean, we can't come with you?" tanong ni David kaya napangiti ako bago umiling.

"I doubt you're ready for that place." Ang babaw yata ng kaligayahan ko dahil ang aga ko magising, pero tawang-tawa ang inner self ko dahil nasabi ko rin sa kanila 'yung sinabi nila sa akin no'ng nasa mundo nila ako.

"You're kidding me, right?" sabi ni David kaya naging seryoso ako.

"Seryoso ako. Hindi kayo p'wedeng sumama sa amin kasi I want a quality time with my bestfriend. I want a girls' hangout kaya kung gusto niyo pumunta sa kung saan man, wala akong pakialam. Gusto niyo isama niyo si Elmond," sabi ko.

"I have classes. Next week pa sem break namin," agad na sabi ni Elmond habang nag-aayos ng mga gamit niya. Maya-maya lamng sinukbit na niya ang bag niya. "Bye. I'm leaving," aniya bago tingnan nang masama si Linn at David.

"Tawagan mo ako kung may lakad ka ha!" paalala ko pero tinaas na lang niya ang kamay niya bilang senyales na narinig niya ang sinabi ko.

Usually kasi may lakad 'yan after class. Hindi ko naman siya masisisi dahil grade 10, kasagsagan ng chill at relaxation from academics. Graduating sa junior high school, at puro gala kasama ang mga kaibigan at kaklase. Ganiyan din naman kami ni Elle dati bago kami mag-moving up.

"Hintayin mo ako Elle. Maliligo lang ako tapos alis na tayo," sabi ko bago ngitian si David.

Walang emotion sa mukha niya kaya nagkibit-balikat na lang ako bago maligo.

***

"Ano sa tingin mong ginagawa nila ngayon sa bahay?" tanong ko kay Elle habang naglalakad kami sa loob ng national book store para bumili ng mga libro at ibang school supplies na kakailanganin namin sa susunod na sem.

"Hay nako Astra. You insisted na huwag silang isama kahit p'wede naman. Tapos ngayon tinatanong mo ako kung ano sa tingin ko ang ginagawa nila ngayon," aniya bago huminto dahil may nakakuha ng interes niya. Binasa niya ang summary sa likod ng libro.

"Tingin ko ayos lang naman silang dalawa. Gumiho naman ang isa sa kanila. Tapos crown prince ang isa kaya imposibleng walang alam sa martial arts 'yun," sabi ko bago ako mamili ng libro. Tumingin-tingin ako at nagbasa ng mga summary ng libro na madadaanan ko. Sinubukan kong tanggalin sa isip ko si Linn at David.

Nagulat ako nang may biglang humawak sa pupulsuhan ko.

"We have to go," sabi ni David.

"Ba-bakit kayo nandito?" nagtataka kong tanong.

"We'll explain it later. Kailangan na muna nating maka-alis dito. Malapit na siya," sagot ni David kaya kahit wala akong naiintindihan, hinayaan ko na lang na hatakin niya ako.

Nakita ko na nasa likuran ko si Elle. Sabay silang naglalakad ni Linn.

Mabilis at malalaki ang hakbang ni David kaya wala akong nagawa kung hindi bilisan lalo ang paghakbang ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakalabas na kami ng mall kung saan kami nagpunta ni Elle.

"Saan ba tayo pupunta?" halos naiinis kong tanong.

"Far enough to be safe," sabi ni David kaya napakunot ang noo ko. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya rito kaya napatigil siya sa paglalakad. Gano'n din si Elle at Linn na nasa likuran naming.

"Care to explain?" tanong ko pero biglang tumalon ang puso ko nang makarinig kami ng malakas na pagsabog.

Napalingon kaming apat sa mall na ngayo'y natatabunan ng makapal na usok.

Nagkagulo ang mga tao at nagtakbuhan palayo sa mall. May mga tao ring nakalabas sa exit ng mall pero may mga natamong injury.

"Anong nangyayari?" tanong ni Elle.

"The spirit of death. Naamoy ni Linn ang espiritu ng kamatayan nang maka-alis kayo. Kaya sinundan agad naming kayo," sabi ni David. "Kaya pala wala na siya sa mundo namin. Mukhang kasama siya sa mga diyos na nakatawid sa mundo niyo," dagdag pa niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"Spirit of death?" naguguluhan kong tanong.

"Let's get out of here first, then I'll explain everything to you," sabi ni David kaya wala na akong nagawa nang muli niya akong hatakin palayo. Nakasunod naman si Linn at Elle sa amin. Hawak-hawak na ni Linn sa pupulsuhan si Elle dahil mukhang tulad ko, na-shock si Elle sa nangyari.

***

"Deities are powerful race who used to rule our world. Pero nang malaman nila na bilang na lang ang araw ng mundo namin, ang ilan sa kanila ay lumipat sa mundo na 'to, kabilang ang spirit of death na si Sidapa," kwento ni David.

Nandito kami ngayon sa gilid ng Manila bay. Medyo gloomy ang panahon kaya hindi masyadong mainit dahil walang sinag ng araw.

"Sidapa is one of the deities who fought in human-deities war centuries ago, bago pa maitatag ang kaharian namin. Among all the deities, siya ang isa sa may pinakamaraming napatay dahil siya mismo si kamatayan. On the other hand, Apolaki, the spirit of war killed the most," sabi ni David. "Most of the deities left our world to live here. Kaya bilang na lang ang mga diwata at elemento sa mundo namin."

Saglit na nanahimik si David para pagmasdan ang Manila bay.

"Our world is in chaos now. Pero nandito kami ngayon sa mundo niyo at walang magawa," saad ni David. "The remaining deities in our universe is plotting something, at hindi naming alam kung maganda o masama ang plano nila. Gayunpaman gusto naming malaman kung anong binabalak nila, dahil nakataya ang buhay ng mga nasasakupan namin sa plano nila."

"Teka, hindi ko masundan," biglang singit ni Elle. "So ayon nga, galing kayo sa kabilang mundo, tapos may nag-eexist na mga diyos do'n? Tapos may mga nag-migrate rito? Then 'yung mga hindi nag-migrate na supernatural creatures, may pinaplano na hindi maganda?"

Tumango si David.

"So ang main problem ay?" curious na tanong ni Elle.

"The problem is the limited time our universe has. The fact that we're in this universe habang nagkakagulo sa mundo namin, nakadagdag lang lalo sa problema," seryosong sabi ni David.

"Naka-isip na ba kayo ng possible na solution?" tanong ko. "P'wede naman lumipat ang mga tao from your universe papunta rito 'di ba?"

Umiling si David. "We don't have enough time para hintayin ang susunod na lunar eclipse. Isa pa, kung masyadong maraming tao ang lilipat mula sa mundo namin papunta sa mundo na 'to, may mabigat na kapalit," aniya.

"Gaano kabigat?" Elle asked.

"Your race will most likely to extinct by the arrival of our race," sabi ni David kaya namagitan sa aming apat ang katahimikan habang dinadama ang hangin sa lugar.

Hindi ko alam kung bakit iniisip ko ang problema ng iba sa oras na 'to. Kung tutuusin wala naman dapat akong pakialam dahil hindi naman ako maaapektuhan kung sakaling may mangyaring masama sa mundo nila David.

Wala rin naming magandang maidudulot sa akin kung tutulungan namin sila. At mas lalong wala akong naiisip na paraan para matulungan sila.

Kung ano mang nangyayari sa mundo nila ngayon, labas na kami ro'n. Siguro moral support na lang ang maiaambag namin sa kanila sa ngayon.

Huminga ako nang malalim.

Stupid, Astra.

Is that what you really want?

To let your other self face destruction?

Napatingin ako kay David. Nakatitig siya nang diretso sa dagat.

For some unknown reason, I saw how deep his eyes are.

I guess even my counterpart can't live a normal life.





End of Episode 8.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro