Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 14 : Arrival of the god of war's son

Episode 14 : Arrival of the god of war's son

Astra









Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Elle at gumiho.

Hindi ko alam kung ano 'tong kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko sa pagitan nilang dalawa. Ang suspicious na ang tahimik nilang pareho pagdating namin ni David sa studio niya. Parang may kung anong nangyayari sa kanilang dalawa kahit hindi naman sila nag-uusap.

"Ayos lang kayo?" tanong ko kay Elle pero nanatili siyang nilalaro 'yung tuta, as if hindi niya narinig na tinanong ko siya.

"Cavonis, iuuwi na kita sa amin ha? I'll be your mommy," sabi ni Elle bago binuhat 'yung tuta. Hindi niya ako tinitingnan at lalong iniiwas niya ang tingin niya kay gumiho kaya mas lalo akong nagduda na may nangyayari sa kanila na hindi ko alam.

"You can't," sabi ni gumiho bago kuhain 'yung tuta sa braso ni Elle. Bahagyang nilayo ni Elle 'yung tuta pero mabilis si gumiho kaya nakuha niya agad 'yung tuta sa kamay ng kaibigan ko. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Elle.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa na tila nag-aaway gamit ang mga titig nila. Tila may gyera na nangyayari kahit mga mata lang nila ang sandata.

"I'm the daddy. If you'll take him away from me, I'll come," sabi ni gumiho na parang bata habang marahang hinahawi ang balahibo ng tuta bago siya kumindat kay Elle, dahilan para mapa-irap ang kaibigan ko.

Hindi ko alam kung nagustuhan ba niya o nainis siya sa ginawang pagkindat ni gumiho sa kaniya. Pero kung ano man 'yon, sigurado akong may kakaibang atmosphere sa kanila.

"Ayos lang ba 'tong dalawang 'to?" pabulong na tanong ko kay David sa tabi ko.

"Let them mind their own business. We have something to discuss," sabi ni David sa akin bago niya ako lagpasan at maunang maglakad kaya sumunod na lang ako sa kaniya.

Naglakad kami papunta sa may kusina. Doon ko nakita sila mama at papa. Mukhang nagluluto si mama at si papa naman ang naghahanda ng mga plato at baso habang inaayos ang lamesa.

Napansin ni mama at papa ang pagdating namin ni David. Ngumiti sila sa akin pero nang makita nila si David, tila pilit na ngiti na lamang ang binigay nito sa kaniya.

"Nandito na pala kayo," awkward na sabi ni papa. Si mama naman agad na lumapit sa akin bago niya ako hatakin sa niluluto niya.

"Ang tagal kong hindi nakapagluto ng pagkain para sa'yo. Hindi ko alam kung paano ako makakahabol sa ilang taon na nasayang," sabi ni mama.

Pagtingin ko kay David, napansin ko na may kakaibang emosyon sa mga mata niya. Marahil nasaktan siya sa mga salitang ginamit ni mama. HIndi ko alam kung paano siya i-cocomfort, pero siguro ito ang isa sa mga challenge na binigay sa kaniya ng tadhana.

Kailangan niyang labnaan mag-isa ang pagsubok na 'to, dahil siya lang ang makakapagpagaling sa sugat na dinadamdam niya ngayon.

Kumuha si mama ng sandok, pagkatapos ay kumuha ng kapirasong sabaw mula sa niluluto niya.

Naamoy ko agad 'yung ulam kaya bumalik ang mga ala-ala ko no'ng bata pa kami ni Elmond.

Magaling si mama magluto. Ilang beses niyang sinabi sa amin noon na ang retirement plan nila ni papa ay magtayo ng restaurant. Although dati hindi ko pa maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng retirement plan, masaya kami dahil may plano pa rin ang mga magulang namin, at kasama kami ro'n.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang matikman ko 'yung luto ni mama.

Ilang taon na nga ba ulit simula nang huli kong matikman ang luto ni mama at papa? Nine, ten years ba? Hindi ko na maalala kung anong huling niluto ni mama para sa amin. Kung kailan kami huling nagkasama-sama sa hapagkainan, at kung kailan ko sila huling nakita sa kusina na nagluluto at nag-aasikaso.

I never thought that this day will come. Na matitikman ko ulit ang luto ni mama, at mararamdaman ko ulit ang yakap nila.

For sure Elmond will cry more than I do kapag nakita na ulit niya ang mga magulang namin.

"I...I have something to say," sabi ni David kaya napatingin kami sa kaniya.

"Hmm?" tanong ko bago ako bahagyang lumapit sa kaniya. Napatingin pa ako kila mama at papa na ngayon naman ay magkadikit habang hinihintay ang sasabihin ni David.

Marahil kinakabahan sila sa kung anong sasabihin ni David dahil gano'n din ang nararamdman ko, kaya marahang hinawakan ni papa ang kamay ni mama para pakalmahin ito.

"On behalf of my uncle I want to apologize for bringing you in this world. You spent a lot of years in this universe, and I know you can't wait to return in your world, and be with your family again," sabi ni David bago siya saglit na tumingin sa akin. "However, as much as I want to help you cross the multiverse, I can't. We need to wait for the next lunar eclipse for you to go back to your world."

Napa-iyak si mama dahil sa sinabi ni David kaya niyakap siya ni papa. Pilit pinatahan ni papa si mama hanggang sa lumapit na rin ako para yakapin si mama.

"Ba-bakit? Bakit hindi pa kami makakabalik sa mundo namin?" mahinahon na tanong ni papa kay David.

"You've been in this world for a couple of years, and you never crossed the multiverse again nang mapunta kayo rito. I'm thinking that..." Napatingin sa akin si David. "Maybe, you were banished. Maybe you're prohibited to cross another universe again."

"What?! H-how did it happen? We did tried na bumalik sa mundo namin pero akala namin dahil lang may pattern kaming hindi nasusundan. Pero anong sinasabi mo na we're prohibited to cross another universe? Hindi ko makuha 'yung sense," sabi ni papa. I know he's mad inside, pero pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.

Huminga nang malalim si David.

"Fate's playing us," aniya kaya agad na kumunot ang mga noo namin. "Astra met him personally," dagdag pa niya kaya agad akong naguluhan.

Then I realized what he's saying.

"Bangun-bangun?" nagdadalawang-isip kong tanog bago siya tumango.

"You've been in this world for years, alam kong aware na kayo sa mga supernatural beings na nag-eexist sa mundo na 'to. Apart from diwata and lamang-lupa, gods exist in this world too. Kaunti na lang ang mga present na diyos sa mundo na 'to but still, some of them are out there and waiting for the right time to appear," paliwanag ni David. "And one of those gods is Bangun-bangun, the god of universal time and cosmic movement. I suppose he's the one who manipulates the multiverse, and the fate itself."

"At ano namang kinalaman niya sa sitwasyon namin ngayon?" tanong ni papa.

"I met him, a while ago," napatingin sa akin si David bago ibinalik ang tingin niya kay papa. "He talked to me and gave me an idea."

Hinintay namin siya muling magsalita. Sobrang tahimik at nakakakaba ang atmosphere sa paligid namin. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinasabi ni David, o dahil sa mga tanong na pumapasok sa isip ko.

Paano kung muling lumitaw 'yung Bangun-bangun at pag-tripan din ako? Paano kung bawiin ulit niya sa akin ang mga magulang ko kung siya mismo ang diyos ng tadhana?

"Maybe we can close the door of multiverse permanently," sabi ni David dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Gusto ko siyang tanungin, pero nauna na agad siyang tinanong ni papa.

"P-paano kami makakabalik sa mundo namin kung isasarado ang daan pabalik sa amin?"

"Isasarado ko mismo ang daan 'pag alis niyo sa mundo na 'to."

And that left us all silent.

Not because it's a good idea.

But because of David's tone when he said that.

He's worried, and sounded like he's willing to do everything to push his plan, and to make it work.

***

"Hindi ba't sabi mo, malapit na gumuho 'tong mundo niyo?" sabi ko kay David nang makita ko siya sa balcony pagkatapos kong kumain kasabay ang mga magulang ko. Dito ako unang nagpunta noong una akong makapasok sa studio niya.

Although first time ko ulit kumain kasama ang mga magulang ko after almost ten years, hindi mawala sa isip ko 'yung mga sinabi ni David kanina.

Kaya nandito ako ngayon sa balcony ng studio kung nasaan si David.

Gaya no'ng una akong pumunta rito, malamig ang simoy ng hangin at magandang spot para pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Kaya 'yon agad ang ginawa ko nang maka-upo ako sa katabing upuan ng inuupuan niya.

"Mmm," maikling sabi ni David kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakita kong nakapikit ang mga mata niya. Naka-angat ang mukha niya sa langit habang okupado ang buong upuan na tila nakahiga siya.

"Sabi mo ang pinakamagandang solusyon para maiwasna niya nag extinction ng lahi niyo ay pumunta sa kabilang mundo, sa mundo namin. Pero bakit isasara mo ang daan sa paralle universe?" tanong ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Magandang solusyon nga ang paglipat ng mundo pero like what I've said, it'll cause another chaos in your world," aniya.

"Hmm? Sinabi mo 'yon?" taka kong tanong sa sarili ko.

"That's the second time," sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Second time?"

"Second time that you forgot what I said," aniya bago siya dumilat at tumingin sa akin.

"Magkaka-amnesia ka na ba?" pabiro niyang tanong pero hindi ko siya pinansin. Hindi nga pala niya alam na may sakit ako sa memorya.

"Sabihin na natin na gusto mong isara ang daan papunta sa mundo namin at sa mundo na 'to, paano mo naman gagawin 'yon? Sisirain mo ba ang buwan para never na magkaro'n ng lunar eclipse?" tanong ko sa kaniya nang iniwas ko ang mga tingin ko.

"Siguro. Kung 'yun na lang ang tanging paraan," aniya kaya mahina akong natawa.

"Funny," ani ko bago pumeke ng tawa.

Sandali kaming nabalot ng katahimikan.

Tanging kuliglig na lang at mga sanga ng mga halaman na nagtatamaan tuwing humahagin ang naririnig ko.

It's past midnight. Tulog na lahat ng mga tao, at kami na lang marahil ang gising.

"Since ikaw ang crown prince ng bansa na 'to, hindi ba dapat mas focus mo ang makapag-produce ng tagapagmana sa trono?" random na tanong ko.

"Hindi pa naman ako hari para isipin 'yan."

"Edi crown princess? Never ba may nag-suggest sa hari na bigyan ka na ng mapapangasawa?"

Hindi ko alam kung dahil marami na masyado akong historical fiction na napanood, o dahil wala lang talaga akong magawang topic kaya ko tinanong 'yon.

"Meron. Marami. Pero ayokong i-entertain," tangi niyang saad kaya napatango na lamang ako.

"Ano bang gusto mo sa babae?"

"Ikaw," aniya kaya napatingin agad ako sa kaniya. Hindi siya mukhang nagbibiro, o mukhang nagsasabi ng totoo. Walang emosyon ang mukha niya na tila wala lang sa kanya ang sinabi niya.

"A-ako?" sabi ko bago napahawak sa dibdib ko.

Ano ba 'to?

First time na may diretsong nagsabi sa akin no'n. Siguro dahil wala naman talaga akong oras at interes sa mga ganitong bagay at tanong kaya iba sa pakiramdam ang sagot ni David. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig, pero malakas ang kabog ng dibdib ko.

"I want someone exactly like me. I want to have someone who can understand me as much as I understand her," aniya kaya napalunok na lamang ako ng laway bago umiwas ng tingin. Pagkatapos ay nanatili na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, hanggang sa namalayan kong hindi na siya muling nagsalita pa.

Doon na ako napatingin sa kaniya. Doon ko lang nalaman na natutulog na pala siya kaya ang tahimik na.

Ang bilis naman makatulog nitong lalaking 'to. Pagkatapos magpakabog ng dibdib, nakatulog siya agad na parang wala lang.

Ganito ba lahat ng crown prince? Iba ang karisma, ang lakas magpakabog ng puso na parang 'yun ang special talent nila.

Umayos ako ng pagkaka-upo bago humiga sa upuan. Hindi ko alam kung paano, pero nakatulog ako sa balcony. I've never been this comfortable sleeping in a chair.

But I did.

Siguro dahil sa malamig na simoy ng hangin, tahimik at magandang view ng kalangitan, at sa kakaibang pakiramdma na parang ligtas ka sa lugar kung nasaan ka kahit nakapikit ang mga mata mo.

O baka dahil kasama ko si David na natutulog.

Marahil nasanay na ako sa presensya niya.

***

Bigla akong nagising nang makaramdam ako ng kakaibang paggalaw sa hinihigaan ko.

Doon ko narinig ang pagsigaw ni Elle kaya tuluyang dumilat ng mga mata ko. Kusang gumalaw ang katawan ko para tumayo at tumakbo papunta sa tili ni Elle.

Doon ko lang naramdaman ang paggalaw ng lupa.

Lumilindol!

Sobrang lakas ng paggalaw ng lupa kaya hindi agad ako nakatakbo papunta kay Elle. Sa sobrang lakas ng lindol, tila hinahagis ka nito sa bawat sulok ng studio.

Naramdaman ko na may humawak s amagkabilamng braso ko galing sa likuran. Napalingon ako at nakita si David na inaalalayan ako habang sabay kaming naglalakad papunta sa sala ng studio.

Pagdating namin sa sala, nakita namin si Elle na nakayakap kay gumiho. Nasa pagitan nilang dalawa si Cavonis, 'yung tuta na pinag-aawayan nila kagabi. Nandito rin sila mama at papa na magkahawak kamay habang lumalayo sa mga gamit na naglalaglagan sa sahig, kasama na ang ilang babasaging display na nagbabagsakan sa sahig.

Ang daming bubog sa sala kaya sabay-sabay kaming naglayuan do'n para maiwasang magkasugat.

Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero sobrang lakas ng lindol na 'to kumpara sa mga dating lindol na naranasan namin noon.

Ilang segundo ang hinintay namin bago tuluyang mawala ang lindol.

"Linn, let's go," sabi ni David kaya tumango naman si gumiho.

Mabilis kong hinawakan sa braso si David kaya napahinto siya at napatingin sa akin. "S-saan kayo pupunta? Kakatapos lang ng lindol. Baka may aftershock—"

"Exactly. My people need me," sagot ni David bago hawakan ang kamay kong nakakapit sa braso niya. Marahan niyang inalis 'yon kaya wala akong nagawa nang tuluyan na siyang bumitaw sa akin.

Binigay ni gumiho si Cavonis kay Elle. Nakita kong nagtataka rin si Elle sa bilis ng mga pangyayari, pero wala kaming nagawa hanggang tuluyang mawala sa paningin namin sila David.

Nagkatinginan naman kami nila mama at papa, bago namin napagpasyahang linisin ang mga bubog at mga gamit na nagulo ng lindol.

***









David









"What's the situation?" tanong ko agad nang makarating ako sa palasyo. Agad akong sinalubong ng assistant chief secretary.

"It's a magnitude 8.1 earthquake, your highness. Ayon sa bureau of disasters, malaki ang tsansa na hindi ito ang huling lindol na mangyayari ngayong araw," agad niyang sabi sa akin habang naglalakad kami papunta sa council hall.

"WHat does it mean? Na-detect ba nila na may iba pang lindol na parating ngayong araw?" halos sarcastic kong sabi.

"The nuclear power plant on the south coast was damaged by the earthquake. Ilang oras mula ngayon, baka magkaro'n ng tsunami from the eastern part of our lands. In a matter of hours, the nation will be in chaos. We need to seek protection from the deities—"

"Not today," madiin kong saad bago tuluyang makarating sa council hall.

Pagpasok ko, bumungad sa akin ang mga government official na naka-upo sa mahabang lamesa. Tila nagkakagulo ang mga ito at may halo-halong diskusyon. Sa dulo ng mahabang lamesa, sa may dulo, nando'n si tito na tila malalim ang iniisip.

"Kamahalan," pagbati ko bago yumuko nang kaunti. "We need to evacuate the residents close to the nuclear power plant in the south coast, as well as our people near the eastern borders," sabi ko.

"Prince David, we don't have time for that. We have to deactivate the nuclear power plant in order to save them," sabi ng lalaking naka-upo sa kanan ni tito—ang prime minister.

"And if we failed to deactivate the power plant?" tanong ko kaya napatikom ang bibig niya.

"Still, if we'll evacuate the people from the south and east, masyadong impossible. Wala na tayong oras para dalhin sila sa mas ligtas na lugar," sabi ng head ng department of industry.

"We have to try," saad ko.

"Then should we contact the deities to help us? Mas mapapabilis ang evacuation if we'll have a ceasefire for the sake of our people," sabi ng prime minister pero napangisi na lamang ako sa sinabi niya, dahilan para sumilay ang inis sa mukha niya.

"Hindi lang naman mga diwata ang mabilis, hindi ba?" sabi ko bago lumingon kay Linn.

Napatango naman si Linn.

"Sabihin natin na maisasalba natin ang mga tao sa timog at silangan ng bansa. Pero hanggang kailan?" sabi ng prime minister bago ito tumayo sa kinauupuan niya. "Kamahalan, kailangan nating pabilisin ang paglilipat ng mga tao natin papunta sa kabilang mundo. May nais ibalita ang head ng science and technologies department."

Tumingin sa akin ang prime minister bago mapang-asar na ngumiti.

Tumayo ang head ng science and technologies department bago humarap sa hari.

"Nakagawa ng imbensyon ang departamento ng agham at teknolohiya na maaaring maging daan para makapunta sa kabilang mundo ang mga tao natin kahit walang tulong mula sa lunar eclipse," sabi nito dahilan para magkaro'n ng kaniya-kaniyang usapan ang iab't ibang pinuno ng bawat departamento ng gobyerno.

I saw that it caught tha King's interest. "Gaano karaming tao ang kaya nitong maitawid sa kabilang mundo?" tanong ng hari.

"Kung gaano karami ang tao sa kabilang mundo," sagot ng head of science and technologies department, dahilan para mas lalong umingay sa buong council hall, hanggang sa magsalita ang prime minister.

"Kamahalan, kailangan nating kuhain ang pagkakataon na ito. P'wede na nating mailipat sa kabilang mundo ang mga tao natin. Hindi na kailangan ng lunar eclipse, at hindi limitado," sabi ng prime minister.

Bigla akong natawa kaya napatingin sa akin ang lahat, kabilang na si tito.

"Isn't it funny that you're prioritizing the multiverse instead of our people? Kayo na ang nagsabi, we don't have much time," sabi ko bago ayusin ang tayo ko, kasabay ang pag-iiba ng tono ko. "Your highness, if this bunch of pigs won't help in evacuating our people from the south to east, let me do the honor."

Ramdam ko ang inis at galit ng mga government official sa loob ng council hall. Pero wala akong pakialam sa kanila. Totoo rin naman ang sinabi ko. Wala silang alam kung hindi magpataba.

Narinig naming lahat ang biglang pagtawa ng hari, kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo.

"I guess you won't need me in the throne now, hmm? There you have the true king," sabi ng hari bago siya lumapit sa akin. "Go, Prince David. I give you my permission to evacuate our people from the south and east. Bring the elite royal guards with you, and anyone that you'll need."

He then winked at me kaya napakunot ang noo ko.

Tila nagbigay siya sa akin ng senyales, pero hindi ko alam kung para saan, o kung anong ibig sabihin no'n.

"Bossing, kailangan na natin umalis ngayon," sabi ni Linn sa gilid ko kaya tumango lang ako.

Saglit akong nagpalit ng damit, gano'n din si Linn bago kami umalis ng palasyo kasama ang ilang mga elite royal guard para sa mga emergency at rescue mission. Naunang umalis si Linn para tumawag ng tulong sa mga kalahi niya. Mas mabilis naming malilikas ang mga tao na kailangn naming i-evacuate kung mga katulad ni Linn ang kasama ko.

Ilang minuto lang, sabay-sabay na dumating ang mga vulpes at ilan pang natitirang elemento sa gubat nila, tulad ng mga mababang ranggo na tikbalang at mga engkanto na hindi kabilang sa mga lumisan sa mundo na ito.

Sumakay ang mga elite guard sa mga vulpes.

Sumakay naman ako kay Linn bago kami tuluyang nakipagpatintero kasabay ng hangin dahil sa bilis ng pagtakbo ng mga vulpes. In terms of speed, tikbalang is no match for a vulpes, except if the tikbalang carries a royal blood. Ang ibang engkanto ay may kakayahang lumipat ng lugar nang hindi naglalakad. Marahil sa mga mahika na ginagamit nila.

Wala pang kalahating minuto, agad naming narating ang eastern border ng bansa.

Maraming gusali ang bumigay dahil sa lindol kaya agad na umaksyon ang mga royal guard na kasama ko. May mga local guards din sa lugar na tumutulong sa mga taong apektado ng lindol kaya naging mabilis ang evacauation procedure.

In times like this, ang hari dapat ang nangunguna sa rescue and evacuation missions.

Pero nakakapagtaka na hindi siya ang nauna ngayon.

Bigla akong may naalala.

Hindi kaya...

He winked at me, he's telling me something.

Mabilis akong napunta sa kabilang kalsada na tila ba may humatak sa akin.

Hindi ako nagkamali dahil nang lumingon ako, nakita ko si Linn.

"They're here," aniya kaya agad na kumunot ang noo ko at nagtaka sa kung anong ibig niyang sabihin.

Napatingin ako sa kung saan ako nakapwesto kanina.

It's now on fire. Tila may nagbato rito ng bolang gawa sa apoy.

Napatingin ako sa kalangitan.

Noong una ay wala akong makita dahil sa nakakasilaw na tama ng araw, hanggang sa unti-unti kong makita kung anong nasa itaas.

Deities.

There are deities with wings approaching us.

Napatingin ako sa ibaba, sa hindi kalayuan sa amin. Nakita ko na tila may kumpol ng mga kung ano ang naglalakad papalapit sa amin.

Agad na na-alarma ang mga kasama kong elite royal guards, gano'n na rin ang mga vulpes, tikbalang at iba pang mga engkanto na kasama ko sa pagdating ng ibang lamang-lupa at diwata.

"Crown prince." May malaki at mallaim na boses na tumawag sa akin, kaya napatingin ako sa nilalang na bumaba mula sa langit.

Hindi ko ipinahalata ang pagkagulat ko, pero nangamba ako sa bigla niyang pagsulpot.

"Kalaon," ani ko sa sarili ko.

Kalaon, the evil god of destruction and said to be the only child of Apolaki, the god of war.

Napalingon kami sa likuran namin nang makarinig kami ng ingay na tila nagmumula sa malaking trumpeta.

The sound of war.

"I don't want to miss this party."

Hindi kalayuan mula sa likuran namin, papalapit si tito, ang hari, kasama ang buong sandatahang lakas at royal army.

This is what he meant by that wink.

He knew this war would come today.

The second war between humans and deities.







End of Episode 14.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro