Episode 12 : The lonely and great god of time
Episode 12 : The Lonely and great god of time
Astra
I remember, right after my 8th birthday, pinuntahan ako ni mama sa kwarto.
I regretted na nagdabog ako that day, but I'm partly happy that I walked out in my own party dahil isa sa mga natitirang ala-ala ko ang nangyari no'ng araw na 'yon.
I remember my mon entering my room.
I'm disappointed dahil hindi barbie doll na keychain ang nakuha kong regalo. Siguro dahil bata pa nga ako no'n kaya hindi ko ma-appreciate 'yung kwintas na binigay sa akin ng mama ko. Para sa akin, hindi useful 'yung necklace na binigay niya sa akin dahil hindi ko naman malalaro 'yon kasama ang mga kaibigan ko.
Umupo siya sa tabi ko. Nasa kama ako no'n, nakahiga at nakatalukbong sa dulo ng higaan. Nang maramdaman ko ang pagdating niya, mas lalo akong lumayo at nagtago sa ilalim ng mga unan.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Gusto ko siyang tanungin no'n kung anong nakakatawa, pero mukhang bata pa lang ako, ma-pride na talaga ako kaya hindi ko siya tinanong at nanatili akong tahimik.
"Alam mo, anak talaga kita," aniya. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, alam kong marahan siyang lumingon sa akin. "No'ng binigay din sa akin ng mama ko 'tong kwintas na 'to, ganiyan din ang reaksiyon ko. Naisip ko, anong gagawin ko sa kwintas eh madalang naman kami lumabas ng bahay. Tuwing aalis lang din naman ako pumoporma kaya tuwing lumalabas lang ako ng bahay nagsusuot ng accessories."
Nanatili akong tahimik.
"Alam mo ba kung anong sinabi sa akin ng lola mo?" tanong niya.
Dala siguro ng curiousity, nakalimutan ko na nagtatampo ako no'ng mga oras na 'yon. "Ano po?" wala sa sarili kong tanong kaya mahinang natawa si mama.
"Sabi niya, balang araw, maiintindihan ko rin kung bakit binigay niya sa akin 'tong kwintas. Kapag sapat na ang gulang ko, kapag may anak na rin akong babae. Sabi niya, mas ma-aappreciate ko raw 'tong kwintas na 'to kapag wala na siya sa tabi ko."
My mother isn't lying when she said that.
'Yung sinabi niya sa akin no'ng araw na 'yon, nagkatotoo.
Dahil bawat oras simula nang mawala sila, mas lalo ko silang na-mimiss. Sa bawat taon na binibisita namin sila sa tuwing death anniversary nila, mas lalo kong nakikita 'yung halaga ng kwintas na binigay niya sa akin.
Gabi-gabi, sa tuwing napapagod ako sa bigat na dala ng buhay, sa tuwing hinahanap ko 'yung pagmamahal ng mga magulang, wala akong ibang mapagmasdan kung hindi si Elmond at ang kwintas na iniwan sa akin ni mama. Sa tuwing may memorya akong nakakalimutan, sa tuwing may ala-ala ako na nawawala sa isip ko, iniisip ko lagi na at least, alam ng kwintas lahat ng ;yon.
At kahit kailan hindi makakalimutan ng kwintas na 'yon ang lahat ng pinagdaanan ko.
Na kahit makalimutan ko maging ang mga magulang ko, kampante ako na nandiyan si Elmond at ang kwintas para ipaalala sa akin na meron akong mga magulang na kumumpleto sa kabataan ko.
Pero sinong mag-aakala na dadating ang araw na 'yung mga taong pinaghahandaan kong makalimutan, ay muling lilitaw sa harapan ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa ibang mundo, sa ibang pagkatao.
Hindi ko alam kung paano i-cocontain 'yung nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Kung paano ilalabas lahat ng luha na hindi ko nailabas simula nang matanggap ko ang pagkawala nila. Hindi ko alam kung paano sila yayakapin pabalik dahil tila nanlamig ang buong katawan ko. Tila nawala sa katinuan ang sistema ko.
Hindi ko agad nakilala ang mga mukha nila, pero ang init na dala ng yakap nila...
"Mama... papa..." garalgal at halos walang boses na lumabas sa bibig ko.
For a moment, parang tumahimik ang buong paligid ko, at ang tanging naririnig ko lang ay ang iyak ng dalawang tao na nakayakap sa akin ngayon, at ang pagkabog ng dibdib ko.
Totoo ba 'to? Nananaginip na naman ba ako?
"Astra... anak ko."
Those words made me feel like I'm soaring the sky, like being one with the wind.
Tumulo nang tuloy-tuloy ang mga luha ko hanggang sa kusang gumalaw ang mga kamay ko para yakapin sila pabalik.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga oras na 'to. Kung paano bubuuin ang tila puzzle sa utak ko. Kung paano sasagutin ang mga tanong sa isip ko. Sa unang pagkakataon, hinayaan kong manatiling magulo ang lahat, kung ang kapalit naman nito ay mahigpit na yakap mula sa mga taong akala ko, matagal nang patay.
For years I feel like I have no reason to go home.
Maybe because back then, I haven't found my home yet.
But now I found it---I found them.
***
When things started to settle-down, doon ko lang napansin si David.
Alam ko kung anong nararamdaman niya, pero hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Ngayon ko lang siya nakitang tulala at parang wala sa sarili. Ganito siguro ang epekto sa kaniya ng mga nangyari.
Gusto ko sana siyang kausapin, pero nakita ko na sumenyas si gumiho sa akin. Umiling siya nang akmang lalapit ako kay David kaya nanatili na lang akong naka-upo sa sofa.
Napatingin ako kila mama at papa. Pareho silang nakatingin sa akin. Napapangiti ako dahil nakita at nahawakan ko na ulit ilang pareho. Sinong mag-aakala na magagawa ko pa ulit na yakapin sila?
Gayunpaman hindi naman mapanatag ang loob ko dahil kay David.
"Hell po, tita, tito. Ako po si Elle, ang one and only beautiful best friend ni Astra. Natatandaan niyo pa po ba ako?" sabi ni Elle, dahilan para mabasag ang katahimikan na namamagitan sa aming lahat.
Ngumiti si papa. "Kumusta ang papa mo?" tanong ni papa.
"Ayon po, masipag pa rin magtrabaho," sabi ni Elle kaya mahinang natawa si papa. "Paano po pala kayo napunta rito?"
Napatingin ako kila mama at papa nang biglang magtanong si Elle.
Actually, noong una ko silang makita, nagduda ako kung sila ba talaga ang mga magulang ko. Pero sinong nasa katinuan ang tatakbo palapit sa estranghero bago ito tatawaging 'anak' habang umiiyak? Paano rin nila nalaman ang pangalan ko? As if naman na kinuwento na agad ako ni David sa kanila.
Tumanda na sila, pero kilalang-kilala ko pa rin ang mga mukha nila.
"Mahabang kwento. Basta ang natatandaan na lang namin, may kumuha sa amin no'ng araw na lumabas kami ng mama mo para tapusin 'yung kaso na iniimbestigahan ko. Pagkatapos dinala kami rito, at sinabing ang anak namin ay si David," kwento ni papa bago tumingin kay David. "Sinabi rin sa amin na parte kami ng royal family, at kung balak man naming hanapin ang mga kamag-anak namin, hindi namin sila mahahanap dahil wala sila rito."
"Sinubukan ka naming hanapin. Pero ilang beses nila kaming pinagbantaan na kung hindi kami mamumuhay ayon sa bagong pagkatao na ibinigay nila sa amin, babalik daw sila sa mundo natin para p-patayin ka," sabi ni mama bago muling umiyak. Marahang hinagod ni papa ang likod ni mama, habang hawak-hawak ko naman ang parehong kamay ni mama.
"Sino pong sila?" tanong ko.
Umiling si papa bago saglit na tumingin kay David.
"Hindi niyo po kilala?" tanong ko dahil hindi ko naintindihan kung anong ibig sabihin ng pag-iling nila.
"Hindi namin nakita kung sinong nag-utos sa kanila na kuhain kami, pero narinig namin kung anong tawag nila sa kaniya kaya nakilala namin siya," sabi ni papa.
"Sino po?"
Umiling si mama bago ako yakapin. "Don't ask, Astra. B-baka malagay ka lang sa p-peligro," sabi ni mama bago higpitan ang yakap niya sa akin.
"Binilinan nila kami na wala kaming pagsasabihan kahit sino," saad ni papa. Napayuko siya habang ilang beses na nagbitaw ng malalalim na paghinga.
Hindi ko alam kung dahil ba matagal kong hindi nakasama ang mga magulang ko, pero tila ibang-iba sila ngayon. Sila pa rin ang mga magulang ko, pero hindi ko na makita ang tapang at kumpiyansa sa mga mukha nila. Tila nilisan ng katapangan ang mga katawan nila.
Biglang tumayo si David sa upuan niya. "Sinong nagdala sa inyo rito?" malamig at monotonous na tanong ni David.
"H-hindi---hindi namin p'wedeng sabihin sa kahit sino..." halos pabulong na saad ni mama.
Mabilis na may kinuha si David sa isang mataas at malaking vase. Hindi ko agad nakita kung ano 'yon, pero agad akong kinabahan nang makita ko na may mahaba at matalim na espada siyang hawak bago mabilis na naglakad palapit sa mga magulang ko.
"Omaygad!" sigaw ni Elle bago mabilis na pumunta sa likuran ko.
Walang nagawa si gumiho kung hindi ang gumilid para padaanin si David.
"D-David! Ibaba mo 'yan! Ano ba!" sigaw ko habang yakap-yakap ang mga magulang ko.
"Sino? Sinong nagdala sa inyo rito?" muling tanong ni David sa mala-yelong tono. Wala ring kahit anong expression sa mukha niya. Hindi siya mukhang malungkot, o galit. Blangkong-blangko ang mukha niya habang mabilis na tinutok sa leeg ni papa ang dulo ng espada.
"David!" muli kong sigaw dahil ilang inch na lang ang layo ng leeg ni papa mula sa espada. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling mawala muli ang mga magulang ko gayong kakakita ko pa lang ulit sa kanila. "David ilayo mo 'yang espada sa mga magulang ko!"
For the first time simula nang mapansin ko ang mukha niya, nakita ko at nakumpirma ko kung anong nararamdaman niya sa mga oras na 'to.
Sakit. Galit. Takot.
Sa mabilis na segundo, nakita ko sa mga mata niya 'yung naramdaman ko noon nang malaman ko na namatay ang mga magulang ko.
"I won't repeat myself. Now that I know you're not my parents, there's nothing to hold back," ani David bago mas nilapit sa leeg ni papa 'yung talim ng espada.
Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung sigurado ba si David sa sinasabi niya, pero mukha ring hindi siya nagsisinungaling. Besides, kung pumatay man siya ngayon, ano namang mangyayari sa kaniya? In this world, he's above the law.
"If I tell you now, you'll regret asking me---"
"Who are you to decide for me?" seryosong sabi ni David. "You're not my parents. Now tell me, who brought you here?"
Namayani ang saglit na katahimikan sa buong lugar, bago sandaling marinig sa buong lugar ang mahinang pag-iyak ni mama.
"It's your uncle. The king."
David stood still before he withdraw his sword.
Inabot niya kay gumiho 'yung espada. Mabilis namang kinuha ni gumiho 'yon mula sa mga kamay niya.
Naglakad agad palabas si David.
"David!" tawag ko sa kaniya pero hindi siya huminto o lumingon man lang.
Tumayo ako at iniwan sila mama at papa. Maglalakad na sana ako para sundan si David, pero agad akong hinawakan ni gumiho sa braso kaya napahinto ako.
Napatingin ako sa kaniya. Saglit kaming nagkatitigan sa mata kaya nakita ko kung anong gusto niya iparating. Ayaw niyang habulin ko si David.
Pero hindi ako nakinig.
Tinanggal ko sa pagkakahawak 'yung kamay ni gumiho sa braso ko.
"Elle, ikaw munang bahala kila mama at papa. Babalik din agad ako," sabi ko bago mabilis na naglakad para sundan si David.
Lakad at takbo ang ginawa ko para maabutan si David, hanggang sa makalabas ako ng mismong studio.
Sakto naman ako dahil agad na naphinto si David sa pagsara ng pintuan ng sasakyan dahil hinarang ko ang kamay ko bago niya tuluyang masara 'yon.
"Saan ka puypunta?" tanong ko sa kaniya pero masama niyang tinitigan ang kamay ko.
"Would you mind to remove your hand? I'll close the door," aniya pero hindi ko tinanggal ang kamay ko na nakaharang sa pintuan.
"Sasama ako," sabi ko sa kaniya.
Instead of removing my hands, he forced to close the door. Ang ending, naipit ang kamay ko kaya napasigaw ako sa sakit.
"Aray!" daing ko bago winisik-wisik sa hangin ang kaliwang kamay ko.
"S-sorry, I didn't mean to---"
Bumaba siya sa sasakyan bago hinawakan ang kaliwang kamay ko. Marahan niyang hinimas-himas ang napuruhan kong kamay. Nakita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya, kaya ginamit ko 'yung pagkakataon na 'yon para buksan ang pintuan ng passenger's seat.
Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya bago ako mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan. Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya bago siya pumasok sa loob ng sasakyan.
Umupo siya sa driver's seat at nag-seat belt.
"I told you, I'll come with you," sabi ko nang lumingon siya sa akin.
Nagbitaw siya ng palatik. "You didn't say you're making me your driver," aniya bago paandarin nang mabilis ang sasakyan.
After that, everything between us is nothing but silence.
Sa buong byahe, never ko narinig na nagsalita si David. At hindi rin ako nagsalita dahil pakiramdam ko, kapag nagsalita ako, tatalsik na lang ako bigla palabas ng kotse. Nanahimik ako hanggang sa huminto 'yung sasakyan sa tapat ng isang malaking building---teka, building ba 'to.
Napakunot ang noo ko sa taas ng building na nasa harapan ko. Sa sobrang taas, hindi ko gaanong matanaw ang tuktok nito. Mukha ring sobrang tibay ng pader nito. May mga nakatayo sa malaking entrada nito---mga gwardiya?
"Don't follow me or you'll be dead," aniya kaya wala akong nagawa nang bumaba siya.
Gaya ng sinabi niya, nanatili lang ako sa loob ng sasakyan. Pinagmasdan ko lang siya mula sa salamin hanggang sa lapitan siya ng mga guwardiya. Yumuyuko lahat ng nakakasalubong niya sa kaniya.
Kung tama ang hula ko, siguro ito ang palasyo niya?
Ang gara nito sa labas, paano pa kaya sa loob?
Hindi ko alam kung ilang tao ang nakita kong dumadaan sa harap ng sasakyan, o kung ilang minuto ang hinintay ko bago ko nakita si David na naglalakad palabas ng sasakyan. Nakita kong blangkong-blangko ulit ang mukha niya, kaya hini ko ulit mabasa kung anong nasa isip niya.
Sa halos kalahating oras niya sa loob ng palasyo, tila naging ibang tao siya.
Nang makapasok siya sa sasakyan at maka-upo sa driver's seat, naramdaman ko agad ang mabigat na pakiramdam. Siguro dahil sa walang reaksiyon niyang mukha, o dahil sa katahimikan na dlaa niya.
"Where do you want me to take you? Would you like to go back to your parents?" walang tono niyang saad habang inaayos niya ang seat belt niya.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam, pero may pagka-bitter ang pagkakasabi niya sa mga linya na 'yon kahit walang tono ang boses niya. Mas lalo tuloy bumigat ng pakiramdam na nararamdaman ko sa loob ng kotse.
"S-sasama ako sa'yo," sgot ko kaya napatingin siya sa rear view mirror.
"I'll leave you in the studio," aniya bago paandarin ang makina ng sasakyan.
"No. I'll come with you," diretsong saad ko pero hindi niya ako pinakinggan. "David, I'll come with you," pag-uulit ko.
"I'll leave you here or I'll drive you to the studio. Choose," malamig niyang saad kaya sandali akong napatahimik.
"Sasama nga ako sa---"
"Leave the car," mahina pero may diin niyang saad.
"H-ha?"
"Leave the car!"
"David---"
"If you won't leave, we'll both be dead by tonight," aniya kaya dinapuan na ako ng matinding kaba. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, o kung anong balak niyang gawin kaya nanatiling tikom ang bibig ko. "Hindi ka bababa? Fine," sabi niya bago ko nakita ang pagngisi niya sa salamin.
Napalunok na lamang ako ng laway nang bigla niyang paandarin ang sasakyan.
Dahil sa biglaang pag-andar, para akong tinulak ng malakas na pwera.
Hindi ko ininda 'yung sakit dahil tolerable naman.
Pero bumilis muli ang kabog ng dibdib ko dahil binilisan pa lalo ni David 'yung andar ng sasakyan. Sobrang bilis na akala mo siya lang ang sasakyan na dumadaan sa kalsada.
"David! T-teka---"
"Unless you'll leave this car, I won't slow down," sabi niya.
Nanatili akong tahimik.
At the back of my mind, gusto ko na bumaba. Pero sa state of mind ni David, hindi ko alam kung anong mangyayari sa kaniya kung wala siyang kasama.
Hindi ko alam kung dahil ako siya, at siya ako kaya ako concerned sa kaniya. Pero kung si Elle man o si gumiho ang nasa kalagayan ni David ngayon, for sure I'll do the same.
Nanatiling tikom ang bibig ko, kaya mas binilisan ni David ang andar ng sasakyan.
Halos malula ako nang maramdaman ko na tila lumilipad na ang sasakyan sa sobrang bilis nito.
Ilang beses din tumalon ang puso ko dahil sa mga sasakyan na ino-over take-an ni David.
Kahit kabadong-kabado na ako, nanatili pa rin akong tahimik. Napapikit na alng ako dahil parang nakikipag-unahan si David sa lahat ng sasakyan sa mundo.
Namalayan ko na lang, unti-unting bumabagal 'yung takbo ng sasakyan, hanggang sa tuluyan na itong huminto.
Kasabay non, narinig ko ang mahihinang paghikbi ni David.
"Don't say a word. I'll beheaded you," pagbabanta niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang manatiling tikom ang bibig sa likod ng sasakyan habang pinapakinggan ang impit at mahinang pag-iyak niya.
He didn't talk, or said anything. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak habang nakahinto ang sasakyan sa gilid ng mataas na lugar. Hindi ko alam kung saan kami napunta, o kung saan niya balak pumunta.
Siguro wala naman talaga siyang pupuntahan in the first place? Baka wala ring pumapasok na matino sa isip niya dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Gusto kong malaman kung anong iniisip niya. Kung gaano karaming tanong ang nasa isip niya. Kung anong gusto niyang gawin ngayon para mapanatag ulit ang loob niya.
But I guess I can do nothing about it.
Laging sinasabi sa akin ni Elle noon, that I can only suggest a solution to someone, but it doesn't mean that it'll be someone's final decision. We can only wait for them to heal on their own, with our support and mere existence.
Hinayaan ko si David na umiyak nang umiyak.
Hanggang sa lumingon siya sa akin.
"I'll bring you back to the studio," sabi niya pero agad kong hinawakan ang kamay niya na nasa kambyo ng sasakyan.
"Mind if I'll be your driver this time?" tanong ko habang nakangiti. "Your... highness?" pilit kong saad bago tinaas-baba ang magkabilang kilay ko.
Alam kong tutol siya, pero hinayaan niya ako.
Umupo ako sa driver's seat, pero hindi siya umupo sa passenger's seat. Instead, umupo siya sa katabing upuan ng driver's seat kaya napatingin ako sa kaniya.
"What?" he asked while putting the seat belt on. "In case you're planning to take a revenge, at least I can avoid it if I'm near," aniya na tila proud na proud dahil sa naisip niya kaya mahina akong natawa.
Sinimulan ko na paganahin ang makina, bago ko sinimulang paandarin ang sasakyan.
"Nakapagmaneho ka na ba ng anti-gravity car before?" tanong ni David.
"Hindi pa. Pero nakapagmaneho na ako ng kotse sa mundo namin."
"But they're different from anti-gravity car."
"Parehas lang naman halos. Wala lang gulong," nakangiti kong sabi bago nanatili sa pagmamaneho.
"Where are we going? This is not the way back to the studio," sabi ni David. "Are you planning to kidnap me?"
"Para mo naman sinabi sa akin na kikidnapin ko ang sarili ko."
Hindi na siya sumagot ulit. Nanatili na lang ang mga mata niya sa dinadaanan namin. Maybe he's trying to figure out kung saan kami papunta, or maybe he's trying to sort his thoughts. Neither of the two, at least he kept silent for the rest of the ride.
If this world is the same as ours, then I know a right place.
Definitely the best place.
***
I stopped when we arrive at the place in my mind.
Nakita kong nagtataka si David dahil hindi niya alam kung saan kami napunta.
Ngumiti lang ako bago ko tinanggal ang seat belt ko at bumaba ng sasakyan. Nasa gilid lang ng daanan ang sasakyan, kaya kita na mula rito sa kung saan kami nakahinto ang view ng lugar.
Pagbaba ni David sa sasakyan, 'yung view agad ang tumambad sa kaniya.
"Palagi kong iniisip magpunta sa beach at least once before I take on the throne. For some reason, I want to stare the sea, enjoy a solemn night in peace, and feel the blessing of the world for the first time."
Naalala ko 'yung sinabi niya noon, kaya dito ko siya dinala.
"Next time dadalhin naman kita sa beach sa mundo namin," sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa kaniya.
Hindi siya lumingon sa akin. Sumandal lang siya sa sasakyan, pagkatapos ay pumikit, at ilang beses huminga nang malalim.
We stayed like that for a long time. Pinagmamasdan ang view ng dagat na nasa harapan namin ngayon.
Hindi ko man alam kung anong nasa isip ni David ngayon, nararamdaman ko naman na nagiging kalmado na ang utak niya.
"It was my uncle," aniya kaya napatingin ako sa kaniya. Nanatili siyang nakapikit.
"Hmm?"
"He confirmed it. He's the one who brought your parents here," sabi niya kaya hindi ko alam kung anong dapat isagot, o anong dapat kong maramdaman. All these years, I thought my parents were dead. Pero nakita ko na ulit sila. Magalit man ako, mas nangingibabaw pa rin ang saya sa puso ko.
"And how about your parents?" maingat kong tanong.
Umiling siya bago malungkot na napangiti.
"I permanently lost them. They weren't lost though, they died," sabi ni David bago siya muling natahimik.
Hindi ako nagsalita dahil hindi ko rin naman alam kung anong dapat kong sabihin.
"Fate's too weird," biglang sabi niya kaya napatango ako.
"It is," halos pabulong kong sabi.
"At one point, it's on your side. Then at some point, it isn't. Sometimes, it's good on someone, and bad on another. Like for you and for me today," aniya kaya napatingin ako sa kaniya.
I know he wants to cry again, but he's containing his feelings.
Maybe we're alike too, in terms of our crying. We don't want to be seen crying. We both think that crying is a weakness, where in fact it makes us strong afterwards.
Pushing back your tears is the true weakness. Not being able to cry is not bravery, but cowardice.
Silence.
We've been silent for about half an hour before we left the beach.
He's driving again. He insisted dahil kung baka saan ko pa raw siya ulit dalhin.Habang nasa byahe, may biglang pumasok sa isip ko.
"Remember when you told me to search for the author of Fragments of the Universe?" bigla kong tanong kaya nawala ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Mmm. Why?"
"Someone told me he---she's Bangun-bangun," sabi ko kaya napatingin sa akin si David.
"What do you mean. Who?"
"Hindi ako sigurado, kasi baka namamalik-mata lang ako, but he or she changed forms. No'ng una ko siyang makita, matandang babae siya. Tapos no'ng makita ko siya kaninang umaga, batang lalaki naman tapos lalaking staff sa coffee shop kung saan ako nagkape."
"I thought it's just a myth," sabi ni David kaya kumunot ang noo ko.
"Alin?"
"There was a story about a genderless, lonely, great god who rules the universal time and cosmic movements of the upperworld. It is said that he's responsible for a human's fate," paliwanag ni David. "If that god is living with us all this time, then he has the answers to all our questions."
Nagkatinginan na lang kami ni David bago niya ibalik ang tingin niya sa daan.
Now we're not just dealing with the god of death or war, we're dealing with the god of time too?
End of Episode 12.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro