Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kismet | l&n | brunch

❝His neck. . . his beautiful neck.❞
Fleabag, 2016 - 2019

— ✷ —

        NOX COULD not help but smile at the sight of Luna – still fast asleep beside him. Chuckling softly, he reached for her neck. And as his fingers grazed her skin, he laughed again upon seeing the reddish marks he left there the night before.

        "Nox," Luna mumbled. "Anong ginagawa mo?" pabulong nitong sabi, nanatili itong nakatalikod sa kanya.

        "P'wede ko na bang malaman kung saan mo tinago 'yong dalawang stock ko?" Bumalikwas ng bangon ang babae pagkarinig niyon. Nakakunot ang noo nito nang humarap ito sa kanya. "Not that I'm expecting you to do something in return for last night. . . pero kung may ibibigay ka, okay lang din. S'yempre, marunong naman akong mag-appreciate."

        Nakangiting nilahad ni Nox ang kanang kamay. Itinaas-baba rin niya ang mga kilay, nagbaka-sakaling tumalab iyon sa girlfriend.

        Luna scoffed and leaned against the headboard. "We had a deal, remember? Isang pack lang sa isang buwan. Kasalanan ko ba kung halos gawin mong kanin 'yong benteng stick?" She crossed her arms over her slightly exposed chest.

        When he did not find a proper answer to calm her down, she hogged the dark blue comforter, covered her slightly flushed body, and stood up.

        Lumundo ang kama. Nagusot din ang bedsheet sa parteng iniwan ng babae.

        Halos umabot na sa baywang ang haba ng buhok ni Luna, natural ang pagka-brown niyon na kasingkulay ng mga mata nito. Marunong na rin itong mag-ayos kaya may maliliit na kulot sa dulo niyon. Pagdating naman sa make-up, kuntento na ito sa itim na eyeliner at nude lipstick.

        "Shit," bulalas nito na umagaw ng atensyon niya.

        Nabitiwan pala nito ang kumot.

        Pulang-pula ang mga pisngi nito nang humarap kay Nox. Parang bata rin nitong tinakpan ang katawan. Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib, niyakap ang sarili.

        Napasinghap siya. Bukod sa bigla niyang naramdaman iyong lamig ng hangin dahil kinuha ng babae ang kumot, mukhang hindi pa rin siya sanay na makita ang kabuuan ng katawan nito.

        Hindi pa rin siya makapaniwalang sinagot siya nito – at pinagkatiwalaan – magdadalawang taon na ang nakalilipas.

        Mariin siyang lumunok habang nakatingin kay Luna — na tumatakip ang bulto sa araw. Tila kumikinang ang mapusyaw nitong balat gawa ng malamlam na mga sinag na lumulusot sa bintana ng unit. Sapat na ang imaheng iyon para magising siya.

        Hindi pala. Mas higit pa sa sapat si Luna.

        Nang mapagtantong nakatingin siya ay mabilis itong yumuko. Kinuha nito ang nahulog na kumot. Kanang kamay lamang ang gamit nito – nakatakip pa rin ang kabilang braso sa dibdib – kaya muli nitong nabitawan ang mabigat at makapal na tela.

        "Bakit?" Hindi kasi maintindihan ni Nox, gayong hindi naman iyon ang unang beses na nakita niya itong walang saplot. "I love every part of you. You know that, right?"

        "Kahit na." Nanginig nang kaunti ang mga tuhod ni Luna, sinubukan nitong dumiretso ng tayo. Lalo ring tumingkad ang kulay sa mukha nito. "I'm not comfortable."

        Nox sighed. He always noticed – but never commented – how she disliked public displays of affection.

        He never asked anything too extreme, really. But whenever he kissed her in the middle of saying something (usually about her job), she would scold him. She would get all awkward whenever he asked for a peck on the cheek and/or lips.

        Her shyness was probably caused by her cheater ex, Wes.

        Nox understood that, of course. Besides being (more than) grateful when she agreed to be in a relationship with him, he knew that being her boyfriend meant choosing to comprehend her first – above all things.

        Amused by his own musings, he approached her. He surprisingly felt exposed, too, despite not being completely naked; despite wearing blue-black boxer briefs.

        "Really?" he asked her, half-smiling. As he bowed down to get ahold of the dark blue blanket, he heaved another sigh. "Okay. . ." he whispered before hugging her with the comforter.

        "Kahit anong gawin mo, 'di ko ibibigay," natatawang sabi ni Luna habang kinukuha ang kumot mula sa kamay niya. Hinigpitan ni Nox ang pagyakap dito, sinimulan din niyang halikan ang gilid ng leeg nito. "May pasok ako."

        "'Wag na," pabulong niyang sabi bago ito muling hagkan. Kauuwi lang kasi nito kahapon, sumama ito kina Remi, Kara, at Chinna sa isang resort. Dumagdag sa panggigigil niya ang amoy rosas nitong balat. "May opening pa sa department nila Chi. Why don't you apply there?"

        "Sayang, e." Huminga ito nang malalim bago ayusin ang pagkakatapis ng kumot. "Okay na 'yan, magpa-five years na rin naman," katwiran ni Luna na ikinanguso niya.

        Bukod sa mababa ang sahod ni Luna sa Hiraya Press, content editor ang posisyon nito roon pero pati ang pagbili ng kape ng boss ay kasama sa trabaho nito.

        "Flexi-time sa 'min," tukoy ni Nox sa Santiamo Publishing Inc. na pinamumunuan nilang dalawa ni Julian. "Sabay na tayong makakapag-lunch 'pag lumipat ka. Bawas gastos din sa transpo kasi p'wede kitang ihatid-sundo."

        Napabuga siya ng hangin nang mahina siyang tawanan ni Luna.

        "Sayang nga 'yong apat na taon," pag-uulit nito sa binitiwang paliwanag noong minsan na nilang pag-usapan ang tungkol sa trabaho. "Next year, kung wala pa rin 'yong pinangakong raise, lipat ako sa inyo."

        Lalong humaba ang nguso niya sa narinig. Iyon kasi ang lagi nitong dahilan. Sayang daw iyong apat na taon ng pagiging alila ng seniors sa Hiraya. Masyado kasing workaholic si Luna kahit pa hati naman sila sa mga gastusin sa unit.

        Bukod sa pagpupuyat, she would often eat late just to finish her pending tasks.

        "'Wag mo nga 'kong daanin sa gan'yan. Stop pouting." Luna walked towards the shower but kept the door open. When he did not respond, she scrunched her nose, making her tiny eye whiskers appear. "By the way, paano brunch natin mamaya?"

        "Ha?"

        Once again, he was distracted by her.

        Nakadungaw kasi ito sa pintuan. Dahil pinakawalan nito ang makapal na kumot bago pumasok, kitang-kita na ang kalahati ng hubad nitong katawan. Halos dumikit ang mahaba nitong buhok sa mismong pinto, naglahong parang bula ang pakialam sa kung paano niya ito titigan.

        "Sabi ko, pa'no brunch natin? Ako ba pupunta sa 'yo o ikaw pupunta sa 'kin?" natatawa nitong sabi, mukhang napansin ang (kapansin-pansin namang) epekto sa kanya. "Bakit mo 'ko tinitingnan nang gan'yan? Hindi ko nga ibibigay."

        Wala naman na sa isip ni Nox ang sigarilyong ikinukulit niya rito kanina. "May naisip ako." Maluwang siyang ngumiti, may pagkapilyo.

        Pinagtaasan siya nito ng kilay, agad nang nakuha ang pinupunto niya. "Tigilan mo 'ko, late na 'ko."

        Tumayo at lumakad siya papunta sa pintuan. "Sige na." Nakanguso niyang pinitik ang noo ng babae. "Tutal ayaw mong sabihin kung saan nakatago. . . tapos ayaw mo ring lumipat, dagdagan ko na lang 'yang nasa leeg mo."

        Panandaliang namula ang mga pisngi nito. "Please lang, ayoko nang mag-turtleneck." Nangingiti itong umiling habang dahan-dahang tinutulak ang pinto. "Ang layo ko kaya sa AC."

        "Okay, sige—" Pinigilan ni Nox ang pagsara niyon gamit ang braso. "—just tell me where you hid my stash."

        She pursed her lips, then smiled sweetly, making Nox's eyes beam in anticipation. "No," she deadpanned before shutting the door completely.

        "Luna," he muttered, his forehead against the door.

        Nox sighed when he heard her chuckle.

        With her around, his boring, neutral-colored living space turned brighter – figuratively and literally. Wala pa mang tatlong buwan doon si Luna, malaki na ang pinagbago ng lugar.

        May mga cactus at iba pang ornamental na halaman na nakasabit sa pader. Pati ang mga bedsheet at punda niyang puro itim at gray lang noon, pinalitan ni Luna ng iba't ibang kulay.

        Kung hindi dilaw, berde ang mga kurtina. Hindi naman makareklamo si Nox dahil tuwang-tuwa ang babae noong pumili sila ng mga bagong gamit. Halos naging kasingkulay pa nga ng mga pisngi nito ang hawak na ladybug plushie nang magprisinta siyang sagot niya ang mga binili – bilang regalo dahil pumayag itong tumira kasama siya.

        "So, paano nga pagkain natin mamaya?" Luna's voice echoed from inside the bathroom.

        With her around, he was. . . happier. No, he was content. Happiness would be an understatement to what he feels whenever he wakes up with her beside him. Seeing her – whether it was the peaceful look on her face or her beautiful neck – feels like a faraway dream.

        She was the distant kind of dream he probably forgot years ago, the kind he forgot right before he woke up. And the kind he would not trade for anything, not even for a pack of cigarettes.

        He stared at the blanket she left right outside the door. "I was hoping to say you," he whispered before folding the comforter with a sloppy smile on his face.##

— ✷ —

requested by:

requests are only allowed/taken from facebook group:

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro