eve | kf&kj | newfound traditions
❝The ache for home lives in all of us. The safe place where we can go as we are and not be questioned.❞
– Maya Angelou;
"All God's Children Need Traveling Shoes"
— ✷ —
GOING HOME to Batangas is a whole thing. Bringing a boyfriend home for the holidays is another. Kara never brought a friend to her parents', let alone, a boyfriend. As for her ex Jerome, sa university ito nakilala ng mga magulang niya. Inasar-asar kasi sila ng classmates nila noong nagkaroon ng event at imbitado pati ang mga magulang.
Nilingon niya si Karim na seryoso ang mukha habang nagmamaneho. Nang maramdaman ang pagtitig niya ay maluwang itong ngumiti.
Dumapo ang mga mata niya sa lalamunan nito. Malalim siyang bumuntonghininga. Naalala niya kasi iyong mga kumento ng papa niya tuwing magbi-video call sila patungkol sa tatuang braso ni Karim. Now that her boyfriend inked a minimalist script tattoo of their anniversary (which is also the day after her birthday) down his throat. . . she might never hear the end of it.
Kara gasped a little when she felt him squeeze her left thigh. "Bakit?"
Karim threw her a glance, his other hand not leaving the steering wheel. "Are you okay? We can always drive back if you change your mind."
"Medyo kinakabahan lang ako. I'm not changing my mind."
"Are you sure?" Muli itong sumulyap sa kanya at ngumiti nang maliit.
Bumuga siya ng hangin. "Yep. Tama ka naman, e. Magtatatlong taon na tayo. Tama lang na makilala ka nila sa personal."
Sinalubong nito ang mga mata niya sa rear-view mirror. "Sure ka, 'ha?" Muli nitong pinisil ang hita niya. Muli rin siyang napasinghap. They've been together for almost three years now. They've been in a lot of joyrides, gigs, and staycations but Kara might never get used to this habit of Karim – him squeezing her thigh or hand while driving.
She always finds herself surprised. Lagi siyang napasisinghap. Lagi ring namumula ang mga pisngi niya.
Tumikhim siya nang may biglang maalala. Noong nakaraang linggo kasi ay nagbalak silang manood ng sine. But because they both pulled all-nighters that week, they ended up sleeping and missing the film. They didn't just sleep the whole day, though. Bilang pambawi ay dinala siya ni Karim sa isang drive-in theater. They watched Eddie Rodriguez's "Maging Sino Ka Man."
And when it got too predictable and cliché, she and Karim ended up making out. . . with the movie (that they paid for) playing in the background.
Kara cleared her throat, attempting to stop her brain from recalling the events from the said night. "Ikaw ba, hindi ka ba kinakabahan?"
Pinaningkitan siya ng mata ng boyfriend. "Why are you suddenly red?" Agad naman nitong ibinalik ang tingin sa kalsada. "Nilalagnat ka ba sa kaba?"
Inihilig niya ang ulo sa bintana para pasimpleng silipin ang kulay ng mga pisngi sa side mirror. "No, sa blush-on 'yan," pagsisinungaling niya.
"Really?" nakatawang tanong ni Karim.
"Iniiwasan mo lang yata 'yong tanong ko, e." Pinaglaruan niya ang lock ng seat belt. "I've told you how traditional they are, right?"
"Yep," mabilis nitong sagot.
"Nasabi ko na rin ba sa 'yong devoted Roman Catholics sila?"
"Uh-huh," sabi nito sabay ikot ng manibela pakanan. "Nasabi ko na ba sa 'yong ang tagal ko nang hindi nagsisimba?"
"Yep, sabi mo, last na simba mo. . . no'ng nandito pa sa Pilipinas mommy mo."
Karim chuckled. "Yes, but let's not tell your parents that. And I'll just steer clear of religion just to be safe."
"I'm sorry but. . . I don't think that's possible. Kinukumpleto kasi namin 'yong Simbang Gabi so kahit dalawang gabi lang tayo do'n. . . malamang, papasamahin ka nila." Pinanuod niya kung paano nito kinagat ang labi – parang nag-iisip – habang nakatingin sa kanya.
Maya-maya ay huminga ito nang malalim. "Well, it's not like I can do anything." Kinamot nito ang ilong. "Kasama ka naman sa simbahan, 'di ba?"
"Malamang," natatawa niyang sagot. Hindi makapaniwala niya itong tiningnan nang mapagtantong kinamot nito ang ilong. Ginagawa lang naman nito iyon kapag kinikilig o kinakabahan. That's always been his tell. "Kinakabahan ka na ba?"
Karim looked at her again. "Nope. Bakit naman ako kakabahan?"
"I don't know, kaya nga kita tinatanong, e." Natawa siya nang mahina. Umiling-iling pa kasi ito, parang hindi makapaniwala sa ibinibintang niya. "Look, I'll be there the whole time. Hindi naman sila pumapayag na 'di ako kasama."
"Are you sure?"
She smiled meekly at the question.
It's moments like this where she suddenly recognizes how comfortable they've become with each other. Kung noon ay hirap pa rin siyang basahin ang iniisip ni Karim. . . iba na ngayon. Now, she already knows what he's thinking even just through the slightest bit of change in his tone.
"Yes, I'm sure. I can hold your hand the whole time if you want," she suggested. "Saka para na rin sure tayong 'di ka matutunaw."
Mabilis siya nitong tiningnan. Nangunot din ang noo nito.
"Don't look at me like that." Natatawa niyang hinawakan ang baba nito. Pinaharap niya ito sa kalsada. "Focus on driving. Nag-jo-joke lang ako. 'Di ka matutunaw."
"Okay, but promise that you'll hold my hand the whole time—" Napamaang siya nang hawakan nito ang kamay niya habang nakaharap sa kalsada. "—like this."
"Okay, I promise," sagot niya. "Pero uy. . . kung hindi ka talaga kumportableng magsimba, p'wede ko namang ipaliwanag kina Mama na masyado nang kumplikado ang concept ng religion at faith—"
"Hey, there's no need for that," pagputol ni Karim sa puntong inihahain niya. "When I said I wanted to get a glimpse of where and how you grew up, I meant it. Don't worry about me, Cinderella. Kaya ko sarili ko."
Maluwang siyang ngumiti nang pisilin nito ang kamay niya. "Akala ko ba, masyadong cheesy?"
Agad din nitong pinakawalan ang kamay niya para pagtuunan ng pansin ang manibela. "Hmm? What now?"
Kara chuckled. "You didn't call me Cinderella for months, dahil sabi ng kapatid mo, masyadong cheesy."
"Yeah, but I refuse to stop. It makes you smile," he said casually. "By the way, have you talked to her?"
"Nope, pero nag-react siya do'n sa IG story ko last week." Pinusod niya ang buhok. "The one where I thanked you for my bag." Parang bata siyang ngumisi habang itinataas iyong bag na niregalo sa kanya ni Karim.
"I knew it." Mahina itong natawa. "Sabi na, nagtatampo 'yon, e."
"Hindi mo ba siya niregaluhan?"
"Of course, I did. I mean, I will. . . na-delay lang 'yong shipping ng kanya."
"Tapos 'di mo sinabi sa kanya?"
"Kara, it's a surprise Christmas gift. Of course, I didn't tell her."
Tinusok niya ang kanan nitong pisngi. "Kahit na. Baka magtampo 'yon kasi iniisip niyang inuna mo 'ko."
"For your peace of mind, I'll call her pagdating natin sa inyo." Inalis nito ang Bluetooth headphones sa leeg at saka, binigay sa kanya. "And if she doesn't answer, iti-text ko na lang. She's probably busy with the agency anyway."
"Right, may gigs nga pala siyang ino-organize for next year." Sa leeg lang niya sinabit ang headphones.
"Here." Tinanggal ni Karim ang phone mula sa mobile holder at saka, inabot sa kanya. "Idlip ka muna. I'll wake you up when we're 15 minutes away."
Tahimik siyang namili ng kantang patutugtugin mula sa Spotify playlist nila. "Akala ko ba, magda-drive thru muna tayo para makapagkape ka?"
"Okay. . . I'll wake you up then."
Umayos siya ng upo. "Alam mo namang pumayag lang akong 'wag kang mag-almusal kasi sabi mo, dadaan tayo ng drive thru, 'di ba?"
"Yes, ma'am," he answered cheekily. "And I hope you're not forgetting why I agreed to let you pull an all-nighter last night."
"Oo nga pala." Napalabi siya. "I promised to sleep while you're driving, right?"
He nodded with a smile.
"I am sleeping," she reassured him. "Namimili lang ako ng kanta."
Kara clicked on Bap Kennedy's "Moonlight Kiss" before pressing on the Maps application icon. As the song engulfed the atmosphere, she reattached the phone to the mobile holder. Karim looked at her questioningly as soon as the song began.
"I can feel my heart. . . and it's fit to burst."
"Is this your way of saying you want to watch 'Serendipity' again?"
Napangiti siya sa tanong nito. Watching Christmas films became their tradition for the last two years. Just as she was beginning to believe that she had completely converted Karim into a romantic, nakipagdebate ito sa kanya noong pinapanood niya rito ang "Serendipity" ni Peter Chelsom.
Hindi raw realistic. Dagdag pa nito, hindi raw nagbibigay ng gano'n karaming pagkakataon si Universe. That made her laugh heartily for a few minutes while pointing the obvious – the film was only fictional.
"Wish I could fall. . . on a night like this. . ."
"Tapos ano? Maduduling ka na naman kakapaikot ng mata mo?" tumatawa niyang tanong. Nangingiti naman itong umiling. Muli siyang umayos ng upo. Siniksik niya ang ulo roon sa maliit na puwang sa pagitan ng sandalan at bintana. "Gigisingin mo ako, 'ha?"
Tumuro ito sa likod gamit ang hinlalaki. "I brought my neck pillow. You can use that if you want."
". . .into your lovin' arms. . . for a moonlight kiss."
"No, I'm fine. Inaantok na ako, actually."
"Okay, okay. I'll stop talking."
Pagkasabi niyon ni Karim ay napahikab siya.
Tumikhim ito. "Hinaan ko ba 'yong aircon?"
Umiling siya. "I'm wearing a cardigan." Pumikit siya nang mariin at saka siya huminga nang malalim. "Okay na 'yong lamig."
"How about a blanket?" pangungulit nito.
Nagmulat siya at tumunghay. "Karim. . ." Sinalubong niya ang tingin nito sa rear-view mirror.
Itinaas nito ang mga kilay. "What?"
"I thought I saw your face. . . in the evenin' sky."
"Ang kulit mo," sabi niya na ikinatawa nito. "If you want me to accompany you instead of sleeping, sabihin mo lang. Okay lang naman sa 'kin, e."
Tumingin ito sa kanya at lumabi. For a second, it seemed like he was considering her offer. "No, I can't do that to you. You need sleep." Inabot nito ang kaliwa niyang kamay. Nilaro-laro nito iyon. "Gisingin kita mamaya. I promise."
"Sure 'yan, a?"
"Yep." Karim beckoned her to lean in which she did. He slightly pulled her close before giving her a light kiss on the lips. "I love you. Now please sleep."
"Yes, sir," she answered, smiling.
Bap Kennedy's raspy, soothing voice began fading in the background as Kara heaved a sigh and closed her eyes. She turned her body slightly to the side to make herself feel more comfortable. Sinubukan din niyang mag-unat ng mga binti. Maya-maya, naramdaman niya ang pagpisil ni Karim sa kaliwa niyang kamay.
The gesture served as the final push to make her sleep soundly.
Around an hour later, Kara heard noises. She partially opened her eyes and saw Karim talking to someone. She yawned and stretched her arms. Nang tuluyang mahimasmasan ay saka lang niya nakita iyong napakalaking logo ng fast food restaurant sa gilid ng sasakyan.
"Goodmorning," Karim greeted her with a smile. He carefully turned the steering wheel as they move onto the next window to claim their food. "Thank you, sir," he thanked the staff manning the booth. After that, he placed the huge brown bag on her lap. "I ordered you pancakes, fries, and hot chocolate."
Tiningnan ni Kara ang sariling repleksyon sa salamin. "Nagbigay ka ba ng tip?"
"Of course, I did." Inabot nito sa kanya iyong bugkos ng drinks. "Sa'kin 'yong kape d'yan, 'ha? You need to sleep again after eating."
Nagpungas siya ng mga mata. "After eating talaga? Hindi ba ako babangungutin?"
Napalabi ito. "Okay, maybe wait for 20 minutes before sleeping again."
Nilakasan muna ni Kara ang "Sweet to Me" ng Summer Salt bago niya binuksan ang paper bag. Matapos iyon ay nilabas niya ang box ng pancakes. Using the plastic fork and knife, she spread butter and maple syrup all over the pancakes. She ate a piece herself before slicing another for Karim.
"Love," untag niya rito habang nakataas iyong tinidor na may kapirasong pancake.
"Thanks," he answered while munching. "Eat first. Kumain naman ako ng boiled egg kanina."
Kara scrunched her nose. "Hindi ka naman mabubusog sa isang nilagang itlog," sagot niya na nagpangiti rito. "You don't have to work hard on your body anymore. You already have me."
He looked at her, amused. "Okay, who told you that I work out for you?"
"Si Rem." Sumubo siya ng pancake.
Napakamot naman sa ilong si Karim. "For your information, I actually like the feeling of working out. Alam mo namang malakas mang-trip si Remi. You shouldn't believe everything she says."
"Sorry." Ngumiti siya nang maliit. "But my point still stands. Hindi nakakabusog 'yong isang pirasong itlog. Kain ka ng marami sa bahay, 'ha? Susubuan kita sa harap nila Mama kung kinakailangan."
He narrowed his eyes at her. "Really? You'd do that?"
Kara bit her lip, suddenly aware of what she had just suggested. This has happened numerous times before. To convince her boyfriend to do something, she would often threaten him. . . only to realize later on that the threat benefits him and is, therefore, not a threat.
"Natahimik ka?" tumatawa nitong pagpansin sa pananahimik at pag-iisip niya. Maya-maya ay ngumuso ito sa direksyon ng biniling drinks. "I'm just teasing. Could you please give me my coffee?"
Nilapit niya rito iyong mainit-init pang coffee cup. "Kapag ginawa ko 'yon—"
"I'll congratulate you for being true to your heart's desires in front of your parents," pagputol ni Karim sa balak niyang sabihin. Kumindat pa ito para lubusin na ang pang-aasar sa kanya. "Wait, my coffee," reklamo nito nang ilayo niya iyong baso bago pa ito makasimsim mula roon.
Sighing, she helped him drink from the cup.
Kara didn't sleep for the next half an hour. When it had finally sunk in that she was about to formally introduce someone special to her parents, she drank some of the coffee and stayed awake. Pinanuod na lang niya iyong mga nadaraanan nilang sasakyan, poste, at Christmas lights. Mabuti na lang at alas-kuwatro sila nagsimulang bumiyahe. Wala tuloy gaanong traffic.
From time to time, Karim would look at her and she would feed him pancakes. From time to time, she would sigh loudly. Ilang beses tuloy nitong pinakawalan ang manibela para lang pisilin ang kamay niya.
Katatapos lang ng "December" ni Clara Benin nang maramdaman niyang huminto ang sasakyan. Sumulyap siya sa katabi. Iminaniobra nito ang kotse bago tuluyang patayin ang makina.
"We're here." Huminga nang malalim si Karim at saka, inalis ang lock ng sariling seat belt. "Ready ka na ba?"
"Nandito na tayo. Wala na tayong choice," natatawa niyang sagot.
Magaan siya nitong nginitian. "If things get too emotionally or mentally draining, we can leave any time you want. I promise I won't judge. Tutulungan pa kitang mag-isip ng emergency kung gusto mo."
Sumilip siya sa bintana. Halos katapat lang pala ng pinagparadahan nila iyong pintuan ng bahay nila. Saktong pagtingin niya roon ang siyang pagbukas ng pinto. Niluwa niyon ang mama niya. Nakapusod ang buhok nito. Sa isang kamay ay may hawak itong walis tingting.
Wala sa sariling napangiti si Kara. Dire-diretso kasing pumunta sa lote sa likod ang mama niya kung saan nakatanim ang mga anak-anakan nito.
Ever since she opened up to her parents, they have been doing the same thing. They started being more attentive to her and her suggestions. Nakumbinsi pa nga niya ang mga itong kumausap ng isang relationship counsellor. Pero hindi naman niya iyon ginawa para magkabalikan ang mga magulang. She just wanted them to be more civil and friendly around each other.
"I think you're ready more than you think you are," she heard Karim say. He affectionately cupped her face. "Shall we go and say 'hi'?"
She answered with a smile.
Karim unlocked the doors. Nauna itong lumabas sa kanya para kunin ang mga gamit sa backseat. Nang sumunod siya para umalalay ay iniwas nito mula sa kamay niya iyong backpack niyang may laptop at damit.
"Boyfriend kita, hindi alalay." Nilahad niya ang kamay para hingin iyong bag niya. "I can carry that."
Karim refused to listen. Sinabit nito sa magkabilang balikat iyong mga bag nila. Nang subukan niya muling agawin ang backpack, nagmamadali itong lumakad papunta sa pintuan ng bahay. Naiiling niya itong sinundan.
"Akin na," pabulong niyang sabi.
Lalo nitong binilisan ang paghakbang.
Nasa gitna sila ng pag-aagawan ng bag nang may marinig siyang tumikhim.
Ang papa niya iyon, nakasandal sa saradong pinto.
Nakahalukipkip pa nga ito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Karim. Ilang segundo ang lumipas. Maya-maya ay nilahad nito ang mga braso at saka, ngumiti.
Upon realizing that her father was welcoming her with a hug, Kara threw a glance at Karim who gave her an encouraging smile. She walked towards her father. "Hi, Pa," she muttered as she returned his awkward hug.
The hug lasted for a few seconds before Karim faked a cough.
"Uh, Pa. . ." Lumingon siya sa boyfriend. Bahagya siyang tumagilid. Nilahad din niya ang kanang braso para palapitin pa si Karim. "Si Karim po. Siya po 'yong nangungulit sa inyo tuwing birthday ko."
Inayos ni Karim ang pagkakasabit ng mga backpack sa magkabilang balikat at saka, tumabi sa kanya. Tumikhim muna ito bago maglahad ng kamay. "Magandang umaga po, sir. It's nice to finally meet you po. . . in the flesh."
Kara looked at Karim weirdly. It was as if all of the flirting energy he had exhibited in the car had vanished into thin air. Malawak siyang napangiti. Naalala niya kasi iyong pangako nito sa kanya noong minsan nilang napagkuwentuhan ang pagbisita sa Batangas. Karim promised to try his best to speak in Filipino. Nalaman kasi nitong isa iyon sa inirereklamo ng papa niya.
Of course, Kara told him it wasn't necessary but he reminded her of his goal in their visit. He wanted to impress her parents and above all. . . gain their respect. Nang tanungin niya ito kung bakit hindi kasali sa misyon nito ang makuha ang approval ng mga magulang niya, kinunutan lang siya nito ng noo.
Sabi ni Karim, hindi naman na kailangan pang makuha ang approval ng kung sino. He added that she's a grown woman who's capable of making decisions for herself. That made her heart flutter – even if that was the bare minimum she expects from every single one of her loved ones.
"E, magandang umaga rin," sagot ng tatay niya bago makipagkamay kay Karim. Ilang saglit pa ay nilahad nito ang braso, hinihingi ang isa sa mga bitbit na bag ng boyfriend niya. Karim eagerly obliged, much to Kara's surprise. "Maricar, nandito na mga bata!"
Kara swore she saw a glint in Karim's eyes as her father called to her mom. Tinawag kasi sila nitong mga "bata."
Nakuwento kasi sa kanya ni Karim na bibihira na lang nitong makausap ang sariling ama magmula nang maghiwalay ang mga magulang. Besides that, he hasn't probably been to someone's home where people actually welcome him with open arms. Kara held his hand tighter than he did (to assure her) earlier.
"Why?" he asked, confused at her sudden bravery to publicly display affection.
Ngumiti siya nang maliit. "Wala, wala."
Pinagbuksan sila ng pinto ng papa niya. Nang makitang papalapit na ang mama niya sa kanila, iginiya niya si Karim papasok ng bahay. Natawa na lang siya nang makitang lukot pa rin ang noo nito. Gayunpaman, sumunod sila sa papa niyang ipinasok na ang mga gamit.
As soon as they entered the house, Kara's cheeks reddened. Hindi niya kasi alam na naka-display na pala sa pader iyong mga picture niya. It wasn't just the ones from her graduation, though. Arranged neatly were photos of her wearing a gown from her Recognition Day in elementary, and graduation in high school and college. Sa mga puwang na naiwan, nakasabit iyong mga certificate mula sa iba't ibang writing contests na sinalihan niya noon.
Kinuha ni Karim iyong naka-frame na family picture sa ibabaw ng mesang rattan sa sala. "Ang cute mo dito. When was this taken?"
"Nursery 'yan siya d'yan," sagot ng papa ni Kara, sabay simsim ng kape. "Nakikita mo 'yang pink na ribbon na 'yan? Best in Math 'yan."
"Pa, naman," reklamo niya.
"O, bakit?" tumatawang tanong ng tatay niya. "Sinasabi ko lang kasi proud kami sa 'yo, saka ayaw mo bang malaman ng boypren mo na magaling ka sa Math?"
Kara heaved a sigh. Sumulyap siya roon sa picture frame na hawak pa rin ni Karim. If things weren't better now than before, she'd probably be wallowing about how that picture was the last family picture they took. Napabuntonghininga ulit siya. Sa pagkakataong iyon ay napalingon na sa kanya ang boyfriend.
Karim's stare softened. Wala pa man siyang sinasabi ay tila naintindihan na nito kung bakit siya bumuntonghininga habang nakatingin doon sa frame.
He smiled at her meekly before putting an arm around her. "I didn't know you were Best in Math. Galing naman pala ng girlfriend ko." Pinisil pa nito ang mga balikat niya.
Naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi sa ginawang pag-akbay ni Karim.
Pagtunghay niya ay nangingiti palang nakatitig sa kanila ang papa niya. Itinaas-baba pa nito ang mga kilay, nang-aasar. "May mainit na tubig na kaya kung gusto niyong magkape, magtimpla lang. Libre naman iyan." Ngumisi ito at saka, tumuro sa likod niyong TV set. "Kung sinong magsi-CR, mag-CR na muna bago tayo mag-almusal."
"Pa, pa'no nga pala mamayang gabi?"
"Kararating niyo lang, tapos tulog agad iniisip mo?" hindi makapaniwalang tanong ng papa niya. "Paalala ko lang sa 'yo, anak, 'ha? Magsisimba tayo mamaya. Bawal tutulog-tulog."
Natawa si Karim. Sinamaan niya ito ng tingin. "Pa naman, tinatanong ko lang kung saan matutulog si Karim." Napamaang siya nang mapansin ang pag-angat ng mga kilay ng tatay niya. "I mean, hindi kasi siya p'wede sa kuwarto ko, 'di ba?"
Tumungga ito ng kape. "P'wede siya do'n sa kuwarto namin ni Mama mo tapos dito kami sa sala. Maglatag na lang kami dito."
"Sir, okay na po ako dito sa sala," pagtutol ni Karim. "Nakakahiya naman po kung kayo pa mawawalan ng kuwarto dahil sa 'kin."
"Sigurado ka, 'ha? Napakalamig dito kapag umaga."
"Opo, sir, okay lang po."
Salitan silang pinasadahan ng tingin ng papa niya. Maya-maya ay tumigil ang mga mata nito sa boyfriend niya. "'Tito' na lang itawag mo sa 'kin, hijo." Tinapik din nito ang kanang balikat ni Karim. "Tulungan na lang kitang maglatag dito mamaya."
"Kara, anak, hindi pa ba kayo kakain?" tanong ng Mama niya galing sa kusina.
"Papunta na po, Ma." Pagkasabi niyon ay umangkla siya sa braso ni Karim. Nang hindi ito tuminag ay mahina niya itong tinulak papunta sa direksyon ng kusina. Naiwan sila ng papa niya sa sala. Nakatitig ito sa kanya habang umiinom mula sa baso. "Bakit po?"
"Ano 'yong—" Ngumuso ang papa niya kay Karim na nakatalikod at lumalakad papuntang kusina. "—'yong nasa ano. . . lalamunan niya?" Tumuro pa ito sa sariling lalamunan. "Petsa ba 'yon o number-number lang?"
Napangiti siya nang maliit. "Anniversary po namin 'yon, Pa. Hindi 'yon number lang."
Pinaningkitan siya nito ng mata. Tahimik atang sinuma kung nagbibiro siya. "E, paano pala 'yan kung maghiwalay kayo?" Humalakhak ito nang mapansin ang pababang pagkurba ng mga labi niya. "Joke lang, 'nak." Inakbayan at inakay siya nito papunta sa kusina pagkatapos. "Welcome home, anak," bulong nito bago halikan ang tuktok ng ulo niya.
Having breakfast with her parents and Karim went so much better than expected. Puro pangungumusta ang tanong ng papa niya. Ang mama naman niya, tanong nang tanong kung nagustuhan nina Remi at Julian iyong ipinadala nitong kapeng barako.
Surprisingly, Karim did well. Well. . . Kara knew her parents would love him but she didn't expect him to be a sport. When her mom accidentally brought up her ex, Jerome, Karim just listened and nodded.
Nang tanungin niya ito kung bakit hindi man lang ito nakaramdam ng pagseselos, ang sabi nito sa kanya: "Bakit ako magseselos? They're just indirectly telling me what not to do; and to not hurt you."
Instead of walking around the city, her parents made her and Karim catch some sleep for the rest of the day. Kara woke up around 3 in the morning. Nakarinig kasi siya ng ingay. Nang lumabas siya ng kuwarto ay nadatnan niyang nagkakape at nag-uusap ang mga magulang niya kasama si Karim.
"Morning," nakangiting bati sa kanya ni Karim.
Agad niya itong tinabihan sa isa sa mga upuang yari sa rattan. "Bakit ang aga mo nagising?"
Tumuro ito sa mama niyang nakangiti lang sa kanila. "Magsisimba raw kasi." Pagkasabi niyon ay inabot nito sa kanya ang isang mainit na baso ng kape.
Pero hindi nakuntento si Karim sa simpleng pag-abot. Ito mismo ang naglapit ng baso sa bibig niya. At nang may kaunting tumapon, pinunasan nito ang sulok ng mga labi niya gamit ang hinlalaki.
"Thanks." Iyon na lang ang tanging nasabi ni Kara.
Nilapag ng mama niya ang kanina pang hawak na phone sa ibabaw ng nakagitnang mesa. "Alis na tayo maya-maya, 'ha? Gumayak ka na, 'nak."
Instead of arguing, Kara did what she was told. Pati kasi si Karim ay mukhang nakapaligo na at handa nang umalis anumang oras. On the way to the church, her boyfriend turned a few heads. Halatang-halata kasing dayo ito – sa tindig at katangkaran pa lang. Dumagdag pa iyong mga tattoo nitong lalong lumitaw dahil sa suot nitong itim na crew-necked shirt.
A little bit of her felt proud of her hometown, though. Wala kasi siyang napansin na bumulong o umirap kay Karim. In fact, most of the girls sitting behind them gushed and chattered excitedly.
Nilingon niya iyong mga babae.
Amputa naman, oo.
Napapalatak siya. Nasa loob kasi sila ng simbahan pagkatapos. . . ang boyfriend niya ang inaatupag ng mga ito. She didn't bother masking the sour expression on her face as one of the girls took a picture of Karim's back.
"Are you okay?" he asked. Nang hindi siya sumagot ay sinundan nito ang tinitingnan niya. Mahina itong natawa nang mapagtanto kung ano ang ikinaiinis niya. Afterwards, he stared at her lovingly. He batted his lashes. "You know I'm yours, right?"
Sumulyap siya sa katabi niya, ang Mama niya. Baka kasi nakikinig ito sa usapan nila ni Karim. Sakaling nagkukunwari lang itong nakatingin sa unahan – hinihintay ang pari – paniguradong grabeng pang-aasar ang aabutin niya pag-uwi.
Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Karim. Bumaling siya rito. "Bakit?"
Sa halip na sumagot, humilig ito sa kanan niyang balikat. Sumiksik ito sa leeg niya. "I was about to say that you're cute when you're jealous and then, I realized that that's not really a compliment because I don't want you to feel that way. I've been there, at hindi masarap sa pakiramdam."
"Love, thank you, pero—" Magaan niyang tinapik ang pisngi nito. "—'wag kang matutulog, 'ha?"
Umungot lang si Karim habang nakapikit na ang mga mata. Siya naman, nilingon niya iyong mga babaeng nakaupo sa likuran nila. Kara found herself smiling as she heard their disappointed sighs and "I-told-you-so's."
When the church bells started ringing, she woke Karim up. Pinaayos niya rin ito ng upo. Dahil matagal-tagal na magmula noong huli itong tumapak sa simbahan, minabuti niyang kumustahin ito minu-minuto. Karim found that funny. Hindi naman daw ito demonyong puwedeng masunog anumang oras para alalahanin niya.
Gayunpaman, nagpasalamat ito sa ipinakita niyang concern.
Because it was Christmas Eve's eve, the sermon was about God's will and how He gave up His only son for the world. Kara made a mental note to ask for Karim's thoughts about it later.
"Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo."
"At sumainyo rin."
"Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa't isa."
Pagkasabi niyon ng pari ay humalik ang papa niya sa pisngi ng mama niya. Hindi niya naiwasang mapangiti sa nakita. Naalala niya kasing bigla iyong excited na pagkukuwento ng mama niya patungkol sa boyfriend nitong si Robin – na dati nitong boss. According to Kara's mom, her father actually approves of Robin.
Kara hugged her mom. She didn't comment on her mother's surprised face. And then after kissing her father's cheeks, she turned to Karim who watched how everyone instantly became merry. With his arms crossed, he watched in awe how people hugged and kissed each other.
Kara, on the other hand, watched him and him alone.
Napakalambot kasi ng ekspresyon sa mukha nito.
Siniko niya ito. "Okay ka lang?"
Mabagal itong tumango at saka, kumamot sa ilong. "I just. . . I just think it's nice how people seem to forget all of their problems after an hour of sitting and listening to the gospel." Napalabi ito pagkatapos. "Hindi 'yon sarcastic, 'ha? I'm genuinely amazed."
"Parang magic ba? I think that's why it's called faith." Bahagyang tumingkayad si Kara. Maingat niyang nilapat ang mga labi sa kanan nitong pisngi. "Peace be with you."
Karim refused to let her go after that. That wasn't a surprise, though. Bihira kasi talaga itong makuntento sa simpleng paghalik sa pisngi. He pulled her close before planting a proper kiss on her lips. "Peace be with you, too," he mumbled afterwards.
Kara slightly panicked upon realizing that the kiss lasted longer than it should have. Sa tantiya niya ay tumagal iyon ng tatlong segundo. Pagkatapos ng tatlong segundong iyon, nagpalinga-linga siya.
Nakatingin pala sa kanila iyong mga babae sa likod.
Pagbaling niya sa mga magulang ay saka lang siya nakahinga nang maluwang. Nakatuon kasi ang atensyon ng mga ito sa mga pahabol na habilin ng pari sa unahan. Bagaman imposible, kinumbinsi na lang niya ang sarili na hindi nito napansin iyong halik na ipinuslit nilang dalawa ni Karim.
Pagbalik nila sa bahay, agad na kinuha ng papa niya ang mga unan, kumot, at kutsong ipahihiram kay Karim. Saglit silang nagkuwentuhan habang itinatabi iyong mga upuan. Her mother joined them, much to Kara's dismay. Tatlong photo album kasi ang ipinakita nito kay Karim. And in those albums, there was one or three nude baby pictures of her.
By 5:30 AM, Kara temporarily said goodbye to Karim and went inside her room.
And by 5:45 AM, she heard noises coming from her parents' room. She tried to figure out what they were bickering about. Nang mapagtantong nagkukuwentuhan lang ang mga ito, huminga siya nang maluwang. Her first day back in Batangas has been good – so far – and the last thing she wanted was for her parents to fight on something nonsensical and irrelevant.
Kara was about to pull her blanket over her head when she heard a soft knock on her door. Inayos niya muna ang suot bago binuksan ang pinto. Sumilip siya roon.
Ang nakangiting si Karim ang bumungad sa kanya. "Can I come in?"
"Sure." Nalilito man ay pinalaki niya ang awang ng pinto. Muli siyang humiga sa kama. Tumabi naman ito sa kanya. Tumagilid siya para harapin ito. "Wait. Bakit ka nga ulit nandito?"
Lumabi si Karim. "I heard your parents so I thought you might need me."
"Hindi naman sila nag-aaway," pabulong niyang sabi. "Gan'yan lang talaga sila mag-usap saka. . . hindi na siguro sanay na magkasama sa iisang kuwarto. I told you about them sleeping in separate rooms, right?"
He nodded, then tousled her hair. "Yep, and you said you feel fine about it."
"Bakit parang 'di ka naniniwala?"
"I didn't say that. I just think—"
Bumuga siya ng hangin. "I'm fine, okay? Mas okay nga 'yong setup nila ngayon kaysa 'yong dati na parang pilit na pilit silang pakisamahan 'yong isa't isa." Tinalikuran niya ito.
Karim wasn't completely right. He wasn't completely wrong, either. Ayos lang kasi sa kanya ang setup ng mga magulang. Hindi na siya naiipit, e. Sadyang may kumikirot lang talaga sa loob niya sa tuwing maaalala niyang hindi na natutulog sa isang kuwarto ang mga ito. It's probably her inner child hurting – as her therapist said – and that's normal.
Normal lang namang maghangad ng kabuuan at bilang bata. . . normal lang din na hanapin niya iyon sa nakagisnan niyang pamilya.
Kara was about to apologize when she heard him sigh loudly. Nagsisisi na yata ito sa ginawang pagpasok sa kuwarto niya. Balak niya sanang tumagilid – para harapin ang boyfriend – nang maramdaman niya ang pagtusok ng baba nito sa leeg niya.
"I'm sorry for prying," he mumbled against her skin. "I just think you should be honest about your feelings. Alam mo namang hindi na 'ko masyadong judgmental, 'di ba?"
The last statement earned a laugh from her. "Sorry din, for lashing out. I think a part of me is still in denial so. . . ewan ko." Inabot nito ang kamay niya. Hinalik-halikan nito ang likod niyon. "I think I need to give it more time, para mag-sink in."
"Okay, but please know that you can always talk to me whenever you're ready," he said sincerely.
"Don't worry," she assured him. "Alam ko naman 'yon."
"Hintayin lang kitang matulog, then lalabas na 'ko."
Nilingon niya ito. "Why?"
"Hmm." Pinagsalikop ni Karim ang mga daliri nila. Pagkatapos, tinaas nito ang magkahawak nilang mga kamay. Tumakip ang anino niyon sa nakasinding fluorescent light niya sa kuwarto. "I just don't want to be disrespectful towards your parents," he explained.
Kara looked at him fondly as if seeing him under a different and much brighter light. "Thank you, really." He looked at her questioningly. "Sa pagsama mo sa 'kin dito."
Magaan muna itong ngumiti at saka nito ibinaba ang mga kamay nila. Magrereklamo sana siya sa ginawa nitong pagbitiw sa kanya nang maramdaman niya ang pagbalot ng mga braso nito sa baywang niya. After that, he placed his chin on the crook of her neck again and hugged her tightly. "I promised to have your back, right?"
Kara closed her eyes upon hearing her parents argue in the other room. She was thinking of redoing her bedroom's walls and thickening them – just so she wouldn't hear them bicker – when Karim's hug tightened even more around her waist.
Suddenly, the night wasn't so bad anymore.
"Thank you." She inhaled sharply, breathing into his scent. "I love you."
"I love you, too," Karim replied as he kissed her left temple.
Instead of her parents' hushed voices, the last thing on her mind as she slept was the feeling of Karim's embrace accompanied by his warm breath hitting the skin on the back of her neck.
Kara has certainly found someone else deserving of her faith's magic.##
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro