x | the initiative
---------
----------
Huff. Huff. Huff.
Linundag ko ang aking kama at isinubsub ang mukha ko sa unan.
"AAAARRRGGGHHHH!!!!!"
Ano bang ginagawa ko! Bakit ba nagpapa-uto ka sa Hunter na yun! Baka isipin niya na kaladkarin akong babae. Ugh! aatakihen yata ako sa puso sa bahay na ito. Kailan ba ako makaka-uwi?
*sigh* Pinalusot kong magbabanyo ako pero ayoko nang bumalik doon at humarap sakanya.Para kong binenta ang sarili ko sa demonyo.
*tok tok tok* nagulat pa ako sa biglang katok na narinig ko. Agad akong tumayo at naglakad malapit sa banyo para palabasin na ginamit ko ito.
"Miss Solar?" babae? maid yata. Ano kayang kailangan.
"Pasok." tugon ko. Bumukas ang pinto at pumasok ang maid na may dalang mga paper bag.
"Miss Solar, para sa inyo, galing kay Master Hunter." aniya at inilapag ito sa harap ko.
Gucci. Panay Gucci.
"Lahat ito?" tanong ko at tumango ang maid. "Anong gagawin ko sa mga ito?"
"Pinapasabi lang ni Master Hunter na magbihis kayo at pumunta sa kanyang kwarto." pagpapaliwanag ng maid. "Kailangan niyo po ba ng tulong?" dagdag pa niya.
Hindi ko pa nakikita ang laman ng mga paper bag, pero nakikita ko na ang tumatagingting at nagmamahalang price tag.
"Ah, hindi. Okay na ako. Salamat." patangggi ko sa maid. Agad naman siyang umalis ng silid. Hinablot ko ang mga paper bag at umupo sa sofa. Isa isa kong inilabas ang mga laman nito.
Puting T-SHIRT na may malaking logo ng Gucci. Ripped mid-rise gucci blue jeans na may flower embroidery sa gilid. White gucci sneakers at gucci purse bag.
Hindi naman halatang mahilig siya sa Gucci. Ano to, endorsement? Wala na akong energy para i-debate kung isusuot ko ito o ibabalik sakanya. Dahil, malamang sa malamang.. mapipilitan din lang akong isuot ito. Malipas ang ilang minuto at nakarinig ulit ako ng katok. Pero ngayon, si Chase ang nasa pinto.
"Miss Solar, naghihintay na po si Master Hunter sa labas." aniya. Oh, akala ko ba sa kwarto ko siya pupuntahan bakit bigla asa labas na siya? Agad akong lumabas ng kwarto at bumuntot sakin si Chase palabas ng mansion. Ipinagbukas rin ako ng pinto ni Chase at nakita ko si Hunter na nakatayo sa tabi ng kotse.
Naka puting pantaas siya, black pants at black shoes. Sa totoo lang, may photoshoot bang pupuntahan ito? Lumapit ako sakanya.
"Hmm, not bad." aniya matapos niya akong kilatisin mula ulo hanggang paa. "Get in." aniya sabay ay ibinukas niya ang front passenger seat. Tinitigan ko lang siya, anong gusto netong gawin? bakit sa harap, at bakit siya ang nag bukas. Bigla tuloy akong napatingin kay Chase.
"I said get in." pag-uulit niya. Agad nalang akong sumunod at sumakay sa kotse. Isinara niya ang pinto at nagpunta sa Driver's seat.
"Ikaw mag da-drive?" agad kong tanong. Hindi naman sa ano, pero diba may driver siya?
"Bakit, sa tingin mo ba hindi ako marunong mag drive?" pa-yabang niyang sabi.
"Teka, diba 15 ka palang? paano ka nagkaroon ng lisensya!?" tanong ko ulit. Diba dapat 18 ka mmuna bago magka-lisensya? o nagbago na ang patakaran?
"Babe, I can get anything I want." sabi niya at talagang with pride. Pinaandar niya ang sasaknyan at at ibinaling ang atensyon saakin.
"Oh, b-bakit?" utal kong sabi nang makita kong papalapit siya saakin. Unti unti kong isinandal ang likod ko sa upuan para iwasan siya, pero wala nang space.
"You know.." aniya sa malalim niyang boses. Napakalapit na ng mukha niya sakin. Anong balak neto! Parang mahahalikan na niya ako sa lapit eh. Napakalapit na niya saakin. Napapikit nalang ako at talaga yatang hahalikan niya ako.
*Clack*
"You need to fasten your seat belt." bulong niya saakin. Napamulat ako ng mata at nakita ang nakakalokong ngiti na nakaplater sa mukha niya. "Ano, kala mo hahalikan kita?" aniya habang naka-ngisi.
"K-k-kapal mo din noh!" nauutal kong sabi. Hindi ako maka-angal dahoil totoo. Nagumpisang ummandar ang sasaknyan pero hindi pa sumasakay si Chase. "Teka, si Chase, naiwan!"
"He's not coming." malamig niyang sabi.
"WHAT?!" bigla kong sabi. Bakit hindi sasama si Chase? kaming dalawa lang? Paano kung anong gawin sakin netong demonyong ito?
"What? may crush ka sa butler ko?" medyo inis niyang sabi. Ano nanamman pinagsasabi neto?
"Wala no! mukhha mo! Natataka lang ako kung bakit hindi siya sasama." pagpapaliwanag ko. "Saan ba tayo pupunta?"
"Downtown." tipid niyang sabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro