vi | not enough
Sa maliit na espasiyo ng kotse, idinikit ko ang sarili ko sa pinto parang lang makalayo sakanya. Pero wala siyang balak tantanan ako, umupo siya sa gitna kaya magkadikit kami ngayon. Huling sumakay si Chase sa tabi ng driver.
"Bakit dikit na dikit ka jan sa pinto?" tanong ni Hunter at naka-dekwatro. Siniksik ko pa sarili ko at tumingin sa labas ng bintana. "So hindi mo ako kakausapin?" dagdag pa niya.
Wala naman akong sasabihin sa kanya at baka kung ano pang masabi ko na ikapapahamak ko. Lumipas ang ilang minutong katahimikan at hindi ko natiis ang magtanong.
"Saan nga pala tayo pupunta, Chase?" Hindi kaya ng pride ko ang magtanong dito sa katabi ko. Tumingin si Chase sa rearview mirror.
"Sa lake." biglang singit ni Hunter. Babarahin ko sana at pipilosopohin kaso wala akong energy para makipagtalo kaya tumingin nalang ako sa labas. Wala pang limang minuto ay huminto na ang sasakyan. Nagtaka ako kaya tiningnan ko si Hunter. Bumaba ni Chase at ipinagbukas ng pinto si Hunter at si manong driver naman ang nagbukas ng pinto ko.
"Dito na?" anga anga kong sabi. Ni hindi pa nga nag-init ang pwet ko dito sa upuan eh. Bumaba ako ng kotse at sa di kalayuan ay tanaw ko parin ang likod ng mansion. "Ang lapit lang pala, kinailangan pang mag-kotse." pabulong kong sabi na narinig ni Hunter.
"Mainit, ayokong maglakad at pagpawisan." aniya sabay ay suot ng shades. "Tara."
Sinundan ko si Hunter papasok sa parang gubat. Maririnig mo ang huni ng mga ibon at lamig ng hangin dahil sa mga puno. Medyo nahirapan ako sa paglakad dahil sa suot kong sandals, marami kasing baku baku at mga ugat ng puno kaya kailangan dahan dahan lang ako sa pag-tapak at baka mag-circus ang peg ko.
"Give me your hand." alok ni Hunter habang naka-amba ang kanyang kamay sa harap ko. Napahinto ako. Aabutin ko ba o hindi?
"I'm fine." pagtanggi ko. At pagkasabit pagkasabi ko noon ay nadulas ako sa inapakan kong bato. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Hunter sa kamay ko at ang pag-alalay niya sa balikat ko.
"Sinasabi na kasing humawak eh." aniya na sa tonong naninisi.
"S-sorry." kimi ko. Hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa bukana. Tumambad sa harap ko ang isang malaking lawa na parang kumikislap dahil sa araw. Ang tagal ko nang hindi nakakatampisaw sa tubig. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Hunter at nagatubiling lumapit sa tubig.
Idinampi ko ang aking kamay sa tubig para malaman ang teperatura. Medyo may kalamigan pero masarap sa pakiramdam. Tatawagin ko sana si Hunter pero nakita ko siyang naglalakad papalayo kaya sumunod ako.
"Saan ka pupunta?" hindi ko rin makita si Chase. Naiwan ba siya?
"Doon sa may puno, naiinitan ako." aniya sabay turo sa isang malaking puno na parang payong ang itsura, napakalaki at mukhang matanda na. "If you wanna play, you can go ahead." aniya pero sinundan ko parin siya sa puno. Na-curious narin lang ako eh.
Nang marating namin ang ilalim ng puno at hindi ko naiwasang tumingala, ang ganda. Nakita kong naglakad sa likod si Hunter kaya sumunod din ako.
"Wow!" bigla kong sabi. May kabinit kasi doon mismo sa puno. Hindi siya naka-kabit.. pero doon mismo sa puno, ginawa yung kabinet. May mga unan, kumot, libro, upuan, twalya at iba pa. Ibang klase rin talaga kapag mayaman eh.
"Palagi ako dito, kaya pinagawa ni lolo ito. Take this.." iniabot niya ang isang kumot saakin at kumuha siya ng isang libro galing sa loob. Inilatag namin ang kumot sa malilim at patag na parte ng puno.
Agad umupo si Hunter at binuksan ang kanyang libro. Nanatili muna akong nakatayo at pinag-masdan ang paligid. Ang tahimik, kagigising ko lang pero inaantok ulit ako. Lumapit ulit ako sa tubig at nagtapon ng mga bato rito. Ayoko namang magtampisaw at baka mabasa ko pa itong damit at sandals na suot ko.
Umupo ako di kalayuan kay Hunter at marahang sumulyap sa librong binabasa niya. Mukhang maganda kasi at seryosong seryoso siya.
Nagulat ako nang bigla niya itong isinara.
"Oh, tapos kana?" sabi ko.
"I'm sleepy." aniya sabay hia at ginawang unan ang hita ko. "Don't move"
"Ha?"
Inabot niya ang aking leeg at hinila ako palapit sa kanya kaya nakayuko ako ngayon.
"Let me sleep for a while." aniya sa mapungay niyang mata. Nanigas naman ako sa pagkakayuko dahil halos mahalikan ko ang matanogs niyang ilong. Unti-unting bumitaw ang kanyang kamay kaya naayos ko ang sarili ko.
Gawin ba namang unan ang hita ko. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang pagka-kusot ng kanyang polo at ang haba ng kanyang hita. Pati kung paanong nakadampi ang buhok sa kanyang leeg.
Tulog ba talaga ito?
Mukhang maamong tupa eh noh?
Akala mo walang bahid ng pagka-maldito. MAbuti narin ito at baka kung ano pa ang pagtalunan namin. Kung may music lang sana...
Lumipas pa ang ilang minuto at nagsimula nang mangalay ang likod at binti ko. Nararamdaman ko nang naguumpisang may tumutusok na karayom sa paa ko. Gusto kong baguhin ang posisyon ng binti ko pero baka magising ko si Hunter.
Marahan kong iginalaw ang binti ko at inalalayan ang ulo ni Hunter pa hindi ito masyadong umuga. Inayos ko rin ang kanyang bangs na napunta sa kanyang mga mata.
Mainit ang noo niya.
Teka, sobrang init ng niya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at leeg at talagang mainit siya.
"Hunter.. hunter... ang taas ng lagnat mo!" taranta kong sabi. Nagmulat siya ng mata.. "Tawagin ko lang si Chase.. asan ba siya?" aligaga kong sabi. Nang tatayo na ako ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Don't"
"Anong don't ka jan, baka lalo pang lumala!"
"I said I'm fine! Just let me sleep." pagpupumilit niya. Aba, hindi yata pwede yan, paano kung mamatay siya dito? baka sabihin ako ang may kasalanan. Naalala ko ang na may mga twalya doon sa kabinet. "Where are you going?"
"Kuha lang ako ng unan at twalya, para ilagay jan sa noo mo." sagot ko. Ibinaba ko ang ulo niya at kinuha ang mga ito. Buti nalang at may maliit na twalya dito. Inilagay ko ang unan sa ulo ni Hunter at binasa ang twalya sa lawa tapos ay inilagay ito sa noo niya.
Kung kasi tinawag nalang namin si Chase, edi nakainim ka na ng gamot.
"-nough..." kimi niya.. hindi ko naintindihan. "not enough---"
"not enough ang alin? uminit na ba yung twalya? kapapalit ko lang ah." sabi ko sakanya. Pero mukhang nananaginip siya.
"I'm still not enough--" mahina niyang sabi. Tumuloang luha sa kanyang mata at marahang dumaloy pababa. May pinagdadaanan din yata tong mokong na ito. At dahil nandito narin lang ako, pinunasan ko ang kanyang luha.
Ano na bang oras? ang sarap ng ihip ng hangin.
Nakita kong may espasyo pa sa gilid ni Hunter kaya kumuha pa ako ng isang unan at tumabi sakanyang matulog.
----------
----------
"Hmmm-- Ah ooww" naramdaman ko ang paglagutok ng mga buto ko. Nakatulognga pala ako. Umupo ako at may nahulog na basang twalya sa binti ko. Bakit nasa noo ko ito. Noon ko lang napansin si Solar na nakahia at tulog sa tabi ko.
Hinawakan ko ang noo ko at medyo mainit pakiramdam ko.
"Look at this woman.. para kang maamong pusa pag tulog."
*snap snap*
Nakita ko si Chase na papalapit saamin.
"Master, time to go. Meeting with Mr. Choi at 4pm." aniya. Napansin niya ang tulog na si Solar at sinenyasan ko siayng huwag mag-ingay para hindi ito magising.. mukha kasing mahimbig ang tulog eh.
"I'll go. Stay here until she wakes up." sabi ko.
"Yes Master."
----------
----------
Namulat ang mga mata ko at ang maliwanag na kalanitan ay naging agaw-dilim. Para akong spring na biglang umupo.
"Ouch!" yung balakang ko.. ughh yung leeg ko.. na-stiff neck pa ata ako. Teka, si Hunter! Paglingon ko ay wala na si Hunter sa tabi ko.
"Miss Solar."
"Ay Hunter!" gulat kong sabi. Si Chase lang pala, naka-sandal sa may puno. "Chase! muntik na akong atakihin sa puso. Asan si Hunter?" agad kong tanong.
"Nasa meeting, ayaw ka niyang gisingin kaya pinabantayan ka nalang saakin."
"Huwat?! halos gabi na ah.. anong oras na ba?"
"5:30, Miss Solar."
"Oh my gums! sana ginising mo nalang ako, kanina ka pa dito?" agad akong tumayo at nag-pagpag ng damit. Tinulungan niya akong iligpit ang mga gamit at binalik sa kabimit. Dahil basa ang twalya, iniuwi namin ito sa mansion para malabhan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro