Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

v | It's not what you think

Lumipas ang unang gabi ni Solar sa Medina Mansion. Sa dami ng nangyari sakanya sa araw na iyon, hindi na siya nahirapang kunin ang tulog niya. Mismong paglapat ng kanyang ulo sa napakalambot na unan at malamig na hingaan ay tulog na siya. Ang tanging inisip niya ay ang pag gising sa umaga at umuwi sa kanyang Lolo Al.


----------

Chirp chirp. Naririnig ko ang mga ibon sa labas. Gusto kong bumangon pero ayaw bumukas ng mata ko. Napaka comportable pa ng pagkakahiga ko. Naka-aircon kasi tong kwarto kaya ang sarap ng init ng kumot , parang may malaking teddy bear na naka-akap saakin. Sarap tuloy matulog buong araw.

Teka, bat parang ang bigat naman ng teddy bear?

Teddy bear? may teddy bear ba dito kagabi? Parang flashlight na dumilat ang mga mata ko. Lumingon ako sa may balikat ko at nakita ang isang kamay. Napaupo ako ng di oras, pag tingin ko ay si Hunter.....

topless.

Bakit walang suot tong unggoy na to?

Agad kong tiningnan ang suot ko, at lumuwa sa gulat ang mata ko nang makita kong bukas ang dalawang botones ng pang itaas ko. Pinilit kong inisip kug anong nangyari... wala akong maalala, basta natulog lang ako.. diba?

"Kyaaaaaaaaah!!!!"

"A-a-a-nong ginagawa mo dito Hunter!!!" nauutal kong sabi habang humahablot ng kumot na ipang tatakip sa sarili ko.

"Hmmm.." haluyhoy niya sabay inayos ang kanyang ulo sa unan. "let me sleep..." ungol niya. Shocks, ang sexy niya-- este porn materia--- no.. ano ba brain! Magtino ka.

"Kelan ka pa nandyan?!" sunod kong tanong. Hindi ako makagalaw dahil nakaibabaw ang isa niyang paa sa mga binti ko.

"Hmm-- ugh.. shut up--" ungol niya.

"Shut up ka dyan, trespassing ka! Sa kabilang kwarto yung sayo!" iniangat ko ang napakabigat niyang binti.

Tsk.  Narinig kong nag-click ang kanyang dila at bigla nalang ay nakaibabaw siya saakin, hawak niya ang aking kamay at ipinako sa taas ng ulo ko. Idinikit niya ang noo niya saakin at mapungay na tumingin sa aking mga mata. "I said shut up! Kakatulog ko lang.. tumahimik ka."

Bigla kong tinikom ang aking bunganga. Sobrang lapit ng kanyang mukha. Ramdam ko ang hininga mulasa ilong niya. 

"Good girl, stay like that.." pabulong niyang sabi sabay nagcollapse sa ibabaw ko. Ang kanyang ulo eh dumeretso sa gilid ng mukha ko at facedown siya sa unan.

"Ouufghh--" ang bigat niya! Ramdam ko ang init ng kanyang katawan, pati ang pag-alon ng kanyang tiyan habang humihinga. Amoy na amoy ko rin ang shampoo sa kanyang buhok, medyo basa pa nga eh.

Free viewing din ang mala-painting niyang likod saakin. Masmakinis pa sa mukha ko likod niya. Erotic tignan...

Thump thump thump.

Habang tumagatal ay nag-iinit ang pakiramdam ko at lumalakas ang pintig ng puso ko. Ano bang pagsubok ito Lord? Masama sa puso ko ito.

Inipon ko ang lakas ko at sinubukang siyang itulak, pero masyado siyang mabigat para saakin. Hingal na hinal na ako, hindi parin natinag si Hunter.

"Okay, isa pa-" iginilid ko ang sarili ko saka ko bumwelo para itulak siya patagilid. Halos mabali buto ko pero nagtagumpay akong itulak siya. Sobrang energy nagamit ko kaya nanghina ang kamay ko at ako naman ang bumagsak kay Hunter.

"Ha- ha.. Ugghh.." kumain yata ng bato ito at ang bigat! Iniangat ko ang sarili ko at nang mismong pa-upo na ako ay biglang may pumasok.

"Miss Sola---" si Chase, biglang napahinto nang magpang abot kami ng tingin. "--sorry." at isinara niya ulit ang pinto. Na-realize ko nalang kung ano malamang ang nakita niya.

Si Hunter hubad, ako nasa ibabaw at bukas ang botones.

"Chase! Bumalik kaaaaa! Hindi ito--- ah- walang nangyari--" desperedo kong pagtawag sakanya. Paano nalang kung isipin niyang hinalay ko itong kumag na ito? Baka i-pakulong nila ako!

"AAAUGHHH!!!" pagpipigil kong sigaw. Umupo akong tuluyan at sinuklay ko ng kamay ang aking buhok at inayos sa kaliwang balikat ko.

"I told you to shut  up--" hinila ko ni Hunter sa leeg at nagtagpo ang aming mga labi. May ilong ako pero nakalimutan kong huminga, nakatuon lahat ng diwa ko sa labi namin.

Muling bumukas ang pinto at iniluwa si Chase.. na muling isinara ang pinto at umalis. Bakit ba wrong timing lagi ang pagpasok ng butler na  yun! Baka kug ano ano na ang iniisip nun!

"Ummphhfwaaaa.."  sa wakas ay nakahinga ako nang maghiwalay ang labi namin. At hindi pa pala tapos ang kalbaryo ng umaga ko. Naramdaman ko ang isang makapanindig balahibong sensyasyon sa pisngi ko.

Dinilaan niya ang pisngi ko!

"Ma---m--MANYAK!"

Slap.



Medina Mansion . Dining Room . Lunch


Dahil late na para sa breakfast, tinawag nalang ako para sa lunch kasama si lolo Lucas. Naka-wheel chair siya at naka-upo sa gitna. Binigyan ulit ako ng maid ng bagong damit para isuot, mint green dress at sandals.

Umupo ako sa kaliwang bahagi ng lamesa malapit kay lolo Lucas.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing Solar?" agad niyang tanong. Ngumiti ako at tumango. Perfect na sana ang lahat kung hindi lang dahil sa igang kumag.

Hindi nagtagal ay dumating si Hunter. Umupo siya sa tapat ko, at hinahaplos ang kanyang kaliwang pisngi. Buti nga sayo.

"Hunter, what happened to you?" pagpupuna ni lolo Lucas. Nagtinginan kaming dalawa. 

"Nothing, just a big fat mosquito." sabi niya habang nakatingin sakin.

"Hmmpfh-" ini-snob ko siya.

"Hahaha-- I see, you guys get along pretty well." tuwang tuwang sabi ni lolo Lucas. Saang banda kami nagkasundo? 

"Ha- yeah right, muntik nang lumipad ulo ko kanina.." pabulong na sabi ni Hunter. Napatingin ako kay Chase na nasa likod ni Hunter. Lumihis siya ng tingin saakin.

Bakit nagbla-blush yun?! Uagghh.. sa lahat kasi ng madadatnan niya eh yun pa..

"What do you think Chase?" tanong naman ni lolo Lucas.

"Yes sir, in fact this morning they slep--" bago pa man niya matapos ang kanyag sasabihin ay binara ko na siya.

"We walked together!" sabi ko na medyo masmalakas ng konti kay Chase. "He he he...."

"Pshh-" si Hunter. Gusto kong sipain sa ilalim ng lamesa tong lalaking ito, kaso di abot ng paa ko.

"That's good. Shall we eat?" aniya. Hay jusko, salamat at kakain na.

Isa-isang pumasok ang mga maid at inilapag ang mga pagkain sa lamesa. Anong klaseng mga pagkain ito? Sa dami ng inilagay nila, yung porkchop lang ang kilala ko. Nagsikuha na sila ng pagkain kaya kumuha narin ako ng porkchop at kanin.

"Diet ka iha?" tanong ni lolo Lucas.

"Uh, hindi naman po." 

"Porkchop lang kasi kinuha mo, please try the pan-seared ribeye steak" aniya. Ano daw? pancit what? Saan dito? Nakita kong tumayo si Hunter at naglakad sa dereksyon ko.

Kinuha niya yung isang plato na may karne at naghiwa ng tatlong piraso at nilagay sa plato ko. Naka-nganga lang ako habang ginagawa niya ito. Yumuko siya at bumulong saakin.

"Baka kasi hindi mo alam, PAN-SEARED RIBEYE STEAK." aniya sa nakaka-insultong tono. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Hindi ko naman kasi talga alam kaya hindi ako makasumbat sakanya.

"Oh, yung maid nalang sana ang nag-serve apo." ani lolo Lucas. Naglakad ulit si Hunter pabalik sa upuan niya.

"No, it's fine grandpa. We already shared a bed, so no problem." deretso niyang sabi, walang liko at preno. Halos mabilaukan ako sa laway ko. Wala akong magawa kundi ang titigan siya sa gulat.

"Agad agad? Solar, is that true?"

Halos hindi ko mai-angat ang mukha ko dahil sa hiya, pero hindi ko naman pwedeng i-deny kaya tumango nalang ako.

"Pero, it's not what you think.. pagka-gising ko.. nandun na si Hunter." depensa ko. Tumingin si lolo Lucas kay Hunter at naghihintay ng rason.

"I finished around 6am, I was so sleepy so I ended up in her room." aniya.

"Sinabihan na kita, don't overdo yourself." -lolo Lucas

6am? kakatulog palang niya nun? nagising ako mga 9am.. kaya pala ganun siya eh.. kulang sa tulog.

"Yes, grandpa."

Natapos kaming kumain at pinapunta kami ni Hunter sa kanyang office.

"Solar, habang inaayos nila ang mga gamit mo, gusto kong mamasyal kayo ni Hunter."

Kanina ko pa gustong sabihin na gusto ko nang umuwi, pero di ako makatyempo. Tapos ngayon mamamasyal kami ni Hunter. Masama kutob ko dito.

Naghintay ako sa harap ng mansion dahil nagpalit ng damit ni Hunter. Nagparada sa harap yung kotse at sabay ring dumating si Hunter. Naka all black siya at akala mo kung saang photo shoot siya pupunta.

Sigh. "Iba talaga pumorma pag mayaman noh?" bulong ko sa sarili ko na siya ring narinig niya.

"Bakit, nakaka-in love ba?" nag-smirk siya at inilagay ang kanyang kamay sa bulsa.

"Ewan ko sayo!" nauna na ang pumasok sa kotse, baka mapantay ko yung sampal sa mukha niya.



----------

Pan-Seared Ribeye Steak Recipe.

Place skillet in oven and preheat oven to 450°F. Brush both sides of steak with oil and season with salt and pepper. When oven is heated, carefully remove pan and place on stovetop over medium heat.Place steak in skillet and sear for 2 minutes. ...Put skillet back on stovetop over low heat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro