Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~ Prologue ~

Medina Mansion . Year 20**


"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Alfonso?"

"Yes master Lucas" tumayo si Lucas mula sa kanyang kinauupuan, kinuha ang kanyang tungkod, at naglakad palapit kay Alfonso.

"Mula pagka-bata ay ikaw na ang nasa tabi ko, masakit saakin ang desisyon mong pag-alis.. pero kung ito ang iyong hiling, wala akong magagawa." inilapat nito ang kanyang kamay sa balikat ni Alfonso. 

"Ganon din ako master." humawak siya sa kamay ni Lucas at diniinan ito. Narinig nilang bumukas ang pinto kaya sabay silang napaligon.

"Lolo, matagal pa po?" pumasok ang isang batang babae na may akap na unan.

"Solar! hindi ba't sinabi kong hintayin mo ako sa labas?" agad ay nilapitan ni Alfonso ito. Napangiti si Lucas at umupo sa sofa. "May kausap pa ang lolo kaya konting hintay nalang Solar." marahan niyang initunal ni Solar palabas ng silid pero mahigpit itong yumapak sa kanyang binti.

"Siya ba yung apo mo?" tanong ni Lucas.

"Opo master"

"Hayaan mo na siya-" ngumiti si Lucas kay Solar na nahihiyang nagnanakaw ng tingin sa likod ni Alfonso. "-halika dito iha." Mas-lalong nagtago sa likod ni Alfonso si Solar. Tumingin siya kay Alfonso at marahang initulak si Solar papunta kay Lucas. Nag-dadalawang isip, pero patuloy na naglakad si Solar.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Lucas. Tumingin ulit si Solar sa kanyang lolo bago ito sumagot. "Solar po."

"Napakagandang bata." hinaplos nito ang kanyang buhok. "Gusto mo bang tumira dito?" biglang tanong ni Lucas.

"Ako po?" tumango si Lucas. "Syempre! ang laki laki ng bahay niyo saka ang daming kwarto! Ang luwang luwang din ng garden sa labas!" masayang sabi ni Solar. Natawa sina Lucas at Alfonso. "Oh sige, balang araw dito karin titira." sabi ni Lucas.

"Master." gulat na sabi ni Alfonso. Tumingin si Lucas sakanya at ibinaling ulit ang atensyon kay Solar.

"Gutom ka ba Solar?" tanong ni Lucas sa bata. "Opo! Guuuuuutom na gutom! naubos ko na kasi yung tinapay na bigay ni lolo." pag-amin ni Solar.

"Maid!" sigaw ni Lucas at sa ilang segundo at may pumasok na babae. "Maraming pagkain sa kusina, sasamahan ka nya sa kusina."

"Wow! Talaga po? may ice cream? Hehehe." nahihiyang sabi ni Solar.

"Oo naman! sabihin mo sakanya ang gusto mo at ibigay siya sayo." nakangiting sabi ni Lucas sa naglalaway nang si Solar. Inakay ng maid palabas ng silid si Solar at isinara ang pinto. Ilang segundo din ang lumipas bago nabasag ang katahimikan.

"Nakuha niya ang mata at ngiti ni Olga."

"Master--"

"Alam ko. Ginagawa mo ito para sa iyong apo. Hindi ba pwedeng manatili nalang kayo ditong mag-lolo?" alok ni Lucas.

"Salamat master, pero gusto kong magkaroon ng normal na buhay si Solar. Ngayong ulila na siya sa kanyang magulang, gusto kong ibigay sakanya ang lahat ng atensyon ko." pagpapaliwanag ni Alfonso.

"Naiintindihan ko." natahimik nang bahagya si Lucas. "Alam kong wala ako sa lugar para humingi ng pabor sayo, pero pwede mo ba akong pakinggan?" pagdagdag nito. Tumayo siya at dumungaw sa bintana. Tanaw niya ang kanyang apo na nag-aaral sa hardin.

"Kahit ano master, kung maibibigay ko sa inyo, tutuparin ko ito." yumuko si Alfonso, simbolo ng kanyang pagrespeto.

"Gusto kong si Solar ang maging fiance ng aking apo." seryoso nitong sabi at ibinaling ang kanyang tingin kay Alfonso na parang hindi naintindihan ang kanyang sinabi.

"I want her as my son's fiance." pag-uulit nito.

"Pero master! walang maipagmamalaki ang aking pamilya--" pinutol ni Lucas ang knyang salita.

"Wala akong pakialam sa yaman, reputasyon o stado ng iyong pamilya. Alam kong mapapalaki mo ng malaya, may prinsipyo at edukada si Solar. Ang ikinatatakot ko ay ang pagpapalaki ng aking mga anak sa mga apo ko." ani Lucas na may bakas ng pag-aalala.

"May pagka strikto sina madam pero alam kong para sa ikabubuti ito ng mga bata, master." sagot ni Alfonso.

"Alfonso, nakita mo kung paano ako pinalaki ng aking mga magulang. Tulad mo, gusto ko ring maranasan nila ang normal na buhay. Ayoko sanang maranasan nila ang naranasan ko. Pero wala akong magawa, ito na ang tradisyon sa pamilyang ito." marahan siyang huminga ng malalim. "Masyado nang umiiral ang pera sa pamilyang ito at wala nang lugar para sa sariling kaligayahan."

Nasubaybayan ni Alfonso ang paglaki ni Lucas kaya alam niya ang gusto nitong iparating. Siya mismo ay naghangad ng masayang kabataan para kay Lucas. Ang tanging desisyon lang na nagawa ni Lucas para sa sarili niya ay ang piliin si Alfonso bilang kanyang Butler.

"18 years old.." biglang sabi ni Lucas. "Kapag tumungtong ng 18 si Solar ang hindi siya masaya sa pamilyang ito, ako mismo ang magkakansela ng kanilang engagement."

Yumuko si Alfonso para mag-isip at matyagang nag-hintay si Lucas sa kanyang sagot.

"Sige, payag ako, Master. Bigyan niyo ako ng 10 taon para mapalaki ko siyang maging karapatdapat para sa young master."

Lumiwanag ang mukha ni Lucas at agad hinawakan ang kamay ni Alfonso. "Salamat." May kinuha na papel si Lucas sa kanyang drawer. Nakasaad dito ang kontrata ni Alfonso sakanya bilang isang Butler. Pinunit niya ito sa harap ni Alfonso at hinayaang malaglag sa kanilang paanan. "Simula ngayon, hindi mo na ako kailangang tawaging master. Lucas nalang." nakangiti siyang sabi.

"L- Lucas." naiilang siya pero may bahid ito ng walang kapantay na saya.

"May isa pa sana akong pabor sa iyo.. ngayon naman ay bilang isang kaibigan.." dagdag di Lucas. Sinigurado nilang walang makakarinig nito kaya pina-alis jila lahat ng maid at butler sa paligid ng silid. Pati ang auto recording sa ilalim ng coffee table ay pinatay ni Lucas.

Nagtagal ito ng kalahating oras bago tuluyang nag-paalam si Alfonso.


Medina Mansion . Rose Garden


"Solar!" huminto sa pag-gulong sa damo si Solar nang marinig niya ang boses ng kanyang lolo. Agad itong tumakbo sa kanyang bisig..

"Lolo! ang tagal mo! Iniwan na ako nung hamster, w la ka pa!" halos maiyak si Solar.

"Pasensya na apo, may importante kasing ginawa si lolo." Napansin nito ang puting laso sa binti ni Solar. " Saan mo nakuha yan?"

"Ito? Bigay nung kalaro ko kanina. Tinawag na kasi siya ng mama niya kaya umalis narin." pagpapaliwanag ni Solar.

"Ganun ba? Tara, uwi na tayo?" aya ni Alfonso na inabot ang kanyang kamay kay Solar.

"Yhey! kelan tayo babalik ulit dito?" inabot ng maliit na kamay ni Solar ang kamay ng kanyang lolo.

"Balang araw, babalik ka rito Solar."



Lucas. ang kasalukuyang presidete ng Medina Corporation at ang master ni Alfonso. Dahil sa sobrang pagtratrabaho, mahina na ang kanyang katawan kaya kinakailangan niyang dumepende sa tungkod.

Alfonso. ang tapat na butler ni Lucas simula pagkabata. 14 taon ang pagitan ng kanilang edad.

Olga. ang nag-iisang anak na babae ni Alfonso at ina ni Solar. Namatay siya at ang kanyang asawa na si Jason sa isang aksidente.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro