Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ix | the unexpected

----------

----------

Nandito ako ngayon sa harap ng kwarto ni Hunter at naghihintay ng balita sa Doctor. Kanina ppa ako palakad lakad dito at halos mailuwa ko ang bituka ko sa nerbyos

*Clack* bumukas ang pinto.

"Doc, ano po? maisasalba pa ba?" agad kong tanong. Yumuko ang doctor at umiling.

"Sorry." aniya, sabay ay naglakad papalayo kasama ang nurse. Sa totoo lang, anong klaseng drama ito? Nasa mansion kami pero pakiramdam ko nasa hospital ako at naghihintay ng balita sa malalang operasyon.

Pero, sandali, saglit at wait lang. Tigok na ba talaga ang elepante niya? Ugh. Ano na ang mukhang ihaharap ko, nakakahiya at ang tindi ng pagkaguilty ko. Pero naman kasi, kasalanan niya at nakaharang sya sa pinto.

Oo tama! Hindi lang ako ang may mali dito. Kasalanan din niya kung bakit siya nauntog sa pinto. Napatid lang ako sa paa niya kaya nangyari yung aksidente!

"Miss Solar?" lumabas mula sa kwarto si Chase. Tumango siya saakin para i-senyas na pwede na akong pumasok sa kwarto.

Breathe in. Breathe out. Kaya mo to Solar!

Marahan akong pumasok sa kwarto at agad na nakitang nakahilata sa kama si Hunter. Dahan dahan akong lumapit dahil sa ekspresyon palang ng mukha niya ay handa na niya akong balatan ng buhay at ipakain sa bwaya.

"Ano, Hunter... sorry talaga. Hindi ko naman kasi akalaing mauutog ka sa pinto, tapos napatid ako sa paa mo, tapos ayun na nga.." derederetso kong sabi sabay ay pinagdikit ko ang palad ko at yumuko para humingi ng tawad. "Sorry talaga!"

Hindi siya umiimik kaya marahan kong inangat ang ulo ko para makita siya. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Lagot, galit na galit talaga. Tumingin ako sa parte ng elepante niya. "Masakit ba talaga?" curious kong tanong.

"You!" bigla niyang sigaw kaya napahikbi ako sa gulat at yumuko ulit. "It's been only 3 days, and you've managed to--" bahagya siyang napahinto. "Arrgh!"

"Sorry  na talaga! Hindi ko sinasadya." uli kong humingi ng tawad.

"Heh- Sorry? ma-aayos ba ng sorry mo ito?" galit niyang sabi. Agad akong lumuhod sa tabi ng kama niya at hinawakan ang kanyang kamay saka ito inilapat sa ulo ko.

"Sorry na, hindi ko naman akalain na matitigok yung.. ano.. yung sayo eh.. ? Sorry na! Baka pwedeng operahan yan tapos baka tatayo ulit--" natataranta kong sabi. Teka, ano bang pinagsasabi ko!

"Ha!? baliw ka ba? Paano kung hindi na ako magka anak! Anong gagawin mo?" dagdag pa niya.

"Uh- gagawin ko kahit ano, basta sorry na!" taranta kong sabi sabay ay tingin sakanya. Halos maiyak na ako. Naghalo na ang nerbyos, taranta, pagkaguilty ko.


---------

---------

"Everything's fine Master Hunter, your manhood is safe and you can still bear children." sabi ng Doctor. Nakahinga ako ng malalim. Tsk. Solar Swan, nakakarami ka na sakin!

"Okay, you may leave." Dapat magdusa din ng matindi ang babaeng yun. Bago pa man makalabas ng pinto ang Doctor ay kinausap ko itong sabihin ang kabaliktaran ng resulta. Ano kayang magigiing reaksyon niya.

Lumabas si Chase at pinapasok si Solar. Marahan siyang lumalapit at parang takot sakin. Agad siyang humingi ng tawad at kung ano anong eksplenasyon ang sinasabi.

"Uh-- gagawin ko kahit ano, basta sorry na!" taranta niyang sabi at naiiyak siyang tumingin saakin. Gusto ko nang tumawa pero nalilibang ako sa reaksyon niya.

"Kahit ano?" dagdag ko. Tumango siya at hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko. Interesting. Ano kayang ipapagawa ko sakanya.

"Then, serve me for the whole day!" 

"Ha?" anga nyang sabi.

"Sundin mo lahat ng gusto ko sa araw na ito." pag-uulit ko. Kumunot ang noo niya at parang nalito.

"Pero ang dami mo namang maid, at saka ayan si Chase oh!" aniya sabay turo kay Chase na nasa paanan ng kama. Aba at may gana pang tumawad ito.

"No, I want you." diin kong sabi. Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at hinila ko ang kanyang kanang kamay. "Serve me well, my dear fiance." dagdag ko tapos ay dinilaan ko ang likod ng kamay niya. 

Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at bakas ang pamumula ng kanyang mukha. Interesting.

"How about you start by giving me a kiss?" tignan natin kung hanggang saan siya dadalhin ng kanyang konsensya. Siguradong magaala tigre ito at walk out. Hahaha!

Napansin kong nakayuko siya at hindi umiimik. Seriously? argh, nasobrahan ko yata ang biro ko. Whatever, time to stop this prank--


*Chup~<3*


"Eh?" anong nangyari.

"Ayan, kiss." kinagat ni Solar ang labi niya at mas lalo siyang namula. "Magbabanyo lang ako!" sabi niya sabay ay takbo palabas ng kwarto.

Hinawakan ko ang parte kung saan dumapo ang labi ni Solar. Biglang uminit ang pakiramdam ko.

"Master Hunter, you're blushing." sabi ni Chase.

"I'm not! get lost!" sabi ko at siya namang umalis si Chase.

I never expected a kiss on my forehead. Pfft. Hindi ko nalang namalayan na nakangiti ako dahil sa nangyari.

Solar Swan.. Maybe I'm liking you a bit more.


----------

Hey guys, update spree ako ngayon. Bawi bawi din ako sa matagal kong hiatus. So paki-share naman itong story ko sa iba... hihihi.

And, okay lang ba flow ng story? okay lang ba pag-describe ko sa mga scene? hahaha, medyo mahina ako sa pag describe ng gestures eh.. kung may suggestions kayo, feel free to comment lang. Di ako nangangain. Hehehe.

----------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro