iv | First night
"Sorry" isang katagang hindi ko inaasahang manggagaling sa labi ni Hunter. parang inakap ng malalim niyang boses ang puso ko.
"Huh?" handa na akong mag-ala Hulk dito kung sakaling ano man ang mangyari tapos biglang may sorry siyang sinasabi.
Napabuntong hininga siya ng malalim at ibinaon ang kanyang mukha sa kanyang palad. Inayos ko ang upo ko at hinablot ang unan sa aking gilid para gawing pangangga sakanya.
"Wala! matulog ka na. I'll see you tomorrow." aniya at tumayo. Dere-deretsong lumabas ng kwarto at hindi man lang ako ni-ligon. Anong problema non!?
"May pagka-bipolar yata yung taong yun. Magso-sorry tapos biglang walk out." Sa lahat ng nangyari ngayong gabi, akala ba niya matatanggap ko ang isang sorry? Ha! Over my dead body.
Knock knock. Halos mapalundag ako nang may kumatok. Si Hunter kaya? May nakalimutan ba siya?
"Miss Solar, change of clothes." anang boses ng babae na hindi ko kilala. Baka maid. Pinapasok ko siya. May dala siyang tray ng damit at inilapag sa kama.
"Para sakin?" tanong ko at tumango ang maid. Isang tingin lang ay alam kong dekalidad ang mga damit. Dalawang set, yung isa kulay white na silk tapos isa naman eh kulay black na cotton. Asan ba yung mga gamit ko, nahiya naman ang libag ko kong isuot ito. "O-okay na ako dito sa suot ko, aalis rin lang ako bukas eh, salamt nalang." pagtanggi ko.
"Bilin po ni Master Hunter na ibigay sa inyo." tugon niya.
"Naku! Mas lalong hindi ko isusuot yan. Sabihin mo sakanya okay lang ako." agad kong pagtanggi. Aba mamaya iabot niya sakin resibo ng mga ito.
"Kung hindi niyo daw isusuot, siya daw mismo ang magpapalit ng damit mo." dagdag ng maid.
"Ha! Naka-drugs ba siya?!" pasigaw kong sabi. Kita mo yun, may pagka manyak pa.
"Male-late daw po siya kaya mauna ka na lang daw matulog at susunod siya." aniya.
"Susunod? saan siya susunod?"
"Dito?"
"At ano naman ang gagaawin niya dito?"
"Matutulog? Kwarto ni Master Hunter ito." nagsitaasan ang balahibo ko nang marinig ko kung kaninong kwarto ako matutulog. Pero teka, akala ko ba may sarili akong kwarto?
Bigla kong naalala, nasa kanang pinto yung unang kwartong pinasukan ko, saka ngayon ko lang napansin na ibang design ng kwarto na ito. Nakita ko ang portrait ni Hunter sa bedside table.
Kay Hunter nga ang kwartong ito.
"Ah eh- diba sa kabila yung kwarto ko? Pwedeng pumunta na ako doon?" sabi ko sa maid. Naglakad ako palabas ng pinto, pag lingon ko sa likod, nakabuntot yung made dala yung tray ng damit. "Uhhm, hindi ko na kailangan yan." malumanay kong sabi.
"Pero Miss, pagagalitan ako ni Master Hunter." sabi niya na may pangamba. Hay naku, mga mayaman talaga.
"Oh sige na nga, amin na yan." kinuha ko ang tray sa kamay niya. Inalok pa niya na tulungan akong magbihis pero tumanggi na talaga ako. Ano ako, baby? Kailangang bihisan? Ibinaba ko ang tray sa kama at umupo sa tabi nito.
"Ano ba itong napasok ko..." ibinaon ko ang aking mukha sa aking palad. Gusto ko nalang matulog, pakiramdam ko lahat ng energy eh nalustay na. Makapag-hilamos na nga lang, gusto ko sanang maligo, pero wala akong pampalit ng underwear. Nakakaloka rin talaga ang mga mayayaman, masmalaki pa sa public toilet tong banyong ito.
"Sarap ng lamig na tubig, nakakawala ng stress." Nilingon ko ang tray ng damit at muling napabuntong hininga.
"Hay, makapag-palit na nga. Sulitin ko na rin lang habang nandito ako." Inangat ko yung silk na pajama at inibabaw sa katawan ko. Paano kaya nila nalaman ang size ko?
May nakapa akong parang papel.. may price tag pa--
"$1,200.00?!" halos lumisan ang kaluluwa ko nang makita ko ang presyo. Pati itong isa, ganun din ang presyo. May ghad, magkano exchange rate ng dollars ngayon?
Oh may ghad, tumatagingting na halos 60,000php ang presyo! Gucci brand pa pala ito. Allowance ko na ng isang taon ito ah. Sinong baliw magsusuot nito, baka ma-agnas yung tela pag sinuot ko. Inayos kong tinupi ito at binalik sa tray.
"What, you don't like it?"
"Ay! Anak ng pokeke--!" halos malukso ko yung kama sa gulat. Nakasandal sa pader malapit sa bintana ay si Hunter. "Ano ba! Balak mo ba akong atakihen sa puso!" grabe pintig ng puso ko, lakas ng tambol.
"Nagtatanong lang eh." aniya sa malumanay na boses. Nakita ko siyang tumingin sa gilid at nagpipigil ng tawa.
"Anong tinatawa tawa mo jan?!" halos pumutok ugat ko. Bigla siyang nag poker face at tumingin sakin, pero agad din ulit siyang tumalikod para magpigil ng tawa.
Kinuha ko yung maliit na unan sa kama at ibinato sakanya.
"Aray!" reklamo niya. "Anong problema mo!"
"Marami! at isa ka na dun!" sumbat ko. Nagpang abot ulit kami ng tingin at bigla siyang humagalpak ng pagkalakas lakas.
"Pwahahaha-- haha- ha- hahaha!" napaupo at napahawak siya sa kanyang tiyan sa kakatawa. Di ko tuloy maiwasang tingnan ang sarili ko. Wala namang nakakatawa sa katawan ko, anong ka-abnormalan nangyayari sa taong ito? "Pwahaha.. ke ke ki ki ki---.. a-anak n..ng pok -ke keeeeeeeeeeeeeeee" Halos mamilipit na siya sa kakatawa.
Sabi nga nila, laughter is contagious, kaya hindi ko nalang namalayan, nakikitawa narin ako sakanya. Mga ilang minuto pa kaming nag se-seizure sa sahig kakatawa bago tuluyang humupa at magkaroon ng katahimikan sa kwarto.
"That's one hell of an expression... anak ng pokeke-- pffft!" aniya at nagbabadyang humagalpak ulit.
"Well, sorry! Nagulat ako eh." nahiya kong sabi. Nagpupunas siya ng luha dahil sa sobrang tawa. Hindi ko rin alam kung anong nakakatawa dun.
"Ayaw mo nung pajama?" bigla niyang tanong nang nahimasmasan na siya.
"Ah, gusto pero hindi ko kayang isuot ang ganyang kamahal na damit." sabi ko na walang pagaalinlangan.
"Hmm? hindi ba nila tinanggal yung tag?" lumapit siya at tiningnan ang mga ito.
"Okay na akong matulog ng ganito, kaya ibalik niyo nalang kung saan niyo nabili yan." sabi ko. Meron namang eturn policy diba? Nilingon niya ako saglit at ibinaling ang atensyon sa mga damit. Sunod niyang ginawa ay tinanggal ang tag ng mga ito.
"There, wala nang tag, so pwede mo nang isuot." aniya na parang wala lang. Habang ako, lumapag ang baba sa sahig dahil nasasayangan sa damit.
"Alam mo ba magkano yan?!!!! pwede mo pang i-refund yan kung may tag diba? at sayang lang kung isang beses lang gagamitin!" kinuha ko sa kamay niya yung mga tag at tarantang tinignan kung maibabalik pa.
"It's fine, I got it for you."
"Huh?" para sakin? pero ngayon lang kami nagkita. Iniabout niya sakin yung silk na pajama.
"Magbihis ka na." kumunot ang noo ko. Anong nangyayari? Si Hunter ba talaga ito? Bakit parang nilayasan ng demonyo?
"May kambal ka?" bigla kong tanong.
"Ha? Wala. Bakit?" agad niyang sagot.
"So, ikaw yung Hunter kanina?" paninigurado ko.
"Oo, may iba pa bang Hunter sa bahay na ito?" medyo irita niyang sabi.
"Anyare sayo? Bakit ang bait mo sakin?" prangka kong sabi. Kasi parang kanina lang halos lamunin niya ako ng buhay eh.
"Huh? Sinisigurado ko lang na nandito ka sa kwarto. Jan ka na nga." pagsusungit niya. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palabas ng kwarto.
"Tignan mo yun, bipolar."
Dahil sinabi na rin niya, kahit na nasasayangan ako, isinuot ko ang pajama. Hindi nakapagtatakang mamahalin, paang wala kang suot. Ang gaan tapos dumudulas lang sa balat yung tela..
Gucci Design. Gucci's signature design was inspired by Horse Racing. It is crafted to look like horse bits and stirrups. And because of material shortage during Word War II, they resorted to cotton canvas rather than leather and that's where the iconic red and green bands were developed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro