Fragile Girls vs Sadist Guys
INTRODUCTION
Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila at billions naman sa buong mundo. At sa bawat taong nabubuhay may kanya-kanyang tao na itinakda para sa kanila. Pero hindi ganun kadali ito hanapin kahit mahanap mo ito hindi mo naman agad-agad makakamit ang happy ending ng buhay mo.
Gusto mo ba mapagaya kay snow white na kaylangan pang kumain ng nakakalasong mansanas at matulog para mahanap si prince charming? O kaya namang katulad ni little mermaid na nawalan pa ng boses para lang makita ang Adam ng buhay niya.
‘Ang effort…..kung maghihirap ka lang rin ng ganyan edi mas mabuting huwag ka na lang umibig.’
Yaan ang palaging linya ng isang 16 year old girl kapag naguusap tungkol sa pag-ibig. Para sa kanya ang pag-ibig ay aksaya lang ng panahon pero higit sa lahat kaya ayaw niya umibig dahil kina susuklaman niya ang mga lalaki. Ang babae na ito ay si:
Ami Sanchez, isang 16 year old girl na nagaaral sa Cattelya Elite all-girls school. Siya ang student council president ng school na ito at gagawin niya ang lahat basta ma protektahan ang mga school mates niya sa katabi nilang school na Sogo High na all boys school.
But what if her next enemy will be her own destiny?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro