Chapter 9 Sports Day (1)
Fragile Girls vs Sadist Guys
Chapter 9_______________________________________
Ami POV
Pagkatapos naming makulong sa storage kung saan nangyari ang first 5 minute service per day rule na ginawa ni Chuahua dumeretso kami kaagad sa student council tent. Sa tent na yoon doon nakaupo ang announcer at nagbibilang ng score.
“Ami!” sinalubong kami ni Angela na may medal sa leeg.
“Anj! Nanalo ka sa first game?”
“Oo! Nakakapagod nga eh….”
“Ano yung first game ulit?” tanong ko sa kanya.
“100 meter run sa girls division.”
“Ang galing mo!” niyakap ko siya.
“Hehe.” Niyakap rin niya ako.
“Congrats.” Bati ni Yu sa kanya.
“Thank you.”
Hm? Imagination ko lang ba yun parang nakangiti si Yu ng kaunti kanina….
[Next game will start any minute now. To all players participating the scavenger hunt please go to your respective position.]
“Scavenger hunt na sino ang participant sa class natin?”
“Si Franz, halika may pwesto na akong nakuha doon tayo manood.” Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa pwestong sinasabi niya habang si Yu naman ay nakasunod sa amin.
“Maguumpisa na bilisan niyo!” umupo ako sa damuhan nasa gitna ako nina Anj at Yu.
“Franz galingan mo!” pagkasigaw ni Angela kumaway si Franz sa amin.
“Ayeee! Kinikilig na yan!” inasar ko siya.
“Ay nako Ami huwag mo kong asarin lalo tuloy ako kinakabahan.”
“Kinakabahan?”
“Diba kapag scavenger hunt common ang paghila sa mga tao. Papaano kung may hilahing ibang babae si Franz….”
“Hindi yan for sure ikaw ang hihilahin niya. Lalo na kapag ang nakasulat sa papel ay ‘Your Crush’ ayee kilig much!” siniko-siko ko si Anj. Nagtawanan kami.
“Ah maguumpisa na yung game.” Tumahimik na kami.
“Ready…..set….GO!” nagsitakbuhan ang mga participants at agad inabot ang papel pinili nilang papel na nakapatong sa lamesa.
“…”
“Ano kaya nakasulat?” tanong ni Angela.
“Hm? Anj! Anj! Papunta siya rito! Ayan na!!” inalog alog ko siya habang natili.
“O my God! Ami! Eto na yun!”
Lumapit si Franz sa amin, napansin kong ang aabutin niyang kamay ay akin.
Eh? Ako?
“Ami.”
“Eh teka ako?” nagulat ako.
“Oo ikaw.” Sabi ni Franz ng nakangiti. Halatang gulat na gulat si Angela.
“Teka bakit ako!” tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ni Yu ang isa kong kamay at hinila ako kaya napaupo ulit ako.
“Yu? Teka kaylangan ko si Ami.”
“Si Angela na lang.” inis niyang sabi habang nakahawak pa rin sa kamay ko ganun rin si Franz.
“Ano ka ba! Bitawan mo ako, matatalo tayo ng lagay niyan.”
“Stay, this is an order.”
“Wha-!......”
“Hay….sige na nga…Anj?” binitawan ni Franz ang kamay ko at inabot niya ang kamay niya kay Angela.
“O..okay…” tumayo si Anj at tumakbo na sila sa table silang dalawa ang nanguna.
“….Chuahua…pwede mo na ako bitiwan…”
“Five minute service.”
“Ha? Hindi ba nagawa na natin kanina.”
“…” hindi niya ako pinakinggan kaya hinayaan ko na lang. Nang naglalakad na papunta sa amin si Angela agad na binitawan ni Yu ang kamay ko.
“Ano panalo tayo?”
“….YU! Bakit mo pinigilan si Ami?” galit na tanong ni Anj.
“Eh? Talo tayo…bakit ano ba ang nakasulat?”
“Girl president.” Sabi ni Franz na kasunod ni Angela.
“Ako?” nagulat ako.
“Haha kaya nga kita hinihila diba. Pero mukhang may nagseselos kaya pinagbigyan ko na.” tumingin siya kay Yu.
“…” tumayo si Yu at naglakad papalayo.
“Ah huwag mong patatakasin kita nakakarami ka na!” hinabol siya ni Angela.
“Anj!” hahabulin ko na sana sila pero pinigilan ako ni Franz.
“Hayaan mo na sila.”
“…Okay…Sure ka na okay lang na magkasama sila baka kung ano ang gawin ni chuahua sa kanya.”
“Malabo mangyari yuon….tama….hindi gagawin ni Yu yuon…” pabulong niyang sabi.
Hm? Parang may meaning yung sinabi niya….
“Smiley….sa tingin mo may gusto si chuahua kay Anj…” sabi ko habang pinaglalaruan yung damo.
“Eh?” nagulat siya.
“Ah sorry, ang tanga ko no imposible naman mangyari yuon.”
“….It’s not impossible..”
“May sinabi kaba?”
“Wala, tinatanong ko lang kung may gusto ka inumin.”
“Inumin….siguro C2 bakit bibili ka?”
“Yeah.”
“Teka yung bayad.”
“Huwag na, it’s my treat.” Sabi niya habang nakangiti.
“Tha…thanks…”
“No prob. Babalik ako wait ka lang diyan.” Umoo ako. Umalis na siya.
Hay…ako na naman magisa…
Umiga ako sa lapag.
“Ang next game ay dodge ball….”
Dodge ball….
Bigla ko naalala ang nangyari sa amin ni Yu sa loob ng storage room. Hinawakan ko ang labi ko.
“Gyaaaaaahh!! Yuck anong nangyayari sa akin! Para akong isang maiden in love!” nag gulong gulong ako sa lapag.
Pero kung hindi ko siya sinunod siguro hanggang ngayon nakakulong pa rin kami doon. Nakakaguilty naman kung hindi ako babawi dapat may gawin ako para sa kanya….at saka…hindi pa ako nakakapag sorry sa pagsigaw ko sa kanya…
“…Hmph…hindi ko naman kaylangan magsorry kasi siya ang nauna.”
Ano naman kaya ang gusto niya gawin ko bilang thank you?
“Then how about kissing me?”
…NOooo!!! That’s impossible, really impossible.
“Ang tagal naman ni Smiley….naiisip ko tuloy ang mga bagay na hindi ko dapat isipin.”
[To all participants in dodge ball please go to the indoor court.]
“Maguumpisa na yung next game, gaano ba katagal yung tatlo.”
“Hahaha kasi naman Yu huwag mo na ulit uulitin yun.”
Narinig kong parating na silang tatlo.
“Ang tagal niyo.” Tumayo ako at sinalubong sila.
“Sorry!” niyakap ako ni Anj.
“Here’s your C2.”
“Thank you. Hm bakit bawas na?” tinuro niya si Yu.
“Chuahua!!” sinipa ko yung tuhod niya.
“Aray, China Musume (japanese ng china girl)!” naghabulan kami.
Lumipas ang ilang oras at ang natirang game na lang para sa unang araw ng sports festival ay ang game na sinalihan ko ang pair marathon, sa isang klase may dalawang pair na magpaparticipate. Sa class namin ay si Anj, Franz pair at Ako at chuahua pair.
May kaunting twist ang pair marathon na ito dahil gaganapin siya sa labas ng school magsisimula sa school at magtatapos sa harap ng village na tinitirhan namin. Merong limang checkpoint na magbibigay ng challenge kapag natapos mo ang challenge lalagyan nila ng stamp ang card mo. Kaylangan makumpleto ang limang stamp.
Dahil pangmayamang school ito sa lahat ng street na madadaanan namin ay may camera para mapanood ng mga students na hindi nagparticipate sa isang malaking tv sa may baseball field.
“Ami, Anj galingan niyo, kaya niyo yan!” pag cheer ng mga classmate ko.
“Yeah! Sige…” pumunta na kami sa may entrance ng school kung saan magsisimula ang marathon.
“You’re late…..” masungit na sabi ni Yu.
“Huwag mo ako ipapahiya.”
“That’s my line.” Nagtitigan kami ng masama.
“Haha, President Ami at Prez Yu LQ ba kayo?” sabi ng isang student.
“Huh?!” sabay namin tiningnan siya ng masama.
“Ah…so..sorry po…” lumayo silang lahat sa amin.
“Yu, Ami hindi kami magpapatalo ni Franz.”
“Sa larong ito wala munang kaikaibigan. Sisiguraduhin ko ako ang makakakuha ng price!” sabi ko sa kanila.
[Everyone this is Kana of newspaper club and your announcer for today. Nandito ako ngayon sa entrance kasama ang cameraman natin ngayon na si Kei ng Theater Club. Kami po ang magbibigay sa inyo ng bawat details na mangyayari sa first ever pair marathon ng Cattelya Sogo Academy after being co-ed! Good luck to all players!]
“Iaanounce ko na ang first rule dapat tumakbo kayo ng nakaholding hands. Para mas exciting!” sabi ni Ma’am Tsu ang teacher namin sa Physical Ed.
Nagtiliian ang mga babae dahil boy and girl pair ito.
“Come on hold my hand.” Utos ni Yu.
“Ayoko nga.”
“Bilisan mo na!”
“Sabing ayoko nga eh.”
[Oh what’s this mukhang meron tayong hindi nagkakaunawaang group. Ikanga ng iba sila ang incredible pair ang dalawa nating president na si Ami at Yu!]
“Maguumpisa na ang game humanda na kayo.”
“Ready….set….go!” nagsitakbuhan na lahat ng participants pero kaming dalawa ni Yu ay nagpatuloy pa rin sa pagaaway.
“Mauuna na kami!” tumakbo na papalayo sina Franz at Angela pero hindi namin sila pinansin.
[Naku naku ang president team ay hindi pa rin nagalaw kundi nagpatuloy pa rin sa pagaaway! Mapupunta kaya sila sa last place?]
“Who said we are going to be in the last place?” hinawakan ni Yu ang kamay ko at tumakbo ng sobrang bilis.
[Wha! Ang bilis niya tumakbo nakita niyo po ba yuon? Nawala sila ng parang bula. At ngayon po ay dederetso na tayo sa chechpoint. Magkita kita na lang po tayo doon to all contestants good luck again.]
---
SWOOSH
“Te…teka lang!” sa sobrang bilis niya tumakbo hindi ko na maapak ang paa ko sa lapag kundi nahihila na lang niya ako kaya hindi ako makatakbo ng maayos.
“Ang bagal mo. Naglalakad na nga lang ako para sayo.”
“Naglalakad?! Eto?! Naglalakad ka ng lagay niyan? Eh hindi na nga ako makatakbo ng maayos dahil masyado kang mabilis eh.”
“So hanggang diyang ka lang, pathetic.” Ngumisi siya.
“Anong sabi mo, pathetic?....Hindi ako magpapatalo!” mas binilisan ko ang pagtakbo kaya siya naman ang hinila ko.
“Kinakalaban mo ba ako? Then I will show you when I’m serious!” tumakbo na rin siya pero hindi ako nagpatalo kaya pantay na ang pagtakbo namin.
“Nasan na kaya sina Ami?” tanong ni Angela habang relax na relax sa pagtakbo dahil sila ang pinakauna.
“Siguro nandoon pa rin sila. Haha!”
Oryaaaaaaahhh!!
“Gyaah may halimaw bilisan niyo bago pa kayo mapatay!” sabi ng isang pair na nagmamadaling tumakbo.
“Hm halimaw?” sabay silang tumingin sa likod.
Pagkatalikod nila nakita nila si Ami at Yu na mabilis na lumalamang sa iba. Ang mga mukha nila ay may malalaking evil smile.
“Patay…Anj bilisan mo!” tumakbo na ulit sila para hindi sila maabutan.
Pero napahinto sila ng may biglang humawak sa braso nila ng sinilip nila kung sino ang nakahawak.
“Huli kayo.” Sabay na sabi nina Yu at Ami.
Gyaaaaaaaahhhh!!
[Hello po eto ulit si Kana and nandito po ako ngayon sa first checkpoint. Nabalitaan ko sa clubmate ko na nasa school at nanonood sa VTR ngayon, meron raw dalawang pair na mabilis na naunahan ang first place at nagiiwan raw sila ng mga trauma sa mga ibang partcipants sino ho kaya ito?]
[Hm? Maynakikita na po ako meron na pong paparating sa checkpoint. Sila ay ang team……ang team president! Sobrang bilis nila.]
Nakarating na kami sa unang checkpoint.
“Ha…ha…” inabutan kami ng student na nakaassign sa checkpoint ng towel at tubig.
“Thanks.” Nagpasalamat ako.
“What are you doing hurry and stamp it.” Pananakot ni Yu doon sa studyante.
“Ano ka ba huwag mo siyang takutin sa tingin mo may makakasunod agad sa atin….sorry ano ulit yung challenge namin?”
“Ieexplain ko po, sa tent na po iyon meron pong mga damit na naka sabit kaylangan niyo po suotin yuon pero dapat ho nakablindfold kayo.”
“Sa loob rin kami magpapalit?” tanong ko.
“Opo.”
“Teka sabay ba kaming papasok?”
“Opo.”
“Pero hindi ba ibig sabihin noon may malaking chance na masilipan ako?”
“Don’t worry dahil madilim po sa loob kahit kaunti wala pong makikita sa katawan niyo. Sige po pumasok na po kayo meron po kayong 20 seconds para magpalit.”
“Teka ayoko!” sinuot na ni Yu ang blindfold sa mukha ko.
“Huwag ka ng maarte, we need a little bit of skinship.”
“Anong skinship ayoko!!” hinila niya ako papasok sa loob ng tent.
“Wala akong makita!” maynaapaa ako ng parang tela. “Ayun may naaapa akong damit.”
Boing
“Eh?” may naramdaman akong humawak sa dibdib ko.
“Hm? Ano to parang malambot na bagay….” Pinindot-pindot niya ito.
“Wha…wha….wha-!”
“Hm? Bakit ganyan ka makareact? Ah….huwag mo sabihin…etong hawak ko….”
BOG! PACK!
“Saan sa tingin mo ikaw nakahawak!!”
Natapos ang 20 seconds at lumabas na kami ng tent.
“Nakakainis ka!” sinipa ko siya.
“…..” lumabas si Yu ng may malaking black eye sa dalawang mata.
“President Yu anong nangyari!?” tanong nung isnag student.
“We were doing a puff-puff action.”
Pack!
Binatukan ko siya.
Ang costume na nakuha ko ay isnag green chinese dress at isang pulang sandals. Habang si Yu naman ay ang old uniform ng Sogo High ng hindi pa nacoco-ed.
“Humanda ka talaga sa akin mamaya. Bilisan mo na baka maunahan pa tayo nina Anj.” Inabot ko yung kamay ko sa kanya.
“….” Hinawakan na niya ang kamay ko.
“Um….tatatakan ko na po yung card niyo.” Binigay ko na yung card.
“Sige mauna na kami.” Tumakbo na ulit kami papalyo.
“…..Ang ganda ni Prez….ganun rin si President Yu….” Sabi nung studyante kay Kana.
“Yeah…siguro kung magiging couple sila. Sila na nag pinaka perfect match sa isa’t isa.”
Mabilis kaming nakaabot sa sumunod na checkpoint.
“Kayo po ang nangunguna! Ang challenge na ibibigay ko po sa inyo ay…wala.”
“Wala? Bakit?”
"Kasi po ang susunod na challenge ay mas mahirap kaya paghandaan niyo po. Akin na yung card niyo.” Pagkatapos niya istamp ang card magpapatuloy na sana kami sa pagtakbo ng biglang sumakit ang paa ko.
Patay….hindi ako makagalaw….kapag ginalaw ko ang paa ko para bang binabali yung buto sa loob…anong gagawin ko pinulikat ata ako…nakasandals kasi ako eh…
“Anong ginagawa mo halika na.”
“Sige….” Sinubukan kong igalaw ang paa ko. Pagkatapak ko sa lapag pinalibutan ang buong kaliwa kong paa ng kirot.
“Hm? Prez anong nangyari sa paa mo!” nang tiningnan ko ang paa ko kulay violet na siya at namamaga.
“What happened?”
“Tinatanong pa ba yan edi napilayan ako…sino ba kasi diyan ang humila sa akin kanina at hindi ko man nagawang umapak sa lapag kanina para tumakbo.”
“Bilisan niyo kaylangan ni Prez Ami ng first aid.” Lumapit ang nurse at inalalayan akong umupo.
“….Sa tingin ko nabigla ang pagkatakbo kanina tama ba ako?” umoo ako.
“Hindi ka na pwede magpagpatuloy pa sa pagtakbo.”
“Pero hindi pa tapos ang laro!” umiling siya.
“Hayaan mo na. Pagod na rin naman ako eh.”
“Ayoko! Kaylangan ko makuha ang prize…”
Tama kaylangan ko makuha ang prize.
<<<<<<<
Lunch time yuon ng makita ko si Anne.
“Anne!”
“Prez, pagkatapos nito pair marathon na diba. Galingan mo!”
“Oo hindi ako magpapatalo kay Anj at Franz. By the way ano ba ang prize?”
“Eto.” Pinakita niya sa akin ang isang dalawang headband na rabbit ears.
“Yaan lang?”
“Oo pero para sa isang babae at lalaki sa tingin ko makakadagdag eto sa closeness nila dahil mahihilig sila sa mga pair things. Bakit ikaw prez hindi ka ba mahilig dito? Ang cute kaya.”
“Rabbit ears….haha….ireserve mo na yang prize na yan dahil ako ang kukuha niyan.”
“Mahilig ka rin pala sa rabbit eh.”
“Hindi ako yung master ko ang mahilig diyan.”
“Master?”
“Basta.”
>>>>>>>>>>>>
Kung keylan nakakita na ako ng maibibigay ko sa kanya bilang thank you.
“Ami?”
“Anj naabutan niyo na kami.”
“Anong nangyari sayo!”
“Nabigla yung muscles ko..” sabi ko habang pinipilit na ngumiti.
“Ibig sabihin panalo na kami.” Sabi naman ni Franz.
“Sinong nagsabi na pananaluhin namin kayo? We were just taking a break.” Hinawakan ni Yu ang likod ko at ang isa niyang kamay ay sa ilalim ng tuhod ko.
“Huwag mong sabihin bubuhatin mo si Ami ng parang prinsesa?” gulat na tanong ni Anj.
“Up you go.”
“Wah!” pinatong niya ako sa braso niya.
“Hahaha! Binubuhat mo siya ng parang sako!” sabi ni Franz habang natawa.
“Then see you later.” Ngumisi siya.
“Ah! Teka lang ibaba mo ako!!” tumakbo na siya papalayo.
Ano ng mangayayari sa second half ng marathon?!
----------------------
Don’t forget to vote and comment! Sa gilid ay picture ng binuhat ni YU si AMI!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro