Chapter 6 Pet!
Fragile Girls vs Sadist Guys
Chapter 6_______________________________________
Ami POV
“Mami, Papi tingnan niyo po oh ang cute ng doggy kawawa naman magisa lang siya.”
“Ami gusto mo bang kunin yang doggy.”
“…Opo….okay lang po ba.”
“Sige basta dapat alagaan mo siya mabuti.”
“Thank you po mami papi!”
“Anong pangngalan mo sa kanya?”
“Haru no.1!”
….
Nabalot ang paningin ko ng apoy
“Mami? Papi? Nasan kayo? Haru no.1? Mami?”
Huwag…
“Mami! Papi! Nasan kayo…?”
Please huwag niyo ako iwan…
“Mami! Haru no.1? Papi nasaan kayo?”
Natatakot ako….huwag niyo ako iwan ayokong magisa…
“Arf!”
“Haru no.1!” pagkakalong ko sa kanya isang sunog at wala ng malay na aso.
“Ami? Nasan ka? Ami!”
Boses ni papi….
“Ami!”
“Papi….si…si Haru….wala na si Haru….”
“Tama wala na siya dahil sayo…pati ang mamy mo…”
“Eh, ano pong sinasabi niyo?”
“Kung hindi mo lang hiniling yuon edi sana….hindi ako nasusunog ngayon!!”
“Pa…pi….”
Hindi! Hindi ko kasalan…wala akong kasalanan!
“Oi! China! Oi gumising ka!”
Dumilat ako.
….Panaginip lang pala….
“Aray.” Hinawakan ko yung ulo ko. Ang buong katawan ko ay nanginginig at puno ng pawis.
“…Anong nangayari sayo bigla ka na lang sumisigaw diyaan.” Tanong ni Yu.
“….Hindi ko alam….tama nanaginip ako na nasa loob ako ng isang nasusunog na bahay tapos…” sumakit ulit ang ulo ko.
“Aray…..hin..hindi ko na maalala…”
Hindi ko na maalala ang mga sumunod doon…pero pakiramdam ko hindi lang iyon basta panaginip….
“Tumayo ka na diyan baka malate pa tayo.” Lumabas na siya ng kwarto.
“…….A…a..achoo!”
Dahil naligo kami sa ulan kahapon sinisipon na tuloy ako.
“Argh kadiri basang basa ako ng pawis maliligo na ako.” Lumabas na rin ako ng kwarto.
---
“Master hindi po talaga pwede.” Pagababa ko nakita kong pinipigilan ni Sebastian si Yu na umalis.
“Oi Chuahua anong problema?” tinuro niya ako.
“Kasama ko naman siya kaya walang problema.”
“Pero master hindi po talaga kayo pwede maglakad lang papuntang school.”
“Maglakad? Gusto mong maglakad papuntang CSA.”
“Yeah”
“Hay nako kaya ayoko sa mga rich kid eh, hindi nila alam na nakakaabala sila ng ibang tao. Sundin mo na lang kasi si kuya Sebastian at sumakay ka na lang ng sasakyan katulad ng araw-araw mong ginagawa. Tapos ako naman ay maglalakad katulad ng ginagawa ko dati edi solve na ang problema.”
Naglakad na ako papalayo.
“Bye kitakits na lang sa school.” Bigla niya hinawakan ang kamay ko.
“Hm?” at tumakbo kami.
“MASTER! Habulin niyo sila!”
“Oi teka! ANo ba bakit ka ba tumatakbo?”
“Dahil hinahabol nila tayo, use your common sense.”
“Ha?! Alangan hahabulin nila tayo dahil tumatakbo tayo.” Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy na lang sa pagtakbo. Nang makalayo na kami sa village tumigil kami para magpahinga.
“Grabe….ha…hah….” sumandal ako sa pader. Nakita kong nakatulala lang si chuahua sa maliit na eskinita.
“Anong sinisilip mo diyan?” sinilip ko yung tinitingnan niya at nakita ang isang rabbit na nasa box.
“Rabbit?”
“Ipapangalan ko siyang Haru no.1!!”
Eh…ano..yun….kani kanilang parang may naalala ako….
“Chuahua anong problema? Haha huwag mong sabihin gusto mo na yang rabbit…WHA-!” nagulat ako ng makitang nagbablush siya.
Nag…nag…nagbablush siya?!! Si super Sadist man ay nagbablush? Patay hindi ko nadala ang payong mukhang uulan na naman ata mamaya…
“Oi….”
“A..ano…?”
“What is that fluffy thing?” tinuro niya yung rabbit.
Eh? Tama ba ako tinanong niya kung ano yoon, tapos sabi pa niya fluffy.
“No way hindi mo alam kung ano yan…di nga…” umiling siya bilang senyas na hindi talaga niya alam.
“Rabbit yan ano kaba! Elementary tinuro na satin yan hindi mo ba naaalala R is for Rabbit.”
“So yaan pala ang rabbit. Akala ko ang itsura ng rabbit ay kasing laki ng tao pagkatapos nilalagay ang anak nila sa parang bag sa tiyan nila.”
Kangaroo yoon tanga!
“Um…kapag hindi pa tayo mag lakad maglelate na tayo…” nakatitig parin siya sa rabbit.
“Mauuna na ako…” kahit nakalayo na ako hindi pa rin siya umalis.
Talagang nandoon pa rin siya….huwag mo akong sisisihin kapag na late ka.
SCHOOL
Nasa student council room ako ngayon para sa usual morning meeting namin every Tuesday at Thursday.
“Ami ikaw lang nasan si Yu?” tanong ni Angela.
“Haha Anj matatawa ka sa sasabihin ko, alam mo ba si Chuahua-.”
“Anong meron sa akin?” tanong ni Yu na may ngiti sa mukha.
“Wah! Akala ko hindi ka sumunod sa akin.”
“So ano nga yung tungkol sa akin?”
“Wa…wala…” hindi ko na lang tinuloy. Umupo na si Yu sa tabi ko pero parang may mali sa kanya.
“So dahil nandito na tayo lahat simulan na natin ang morning meeting.” Sabi ni Franz habang nasa gitna.
Squeek!
‘Squeek’? ano yung tumunog?
Hinanap ko yung tumunog na parang daga at nakitang nasa loob ng polo shirt niya yung rabbit kanina.
EH!!! Gaano ba niya kagusto yung rabbit! Pag may nakapansin sa kanya magkakaroon siya ng violation.
“Siguro alam na nating lahat na sa Thursday na ang unang araw ng sports day. Dahil unang sports fest natin to na naging co-ed tayo nagdagdag kami ng mga games na wala dati. President Yu pwede po bang paki explain?”
Gyah!! Wrong timing ka naman Franz!
Tumayo na si Yu pagkatayo niya muntik ng mahulog yung rabbit kaya sinalo ko to. Mukhang hindi niya napansin, naglakad na siya papunta sa unahan. Pero halatang nagtataka siya kung saan napunta yung rabbit.
“Yu?”
“Ah sorry….” Kumaway ako kaunti sa kanya at nag thumbs up bilang senyas na nasaakin ang rabbit. Nagthumbs up rin siya kaya nagulat ang lahat.
Tanga! Bakit nagthumbs up ka rin…gaano mo kagusto itong rabbit out of character ka na eh. Sure bang siya si Yu Sogo ang leading man ng FGSG(fragile girls v.s sadistic guys)?
“Ahem so the new games that I added is…”
Natapos rin ang meeting ng walang nakakaalam, may 15 minutes pa bago mag time kaya pumunta muna kami sa garden ng school.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo. Sino bang lalaki ang magdadala ng rabbit sa school?”
“…”
“Hay….ilagay mo na muna yan diyaan sa cage. Babalikan na lang natin mamayang lunch.” Iniwan namin yung rabbit sa isang lumang cage pagkatapos dumeretso na kami sa classroom bago pa magbell.
LUNCH
“Ami anong nangyari kay Yu ngayong araw, nakita ko siyang paikot ikot sa buong campus. Para siyang bata na naghahanap ng nawawala niyang laruan.” Sabi ng isa kong classmate.
“?.....! Yung rabbit!” tumakbo ako papalabas.
“Rabbit?”
Kasalanan ko to dapat kasi hindi namin siya basta na alng iniwan doon. Saan kaya yuon pumunta papaano kung wala na siya sa campus….lagot ako kay Yu….paano yan…
“Wah!” natumba ako ng biglang may natamaan akong tao nung tumatakbo ako. Tiningnan ko kung kanino ako bumangga, si Yu pala.
“China! Yung rabbit.”
“Alam ko. Maghahanap ako sa likod ng school doon ka sa mga madamong lugar.”
“Yeah.”
Krrrrrrrrrrng!!
Natapos na ang lunch pero patuloy pa rin kami sa paghahanap. Sa puno, sa damo, sa bawat gilid na madadaanan namin pero niisang rabbit wala kaming nahanap.
“Nasan ka na ba…lumabas ka na….aray.” dahil naghahanap ako sa flower bed natusok yung daliri ko sa isang matulis na tangkay. Nagsimula itong magdugo.
Bakit ba ako nagpapagod para lang sa isang rabbit…at saka bakit kaylngan ko tulungan si chuahua….
“Haru no.1 nasaan ka?!”
Ah…ayun na naman may naaalala na naman ako….sino ba si Haru no.1?”
“Oi China!”
“Yu- este chuahua ano nahanap mo na ba siya?”
“No…hm…you, that hand..”
“Ah natusok ako kanina…hayaan mo wala yan malayo yaan sa bituka.”
“….” Hinawakan niya ang daliri ko at sinipsip ang dugong tumutulo.
“Nn…anong ginagawa mo?” nakatingin siya sa akin habang nasa bibig niya ang daliri ko ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dinilaan niya ito at kinagat.
“Aray! Nakakainis ka…kadiri..” pinunas ko ang daliri ko sa palda ko. Ngumiti lang siya habang dinidilaan ang natirang dugo sa bibig niya.
“Yuck!! Kadiri ka talaga!” sinapak ko siya.
“Let’s go back.”
“Huh, pero paano yung rabbit?”
“I don’t care anymore.”
“Sandali lang!” hinawakan ko yung kohelyo niya at tiningnan siya ng masama.
“Okay lang sa akin na utus utusan mo ako pero sana kung may pinagagawa ka tapusin mo hanggang sa huli!”
“Then finish it by yourself, wala na akong paki kung ano mang mangyari doon sa rabbit.”
“Edi huwag! Bumalik ka na wala na akong pake sayo, kapag nahanap ko yung rabbit akin na yuon. Huwag kang magmakaawa sa akin mamaya.” Umalis na ako para hanapin ulit yung rabbit.
“…”
“Nakakainis siya…akala ko pa naman gusto niya talaga yung rabbit…nakakainis!!”
“Little China.”
“Ano akala ko ba babalik ka na? Sorry pero hindi ko ibibigay ang rabbit sa walang kwenta na katulad mo.” Umupo siya sa tabi ko.
“When I was five…I had a pet rabbit. Binigay yuon ng mama ko nung umalis siya ng bahay. Sabi niya mabilis lang siya at babalik rin siya kaagad pero lumipas ang araw, buwan at taon hindi na siya bumalik. Naghiwalay na pala sila si Papa.”
“Nung 10 years old ako namatay yung rabbit sa katandaan, I cried all night wondering why all the important things in my life is vanishing in front of my eyes….pero ang mas nakakainis ay bakit wala akong magawa…”
“….Bakit mo sinasabi sa akin to?” pinitik niya ang noo ko.
“You are such a slow girl….I’m telling this to you because I want you to find the rabbit for me….”
“Sus akala ko naman kung bakit……..sige na hahanapin ko na po master……alam mo….somehow…naiintindihan ko yung sinabi mo….ang mga importanteng bagay ay isa isang nawawala sa harapan mo pero niisang bagay wala kang magawa.”
“….Stop talking like you know what I’m feeling.”
“Haha tama ka….wala talaga akong alam kung ano ang nararamdaman mo pero may isa akong bagay na naiintindihan. Ang mawalan ng kaisaisang kaibigan ay mas masakit pa sa pagkain ng mga karayom. Kahit wala akong naaalala…alam kong may isang importanteng bagay na nawala sa akin….
“Kaya please huwag mong sasabihin na hindi ko naiintindihan ang nararamdaman mo dahil hindi mo rin alam ang nararamdaman ko ngayon.”
“Squeek.”
“Hm?...ah! Yung rabbit! Haha! Halika dito bili!” tumalon yung rabbit sa akin.
“…”
“Haha parehonh pareho kayo ng amo niyo. Ginagawa ang mga bagay na gusto gawin na hindi iniisip ang mga tao sa paligid nila.” Pinet ko ito. Tumingin ako kay Yu.
“Oh eto na po master, ang weird ang chuahua ay magaalaga ng isang rabbit.”
“….Mind your own bussiness……China…”
“Hm?”
“….Thanks.”
“Wala yun…huh? Anong sabi mo ‘Thanks’? wow for the first time narinig kitang mag thank you.”
“Its rare so appreciate it.” Sabi niya habang nakangisi.”
“Anong pangalan mo sa kanya?”
“Hm….Maru no.2”
“Haha bakit no.2 sino ang no.1?”
“Yung rabbit ko dati….her name was Maru no.1”
“Eh….Maru no.1…”
“Haru no.1 I love you!”
“Arf!”
….tama si Haru no.1…..ang aso na inaalagaan ko dati……nasaan na kaya siya…..ngayon….?
“…let’s go home.”
“Pero may isang subject pa.”
“Hayaan mo na yun gusto ko ng pakiinin tong si Maru no.2”
“Ewan ko sayo masyado ka namang protective diyan.”
---------
Dahil maaga kaming umuwi pinagalitan kami ni lola Dalia pero hindi siya pinansin ni Yu dahil busy siya sa pag pamper kay Maru no.2.
“Hay grabe nakakapagod….takbo ng takbo yung rabbit…” umiga ako sa kama. Hindi pa rin bumabalik si Yu sa kwarto dahil nasa kabilang kwarto pa siya. Kasing laki ng bedroom ang kwarto kung saan nandoon ang rabbit.
….Matutulog na ako bago pa pumunta si chuahua dito…sigurado ako magaaway na naman kami kung sino ang iiga sa kama…pero natatapos rin naman ang away namin sa pagtulog namin sa isang kama.
Paunti unting pumipikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog na ako.
Yu POV
“Kahit wala akong naaalala…alam kong may isang importanteng bagay na nawala sa akin….”
“Kaya please huwag mong sasabihin na hindi ko naiintindihan ang nararamdaman mo dahil hindi mo rin alam ang nararamdaman ko ngayon.”
“….” Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang private detective namin nasa kwarto ako ngayon ni Maru no.2.
“Hello, I want you to investigate someone. Her name is Ami Sanchez.”
[Ano pong gusto niyo imbistigahan sa kanya?]
“Lahat; Her family, adress, everything about her.”
[I understood, pakisend na lang po sa akin ang picuture niya. Medyo matatagalan po ang investigation na ito.]
“Mga gano katagal aabutin?”
[For about 1 month]
“Okay na yun, sige bye.” Ang sinunod kong tinawagan ay ang pet shop.
[Hello master Sogo ano pong maitutulong ko sa inyo?”
“I want you to deliver me a….”
Ami POV
“Nn…” naramdaman kong dinidilaan ang pisngi ko kaya agad kong dinilat ang mga mata ko.
“Ano yun!” ang nadatnan ko ay isang putting puppy na nakaiga sa gitna namin ni Yu.
“Puppy?......Haru no.1?”
“Hm…gising ka na pala….dinala yan ng pet shop kagabi. Ipapakita ko sana sayo kaso tulog ka na.” sabi ni Yu habang yakap yakap ang aso.
“Pero bakit?” umupo ako.
“Sabi mo kahapon diba, hindi mo naaalala pero alam mong may nawalang importanteng bagay sayo. So naisip ko na baka isang hayop ang nawala na yuon. Pusa sana ang bibilin ko kaso sabi nila mas malaking chance na makain si Maru no.2 kapag pusa kaya aso na lang ang pinili ko.”
“……haha….nakakainis ka talaga….” May tumulong luha sa mata ko. Umupo si Yu at binuhat ang puppy at hinarap ito sa akin pinatong nung aso yung paw niya sa ilong ko.
“Anong ipapangalan mo sa kanya?” binigay niya sa akin yung aso kinalong ko ito.
“…..Haru….Haru no.2” ngumiti ako.
-----------------------------------------
What do you think about today’s chapter?? Don’t forget to VOTE and COMMENT! Yung pic sa gilid ay si Yu kasama ang maraming Maru no.2!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro