Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55 The sadist's ever after (Finale)

Fragile Girls vs Sadist Guys

Chapter 55______________________________________

Yu POV

“Rose? Rose where are you?” sigaw ko habang iniikot ang buong campus. “Tch, where did that girl go?”

“Yu? Ikaw ba yan?” narinig ko ang boses niya kaya agad ko itong hinanap kung saan ito nanggaling.

Nakita ko siyang nagtatago sa ilalim ng hagdanan.

“Ikaw nga!” niyakap niya ako bigla. “Yu umalis na tayo dito! Please ayoko na dito. Pumunta tayo sa lugar na tayong dalawa lang.”

“Wait.” Pilit ko siyang hinihiwalay sa akin pero ayaw niyang humiwalay.

“Yu mahal mo naman ako diba? Pakakasalan mo naman ako bukas diba!”

“I said wait!” sa wakas bumitaw rin siya. “Rose…we need to talk.” Seryoso kong sabi.

Nagulat ako ng takpan niya yung tainga niya.

“What are you doing?” inis kong tanong.

“Ayoko! Ayoko makinig. Hindi ako nakikinig. Wah wah wah wala akong naririnig!”

“Rose stop.”

“Blah blah blah. Wala akong naririnig. Hindi ako nakikinig. Wah wah wah.”

“Rose will you stop it?!” halatang nagulat siya. “…I’m sorry I didn’t mean to shout at you.” Napasin kong may tumutulo sa lapag pagkatingin ko kay Rose naiyak na pala siya. “Oi…”

Umupo siya sa lapag at hindi tumigil sa paghagulgol.

“I’m sorry…” umupo rin ako at hinimas ang ulo niya. Napansin kong nanginginig yung balikat niya. “Oy stop crying…”

“Pfft! Hahahahaha!” nagulat ako ng bigla siyang tumawa. “Tama nga si Ami, weakness mo ang babaeng naiyak. Haha grabe!”

“Rose! It’s not funny.” Tumatawa pa rin siya pero pagkalipas ng ilang minuto naging seryoso na ang mukha niya.

“Haha…tama ka hindi nakakatawa.” Tumingin siya ng deretso sa akin. “Hindi nakakatawa.” Lumapit siya at niyakap ulit ako.

“Rose let go-.”

“Yu sabihin mo sa akin na aksidente lang ang lahat ng nangyari. Sabihin mo na mahal mo pa rin ako.”

“I can’t.”

“Please sabihin mo.”

“I’m sorry…I don’t love you anymore…” masakit kong sabi.

“BAKIT?!” sinuntok suntok niya yung dibdib ko. Kahit ginagamit na niya lahat ng lakas niya hindi ito ganun kalakas. “Bakit hindi na lang ako ang piliin mo? Ako ang unang nakakilala sayo! Ako ang unang minahal mo! Ako ang pinangakuan mo pero bakit hindi ako ang tinitingnan mo?”

“…”

“Bakit hindi ako ang iniisip mo?”

“I’m sorry…” mahina kong sabi.

“Anong gagawin mo sa akin? Hinanap kita, inintay kita ng ilang taon. Hindi mo ba alam kung gaano ako kasaya ng tumawag ang tatay mo sa akin? ‘Sa wakas magkikita na kami.’ ‘Sa wakas magsasama na kami.’ Akala ko okay na ang lahat pero hindi eh…hindi.” Sinuntok niya ulit yung dibdib ko pero wala na siyang lakas.

“YU BUMALIK KA SA AKIN! Balikan mo ako…please…ako na lang ang mahalin mo. Yu please sabihin mo na mahal mo ako! Sabihin mo!”

“I can’t…I’m sorry, my heart already belongs to someone…”

“BAKIT? Bakit hindi ako…mas matagal kitang minahal…ako ang pinangakuan mo…” napaupo na lang siya sa lapag at wala akong nagawa kundi iiwas ang tingin ko sa kanya.

Ami POV

Hinanap ko kung saan pumunta sina Rose at Yu. Nakita ko sila sa loob ng campus nang lalapitan ko na sila agad akong napansin ni Rose. Pagkakita niya sa akin tumayo siya at pinunasan ang kanyang luha.

“Ano masaya ka na? Ayan naiyak na ako. Nasaktan na ako. Masaya ka na?” sabi niya habang nakangiti.

“…Oo…” mukhang nagulat siya sa sagot ko. Tumingin ako ng deretso sa kanya. “Oo masaya na ako.”

“Ha. Haha…grabe…grabe talaga.” Napasandal na lang siya sa pader.

“Yu. Pwede mo ba kami maiwan saglit?”

“…Okay…I will wait outside.” Naglakad na siya papalayo. Pagkaalis niya agad kong nilapitan si Rose.

“Rose…” hahawakan ko sana ang balikat niya pero tinaboy niya yung kamay ko.

“Huwag mo nga akong hawakan. Sa tingin mo pagnagbaitbaitan ka mapapatawad kita?”

“Hindi. Alam kong hindi mo ako mapapatawad kahit keylan kaya hindi ako iingi ng kapatawaran mo.” Tumingin siya ng deretso sa akin.

“Umalis ka na, ayoko na makipagusap sayo. Sumama ka na sa boyfriend mo, wala na akong pake kung anong gawin niyong dalawa.”

“Hindi ako aalis.”

“Huh? Ano ba! Nakuha mo na nga ang lahat eh. Na sayo na ang lahat hindi pa ba sapat yun? Ano pang gusto mo sa akin, inubos mo na lahat!”

“Sampalin mo ako.”

“Ha? Nabubuang ka na ba?”

“Gusto ko sampalin mo ako, suntukin, sabunutan, gawin mo na lahat ng gusto mo sa akin. Ilabas mo ang galit mo. Hindi ako aalis hanggat hindi mo yuon nagagawa.”

“…” ngumiti siya. “Paano kung gusto kita bugbogin hanggang sa makomatose ka tapos paggising mo kasal na kami ni Yu?”

“Okay lang. Gawin mo kung anong gusto mo gawin sa akin. Pero sana tandaan mo hindi ako susuko kahit mabalian pa ako ng isa o dalawang buto. Gagawin ko ang lahat para magkasama kami ni Yu.” Seryoso kong sabi.

“Ha! Sinabi mo yan ah.” Lumapit siya sa akin. “You better clench your teeth.” Pinikit ko yung mata ko at hinanda ang sarili ko sa pwedeng mangyari. “AHH~!”

Inintay ko ang isang malakas na sampal o suntok pero niisa doon wala akong natangap. Kundi ang aking naramdan ay isang mahigpit na yakap.

“Eh? Akala ko ba-.”

“Huwag ka na magsalita!”

“Pero…”

Mas hinigpitan niya yung yakap niya. “Sa tingin mo kapag ginawa ko yuon mapapa sa akin na si Yu? Hindi no. At saka hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag ginawa ko yuon. Pero higit sa lahat hindi ko kaya. Hindi ko kaya kasi ang babaeng nasa harapan ko ay ang best friend ko!” nagsimula siyang umiyak.

“Rose…” ramdam ko na rin ang pag agos ng luha galing sa aking mata. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“…I hate you! Naiingit ako sayo, gusto ko magalit…pero hindi ko magawa…hindi ko magawa.”

“Sorry…Rose sorry. Sasabihin ko na sana sayo kahapon pero ng makita ko ang masaya mong mukha wala akong nagawa kundi magsinungaling na lang. Natakot ako. Natakot ako dahil baka masaktan ka…hindi ko aakalaing ganeto ang mangyayari…handa na akong sumuko pero hindi ko talaga kaya. Mahal ko siya eh…”

“…Ah~bakit ba kasi kaylangan natin umibig sa isang lalaki?” binitawan niya ako at pinunasan niya ng luha niya. Lumipas ang ilang segundo at hindi namin namalayan tinatawanan na pala namin ang isa’t isa.

“Rose ang pangit mo! Yung make up mo natanggal Haha!”

“Eh ikaw nga yung mata mo kulang na lang lumuwa eh.”

“Haha…”

.

.

.

“….Ami…I’m sorry…”

“Eh?”

“Gusto ko rin sana magsorry. Nung araw na nakita mo yung picture frame at nalaman mong si Yu yuon sobrang nasaktan ka diba? Nung gabing yun narinig kitang umiiyak…wala akong nagawa dahil natakot akong magtanong kung bakit.”

“Rose…huwag ka magsorry ako talaga ang may kasalanan.”

Umiling siya. “Hindi Ami. Nung nagkwento ka tungkol kay Yu alam ko ng may tinatago ka pero hindi ko nagawang magtanong dahil natakot ako. Natatakot akong malaman ang totoo. Kaya please huwag ka magsorry.”

“…Hindi ako magsosorry pero dapat bawiin mo rin yung sorry mo.”

“Napaka demanding mo naman, nagsosorry na nga yung tao eh.” ngumiti siya ganun din ako pero ang sa kanya ay mabilis na nawala. “Ami…pagkatapos ng araw na ito pwede bang…”

“Bukas iintayin kita sa cafeteria sabay ulit tayong pumasok. My friend, Rose.”

“…” ngumisi siya. “Anong my friend? My rival dapat no.”

“Eh?”

“Haha. Dapat nakita mo yung itsura mo kanina. Joke lang yuon, huwag ka magalala hindi ko na kayo iistorbuhin ni Yu. Sayong sayo na siya.” Uminat siya. “Ah~ kahit sino diyan may babae ditong single!”

Tumawa ako ng mahina ganun rin siya. “Ami…thank you…”

“Eh? Bakit?”

“Basta thank you.”

Niyakap namin ang isa’t isa. Makalipas ng ilang minuto nagdesisyon siyang umuwi na lang muna. Bago siya umalis sinabi niya sa akin na tutulong siya sa pagkumbinsi sa tatay ni Yu na payagan kaming magsama ni Yu. Pagkatapos namin magpaalam sa isa’t isa naglakad na ako papunta sa labas ng campus.

Ahh…sa wakas natapos rin. Masaya ako na pumayag pa rin siyang maging magkaibigan kaming dalawa…Rose ako dapat ang magpasalamat sayo. Salamat. Salamat talaga.

Habang naglalakad napansin ko ang isang lalaki na nakasandal sa pader. Isa siyang matangkad na lalaki, may brown na buhok at mata. Lagi siyang nakasimangot. Masungit siyang lalaki higit sa lahat isa siyang sadista pero…

Mahal ko itong lalaking ito.

“Yu!” tinawag ko siya. Nang makita niya ako ngumisi siya.

“Can I finally hug you now?” sabi niya habang nakangisi.

Tumakbo ako at niyakap siya ng mahigpit.

“Pwedeng pwede na.” pabiro kong sabi. Binuka ko yung bibig ko pero agad rin itong sinara. “Marami akong gusto sabihin sayo pero hindi ko alam kung paano.

“Did you remember what I said to you when you confessed to me? ‘There are things you can’t show by words but by actions, am I wrong?’” ngumisi siya.

Umiling ako. “Tama ka.” Hinawakan niya ang aking pisngi at binigayan ako ng isang matamis at totoong halik na puno ng pagibig.

This time mas magiging honest na ako sayo.-Ami

From now on I will treasure you properly.-Yu

Gagawin ko ang lahat para hindi masira na ang tiwala mo sa akin.-Ami

I would never leave you again.-Yu

Pangako ko mamahalin kita habambuhay.-Ami

I promise that I will cherish you forever, my princess.-Yu

Tumigil siya sa paghalik sa akin. “I think we need to stop for now.”

“Eh?”

“Oh could it be you want to do it now?”

“Ang alin ba?” lumapit siya at may binulong sa akin na magiging dahilan ng pagkapula ng mukha ko. “A-a-a-ano bang pi-pi-pi-pinagsasabi mo?” utal-utal kong sabi.

“You’re the one who was clinnging at me and so desperate for my kisses.”

“WHA-!” inapakan ko yung paa niya.

“Ouch! What the hell-.” Kita ko ang inis sa mukha niya. “You china girl!” pinisil niya yung pisngi ko.

“Chuahua!!” pinisil ko rin yung pisngi niya. Hindi ko namalayan nagkukurutan na pala kami. Naalala ko bigla yung mga araw na lagi kami nagaaway kaya bigla ako natawa.

“Why are you laughing?” inis niyang tanong.

“Wala…naalala ko lang bigla yung unang araw ko sa bahay niyo. Ganeto rin tayo nun, away ng away. Hindi ko aakalaing maiinlove ako sayo. Haha…”

“…” niyakap niya ako bigla. “I was the first one to fall in love.”

“Ako kaya.” Pangangatwiran ko.

“No It’s me.”

“Ako!”

“Me!”

“Hahaha!” nagulat kaming dalawa na may tumawa. Ang tatay ni Yu. Agad na naging seryoso ang mukha ni Yu at hinarangan ako.

“What do you want? I won’t follow your orders anymore.” Seryosomh sabi ni Yu.

“Huwag ka magalala hindi ko na kayo pakikielaman. Magpakasal kayo kung gusto niyo pero paalala ko lang kay Miss Sanchez. You will face more hardships in the future. Knowing that, do you still want to marry my son?”

Tumingin ako ng deretso sa kanya. “Opo. Mahal ko po ang anak niyo at kahit ano pang pagsubok na humarap sa akin hindi iyon magbabago.”

Hindi siya sumagot kundi ngumiti lang. “Mukhang nahawa ang anak ko sa katapangan mo…I’m grateful for that. Well then I need to go. Make sure you can be a good woman for my son.” Umalis na siya. Tumingin ako kay Yu.

“Anong ibig sabihin nun? Tinatanggap na ba niya ako? Yu tama ba ang hinala ko?”

“Yeah, I’m sure its his best compliment so far.” Sigurado niyang sabi. Mabilis ko siyang niyakap.

“Grabe ang saya ko. Feeling ko mas masaya ako ngayon kaysa nung araw na naging tayo.”

“Oi.”

.

.

.

“Hahahaha!” tumawa kami pareho.

“Mukhang pwede ko na ibigay ang surprise ko sayo.”

“Hm?” nagtaka ako.

Laking gulat ko ng lumuhod siya sa lapag at may hawak-hawak na maliit na box sa kanyang kamay. Binuksan niya ito at hindi ako makapaniwala sa laman nito.

Napatakip na lang ako ng bibig.

“Ami Sanchez, will you marry me?”

“Teka Yu…hi-hindi ba parang maaga pa masyado para diyan? 18 palang tayo. Legal na bayan sa Pinas?”

Halatang nainis siya pero hindi niya ako sinigawan kundi binigyan lang ako ng isang ngiti. Kaso ang ngiting ito ay ang signature “Sadist smile” niya.

“Ah…mr. Yu galit ka na ba?”

“So you still have the guts to complain. Don’t you think you should be grateful that I’m leaning here in the ground for you?”

Tumayo siya at hinila ang kamay ko. Puwersahan niyang sinuot yung singsing sa kamay ko.

“Oy teka hindi pa ako na sa-.” Naputol ang sasabihin ko ng bigla niya ako halikan.

“Just keep quiet and let me marry you, stu-pid.” Ngumisi siya.

“Wha-!” umakyat ang init sa mukha ko.

IKAW SADISTA KA~!!

Siguro kami na ang may pinaka pangit na first encounter sa lahat ng love story sa mundo. Kahit sa isang black mail nagsimula ang kwento ko. Kahit kinamuhian namin ang isa’t isa noon. Masaya pa rin ako na pinagtagpo kami ng tadhana.

At ngayon, eto ako, naglalakad sa simbahan kung saan sa dulo nito ay may isang lalaki na nagiintay sa akin.

Hindi ko aakalaing balang araw ikakasal ako. Kahit keylan hindi ito pumasok sa utak ko eh wala nga akong balak umibig eh. Pero simula ng nakilala ko siya nagbago ang lahat ng ito.

Kahit nakakatanga ang pagibig, kahit nakaranas ako ng maraming lungkot at sakit nagpapasalamat pa rin ako na natuto ako umibig.

Dahil kung hindi ako natuto umibig hindi ako makakaramdam ng ganetong saya.

“How long will she walk? Can’t she make it fast? It’s making me more nervous.” Bulong ni Yu sa kanyang bestman, si Franz. Nagbuntong hininga lang si Franz.

“Eto na po bibilisan na.” sabi ko sa sarili ko. Kahit hindi ko narinig ang sinabi ni Yu kita ko sa mukha niya ang inip.

At sa wakas nakarating din ako.

“Why do you have to walk slowly?” inis niyang tanong.

“Malay ko ba? Tradisyon eh may magagawa pa ba tayo?” pareho kaming tumawa.

“May I take your hand?” sabi niya na parang prinsipe.

“Hindi bagay sayo.” Hinawakan ko yung kamay niya at sabay kaming humarap kay father.

Sabi nga naman nila kahabahaba man ng prosisyon sa simbahan pa rin ang bagsak.

Pero katulad nga ng sabi ni Vice Ganda sa commercial niya ng abs-cbn mobile.

Happy lang walang ending.

Tama, hindi pa ngayon nagtatapos ang kwento ng aking pag-ibig.

Eto pa lang ang simula.

~FIN~

-------------------------------

The end! Wait yun na yun?! Ending na? Siguro ang iba sa inyo yan ang iniisip. Chill! May bonus chap pa, ang epilouge. Be sure to read it too. Huwag niyo papalagpasin ang wedding vows nilang dalawa at hindi pwede mawala ang honeymoon!!

At sa huli nun may napaka importanteng author’s note at sneak peak ng bago kong story kaya abangan!!

Don’t forget to VOTE.COMMENT.SHARE.

Pic on the side wedding pic nilang dalawa!!

Gusto ko malaman ang reaction niyo! Feedbacks are appreciated.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro