Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54 Last Chance

Fragile Girls vs Sadist Guys

Chapter 54______________________________________

Ami POV

“Grabe hindi pa rin ako makapaniwala. Excited na ako! Hindi na ako makapagintay.” Kitang kita ang excitement sa mata niya. “Hm? Bakit parang ang lamya mo?”

“So-sorrry…medyo masama ang pakiramdam ko. Pupunta muna ako sa clinic.”

“Gusto mo ba samahan kita?”

“Hindi na. Kaya ko na magisa…sige alis na ako.”

“Sige. Ah teka lang. May sasabihin ka sa akin diba, ano yuon?”

“…”

Kahit sabihin ko sa kanya ngayon huli na rin naman ang lahat…

Umiling ako. “Wala hindi na importante yun.”

“Okay. Ingat ka ah.” Umoo ako at tuluyan ng umalis.

Nung una naglalakad lang ako pero nang tumagal hindi ko namalayan natakbo na pala ako.

Bakit? Bakit nangyayari ito sa akin? Ayoko na! Ayoko na! Suko na ako. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.

“Aray.” Napahinto ako bigla ng maramdaman kong nakabangga ako ng tao.

“So-sorry…” pinunasan ko yung luha ko.

“Ami?”

“Dave…” napansin kong hindi siya nagiisa. Kasama niya si Patrick.

“Anong nangyari sayo, naiyak ka ba?” hinawakan niya ang pisngi ko. “Okay ka lang ba?” hindi ko na napigilan pa, umiyak ako ng napaka lakas. Parang isang bata…isang bata na nawalan ng isang importanteng bagay sa kanya.

Walang sinabi si Dave kundi niyakap lang ako habang si Patrick ay sumandal lang sa pader at pinanood akong umiyak.

Nang maka hinahon ako, naisipan nilang dalin ako sa clinic.

“Ano bang nangyari?” tanong ni Dave habang inaabot sa akin ang isang bote ng mineral water.

“…” hindi ako sumagot kundi umiyak lang ulit.

“Tang*na iyak naman ng iyak oh! Paano namin malalaman yung dahilan kung iyak ka lang ng iyak?” inis na sabi ni Patrick. Tiningnan siya ni Dave ng masama para ito ay tumahimik. Galit na umupo si Patrick sa kama ng clinic.

“Kung ayaw mo sabihin okay lang dahil mukhang alam ko na rin naman ang dahilan. Umiiyak ka lang ng ganyan kapag tungkol ito kay Yu…hindi ikaw ang babaeng umiiyak sa mga walang kwentang bagay.”

“Tungkol kay Yu? Ano naman ginawa nun sayo?”

“…Bukas…Babalik na si Yu sa Pinas bukas…” pareho silang nagulat. Magsasaya na sana si Dave pero nawala rin ito ng magpatuloy ako. “Uuwi siya dahil ikakasal na siya kay Rose…”

“Eh? Anong pinagsasabi mo…kay Rose…baka nagkakamali ka.”

Umiling ako at tumingin ng deretso kay Dave. Pinilit kong ngumiti pero kusang tumulo na naman ang luha sa aking mata.

“Dave…uuwi si Yu dahil ikakasal na siya kay Rose. Ikakasal na siya sa kaibigan ko. Nakakatawa diba? Para lang sa mga napapanood kong korean novela. Sobrang nakakatawa…”

“…” wala silang nagawa kundi panuorin na lang akong umiyak. Kahit sila hidni rin aakalaing ganeto ang mangyayari.

Nagdesisyon akong umuwi na muna. Pagkauwi ko ng bahay dumeretso ako kaagad sa kwarto dahil ayokong magexplain kayna lola Dalia kung bakit namamaga ang mata ko.

Umiga ako sa kama at hiniling na sana huwag na dumating ang bukas. Pero katulad ng mga nakaraang araw mabilis itong lumipas.

Hindi ko namalayan kanibukasan na pala.

Ito ang araw ng dating ni Yu.

Ang pinakainiintay na araw ni Rose.

At ang araw kung saan tuluyan ng mawawala ang pinaka importanteng tao sa buhay ko.

“Ami bilisan mo at baka malate ka pa.”

“Opo…” sinuot ko ang bag ko at bumaba na papunta sa parking lot. “Sebastian okay lang ba kung huwag mo ako ihatid ngayon?”

“Pero bakit po?”

“Basta. Huwag ka magalala hindi ako malelate.” Pinilit kong ngumiti at nag simula ng maglakad papuntang school.

Bawat hakbang ko ay para bang unti-unting nasisira ang aking puso. Sa aking pagtapak sa lapag ramdam ko ang pagtusok ng mga tinik na hindi naman totoo. Naglakad ako ng naglakad, pakiramdam ko kahit keylan hindi ako dadating sa aking destinasyon. Dahil yuon ang aking kahilingan.

Hinihiling ko na hindi ako makarating sa school na yuon. Dahil sa lugar na yun nandoon si Rose na may malaki at napakagandang ngiti.

Pero kahit hilingin ko ito ng hilingin nakarating pa rin ako sa aking destinasyon.

Hindi ako pumunta sa cafeteria kung saan nandoon si Rose at iniintay ako kundi dumeretso ako sa classroom ng una kong subject. Kaso mali ang aking desisyon.

“Kya ang gwapo niya! Swerte naman nung girl!” sigaw nung isnag babae habang nakasilip sa classroom.

Lumapit ako sa kanya at nagtanong. “Ano meron?”

“Yung boyfriend na kinukuwento ni Rose dumating na!” sagot nung isa.

“Boy…friend…” pumasok ako sa loob ng kwarto at doon ko nakita si Rose kasama ang isang lalaki. Isang lalaki na may brown hair at brown eyes, matangkad at may kaakit-akit na boses. Tama siya nga. Ang lalaking mahal ko. Si Yu Sogo.

Walang nag iba sa kanya, ganun pa rin siya. Pero…

Hindi na ako ang nginingitian niya.

Hindi na ako ang nasa tabi niya.

Ang babaeng nasa tabi na niya ngayon ay ang matalik kong kaibigan. Si Rose.

Wala akong nagawa kundi tumakbo na lang at maging bulag sa katotohanan.

Habang natakbo narinig ko ang isang matandang boses na binangit ang aking pangalan. Huminto ako at nalaman na ang taong ito ay ang tatay ni Yu.

“Ikaw si Miss Ami diba?” Tiningnan ko siya ng masama. “Teka lang huwag kang magalit sa akin. Hindi ko aakalaing dito ka rin pala nagaaral.”

“Sorry pero nagmamadali po ako. Mauna na po ako.” Aalis na sana ako pero napahinto ulit ang aking paa sa sunod niyang sinabi.

“Kilala mo ba si Rose Mandalan? Bukas na bukas din magpapakasal na sila ni Yu. Napaka ganda niyang babae, matalino pa. At kabilang rin ang pamilya niya sa middle class. Hindi katulad ng isang babae na kilala ko na sinubukang gayumahin ang anak ko.” Ngumiti siya. Pinilit kong pigilan ang namumuong galit sa aking katawan.

Plinano niya ang lahat.

Pinangako ko sa sarili ko na kahit keylan hindi ako susunod sa mga plano nitong matandang ito.

“Hindi kaya malungkot si Rose kapag nalaman niyang arrange marriage lang pala ito?” sabi ko habang nakangisi.

“Oh no no, I think you’re misunderstanding something. My son was the one who choosed her.” Napansin niya siguro ang aking pagkagulat dahil kitang-kita sa mukha niya ang isang ngiti.

“Sige marami pa kasi akong gagawin. Mamaya ibibigay ni Yu sayo yung invitation ng kasal nila. Kung kaylangan mo ng damit sabihin mo lang sa akin. Ah, muntik ko ng malimutan. Kung sa bahay pa rin namin ikaw titira wala akong pakielam, ikaw ang bahala. Pero sa tingin ko mas maiging umalis ka na lang.” ngumisi siya at tuluyan ng umalis.

Ramdam ko ang paginit ng aking pisngi. Ang nararamdaman ko ngayon ay matinding galit na may halong hiya.

Galit ako sa tatay niya dahil mahilig niyang paglaruan ang puso ng mga babae.

Galit ako kay Yu dahil ang lakas ng loob niyang mamimili ng babaeng papakasalanan niya kahit alam niyang may babae na siya sa buhay niya.

At hiya sa sarili ko dahil tinitiis ko ang lahat ng ito. Hiya sa sarili ko dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalikan ako ni Yu kahit alam kong imposible ng mangyari yuon.

Siguro kaylangan muna umulan ng snow sa Pilipinas para mangyari yun.

Tinawanan ko ang sarili ko.

“Ah ayun siya!” narinig ko ang boses ng taong pinaka ayoko makita ngayon. “Siya yung kinukwento ko sayo kanina. Kilala mo ba siya? Sabi niya magkaibigan daw kayo.” Sabi ni Rose sa kausap niya.

Tumalikod ako para tingnan sila. At katulad ko nanlalaki rin ang mata ni Yu.

Pareho naming hindi aakalaing ganeto ang magiging reunion namin.

“Siya si Ami Sanchez. Kilala mo ba siya?”

“…” hindi kaagad nakasagot si Yu.

“Yu?” nagtaka si Rose sa hindi pagsagot ni Yu. Naisipan kong magsalita para maiwasan ang gulo.

“Naku Rose mukhang na shock ata siya sa kagandahan ko haha joke. Maya na lang tayo magusap kasi may pupuntahan pa ako eh.”

“Eh~ Saan ka pupunta?” tanong ni Rose na parang bata.

“Kay Dave.” Halatang nagulat si Yu sa pangalan na binangit ko. “Ibabalik ko yung hiniram kong cd.”

“Sige. Kita na lang tayo sa garden mamaya.”

“Mm.” aalis na sana ako ng may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako papalayo.

“Eh? Oi Yu saan mo dadalin si Ami!” hinabol kami ni Rose kaso malayong makaabot siya sa amin.

“Oy huminto ka nga! Saan mo ba ako dadalin? Bitawan mo ako!”

“I won’t let you go anymore. Never.” Seryoso niyang sabi.

“Anong never? Sabing bitawan mo ako! Ano ba Yu!” kinuha ko lahat ng lakas ng katawan ko at tinulak siya. “…Aalis na ako…”

“Wait!” hihilahin na sana niya ulit ako pero umilag ako.

“Ano ba? Ano bang gusto mo sa akin! Pwede ba tigil-tigilan mo na ako.” Ramdam ko ang galit at lungkot na napupuno sa aking katawan.

“I’m sorry…” mahina nitong sabi.

“Sorry? Sa tingin mo makukuha lang yun ng sorry? Yu alam mo ba yung ginawa mo sa akin? Umalis ka ng hindi nagpapaalam tapos pinangako mo, pinangako mo sa akin na babalikan mo ko. Na magkikita ulit tayo.”

“Umasa ako. Inintay kita. Tapos ano? Malalaman ko na lang bukas ikakasal ka na? Maganda sana kung sa ibang tao eh matatanggap ko pa pero hindi eh. Yu ikakasal ka sa best friend ko. Alam mo ba yun! Sa dami-dami ng babae bakit yung kaibigan ko pa?”

Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha galing sa aking mata.

“Ano bang ginawa ko para parusahan mo ako ng ganeto?” pilit kong pinipigilan ang pag nginig ng boses ko.

“Please let me explain…”

“Explain? Mageexplain ka pagkatapos patatawarin kita? Pagkatapos mangangako na naman, paasahin mo na naman ako?” pinunasan ko yung luha ko pero patuloy ito sa pag agos. “Yu hindi mo pa ba napapansin? Hindi tayo para sa isa’t isa. Kahit patawarin kita gagawa pa rin yang tatay mo ng paraan para mapaghiwalay tayo!”

“Pagkatapos ako na naman ang masasaktan….” Tumingin ako ng deretso sa kanya. “Yu naman! Pagod na ako! Ayoko na…Ayoko na masaktan!”

“…But you’re the girl I love.”

“Pero si Rose ang babaeng pinangakuan mo!” nagumpisa na naman akong humagulgol pero ngayon hindi ko na siya mapigilan. “Anong laban ko sa isang babae na pinangakuan mo na pakakasalan mo siya. Sa akin ba may pinangako ka?” pinilit kong ngumisi.

“Ah…oo nga pala may pinangako ka sa akin. Ang dami na nga eh, sa sobrang dami hindi ko na mabilang. Pero sa tingin mo niisa may natupad ka?”

“Nung Christmas pinangako mo na babalik ka at sabay tayong pupunta sa sightseeing building. Nung graduation pinangako mo na hindi mo ako iiwanan.”

“Stop…” bulong ni Yu pero nagpatuloy ako.

“Nung nakaraang linggo pinangako mo na babalik ka! Sinabi mo pagbalik mo may surprise ka para sa akin. Haha grabe sobrang na surprise nga ako eh.” I said sarcastically.

“I said stop.” Nagpatuloy pa rin ako.

“Tapos ngayon mangangako ka na naman huh!? Mangangako ng mangangako pero hindi mo naman tinutupad! Hindi ako laruan para laruin mo alam mo ba yu-.” Naputol ang pananalita ko ng bigla niya ako hinila at hinalikanang aking labi.

Nung una pumapalag ako pero mas nilalim niya ang halik at dahil doon wala akong nagawa kundi maging alipin ng kanyang mga halik.

Huminto siya at may binulong sa aking tenga. “Didn’t you hear me? I said stop. You’re stubborn as always.” May kaunting pagtawa sa kanyang boses. Agad ko siyang tinulak.

“Ano sa tingin mo, mapapatawad na kita dahil hinalikan mo ko? Hindi ako ganun ka ba-!”

“I KNOW!” nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw. “I know Ami…I know it well, that you’re suffering…because I’m the same.” Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

“Ami…I’m sure you know how much I love you and miss you. I know you won’t forgive me that easily…but please, give me another chance. This time I will definitely treasure you.”

“…”

“Please…” nagulat ako sa nakikita ko ngayon. “Ami…I want to be with you…”

Umiiyak siya. Ang sadista, selfish, at mataas ang pride na lalaki na kilala ko ay nagmamakaawa ngayon sa aking harapan.

Ahh…totoo pa lang nakakatanga ang pag-ibig.

Hindi ko namalayan nakayakap na pala ako sa kanya.

“Eh? Ami…Wha-what are you doing?” gulat na tanong ni Yu.

“Kahit ako sa sarili ko nagugulat sa ginagawa ko ngayon.” Tumawa ako ng mahina.

Napaka unfair…Bakit ba ganeto ang mga taong umiibig. Ang puso at ang utak ay hindi nagkakasundo.

Ang sabi ng utak ko mali na sumama ako sa kanya dahil alam kong masasaktan ulit ako pero hindi sumasangayon ang puso ko.

“Hay…kaya ayoko umibig eh. Nakakatanga.”

Tumawa ng mahina si Yu. “What are you saying? Isn’t it better, we are both stupidly crazy in love with each other.”

“Ewan ko sayo.” Inis kong sabi pero agad ring ngumiti. “Ano ng balak natin ngayon?”

“Ami I…” bago pa natapos ni Yu ang sasabihin niya nanlaki ang pareho naming mata sa nakikita namin.

Si Rose.

Agad akong humiwalay kay Yu.

“Ro-rose magpapaliwana-” Naputol ang aking pasasalita ng bigla niya ako sinampal ng sobrang lakas.

“Sinungaling.” Ang tanging na sabi niya sa gitna ng pagiyak. Mabilis siyang tumakbo papalayo.

“Rose!” pagtawag ni Yu. Hahabulin na sana niya ito pero huminto siya at tumingin sa akin. “Ami are you okay?”

“Mm…” tumingin ako sa kanya. “Habulin mo na siya.”

“Pero-.”

“HABULIN MO NA SIYA!”

“…Okay…” hinawakan niya ang kabila kong pisngi na hindi nasampal at hinalikan ang noo ko. “I will be back, I prom-.” Umiling siya at ngumisi. “Wait for me okay? Don’t do anything stupid. I love you.” Hinalikan niya ulit ang noo ko at umalis na para habulin si Rose.

“…” nanatili akong nakatayo.

Alam ko na mang mangyayari ito eh. Pero hindi ko aakalaing ganeto pala ka sakit.

“Sinungaling.”

Ramdam ko ang pagtibok ng aking pisngi. Hinawakan ko ito at nakaramdam ako ng sobrang sakit.

“Ah…ang sakit…” ngumiti ako pero agad rin itong nawala at napaltan ng isang masakit na expresyon. Napaupo ako sa lapag. “Ang sakit…”

Alam ko na mangyayari ito. Kahit alam kong pwede masira ang pagkakaibigan namin kaylangan ko ito gawin.

Sorry Rose pero hindi na ako susuko. Ayoko na ulit masaktan.

 

Sorry pero kaylangan ko na tapusin ang lahat ng ito.

--------------------

Oh author’s note kaagad? Nabitin ba kayo??

So did you like the new chap?

Don’t forget to VOTE.COMMENT.SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro