Chapter 48.2 Graduation (Part 2)
Fragile Girls vs Sadist Guys
Chapter 48.2______________________________________
Ami POV
Lumipas ang oras at dumating na rin ang araw pinaka iniintay namin. Ang huling araw namin sa school na ito. Ang graduation day. Ang event ay gaganapin sa stadium. Actually dapat gaganapin ito sa isang mamahaling hotel kaso pinakiusapan ko ang event’s manager na sa school na lang dahil para maexperience nila ang totoong graduation.
Puno ng mga estudyante ang staduim. Isa na doon ang mga fourth year students pero nandoon rin ang mga ibang year. Nagsimula ang event sa speech ng principal at sumunod sa pagkanta ng national anthem at school song. Ang sumunod ay ang bigayan ng deploma at awards.
Bago magpaalam kaylangan muna magbigay ng valedictorian ng speech at ako yuon. Pagkaakyat ko sa stage binigyan nila ako ng malakas na palakpak.
Haa…hinga ng malalim. Kaya mo to Ami.
Kinapa ko yung bulsa ko at wala doon ang aking speech. Patay.
“Ano meron bakit hindi siya nagsasalita?” nagsimulang magbulungan ang mga tao.
ARRGH! BAHALA NA NGA SI BATMAN!
“Haha…Nalimutan ko yung speech ko.” Sabi ko habang kinakamot ang ulo ko. Tumawa sila habang ang mga teachers naman ay napailing na lang. “Ahem…Sa pagtatapos namin ngayon dadating na ang araw na kaylangan namin harapin ang malaking pagbabago. Kaming mga fourth year graduates ay gusto kayong pasalamatan sa pagtulong sa amin sa aming pagtatapos sa highschool.”
“Pumasok ako sa Cattelya High bilang isang scholar.” Nagingay silang lahat. “Nung una wala akong pakielam kundi makatapos ng highschool ngunit hindi nawala sa aking isipan na magkaroon ng mga kaibigan. Noong ako’y elementary wala akong tinawag na kaibigan dahil hindi ako pumasok sa eskuwelahan dahil mas mahirap pa kami sa daga.”
“Pero sa school na ito, pakiramdam ko magkakaroon ako ng mga kaibigan. At sa dalawang taon ko dito sa school na ito nagkaroon nga ako ng maraming mabubuti at importanteng kaibigan. At ang nagpakilala sa akin sa kanila ay ang student council. Nung una ako at ang kaibigan ko lang si Angela ang tao sa loob ng maliit na kwarto na iyon, wala mang ingay na maririnig o kahit bulong man lang. At doon ako nagkaroon ng isang pangarap. Isang pangarap na punuin ang kwartong iyon ng saya.”
“At salamat naman natupad ang aking hiling. Isa-isa nagkaroon ng tao sa mga upuan na dating walang laman. Tuwing umaga may babati sayong Good morning at kapag uwian may magpapaalam sayo at iintayin ka na dumating sa susunod na araw. Sa sobrang saya ko natakot ako…na baka kapag nalaman nila ang sekreto ko mawawala ng parang bula ang kasiyahang ito.” Nagsmulang magtubig ang mata ko ng makita kong nagiiyakan ang mga SC members.
“Lalo na ngayong taon kasing bilis na umaagos na tubig ang pagtupad ng aking mga hiling. Naging coed ang school at dahil doon mas lalong dumami ang aking mga kaibigan. Noong una hindi kami magkasundo pero nang tumagal naging every day routine na ang asaran namin sa loob ng kwarto.”
“Nung September, nangyari ang unang Sports Fest na magkasama ang lahat.”
“Nung November naman pumunta kami sa Bagyo para sa Retreat. Nagkaroon man kami ng mga kaibigan ko ng hindi pagkakaunawaan masaya pa rin ako dahil pakiramdam ko mas lalo ko silang nakilala.”
“Nung January naganap ang pinaka iniintay naming foundation day. At doon ko naramdaman ang isang bagay…ang pakiramdam na gusto ko gawin ang lahat para sa aking kaibigan kahit alam kong masasaktan ako.”
“Pero hindi palaging maaraw sa langit namin. Dumating ang mga araw na kaylangan namin harapin ang iba’t ibang sakit, lungkot. Merong mga mahihirap na araw na minsan gusto na naming takbuhan ang lahat ng ito o sumuko. Pero dahill sa mga sakit na iyon mas lalong tumibay ang aming pagkakaibigan.” Kita kong umiiyak na ang iba. Lalo na si Angela.
“…Sir. Gin! Sir. Horan!” nagulat silang dalawa ng tinawag ko sila. “Alam namin na marami kayong ginawa para sa amin para hindi kami sumuko. Tinulungan niyo kami na maging matapang at malakas. Para na kayong kuya at kaibigan sa amin. Taas noo kong matatawag ang sarili ko na estudyante niyo.” Nginitian niya ako.
“Mii, Mathew, Kuya. Kayong tatlo kahit nung una ayaw ko sa inyo dahil ubod kayo ng kakulitan ginawa niyo ang lahat para protektahan ang mga taong mahal niyo…at lubos ang aking pasasalamat na isa ako sa mga taong iyon. Mathew! Sana maging close pa kayo ni Loisa!” kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. “Mii…sana ingatan mo si Michaela, alam kong para sa isa’t isa talaga kayo. Kuya…” pinunasan ko ang luha ko. “Kuya salamat sa lahat. Hindi ko talaga aakalaing magkikita tayo ulit. Kaya sana malaman mo kung gaano kita kamahal.” Binigyan lang niya ako ng isang ngiti.
“Michaela! Loisa! Bilang nakababata kong estudyante sana maging masaya kayo sa natitira niyong taon dito. Lagi niyo sana tandaan na nandito lang kami na mga kuya at ate niyo na handa kayong tulungan. Michaela, nung una ayoko sayo pero ng makita ko kung gaano ka kabait at maalalahanin hindi ko namalayan gusto na kita protektahan. Salamat at pinayagan mo ako matulog sa kwarto mo.” Nakita kong inarapan niya ako ngunit alam kong umiiyak siya. “Loisa…ingatan mo si Michaela alam kong ikaw ang naging ate sa kanya. Sana ipagpatuloy mo yan.” Umoo siya habang pinipigilang umiyak.
“Franz! Sobrang saya ko na nakilala kita…dahil sayo marami akong natutunan, kahit hindi nakakatulong ang mga advice mo alam kong sinusuportahan mo ako sa lahat ng makakaya mo. Thank you talaga…”
“Angela! Nainlove ako sayo ng una palang kitang nakilala. Nang makita kita nagbago ang tingin ko sa buong school at pakiramdam ko matagal na kitang kilala. Masaya ako na palagi mo akong tinitingnan kung paano mo tingnan ang iba, dahil doon ko nalaman na pwede pala akong maging katulad niyo na akala ko kahit keylan hindi ko maabot ng aking kamay. Hinahangaan kita Angela!”
“Ami…” mas lalong lumakas ang pagiyak niya. Ngumiti ako.
“Dave!” halatang nagulat siya ng tinawag ko siya. “Nagsisinungaling ka para protektahan ang taong mahal mo. Lagi kang lumalayo para hindi sila mapahamak at gagawin mo ang lahat para hindi ulit iyon mangyari. Minsan nakikita ko ang sarili ko sayo. Ikaw ay isang mahalagang kaibigan sa akin, mahal na mahal kita. At kung kahit kaunti lang ganun rin ang tingin mo sa akin, masaya ako.”
“At ang huli, Yu…” tumingin ako sa kanya. “Yu…noon ikaw ang huling taong gusto ko makita pero nang tumagal hinahanap-hanap na kita. Nandyan ka para pakinggan ako hanggang sa huli. Kahit hindi ka tapat, kahit tinatago mo ang mga gusto mo sabihin alam kong gagawin mo ang lahat para mapasaya ako at maprotektahan ako. Kahit ilang beses kitang itulak o kahit bigyan kita ng mataas na pader, gagawin mo ang lahat para sirain ito at ibalik ang dati nating distansya. Talagang sobrang saya ko dahil doon.” Nagsimulang manginig ang boses ko. “Sorry kung binigyan kita ng maraming problema at sakit sa ulo. Sorry talaga…hindi mo alam kung gaano ako kasaya…dahil sayo marami akong natutunan…salamat…”
“Sa lahat ng schoolmates ko dito sa Sogo Elite Academy, sa lahat ng teachers na tumulong sa akin, sa lahat ng taong nakatira sa village na ito, at…” tumigil ako at tuluyan ng umiyak halatang nagulat silang makita akong umiyak. “at sa huli…”
Huwag…ayoko ituloy…kapag tinapos ko ito…tapos na ang lahat..
“Kaya mo yan!” sigaw nung isa. Sumangayon yung iba.
…Hindi…hindi ako pwede maging ganeto. Responsibilidad ko ito Kapag inumpisan mo ang isang bagay kaylangan mo ito tapusin…
Pinasan ko luha ko at saka pinilit na ngumiti pero ng makita kong may mga nagsisiiyakan din ayaw na talaga tumigil ng pagiyak ko.
“…At sa huli…ang mga kaibigan na nakilala ko sa school na ito…isa lang ang masasabi ko: Salamat sa pagsama sa akin hanggang ngayon.” Pinunasan ko ang luha ko pero patuloy ito sa pagagos. “Mas higit pa sa pasasalamat ang gusto ko iparating…Salamat salamat…!” huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Kinuha ko yung mic. “SEA! You’re the best!!”
“Woooo!!!!!!”
“Sabay-sabay tayong sumigaw, sabay-sabay nating ibato ang graduation hat natin. 1…2...”
“HAPPY GRADUATION!!” sabay-sabay naming binato yung sumbrero. Nagpalakpakan sila at nagbow ako. Bumaba ako at umupo na sa upuan ko, sa tabi ni Anj. Pinatayo kaming lahat para sa huling kanta. Pagkatayo namin naghawakan kami ng kamay ni Anj.
Ang graduation song…
Invisible by Hunter Hayes
Trust the one
Who's been where you are wishing all it was
Was sticks and stones
Those words cut deep but they don't mean you're all alone
And you're not invisible
Hear me out,
There's so much more to life than what you're feeling now
Someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible
Oh, invisible
Puno ng iba’t ibang emosyon ang huling taon ko sa highschool. May masaya, malungkot. Nakaramdam kami ng iba’t ibang klaseng sakit. Umiyak kami, nagalit kami, pero higit sa lahat ang pakiramdam na hinding-hindi ko malilimutan. Nagmahal kami. Minahal namin ang isa’t isa at mananatili ang emosyon na ito habang buhay…
Yeah, and you're not invisible
Hear me out,
There's so much more to life than what you're feeling now
And someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible
It'll be invisible
Niyakap namin ang isa’t isa.
“Anj hinding-hindi kita makakalimutan!” sabi ko habang humihikbi.
“Ak…hic…di…AKO DIN~!” mas lalong lumakas ang pagiyak niya.
At doon nagtatapos ang highschool life ko…
Pagkatapos ng graduation ceremony naisipan naming magkaroon ng farewell party, nasa isang lugaw shop kami ngayon tama ang narinig niyo, farewell party sa isang lugaw shop.
“I~ can’t believe it!! Farewell party sa lugaw shop? Are you serious?” maarteng sabi ni Michaela.
“Kung ayaw mo edi umalis ka na bakit kasi sumama ka pa? Ang sarap kaya ng lugaw dito. Ah! Kuya isa nga pong tokwa’t baboy na lugaw.” Sabi ko doon sa lalaki na kumukuha ng order.
Inirapan ako ni Michaela. “Bahala ka sa buhay mo basta ako nandito ako dahil nandito si Mii. At saka I only eat rice porridge.” Sabay hila sa braso ni Mii.
“Haha! Un rin yun eh english version lang.” sabi ni Angela habang natawa. “Ang saya nga eh. First time kong pumunta sa ganetong lugar. At dahil first time ko…gusto ko tikman yung original lugaw with egg.” Nilista ito ng waiter.
“Isa rin pong tokwa’t baboy dito.” Dagdag ni Franz.
“Then I will take the normal lugaw too.” Sabi naman ni Yu habang nakalumbaba.
“Beef Ramen ako.” Sabi ni Dave habang nakataas ng kamay.
“Chicken lugaw.” Sabi naman ni Mii habang nakatingin sa menu na nakadikit sa lamesa.
“Eh, you’re eating too?” tanong ni Michaela sabay tingin sa menu. “Then I will eat too! I will also order that.” Madali niyang sabi.
“Sus kakain ka rin pala.” Mahina kong sabi.
“Ako! Ako!” tinaas ni Kuya yung kamay niya na para bang naeexcite. “Matagal na akong hindi nakakain dito kaya dalawa ang oorderin ko. Kuya dalawang tokwa’t baboy nga po.”
“Meron pa po ba?” tanong nung waiter.
“Ah…ano…” natatarantang tumingin si Loisa sa Menu, napansin ito ni Mathew.
“Eto masarap ito kaya lang hindi siya lugaw, ramen siya.” Pagrerekomenda ni Mathew.
“…Sige eto na lang ang kakainin ko.” Mahinang sabi ni Loisa, ngumiti naman si Mathew.
“Kuya dalawa nga pong order ng egg ramen.” Nilista ito nung waiter.
“Wala na po ba?” sinabi naming wala na at saka niya inulit ang mga inorder namin. Pagkaalis nung waiter napansin ni Mathew at Loisa na nakangiti kami habang nakatitig sa kanilang dalawa.
“A-ano?” nahihiyang tanong ni Mathew. Umiwas lang ng tingin si Loisa pero haatang namumula rin siya.
“Wala~…” sabay-sabay naming sabi habang nakangiti.
Lumipas ang ilang minuto at dumating rin ang inorder namin. Pagkabigay nito sinimulan na naming kumain. Sobrang sarap talaga.
“Mmm ang sarap talaga ng lugaw dito!” sabi ko habang nanguya. Napansin kong nakatingin si Yu sa akin. “Ano?” inis kong tanong, hindi niya ako sinagot kundi tinuro lang niya ang pwesto kung saan nakaupo si Angela at Franz. Nakita kong nagsusubuan silang dalawa.
Talaga naman, wala talagang paawat tong dalawa sa mga cheezy moments nila kahit kasama kami. Pero ano naman kaya ang gusto ipahiwatig ni Yu?
Pagkatingin ko sa kanya may nakaharap ng kutsara sa akin. “Anong gagawin ko diyan?”
“Eat it.”
“HUH? Nabubuang ka na ba?? Gusto mo ako subuan sa harapan nilang lahat?” bulong ko dito, umoo siya. Tiningnan ko muna yung iba kung nakatingin sila sa amin pero busy rin sila sa kani-kanilang mundo. Umusod ako at mabilis na kinain ito. “Ano okay na?” inis kong sabi habang nanguya. Ngumiti siya.
“So?” biglang nagsalita si Michaela. “Balita ko kayong dalawa ni Franz are studying abroad?”
“Eh?” nagulat ako at mukhang ganun rin yung iba. “A-Angela…anong sinasabi nitong si Espasol?” nagtataka kong tanong.
Lumungkot yung itsura nilang dalawa. “…Actually sasabihin ko naman sana sa inyo mamaya pagkatapos kumain eh naunahan lang ako hehe.” Pinilit niyang ngumiti, kita kong paiyak na siya pero pinipigilan niya ito. Tumingin siya kay Franz.
“Michaela is right.” Pagtuloy ni Franz. “Diba sabi namin sa inyo sa isang university kami magaaral. Akala namin dito lang sa Pilipinas iyon pero nung dumating yung sulat galing sa school na iyon nalaman naming sa ibang bansa pala iyon. Hindi naman naming magawang magback out kahit gusto namin dahil sayang yung opportunity…”
Tumahimik kami ng saglit. “Ganun ba…Ahh…ibig sabihin sa ibang bansa na kayo titira.”
“Ami…sor-.” Pinutol ko ang pagsasalita niya.
“Pero! Hindi naman ibig sabihin nun hindi na tayo magkikita.” Ngumiti ako at kinuha ang baso ko na may coke. “Let’s toast for Angela and Franz.” Tinaas rin nila yung baso nila at nagcheers kami. “Congrats Angela, Franz.”
“Ami…Thank you…” nginitian namin ang isa’t isa. “Huwag ka magalala bibisita naman kami kapag bakasyon saka araw-araw tayo magchachat tapos…tatawagan kita gabi-gabi.”
“Hahaha si Angela talaga parang boyfriend ko.” Pabiro kong sabi, tumawa kaming lahat. Napansin kong nakatingin si Yu sa akin, inirapan ko lang siya.
…Alam niya…alam ni Yu na pinipigilan kong umiyak. Hindi ako pwede umiyak dahil baka magbago ang isip ni Anj. Sayang ang opportunity.
Lumipas ang oras sa pagkekwentuhan namin hanggang sa oras na para umuwi.
“Magkano lahat?” tanong ni Dave.
“Syempre the boys will pay.” Mataray naman sabi ni Michaela. Sumangayon kaming mga babae.
“Well is there anything we can do?” sabi naman ni Franz habang nilalabas ang wallet niya.
“Eh?” nagulat si Mathew at Dave. Dali-dali nilang kinuha ang wallet nila.
“Do they accept cards?” seryosong tanong ni Mii.
“Syempre hindi!” binatukan ni Kuya si Mii. “Ano sa tingin mo to high class restaurant? Hahahaha! Nakakatawa ka talaga, nice joke, nice joke.”
Habang si Yu naman ay normal na kumuha ng cheke na galing sa wallet niya. Binatukan ko rin siya. “Isa ka rin eh. Ano ba nagmamayabang ka lang ba o sadyang tanga ka lang?” nagtawanan silang lahat.
Pagkatapos magbayad nagpaalam na kami sa isa’t isa. Si Mathew ay hinatid si Loisa habang sabay-sabay namang umuwi si Kuya, Dave at Mii. Si Michaela ay sinundo ng driver nila at sina Angela at Franz naman ay nagdesisyong magstay muna doon sa lugaw shop.
Deretso na kaming umuwi ni Yu, madilim na rin ng makauwi kami.
“Haa grabe sobrang saya no? Hindi ko akalaing tapos na yung graduation…bukas hindi na ako gigising ng maaga at wala na ring mga papeles na kaylangang pirmahan. Sa wakas!” sabi ko habang umiinat at nakaupo sa kama. Umupo rin si Yu sa kama. Hindi pa rin kami nagpapalit ng uniform.
“You know you’re such a bad actor.”
“Huh, actor? Anong pinagsaabi mo?” nagtataka kong tanong.
“Stop with the stupid act, if you want to cry then cry.”
“Hindi ko naman gusto umiyak ah…ano..bang pinag…sasabi mo…” ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. “Huh? Mukhang umuulan ata dito…hahaha…haha..ha…” hindi ko na napigilan at tuluyan na akong humagulgol. “Yu…ayoko…ayokong umalis sila…ayoko…” niyakap ko siya at ganun rin siya. (see picture on the side)
“Don’t worry…you’re not alone…I’m with you, I…” huminto siya ng saglit. “…I won’t leave you…” umoo ako at nagpatuloy sa pagiyak.
At doon natapos ang araw…
-----------
Hi guys! Dd you like the chap? Actually sobrang lungkot ko habang ginagawa itong chapter na ito kasi gagraduate na rin ako sa HS kaya talagang umiyak ako habang ginagawa to. Sana naramdaman niyo iyon habang binabasa ito. :) Congratulations din sa mga gagraduate na nagbabasa nito!
Don’t forget to VOTE, COMMENT, SHARE!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro