Chapter 39 Babysitter?!
Fragile Girls vs Sadist Guys
Chapter 39______________________________________
Ami POV
Pagkatapos ng foundation day nagkaroon kami ng isang after party. Ginamit namin ang cash prize na nakuha namin sa pagkapanalo sa Literature contest at battle of the bands pero kung sumali sina Anj at Franz sa Mr. and Ms. SEA edi sana nanalo rin kami pero okay lang yuon. Akala ko sa isang 5 star restaurant ang kakainan namin yuon pala sa isang noodle shop lang gusto raw kasi maexperience ng mga classmate ko ang kumain sa isang noodle shop.
Gabi na rin ng makauwi kami.
“Ha…nakakabusog yuon, grabe hindi ko aakalaing kakain ang mga mayayaman na katulad niyo sa isang cheap na noodle shop.” Sabi ko kay Yu habang naglalakad pabalik sa bahay. Akala ko may sasabihin siya pero bigla siya tumigil sa paglalakad. “Bakit?”
“Hindi ba parang ang kalat?”
“Makalat?” tiningnan ko yung paligid at nakita kong maraming mga lalagyanan ng iba’t iba pagkain ang nasa lapag, yung mga bulaklak ay halatang pwersahang pinitas tapos may mga hindi mapaliwanag na kulay itim sa lapag, in short sobrang kalat. “O-oo nga no…bakit wala bang tao?” narinig kong maingay sa loob ng bahay. “Mukhang meron naman ah pero bakit ang kalat?”
Mabilis na naglakad si Yu papasok ng bahay.
“Bakit napaka dumi ng baha-.” Pagkabukas ni Yu ng pintuan merong hindi mapaliwanag na itim na bagay ang binato sa mukha niya.
“A-ano yan?” lumapit ako at nakaamoy ng mabahong amoy. “Teka lang…Y-Yu…hindi kaya tae yan ng aso?” sabi ko habang nakaturo sa mukha niya.
“…” natulala siya nung una pero mabilis rin niya ito pinunasan ng kamay niya at inamoy. Pagkaamoy niya agad na nagbago ang mukha niya.
“Pfft…sa itsura mo ibig sabihin….Pfft.” pinilit kong huwag tumawa.
“Oi ikaw!” napatingin ako sa unahan namin ng may marinig kaming boses.
Isang bata ang nasa harapan namin ngayon. Meron siyang buhat na balde na puno ng putik at ang mukha niya ay sobrang dumi habang ang damit niya ay gusot-gusot.
Isang tanong lang ang pumasok sa isip ko.
Sino siya?
“Brat. Are you the one who is responsible for this?” tinuro niya yung mukha niya.
“Oo ako nga. Akala ko kasi lupa ka.”
“Pfft. Lupa ka raw…” Pinilit kong hindi tumawa habang si Yu naman kalmado pa rin pero halatang naiinis na rin.
“How about this?” tinuro niya ang loob ng bahay. Ngayon ko lang napansin pero mas malala pa ang loob ng bahay kaysa sa labas. Ang dating kumikintab na lapag ngayon ay puno na ng footprints at putik. Ang hagdanan na man ay punong-puno ng mga candy at merong mga basag na figurine sa salas. Para bang dinaanan ng bagyo ang buong bahay.
“Ako rin. Gusto ko lang magdecorate. Mukha kasing garden yung bahay mo.” Deretso niyang sabi na may seryosong mukha. Lumapit siya kay Yu at ngumit, napansin kong may bungi siya at dahil doon mas naging cute ang itsura niya. “Parang ikaw.” Binato niya ulit yung putik na galing doon sa balde.
“Pfft…hindi ko na kaya…HAHAHAHAHAHA!!” gumulong-gulong ako sa lapag sa kakatawa. Habang si Yu naman ay nanatiling kalmado pero yung ugat niya sa ulo parang puputok na.
“Master Yu!” mabilis na lumapit si Lola Dalia sa amin. “Amy! Anong ginagawa mo magsorry ka ngayon din.”
“…” tiningnan niya si Yu. “Sorry po. Mr. Lupa.” Binato ulit niya ang mukha ni Yu ng putik.
“AMY!” nagalit si Lola Dalia.
“….Brat…I’M GOING TO KILL YOU!” hinabol ni Yu yung bata.
“Hahahaha!!” habang ako patuloy sa kakatawa at si Lola Dalia ay pilit na pinapatigil yung dalawa sa pagtakbo.
“Master delikado pong tumakbo at baka kayo madula-.”
BOG!
Nadulas si Yu. At hindi na ito gumising pa.
“Ah.” Sabay naming sabi nung bata.
“Sinasabi ko na eh. Liz tawagin mo yung family doctor!”
Several hours later…
Nandito kami ngayon sa sala. Yung bata kanina ay nakatali na ngayon ang kamay at paa habang si Yu naman ay may ice pack sa ulo at ang mga katulong naman ay nililinis na ang bahay.
“So.” Tumingin si Yu kay Lola Dalia. “Who is that child?” inis niyang tanong.
“Wait lang Yu hindi ba parang child abuse ka naman, tanggalin mo na yung tali sa paa niya. Nakakaawa naman eh.” Sabi ko sa kanya.
“No, she might run away. So I’m going to ask again, who’s that brat?” Tinuro niya yung bata.
“Siya po ang anak ng Aunty mo na nasa Paris. Dahil nasa bussiness trip ang nanay niya walang mag aalaga sa kanya kaya naisipan ng Aunty mo na dalhin siya dito para mabantayan.”
“Huh?! You’re telling me to baby sit that brat! No. I can’t waste my time for that child. Go back to your house and take care of yourself.”
Nagsimulang umiyak yung bata.
“Grabe Chuahua ang sama mo!” nilapitan ko si Amy. “Okay lang yan. Ako si Ami ikaw si Amy diba? Nakakatuwa naman pareho ng tunog yung pangalan natin. Huwag ka magalala ako ang magbabantay sayo.” Nginitian ko siya.
“Huwag mo nga ako kausapin, Tanda.” Mataray niyang sabi.
“Eh?” habang ako’y gulat na gulat mabilis niyang natanggal ang tali at tumakbo papunta sa second floor.
“Ha! Tinawag ka niyang tanda. Ha!” tumingin ako ng masama kay Yu.
“Bahal ka nga sa buhay mo.” Hinabol ko yung bata at iniwanan si Yu.
“Oi! Bakit sa akin pa nagalit yuon?”
---
“Amy? Si ate Ami mo to.” Kumatok ako sa kwarto kung saan siya pumasok.
“Umalis ka na, Tanda.” hindi ko maiwasang hindi mainis pero hinayaan ko na lang ito.
Ami easy…bata lang yan…it’s common. Huwag mong papatulan.
“Hindi ka pa naliligo diba, gusto mo sabay tayo?”
“Tumahimik ka nga, matandang dalaga!” naramdaman ko ang pagsabog ng pasensya ko. Sinipa ko yung pintuan para bumukas to.
“Kanina ka pa tanda ng tanda ah! Nakakaurat na! Ah. So-sorry hindi ko sinasadyang sigawan ka.”
“Huwag mo nga ako kausapin…at saka huwag ka ngang magpanggap na mabait.” Nagmukmok siya sa gilid. “Lahat naman kayong mga matatanda ganyan. Lahat kayo nagpapanggap na maging mabait.”
“…Edi hindi ako magpapanggap na mabait.” Tumingin siya sa akin at ngumiti ako. “Hindi ako magpapanggap kundi magiging totoong mabait sayo.”
“Anong pagkakaiba nun?” inis niyang sabi.
“Hindi ko rin alam.” Lumapit ako sa kanya at kiniliti ang kilikili niya. Namula siya. “Ang baho mo na, ligo tayo?”
“Ayoko. Mas mabuti ng maging mabaho ako keysa sumama sa-WAH! anong ginagawa mo!” binuhat ko siya papalabas ng kwarto.
“Pag sinabi kong maliligo, maliligo tayo!” pumunta kami sa bathroom at binato siya sa bathtub. “LIGO NA TAYO!” tumalon ako sa bathtub. Basang basa na kami ngayon kahit may damit kaming suot.
“Sabing ayoko nga eh, bakit ba ang kulit mo, paano mo nagagawa sa bata to?”
“Akala ko ba ayaw mong maging mabait ako sayo?” muli akong ngumiti. “At saka ang astig mo kanina. Napatahimik mo si Mr. Lupa ng ganun-ganun lang, turuan mo ako sa susunod kung paano mo ginawa yuon ah.” Nagulat siya sa sinabi ko pero may nakita akong kaunting ngiti sa mukha niya.
Pumayag na siyang maligo kami ng sabay.
“Hindi ka galit sa akin?”
“Bakit naman ako magagalit sayo?” nagtataka kong tanong habang kinukuskos ang buhok niya na may shampoo.
“Maraming nagagalit sa akin dahil makulit ako.”
“Hm..hindi. Hindi ako galit sayo, nakakatuwa ka nga eh dahil kaya mong harapin si Mr. Lupa ng hindi natatakot. Pero grabe talaga yan si Yu wala mang awa sa bata nakaainis talaga, agree ka ba sa akin?” hindi siya sumasagot. “Amy?” nakita kong umiiyak siya. “Bakit ka umiiyak?”
“Ngayon lang kasi ako nakakilala ng taong hindi galit sa akin…”
“Eh? Sus akala ko naman kung ano. Tama na huwag ka ng umiyak sige ka babawiin ko lahat ng sinabi ko. Ay, hindi ka pala matapang iyakin ka pala.”
“HINDI! Hindi ako iyakin.”
“Yun naman pala eh kaya tama na sa pagiyak.” Pinunasan ko yung luha niya. Pagkatapos naming maligo bumalik na kami sa kwarto niya. Habang inaayusan ko siya napansin kong maganda pala siyang bata, kasing ganda niya ang ate ni Yu. Meron siyang honey-blonde na buhok at ang mata niya ay kulay brown, maputi rin ang balat niya. Pagkatapos matuyo ang buhok niya umiga na siya sa kama para matulog.
“Ami.”
Talagang walang ng ate ah. Di bale na.
“Ano yuon?”
“…Wala pala.” Ngumiti siya at unti-unting pumikit ang mata niya at tuluyan ng nakatulog.
“Good night.” Hinalikan ko ang noo niya at saka pinatay ang ilaw. Bumalik na ako sa kwarto namin ni Yu, hindi pa rin tulog si Yu kundi nakaupo sa sofa at nakasimangot. “Ba-bakit ka nakasimangot?”
“Whose fault do you think why I’m angry right now?”
“So-sorry na…” tumabi ako sa kanya. “Alam mo ba mukhang hindi maganda ang turi sa kanya ng mga tao sa ibang bansa kaya naging ganun ang ugali niya pero isa lang talaga siyang bata na naghahangad ng makakasama. Kaya pumayag ka na magstay siya dito. Hanggang Sunday lang naman eh.”
“Hay…in one condition.”
“Ano yun?”
“Kiss me.”
“Nanaman?! Iba na lang.” bigla siyang pumikit.
“I’m waiting.”
“Nakakainis ka talaga.” Lumapit ako at hinalikan siya, syempre katulad ng dati wala akong magawa kundi hayaan siyang halikan ako. Hahalikan ko na sana siya pabalik ng biglang bumukas ang pintuan mabilis kaming naghiwalay. “A-Amy?”
“Tch…what do you want?” inis na tanong ni Yu.
“Gusto ko matulog dito.”
“Ha?” nagulat si Yu. “N-.” bago makatanggi si Yu nagsalita na ako.
“Talaga! Sige malaki naman yung kama eh. Bili tulog na tayo.” Tinulak ko siya papunta sa bedroom.
“Ami!”
“Shh, huwag ka na ngang maingay matutulog na kami.” Umiga na ako sa kama sa tabi ni Amy.
“Where am I going to sleep?”
“Kahit saan ang laki-laki ng kwarto mo eh. Matutulog na kami kaya tumahimik ka na.” binato ko sa kanya yung isang unan at saka pinatay yung ilaw.
“Damn it!” kunuha niya yung unan at lumabas na ng kwarto.
Nagising ako sa pagawit ng mga ibon sa labas. Dahan-dahan akong umalis sa kama para hindi magising si Amy. Pagkalabas ko ng bedroom nakita kong natutulog si Yu sa lapag, halatang giniginaw. Kinuha ko yung pentle pen sa lamesa at nilapitan ko si Yu at umupo, iniga ko yung ulo niya sa binti ko.
“Hehe…lagot ka sa akin ngayon.” Bulong ko. Binuksan ko yung pentle pen. Matatapos na sana yung sinusulat ko ng biglang gumalaw siya at tinanggal ang eye mask niya.
“What are you doing?”
“Hindi ba obvious edi susulatan yang mukha mo. Ah. Permanent pala to.”
“Ha?” napatayo siya.
“Ang ingay.” Sabi ni Amy habang nainat.
“Sorry maingay ba kami? Umaga na rin naman, halika ka magbreakfast na tayo.” Lumabas na kami ng kwarto.
“Oi China! Tch…what the heck did she wrote? Papaano kung hindi to maalis?” pumunta siya sa c.r. at tiningnan yung mukha niya sa salamin. Ang nakasulat sa mukha niya ay ‘I love y’. “…That girl…” napasandal si Yu sa pader at sobrang pula ng mukha niya. “She’s so unfair.”
Habang nakain napansin kong ayaw ni Yu tumingin sa akin.
Bakit ayaw nito tumingin sa akin?
Nung nakita ko yung pisngi niya naisip ko na kung ano ang dahilan at dahil doon hindi ko rin maiwasang hindi mamula at mahiya.
Argh…bakit ko ba kasi sinulat yuon? Pero hindi ko pa kasi nasasabi ng harap-harapan yung nararamdaman ko sa kanya kaya naisipp ko yuon…hm? Speaking of pag amin…
“AH!” napatayo ako bigla at tiningnan ng deretso si Yu. “Saturday ngayon diba?”
“Oo.” Pagkasagot niya napaisip rin siya. “Ah!” napatayo rin siya.
“Master, Ma’am may problema ho ba?” tanong ni Lola Dalia habang nilalagyan ng orange juice ang baso namin. Umupo ulit ako at ininom to ganun rin si Yu.
“May lakad kaming dalawa ngayon.” Dahil sa sobrang seryoso ni Yu sa pagkasabi nun mas lalo akong nahiya.
“Iiwan mo ko?” nagaalalang sabi ni Amy habang nakahawak sa kamay ko.
“Eh?” tumingin ako kay Yu.
“No.”
“Hindi pa nga ako nagsasalita!”
“Basta pagsinabi kong hindi, hinde. Ami this day is very important. How can we have a serious date if that brat is with us?” sabi ni Yu habang nakaturo kay Amy.
“Ang sama mo talaga at saka marami pa namang araw saka na lang tayo magdate saka walang kasama si Amy saka! Saka…” wala na akong maisip na iduktong.
“SAKA SAKA SAKA! Kung maging magsasaka ka na lang kaya!” napahinga siya ng malalim at saka kinuha yung cellphone. “Hello? I want you to reserve us three tickets, yeah, thanks.”
“Tickets? Anong tickets yung nireserve mo?”
“We’re going to the zoo.” Sabi niya sabay kain nung hotdog.
“Zoo! Amy narinig mo ba yun pupunta tayo sa zoo.” Excited kong sabi. Hindi man siya sumagot alam kong excited na rin siya dahil biglang bumilis ang pagkain niya halos mabulunan na nga siya.
“Magbibihis na ako.” Mabilis na umalis si Amy.
“Haha excited na rin siya.” Nagulat ako ng biglang tumayo si Yu sa tabi ko at hinila niya ako papalapit sa kanya. “A-ano?”
“Pinagbigyan lang kita ngayon kaya humanda ka sa susunod na date nating dalawa.” Ngumisi siya. “Hindi mo alam kung ano ang pwede mangyari.” Naglakad na siya papalayo habang ako ayun tulala.
Mukhang pagsisisihan ko ito!!
---
ZOO
“WAH~! Amy, tingnan mo Giraffe yuon diba! Tapos yuon lion haha nakakatuwa!!” sabi ko habang kinukunan ng picture yung mga animals.
“Is this the first time you went to the zoo? You’re acting like a kid.” Sabi naman ni Yu.
“Ayoko man aminin pero sang ayun ako kay Mr. Lupa.”
“Hm? Oo, bakit masama bang maging masaya?” nagulat si Yu at Amy at saka sabay silang tumawa. “Bakit kayo tumawa, anong nakakatawa sa sinabi ko? Nakakainis kayo bahala nga kayo diyan.” Bumalik ako sa paglilibot sa zoo.
“Teka lang!” hinabol ako ni Amy.
Nilibot namin ang buong zoo, ang una naming pinuntahan ay ang water kingdom kung saan may iba’t ibang isda, malaki o maliit, nandoon rin ang kulungan ng mga penguins and for the first time narinig kong tumili si Amy nung pinapakain namin yung penguin at hinabol siya nito. Pangalawa naman naming pinuntahan ay ang pet house, nandoon ang iba’t ibang cute na pet na pwede hawakan at pakainin. Meron pa ngang nagdadala ng kanilang pet para makahalubilo sa iba.
“Dinala ko dapat si Haru dito, diba Yu. Yu?” hinanap ko siya. Nang makita ko na siya nagulat ako sa nakita ko. Natatabunan siya ng mga rabbit. “YU!”
“Ah…anong pakiramdam to? I think I’m in heaven…” sabay kaming tumawa ni Amy.
Ang sunod naman naming pinuntahan ay ang exotic side ng zoom doon nakalagay ang mga kadiring insekto saka hayop katulad ng naglalakihang ipis at tarantula meron ding hindi mapaliwanag na uod. Dahil nakakadiri hindi na kami nakatagal doon kaya pumunta na lang kami sa garden side ng zoo.
Merong naggagandahang mga bulaklak doon. Roses, daisy, lotus at marami pang iba pero merong isang bulaklak ang pinaka pansinin. Isang kulay aqua blue na bulaklak pero nagiisa lang siya at wala siya sa paso kundi nasa maduming lupa lang siya.
“Ano to?” tinuro ko. “Ang ganda naman…”
“Napaka unique niyo pong tumingin sa mga bulaklak, isa po yang klase ng ligaw na bulaklak at hanggang ngayon hindi po namin alam ang tawag diyan. Tumutubo lang po siya sa mga maduduming lugar at kapag pinitas niyo po siya madali siyang malanta.” Paliwanag nung gardener.
“Ganun ba, ah…oo nga…” pagkatingin ko doon sa bulaklak nagsimula na siyang malanta. “Sayang naman.”
“Oi aalis na kami.” Nakita kong naglalakad na si Yu at Amy papalayo.
“Ah teka lang.” hinabol ko sila pero hindi ko pa rin maiwasang hindi tumingin ulit doon sa lantang bulaklak.
Bawat sulok ng zoo nilibot namin, kahit isang cage wala kaming pinalagpas. Tanghali na rin ng makaramdam kami ng gutom, kumain kami sa food court ng zoo. Ang kinain ko ay steak habang si Amy naman ay ang kiddy meal, si Yu ay pinanood lang kaming kumain habang nainom ng softdrinks. Pagkatapos kumain bumalik ulit kami sa pagiikot at hindi namin namalayan palubog na ang araw. Nagdesisyon na kaming umuwi.
Habang naglalakad pauwi napansin kong bumagal ang paglalakad ni Amy.
“Amy pagod ka na ba?” umiling siya pero halatang pagod na siya dahil kalahating sarado na ang mata niya. “Gusto mo buhatin kita?” umiling ulit siya pero ngayon muntikan na siyang matalisod. “Amy! Okay ka lang ba.” Bubuhatin ko na sana siya ng bigla siyang hinila ni Yu at inangkas sa likod niya.
“Ibaba mo ko!” nagpupumiglas si Amy.
“Aray. Tumahimik ka na lang diyan, pagod ka na diba.”
“Hindi pa ako pagod! Hindi pa…” pumikit na siya mukhang nakatulog na. Ngumiti kami ni Yu.
“Akalain mo yun ang super sadist ng school ay nagbubuhat ngayon ng bata.” Pangaasar ko sa kanya pero ngumisi lang siya.
“I’m only practicing.”
“Practice, ng alin?”
“Practicing how to carry our daughter like this.” Binigyan niya ako ng isang ngiti at sa unang pagkakataon nakita ko ang pinaka seryosong mata niya. Hindi na ako nakapagsalita pa. “Hm..but a ‘son’ is also not bad. We can play basketball together.” Masaya niyang sabi habang nakatingin sa langit, para bang hinahanap niya sa mga bituin sa langit ang kanibukasan naming dalawa.
“Yu…” magsasalita na sana ako pero muli siyang nagsalita.
“Ami……no, nevermind.” Naglakad na ulit siya ganun rin ako. Umuwi kami ng hindi kinakausap ang isa’t isa sa sobrang tahimik kahit ang tunog ng mga paa namin ay lumalakas. Pero hindi ito ang katahimikan na kaylangan naming pilitiin ang isa’t isa na magsalita kundi ito ang katahimikan na nakakakalma ng puso.
Para bang tumigil ang buong mundo ko kahit kasama namin si Amy ang pakiramdam ko ay parang tanging kaming dalawa lang ang nasa mundong ito at naglalakad kami patungo sa tinatawag nilang ‘happy ending’.
Isa lang ang pumasok sa isip ko.
Malapit na. Malapit na kaunti na lang malalaman ko na rin kung ano etong happy ending.
---
Nang makauwi na kami dinala ko si Amy sa kwarto para makatulog na siya ng maayos.
“Good night Amy, alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayon. Alam mo rin ba matagal ko ng gusto magkaroon ng nakababatang kapatid kaya para na kitang kapatid…nakakalungkot lang kasi bukas na ang alis mo.”
“Anong gusto mong pasalubong?” nagulat ako na bigla siyang nagsalit, gising pala siya. “Bago ako umalis bibigyan kita ng regalo.”
“Huh? Huwag na ano ka ba.”
“Sige na sabihin mo na.”
“Hm…yung bulaklak siguro na nakita natin sa zoo kanina. Haha joke wala naman nun dito…pasalubong…siguro kahit ano basta galing sayo.” Ngumiti ako pero pagkatingin ko sa kanya tulog na siya. “…Good night.” Hinalikan ko yung noo niya at umalis na ng kwarto. Napansin kong nakatayo si Yu doon na may seryosong mukha. “Anong problema?”
“…Bumagsak yung sinasakyan na eroplano ng nanay ni Amy.”
“Eh? Se-seryoso ka ba?”
“…” hindi siya sumagot.
“Pero! Papapaano si Amy! Anong mangyayari sa kanya, hindi niya kakayanin to! Sigurado ka ba diyan, malay mo nakaligtas yung mama niya.” Hinawakan ko yung braso niya pero umiling lang si Yu.
“Tinanong ko na pero wala raw talaga…sa tubig to bumagsak kaya…”
“Hindi pwede…papaano si Amy…” napaupo na lang ako sa lapag.
“Magpahinga ka na lang muna. Ako na ang bahalang magexplain sa kaniya.”
“Hindi! Sasama ako sayo sa pagsabi sa kanya bukas.” Naglakad na kami papunta sa kwarto namin.
Habang naglalakad papalayo may narinig ako sa likod namin pero nung tiningnan ko wala namang tao kaya hinayaan ko na lang ito.
Papaano ba to, papaano ba namin sasabihin kay Amy? Kung keylan masaya na siya at binuksan na niya ang puso niya sa amin bakit kaylangan ngayon pa? Sigurado ako ang binuksan niyang pinto ay muling sasara.
------------------------------------
Nagustuhan niyo ba ang new character natin na si Amy? Did you like the chap? Then don’t forget to VOTE and COMMENT tapos tingnan niyo na rin yung picture sa side. Thank you again!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro