Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35 Home Sweet Home

Fragile Girls vs Sadist Guys

Chapter 35______________________________________

Angela POV

Lately napansin namin ni Franz na hindi nagpapansinan sina Ami at Yu. Akala namin tampuhan lang nila ito katulad ng dati pero tumagal ito hanggang sa dalawang linggo na silang hindi naguusap.

Gustuhin man naming tanungin kung ano ang problema hindi namin kaya dahil pakiramdam namin hindi kami pwede mangielam. Kaya napagkasunduan namin ni Franz na iintayin na lang namin na may isa sa kanila ang lumapit at mangingi ng tulong.

      

Gabi noon ng tinawagan ako ni Franz.

“Hello?”

[Anj, tinawagan ako ni Yu. Kaylangan raw niya ng tulong natin pumunta raw tayo sa bahay niya. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay mo.]

“Eh? Agad-agad ngayon na! But it’s already 9:30 p.m…” napabuntong hininga ako. “Sige na nga, wait a minute magaayos lang ako.” Pagkatapos ko magayos nagpaalam ako kay mama na pupunta ako kayna Yu sinabi ko na kasama ko si Franz kaya mabilis siyang pumayag. Pagkalabas ko ng bahay dumeretso na kami ni Franz sa bahay ni Yu.

Halos nasa kabilang street lang ang bahay niya, sa isang subdivision lang naman kaming tatlo nakatira. Pero siguro simula na naging fourth year student kami ngayon lang uli kami makakapunta sa bahay niya. Hindi ko alam pero ayaw niya kami papuntahin rito.

“Come in.” pumasok kami sa loob ng kwarto niya. Ewan ko kung ako lang ang nakahalata pero may ibang aura sa loob ng kwarto ni Yu para bang may iba pang tao na nakatira dito. “Sorry for asking you guys to come here. Its already late at night.”

“Tama ka. Alam mo namang hanggang 9:00 lang ang kaya ng katawan ko eh. But….kaibigan ka namin kaya handa kami sumugod kapag naghihingi ka ng tulong.” Ngumiti ako.

“Angela is correct and also this is the first time you asked for help from us. I thought you have a lot of pride that you want to solve your problems by yourself, what is this change of wind?”

“Shut up and just listen. Ami….she ran away from home.”

“Eh?!” nagulat kami pareho ni Franz.

“Wait a minute, don’t tell me you already knew Ami is an ordinary person!” natataranta kong tanong.

“Huh…well yeah. Because my family was the one who gave her a scholarship. At saka yung bar na tinitirhan niya ay pagmamayari ng pamilya ko.”

Napaupo na lang ako sa sofa.

“Grabe…hindi mo man sinabi sa amin na alam mo na ang sekreto ni Ami, nagpapakahirap kaming itago sayo to tapos….hay….”

Tumabi si Franz sa akin sa sofa habang si Yu ay umupo sa isang upuan.

“Setting that aside, so anong reason kung bakit lumayas si Ami sa bahay nila?” tanong ni Franz.

“…Hindi ko pwede sabihin.”

“Yu naman oh! Paano ka namin matutulungan kung hindi namin alam yung dahilan.” Galit kong sabi.

Napahinga ng malalim si Yu at saka tumingin ng deretso sa aming dalawa.

“Sinabi ng tatay ko na lumayo siya sa akin kung ayaw niyang may madamay na iba. Mukhang kahit sa school bawal niya ako kausapin.”

“Ang tatay mo…pero bakit?”

“Because he want me to marry Anna. But I already told Anna that I don’t want to marry her because Ami has already stolen my heart.”

“Kyaaaah!! Nakakakilig!!” tumili ako. “Ibig sabihin ba niyan kayo na ni Ami? Pero ayaw lang ng tatay mo.”

“Hindi pa kami. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya sa akin.”

“Bro of course she loves you too.” Proud na sabi ni Franz.

“…” hindi na siya sumagot.

“Okay kaylangan na natin magisip ng plano kung paano bumalik si Ami sa bahay nila at kung papaano rin makakapagtapat si Yu.” Nagsalita si Franz, siguro para maiwasan ang awkwardness.

Sa pagiisip ng iba’t ibang plano halos inabot na kami ng hating gabi. Siguro kung hindi pa ako tinext ni mama hindi pa kami uuwi. Dahil mukhang galit na ang mama ko umalis na kami.

“Ano kaya ang magiging result ng plano natin?” tanong ko kay Franz habang naglalakad kami pabalik ng bahay. Nakahawak siya sa kamay ko.

“Hindi natin alam but I hope it would be successful. Pero first time talagang humingi ng tulong si Yu sa atin simula ng nagbreak sila ni Anna ibig sabihin niyan talagang nakamove on na siya sa break-up nila.” Ngumiti si Franz ganun rin ako.

“At lahat ng ito ay dahil kay Ami. Malaki ang pinagbago ni Yu…hindi pala…...Bumalik si Yu sa dati niyang ugali simula ng nagkakilala sila ni Ami. Malaki talaga ang naging impluwensya ni Ami sa buhay ni Yu kaya sana maging successful ang lahat ng ito katulad ng sabi mo.”

“Yeah.” Nakarating na kami sa bahay. Halos magkatapat lang ang bahay naming dalawa. “Nandito na tayo, pumasok ka na sa loob baka magkasakit ka pa. Good night Anj, sweet dreams.”

“Good night.” Hinalikan niya ako. Nginitian namin ang isa’t isa. Nagpaalam na ako.

Ami POV

Sinarado ko na ang pintuan ng apartment na tinitirhan ko at dumeretso na sa school.

“Hay…may pasok na naman. Kung hindi lang ako scholar magaabsent na ako eh.”

SCHOOL

Pagkapasok ko ng classroom agad-agad akong niyakap ni Angela at binati ako ng good morning.

“Good morning den, bakit parang good mood ka.”

“Haha wala lang.” binigyan lang niya ako ng isang ngiti. Pakiramdam ko sa likod ng mga ngiti na yuon ay may tinatago siya.

Ano na naman kaya ang pinaplano neto?

Habang nagiisip kung ano ang pwede niyang itago sa akin naramdaman kong may nakatayo sa likod ko. Pagkatalikod ko nanlaki ang mata ko, si Yu.

“Good morning Yu!” bati ni Angela. “Ami batiin mo rin siya.

“Eh? Ah…go-good morning.” Pautal-utal kong bati, hindi ako tumingin ng deretso sa mata niya.

“Good morning.” Bati niya pabalik na may malaking ngiti.

Eh? Bakit siya nakangiti…after ng nangyari kahapon…bakit?

Pumunta na siya sa upuan niya. Ilang minuto lang ang lumipas at nagbell na rin. Pumasok si Sir. Gin sa loob ng classroom na may dalang isang box, nagbulungan ang mga iba kong classmate.

“Sir. ano po yan?” tanong nung isa.

“Mag babago na tayo ng seating arrangement.” Nagsimula silang magingay. “Tahimik. Mag babago lang ng seating arrangement makapag ingay kayo parang may dala akong ukay-ukay.” Nagtawanan sila maliban lang sa akin.

Bakit naman sa dami-dami ng araw ngayon pa kayo nagbago ng seating arrangement??

“Okay pumila na kayo at bumunot na. Isusulat ko sa board ang arrangement ng upuan, pumunta kayo sa lugar kung saan nakasulat ang number niyo.” Sabi ni sir habang hinahanap ang chalk. Sumunod sila sa utos ni sir at nagsimula ng bumunot.

Maraming nagreklamo sa naging resulta ng bunutan pero marami rin ang naging masaya sa napili nilang number dahil naging katabi nila ang gusto nilang katabi. Habang ako…

Keylan pa naging life and death situation ang pagbago ng seating arrangement?

“Ano ba Ms. Sanchez bumunot ka na.” pagsita sa akin ni sir.

“So-sorry po.” Bumunot na ako. Ang nabunot kong number ay no.13, tiningnan ko kung saan ako nakapwesto at mabuti na lang doon pa rin ako sa dati kong pwesto. Nasa pinaka dulo ako at malapit sa bintana, umupo na ako sa upuan ko. Habang iniintay ang magiging seatmate ko pinagmasdan ko si Yu.

Paano kaya niya nakayanan umasta ng parang walang nangyari?

Patuloy ako sa pagmasid ng bawat galay niya hanggang sa napansin kong papalapit siya sa akin.

Patay! Napansin kaya niya na nakatitig ako sa kanya?

Nagkunwari na lang akong nakatingin sa bintana. Narinig kong tumunog ang upuan sa tabi ko para bang may umupo dito.

Eh? Di nga. Totoo ba to? Bakit? Budhha, Amaterasu, Poseidon, lahat na. Please sabihin niyo sa akin hindi totoo ang hinala ko!

Biglang may tumapik sa braso ko syempre tiningnan ko kung sino. Halos malaglag na ang panga ko sa nakita ko.

Seatmate ko si Yu.

Noooo~ Bakit? Bakit ako pa? Ayoko na mabuhay…

“It seems like we are seatmates. I wish we can get along.” Sabi niya na para bang ngayon lang kami nagkakilala.

“Ye-yeah.” Iniwas ko ulit yung tingin ko sa kanya.

Mukha mo! Anong wish we can get along? Hindi ba obvious na iniiwasan kita ha? Noramlly sa ganetong situation magkukusa ang lalaki na makipag palit sa iba ng number kung alam niyang naaawkwardan yung girl! DAMN! Hindi na talaga uso ang gentle man ngayon.

Tiniis ko ang awkward atmosphere na nakapalibot sa amin for about 3 hours at salamat naglunch time na rin.

Habang palabas na ako ng classroom narinig ko kaunti ang pinaguusapan ni Angela at Yu ng mahina.

“Ano Yu nagustuhan mo ba ang napaka ganda kong plano?”

Plano? Wha- Huwag mong sabihin si Angela ang dahilan kung bakit biglang nagkaroon ng seating arrangement? Sabi ko na e may pinaplano sila.

“Ah!” napatingin bigla si Angela sa akin.

$het!

“Ami nakalimutan ko kasi gawin yung assignment sa susunod na subject natin okay lang ba kung ikaw na lang bumuli ng baon ko?”

“Si-sige.” Pagaalangan kong pagsagot.

“Ako rin!” biglang sigaw ni Franz habang nilalapitan kami. “Eto yung listahan na ipabibili ko. Yu samahan mo na si Ami kasi marami yan.”

“Sure.” Kahit hindi ko napapansin alam ko sa likod ng magagandang ngiti nila ay may pinaplano sila.

“Ako na lang.” pilit kong sabi. “Gaano ba kadami?” pinakita ni Yu ang isang intermediate pad. Back to back ang nakasulat.

Anak ng- JUST BUY THE FREAKING CAFETERIA!!

Dahil wala akong magagawa sinunod ko na lang sila. Pupunta na sana ako sa cafeteria ng biglang lumiko si Yu.

“Oi saan ka pupunta sa kabila ang cafeteria!” hindi siya nakinig at nagpatuloy sa paglalakad sa kabilang way. Dahil nasa kanya ang listahan kaylangan ko siya sundan.

Badtrip naman oh!

“Oi saan kaba pupunta?” ng makarating na kami sa tagong lugar tumigil na siya sa paglalakad.

“Ami.” Tumingin siya sa akin ng seryoso.

Naku…sigurado ako sa maala MMK na usapan na naman ito mapupunta.

“Wala akong panahon makipag usap sayo.” Tumakbo na ako papalayo.

“Oi!....Damn it!” rinig kong pagsigaw niya.

Sorry pero hindi niyo ako madadaan sa mga plano niyo.

---

Nasa library ako ngayon at kanina pang tapos ang lunch break, inshort nagkacutting classes ako.

Hay dahil sa kanya nasisira tuloy yung record ko. Saan ka nakakita ng scholar student at SC president na nagkacutting classes?

“…”

Mabuti na lang wala yung librarian ngayon at sana huwag na siya dumating. Dahil kapag kausap ko siya pakiramdam ko pati ako mamemenopause ng maaga.

Iniga ko na lang yung ulo ko sa lamesa hindi ko namalayan nakatulog na ako.

***

“……Mi….”

“A……i….”

May tumatawag sa pangalan ko.

“AMI!”

“Nn….” Pagkadilat ko nakita ko si Yu na seryosong nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa upuan sa tabi ko. “Yu? Anong oras na!” napatayo ako bigla.

“….”

“Bakit ayaw mo ako sagutin?” inis kong sabi.

“….Huwag kang magugulat…..Ami….100 years na ang lumipas.”

“Ha? Ano bang pinagsasabi mo, sagutin mo ako ng seryoso. At saka sa tingin mo maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo, kung 10 years na ang lumipas edi sana patay ka na.” tumawa ako.

“Tama ka patay na ako….isa na lang akong cyborg. Lahat ng taong namamatay ay nagiging cyborg.”

“…” tiningnan ko siya ng walang emosyon. “Grabe natatakot ako, di nga?” I said sarcastically. Tumayo ako at nagsimula ng maglakad papalayo. “Wala akong oras para makipag lokohan sayo. Kung plano niyo ito nina Anj alam niyo isa lang ang masasabi ko. Sinasayang niyo lang ang oras niyo.” Umalis na ako.

Nang lumabas ako ng school palubog na ang araw. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Kahit January na malamig pa rin ang klima. Habang naglalakad napansin ko ang isang mamahaling kotse na nakaparada sa harapan ng main gate ng school. Bumukas ang pintuan nito at isang magandang babae ang lumabas dito. Si Anna.

“Hi.”

“…Anong kaylangan mo.”

“I want to have a serious talk with you.”

“Wla tayong dapat pagusapan.” Maglalakad na sana ulit ako ng bigla siyang sumigaw.

“Wait! Please, I want to talk with you.”

“…” nag alangan ako nung umpisa pero pumayag rin ako. Pumasok ako sa loob ng kotse. Nagtaka ako kung bakit lumabas ang driver. “Hindi mo ba ako dadalhin sa mamahaling hotel?”

“Sorry but I don’t have enough time.”

“Bakit mamatay ka na ba?”

“I’m going to Dubai and my flight is tonight.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Halos napuno ng galit ang buong katawan ko. Hinawakan ko ang balikat niya.

“Anong pinagsasabi mo! Anong Dubai? Aalis ka na naman! Hanggang keylan mo ba sasaktan si Yu!” umiling siya.

“We’re not getting married, he’s not my fiance anymore.”

“Hindi mo na siya fiance? Edi ano tong ginagawa ko, etong pagdedma ko sa kanya. Para lang akong isang tanga!”

“I’m sorry…I’m sorry Ami. For hurting you both because of my selfishness.” Nagsimula siyang umiyak.

“Naguguluhan ako. Anong ibig sabihin neto?”

“I’m giving Yu to you. He’s already free, I already gave up on him.”

“Ba-bakit biglang nagbago ang isip mo? At saka papaano ang tatay ni Yu papayag ba siya.”

“…Yesterday night Yu went to my family’s hotel and begged me to cancel our engangement. For a certain girl he disregarded he’s pride and kneeled down in front of me. He cried for you, he said he can’t live without you. At that time I realized I can’t force him to be with me. It will only bring sadness. That’s why Ami I want you to talk with Yu one more time. Pero bago yuon gusto kong personal na marinig ang totoong nararamdaman mo kay Yu. Ami mahal bo siya?”

Tiningnan ko siya ng seryoso. “…Oo…mahal ko siya….mahal na mahal…” ngumiti siya at hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

“Ami. I’m glad you are the girl Yu love because I can finally move on. Sana tumagal ang relasyon niyong dalawa para na rin sa akin. Huwag kang magalala kasabay ko ang tatay ni Yu sa pagpunta sa Dubai. Akong bahala kumausap sa kanya kaya huwag kang matakot.”

Kumatok bigla ang driver at pinakita ang orasan niya.

“I’m sorry but I have to go.”

“Anna. Thank you. Salamat talaga…” binigyan lang niya ako ng isang napakagandang ngiti.

“Well then it’s good bye for now. Pakisabi na lang rin kay Yu ‘bye-bye and thank you and also I’m sorry.’ Hindi ko kasi ata kaya na magpaalam sa kanya.”

“Yeah akong bahala.”

“Bye-bye. I’m really glad I met you.”

“Ako din.” Ngumiti ako. Lumabas na ako ng sasakyan, kinawayan niya ako at saka sinarado ng tuluyan ang sasakyan. Habang papalayo na ang sasakyan nakita kong kumaway siya sa may bintana. Huminga ako ng malalim at sumigaw. “PAALAM AKING KAIBIGAN! At….salamat…..salamat talaga….”

---

For a certain girl he disregarded he’s pride and kneeled down in front of me. He cried for you, he said he can’t live without you. That’s why Ami I want you to talk with Yu one more time.

Tama si Anna kaylangan harapin ko na si Yu hindi pwedeng habambuhay na lang ako magpapangap at magtatago. Hindi pwedeng masayang ang sakripisyo ni Anna.

Naisipan kong pumunta sa bahay ni Yu. Habang naglalakad papunta sa bahay niya napatigil ako sa isang parke ng mapansin ko sa gilid ng mata ko si Yu. Nandoon siya malungkot na nakaupo sa isang bench.

“Oi! Yaan ba ang super sadist na si Yu Sogo. Makasimangot ka naman parang end of the world na. Ganyan ba ang pakiramdam kapag naging cyborg ka?” halatang nagulat siya ng makita niya ako.

“Ami….why are talking to me right now? Akala ko ba sayang lang sa oras ang pagusap sa akin.”

“Sinabi ko ba yuon?” umupo ako sa tabi niya. “Nakausap ko si Anna kanina siguro nasa airport na siya ngayon nagiintay ng flight niya papuntang Dubai. Pinapasabi niya thank you raw at salamat.”

“…”

“Bago siya umalis kinuwento niya sa akin na may pumunta raw na isang lalaki sa hotel nila at lumuhod raw sa harapan niya at nagmakaawang icancel ang engagement nila. Sino kaya yun no.”

“Tch…she doesn’t have to tell you all the detail’s…go ahead and laugh at me.”

“Hindi ako tatawa.” Seryoso kong sabi. Tumayo ako at ganun rin siya.

“…” tumingin siya sa akin. “Ami…” pinatong niya ang noo niya sa noo ko.[P] “Don’t even think of leaving me again…nung wala ka sa bahay nung pagbalik ko it scared the hell out of me. Ngayon ko lang naramdaman ang ganung takot at sakit. So please never do it again. Because I might die when you’re not by my side.”

“….Yeah….hindi ko na ulit uulitin yun….hinding hindi na dahil katulad mo ayoko na rin makita kang nasasaktan…”

“That should be my line.” Ngumiti siya ganun rin ako. Dahan-dahan niya ako hinila papalapit sa kanya at hinalikan ang labi ko. Sa umpisa nagulat ako pero ng tumagal hinalikan ko na siya pabalik. Sigurado ako nagulat siya pero nagpatuloy siya sa paghalik sa akin.

Ayoko ng magsinungaling sa sarili ko. Malinaw na malinaw na sa puso at isipan ko ang nararamdaman ko para sa kanya…mahal ko siya mahal na mahal at katulad niya hindi ko rin kakayin mawala siya sa tabi ko.

“Hey…” bulong niya sa gitna ng paghalik sa akin. Tumigil siya at nilapit ang bibig niya sa tenga ko. “Does it mean you already surrendered yourself to me? You’re finally mine now, my Cinderella.” kinagat niya ang tenga ko.

“…Nn..” tinulak ko siya, halatang namumula ang mukha ko.

Bumalik na siya sa pagiging sadista niya.

“EWAN KO SAYO! Bahala ka nga diyan.” Naglakad na ako papalayo.

“Oi, wait a minute. What’s your answer?”

Ngumisi ako. “Huwag kang assuming, hindi pa tayo no.” pangaasar ko sa kanya.

“HUH? Then what the hell does that kiss mean?” inis niyang tanong.

“Its just another 5 minute service like we used to do. Hindi ibig sabihin non tayo na.”

“…I see…I see…I see.” Lumapit siya sa akin na may isang malaking ngiti. Ang usual niyang ngiti na nakakatakot.

“Ah…so-sorry na po master.”

“Sorry? Then answer me seriously.” Tumingin siya ng seryoso sa akin hindi na ako nakapagsalita pa halos parang kinulong na niya ako sa isang kulungan gamit ng napaka intense niyang pagtingin sa akin. “Ami. Mahal kita, mahal mo rin ba ako?”

“…Hi-hindi ba obvious…” iniwas ko yung tingin ko sa kanya. “A-alangan…ma-ma-ma-MAMAYA NA LANG!!” tumakbo ako papalayo.

“China!!” hinabol niya ako na may ngiti sa mukha niya.

Siguro hindi pa ngayon ang araw na dapat sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Gusto ko kapag sinabi ko ito sa kanya siguradong sigurado na ako. Pero huwag kang magalala dahil malapit na ang araw na yuon.

----------------------------

Yey bati na ulit sila!! Did you like this chapter? If you like it then VOTE and COMMENT!! The picture on the side ay yung nasa park sila kanina!! Para malaman niyo yung scene hanapin niyo na lang yung sentence na may ganetong sign ‘[P]’.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro