Chapter 30 Angels instead of santa??
Fragile Girls vs Sadist Guys
Chapter 30______________________________________
Ami POV
Ho ho ho Merry Christmas! Christmas party namin ngayon pero puno ng negative vibes ang section namin.
“Oh~ Ganda ng mga girls!” sigaw ng isa kong classmate na lalaki.
“Mukha mo!” sigaw ng isang babae kong classmate.
Bumalik mo na tayo sa mga nakaraang araw.
<<<<<<
“Okay ano na ang gagawin niyo next week sa Christmas party? Hanggat hindi kayo nakakapag decide hindi kayo uuwi.” Sabi ni Sir. Gin.
Homeroom namin ngayon at nagdedecide kami kung ano ang susuoting costume ng section namin. Sa Christmas party kasi merong best in costume na contest kaso girls category lang meron ngayon. Section by section ang labanan at hanggang ngayon wala parin kaming nadedecide.
“Ano na?!” galit na tanong ni Sir. Nagsimulang magbulungan ang mga classmate ko.
“Bakit hindi na lang sila mag chinese dress?” komento ng isa kong classmate na lalaki. Nagreklamo naman ang mga babae isa na ako dooon.
Dahil sa walang maisip na pwede isuot nagsimula ng magaway away ang mga babae at lalaki.
“Hay…paano ba to?” tanong ko sa sarili ko. Napansin ko na ang kaninang tulog na tulog na si Yu ay gising na.
“Ang ingay.” Pagreklamo niya. Lahat sila tumigil ng marinig siya. “Just let the girls dress as an Angel.”
“Angel? Sige okay lang sa akin.” Sabi nung isang babaeng classmate.
Sumangayon na rin ang mga ibang babae.
“Okay so it’s decided. Girls would wear angle’s costume sa araw ng Christmas party.”
Tumingin si Yu sa akin at hinila niya ang tenga ko at may binulong.
“Let’s buy your costume today. You should wear a sexy angel’s costume.” Ngumisi siya.
“Nn….Grr!! Nakakainis ka!”
At ngayon ay araw na ng Christmas party.
>>>>>>>
“Woot woot!” nagsisispulan yung mga lalaki dahil sa nag gagandahang mga anghel na nasa harapan nila. Siguro ang pinaka magandang babae sa classroom namin ngayon ay si Angela. Nakasuot siya ng white gown na may slit sa gilid kaya kita ang legs niya. Sa likod naman niya ay may nakakabit na malaking pakpak at may headband na puti bilang isang halo. Habang ang kanyang buhok ay nakakulot.
“Ganda mo talaga Angela.” Pagpuri ng isang lalaki na nakatingin sa legs ni Anj.
“Tha-thanks…” hinarangan ni Franz yung lalaking kausap ni Anj.
“Where do you think you are looking? Just to inform you she’s my girl.” Tiningnan ng masama ni Franz yung lalaki.
“Franz tama na..” pagpigil naman ni Anj.
“Bro relax!” sabi nung guy habang pinalo yung likod ni Franz. “Sayong sayo na yang girlfriend mo walang aagaw niyan dahil alam naming ikaw lang ang nasa puso niya.”
Namula silang dalawa.
“Haha si Franz talaga sobrng seloso.” Sabi ko sa sarili ko.
“Prez!” sigaw naman ni Mike, siya ang naka assign sa reception ng after party ngayon.
“Mike, bakit?”
“Ganda mo ngayon ah!” nag tinginan lahat ng tao sa akin.
Shit! Nagtatago na ako dito sa gilid eh napansin pa rin ako…ayoko pa naman ng atensyon. Dahil kapag nagyari yuon ako ang malalagot!!
“Oo nga no!” sagot nung isa. Lumapit yung ibang lalaki sa akin.
“First time naming nakita na naka lugay ka.” Hinawakan niya yung buhok ko.
“Bitawan mo nga yung buhok ko!” sabi ko sa kanila pero hinila niya ito. “Aray nasasaktan ako ah!” tiningnan ko siya ng masama.
“Ang ganda rin ng legs mo.” Sabi naman nung isa pang lalaki.
Nagsimulang magbulungan ang mga babae.
“Ami! Franz tulungan mo siya.”
“Sige. Oi kayo-.” Naputol ang pagsasalita ni Franz ng biglang malakas na bumukas ang pintuan ng kwarto.
Ang pumasok ay si Yu. Agad namutla ang mga mukha nila isa na ako doon.
“Y..Yu…nagkakamali ka.” Agad niyang binitawan ang buhok ko. Lumapit siya sa lalaking iyon. “So…sorry talaga.”
“…” itinaas niya ang kamay niya, agad na pumikit yung lalaki handa sa suntok ni Yu. “BAM!” sigaw ni Yu, agad napaupo sa lapag yung lalaki. “Stupid.” Ngumisi si Yu.
Tatakas na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko.
“Where do you think you are going?”
“Ah….mag c-cr? Haha…” iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
“….” Binalik niya ang tingin niya doon sa lalaki habang nakahawak pa rin sa kamay ko. “Let me tell you something. This girl…..is my property. I own her. If I ever find out you did something to her…you’re dead.” Tuluyan na niya ako hinila papalabas ng classroom.
“Oi teka!”
----
Nasa tagong corridor kami ngayon.
“Bakit mo sinabi yuon! Paano kung mamisunderstand nila yung sinabi mo, edi mageexplain na naman ako!”
“Let them misunderstand. Wala akong paki kung ano man ang isipin nila. Setting that aside, hindi ba nagusap na tayo kagabi na hindi ka pwede magpakita sa ibang lalaki?”
“…Imposible naman kasi yuon! At saka pinilit ko ng magtago kaya lang napansin pa rin nila ako!” may tumawag bigla sa cellphone ko, sinagot ko ito. “Hello?”
[Ami! Yu! Magsisimula na yung contest.]
“Sige pabalik na kami diyan.” Binaba ko na yung tawag. “Babalik na ako.” Palakad na ako palayo ng hinila niya ako papalapit sa kanya.
“Gusto ko lang makasigurado.”
“Na alin?”
Ngumisi siya. Habang ako’y nagtataka narinig ko bigla ang tunog ng bakal at narmadaman kong bumigat ang kamay ko. Pagkatingin ko dito nakita kong nakaposas ang mga kamay ko sa isa’t isa.
“Wha-! Anong ginawa mo tanggalin mo to!”
“I won’t unlock it until you win the conetest.” Sabi niya habang pinipindot yung pakpak sa likod ko.
“Ha? Himala na lang kung magyari yun at saka paano ako mananalo kung may posas yung kamay ko? Saan ka nakakita ng angel na nakaposas?”
“Ang dami mong tanong.” Naglakad na siya papalayo.
“Teka! Tanggalin mo na kasi to.” Hinabol ko siya.
---
“And so simulan na natin ang costume contest!” sabi ng host.
Isa-isa ng luminya ang mga nag gagandahang babae. Merong 5 representatives kada isang section. Sa section namin isa na ako at si Anj ang napasama sa mga representatives.
Isang representative lang ang matitira sa final round. Ang first round ay modeling agad na natangal ang dalawa sa grupo namin ang second round ay question and answer.
“Here’s your question. Kung ikaw ay magiging isang hayop ano ito at bakit?” tanong ito para kay Anj.
“Kung ako ay magiging hayop gusto ko maging isang manok dahil ang mga manok ay cute! Lalo na kapag natutulog sila tapos yung mga feathers nila sobrang lambot tapos….”
BLAH BLAH BLAH BLAH
After 25 minutes…
“That’s all thank you.” Nag bow siya.
“I…I see….thank you for your great answer….”
Hay Angela….bakit?
“Now for our next contestant. Siya na siguro ang pinaka impluensyal na babae dito sa school. Siya ang pinakakamamahal nating SC president si Ami Sancez!”
Lumapit ako doon sa host.
“Okay so here’s your question. Kung ikaw ay magmamahal ng lalaki anong klaseng lalaki siya at bakit?”
“Eh….ah….”
Lalaki? Pero wala sa isip ko ang magkagusto sa lalaki.
“President Ami?”
“Um…” nagsimula magbulungan ang mga audience.
“Wala ka bang natitipuhang lalaki ngayon?” tanong nung host.
“Natitipuhan….” Bigla kong naisip si Yu. Namula ako.
“Naku namumula si Prez so ibig sabihin meron talaga. Anong klaseng lalaki siya?”
“……Nnn…..Mmph…!...GAHHH!! Ang dami mong tanong! Wala akong gustong lalaki at wala akong balak magkagusto!” bumaba ako ng stage.
“Ami!” sigaw ni Anj.
Tumakbo ako papalabas ng colliseum.
Nakakainis bakit sa dami-daming lalaki siya pa ang naalala ko? Yuck! Bakit ako magkakagusto sa isang Chuahua? Eew!
Napahinto ako bigla ng may tumawag sa pangalan ko.
“Paano ba yan mukhang habang buhay ng nakaposas yang kamay mo.” Ngumisi siya. Yung tao na tumawag sa akin ay si Yu.
Bakit ba kaylangan niya magpakita ngayon??
“Ewan ko sayo.”
“So…who’s that guy?”
“Sinong guy?”
“The guy you like.” Agad na namula ang mukha ko. “How cute, you’re blushing I wonder who’s that guy.”
“Hindi mo ba narinig yung sagot ko sa Q&A? Sabi ko wala akong gusto at wala akong balak magkagusto. At saka tanggalin mo na nga to!” pinakita ko yung kamay ko.
“Hmm…” hinawakan niya yung kamay ko at tinangal yung posas.
Huh? Tinanggal niya akalain mo yun…mukhang nagiba ang ihip ng hangin.
“Hi-himala sumunod ka ngayon…”
“Well its Christmas and I’m not in the mood to play.” Naglakad na ulit siya.
“Saan ka pupunta?”
“Bbalik sa classroom, nandoon pa yung bag mo diba.”
“Oo pero bakit?”
“Mamasyal tayo.” Ngumiti siya.
--------
“Wow! Ngayon lang ako pumunta sa plaza ang daming mga Christmas decoration!” nasa plaza kami ngayon kung saan maraming namamasyal na tao. Pamilya, magkaibigan, magsyota, at iba pa. Habang kami ano ang tawag samin? Servant and master??
“Ang ingay mo, para kang bata.” Sabi niya habang nakamulsa.
“Pake mo ba! Ngayon lang ako nakapunta dito eh.”
Maraming iba’t ibang tindahan sa plaza; restaurant, tindahan ng damit, mga tsange, mga nagtitinda ng mga pangregalo at iba pa.
“Nagugutom na ako…bibile ako nun.” Tinuro ko yung isaw.
“Isaw? So uncute. Hanggang sa pagpili ng pagkain para kang hindi babae. Tingnan mo nga yang damit.” Napailing na lang siya pagkatapos ako tingnan ulo hanggang paa.
Ang damit ko ngayon ay red polo shirt at maong pants, nakasuot rin ako ng jacket.
“Gusto ko mag isaw eh, bakit ano ba dapat ang kainin ko?” lumapit siya sa akin.
“For girls like you, you should pick cute foods like ice cream or cake.”
“Huh, mahirap kaninin yun, ayoko non.”
“And also when you’re on a date you should hold hands with the person beside you.”
“…” hinawakan ko yung kamay nung lalaking nasa tabi ko. Gulat na gulat to.
“IDIOT!” hinila niya ako papalayo.
“Ah yung isaw…”
“Are you insane? Why the heck did you hold the hand of a stranger?”
“Eh sabi mo hawakan ko yung kamay ng katabi ko.” Napahilamos na lang siya ng mukha. “Babalik ako, hindi ko pa nakukuha yung binili kong isaw.” Bumalik ako sa nagtitinda ng isaw.
Habang naglalakad papunta doon sekreto kong tiningnan si Yu, nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Natakbo kasi ako! Tumataas lang yung pulse rate ko!
“Diba sa plaza nakalocate yung escalate?”
“Oo.”
“Gusto ko pumunta doon.”
Ang escalate ay ang pinaka mataas na building sa city namin. Kapag nasa pinaka taas ka nito makikita mo ang lahat. Isa itong sightseeing building.
“Ano naman ang mapapala mo doon?”
“Yung view! Sabi nila maganda daw yung view doon.”
“If you want to see the view you can ride our family’s private helicopter.”
“…Pangit yun! Iba pa rin yung experience kapag nasa building ka.”
“….” Tumingin siya sa akin. “Where can we buy some tickets?”
“Bibile ka! Di nga seriously!?”
“Ang ingay mo…dakdak ka ng dakdak pwede ba tumahimik ak muna.” Kinuha niya yung pera sa wallet niya at binigay sa akin. “Oh bumili ka ng dalawang ticket.”
“Yey!” inagaw ko ito at tumakbo sa bilihan ng ticket.
“Such a kid.”
Krrng krrrng
“Hm? Hello?”
“Nakabili na ako! Hehehe.” Napansin kong may kausap siya sa cellphone.
“I see, sure, bye.” Binaba na niya ito.
“Ano meron?”
“Wait here. Dumating kasi yung isang importanteng client sa company namin ngayon at nagpatawag siya ng emergency meeting. I will come back immediately.”
“…Hindi na. Papasok na lang ako kaagad doon sa loob.” Pinitik niya yung noo ko. “Aray bakit mo ginawa yuon!”
“I bought the tickets so I should also go inside. At saka gusto ko malaman kung bakit gustong gusto mo pumasok diyan sa loob. Babalik rin ako kaagad. Maginatay ka sa loob malamig dito.” Sinuot niya sa leeg ko yung scarf niya.
Bakit?
“Teka!” tumigil siya sa paglalakad.
“What?”
“Bakit ang bait mo sa akin ngayon?”
Ano meron?
“Because its Christmas, I want to have a gift from santa claus.” Ngumisi siya. “May tatanong ka pa?”
Ang gulo….ang gulo ng nararamdaman ko…
“Wa-wala na….para kang bata….hanggang ngayon naniniwala ka parin kay Santa.”
Binigyan lang niya ako ng isang ngiti at tuluyan ng umalis. Habang nakita ko siyang naglalakad palayo pinilit kong pigilan ang pagbuka ng bibig ko.
Bakit gusto ko siya pigilan? Bakit ang lungkot ng pakiramdam ko? Babalik naman siya…..pero bakit ganeto ang nararamdaman ko?
Lumipas ang segundo, minuto, oras….bawat paglipas ng isang oras parang isang taon na ang pakiramdam ko.
Umupo na lang ako sa isang upuan ng isang café na malapit sa building. Habang nakatulala napansin kong sinara na ang pintuan ng building na pupuntahan namin dapat. Napabuntong hininga na lang ako.
Hindi na siguro dadating yun uuwi na lang ako….hay…Sayang yung pinangbayad sa ticket magkano rin to no. Porket mayaman siya!
Tumayo na ako at nagbalak ng umalis, paalis na sana ako ng makita ko ang isnag hinihingal na lalaki sa harapan ko. Si Yu.
“Ano? Wala na huli ka na, sarado na yung sightseeing building.” Sabi ko sa kanya.
“….” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Naglakad kami papalayo.
“Oi teka saan mo ako dadalhin? Sa kabila ang sakayan ng taxi pauwi!” pilit ko tinatanggal ang pagkahawak niya sa kamay ko.
“Basta, tumahimik ka na lang.”
Dinala niya ako sa isnag park at doon sa park na yuon ay may hagdanan papunta sa taas ng isang bundok.
“Close your eyes.”
“Ha bakit?”
“Just listen to me.” tinakpan niya yung mata ko. Dahil wala akong makita inalalayan niya akong umakyat sa hagdanan. Ng makaakyat na kami sa pinaka taas tinangal na niya yung blindfold sa mata ko pero nakapikit pa rin ako. “Okay you can open your eyes now.”
“Ano ba kasi mero-.” Naputol ang pagsasalita ko ng makita yung view na nasa harapan ko ngayon. Ang galit at naiinis na expresyon ko kanina ay napaltan ng isang malaking ngiti.
“Happy now?”
“Ang ganda!!” sabi ko habang tinitingnan ang view na nasa harapan ko.
Ang ganda ng view ng nasa harapan ko ngayon. Nagkikintaban ang mga christmas lights na nakasabit sa mga puno ng park habang sa dulo naman ay makikita ang highway at ang mga ilaw ng mga sasakyan doon ay parang sumasayaw. Kapag pumikit ka maririnig mo ang mahihinang kanta na pang christmas at mararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin.
“Wow!! Haha ang ganda!!” sabi ko na para bang bata. Tumingin ako kay Yu. “Bakit mo ako dinala dito?” nagtataka kong sabi.
“Because its troublesome if you start sulking and blaming me later. Although this place is not tall as the sightseeing building.” Lumapit siya sa akin.
“…Ganun ba…..” ngumiti ako. “Pero hindi ko makita yung sa dulo, sa sightseeing building kasi may malaking telescope dito wala.”
Nagulat ako ng bigla siyang pumunta sa likod ko at nilagay ang kamay niya sa mata ko at nagform ng parang telescope.
“Anong ginagawa mo?”
“Ayan may telescope ka na may reklamo ka pa?”
“Wow grabe nakikita ko.” I saidsarcastically. Tinangal na niya yung kamay niya at pumunta sa katabi naming vending machine.
Binato niya sa akin yung isang can ng hot coffee.
“Thanks.” Binuksan ko to at ininom. “Ha…ang sarap….” Kinuha niya ito at uminom rin. “Ah! Bakit ininuman mo?” galit kong tanong.
“I bought it so I have the right to drink it.”
“Ayan may away mo na tuloy.” Pinunasan ko ito. Habang pinupunasan ko ito nagulat ako ng bigla siya lumapit sa akin at hinalikan ang labi ko. Sa sobrang gulat ko nabitawan ko yung kape.
Pagkatapos niya ako halikan tumingin siya ng deretso sa mata ko at saka tumingin doon sa nahulog na lata ng kape.
“Such a waste…” pinulot niya ito at binato sa basurahan.
“…Ba-ba-bakit mo gi-gi-ginawa yuon?” pautal-utal kong sabi.
“Because I want to……” tumingin siya sa mata ko ng deretso at saka ngumisi pero agad ring bumalik sa seryosong expresyon ang mukha niya. “You know what...if you make that kind of expression I won’t control myself…”
“A-anong expresyon….?” Iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
“That kind of expression.” Hinawakan niya yung pisngi ko. “Your cheeks are hot even though its so cold, maybe because your blushing so hard….A….Ami…”
Eh? EH~!! Bakit niya sinasabi yung pangalan ko ngayon?? Bakit hindi na lang china girl ang itawag niya sa akin?
“Its getting cold……This is an order from your master…let’s kiss. Let’s kiss and make this coldness disappear.”
“Eh? A-a-a-ano pinagsa-sa-sabi mo…ayoko nga.”
“…Then I just have to force you.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. Pinikit ko ang mata ko dahil alam kong hahalikan niya ako pero lumipas ang ilang segundo wala akong naramdaman. Dinilat ko ang mata ko at nakitang nakatingin lang siya sa akin ng may isang ngisi sa mukha niya.
“You thought I’m going to kiss you, didn’t you?”
“Wha-!” tinulak ko siya. Halatang pinipigilan niya ang pagtawa. “Ewan ko sayo bahala ka nga diyan.” Naglakad na ako papalayo.
“Oi!” hinabol niya ako. “Hey, do you want to kiss for real?”
“Mmph!! EWAN KO SAYO!!” tumakbo ako pababa.
Nakakainis yang lalaki na yan akala niya nakaktuwa yung ginagawa niya….nakakainis….lalo na sa sarili ko!! Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko??! Nakakainis na talaga!!
AIRPORT
“Papa gusto ko na po siya puntahan ngayon.” Sabi ng isnag magandang babae na may itim na buhok.
“Bukas na lang sigurado ako pagod na yun.” Sabi naman ng isnag matandang lalaki.
“Sige na nga.” Ngumiti yung babae. “Sa wakas magkikita na rin tayo, my beloved Yu.”
----------------------------
OMG sino kaya tong girl?? Sino yung hula niyo? Kung alam niyo secret lang muna. Bulong niyo sa akin. Haha Well don’t forget to COMMENT and VOTE guys!! By the way yung pic sa gilid ay yung costume ni Ami nung x-mas party.
And also an announcement! Naka 1k reads na ang FGSG!! Yey sana continue niyo lang ang pagsupport sa story ko!! Sobrang saya ko talaga! Thank you so much talaga!!
Next chapter is Volume 3 na!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro