Chapter 23 Injured
Fragile Girls vs Sadist Guys
Chapter 23______________________________________
Ami POV
“Then how about going out with me. Prez let’s date.”
“Eh?” saktong pagkasabi niya non’ biglang sumulpot si Anj sa harapan namin. Nandoon si Anj nakatayo halatang gulat sa sinabi ni Franz nandoon rin si Yu na nakasunod sa kanya.
“So-sorry…” paalis na sana siya pero hinawakan ko yung kamay niya at pinigilan siya.
“Anj nagkakamali ka!” hindi siya kumibo. Hinila ni Yu ang hawak-hawak kong kamay ni Anj at hinawakan rin ito. Hindi ko namalayan na nakabitaw na pala ako sa kamay niya naglakad na sila palayo.
Anong gagawin ko?
Tuluyan na naming hindi siya nakita.
“…A…anong gagawin ko ngayon….?” Gusto ko silang habulin pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Agad kong nilapitan si Franz at hinawakan ang kohelyo niya. “Kasalanan mo lahat to, anong gagawin mo kapag nasira ang pagkakaibigan naming dalawa.”
Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Bakas rin sa mukha niya ang sakit at gulat na nararamdaman niya.
“Hi-hindi ko sinasadya….hindi ko namang alam na nakatayo pala si Anj doon…sasabihin ko na sanang joke lang ang lahat pero hindi ko na nagawa nung makita ko si Angela.” Binitawan ko ang kohelyo niya.
“Please naman Franz huwag mo akong idamay diyan sa katorpehan mo!” paulit-ulit lang siyang nagsorry. Napabuntong hininga na lang ako. “For know hanapin na lang muna natin sila at magpaliwanag.”
“Si-sige.” Sabi niya halatang natatakot. Tinapik ko yung likod niya.
“Sorry na nasigawan kita kanina. Huwag kang magalala baka naprapraning lang tayo hindi naman siguro masisira ang pagkakaibigan natin sa ganoong bagay. Basta dapat maipaliwanag natin sa kanya para hindi na lumaki yung gulo.”
“Yeah.”
Naglakad na kami palayo para hanapin sina Angela at Yu.
Yu POV
“Angela…” hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit. “Are you okay?”
“Okay lang ako don’t worry.”
“Bakit hindi ka nagalit sa kanila?” galit kong tanong.
“Hindi na okay lang….wala tayong magagawa kung sino ang gusto ni Franz pero medyo nasaktan lang ako kasi hindi niya sinabi sa akin….” Pinilit niyang ngumiti. Pagkakita ko sa masakit na expresyon sa mukha niya niyakap ko siya ng mahigpit.
“You shouldn’t force yourself…stop smiling like that.” Niyakap rin niya ako.
“I’m not forcing myself Yu….I’m not…” napansin kong may tumulong luha na galing sa kanyang mga mata.
“Angela…” pinunasan ko ang mga luha niya.
Pagdating kay Angela gagawin ko ang lahat basta hindi siya umiyak dahil sa ibang tao. I’m the only one allowed to make her cry. For others I might look like a sadist but when she’s invloved I will do anything to show her my kind side.
Tinanggal ko na ang pagkayakap ko sa kanya.
“Wait here.”
“Saan ka pupunta?”
“Don’t worry it won’t be long….I’ll come back immediately. Pero kapag natagalan ako bumalik ka na lang sa baba ng bundok.” Pinipigilan niya ako pero hindi ko siya sinunod. Iniwanan ko na siya at hinanap yung dalawa.
Nagkasalubong kaming dalawa nung babae na ayaw kong makita si China (Ami).
“Chuahua!” sinalubong niya ako. “Nasan si Angela kaylangan ko ipaliwanag sa kanya ang lahat.” Nakaramdam ako ng galit na umakyat sa ulo ko.
“How can you explain it to her? ‘I’m sorry joke lang yun’ ganun lang yon’ huh?! You know what you’re such a selfish girl, ang iniisip mo lang ay yung sarili mo hindi mo ba alam kung ggano nasakatan si Angela sa pinagagawa niyong dalawa?”
“Kaya magpapaliwanag diba!”
“No need, magpapagulo lang yan sa isipan niya.” Kitang kita ang inis sa mukha niya lumapit siya sa akin at hinawakan ang kohelyo ko.
“Ano bang pake mo! Problema namin to ni Anj at saka kapag nasira ang pagkakaibigan namin ikaw ang magiging dahilan dahil ayaw mo akong bigayan ng oras para mapaliwanang ang lahat.”
“Ha! Nanisi ka pa talaga. I’m not the one who is going to destroyed your friendship, it’s you.” Inalis ko yung pagkahawak niya sa kohelyo ng damit ko, madali ko tong naialis.
“….Hindi…pwede….AYOKO!”
“Ayaw? It’s your fault don’t blame it to others. I wonder what would you do if you’re in the sanme position as her. After getting rejected by the guy she loves she found her friend flirting with that guy and her friend knew that she was rejected by that guy.”
“Flirt? Hindi ako nakikipag flirt sa kanya dahil hindi ako ganung tao!”
“Anong tawag mo don casually talking to each other? Rinig na rinig ni Angela na niyaya ka ni Franz na makipag date.”
“Mali nga ang iniisip niyo pasalitain mo muna kasi ako! Hayaan mo akong magexplain!” pilit niyang sabi.
Ngumisi lang ako.
“Sa tingin mo pakikinggan ka pa ni Angela? I don’t think so.” Iniwan ko na siya doon. Naglakad ako papalayo sa kanya ng hindi man lumilingon.
Ami POV
‘I’m not the one who is going to destroyed your friendship, it’s you…’
Ako ang nagsira ng pagkakaibigan namin? Bakit ba nangyayari to sa akin? Bakit ganoon siya makatingin sa akin….talaga bang niisang karampot na tuldok diyan sa puso niya wala akong pwesto? Bakit niya pinagtatangol si Angela? Hindi man lang ba nila pakikinggan ang side ko?
‘I wonder what would you do if you’re in the sanme position as her.’
Hindi ko alam…ano nga ba ang dapat gawin kung nasa situwasyon ako ni Anj…
Malalim kong inisip ang sagot, alam ko na ang sagot matagal ko ng alam ito pero ayoko isipin na ganun rin ang gagawin niya. Ang tanging kasagutan lang na umiikot sa utak ko ay tapusin na ang pagkakaibigan naming dalawa.
Siguro para sa taong katulad ko na walang puso yaan ang gagawin ko pero para kay Anj hindi naman siguro.
Pinilit ko na lang isipin na patatawarin ako ni Anj.
Habang nakatulala at malalim ang iniisip nagstep back ako ng kaunti pero hindi ko namalayan na wala na pala akong inaapakan. Nadulas ako, mabuti na lang nakakapit ako sa isang maliit na ugat ng puno pero manipis lang ito kaya any minute pwede itong pumigtas.
Tiningnan ko kung gaano kataas ang bangin na huhulugan ko nung pagkatingin ko sa baba tanging hamog lang ang nakikita ko. Naalala ko na nasa halos pinaka taas na kami ng bundok. Sa pagiisip ko kung anong mangyayari sa akin kapag nahulog ako sa bangin bumaba lahat ng dugo ko sa katawan para bang naflush lahat to sa toilet.
Siguro parusa sa akin to ni Lord dahil naging makasarili ako tanggap ko naman sa totoo lang gusto ko na ngang bumitaw dito pero syempre hindi pwede yun hindi naman ako ganung katanga.
Pero kapag namatay kaya ako mamimiss kaya nila ako…
Habang nage-emoting ako nangyari na ang hinihinala ko, pumigtas yung hawak-hawak ko na ugat. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at inintay na mahulog sa isang malamig at matigas na lapag.
…
….
Huh? Wait lang hindi ba ang tagal naman ata ng paghulog ko….wait hindi ba gento yung sa movie na journey to the center of the earth??
Dahil sa pagtataka dinilat ko ang mata ko. Ang nadatnan ko ay si Franz na hawak ang kamay ko ng mahigpit para hindi ako mahulog. Inalalayan niya ako bumalik sa taas and finally nakatapak na ulit ako sa lapag.
“What the hell are you thinking prez!?”
“Haha mabuti na lang niligtas mo ako nakalimutan ko kasi magsulat ng suicide note.” Patawa kong sabi. Nagulat anaman ako ng bigla niya ako hinila at niyakap, nakaupo pa rin kami sa maduming lapag.
“Don’t scare me like that! How can I face Anj if I let you die?!”
Sabi ko na…..kaya niya ako niligtas para kay Angela.
“And also…I don’t want you to die. Prez malapit na ang foundation day paano makakasurvive ang school kung wala ka?” binigyan niya ako ng isang nakakhawang ngiti.
Ngumit rin ako at inalis ang pagkayakap niya sa akin.
“Ikaw talaga Smiley hanggang ngayon SC activities pa rin ang iniisip mo. Pero….aaminin ko….natakot rin ako ng kaunti…..hindi ako natakot na mamatay natakot ako na baka kapag namatay ako walang iiyak para sa akin…” binatukan niya ako ng malakas. “Aray! Bakit mo ginawa yun!” hinimas-himas ko yung ulo ko.
“Sinong nagsabi na walang iiyak sayo, si Anj sa tingin mo hindi iiyak yun? For sure siya ang unag hahagulgol sa puntod mo kulang na lang bumaha na doon at alunin yung kabaong mo.” Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Pinapasaya mo ba ako?” siniko ko yung bewang niya.
“Not really. Bumalik na kaya tayo sigurado ako hinahanap na tayo ng mga teachers.”
“Sige.” Pagkatayong-pagkatayo ko nakaramdam ako ng sakit sa may tuhod ko. Dahil sa sakit na out of balance ako mabuti na lang nasalo ako ni Franz.
“Anong problema?”
“Masakit yung tuhod ko…” lumuhod siya para tingnan yung tuhod ko. “May sugat ka.” Yumuko ako at tiningnan ito. May tumutulong mainit na dugo sa pareho kong tuhod siguro nasugatan ito ng kumaskas kanina sa isang bato nung muntik na akong mahulog.
“Oo nga no…”
“Kaya mo bang maglakad?”
“….Tatry ko.” Sinubukan kong tumayo pero nang nagstraight na ang pareho kong legs nakaramdam ulit ako ng matinding sakit at hapdi. “Hi…hindi eh…”
“Ganun ba.” After he said that he crouched with both of his hand is in the back of his waist. He was in a position were he was ready to carry someone and give her a piggyback ride.
“A-ano yan?” pagkukunwari kong hindi ko alam ang ginagawa niya. “Natatae ka ba?” napabuntong hininga na lang siya.
“I’m waiting for you to ride at my back.”
“Huh??”
Naalala ko bigla ang sinabi ni Yu kanina sa akin.
‘After getting rejected by the guy she loves she found her friend flirting with that guy’
“Hindi pwede!”
“Bakit?”
“Basta hindi pwede!!” sumeryoso bigla yung itsura niya.
“Dahil ba baka makita tayo ni Angela at magkaroon na naman ng misunderstanding? Okay lang kasi gagawin ko naman ang lahat para maniwala siya na misunderstanding lang ang lahat. At saka sigurado ako kapag nakita ka niyang may sugat tatakbo kaagad sayo yun.”
“Ang tapang mo naman……sana kaya ko rin yan…..”
“Kaya mo rin yan prez ang sungit mo nga sa school. Kaya sumakay ka na sa likod ko.”
“….” No choice ako dahil hindi ako makalakad kaya sumakay na ako sa likod niya at binuhat niya ako. Isang piggy back ride. Nagsimula na siyang maglakad pababa.
Pagkababa namin kitang-kita ang tensyon ng ibang estudyante. Habang naglalakad si Franz at buhat-buhat ako narinig ko na nawawala si Anj.
Pinilit ko si Franz na ibaba ako para hanapin siya pero sabi niya ihahatid muna niya ako sa clinic para magamot ang sugat ko at siya na lang raw nag maghahanap. Sinabi rin niya sa akin na siguradong okay lang si Anj, siguro sinabi lang niya yuon para kumalma ako pero halatang halata sa mukha niya ang takot at pagaalala.
Tumingin ako sa unahan namin at nakitang nagmamadaling naglakad si Yu pabalik sa bundok. Kahit nakita niya nabuhat-buhat ako ni Franz dinaanan lang niya kami na para bang hindi niya kami kilala. Hindi. Para bang hindi niya kami nakita.
Naramdaman kong tumibok ang sugat ko sa tuhod.
Ang sakit.
Pero may mas masakit sa ibang parte ng katawan ko.
Ang puso ko.
Bakit hindi ako ang hinahanap mo?
Bakit hindi ka nagaalala para sa akin?
Bakit hindi mo ako pinansin?
Pansinin mo ako.
Iba’t ibang emosyon at katanungan ang nasa isip ko ngayon hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng matinding sakit sa puso ko.
I’m the worst. Tama nga si Yu napaka makasarili ko. I’m so selfish. Kahit alam kong baka mapahamak si Anj dahil sa akin, kahit alam kong gusto na tumakbo ni Franz at hanapin si Anj sarili ko pa rin ang iniisip ko.
Pagkadala ni Franz sa akin sa clinic naisipan pa niya sana gamutin yung sugat ko dahil wala ang nurse pero sinabi kong huwag na. Sinigurado muna niya kung okay na ako bago siya umalis.
“Franz gusto ko rin tumulong sa paghahanap sa kanya!”
“Huwag ka ng makulit…hindi mo kaya…makakadagdag ka lang sa problema.” Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. “Magpahinga ka na lang diyan.”
“…Sige na nga! Siguraduhin mong mahahanap mo si Anj ah. Sige na alis na chupi.” Pinilit kong ngumiti.
“Leave it to me. Don’t do anthing stupid just stay here.” Tumango na lang ako. Lumabas na siya ng kwarto at naglakad papalayo.
Tumayo ako para kunin ang gamot pero na out of balance ako at nadapa.
Ang sakit.
Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa lapag na galing sa mata ko.
It’s so frustrating that I can’t even do a thing for my best friend.
----------------------
Don’t forget to vote and comment! My updates this week are short too busy at school. Sorry!! No pic again for today. I will edit it if I finish the whole story thanks again for those who are reading this!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro