Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21 Broken Kiss

Fragile Girls vs Sadist Guys

Chapter 21______________________________________

Ami POV

“Oi Chuahua bilisan mo na nga diyan! Malelate na tayo.” Inis kong sabi sa kanya habang kinakatok yung c.r.

Ngayong araw ang araw na pupunta kami sa bagyo para sa one week retreat namin. Merong iba’t ibang activities na gagawin; mountain climbing, environment cleaning, strawberry farming at marami pang iba.

“Eto na lalabas na.” lumabas na siya ng c.r. pero tanging tualya lang ang nakatakip sa baba niyang katawan.

“WHA-!! GYAAAAH! YUCK MAGBIHIS KA NGA!” tinulak ko siya.

“…” lumapit siya sa akin. “Imagining something?” ngumisi siya.

“ARGH!!” tumakbo ako papalabas ng kwarto.

Kahapon pa siya! Kahapon hinalikan niya ako ng hindi man sinasabi kung bakit….sa tingin ba niya normal lang na gawin niya yun! Babae rin ako no! At saka bakit nakakaya niya gawin ang mga bagay na yuon sa taong hindi naman niya gusto o mahal…..argh! Bahala na nga!

Dahil sa inis na una na akong pumasok sa school.

“Ami!!” niyakap ako ni Anj.

“Good morning.”

“Morning….hah~ nakakaantok….ang aga namin kasi…” sabi niya habang nahikab.

“Hindi ka lang talaga sanay.”

4:05 ngayon ng umaga. Dahil matagal ang byahe kaylangan maaga kaming umalis.

“CHINA!”

“Geh….Anj tago mo ako.” Nagtago ako sa likod niya pero wala rin itong silbi. Hinila ako ni Yu.

“You better be prepared for your punishment.” Naglakad niya siya papalayo at sinalubong si Franz.

“Ano raw yun?” tanong ni Anj.

“Haha…kahit ako hindi ko alam kung ano….”

“Hayaan mo na yun baka may morning sickness.” Bulong niya sa akin.

“Baka nga.” Nagtawanan kami.

“OKAY PUMUNTA NA KAYO SA SASAKAYAN KUNG SAAN KAYO NAKA LISTA!” malakas na sabi ng isang teacher.

“Halika na.” pumunta na kami ni Anj sa sasakyan.

Pagkasakay ng mga 3rd year at 4th year students sa kani-kanilang sasakyan agad na kaming nagbyahe. Ang ibang maarteng estudyante na ayaw sumabay sa iba ay nagpahatid sa kanilang magagarang sasakayan. Pero mas marami pa rin ang pinili na sumakay kung saan nandoon ng mga classmates nila.

“…”

“…”

Nasa pinakalikod ako ng sasakyan at pinag gigitnaan ni Yu at Anj. Ang arrangement namin ay….

Franz-Angela-Ako-Yu

“HAH~ inaantok pa ako…” sabi ni Anj.

“Kung gusto mo matulog iiga mo lang yung ulo mo sa braso ko.” Sabi naman ni Franz.

“Sorry ah…gigising rin ako after an hour.”

“Okay lang. Matulog ka na.” iniga na niAnj ang ulo niya sa braso ni Franz at tuluyan ng natulog habang si Franz ay nakinig na lang ng music at pinikit na rin ang mata.

Ang mga nakasakay sa sasakyan na sinasakyan namin ay ang batch ng clase namin. Halos lahat ng nakasakay ay natutulog rin.

“…” iniwas ko ang tingin ko kay Yu.

Nagulat na lang ako ng biglang iniga niya ang ulo niya sa braso ko.

“Oi. Alisin mo nga yang ulo mo baka may makakita.” Bulong ko sa kanya. Inalis niya ito, kinuha niya ang isang earphones na galing sa bulsa niya at ikinabit ito sa cellphone niya.

“Just keep quiet and let me sleep.” Sinuksok niya ang isang earphone sa tenga ko habang ang isa ay sa kanya. Muli niyang ipinahnga ang ulo niya sa braso ko.

“…..Bahala ka nga.”

Inabot ng anim na oras at kalahate ang byahe namin. Sa wakas at nakarating na rin kami sa Bagyo.

“Ang lamig….” Sabi ko habang nanginginig.

“You look like an idiot. Kapag pumunta ka sa America or Europe para lang tong summer sa kanila.” Sabi ni Yu.

“Hindi ko iniingi ang opinyon mo.”

Ang hinintuan namin ay isang malaking hotspring hotel na Japanese style.

“Napaka ganda ng hotel na ito.” Sabi nung isang babae.

“Ganeto rin yung hotel na tinirhan namin na nireserve ni mama when we went to Japan last vacation.” Maarteng sabi nung isang babae.

Hay….okay na sana pero hindi talaga maiwasang walang spoiled at b*itch sa mga mayayamang school.

“Ami mag roomates tayo.” Masayang sabi ni Anj.

“Talaga, mabuti naman. Pero akala ko may apat na students sa isang room?”

“Apat nga. Ang dalawa pa nating kasama ay si Yu at Franz pero don’t worry may divider naman yung kwarto.”

“Okay….pero sure kang safe? Si Chuahua ang pinaguusapan natin dito…makulit matulog yun.”

“Haha makapagsalita ka naman parang nakatabi mo niya sa kama.”

“EH? Hindi ikaw talaga. Sinasabi ko lang yun kasi nga diba Chuahua siya. Ang mga ganung klaseng aso ay makulit diba…ah basta! Halika na nga.”

“Nagegets kita don’t worry.” Pumasok na kami sa loob.

“Anj. Buhatin ko na yung maleta mo.” Tinulungan ni Franz si Anj sa pagbuhat ng maleta nito.

Mabuti pa si Franz napaka gentleman habang tong si Chuahua….hay nako talaga.

Napansin ni Yu na nakatingin ako sa kanya.

“…” nagbuntong hininga siya at saka inabot yung maleta ko. “You better prepare a reward after this. Instead of 5 minute service make it ten.”

“Teka lang! Wala naman akong sinabing buhatin mo yan diba.”

“The way you look at me was like a puppy begging her owner to pet her.”

Kinulit ko siya na ibigay sa akin yung maleta pero hindi niya ito ibinigay hanggang sa nakaabot na kami sa kwarto. Pagkatabi namin ng mga bagahe namin agad kaming pumunta sa isang kwarto kung saan magaassembly muna lahat ng students na kasama.

Pagkatapos iexplain ng teacher ang rules at regelations para sa linggo na ito nagproceed na kami sa unang event at yuon ay free time. Para sa unang araw kami ang bahala kung ano ang gusto namin gawin.

“Hay sige iwan niyo ko magisa.” Pagtatampo kung sabi.

Magisa ako ngayon nagiikot sa Bagyo, si Angela kasi ay kasama si Franz. Niyaya niya ako na sumama sa kanila pero syempre ayokong makiostorbo sa kanila dahil chance na ito para magkaroon ng improvement sa relationship nila. Habang ang iba namang members ng SC ay may kanya-kanya rin na grupo.

Paikot-ikot lang ako sa buong city of Bagyo kaya agad akong napagod.     Sa paglalakad ko may nakita akong tagong park kaya naisipan kong umupo muna at magpahinga. Saktong pagpasok ko sa park may nakita akong isang familiar at nakakainis na mukha.

Si Yu.

“…” tumabi ako sa kanya ng tahimik para hindi niya ako mapansin.

“Bakit ka nandito?” masungit niyang tanong. Dahil bigla siya nagsalita nagulat ako.

“Ano ba! Ginulat mo na naman ako….bakit masama bang pumunta sa park?”

“Did you miss me already?”

“Miss mo mukha mo. Coincidence lang ang lahat, napagod ako sa kakalakad kaya naisipan ko magpahinga at nakita ko tong park na to. That’s all.” Binuksan ko yung payong dahil mainit. Tumayo na ako at naglakad papalayo pero bigla niya ako hinila at binato sa damuhan.

“Aray bakit mo ginawa yun!!” sabi ko habang hinihimas-himas yung pwet ko.

“My 10 minute service.” Pumatong siya sa akin. Nasa may damuhan pa rin kami. Isa siyang park kaya malinis ang iniigaan namin.

“HA?! As in ngayon na? Naloloka ka na ba pati ba naman sa public place nagaactivate yang kabastosan mo.”

“Master’s orders is absolute.”

“Sorry pero this time hindi kita masusunod.”

“Then I will do the first move.” Yumuko siya para halikan ako pero agad kong tinakpan ang bibig ko.

“Remove your hand.” Seryoso niyang sabi, umiling ako.

Nilagay niya ang isa niyang kamay sa likod ko habang ang isa ay sa likod ng ulo ko. Pilit kong inuusuod ang mukha niya gamit ang is ako pang kamay. Nakatakip pa rin ako sa bibig ko.

“….Stop resisting.” Umiling ulit ako.

Ramdam kong may ibang tao na pumasok sa park. Nasa tago kaning lugar kaya malabong may makakita sa amin at saka nakatakip sa amin yung payong na binuksan ko kanina.

“If you don’t hurry they might see us and if that ever happens your reputation as the SC president will be destroyed.”

Nakaramdam ako ng takot, nagsimula ng tumubig ang mga maa ko. Alam ko na kaunti na lang maiiyak na ako pero pinigilan ko ito.

“Hurry up. If you don’t want that to happen.”

“…” wala na akong nagawa kundi sumuko. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay na naka harang sa bibig ko. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at inintay na matapos ang lahat.

Inintay kong halikan niya ang labi ko pero hindi ko ito naramdaman. Dinilat ko kaunti ang mga mata ko, napansin kong nakatitig lang siya sa akin.

Ano na naman ang problema niya?

Bigla siyang tumayo at iniwan ako ng parang wala lang.

“WHA-!” hinabol ko siya kaagad. “Tumigil kang lalaki ka!” hinawakan ko yung kamay niya.

“Did you expect me to ki-.” Hindi ko na siya pinatapos pa, sinampal ko ang mukha niya ng malakas. Sa sobrang lakas muntikan na siyang mapaupo sa lapag. Hindi ko pinansin na may ibang tao na nakakita sa amin ang tanging nasa isip at puso ko lang ay kahihiyan at galit.

“I was humiliated! Napaka kapal ng mukha mo! Hindi lang dapat sampal ang abutin mo eh. Hindi lahat ng babae susunod sa mga gusto mo! Hindi lahat ng babae mapapaluhod mo at mapapahalik mo diyan sa mamahalin mong sapatos!”

“…That hurt…” sabi niya habang hinawakan ang namumula niyang pisngi.

“Eto na ang huli! Hindi na mauulit ang pagsunod ko sa mga kalokohan mo. Dapat pala sumama na lang ako kay kuya sa Amerika! Sinayang ko lang ang araw ko sa lalaki na katulad mo!”

“…So what do you mean you’re not gonna follow my orders anymore.”

“Oo!”

“Even if you know what circumstances you can encounter.”

“Bahala ka sa buhay mo. Sorry pero hindi na ako takot. Gawin mo na kung anong gusto gawin.”

“…FINE. I will do what you want. Don’t even think of coming back to my house crying and begging for help.” Naglakad na siya papalayo.

“Hindi mo na kaylangan sabihin!!” tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. “….”

Nakakainis! Hindi na ako takot sayo kaya hindi mo na kaylangan ipaalala sa akin….

Akala ko pa naman kahit kaunti naiintindihan na niya ako at naiintindihan ko na rin siya….yuon pala puro imahinasyon ko lang lahat….dibale na hindi siya malaking kawalan sa akin.

Tama okay lang yan….eto rin naman ang plano ko sa umpisa eh, ang umalis sa walang kwentang lalaki na yuon.

---------------

Yu POV

“I was humiliated! Napaka kapal ng mukha mo! Hindi lang dapat sampal ang abutin mo eh. Hindi lahat ng babae susunod sa mga gusto mo! Hindi lahat ng babae mapapaluhod mo at mapapahalik mo diyan sa mamahalin mong sapatos!”

She said it herself….I can do what I want so even if I announce her secret to everyone its okay.

“Yu!” may tumawag sa pangalan ko. Si Angela.

“Cry baby, what’s wrong? Being such a crybaby again.”

“Huwag mo akong tawaging crybaby! Tama na nga yang pangangasar mo sa akin. May kaylangan ako tanungin sayo. Nakita mo ba si Ami?”

“….She was at the park just now.”

“Park? Thanks!” aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

“Leave her alone.”

“Bakit? Hulaan ko nagaway na naman kayo no. Hay nako bakit pag magkasama kayo lagi na lang kayo nagaaway.”

“We didn’t fight it was just an argument.”

“Pareho lang yun mas pinalala mo pa eh.”

“She was the one who started it.” Sabi ko parang bata.

“Di nga. Palagi naman yan ang sinasabi mo eh. Kapag nagaaway kayong dalawa dati ni Franz nung elementary sasabihin mo palagi na siya ang nanguna pero ang totoo ikaw talaga ang dahilan.”

“…..You really easily understand me…”

“Syempre matagal-tagal na rin tayong magkasama! Childhood friend kaya kita.”

“Yeah….but compare to her….she doesn’t even understand a thing about me.”

“ ‘her’? Si Ami ba ang tinutukoy mo? Akala mo lang siguro yun…feeling ko nga mas maraming alam si Ami tungkol sayo unlike ako. Mga bagay na mas personal….nakakaingit…haha joke.”

“….Is there something you want to know?”

“Eh? Wala naman.”

“Don’t worry you can ask anything.”

“…Hmm….sige. May nagugustuhan ka bang babae ngayon?”

“….Yeah, I have someone in my mind now.” Seryoso kong sabi.

“Siya pa rin ba?”

“No….do you want to know?” ngumisi ako.

“….Huwag na. May isa pa akong tanong.”

“Ano yun?”

“How do you feel about Ami.”

“China?.........for me….she’s a very troublesome girl. Minsan magsasalita siya ng mga bagay na ayoko marinig.”

“Yuon lang?”

“Yeah. More questions?”

“Wala na. Sige na pupuntahan ko pa si Ami.” Paalis na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. “Ah…nagtext si Ami. Bumalik na raw siya sa hotel.”

“….Hm…”

“Balik na rin tayo.” Naglakad na kami papuntang hotel. Habang naglalakad may tinanong ako sa kanya.

“By the way where’s Franz?”

“Ah….tungkol duon……haha…..I was rejected…” mahina niyang sabi habang pinipilit na ngumiti. Tumigil siya sa paglalakad.

“Eh?” napatingin ako bigla sa kanya.

“Kaya ko hinahanap si Ami para sabihin sa kanya. Sa kanya ko sana una sasabihin.”

“What did you just said.”

“Ang sabi ko….binusted ako ni Franz…hindi raw ganun ang tingin niya sa akin. Alam ko naman eh…pero hindi ko lang talaga nakayanan itago ang nararamdaman ko.”

“That guy!” napuno ng galit ang buong katawan ko. Dahil sa galit naisipan kong hanapin si Franz.

“Huwag! Hayaan mo na….i’m okay…” pinigilan niya ako.

“Okay? It’s so obvious that he’s lying!” Umiling siya. “Hindi ko kayang umupo na lang at makita kang nasasaktan ng ganyan alam mo namang-.” Tinakpan niya ang bibig ko.

“Please huwag mo na ituloy ang sasabihin mo…dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil sa akin…” halatang-halata sa mukha niya na pinipilit niyang pigilan ang pagiyak niya.

“Angela….” Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. “If you want to cry, shout, it’s okay…don’t push yourself….you can be a crybaby just for today….don’t worry I’m here….for you…”

“Y…u….” niyakap rin niya ako ng mahigpit at umiyak ng malakas.

I can’t be distracted by other things…..the person I need to focused on…the girl that I need to hold in my arms…..the person I need to protect….is her…only her….a girl with small and fragile shoulders……Angela….

---------------

Ano kaya ang ibig sabihin neto?? Ano kaya! Huwag mong sabihin ang fragile girl na nasa title ay si Anj?? Paano si Ami tuluyan na kaya sila magkakahiwalay ni Yu??

Don’t forget to VOTE and COMMENT, maraming salamat po sa inyong lahat!! Ang pic sa gilid ay yung scene nina Ami at Yu kanina sa park.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro