Chapter 18 Brotherly Love
Fragile Girls vs Sadist Guys
Chapter 18______________________________________
Ami POV
“Then. Good bye, China. Our contract ends here. You’re free.”
Kahapon biglaan na lang tinapos ni Yu ang kontrata namin na magiging servant niya ako hanggang graduation kapalit ng sekreto ko na pagiging isang normal at mahirap na studyante sa isang pangmayaman na school.
At ngayon nandito ako sa isang condominium kasama ang kuya ko at nagaayos ng mga papeles para sa paglipad namin papuntang America. Gabi na pero nagaayos pa rin kami.
“Ami. Ami!”
“Wha-!”
“Kanina pa kita tinatawag nakatulala ka lang diyan.”
“So…sorry. Ano ulit yung tinatanong mo?”
“Hay. Huwag na, pumunta ka na lang sa kwarto mo. Gabi na rin naman eh matulog ka na.”
“Pero.”
“Sige na tulog na.” tinulak niya ako papunta sa kwarto. “Good night, sweet dreams.” Sinarado na niya ang pintuan.
“…” pumunta ako sa balcony ng kwarto at tiningnan ang labas.
Hindi ko man nakikita ang school dito…..kahit yung bahay niya…..ARRGH! AMI! Huwag mo na siyang isipin! Kalimutan mo na yung duwag na yun!
Naisipan kong matulog na lang para hindi ko na siya maisip pa.
Makalipas ang ilang oras hindi pa rin ako makatulog.
“Hindi ako makatulog…….”
Gusto ko ng katabi….keylan pa ako nasanay na may katabi……siguro dahil mahigit isang buwan na rin akong tumira sa bahay niya.
<<<<<<<<
“Oi! Chuahua umalis ka diyan!” pilit ko siyang tinutulak.
“Ayoko.”
“Umalis ka na diyan! Alis na!”
“Kiss me first.” Nagpout siya.
“….Lola DALIA! SI YU OH SEXUAL HARRASME-.” Tinakpan niya ang bibig ko.
“Eto na aalis na.” umalis na siya.
“Hehe.” Nag victory sign ako habang siya ay inis na inis.
<<<<<<<<
“…..Hindi ko siya namimiss!” habang nakatingin sa kesame pumipikit na ang mga mata ko ng paunti-unti hanggang sa nakatulog na ako.
Akira POV
Nasa dorm ako noon kasama si Justaway (Justine) ng tumawag si Mr.President (Yu).
Krrng Krrng
“Aki may natawag.” Tinuro ni Justine yung cellphone ko. Kakatapos ko lang kasi maligo noon.
“Hello?”
[Hello. Can we talk right now.]
“Ano naman kaya ang gusto pag usapan ni president sa ganetong oras.” Umupo ako sa kama sa tabi ni Justine.
[It’s about…your sister.]
“Kay Ami?” sumenyas si Justine na lalabas muna siya kaya umoo ako. Lumabas na siya. “Ano meron kay Ami?”
[….Pinapayagan na kita na isama mo siya sa America.]
“Bakit biglang nagbago ang isip mo? Hindi naman ako interested marinig ang sagot mo pero nakucurious lang ako.”
[I got tired of her that’s all.]
“Really? I don’t think that’s the real reason.”
[…..Just now…she was sleeping.]
“Anong ginagawa mo sa kapatid ko?” galit kong tanong.
[She was just sleeping in the floor with her pet so I carried her into our room.]
“Talagang kaylangan ipagmayabang na sa kwarto ‘niyo’ siya natutulog. Di bale na so ano meron sa pagtulog niya.”
[….She was calling your name….in her dreams. While crying.]
“Hmm, ako na ang magdudugtong. Kaya ka pumayag dahil nakokonsensya ka dahil kahit kayo ang magkasama ako ang hinahanap niya. Tama ba ako?”
[You’re almost got it right. The correct answer is, if she is going to call your name in her sleep everyday I won’t get enough sleep. So take her and leave, I had enough with that girl.]
“You’re not honest with yourself, just admit that you also like my sister.”
[What are you talking about, she’s my toy I don’t have any romantic feelings for her. That’s right I don’t love her…..because…….nothing. That’s all I wanted to say, bye.]
Binaba na niya ang telepono saktong pumasok na rin si Justine.
“Anong pinagusapan niyo?” tanong niya na halatang hindi interisado.
“Wala naman tungkol lang sa napaka cute kong sister.” Masaya kong sabi. “Tulog na tayo.” Pumunta na siya sa kama niya.
The next day sinundo na kami ni Ami ng family car namin at hinatid kami sa condominium na tinitirihan namin ngayon habang iniintay ang flight namin next week.
Pero simula ng pumunta kami sa condominium palagi ng nakatulala si Ami para bang may malalim na iniisip.
Ginusto ba niya talaga na sumama sa akin? Baka mamaya napipilitan lang siya…pero wala ng urungan. Kahit bawiin pa ni Mr. president ang desisyon niya hindi ko na ibibigay si Ami sa kanya.
Maghihirap lang ang kapatid ko sa kanya.
Yu POV
“Arf.”
“Nn…” dinilat ko ang mata ko. “Haru….Maru…” katabi ko sa kama ang dalawa kong alaga.
“…”
I see…kaya pala maganda ang tulog ko. Wala na yung babaeng malakas humilik.
“Arf…” lumungkot ang itsura nung dalawang hayop.
“Iniwan ka na ng amo mo. Kalimutan mo na siya.” Pinet ko ito. Tumayo ako at nagayos na.
Pagdating ko sa school maraming nagiiyakan na babae.
“So early in the morning….so noisy…” sabi ko habang naglalakd sa corridor at nakamot ng ulo.
“Yu! Alam mo na ba yung balita?” tanong ni Franz sa akin.
“What news?”
“Na lumipat na si Prez. Ami. Si Anj walang tigil sa pagiyak doon sa classroom.”
“….Every one of you….hay…” pumunta ako kaagad sa classroom. Pagkapasok ko doon nakita ko si Angela na pinalilibutan ng iba pa naming classmate at pinapatahan siya.
“….Hic…bakit bigla na lang siya umalis ng hindi sinasabi sa akin?” tanong niya sa gitna ng pagiyak.
“Oi Crybaby, I thought you already graduated from being a cry baby.” Pangaasar ko sa kanya, tumingin siya ng masama sa akin. Agad siyang tumayo at sinampal ako.
“SHUP UP YU!”
“…”
“Anj!” pinigilan siya ni Franz sa pagsampal ulit sa akin.
“Alam mong aalis siya diba! Bakit hindi mo siya pinigilan!”
“I don’t even care what might happen to her. And also she’s with his brother so it’s okay.”
“EWAN KO SAYO! Alam mo kung anong tawag sayo? COWARD! DUWAG! Bahala ka sa buhay mo!” tumakbo siya papalabas hinabol siya ng iba pa niyang kaibigan na babae habang si Franz ay nagpaiwan. Kaming dalawa na lang ang natira sa classroom.
“Ano ba kasi talagang nangyari?” tanong niya. Dinedma ko siya at umupo na lang sa upuan. “No answer…”
“Wala naman kasi talaga akong alam.”
“Yu, you can lie to others but not to me and Angela. We know if you are lying or not.”
“…”
“Nung isang araw nangingi si Prez ng advice sa akin. Sabi niya meron raw siyang kaibigan na palaging sinesexual harrassment ng isang sadista. Etong sadista raw na ito ay palaging nakangisi o nakasimangot pero isang araw bigla na lang raw nagkaroon ito ng malungkot na expresyon.”
“Anong pake ko sa kaibigan niya.”
“Ang slow mo rin bro. Yung tinutukoy niyang sadista ay ikaw. Nabalitaan ko tinanong ni Anj sayo kung bakit ka malungkot, kaya niya tinanong sayo yun kasi sinabi ni Ami sa kanya. Ang unang nakapansin na malungkot ka ay si Prez.”
“I’m not sad or anything. I only wanted her to dissappear in my sight. Because she’s very similar to….her…”
“….” Hindi na nagsalita si Franz.
“Yuon lang meron doon.”
“I don’t think so. Magkaiba silang dalawa, magkaibang-magkaiba. Siguro masyado ka nakafocus sa pagalala sa ‘kanya’ na hindi mo na namamalayan na all this time hindi mo tinitingnan si prez bilang si prez.”
“….”
“Bro isa lang ang masasabi ko, nagiging out-of-character ka na naman. Isa kang sadista diba…sa inaasta mo para ka na lang isang typical na torpe.” Pinalo niya yung likod ko.
“Haha you’re the one to talk.”
Ami POV
Tweet tweet
“Nn….”
“Gising na umaga na.” may umaalog sa akin.
“Ano..ba…maya na ang aga pa eh….” Inis kong sabi.
“Gising na.”
“Sabing mamaya na…ang aga-aga umaasta ka na namang parang Chuahua.”
“Chuahua?” napaupo ako bigla.
“Ku…kuya. Ikaw pala…..sorry.”
“Okay lang. Alam kong mahirap kalimutan ang kinasanayan mo pero after a week makakalimutan mo rin siya at masasanay ka rin na ako ang gigising sayo.”
“Yeah alam ko…..”
Bakit naisip ko na naman si Yu….nakakainis na talaga….after one week makakalimutan ko rin siya….tama si kuya…malilimutan ko rin siya kaagad.
“Kuya pwede bang pumunta ako sa school? Hindi pa kasi ako nakakapagpaalam kayna Anj at sa iba kong kaibigan.”
“Hindi pwede.”
“Bakit?” gulat kong tanong. “Dadaan lang naman ako ah.”
“Pagsinabi kong hindi, hindi. Magayos ka na kakain na tayo ng breakfast.”
“….S..sige…” lumabas na siya ng kwarto.
Bakit ayaw niya? Ano bang masama sa pag bisita sa kanila.
Habang kumakain kami ni kuya hindi kaming nagkwentuhan o nagsalita man sa isa’t isa. Sa pagkakaalala ko nung bata kami masaya kaming nakain dalawa.
Buti pa nung nasa bahay ako niya…..
<<<<<<<<<<<<<<<<<
“How many times do I have to tell you that you need to eat in the other side of the table.” Pagsita ni Chuahua sa akin.
“Ayoko! Hindi ako sanay na nasa dulo ng lamesa. Saka yung lamesa niyo 10x mas mahaba sa dining table namin.”
“…Then sit beside me but you have to feed me. Come on feed me, ah~.” Binuka niya yung bibig niya halatang nagiintay na subuan ko siya.
Kinuha ko yung ketchup at nilagay sa kutsara mabuti na lang nakapikit siya kaya hindi niya ito nakita. Sinubo ko to sa bibig niya.
“Puweh! Is that ketchup?”
“Haha correct.”
Uminom siya kaagad ng tubig, ayaw kasi niya sa ketchup.
“Bakit ba hate na hate mo yang ketchup?”
“Hindi mo ba alam na gawa sa pusa yan.”
“Ha? Pusa, saan mo naman narinig yan?”
“Are you an idiot or what. The spelling of ketchup is ‘C-A-T-S-U-P’. See, when you read it properly it’s called ‘cat soup’ how can you eat a condement made from those fluffy things.” Galit niyang sabi.
“….Pfft hahahaha! Ang tanga mo Chuahua!”
“Me? An idiot, hah! Baka ikaw yun.” Nagsimula kaming magaway.
“MASTER! MADAM! Nasa hapagkainan po kayo.”
“...” tumahimik kami at bumalik na sa pagkain.”
>>>>>>>>>
Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako.
“Ami? Bakit ka nakangiti?”
“Nakangiti ako, hindi ah.” Sabi ko habang pinipigilan na ngumiti.
“….Lil’ sis sinong inaalala mo?”
“Inaalala….wala naman.”
“Si mr.president ba?”
“Si kuya naman ang daming tanong. Oo aaminin ko siya ang inaalala ko bakit pati ba yun bawal?”
“Oo.” Napatigil ako sa pagkain.
“Ba…bakit?”
“Ako ang kasama ngayon at gusto ko ako lang ang iniisip mo. Ako lang at wala ng iba.”
“Sumosobra na ata yang pagiging sister complex mo. Tayo na ang magkikita araw-araw pati ba naman sa isip ko kaylangan ikaw rin ang laman.”
“Ami.” Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at hinalikan ito.
“Kuya?”
“Ami…..please listen carefully. The words that I’m about to say please take it seriously.”
“A-ano ba yon?”
“I..I love you.”
“….Ano bang pinagsasabi mo. Syempre mahal rin kita.”
“Pero ang pagmamahal ko ay iba sa pagmamahal mo. Mahal kita bilang isang babae hindi bilang pamilya o kapatid na may parehong dugo na dumadaloy sa katawan natin”
“Pero kuya alam mo namang.”
“Tama, hindi pwede ang ganetong klase ng pagamamahal. Pero gusto ko rin gawin ang mga bagay na ginagawa ng lalaking yon sayo. Ang yakapain ka, halikan ka.”
“…”
“Gagawin ko lahat kahit ito ang magpapabago sa relasyon nating dalawa.” Hinila niya ako at binuhat, dinala niya ako sa kwarto niya, nagsimula na akong matakot.
“A-anong gagawin mo?” nilagay niya ang pareho kong kamay sa taas ng ulo ko at hinalikan ako. “Nn!”
Bakit niya ginagawa to? Eto ba yung kuya na kilala ko?
“Ami. Mahal kita.” Sabi niya sa gitna ng paghalik sa akin.
“Tek-mmph.” Hindi ako makalaban.
Natatakot ako? Anong mangyayari sa akin?
“Mabilis lang to. Kaya huwag kang matakot.” Sinimulan na niyang tanggalin ang damit ko.
“Huwag. Kuya please.”
Hinalikan niya ang leeg ko pababa hanggang sa umabot na sa tiyan ko ang kanyang malalamig na labi.
I can’t give in. Even though his my brother I need to fight back. This is wrong. We can’t do this. Tulong……….
Maiiyak na sana ako pero pinigilan ko ito.
Ami! Alalahanin mo kung anong ginagawa mo kay Yu kapag pumapatong siya sayo at tinatangka niyang halikan ka!
Mabilis kong inangat ang tuhod ko kung saan tumama sa pinaka sensitive na part para sa lalaki. Namilipit siya sa sakit at dahil nawala ang pagkahawak niya sa pareho kong kamay ginamit ko ang tiyansang iyon para tumakas. Tumakbo ako papalabas kahit halos kalahati na ng katawan ko ay hubad.
“AMI!!” hinabol niya ako. Dahil sa ginawa niya nanghina ang katawan ko kaya mabagal ang pagkatakbo ko. Pero sakatong nakabukas yung elevator kaya pumasok ako kaagad. Sumara na ito bago pa niya ako maabutan.
“Haa…hah…” umupo ako sa lapag ng elevator habang hinihingal.
Bakit niya ginawa yun…siya ba talaga yung kuya ko? Bakit…….
Nanginig ang buong katawan ko sa takot at tumulo ang mga luha galing sa mata ko.
“…Hic…” inayos ko ang damit ko habang nanginginig pa rin ang katawan ko at patuloy pa rin ako sa pagiyak.
….Natatakot ako….paano kung pagbukas ng pintuan na to….nasa labas si kuya…..ayoko siyang makita…paano kung gawin niya ulit sa akin yuon….
Ting
Tumunog na ang elevator at bumukas na ito. Hindi ko inaasahan ang taong nasa labas. Hindi to si kuya. Siya si….
-------------
Sino kaya yung tao na nakita niya?? Comment niyo kung sino bago basahin yung next chap! Don’t forget to vote and comment! Yung pic sa gilid ay si AMI at AKIRA yung kuya niya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro