Chapter 11 Sis Com
Fragile Girls vs Sadist Guys
Chapter 11______________________________________
Ami POV
Saturday ngayon at 10:00 na pero nakaiga pa rin ako sa kama at mahimbing na natutulog. Ang dahilan ay ang second day ng sports festival na naganap kahapon, bilang president ng student council marami akong ginawa kahapon kahit hindi pa nagaling ang pilay ko. Napilayan ako sa unang araw ng sports fest dahil sa isang lalaki at yuon ay si Yu Sogo ang pinaka sadistang lalaki sa mundo at dahil sa isang black mail naka tira na ako ngayon sa bahay niya bilang isang servant.
Tweet tweet tweet
Nagising ako sa pagawit ng mga ibon sa labas. Dinilat ko ang aking mga mata.
“Nn….hm?” may napansin akong kakaiba. Dahil ang katabi ko ngayong araw ay isang babae hindi isang chuahua (Yu Sogo). Pinikit ko ang mata ko at baka nananaginip pa rin ako pero nakailang ulit akong pumikit at dumilat hindi nagbago ang mukha ng nasa harapan ko.
Pero kapag tiningnan ko ang mukha niya ng mabuti kamukhang-kamukha niya si Chuahua(Yu Sogo).
“Um….sino ka?” umayos ako at umupo.
“Nnn!” uminat siya at umupo rin. Humarap siya sa akin at ngumiti.
“Anong pinagsasabi mo ako si Yu.”
“Ha? Paki ulit po…”
“Ako si Yu Sogo ang master mo.”
“Haha nakakatawa naman ikaw ang Yu Sogo na kilala ko ay isang lalaki.”
“I want you to keep this as a secret but I’m actually a woman.”
“Eh?......” namutla ako.
Babae si Chuahua? Di nga? Ibig sabihin ang first kiss ko ay isang babae….!
Namutla ako bigla.
“Haha…ganun ba….”
“Yeah.” Ngumiti siya.
May pumasok sa loob ng kwarto.
“Oh you two are finally awake.” Sabi ng isang lalaki na kamukha ni Yu.
“Huh?......teka….hindi ba ikaw si Chuahua……”
“Nananaginip ka pa ata.”
“May dalawang Yu Sogo.”
“Oi, kanina ka pa ano bang pinagsasabi mo.” Inis na sabi nung lalaking Yu Sogo.
“Pero sabi niya siya raw si Yu Sogo at ang sabi rin niya babae raw talaga si Yu Sogo.” Tinuro ko yung babae na katabi ko sa kama at nakangiti pa rin siya.
“What are you talking about, she’s my sister.”
“Sis…ter….HAAAA?!!”
“Hehe…naloko kita.” Tumawa siya.
----
LIVING ROOM
“My name is Yuna Sogo ang ate ni Yu.” Masigla niyang sabi.
“Hay…kaya pala magkamukha kayo. Naloko mo ko doon ah….”
“Just accept the fact that you’re an idiot.” Sabi ni Yu.
“Ewan ko sayo!”
“Hahaha pero nagulat rin ako ng makita kong may katabi si Yu sa kama na babae.”
<<<<<<<<<<<<several hours ago
“Welcome back madam” bati ni Lola Dalia sa kanya.
“I’m home. Dapat kahapon pa ng gabi ako uuwi pero marami kasing inisikaso sa company.”
“Hindi niyo ho dapat pinagod ang sarili niyo. Magpahinga na ho kayo, halika ihahatid na kita sa kwarto.”
“Si Yu?”
“Si master po ay tulog na.”
“Ibig sabihin nasa kwarto siya, gugulatin ko siya.” Umakyat si Yuna sa taas papunta sa kwarto ni Yu.
“Teka lang po madam huwag po kayo tumakbo!.....si madam talaga hindi pa rin nagbabago.”
“Yu! Gising n-.” napahinto siya ng makita niya ang babae na katabi ni Yu, si Ami.
Who is she? Her girlfriend? As expected of my little brother he’s already sleeping with a girl in one bed or maybe she’s just a playmate?
“Yu….” Ginising ko siya.
“Ate!”
“Shh, baka magising mo yung girl.”
“….”
“Sa labas na tayo mag usap…” tumayo si Yu at lumabas ng kwarto.
“Sino yung girl?”
“My servant.” Sabi niya habang nilalagyan ng kape ang baso ni Yuna.
“Napaka sadista mo pa rin talaga. Mukhang mabait siyang babae dapat alagan mo siya mabuti.” Humikab siya.
“You should rest already, its bad for your health.”
“Tama ka….hmm….ang tagal ko ng hindi nakakaiga sa kama mo. Pwede bang doon ako matulog sa kama mo?”
“……okay….just for today.”
“Yey! Thanks little bro.” niyakap ni Yuna si Yu.
>>>>>>>>>>>>>Now
“So…ano ka talaga ni Yu? Ayaw kasi sabihin sa akin ni Yu yung totoo eh.”
“I already told you she’s my servant.” Inis na sabi ni Yu.
“Imposible, ngayon lang ako nakakita ng isang servant-master relationship na mahimbing na natutulog sa isang kama. So ano talaga ang relationship niyo? At saka ano ulit ang pangalan mo?”
“Ah..ako si Ami Sanchez, classmate ni chuahua at…..ang current niyang…..la..”
“La? Lover?!”
“Hindi po…..la..laruan…”
“Eh? Laruan? Lil bro! Paano mong nagawang gawing laruan ang isang napaka gandang babaeng ito.”
“…”
Tinawag niya akong maganda nakaktuwa naman…
“…Hay…nakakaturn off siguro ang kapatid ko no.”
“I agree with that.” Umoo ako.
“Isa rin siyang spoiled brat.”
“Tama ka po diyan para po siyang isang spoiled na chuahua.”
“….Ami….mukhang magkakasundo tayo. Nice to meet you.” Nagshake hands kami.
“Same here.” Hinila siya ni Yu.
“I’m starting to get irritated. Setting that aside…ate bakit hindi tayo magikot sa mall?” Sabi ni Yu na parang bata na may isang malaking ngiti.
Huh?
“Sige na nga. Ami maiwan ka muna namin ah.”
“Si…sige…”
“Bilisan mo! Hahaha!” hinila niya si Yuna papalayo habang umaasal ng parang bata.
“Si…sino yuon?”
“Nakakagulat no ibang iba si sir kapag kaharap niya si ma’am.” Sabi ni Liz.
“Liz, bakit ganon siya? Si chuahua ba talaga yuon….nakakadiri yung ngiti niya.”
“Ganyan talaga si master kapag kasama niya si ma’am Yuna.” Sabi naman ni Lola Dalia.
“Lola….”
“Noong bata si master maaga siyang naulila sa kanyang mga magulang. Ang nanay niya ay iniwanan siya habang ang tatay naman niya ay hindi nagawang bigyan siya ng attention. Tanging si madam lang ang kakampi niya sa bahay na ito at si madam na rin ang tumayong pangalawang nanay ni master Yu.”
“Pero bakit ngayon lang umuwi si Ate Yuna? Nagtatrabaho ba siya sa ibang bansa o…”
“Hindi ho siya nagtatrabaho o ano man. Siya ay nagpapagaling sa America dahil bata palang si madam may mahina na siyang katawan. Hindi siya dapat napapagod kaya hindi siya ang ginawang tagapagmana ng kopanya ng pamilya nila.”
“…ganun ba….kaya pala ang saya ni Chuahua….
“Hayaan mo na muna silang magbonding dahil matagal rin silang hindi nagkita.”
“Tama ka po…”
Several hours later…
RESTAURANT
“So, you went back to the Philippines to visit your fiancé’s family?”
“Yeah, simula ngayon madalas na ang pagpunta ko sa Pilipinas kaya palagi na tayong magkikita.”
“Really? I’m happy.” Nagblush si Yu habang nakangiti.
“Masaya rin ako.”
“Once you married you will start living here in the Philippines we can meet anytime we want, right?”
“Tama ka.”
“Ang saya ko!” masiglang sabi ni Yu.
“Ako rin.”
“Wah…ibang iba nga siya….” Sabi ni Franz habang nakatelescope at tinitingnan sina Yu at Yuna.
“Pfft haha hindi ko na kaya, kita mo ba yun Anj nag blush siya haha.” Mahina kong sabi habang pinipigilan na tumawa ng malakas.
“OMG hindi ko na kaya pigilan ang tawa ko…” sabi ni Anj habang pinipilit rin na hindi tumawa.
“Huwag kayo masyado maingay baka marinig tayo.” Pagsita ni Franz. Umoo kami.
Dahil nakakatuwa ang mga ekspresyon na ginawa ni Yu kanina agad kong binalita ito kayna Angela at Franz. Pero dahil hindi ko pwede sabihin sa kanila na kaya ko nalaman na umuwi ang ate ni Yu ay dahil nakatira ako sa bahay nila ngayon kaya ang dinahilan ko na lang ay nakita ko siya na may kasamang babae na parang ate niya na naglalakad sa mall.
“Ngayon ko lang nakitang ganyan si Yu. Siguro dahil hindi pa namin kilala ang ate niya. Sa pagkakaalam ko sa Amerika siya nakatira dahil madali siyang magkasakit.”
“Yeah, this is also the first time I saw her.” Sabi naman ni Franz.
“Mas lalo naman ako.”
Haha I’m such a liar parang kani-kanilang magkatabi kami sa kama. Now that I think about it….hindi pala ako pwede makita ni ate Yuna dahil baka mabuking ang sekreto namin ni Yu.
“Haha marami na naman tayong nakita, hayaan na natin sila.”
“Eh~ Ayoko gusto ko pa makita.” Pagrereklamo ni Anj.
“…..sige na nga…”
Siguro hindi naman kami mahuhuli niyan…
“I’m a little worried. The air in the Philippines is completely different in America, It’s polluted. It might ruin your health.” Seryosong pagaalala ni Yu. “Tingan niyo yuon oh merong namumuong smog.” Tinuro niya ang labas sa may bintana.
Pagkatingin ni Yuna sa labas bigla siyang tumingin sa amin at binato ang plato niya sa amin.
Gyaaaaah!!
“Lil bro nasaan? Wala naman eh. Hm, nasaan yung plato mo?”
“Hindi kasi masarap kaya tinapon ko sa basurahan.”
“Hay hanggang ngayon mapili ka pa rin sa pagkain.”
“Ate sa iba na lang tayo kumain meron akong alam na mas masarap na restaurant.”
“Sige kung yuon ang gusto mo.” Umalis na sila.
“Arrgh nakakainis meron tuloy yung buhok ko.”
“Teka huwag kang gagalaw tatanggalin ko.” Sabi naman ni Franz habang pinapagpag ang kanin na nasa ulo ni Anj.
“…Basurahan na pala ang tingin niya sa atin. Lagot sa akin yung chuahua na yuon!” galit kong sabi.
“….Hayaan na natin sila, huwag na natin istorbohin ang bonding ng dalawang magkapatid. For a man they need a place where they can lower his guard. Specially for a guy like Yu, who carries on stubbornly and refuses to rely on others.” Sabi ni Franz habang pinupunasan ang mukha ni Anj.
“……….Tama ka….sige uwi na tayo…magpapanggap na lang ako na wala akong nakita.”
Gin POV
“Isa ngang lolly lollipop.” Binigay ko ang bayad. Nabili ako ngayon sa candy corner ng makita ko ang sadista kong estudyante na si Yu Sogo kasama ang isang babae na kamukha niya.
Ate niya?
“Yu may friend ka ba sa school?”
“Friend?” napaisip siya. Nakita niya ako at bigla siyang ngumisi.
“Him.” Tinuro niya ako.
“Huh?”
Bakit ako tinuturo niyan?
Lumapit sila sa akin.
“What a coincidence, my friend.” Inakbayan niya ako, dahil mas matangkad ako sa kanya tinaas niya kaunti ang paa niya para maabot ako.
“Huh? Since when did I became your friend.”
“Sir. friendship is not decided upon they’re something that happens naturally.” Binulong niya sa akin.
“Ikaw ang kaibigan ng kapatid ko? Palagi na lang matatanda ang mga kaibigan mo, last time nung nasa park tayo sinabi mo kaibigan mo yung lolo na nakaupo doon sa bench.”
“Oi, oi lahat ba ng makikita mo kaibigan mo?” pabulong kong tanong sa kanya.
“Don’t worry even if he look old his mind has an age of a fifteen year old.”
“Hindi mo ba narinig yung sinabi ng ate mo? Mas matanda ako sayo….oi…..galang-galang din pag may time.”
“Nandito na rin na man tayo sa mall bakit hindi natin isama ang kaibigan mo sa pamamasyal.”
“Eh? Ah sorry may pupunta-.” Naputol ang pagsasalita ko ng biglang kinurot ni Mr.Sadist ang likod ko.
“Sasama ka diba?” sabi niya habang may malaking ngiti na parang nagbabantay.
“My sister has a weak lungs she can’t be stressed. Kaya pumayag ka na lang.”
“Hindi pwede? *Coughs*” tuloy-tuloy siyang umubo.
“….Papayag ka diba, kasi magkaibigan tayo.”
Lahat ba ng tao sa pamilya nila ay ganeto? Isang salita ko lang….
Nagbuntong hininga ako.
“Sige na nga! Tagabuhat, alalay, gawin niyo na lahat sa akin.”
“Yey!”
-------
Yuna POV
Gabi na ng makauwi kami ni Yu.
“Sure ka na sa bahay ng fiance mo ikaw matutulog? Bakit hindi ka na lang muna magstay sa bahay?” tanong ni Lil’ bro.
“Gusto ko sana kaya lang marami pa akong aasikasuhin dito.”
“I see, you should go now. Pumasok ka na sa loob.”
“Yeah………Yu….”
“What is it?”
“Alam na ba niya na nandito ako sa Pilipinas?” iniwas ni Yu ang tingin niya sa tingin sa akin.
“You won’t see that bastard, I won’t let you. When i called him last night the only thing he said was ‘I see’, he’s such a heartless bastard.” Tumalikod siya.
“Ganun ba….hindi pa rin talaga siya nagbabago.” Ngumiti lang ako.
Beep! Beep!
“Oi tumabi nga kayo diyan anong ginagawa niyo sa tapat ng bahay ko?” may isang familiar na boses ang narinig ko. Bumaba ang isang lalaki sa kotse.
“……Ho…..ran….”
“Ikaw…”
Biglang dumilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.
Yu POV
“Bumuti na ang kanyang kalagayan pero mas makakabuting kung dadalin niyo siya sa ospital bukas.”
“Maraming salamat.” Pagkatapos magpasalamat ng nanay ng fiance ni ate umalis na ang doctor.
LIVING ROOM
“…”
“….How unexpected that Mr.Nicotine(Sir. Horan, adviser nina Yu noong hindi pa co-ed ang school) is the brother of my sister’s fiance.”
“Tumahimik ka kung ayaw mong masuntok.” Inis niyang sabi.
“You only have two choices. Leave this house or leave this house.”
“Pareho lang yon eh!”
Tumayo ako at nilapitan siya.
“I won’t let you make my sister cry again. I don’t know what happened in the past but after she fainted just seeing your face I finally understood that you did something. You don’t even understand my sister, kahit keylan hindi siya sasaya kapag kasama ka niya.”
Hinawakan niya bigla ang kohelyo ko at tiningnan ako ng masama.
“Tama ka hindi ko siya kaya pasayahin, pero huwag kang magsalita ng parang alam mo ang nangyari. Kids should just keep quiet and keep out in the problem of adults.” Binitawan niya ang kohelyo ko.
“….” Magsasalita na sana ako ng biglang sumigaw ang nagaalaga sa ate ko.
“Yuna! Yuna!”
Tumakbo kami sa kwarto kung nasaan ang ate ko. Pagkapunta namin doon nakita naming patuloy na umuubo si ate.
“Ate!” lumapit ako sa kanya. “Call the ambulance!” utos ko sa mga katulong, agad silang tumawag.
“Yuna kaya mo yan!” sabi ng nagaalaga sa kanya habang hinihimas ang kanyang likod.
“….Augh! Augh! *cough* *cough* H………..an……”
“May sinasabi ka ba saan masakit?” tanong nung isang katulong.
“Ho…….ra….n….”
“!” nagulat si Horan.
Pinaulit-ulit niya ang pangalan na ‘Horan’ hanggang sa nawalan na ulit siya ng malay. Makalipas ng ilang minuo dumating na rin ang ambulansya at sinugod na siya sa ospital.
----------
Ano ng mangyayari sa ate ni Yu at ano ang relasyon ni Sir.Horan kay Yuna? Next chapter will be Yuna and Horan’s POV pahinga muna nag apat nating main characters…! Don’t forget to VOTE and COMMENT! Ang pic sa gilid ay si Yuna!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro