Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3 - The Hunt for His Name

His phone dinged, but was too lazy to mind it. Hindi pa siya nag-aalmusal.Hanggang ngayon ay para bang nag-iwan ng masamang lasa si Andre sa dila niya.Lahat ng kainin niya ay parang may problema. May dala bang virus si Andre kayasiya nagkakaganito? Dadaan na muna siguro siya sa clinic mamaya bago siyaumakyat sa kuwarto. There is a decent size clinic in the island, with a full timephysician and nurse on duty.

Katatapos lang niyang tumakbo. He's trying to cool down, standing beneath the shade of a palm tree lining the beach. Tinanghali na nga siya, pasado alas-nuwebe na. Pero hindi 'yon nakapigil sa kanya para gawin ang nakasanayan sa araw-araw.

Once again, his phone chimed. Sunod-sunod ang pagtunog nito na ikinairitaniya. Sa pagkakatanda niya ay ini-off niya ang lahat ng notifications sa gadget. Ugalina niya 'yon kapag lumalabas siya para mag-jogging. And he found out right awaythe reason why his phone has been making noise. Salubong kaagad ang kilay niFourth nang malaman ang rason. May kakaibang gigil ang bumangon sa dibdib niya.Gaya nitong wala pang laman ang sikmura niya kundi tubig, sobrang nipis ngpasensya niya ngayon.

Dominic Fortejo added you to FORTEJO BASTARD (LOL) group chat

Dominic Fortejo set his nickname to DomTheGreat

DomTheGreat: Miss you, mga tol. Reply naman sa greeting cards diyan.

"What the fuck is this? I don't have time for this."

Mabilis siyang nag-type ng sagot sa kaartehan ng kapatid. Actually, it wasn't a response per se. Isang simpleng middle finger lang ang isinagot niya sabay alis sa chat group na ginawa ni Dominic. Dalawa ang cell phone niya. Ang isa ay konektado sa numerong alam ng mga kapatid niya at mga taong nakadaupang-palad niya tungkol sa trabaho. His other number is only known to his uncle.

Pero hindi pa man naglilipat ang minuto nang maramdamam niya ang isangtapik sa balikat. Dahil nagulat, mabilis siyang umikot para mapagsino iyon. What hesaw deepened the creases on his forehead. A brunette stared back at him, with a deepdimple on her right cheek.

Sino 'to?

Wala siyang maalalang may nakilala siyang babae na ganito ang hitsura nitongmga nakaraaang araw. Simula nang dumating siya sa isla ay puro trabaho anginaatupag niya, maliban pa sa concerns sa resort. Marami siyang financial portfolio nani-review at kasalukuyang nire-review para sa mga kliyente niya. At the same time,he manages his own portfolio and keeps an eye on his various investments' stocks.

Naghahanap din siya ng buyer nitong property. Unfortunately, no one seems interested, which is unbelievable. Malaki ang perang inaakyat ng hotel at resort sa kanya. But the thing is, he doesn't want to stay in the country any longer. Umuwi lang siya para ipagbili 'yon sa iba at hindi kay Andre. Ayaw niyang maging contributor sa tagumpay ng lalaki. Hula niya ay hinaharang ni Andre ang mga prospective buyer. Inaasahan na niya 'yon pero ang hindi niya inaasahan ay kung gaano kabilis kumilos ang kapatid.

"What?"

"Hi! I'm Nia. What's your name?" the woman asked, eyes unblinking. The dimples on her cheeks deepened.

"Why do you want to know?" muling tanong ni Fourth.

Sumuyod ang mga mata niya mula ulo hanggang paa ng babae. He knows it's rude to do that, and a guaranteed move to disgust the woman. Sadya talaga 'yon, para lubayan siya nito. Unless may sapak ito sa utak at hindi tablan. And guess what? May saltik nga siguro 'tong babae kasi imbes na ma-discourage, aba lumapad pa ang ngiti.

The small body swayed a little from side to side, her hands clasped behind her back.Mukha itong manika. Maliit ang mukha, malalim ang biloy at bilugan ang mgamata. Her lips were set into a wide smile and they're pink. Hindi lang alam ni Fourthkung totoong kulay nito 'yon o dahil lang sa lipstick. The beauty industry these daysis on the rise. Uso na ang natural na makeup. The woman toed the white sand with herleft feet encased in a white rubber shoe.

Kalahati ng mga binti ng babae ay nababalot sa kulay asul na medyas. Blue din ang kulay ng suot nitong shorts, na hindi matukoy ni Fourth kung dating pantalon ba ito na pinutulan lang. Her white and blue top dwarfed her small frame, the sleeves touching her elbows.

"So I can address you properly," sabi ng babae.

"There is no need. Excuse me." Kaagad niyang iniwan ang babae.

*****

Hatid pa rin ni Nia ng tingin ang lalaki kahit na malayo na ito. Hindi pa rinmabura ang mga ngiti sa labi ng dalaga. Aliw na aliw siya sa pagpapalit ng emosyon sa mukha ng lalaki. Dadalawa lang naman kasi ang nasilip niyang rumehistro doon sa iksi ng panahong nakaharap niya ito. Pagtataka at pagkainis. Now, it makes her wonder how many emotions she could pull out of him if given the chance. Halata man ang kawalan ng interes ng lalaki sa kanya ay hindi 'yon nakapigil kay Nia.

Why, watching his face change is such a delight to her. Gustong-gusto niyaang pakiramdam ng kaalamang siya ang dahilan. Pasasaan ba at malalaman din niyaang pangalan ng lalaki. Maliit lang ang isla. And if there is something she is proudabout herself, it is her patience. Ngayong may nakapukaw ng interes niya bukod sapaglalaro ng mga kemikal sa laboratoryo, bigla siyang na-excite.

"Tara nang mag-research sa pangalan ni pogi!"

Kung sana lang ay naisip niyang kunan ng picture ang lalaki paramaipagtanong niya sa staff ng lugar. Natampal tuloy niya ang sariling noo dahilnawala 'yon sa isip niya. Pero sino ba namang makakaalala kapag ganoon kagwapoang kaharap mo? Working in the beauty industry, it wasn't her first time meetingsomeone so easy on the eyes. Pero may kakaiba talaga sa lalaking 'yon kanina.

His appeal is magnetic. Iyong tipong hindi mo alam kung ano ang humahatak sa 'yo. Matatagpuan mo na lang ang sarili mong nasa paligid niya. Kagaya ng nangyari sa kanya kanina. Even with Jared before, the attraction compared to Nia's past relationship was thousands of miles apart. What she had with Jared was something comfortable, slow and nice. Pero ito? Diyos na mahabagin.

"Wew!" Nia fanned herself.

Bumalik siya sa hotel, tuluyang kinalimutan ang planong maglalakad-lakad. May bago siyang misyon eh, ang alamin ang pangalan ng lalaking nakita niya kanina. Kung kaya diretso siya sa reception. Sakto namang walang guest na ini-entertain ang naka-duty roon kaya tuloy-tuloy ang paglapit ni Nia.

"Miss, puwedeng magtanong?" Binigyan ni Nia ng malapad na ngiti angbabae pati na ang kasama nitong lalaki.

"Sige po, Ma'am. Tungkol po ba saan?"

"Kilala n'yo ba 'yong...." Natigilan si Nia.

Ngayon niya na-realize na kahit ano'ng gawin niyang pag-iingat sa paggamit ng salita, kahit ano'ng bihis niya sa gustong itanong ay iisa lang ang dating: stalkerish. With those thoughts running in her head, she winced. Umurong ang dila niya, hindi mapagdesisyonan kung itutuloy ba ang pagtatanong o hindi.

"Yes Ma'am, go ahead po." Ang kasamang lalaki ng receptionist ang nag-udyok sa kanya.

It's now or never, she decided. Nag-alis muna siya ng bara sa lalamunan saka pinag-igi ang pagkakangiti.

"Ahmm...magtatanong lang sana ako tungkol sa isang guest. Nakita ko siyakanina, nakaitim. Itim na t-shirt, itim na track pants. Pati running shoes niya ay itimdin. Medyo mahaba ang buhok, abot hanggang batok niya. Tapos medyo singkit angmga mata. Matangkad, makinis at maputi ang balat. Mukhang suplado."

Nang magkatingingan ang dalawang staff ay parang gustong lumubog ni Nia sa kinatatayuan. Pero dahil nandito na rin lang siya, lulubusin na niya ang kahihiyan. Tatatlo lang naman silang nakakarinig. Kaya na niyang tiisin ang kahihiyan sa mga oras na 'yon. She had to know his name as soon as possible. May pakiramdam kasi siyang hindi 'yon ang una at huli nilang pagkikita.

"Isa lang naman po ang taong nagfi-fit sa description n'yo, Ma'am,"natatawang sambit ng lalaking staff.

Agad ang pagbalot ng tuwa kay Nia. But she reminded herself not to jump to conclusion or to hope too much. Walang makapagsasabing ang taong inilarawan niya ay iyon din ang tinutukoy ng kausap niya.

"Sino?"

"Si Sir Fourth po, may-ari nitong isla. Siya lang naman po 'yong nadaan dito mula pa kaninang umaga na nakasuot ng itim na running clothes. Saka pogi. Siya lang 'yon."

"Fourth? Is that his real name?"

Shucks. Pati pangalan, tunog pogi. Bagay na bagay sa kanya.

"Sebastian Fortejo po ang buong pangalan niya. Palayaw lang po 'yong Fourthat nakasanayan na ng marami," ang babae na ang sumagot.
"Talaga ba? Akala ko pa naman the fourth siya or something."

"Hindi na po namin alam ang history sa likod ng pangalan ni sir."

Tumango-tango si Nia. Kapagkuwa'y naglabas siya ng limandaan mula sawallet. She pushed the bill towards the two and smiled.

"May picture ba niya kayo?" muling hirit ni Nia.

"Wala po. Pero sa website po ng Fortejo Hotels and Resorts, may maiklingblog po doon tungkol sa pamilya Fortejo. May lumang pictures doon ang founder nasi Sir Henry pati na ang limang anak niya."

"I see. Maraming salamat, ha." Naglabas muli ng isang limandaan si Nia. She

pushed the bills towards the staff. "Dagdag sa pang meryenda n'yo."

"Naku, Ma'am. 'Wag na ho."

"I insist. Saka, 'wag n'yong isipin na suhol 'to kasi hindi naman ako nag-alokng pera kapalit ng impormasyong ibinigay n'yo sa akin. Tip 'to."

Wala nang nagawa ang babae kundi tanggapin. Matapos makapagpasalamat ay diretso si Nia sa restaurant ng hotel. Doon na niya balak magpatay ng oras hanggang sa magtanghalian. Hihintayin na lang niya doon si Cyrene para sabay silang mag-lunch. Pagdating sa restaurant ay um-order siya ng soda water. While sipping her drink, she went to the said website and started reading. Nang bumungad sa kanya ang larawan ni Fourth Fortejo ay napangiti si Nia.

"Yep, he is indeed the same person," aniya sa sarili. "May pinagmanahan angkaguwapuhan, my God. Gwapo rin ang mga kapatid. But he's the most beautiful inmy eyes. Ang unfair ng universe. Bakit pinaulanan ng yaman at kaguwapuhan angpamilya nila? Pati itong Lola nila, kagandang babae kahit mukhang masungit."

She simply swiped her finger on the screen and went back to Fourth's image. Sa huli ay hindi napigilan ni Nia na i-save ang nakapaskil na larawan ni Fourth sa website. Although the image was a little grainy, there is nothing modern technology can't do to enhance even badly pixelated images nowadays.

Fourth, Nia found out, has no social media. Hindi kagaya ng mga kapatidnitong madaling tuntunin ang digital footprints. Sa dami ng nahalukay niya sa internettungkol sa pamilya Fortejo, sobrang limitado lang ang tungkol ay Fourth. But notuntil she came across his old name Sebastian Locsin IV. Nang tuntunin ni Nia anglahat ng impormasyon kaakibat ng pangalan, iisa lang ang karaniwang source ng mgalarawan ng lalaki.
A guy named Ian Locsin III is connected with Fourth. Aktibo sa social mediaang lalaki, kasama ang partner nitong isang American. From his social media account,Nia learned that Ian Locsin is Fourth's maternal uncle. Halos fifty percent ng postsnito ay tungkol kay Fourth. There were images and clips of Fourth from when he wasa gangling teenager to his adulthood.

Kung bakit walang social media account si Fourth ay hindi niya alam. Ganoon pa man, aliw na aliw siya sa mga nakalkal sa account ng tiyuhin nito. In born na talaga sa lalaki ang pagiging guwapo. Apparently, the man grew up abroad with his uncle.

"Oh man, he is one handsome grouch," palatak ni Nia bago isinara ang pahinakung saan nakabalandra ang social media account ng tiyuhin ni Fourth.

Mission accomplished na siya. Alam na niya ang pangalan ng guwaponglalaking nakita niya sa beach kanina. Hindi rin niya maipagkakaila sa sariling interesadong-interesado siya sa lalaki. Her interest towards Fourth Fortejo is not just because of plain curiosity. Sa puntong ito, aminado si Nia na attracted siya sa lalaki.

Nangalumbaba siya, pinanood ang mga bula sa soda water sa basong nasatapat niya. Mukhang hindi magtatapos sa promotional event na magaganap angdahilan ng pananatili niya sa resort. Ang problema niya lang, hindi siya papayagangmanatili roon kapag tapos na ang event. Mapipilitan siyang umalis ng isla agad-agad.

"Unless I am a member, I will not be allowed to remain here," Nia mumbled to herself.

"Boss!" Two hands clapped her back. Si Cyrene. "Hindi ka man langnagsabing nandito ka na pala. Tinatawagan kita, hindi ka sumasagot. Gutom ka na baat inunahan mo na ako dito?" Cyrene settled on the chair across from her.

"Hindi. Sabi ko nga kanina ite-text kita para sabihin na dito na lang kita hihintayin para sabay na tayong mag-lunch." Napatingin si Nia sa paligid. "Teka, tanghalian na ba?"

"Oo kaya. Kanina ka pa ba dito?"

"I think? Dito ako dumiretso matapos kong maglakad-lakad. Nauhaw ako, eh."

"Ganoon ba? Wala kang poging natisod? Umasa pa naman ako."

Hearing those words, Nia's eyes sparkled. Agad namang napansin ni Cyrene 'yon. The woman literally bounced on her seat.

"Hala siya, meron? Seryoso, meron talaga, boss?"
Nangingiting tumango-tango si Nia, nahawa na rin sa excitement ng kasama.

"Yeah."

"Gwapo?"

"Naman!"

"Ano'ng pangalan?"

"Fourth Fortejo," Nia replied, a dreamy smile hanging on her lips.

"On a scale of one to ten?"

"Twenty."

"Mabait?" muling tanong ni Cyrene.

"Hindi. Masungit."

"Ay. Failed na 'yan," sabi ni Cyrene, halata sa boses ang panghihinayang.

It was then that Nia pulled Fourth's picture she saved on her phone earlier.

Pinalaki niya ang larawan saka iniharap kay Cyrene.

"Failed? Sige nga, kaya mong i-fail 'yan?" hamon ni Nia.

Cyrene squealed like a pig on a butchering block.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro