Chapter 2 - The King Who Dropped His Crown
For what seemed to be the endless time, Fourth sighed. Mula noon hanggangngayon, hindi nagbabago ang impresyon niya sa nakatatandang kapatid. Boses pa langni VeranoAndre ay tuyo na ang pasensya ni Fourth sa katawan. And who the fuckrevealed his location to his older brother? Hindi siya nagpasabing uuwi siya. Ang pinakahuling apak niya sa Pilipinas ay noong inilibing ang tatay nilang lima. Ang bilis lang ng anim na taon, ni hindi namalayan ni Fourth. Ngayon, sa dami ng sinasabi ng kapatid niya na puro paulit-ulit lang naman ay ngali-ngaling pilipitin niya ang leeg nito.
"Andre, for the last time, I am not selling you my inheritance," pigil ang inis na ulit ni Fourth. May kakulangan ba sa pag-iisip itong kapatid niya at hindi makaintindi?
"And for the last time, Fourth, I don't understand. Ayon sa sources ko, umuwika lang para hanapan ng buyer itong property mo. Alam mong matagal ko nanggustong bilhin ito mula sa 'yo. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit masmamatamisin mo pang sa iba mapunta kaysa sa akin. Hindi naman kita babaratin. Alam ko ang tunay na value ng lugar na ito."
Fourth snorted, trailing his eyes on the line of white along the beach as the saltwater kissed the sand. Noong una ay simpleng pagkainis lang ang nararamdaman niyasa kapatid. Kung umasta kasi ito, akala mo kung sino. Kagaya ng iba pa niyangkapatid, nakilala niya si Andre sa mismong araw ng burol ng tatay nila. Hindisiya malapit kanino man sa mga kapatid sa ama. Bakit pa? Apart from the fact that thefive of them came from the loins of Henry Fortejo, they share nothing in common.Humigop muna siya ng kape mula sa hawak na tasa bago muling ibinaling angitimang mga mata kay Andre.
Hindi niya tinangkang makipaglapit sa mga kapatid o sa lola nila. Somehow, Fourth feels insecure around them. Parang hindi siya nagfi-fit. Wala siyang kinalakhang mga magulang. Ang nag-iisang magulang na natira sa kanya ay maaga ring binawian ng buhay. True, his Tito Ian was there for him but he loathe to admit that it's not enough.
"I just don't like you. And you don't get to call me Fourth, we're not exactlyclose."
Sa narinig ay napailing si VeranoAndre. Mula nang dumating ito at magkaharap sila ni Fourth ay hindi ito nababakasan ng kahit na matipid na ngiti. It's not as if Fourth gives a fuck. He already has an annoying smiley brother in the person of Dominic. Lalong hindi na niya kailangan ng isa pa. Mauuna sigurong pumuti ang uwak kaysa sa makitaan niya ng ngiti si Andre Fortejo.
"And you allow such pettiness to get in your way to earn money? Hindi moako kailangang mahalin para sa ganyan, Fourth. Money is money, no matter whosehands it came from."
Nagkibit-balikat si Fourth bilang sagot.
"I can be petty as much as I want. Wala ka nang magagawa tungkol doon."
"Ano ba kasi ang problema mo sa akin? Inano ba kita? Wala akong matandaang pinakitaan kita nang masama para tratuhin mo ako nang ganyan."
"It's not you. It's me. Ano'ng magagawa ko kung noong unang pagkikita palang natin ay ramdam ko nang hindi kita gusto? Hindi ko puwedeng pilitin ang sariliko, Andre. At kahit ano'ng sabihin mo, ako ang masusunod kung ano'nggagawin sa property na iniwan sa akin ni Henry Fortejo."
"Our father, Fourth. He is our father."
"Mere specifics," blangko ang mukhang salungat ni Fourth sa kapatid, "atkung ano man ang sagot ko noon sa inaalok mo nang sadyain mo pa ako sa San Diegothree years ago, hindi nagbabago 'yon hanggang ngayon. A no is a no."
"Name your price."
Napailing na lang si Fourth sa tigas ng kapatid. Tumayo na siya. He stretchedhis arms towards the cloudless sky, his form lithe and graceful against the sunlight. Satangkad ni Fourth na anim na talampakan, nagawa niyang mapanatiling payat perosiksik ang katawan. He doesn't regularly go to the gym because he has no time forthat, and he's too lazy. Sapat na sa kanya ang regular na pagtakbo. The runs he doeseach day are just enough to burn the calories of what he ate for the day so it doesn'taccumulate and stay in his body. Masuwerte na rin siya dahil mabilis din angmetabolism ng kanyang katawan.
"It's not about the price. Ang kulit mo. Remember to leave before the day end,Andre. 'Wag mo nang hintaying ipakaladkad kita paalis ng isla."
Iyon lang at iniwan niya ang kapatid. He left his now cold coffee with Andre, not minding his brother's curses.
"Hindi ako susuko, Fourth! This and the rest of our brothers' inheritances willrightfully fall into my hands!"
A simple middle finger without looking back is his response to Andre's declaration.
"Bahala ka sa buhay mo. Saka 'wag mo akong tatawaging Fourth. Tigas talagang mukha mo, Andre."
"I will continue addressing you the way I want to address you, little brother."
"Fucker."
*****
Nia dramatically inhaled the air with arms extended on her sides the momentthey landed on the white beach of Fortejo Hotel and Resort. Maraming sangay angnasabing hotel at resort na nagkalat sa bansa. Dito sa Visayas ay pag-aari nila angmaliit na islang katabi ng Boracay. That same island was then developed intomembers only hotel and resort. Maliit lang ang isla. And overtime, it was dubbed asmini-Bora. Same white sand beach, world class amenities, and sunsets to die for.
Dati silang labas-masok sa islang 'yon bilang miyembro ng pamilya ng principal member. Pero kasabay ng pagkalugi ng negosyo ng tatay nila, kasama ring nag-expire ang membership ni Isidro Almonte doon. Kaya naman tuwang-tuwa siya at nagkaroon na siya ng pagkakataong makabalik doon. Afford naman nilang magkapatid ang membership kung tutuusin. They're not exactly paupers because they have the capacity to earn money.
But it was a luxury for the truly rich. Sa kasalukuyang financial conditions ngpamilya niya, matagal na nilang natutunan ang pagiging praktikal. Funny how life canteach you hard lessons in moments you were never ready to learn. Sa edad na beinte-sais, alam na ni Nia kung alin ang mga gastos na dapat at hindi dapat paglaanan ngpera. Isa na ang pagiging miyembro sa hotel at resort na ito. What she was after thisplace is not the services, but the golden opportunity to bring their products to thepromotional event.
Mahalaga sa kanya ang patuloy na exposure ng kanilang produkto sa iba'tibang sangay ng lipunan. And where would you find people willing to burn moneylike it's nothing? Dito mismo. Dahil pribadong isla, limitado ang slots sa mgapromotional event na idinaraos sa lugar. Kung ang mga K-Pop concerts ay pinipilahanat inaabangan ng fans, sa mundo ng ginagalawan ni Nia ngayon ay ang tsansangmakaapak at makapag-promote sa islang 'yon ang pinaka-highlight.
"Ma'am, dito po tayo."
Napukaw ang pagmumuni-muni ni Nia nang lapitan siya ng isa sa mga staff nasumalubong sa kanila. Mabilis siyang kumilos at sumunod sa babae, kasabay ng ilanpang mga taong imbitado sa event na 'yon. The event is scheduled for the next day,but they're a day early for the orientation and rules. Istrikto ang Fortejo Hotel andResort, lahat kailangang sumunod sa patakaran sa isla. Na dapat lang naman dahilhindi basta-basta ang mga taong nakakapasok doon.
Heightened ang security sa daungan pa lang kahit doon sa isla ng Boracay. Mula kasi doon ay inihatid sila ng mga bangka na pag-aari rin mismo ng resort. Napansin ni Nia na bagama't mahigpit ang security, hindi ito masyadong halata dahil pino ang pamamalakad. Walang uniformed guards. Halos lahat ng staff ay iisa ang tabas at kulay ng mga kasuotan.
She immediately distinguished the members of the security team on the beach.It was evident in the way their eyes scanned the boat and the passengers. Their stanceswere always vigilant, ready to spring into action at a moment's notice. Lihim siyangnapangiti. Ilang taon na rin mula noong huli nilang dalaw rito. Maraming pagbabagopero walang nagbago sa paraan kung paano pangalagaan ng lugar ang seguridad ngisla at mga bisita.
"Huy!"
Nag-angat siya ng tingin. Cyrene beamed at her, eyes twinkling.
"Nasa Pilipinas pa ba ang isip mo, boss? Mukhang malayo na narating, ah."
"Loka. Iniisip ko lang kung ano'ng mangyayari sa orientation." Nag-ikot siyang tingin habang naglalakad. "Ang daming imbitado. Mabuti na lang nakakuha tayong slot."
"Oo nga. Lahat na yata ng brands nandito. Hindi ko alam kung paano tayo naisingit ni Sir Jared. Hindi ba three months ago pa ang announcement ng event na 'to? Agad-agad ubos na ang slot."
"Nawalan na nga ako ng pag-asa nang makita ko ang final list ng participants.Walang nagawa ang mga koneksyon ko," pag-amin ni Nia.
"Baka may kakilala si Sir Jared, o kaya may nag-backout."
"Hmm. Siguro nga."
"Sino po dito ang representatives ng The Maanyag Project?" Naulinigan nina
Nia ang boses ng isa sa mga staff na kasama nila.Natigil sa paglalakad sina Cyrene at Nia, halos sabay ring nagtaas ng mgakamay.
"Kami po," si Cyrene.
Tumango ang staff at agad na lumapit sa kanila. She handed them a smallbrown envelope.
"Heto po ang mga information tungkol sa orientation. Mangyari pong pakibasa para may ideya na kayo. Magsisimula po ang orientation ala-una ng hapon. Nakalagay din po d'yan ang venue. Sa orientation na rin po namin ipamimigay ang mga ID n'yo para hindi kayo i-ban ng security personnel sa mga area na kailangan at applicable ang access n'yo. Room cards and number, nandito rin po. Nasa fourth floor po ang kuwarto n'yo."
Mabilis na nag-move on ang grupo. Naiwan sina Nia sa tapat ng elevator namaghahatid sa kanila sa ikaapat na palapag. After punching the button indicating theirfloor number, they rode in silence.
Pagdating sa hotel room ay pabagsak na inihiga ni Nia ang sarili sa ibabaw ng kama. Tig-isa sila ng higaan ni Cyrene. Thank God for small mercies then. Hindi siya sanay na may katabi. Kung sakaling single room lang ang ibinigay sa kanila ng management, plano na niyang humingi ng extra bedding. After staring at the ceiling for God knows how long, Nia rolled on her side and regarded her companion.
"Pasado alas-nuwebe pa lang, medyo mabigat pa ang tiyan ko sa breakfastnatin kanina sa main island. Baba na muna ako para maglakad-lakad. Kailangan ko ngspace para sa lunch." Tinapik-tapik ni Nia ang impis na tiyan.
"Sige, sige."
Pabirong binato niya ng unan ang babae.
"Tantanan mo na nga 'yang cellphone mo, uusok na 'yan. Ilang araw ka lang namang mawawala, ang OA n'yo pareho ng jowa mo."
Cyrene answered her with a tongue. "'Pag inggit, pikit!"
"Hindi ako naiinggit kaya ididilat ko'ng mga mata ko. Malay mo, makatisodako ng boyfriend material sa baba."
"Good luck kung ganoon, boss. Happy hunting!"
"I'm not hunting!"
Cyrene rolled her eyes.
"Kahit ano'ng trip mong itawag, sige lang. Ganoon pa rin naman 'yon. Kungsaan ka ba masaya, alam mong suportado kita. Fighting, pating!" Cyrene clenched herright fist and punched it in the air.
Moments later, Nia realized Cyrene's words worked well. In fact, too well.
Hindi pa man siya nakalalayo sa paglalakad sa dalampasigan ay agad umagaw ngpansin niya ang isang lalaking nakatayo ilang dipa ang layo sa kanya. His slightlylong hair was blown by the wind, allowing Nia the view of his side profile. Strongjaw, milky skin, dark hair falling in soft waves behind his head, Nia thought of theword perfection. Sa bawat galaw ng ulo ng lalaki ay kumikislap ang maliit na hikawna suot nito. Nakatungo ito sa cellphone na para bang may nababasang hindi kaaya-aya sa pagkakakunot ng noo.
There was something about him that warranted Nia's attention. His aura was too strong he didn't even need to try. Simpleng tayo lang nito doon ay mababaling at mababaling ang mga mata mo sa kanya. In fact, it wasn't just Nia who has her eyes on the guy. Babae man o lalaki na napapadaan ay napapalingon dito. Could it be his all- black attire? Or his pale skin commanding attention because it stands out against the black clothing? O ang malapad na balikat nito na para bang kayang-kaya nitong pasanin ang bigat ng mundo?
Gusto niya itong makita sa malapitan. Something about the guy triggered hercuriousity too strong that she lost her head for a moment. Against her better judgment,Nia's feet moved. Hindi mapuknat-puknat ang tingin niya sa lalaki. Ang alam niya aygusto niyang lumapit dito. May kung ano'ng kakaibang panghalina ito, at siya aymistulang gamu-gamong naaakit sa liwanag.
He's so easy on the eyes that watching him makes the side of her lip twitch into a smile. Kung makikita siya ni Cyrene ngayon o ng kaibigan niyang si Jared, malamang nakatikim na siya ng kurot sa pinakasulok-sulukan ng singit. And as she draws near him, she saw his crimson lips move, muttering under his breath as his eyes narrowed some more.
"What the fuck is this? I don't have time for this."
Halata ang gigil sa paraan ng pagpindot ng lalaki ng daliri nito sa screen ngcell phone.
Hearing his drawl set something alive in Nia. Kaya bago pa siyapanumbalikan ng linaw ng pag-iisip, natagpuan na lang niya ang sariling nasa likod ng lalaki. And damn it! He smells good that it took her by surprise, her mind momentarily blanked. Ipinilig niya ang ulo, pilit na inaalala kung ano dapat ang pakay niya kung kaya narito siya sa likod nito ngayon. She was supposed to ask for his name, right? Dahan -dahang umangat ang kamay ng dalaga at tinapik ang kanang balikat ng lalaki.
He whirled too fast than she could blink. At nang tuluyang tumambad angmukha ng lalaki sa kanya ay hindi kaagad nakahuma si Nia. Literal siyang napatanga,bahagyang nakaawang ang bibig pero hindi naman nakapagsalita. He's so beautifulit's illegal!
"What?" May angil ang mababang boses ng lalaki, lalong dumami ang linya sa noo nito nang malingunan siya.
"Hi! I'm Nia. What's your name?" she asked, eyes unblinking, drinking the sight of this beautiful human.
"Why do you want to know?" muling tanong ng lalaki.
Sumuyod ang itim na mga mata nito mula ulo hanggang paa ni Nia. Alin, kungibang lalaki lang ang gumawa sa kanya nang ganoon ay nakatikim na ng irap sakanya. Pero sa kaso nito, imbes na mairita ay parang natuwa pa siya. Nia beamed; hersmile brighter than it already is.
"So I can address you properly," aniya.
Kung inisip niyang wala nang ikukunot pa ang noo ng lalaki sa kasalukuyangpagkakakunot nito ngayon ay nagkakamali si Nia. Because her words doubled thefrown on his face. Fortunately, it didn't diminish the beauty in front of her.
"There is no need. Excuse me." Kaagad siyang iniwan ng lalaki.
Wala siyang nagawa kundi sundan ng tingin ang lalaki. Even with his back, helooked majestic, powerful even, like a pissed off ruler of this tiny island kingdom. Niasmiled to herself. Her right hand went to her stomach, trying to calm the flutteringfeeling in there.
"And the king dropped his crown, straight into my stomach, disturbing the
butterflies within.." Nia mumbled.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro