Forgotten Memories 8: Photos
Forgotten Memories 8: Photos
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa kinilos ni Baekhyun kagabi. Inihatid nya ako at nagmamadaling umalis, palaisipan pa rin sa akin kung umiyak sya kagabi kasi pagka-alis nya hinawakan ko yung kanang balikat ko at doon ko nalaman na basa iyon.
Bakit siya iiyak?
Yan ang tanong na nasa isip ko kagabi pa halos hindi din ako pinatulog ng tanong na yan kasi kahit anong isip ko ng mga posibleng dahilan kung bakit sya iiyak eh feeling ko walang tama.
8:00 nang umaga at 3oras pa lang ang tulog ko. Nagpasya na akong bumaba dahil alam kong nakahain na ang almusal sa ganitong oras ng mahagip ng mata ko yung kahon na hindi ko nabuksan kahapon dahil sa biglaang pagyaya sa akin ni Beakhyun. Umupo ako sa tapat nun at binuksan ito.
Puro litrato, maraming litrato.
Kumuha ako ng isa at tinignan itong mabuti maraming batang lalaki at isang batang babae. Lahat sila ay nakangiti bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Kumuha pa ako ng iba at tignan ito, biglang sumakit ang ulo ko napakaraming imahe ang nakikita ko, maraming boses ang naririnig ko,puro tawanan at asaran.
“Bakit kailangan mo pang umalis?” Tanong ng isang batang lalaki sa isang batang babae kasalukuyang naiiyak yung batang babae.
“Payat ayaw ko naman eh, ayaw kong iwan kayo pero ito yung gusto nila mommy” paliwanag nito pero walang emosyong makikita sa batang lalaki.
“Sabi mo walang iwanan tapos ngayon aalis ka?” Muli ay tanong nito nagsisimula na ring mamuo ang mga luha sa mata nito.
“Payat wag ka namang ganyan” sabi ng batang babae.
“Kapag umalis ka kalimutan na” matigas na sabi ng batang lalaki na mas lalong nagpaiyak sa batang babae.
“Nadine halika na” tawag ng isang babae dun sa batang babae. Matagal bago nakaresponse ang batang babae tila nalilito ito kung sino ang pipiliin.
“Sorry”sabi nito at tumakbo papalapit dun sa babaeng tumawag sa kanya.
“Ahh” napasigaw ako sa sobrang sakit ng ulo ko, tumulo na rin ang mga luha ko masakit masyadong masakit ang ulo ko. Patuloy pa rin ang paglabas ng mga imahe para siyang isang pelikula na muling ipinalabas.
“Bata halika sali ka sa amin” sabi ng batang si Chanyeol sa isang batang babaeng mag-isa sa park pero hindi sya pinansin ng bata. Lumapit sa kanya ang isa pang batang lalaki si Chen.
“Halika bata sali ka masaya yung lalaruin namin” pangungumbinsi nito. Pero umiling yung batang babae.
“Sige na sali ka” sabi ng batang si Kai
“Oo nga sali ka kulang kami ng isa eh” dagdag ng batang si Luhan
“Nadine!” Tawag sa kanya ng isang may edad na babae. Dali-dali namang tumakbo papunta dito ang batang babae pero sumunod yung mga batang lalaki sa kanya.
“Sino sila?” Tanong nung nakakatandang babae dun sa batang babae.
“Pwede po ba namin syang isali sa laro namin kulang po kasi kami ng isa eh” pagpapaalam ng batang si Dyo sa matanda.
“Oo naman bakit hindi?” Masayang sagot ng matanda. Nagliwanag naman ang mga mukha ng mga bata.
“Ayaw mo bang sumali sa kanila Nadine?” Tanong ng matanda sa batang babae. Umiling naman yung batang babae.
“Baka po magalit si Mommy” dahilan nito napangiti naman ang matanda.
“Ok lang yun sa mommy mo gusto nga nun magkaroon ka ng madaming kaibigan eh” paliwanag ng matanda. Sumibol naman sa batang babae ang isang ngiti.
“Talaga po?” Paninigurado ng bata at tumango naman ang matanda.
“Salamat po Nanang” sabi ng bata at niyakap pa ang matanda.
“Tara sali ako” masayang sabi ng batang babae sa mga bagong kakilala.
At doon nagsimula ang pagkakaibigan nila.
“Anong tawag mo sa akin?” Tanong ng batang si Xiumin sa bagong kaibigan.
“Taba” hindi na nakatingin na sagot ng batang babae. Kasalukuyan syang nagsusulat
“Bakit taba?” Tanong ni Xiumin
“Kasi mataba yung pisngi mo” sagot nito .
“Guys bumalik na si Baek” sigaw ni Chanyeol na nagpasaya sa mga batang lalaki.
“Talaga?” Masayang tanong ni Kai tumango naman si Chanyeol
“Sino yung dumating?” Tanong ng batang babae dun sa katabi nyang si Kris.
“Si Baekhyun” sagot nito. Nagtaka naman yung batang babae.
“Baekhyun? Sino yun?” muli ay tanong nito.
“Baek!” Pero hindi na sya nasagot dahil may dumating na isang batang di nya kakilala. Masaya silang lahat pwera sa kanya.
“Baek si Nadine bago nating kaibigan” pakilala ni Tao dun sa batang babae kanina pa nakasimangot kasi hinsi sya pinapansin.
“Hi ako nga pala si Baekhyun” pakilala ng batang si Baekhyun.
Pero umirap lang yung bata at “Ang payat mo naman” komento nya na nagpatawa sa lahat.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Sarreh sa late Update XD
Comment ka please *O*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro